Hinahanap Ko ang Landas upang Makilala ang Diyos

Setyembre 30, 2019

Xiaocao Lungsod ng Changzhi, Lalawigan ng Shanxi

Isang araw, nakita ko ang sumusunod na sipi na bahagi ng salita ng Diyos “Paano Nakilala ni Pedro si Jesus”: “Sa panahong sinundan niya si Jesus, minasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat tungkol sa Kanyang buhay: Kanyang mga kilos, salita, galaw, at pagpapahayag. … Mula sa panahon ng kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus, nakita rin ni Pedro na ang Kanyang pagkatao ay iba sa isang ordinaryong tao. Palagi Siyang matatag at hindi nagmamadali kailanman kung kumilos, hindi labis ni kulang sa isang paksa kailanman, at namuhay Siya sa isang paraang naghayag ng isang katangian na kapwa normal at kahanga-hanga. Sa pakikipag-usap, simple at kaaya-ayang magsalita si Jesus, na palaging nakikipag-ugnayan sa masaya subalit mahinahong paraan—subalit hindi nawala kailanman ang Kanyang dignidad samantalang isinasagawa ang Kanyang gawain. Nakita ni Pedro na kung minsan ay walang imik si Jesus, samantalang sa ibang mga pagkakataon naman ay wala Siyang tigil sa pagsasalita. Kung minsan ay napakasaya Niya kaya mukha Siyang isang paluksu-lukso at tuwang-tuwang kalapati, at sa ibang mga pagkakataon naman ay napakalungkot Niya kaya hindi man lamang Siya talaga nagsasalita, na mukhang puno ng dalamhati na parang pagod na pagod na ina. Kung minsan galit na galit Siya na parang isang matapang na sundalo na lumulusob para patayin ang isang kaaway o, sa ilang pagkakataon, mukha pa nga siyang isang umuungol na leon. Kung minsan tumatawa Siya; kung minsan naman nagdarasal Siya at umiiyak. Paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang-hanggang pagmamahal at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ay pinuspos siya ng kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ay isinadlak siya sa pighati, ang Kanyang galit ay tumakot sa kanya, samantalang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at mahihigpit na kahilingan Niya sa mga tao ay naging dahilan para tunay niyang mahalin si Jesus at magkaroon ng tunay na pagpipitagan at pananabik sa Kanya. Siyempre pa, unti-unti lamang natanto ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Naisip ko pagkatapos na basahin ang siping ito: Hindi nakapagtataka na magagawang makamit ni Pedro ang kaalaman tungkol sa Diyos! Lumalabas na ito ay dahil sa noong panahon na namuhay siyang kasama ni Jesus araw at gabi, personal niyang nasaksihan ang bawat salita at bawat galaw ni Jesus, at mula roon ay higit niyang natuklasan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Ngayon din ang kapanahunan nang maging tao ang Diyos upang personal na manaog sa daigdig ng tao para gumawa. Kung papalarin din akong magkaroon ng pagkakataon na makasalamuha ang Diyos at gumugol ng oras na magkasama tulad ng kay Pedro, kung gayon hindi ba’t makikilala ko rin nang husto ang Diyos? O! Nakakalungkot na ngayon ay maaari ko na lamang basahin ang salita ng Diyos ngunit hindi naman makikita ang mukha ni Cristo. Kung gayon paano ko matatamo ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos?

Kung kailan nalungkot at nabigo ako tungkol dito, niliwanagan ako ng mga salita ng Diyos: “Ang pagkilala sa Diyos ay kailangang maisagawa sa pamamagitan ng pagbasa at pag-unawa sa mga salita ng Diyos. Sinasabi ng ilan: ‘Hindi ko pa nakikita ang Diyos na nagkatawang-tao, kaya paano ko makikilala ang Diyos?’ Sa katunayan, ang mga salita ng Diyos ay isang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon. Mula sa mga salita ng Diyos, makikita mo ang Kanyang pagmamahal at pagliligtas para sa mga tao, gayundin ang Kanyang pamamaraan ng pagliligtas sa kanila…. Ito ay dahil ang Kanyang mga salita ay ipinahayag ng Diyos Mismo, hindi isinulat ng mga tao. Personal na ipinahayag ng Diyos ang mga ito; ipinapahayag ng Diyos Mismo ang sarili Niyang mga salita at tinig na nasa Kanyang kalooban. Bakit tinatawag ang mga ito na mga salitang nagmumula sa puso? Dahil ang mga ito ay nagmumula sa kaibuturan, at nagpapahayag ng Kanyang disposisyon, Kanyang kalooban, Kanyang mga iniisip, Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan, Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at Kanyang mga inaasahan sa sangkatauhan…. Kasama sa mga pahayag ng Diyos ang masasakit na salita, at banayad at may konsiderasyong mga salita, gayundin ang ilang salitang nagbubunyag na hindi naaayon sa mga naisin ng tao. Kung titingnan mo lamang ang mga salitang nagbubunyag, maaari mong madama na medyo mabagsik ang Diyos. Kung titingnan mo lamang ang mga banayad na salita, maaari mong madama na hindi gaanong makapangyarihan ang Diyos. Samakatuwid ay hindi mo dapat unawain ang mga ito nang wala sa konteksto; sa halip, tingnan mo ang mga ito mula sa bawat anggulo. Kung minsan ay nagsasalita ang Diyos mula sa isang banayad at mahabaging pananaw, at pagkatapos ay nakikita ng mga tao ang Kanyang pagmamahal para sa sangkatauhan; kung minsan ay nagsasalita Siya mula sa napaka-istriktong pananaw, at pagkatapos ay nakikita ng mga tao ang Kanyang disposisyon na hindi magkukunsinti sa kasalanan. Ang tao ay nakalulungkot ang karumihan, at hindi siya karapat-dapat na tumingin sa mukha ng Diyos o humarap sa Kanya. Tinutulutan na ngayon ang mga tao na humarap sa Kanya dahil lamang sa Kanyang biyaya. Makikita ang karunungan ng Diyos sa paraan ng Kanyang paggawa at sa kabuluhan ng Kanyang gawain. Nakikita pa rin ng mga tao ang mga bagay na ito sa mga salita ng Diyos, kahit walang anumang tuwirang pakikipag-ugnayan mula sa Kanya(“Paano Kikilalanin ang Diyos na Nagkatawang-tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang mga salita ng Diyos ang biglang nagpakita sa akin ng liwanag. Oo! Ang Diyos sa katawang-tao ng mga huling araw ay nagamit na ang Kanyang salita upang ipahayag ang lahat ng Kanyang disposisyon sa tao, na pinahihintulutan ang tao na makita sa pamamagitan ng salita ng Diyos ang Kanyang dakilang kapangyarihan, ang Kanyang pagiging kataas-taasan, ang Kanyang kababaang-loob at pagiging lihim, ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, at higit pa riyan ay maunawaan ang Kanyang mga kagalakan at mga kalungkutan, at makilala kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Sapat na ito upang ipakita na ang pagbabasa ng salita ng Diyos at pagdanas sa salita ng Diyos ang tanging landas upang makilala ang Diyos. Kung lumayo ako sa salita ng Diyos, kung gayon, ano ngayon kahit na makita ko ang Diyos sa katawang-tao? Hindi ba’t nakita rin ng mga Fariseo si Jesus noon? Kaya bakit nila ipinako si Jesus sa krus? Hindi ba’t dahil hindi sila nakinig sa mga salita ni Jesus, sila ay mapagmataas at matigas ang ulo na pinanghawakan ang kanilang sariling mga pagkaintindi at imahinasyon, at nilabanan at hinatulan ang Panginoong Jesus batay sa iyang maliit na piraso ng mga banal na kasulatan na naunawaan nila? Sa kabilang dako naman, nakilala ni Pedro si Jesus dahil magagawa niyang bitawan ang kanyang sariling mga pagkaintindi at imahinasyon, nakikinig nang mabuti sa mga salita ng Panginoong Jesus, at naging mahusay sa maingat na pagninilay ng bawat salita at pangungusap na binigkas ni Jesus. Sa pamamagitan ng mga pagbigkas at gawain ng Panginoong Jesus nakilala niya ang disposisyon ng Diyos at ang lahat ng mayroon at kung ano Siya, at sa huli ay nagtatamo ng tunay na kaalaman sa Diyos. Hindi pa ba sapat na ipinaliwanag ng matibay na katotohanang ito na maaari lamang makilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang salita? Bukod pa riyan, yaman din lamang na ang pangunahing gawain ng Diyos sa katawang-tao ng mga huling araw ay ang gawain ng salita, hindi ba’t kapakinabangan ko ito upang makilala ang Diyos?

Habang iniisip ko nang lubos ang aking dating lohikal na pangangatuwiran ay mas nadama ko ang aking sariling kaabahan, kamangmangan at pagka-isip bata. Hinawakan ko sa bawat araw ang salita ng Diyos sa aking mga kamay, kinain at ininom ang salita ng Diyos, binasa ang salita ng Diyos, at naranasan ang salita ng Diyos, ngunit hindi ko minahal nang husto ang salita ng Diyos, sa pag-iisip na magagawa ko lamang na makilala ang Diyos kapag nakita ko ang mukha ni Cristo. Tunay nga akong namumuhay sa isang pinagpalang buhay at hindi pinahahalagahan ito! O Diyos! Salamat sa pagbubunyag at pagbabago sa aking maling paraan ng pag-alam at sa pagpapakita sa akin ng landas ng pagkilala sa Diyos. Mula ngayon, mananabik akong basahin ang Iyong salita, pagninilay-nilayin ang Iyong salita, hahangarin na maunawaan ang Iyong mga kagalakan at kalungkutan sa pamamagitan ng Iyong salita, at maging sa pamamagitan ng higit pang pagtuklas ng Iyong pagiging kaibig-ibig ay lalo pang makilala Ka.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paano Tingnan ang Iyong Tungkulin

Ni Zhongcheng, TsinaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pinakamahalagang kailangan sa pananampalataya ng tao sa Diyos ay na mayroon siyang...

Ang Pinsalang Gawa ng Inggit

Ni Yi Ning, Tsina Kailan lang nang mahalal ako bilang isang lider ng iglesia, upang pangasiwaan ang gawain ng ilang iglesia. Hindi...