Matapos Mawala Ang Aking Katayuan

Setyembre 24, 2019

Huimin    Lungsod ng Jiaozuo, Lalawigan ng Henan

Tuwing nakakakita o nakakarinig ako ng isang taong napalitan bilang isang pinuno at nalungkot ito, nanghina o nagtampo, at hindi na ginugustong sumunod pa, gayon ay minamata ko sila. Inisip ko na ito’y walang iba kundi ang iba’t-ibang mga tao na mayroong iba’t-ibang tungkulin sa loob ng iglesia, na walang pagkakaiba ang mataas o mababa, na tayong lahat ay mga nilalang ng Diyos at walang dapat na ikalungkot. Kaya ako man ay nag-aalaga ng bagong mga mananampalataya o namumuno sa isang distrito, hindi ko naisip na lubos akong nakatuon sa aking katayuan, na ako ay ganoong uri ng tao. Hindi ko lubos maisip na ako ay magpapakita ng ganoong kahiya-hiyang kilos nang ako na ang palitan …

Dahil sa ang aking paggawa ay hindi nagbunga ng anuman sa ilang panahon, pinalitan ako ng aking pinuno. Nang panahong iyon, naisip kong kahit na ang aking kakayahan ay hindi angkop sa pagiging lider ng distrito, dapat pa rin akong tulutan sa gawaing pagdidilig o pag-iingat. Hindi ko kailanman inasahan sa aking pinuno na gawin akong tagagawa ng karaniwang gawain. Nagulat ako noon, iniisip na ang isang marangal na punong-pandistrito na tulad ko ay sa ngayo’y inuutusang gumawa ng mga gawain, at ang sinuman sa iglesia na marunong magpatakbo o may kaunting kaalaman ay makakayang gawin ang ganitong gawain. Hindi ba’t ang pagtatalaga sa akin sa ganitong gawain ay malinaw na pagsasayang ng aking mga kakayanan? Subali’t itinago ko ang damdamin ko sa aking sarili, takot na sabihin ng aking mga kapatid na babae na ako ay masuwayin, na iniingatan ko ang aking katayuan. Nguni’t pagdating ko ng bahay, bumabagsak ako sa kama at masama ang loob. Iniisip na walang katayuan mula ngayon at iniisip kung paano ako titingnan ng aking mga kapatid ay napuno sa aking ulo. At ang ipagawa sa akin ang mga maliliit na gawain—paano ako muling magkakaroon ng araw ko? Habang mas iniisip ko ito, lalo lamang sumasama ang loob ko.

Pagkaraan ng ilang araw, nakita ko ang kapatid na babae na nag-ayos ng gawa para sa akin. Nang makita ko siya, binigyan niya ako ng pagbabahagi, na nagsasabing, “Ang paggawa ng gawaing ito ay mukhang madali, nguni’t kailangan pa ring gawin ito ng may pagmamahal,” at napunta sa usapan tungkol sa katotohanan sa ganoong mga aspeto tulad ng karunungan at pagiging masunurin. Bumulong akong walang inaayunan, habang ang puso ko ay tila nag-aapoy, nag-iisip na, “Binibigyan mo ako ng pagbabahagi? Parang wala akong alam! Hindi ba’t ako ang nagbigay sa iyo ng pagbabahagi sa simula? Ngayon ay ikaw ang nagsasabi niyon.” Wala ni isang salita ng pagbabahagi ng aking kapatid ang naintindihan; sa halip ay minasama ko pa ang kanyang pigiging masalita. Sa huli ay sinabi ko nang may pagkainip, “Mayroon pa ba? Kung wala na, paalis na ako!” Nang ako ay makabalik, lagi kong iniisip bakit ako may ganoong pakikitungo sa aking kapatid. Kung ang kanyang katayuan ay naging laging mas mataas kaysa sa akin o kapantay nito, ituturing ko ba siya ng ganito? Hindi, hindi ganoon. Talagang hindi! Hindi kaya ito dahil lagi akong namuno sa kanya, at ngayon siya naman ang nagtuturo sa akin ng mga bagay na hindi ko naman pinaniniwalaan? Hindi ba ito nagpapakita na pinangingibabawan ako ng pag-iisip sa katayuan? Bigla akong nakaramdam ng di-mabuti tungkol sa aking kahiya-hiyang gawi at ang mga salita ng Diyos sa paghatol ay sumaisip ko: “Habang mas naghahanap ka sa ganitong paraan, mas kakaunti ang napapala mo. Kapag mas matindi ang paghahangad ng isang tao sa katayuan, kailangan ay mas mahigpit siyang pakitunguhan at mas nararapat siyang sumailalim sa matinding pagpipino. Ang gayong klaseng mga tao ay walang kuwenta! Kailangan silang pakitunguhan at hatulan nang sapat upang lubusan nilang talikuran ang mga bagay na ito. Kung magpapatuloy kayo sa ganitong paraan hanggang sa huli, wala kayong mapapala. Yaong mga hindi naghahangad na matamo ang buhay ay hindi maaaring mabago, at yaong mga hindi nauuhaw sa katotohanan ay hindi matatamo ang katotohanan. Hindi ka nagtutuon sa paghahangad na matamo ang personal na pagbabago at pagpasok, kundi sa halip ay sa maluluhong pagnanasa at mga bagay na pumipigil sa iyong pagmamahal sa Diyos at humahadlang sa iyo na mapalapit sa Kanya. Mababago ka ba ng mga bagay na yaon? Madadala ka ba ng mga iyon papasok sa kaharian? Kung ang pakay ng iyong paghahangad ay hindi para hanapin ang katotohanan, mabuti pang samantalahin mo ang pagkakataong ito at bumalik ka sa sanlibutan upang subukang gawin iyon. Ang pagsasayang ng iyong panahon sa ganitong paraan ay talagang hindi sulit—bakit mo pahihirapan ang iyong sarili?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?). Habang nililimi ang mga salita ng Diyos at nag-iisip tungkol sa aking sarili, natanto ko na ang pinagsisikapan ko ay hindi talaga ang katotohanan, at hindi ko hinahanap na bigyang-kasiyahan ang Diyos, sa halip ito ay katanyagan, pagtamo at katayuan. Kapag may katayuan, ang tiwala ko ay dumarami ng daang ulit; pag wala ito, pakiramdam ko’y naiimpis ako, bugnutin at walang-loob na hindi ako mapilit na magtrabaho. Ako ay lubhang nadala ng aking katayuan, nag-aabala sa sarili buong araw sa paggawa ng maliliit at walang-halagang mga bagay at nagsasayang ng maraming oras; at ano ang ibinibigay nito sa akin sa huli? Ang kahiya-hiyang gawi na ipinakita ko ngayon? Sa pag-iisip ng lahat ng ginawa ng Diyos para sa akin, hindi lamang hindi ko inaliw ang puso ng Diyos sa tiwalang ibinigay Niya sa akin, nguni’t sa kabalintunaan, kinayamutan ko pa ang gawaing ibinigay Niya sa akin bilang napakababa at ayaw ko itong gawin. Kaya ako ba ay nakikitungo sa aking sariling konsensya? Nagpasalamat ako sa Diyos sa Kanyang paglalahad na nagtulot sa aking makita ang kahiya-hiyang paghahangad ko sa aking katanyagan, pagtamo at katayuan, at makilala na ako ay naging mapagmataas, lubhang mayabang at naglagay ng sobrang pagpapahalaga sa katayuan. At noon ay naisip ko isang ang awit: “Diyos ko! May katayuan man ako o wala, nauunawaan ko na ngayon ang aking sarili. Kung mataas ang katayuan ko iyon ay dahil sa Iyong pagtataas, at kung ito ay mababa iyon ay dahil sa Iyong pagtatalaga. Lahat ay nasa Iyong mga kamay. Wala akong anumang mga pagpipilian, ni anumang mga reklamo. … Ang dapat ko lamang gawin ay maging ganap na masunurin sa ilalim ng Iyong kapamahalaan dahil lahat ay nakapaloob sa Iyong naitalaga. … Kung kakasangkapanin Mo ako, isa lamang akong nilalang. Kung gagawin Mo akong perpekto, isa pa rin akong nilalang. Kung hindi Mo ako gagawing perpekto, mamahalin pa rin Kita dahil isa lamang akong nilalang(“Isa Lamang Akong Napakaliit na Nilikha” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Inawit ko ang awiting ito nang paulit-ulit, bumubuhos ang luha sa aking mga mata, at ako ay nanalangin sa Diyos: O Diyos! Sa Iyong mga salita nauunawaan ko ang Iyong mga layunin. Maging mataas man o mababa ang aking katayuan, ako ay Iyong nilalang at dapat na lubos na sumunod sa mga pag-aayos na ginawa Mo, na dapat lubos na magsumikap na gampanan ang tungkuling inaasahan Mo sa Iyong mga nilalang at huwag maging mapili sa anumang Iyong ipinagkatiwalang ipagawa sa akin. O Diyos! Minimithi kong sundin ang Iyong mga pag-aayos, ang humarap sa Iyo na gumagawa tulad ng baka at sa Iyong pagtatalaga, kailanma’y hindi muling gagawa ng mga bagay na magpapahirap sa akin o makasasakit sa Iyo para lamang sa katayuan. O Diyos! Hinahangad ko lamang na pakitunguhan Mo ako at hatulan ng higit pa, upang magawa kong iwan ang paghahangad ko sa katayuan, na isuko ang mga bagay na pumipigil sa aking mapalapit sa Iyo at magmahal sa Iyo, at gawin ang aking buong-kaya sa pagganap ko ng aking tungkulin ng buong katapatan.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pinakamakabuluhang Pasya

Ni Víctor, Uruguay Noong kabataan, sinunod ko ang mga magulang ko sa pananalig sa Panginoon. Nang lumaki na ako, nagtrabaho ako sa...