Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalingan

Mayo 15, 2018

Xiaojing Lungsod ng Xiaojing Heze, Lalawigan ng Shandong

Sa bawat pagkakataong nakita ko ang mga salita ng Diyos na tumatawag sa atin upang maging matatapat na tao at magsalita nang tumpak, naisip ko, “Wala akong problema sa tumpak na pagsasalita. Hindi ba’t ito ay pagtawag lamang sa isang ispada na ispada at pagsasabi sa mga bagay bilang sa kung ano ang mga ito? Hindi ba’t madali iyan? Ang laging pinaka-nagpagalit sa akin sa mundong ito ay ang mga taong mapagpaganda kapag nagsalita sila.” Dahil dito, nadama ko ang sobrang kumpiyansa, na nag-iisip na wala akong problema sa bagay na ito. Ngunit sa pamamagitan lamang ng pagbubunyag ng Diyos na natuklasan ko na, ang isa ay hindi maaaring magsalita ng tumpak nang hindi pumapasok sa katotohanan o nagbabago ng disposisyon.

Sa isang pagkakataon, nakita ko na si XX ay walang pag-iingat at konsiderasyon sa pisikal na kapakanan ng ibang mga tao, kaya sinabi ko na wala silang habag. Pagkatapos, sa pamamagitan lamang ng pagbabahagi na naunawaan ko na ang ating tunay na pag-ibig sa isa’t isa ay pangunahing nakalangkap sa palitang suporta at tulong na dinadala natin sa ating pagpasok sa buhay. Sa isa pang pagkakataon, nang makita ko si XX na nagwawaldas ng ilang dolyar sa paraan ng kanilang tungkulin, sinabi ko na ang taong ito ay may likas na sobrang pagkagahaman. Nang maglaon ko lamang naunawaan na may pagkakaiba sa pagitan ng mga tao na nagpapakita ng isang maliit na tiwaling disposisyon at pagiging ganitong uri ng kalikasan. Pagkatapos ay may isa pang pagkakataon nang tanungin ako ng aking lider tungkol sa kalagayan ng isang kapatid na babae. Sapagkat nagkaroon ako ng ilang mga pag-aakala tungkol sa kapatid na ito, kahit na alam ko noon na dapat akong gumawa ng isang walang pinapanigang ulat, hindi ko pa rin mapigilan ang magsalita ng labis tungkol sa katiwalian na ipinakita niya, at hindi magsabi ng isang salita tungkol sa kanyang mga magagandang katangian. Kapag nagkaroon ng mga paglilihis o kamalian sa aking sariling trabaho, palagi kong iniuulat ang sitwasyon sa mga lider nang lihim, na itinatago ang katotohanan sa mga katunayan upang maprotektahan ang aking sariling mukha at kalagayan. …

Sa pagharap sa gayong mga pangyayari, lubos akong nagulumihanan: Bakit ba ang aking puso ay nais na magsalita ng katotohanan, na magsalita ng tumpak, ngunit kapag ibinuka ko ang aking bibig ay hindi ako makapagsalita nang tama o tumpak? Sa tanong na ito, nagpunta ako sa harapan ng Diyos upang manalangin at humingi ng patnubay. Pagkatapos, nabasa ko ito sa isang sermon: “Bakit hindi kailanman makapagsalita nang wasto ang mga tao? May tatlong pangunahing dahilan: Ang isang dahilan ay dahil sa mga maling pagpapalagay ng mga tao. Ang paraan ng pagtingin nila sa mga bagay ay mali, kaya nagsasalita din sila ng hindi tumpak. Ang ikalawang dahilan ay masyadong kulang ang kanilang kakayahan. Ginagawa nila ang mga bagay nang padalus-dalos nang walang anumang praktikal na pagsisiyasat at gusto nilang makinig sa sabi-sabi, na ang resulta ay nahuhulog sila sa pagdaragdag ng maraming mga pagpapaganda. May isa pang dahilan, kung saan ang mga tao ay may masasamang disposisyon. Gumagamit sila ng isang paghahalo ng mga personal na intensyon kapag nagsasalita sila at, upang makamit ang kanilang sariling mga layunin, gumagawa sila ng mga kasinungalingan upang manloko sa iba at sadyaing pilipitin ang katotohanan upang linlangin ang mga tao. Ang sitwasyong ito ay gawa ng tao, at dapat na malutas sa pamamagitan ng paghanap sa katotohanan at sa pamamagitan ng pagkilala sa sariling kalikasan ng isang tao” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Nang nakita ko ang mga salitang ito ay bigla kong nakita ang liwanag. Ngayon ay nakita ko na ang magsalita ng tumpak ay hindi kasingdali ng inakala ko. Maraming mga kadahilanan na maaaring makapagpasalita sa mga tao nang hindi tumpak, tulad ng mga pananaw ng mga tao na maling mapangahas, walang katotohanan, walang realidad o may tiwaling disposisyon. Sa aking sarili naman, kapag nakita ko ang mga iba na mukhang gagawa ng mga bagay sa isang paraan na hindi ayon sa aking sariling mga kaisipan, masyado akong mabilis na hatulan sila bilang walang awa. Kapag nakita ko ang mga iba na nagpapakita ng isang maliit na tiwaling disposisyon, itinuring ko sila bilang isang tiyak na uri ng tao. Kapag may opinyon ako sa ibang tao at iniulat ang kanilang sitwasyon, palalabisin ko ang mga katunayan at dadagdagan ng mga pagpapaganda. Sa pagsasagawa ng aking tungkulin, para sa kapakanan ng aking sariling mga interes ay dadayain ko ang mga iba at lilinlangin ang Diyos. … Hindi ba’t ang mga pangyayari at ekspresyong ito ay ganap na dumating dahil sa hindi pa ako pumasok sa katotohanan, dahil ang aking pananaw ay maling mapangahas, dahil walang pagbabago sa aking disposisyon? Ngayon ko lamang nauunawaan: Kapag lamang nauunawaan ng isa ang katotohanan, pumapasok sa katotohanan at binabago ang kanilang disposisyon na maaari nilang walang pagkakamaling makita ang mga nilalayong katotohanan at patas at makatarungang tingnan ang bawat bagay na nangyayari sa kanila. Kung walang pagtataglay ng katotohanan, ang isa ay hindi maaaring makaunawa sa diwa ng problema at sa gayon ay hindi makapagsasalita ng tumpak. Sa pamumuhay sa tiwaling laman, na may di-nabagong disposisyon at paggawa ng mga bagay para sa sariling mga hangarin at layunin, ay lalong hindi maasahan na ang isa ay makapagsasalita ng tumpak.

O Diyos! Nagpapasalamat ako sa Iyong pagliliwanag at pagpatnubay na nagpaunawa sa akin na ako ay napakawalang muwang at hangal upang hawakan ang pananaw na makapagsasalita ako ng tumpak sa pamamagitan ng pagsalalay sa sarili kong kalikasan at pagbatay sa sarili kong pagtitiyaga! Na nakapagmamalaki ako sa ganitong mapagmataas, ignoranteng paraan ay higit na nagbubunyag sa kung gaanong lubos na hindi ko nakilala kung gaano ako kalalim na pinasama ni Satanas. Mula ngayon, nais kong maglaan ng higit na pagsisikap sa paghahanap ng katotohanan, hindi magtangi ng pagsisikap sa pagsunod sa pagbabago sa aking disposisyon, sanayin ang pagtingin sa mga tao at bagay alinsunod sa mga salita ng Diyos, at magsumikap na sa madaling panahon ay maging matapat na tao na parehong nagsasalita ng tumpak at gumagawa sa kataimtiman.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Diyos ay Napakamatuwid

Ni Zhang Lin, JapanNoong Setyembre 2012, ako ang namamahala sa gawain sa iglesia nang makilala ko ang pinuno kong si Yan Zhuo. Nalaman kong...

Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Leave a Reply