Ang Iniiwasan Ko sa Pagtalikod sa Aking Tungkulin

Marso 28, 2023

Noong nakaraang taon, isa akong lider ng grupo sa iglesia, ako ang nangangasiwa sa ilang grupo ng pagtitipon. Pakiramdam ko ay naaangkop ako sa tungkuling iyon, at kapag nagkakaproblema ang mga kapatid, palagi silang lumalapit para hingin ang tulong ko. Sinabi pa nga ng ilan na mayroon akong napakatumpak na interpretasyon sa mga isyu at nagbabahagi nang malinaw, kaya handa silang makinig sa pagbabahagi ko. Napakasarap sa pakiramdam na makuha ang respeto at papuri ng iba sa tungkuling ito at talagang nasiyahan ako sa pakiramdam na iyon. Isang araw noong Marso, si Sister Lydia, na siyang namamahala sa gawaing tekstuwal, ay kinontak ako at tinanong kung nais kong magsanay sa paggawa ng tekstuwal na gawain. Nagulat ako nang marinig iyon. Akala ko na ang paggawa ng tekstuwal na gawain ay nangangailangan ng mahusay na kakayahan, ng pagkaunawa sa katotohanan, at mahusay na kasanayan sa pagsusulat. Pangkaraniwan lang ang kakayahan ko at hindi ako pamilyar sa tekstuwal na gawain, kaya kinuwestiyon ko kung magiging mahusay ba ako rito. Kung hindi ako magiging mahusay at malilipat ako, ano na lang ang iisipin sa akin ng iba? Hindi ba’t ipapakita lang niyon kung gaano ako kawalang-kakayahan? Pakiramdam ko ay dapat manatili na lang ako sa kasalukuyan kong trabaho. Sa mga grupong iyon, nakakakuha ako ng medyo magagandang resulta, bihira akong iwasto o tabasan, at nirerespeto at sinasang-ayunan ako ng lahat ng kapatid. Kaya ayokong gumawa ng tekstuwal na gawain at patuloy na nagsisikap na makaiwas dito. Gusto ko lang ang ginhawa at katatagan ng kasalukuyan kong tungkulin. Tapos, nagulat ako, bumalik si Lydia pagkalipas lang ng sampung araw para sabihin sa akin na kulang sa tauhan ang tekstuwal na gawain at para magbahagi sa akin sa pagsunod sa kalooban ng Diyos at hindi pagiging kampante. Hiniling niya sa akin na magdasal at humingi ng patnubay, at huwag basta-bastang balewalain ang pagkakataong ito. Alam kong tama si Lydia, pero hindi ko lang talaga matanggap ang sinasabi niya. Pakiramdam ko ay pangkaraniwan ang kakayahan ko at wala akong mahusay na kasanayan sa pagsusulat, kaya tiyak na ako ang magiging pinakamahina. Kung hindi pa rin ako magiging mahusay pagkatapos magsanay saglit, at malilipat ako, magiging kahiya-hiya iyon. Naisip ko na mas makabubuti sa akin kung ipagpapatuloy ko na lang ang kasalukuyan kong tungkulin.

Pagtagal-tagal, nagtapat ako sa isang brother tungkol sa kalagayan ko noong panahong iyon. Pagkatapos makinig, prangka niyang sinabi: “Hindi ba’t medyo nagiging tuso ka sa pagharap sa mga bagay-bagay?” Talagang tinamaan ako nang marinig na tinawag niya akong tuso. Naisip ko: “Hindi ko sinusubukang magpakatamad at iraos lang ang gawain. Wala talaga akong mahusay na kakayahan at hindi ako magaling magsulat. Paano mo nasabing nagiging tuso ako?” Wala akong sinabi, pero sa isip ko ay patuloy kong ipinagtatanggol ang sarili ko at hindi tinatanggap ang mga pagpuna. Gayunpaman, alam kong may matututuhan ako sa paalala ng kapatid ko. Kaya, naghanap ako ng mga nauugnay na sipi sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Anong uri ng tao ang nangangahas na umako ng responsabilidad? Anong uri ng tao ang may tapang na magdala ng mabigat na pasanin? Isang taong nangunguna at matapang na humaharap sa mahalagang sandali ng gawain ng sambahayan ng Diyos, na hindi takot pumasan ng mabigat na responsabilidad at magtiis ng matinding hirap, kapag nakikita niya ang gawain na pinakaimportante at pinakamahalaga. Iyon ang isang taong matapat sa Diyos, isang mabuting kawal ni Cristo. Tama ba na ang lahat ng natatakot managot sa kanilang tungkulin ay natatakot dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan? Hindi; isa itong problema sa kanilang pagkatao. Hindi sila makatarungan o wala silang pagpapahalaga sa responsabilidad. Sila ay mga makasarili at masasamang tao, hindi mga taos na mananampalataya sa Diyos. Hindi man lang nila tinatanggap ang katotohanan, at dahil sa mga kadahilanang ito, hindi sila maaaring maligtas. Ang mga mananampalataya sa Diyos ay kailangang magbayad ng malaking halaga upang matamo ang katotohanan, at makahaharap nila ang maraming balakid sa pagsasagawa niyon. Kailangan nilang talikdan ang mga bagay-bagay, abandonahin ang kanilang mga interes para sa laman, at magtiis ng ilang pagdurusa. Saka lamang nila maisasagawa ang katotohanan. Kaya, maisasagawa ba ng isang taong takot humawak ng responsabilidad ang katotohanan? Tiyak na hindi, at lalong hindi niya matatamo ang katotohanan. Takot siyang isagawa ang katotohanan, na magdulot ng kawalan sa kanyang mga interes; takot siya na mapahiya, mahamak, at mahusgahan. Hindi siya nangangahas na isagawa ang katotohanan, kaya hindi niya matatamo ito, at kahit ilang taon pa siyang naniniwala sa Diyos, hindi niya matatamo ang pagliligtas ng Diyos. Ang mga maaaring gumanap ng tungkulin sa sambahayan ng Diyos ay dapat mga taong tumatanggap ng pasanin para sa gawain ng iglesia, tumatanggap ng responsabilidad, nagtataguyod sa mga prinsipyo ng katotohanan, nagdurusa at nagbabayad ng halaga. Kung nagkukulang ang isang tao sa mga aspetong ito, hindi siya akmang gumanap sa isang tungkulin, at hindi niya tinataglay ang mga kundisyon sa pagganap ng tungkulin. … Kung pinoprotektahan mo ang sarili mo sa tuwing may nangyayari sa iyo at nag-iisip ka ng paraan para makatakas, isang lihim na paraan, isinasagawa mo ba ang katotohanan? Hindi ito pagsasagawa ng katotohanan—ito ay pagiging tuso. Ginagampanan mo ang iyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos ngayon. Ano ang unang prinsipyo sa pagganap ng isang tungkulin? Iyon ay ang kailangan mo munang gampanan ang isang tungkulin nang buong puso mo, na ginagawa ang lahat, upang maprotektahan mo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ito ay isang prinsipyo ng katotohanan, isang prinsipyong dapat mong isagawa. Ang pagprotekta sa sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng paraan para makatakas, isang lihim na paraan, ay ang prinsipyo ng pagsasagawa na sinusunod ng mga hindi nananalig, at ang pinakamataas nilang pilosopiya. Isinasaalang-alang muna ang sarili sa lahat ng bagay at inuuna ang sariling mga interes bago ang lahat, hindi iniisip ang iba, walang pakialam sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at sa mga interes ng iba, iniisip muna ang sariling mga interes at pagkatapos ay iniisip kung paano makakatakas—hindi ba ganyan ang isang hindi nananalig? Ganyan mismo ang isang hindi nananalig. Ang ganitong uri ng tao ay hindi angkop na gumanap ng isang tungkulin(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, natanto ko na yaong mga tunay na nananalig sa Diyos at may mabuting pagkatao ay responsable sa kanilang tungkulin at pinoprotektahan ang gawain ng iglesia. Kung mas kritikal ang isang trabaho, mas lalong handa sila sa gampanin. Kaya nilang dalhin ang mabibigat na pasanin at sundin ang kalooban ng Diyos. Ang ganitong mga tao ang mga haligi ng iglesia at nakakakuha ng pabor ng Diyos. Para naman sa mga nagpapakatamad sa kanilang mga tungkulin—ayaw dumanas ng kahit katiting na paghihirap o umako ng anumang responsibilidad, umaatras na agad kapag nakakita ng mga suliranin, iniisip lamang ang kanilang sariling mga interes at hindi man lang pinoprotektahan ang gawain ng iglesia—ang gayong mga tao ay walang pananampalataya sa mata ng Diyos. Hindi sila kabilang sa sambahayan ng Diyos at hindi sila ililigtas ng Diyos. Sa pagninilay-nilay sa sarili kong mga kilos batay sa mga salita ng Diyos, nakita ko na bagamat tila ginagawa ko ang trabaho ko, nagpapakaabala araw-araw sa pagtupad ng aking tungkulin, ang tanging iniisip ko ay ang sarili kong reputasyon at katayuan. Ang puso ko ay hindi nakabaling sa Diyos at hindi ko sinusunod ang kalooban Niya. Kontento lang ako sa paggawa ng madaling gawain na mahusay ako, dahil hindi ko na kakailanganing masyadong magsikap, pero nakakakuha ako ng maaayos na resulta at natutugunan ang pangangailangan ko para sa katayuan at reputasyon. Hindi ako gaanong pamilyar sa tekstuwal na gawain at hindi gaanong mahusay rito, kaya kahit na subukan ko ito, maaaring hindi ako makakuha ng magagandang resulta. Kung hindi ko magagampanan nang maayos ang tungkulin ko at iwawasto ako, matatabasan at mamaliitin ng iba, magiging sobrang kahiya-hiya iyon. Kaya, upang mapanatili ang aking reputasyon at katayuan, patuloy kong tinanggihan ang mga alok, gumagamit ng mga dahilan tulad ng mahinang kakayahan, kawalan ng kasanayan at hindi pagiging pamilyar sa gawain bilang mga palusot sa pagtanggi sa tungkulin. Sa panlabas, tila kapani-paniwala at makatwiran ang paliwanag ko, pero ang totoo ay masyado akong makasarili at kasuklam-suklam. Ang dahilan kung bakit mas pipiliin kong gawin ang isang tungkulin kaysa sa isa pa ay hindi batay sa mga pangangailangan ng gawain ng iglesia o sa aking pagpapasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Sa halip, lahat ito ay tungkol sa sarili kong mga interes at kung ang pagnanais ko para sa katayuan at reputasyon ay matutugunan. Lahat ng ginagawa at iniisip ko ay kalkulado para makinabang ang reputasyon at katayuan ko. Wala akong tapat na saloobin sa tungkulin ko, at talagang nagiging “tuso” tulad ng sinabi ng kapatid ko. Sa katunayan, dapat kong ialay ang serbisyo ko sa anumang aspetong may pangangailangan ang iglesia, tumanggap at magpasakop nang hindi nagdadahilan o humihingi. Ito ang katwiran na dapat taglayin ng lahat. Pero sa halip, bukod sa hindi ako nagpasakop nang ipagawa sa akin ang isang tungkulin, hindi ko pa ito pinahalagahan, kinakalkula kung paano ako mapapahamak o makikinabang sa tungkulin. Wala akong kahit katiting na pagpapahalaga sa responsibilidad. Sinasabi ng Diyos na ang gayong mga tao ay hindi karapat-dapat na tumupad ng isang tungkulin, hindi kabilang sa sambahayan ng Diyos, at hindi maliligtas.

Pagkatapos niyon, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Yaong mga may kakayahang magsagawa ng katotohanan ay makakayang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, naitutuwid ang puso mo. Kung gumagawa ka lamang ng mga bagay para makita ng iba, laging nais makuha ang papuri at paghanga ng iba, ngunit hindi mo tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, kung gayon, nasa puso mo pa ba ang Diyos? Ang gayong mga tao ay walang paggalang sa Diyos. Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, o katayuan. Kailangan mo munang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung ikaw ba ay naging hindi dalisay sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging matapat, natupad ang iyong mga pananagutan, at naibigay ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo nang naisaisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Isipin mong madalas ang mga ito at intindihin ang mga ito, at magiging mas madali sa iyong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Sa pag-iisip sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na sa ating pananampalataya, kung kaya nating magkaroon ng tamang intensyon sa ating tungkulin, tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos, unahin ang gawain ng iglesia higit sa lahat, ibuhos ang lahat sa ating tungkulin at gawin ang ating makakaya para makipagtulungan, ito ay aayon sa kalooban ng Diyos. Pakiramdam ko na sa sitwasyong iyon, kung saan hiniling sa akin na gumawa ng tekstuwal na gawain, sinusuri ako ng Diyos para makita kung anong uri ng saloobin ang mayroon ako—aktibo ba akong makikipagtulungan, o aatras at iiwas? Hindi ko na dapat iniisip kung may kakayahan ba ako sa trabaho o kung gaano ako magiging kahusay sa tungkulin. Dapat itinama ko ang aking maling kalagayan at itinuwid ang saloobin ko sa tungkulin ko, magpasakop at gawin ang lahat ng makakaya ko sa aking tungkulin. Ito ang katwiran na dapat sana mayroon ako bilang isang nilikha. Kung, pagkatapos magsanay nang sandali, hindi ko pa rin kaya ito at inilipat ako, dapat akong magkaroon ng tamang saloobin dito at magpasakop sa mga pagsasaayos ng iglesia. Kaya kalaunan, sinabi ko kay Lydia na handa na akong gumawa ng tekstuwal na gawain. Pagkatapos ko itong sabihin sa kanya, mas gumaan ang pakiramdam ko. Pero pakiramdam ko pa rin ay masyadong mababaw ang pagkaunawa ko sa sarili ko, kaya patuloy akong nagdasal sa Diyos, humihiling sa Kanya na liwanagan at gabayan ako upang makilala ang aking sarili.

Makalipas ang ilang panahon, nakita ko ang siping ito. “Ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang katayuan at reputasyon ay higit pa sa mga normal na tao, at nasa loob ng kanilang disposisyon at diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng isang anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling katayuan at reputasyon, at wala nang iba. Para sa isang anticristo, ang katayuan at reputasyon ang kanyang buhay, at ang kanyang panghabambuhay na mithiin. Sa lahat ng kanyang ginagawa, ang una niyang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanyang iniisip, na sapat na patunay na mayroon siyang disposisyon at diwa ng mga anticristo; kung hindi, hindi niya isasaalang-alang ang mga problemang ito. Maaaring sabihin na para sa isang anticristo, ang katayuan at reputasyon ay hindi ilang karagdagang pangangailangan, at hindi rin isang bagay na kayang-kaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng katayuan o reputasyon; hindi ganito ang kanilang pag-uugali. Kung gayon, ano ang kanilang pag-uugali? Ang katayuan at reputasyon ay malapit na konektado sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang pinagsisikapan sa araw-araw. At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ay ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang pinagsisikapan, ano man ang kanilang mga mithiin, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa. Maaari mo silang ilagay sa isang sinaunang gubat sa pusod ng kabundukan, at hindi pa rin nila isasantabi ang paghahangad nila sa katayuan at reputasyon. Maaari mo silang ilagay sa gitna ng anumang grupo ng mga tao, at ang pawang maiisip nila ay katayuan at reputasyon pa rin. Kahit na naniniwala rin sa Diyos ang mga anticristo, nakikita nila ang paghahangad ng katayuan at reputasyon na katumbas ng pananampalataya sa Diyos at binibigyan ang mga ito ng pantay na pagpapahalaga. Ibig sabihin, habang tinatahak nila ang landas ng pananampalataya sa Diyos, hinahangad din nila ang kanilang sariling katayuan at reputasyon. Masasabi na sa mga puso ng mga anticristo, naniniwala sila na ang pananalig sa Diyos at ang paghahangad ng katotohanan ay ang pagsisikap para sa katayuan at reputasyon; ang paghahangad ng katayuan at reputasyon ay ang paghahangad din ng katotohanan, at ang pagkakamit ng katayuan at reputasyon ay ang pagkakamit ng katotohanan at buhay. Kung nararamdaman nila na wala silang karangalan o katayuan, na walang humahanga sa kanila, o gumagalang sa kanila, o sumusunod sa kanila, sobrang bigong-bigo sila, naniniwala silang wala nang saysay pang maniwala sa Diyos, wala na itong kabuluhan, at sinasabi nila sa kanilang sarili na, ‘Bigo ba ang gayong pananampalataya sa Diyos? Wala na ba itong pag-asa?’ Madalas na tinitimbang nila ang gayong mga bagay sa kanilang puso, pinag-iisipan nila kung paano sila magkakapuwesto sa sambahayan ng Diyos, kung paano sila maaaring magkaroon ng mataas na reputasyon sa iglesia, nang sa gayon ay makinig ang mga tao kapag nagsasalita sila, at suportahan sila kapag kumikilos sila, at sumunod sa kanila saanman sila magpunta; nang sa gayon magkaroon sila ng tinig sa iglesia, ng reputasyon, upang makinabang sila, at magkaroon ng katayuan—talagang pinagtutuunan nila ang gayong mga bagay. Ang mga ito ang hinahangad ng gayong mga tao. Bakit palagi silang nag-iisip ng ganoong mga bagay? Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, matapos marinig ang mga sermon, hindi ba talaga nila nauunawaan ang lahat ng ito, hindi ba talaga nila nagagawang makilala ang lahat ng ito? Talaga bang hindi nabago ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan ang kanilang mga kuru-kuro, ideya, at opinyon? Hindi talaga iyon ang kaso. Nagsisimula ang problema sa kanila, ito’y lubos na dahil hindi nila minamahal ang katotohanan, dahil sa mga puso nila, nayayamot sila sa katotohanan, at bilang resulta, lubos nilang hindi tinatanggap ang katotohanan—na natutukoy ng kanilang likas na pagkatao at diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Inilalantad ng Diyos kung paanong partikular na pinahahalagahan ng mga anticristo ang reputasyon at katayuan. Ang hinahanap lang nila ay ang makamit ang reputasyon at katayuan. Ito ang kanilang layon sa buhay. Sa sandaling mawala sa kanila ang pagrespeto at pagsamba ng iba, kapag nawala ang kanilang puwang sa puso ng mga tao, nawawalan sila ng motibasyon na magtrabaho at nawawalan pa nga ng kabuluhan ang buhay sa kanila. Para sa kanila, ang reputasyon at katayuan ay kasinghalaga ng buhay mismo. Ito ang kalikasan ng isang anticristo. Napagtanto ko na ang hinahanap ko ay kapareho lang ng sa isang anticristo. Saan man ako naroroon, o sino man ang kasama ko, palagi kong inuuna ang aking reputasyon at katayuan, at higit kong pinapahalagahan ang pagkakamit ng respeto at papuri ng iba. Kung mapapahanga ko ang iba at makukuha ang kanilang respeto sa isang tungkulin, handa akong gampanan ito. Pero kung hindi nito mapapalakas ang reputasyon at katayuan ko, gaano man kahalaga ang trabaho, ayaw kong gawin ito, at hahanap ako ng dahilan para makaiwas dito, gaya ngayon, nang hilingin sa akin ni Lydia na magtrabaho sa pagsusulat. Alam kong mahalaga ang trabahong ito at agarang kinakailangan ang mga tao, pero naisip ko kung paanong pangkaraniwan lang ang kakayahan ko, at hindi ko magagawang mamukod-tangi, at baka mapahiya ko pa ang sarili ko kapag hindi naging maganda ang mga resulta sa gawain ko. Habang pinangangasiwaan ang ilang grupo ng pagtitipon, sa kabila ng hindi pagkakaroon ng mataas na katayuan, at hindi paggawa sa isang bagay na kasinghalaga ng pagsusulat, nakakakuha ako ng medyo magagandang resulta sa tungkulin ko. Hindi lamang mataas ang tingin sa akin ng mga lider, kundi nirerespeto rin ako ng mga kapatid, na talagang labis na nagpalugod sa ego ko. Matapos timbangin ang mga kalamangan at kahinaan, ginusto ko pa ring manatili sa aking tungkulin sa maliit na sulok na iyon, ayaw simulan ang tekstuwal na gawain. Nakita kong mahigpit akong nakagapos at napipigilan ng mga ideya na ginamit ni Satanas sa akin, tulad ng “Habang nabubuhay ang puno para sa balat nito, nabubuhay naman ang tao para sa kanyang mukha,” “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan kahit saan man siya maglagi,” at “Mas mabuting maging isang malaking isda sa isang maliit na lawa.” Nakaugat na sa puso ko ang mga satanikong lasong ito. Namumuhay ako sa mga lasong ito at inuuna ko ang reputasyon at katayuan higit sa lahat. Para makuha ang respeto ng iba at matugunan ang aking ego, tinanggihan at iniwas ko pa ang sarili ko sa isang tungkulin. Napakasuwail ko! Labis akong nakokonsensya at nababalisa noong panahong iyon. Hindi talaga ito paggawa ng isang tungkulin. Ginamit ko lang ang tungkulin ko bilang panakip upang magtrabaho para sa aking katayuan at reputasyon. Tinatahak ko ang landas ng isang anticristo. Nang mapagtanto ko ito, medyo natakot ako. Kung mamumuhay ako sa mga maling pananaw na ito tungo sa paghahangad at hindi ko susubukang ituwid ang mga ito, kamumuhian ako ng Diyos sa huli.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na labis na nakaantig sa akin. Sabi ng Diyos, “Mula sa simula hanggang ngayon, tanging tao lamang ang may kakayahang makipag-usap sa Diyos. Iyon ay, sa lahat ng mga nabubuhay at mga nilalang ng Diyos, walang iba pa, maliban sa tao, ang nagawang makipag-usap sa Diyos. Ang tao ay may mga tainga na nagbibigay sa kanya ng kakayahang makarinig, at mga mata para siya ay makakita. Mayroon siyang wika, sariling mga ideya, at malayang kalooban. Nagmamay-ari siya ng lahat ng kailangan upang marinig ang Diyos na nangungusap, at maintindihan ang kalooban ng Diyos, at tanggapin ang tagubilin ng Diyos, kung kaya’t ipinaaalam ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga hangarin sa tao, sa kagustuhan Niyang gawin ang tao na isang makakasama na kaisa Niya sa pag-iisip at makakasama Niya sa Kanyang paglalakad. Mula pa nang nagsimula Siyang mamahala, hinihintay na ng Diyos na ibigay ng tao ang kanyang puso sa Kanya, na hayaan ang Diyos na gawin itong dalisay at ihanda ito, upang ito ay maging kasiya-siya sa Diyos at mahalin ng Diyos, upang sambahin niya ang Diyos at layuan ang kasamaan. Ang Diyos ay lubos na umasa at nag-abang sa kahihinatnang ito(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Nilikha ng Diyos ang napakaraming buhay na nilalang, pero sa lahat ng nilikha, nakikipag-usap lamang ang Diyos sa sangkatauhan, at sa tao lamang Siya may hinihingi at inaasahan. Ninanais Niyang lumikha ng isang grupo ng mga tao na kaisa ng Kanyang kalooban, na susunod sa Kanyang kalooban at magdadala ng mga pasanin para sa Kanya. Ito ang ninanais ng Diyos para sa sangkatauhan. Naisip ko kung paanong, pagkatapos manalig sa Diyos sa loob ng ilang taon, tinatamasa nang labis ang pagdidilig ng mga salita ng Diyos, pati ang mga pagkakataon sa paglilinang at pagsasanay ng iglesia, naunawaan ko ang ilang katotohanan, at lumago ako kapwa sa propesyon at sa pagpasok sa buhay. Ang lahat ng ito ay dahil sa biyaya ng Diyos. Pero anong uri ng saloobin ang mayroon ako pagdating sa Diyos at sa gawain ng iglesia? Hindi ako nagpakita ng espesyal na pagsasaalang-alang sa gawain o umako ng anumang responsibilidad, at tinanggihan pa nga ang tungkulin para pangalagaan ang reputasyon at katayuan ko. Kung titingnan, isinasagawa ko ang pananampalataya ko at ginagawa ang aking tungkulin, pero sa puso ko, wala akong pagmamahal sa Diyos at hindi sinusunod ang kalooban Niya. Sinuklian ko ang biyaya ng Diyos ng pagsuway at panlilinlang. Nang maharap sa mga ninanais at hinihingi ng Diyos, sobra akong nahiya at nagsisi. Naramdaman kong masyado talaga akong masuwayin at wala ni katiting na konsensya o katwiran, kaya’t nagdasal ako sa Diyos, gustong ituwid ang kasalukuyan kong kalagayan, ayaw nang mamuhay nang napakamakasarili at kasuklam-suklam. Handa na akong sundin ang kalooban ng Diyos at magsikap na humusay.

Kalaunan, pagkatapos magnilay-nilay, napansin ko ang isa pang problema na mayroon ako. Bukod sa pagkakaroon ng tiwaling disposisyon, ang isa pang dahilan ng pagtanggi ko sa tungkulin ay dahil sa isang partikular na isiping mayroon ako. Inakala kong ang mahusay na kakayahan at mga espesyal na kasanayan ang pinakamahahalagang salik sa paggawa nang maayos sa isang tungkulin, kaya, nang magtalaga sa akin ng gampanin ang iglesia, at naramdaman kong wala akong talento sa aspetong iyon o hindi pasok sa pamantayan ang kakayahan ko, hindi man lang ako nag-abalang subukan ito at direkta ko pang tinanggihan ang gampanin, binabanggit ang mahina kong kakayahan at kawalan ng mga kasanayan. Pero tama ba ang isiping ito? Ano ang layunin ng Diyos? Sa huli, nakahanap ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na maunawaan ang Kanyang layunin patungkol sa tanong na ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ano ang mga pagpapamalas ng isang matapat na tao? Una, ang hindi pagkakaroon ng pagdududa sa mga salita ng Diyos, isa iyong pagpapamalas ng isang matapat na tao. Gayundin ang paghahanap at pagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay—iyon ang pinakamahalagang pagpapamalas ng isang matapat na tao, at ang pinakakritikal. Sinasabi mong ikaw ay matapat, pero palagi mong iniiwasang isipin ang mga salita ng Diyos at ginagawa lang ang anumang gusto mo. Pagpapamalas ba iyon ng isang matapat na tao? Sinasabi mo, ‘Bagama’t mahina ang kakayahan ko, mayroon akong matapat na puso.’ Gayunpaman, kapag may tungkulin na itinalaga sa iyo, natatakot kang magdusa at magpasan ng responsabilidad kung hindi mo ito magagawa nang maayos, kaya nagpapalusot ka para iwasan ang tungkuling iyon o nagmumungkahi ka na iba na lang ang gumawa nito. Pagpapamalas ba ito ng isang matapat na tao? Malinaw na hindi. Kung gayon, paano dapat umasal ang isang matapat na tao? Dapat silang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, maging tapat sa tungkulin na dapat nilang gampanan, at magsikap na mapalugod ang kalooban ng Diyos. Naipapamalas ito sa iba’t ibang paraan. Ang isa ay ang pagtanggap sa iyong tungkulin nang may matapat na puso, hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng iyong laman, hindi nagiging walang sigla sa iyong tungkulin o nagpapakana para sa sarili mong pakinabang. Iyon ang pagpapamalas ng katapatan. Ang isa pa ay ang pagganap nang maayos sa iyong tungkulin nang buong puso at buong lakas mo, paggawa sa mga bagay-bagay nang tama, at pagsasapuso at pagmamahal sa iyong tungkulin para palugurin ang Diyos. Ito ang mga pagpapamalas na dapat mayroon ang isang matapat na tao habang ginagampanan ang kanyang tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na mahal ng Diyos ang matatapat. Umaasa Siya na magagawa nating lahat na tratuhin Siya at ang tungkulin natin nang may matapat na puso at taos-pusong saloobin. Umaasa Siya na ang iniisip lamang natin ay ang palugurin Siya sa ating tungkulin, hindi ang sarili nating mga interes. Ang pagtrato ng isang matapat na tao sa kanyang tungkulin ay ang pagsikapang gawin ang lahat ng kanyang makakaya, isinasapuso ang paggawa nang maayos sa kanyang tungkulin. Hindi mahalaga kung mayroon man siyang espesyal na talento sa gawain o wala, at hindi rin mahalaga kung gaano karami ang kaya niyang matamo. Ang iba’t ibang tungkulin sa iglesia ay nangangailangan ng iba’t ibang antas ng kakayahan at mga propesyonal na kasanayan. Ang mga may mahuhusay na kakayahan at propesyonal na mga kasanayan ay mas mabilis na matututo at makakakuha ng mas magagandang resulta, habang ang mga may mahinang kakayahan at pangkaraniwang mga kasanayan ay hindi makakakuha ng gayon kagagandang resulta. Ganoon naman talaga. Pero ang kakayahan at propesyonal na mga kasanayan ay hindi ang tanging mga salik na tumutukoy kung kayang gawin ng isang tao ang kanyang tungkulin. Ang saloobin ng isang tao sa kanyang tungkulin, ang kanyang pagiging responsable, at abilidad na hanapin ang katotohanan at gawin ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo ang pinakamahahalagang salik sa tungkulin ng isang tao. May mga taong mukhang matalino at may mahusay na kakayahan, pero mayroon silang masamang pagkatao, nagpapakatamad at iniraraos lang ang kanilang tungkulin. Anuman ang kakayahan nila, mas nagdudulot sila ng pinsala kaysa kabutihan. Mapapalayas ang mga taong ito. Tapos mayroong mga kapatid na may pangkaraniwang kakayahan at mga kasanayan sa gawain, pero sila ay may mabuting layunin. Masigasig sila at responsable, inuuna ang paghahanap sa katotohanan, at kayang maghirap at magsakripisyo. Ang gayong mga tao ay laging humuhusay sa kanilang mga tungkulin. Minsan kapag ang mga tao ay walang sapat na kakayahan, ang pagdarasal sa Diyos para sa kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu ay makatutulong para mapunan ang kanilang mga kakulangan. Ang gayong mga tao ay makakakuha pa rin ng magagandang resulta sa kanilang mga tungkulin. Noon, kapag hindi ko nauunawaan ang katotohanan, palagi kong idinadahilan ang mahina kong kakayahan para tanggihan ang mga tungkulin at makalusot. Inakala ko pa nga na makatwiran ang ginagawa ko. Bilang resulta, palagi kong minamaliit ang sarili ko, iniisip na hindi ko kaya ang tungkulin, at hindi man lang nagkaroon ng lakas ng loob na sumubok, sa halip ay ipinapasa sa iba ang mga pagkakataong ito. Tapos, nakita ko na mali ang isiping ito at makakapigil sa akin sa tungkulin ko. Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng mas malinaw na pagkaunawa at nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa. Pagkatapos niyon, nagdasal ako sa Diyos at naging handang magpasakop at gawin nang maayos ang tungkulin ko.

Ngayon, kapag nahihirapan ako, pakiramdam ko ay hindi pa rin ako sapat at natatakot na mapahiya ko ang sarili ko, pero kahit papaano ay hindi ko na idinadahilan ang mahina kong kakayahan para umiwas kagaya ng dati. Kamakailan, habang tinatalakay ang isang isyu sa mga kapatid, hindi ko maipaliwanag ang aking punto at muling bumalik ang mga dati kong gawi. Naisip ko, “Napakahina ng kakayahan ko. Dapat manahimik na lang ako at makinig sa iba.” Pero napagtanto ko na maling kalagayan ito, kaya sadya akong nagdasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na ilayo ang atensyon ko sa reputasyon at katayuan para magawa ko ang tungkulin ko nang hindi napipigilan. Nang sandaling iyon, naisip ko ang mga salita ng Diyos, na nagsasabing: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, o katayuan. Kailangan mo munang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Binigyan ako ng lakas ng mga salita ng Diyos. Kailangan kong itama ang mga layunin ko at unahin ang mga interes ng iglesia. Kailangan kong ihinto ang pag-iisip sa kung ano ang iniisip ng iba sa akin, pagprotekta sa aking reputasyon pero iniiwasan ang mga tungkulin ko, at kailangan kong simulang isipin kung paano ako makakakuha ng mas magagandang resulta sa tungkulin ko. Iyon ang kailangan kong gawin. Kaya pinatahimik ko ang puso ko at pinagnilayan ang tanong na ito. Unti-unting mas luminaw ang iniisip ko. Kalaunan, sa tulong ng ilang kapaki-pakinabang na ideya mula sa iba, nalutas ang isyu sa wakas.

Mas mahirap ang tekstuwal na gawain kaysa sa huli kong tungkulin at maaaring maging mas nakakapagod, pero sa palagay ko, kung magsisikap ako, makakaya ko ito. At saka, sa pamamagitan ng pagsasanay, pagninilay-nilay at paghahanap, nagkamit ako ng higit pang kabatiran sa mga partikular na detalye ng katotohanan at mga prinsipyo ng pagsasagawa. Marami talaga akong natutunan sa lahat ng ito. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Nakamit Mula sa Pag-uulat

Ni Kristina, USANoong tag-init ng 2019, narinig ko na si Sister Jocelyn, isang lider ng iglesia, ay itinalaga si Brother Eli bilang...

Ang Mga Gapos ng Katiwalian

Ni Wushi, Tsina Marso 2020 nagpunta ako para magsagawa ng halalan sa isang iglesia na pinamamahalaan ko, at si Sister Chen ay nahalal...