Nagdadala ng Pagdurusa ang Paghahabol sa Katayuan

Enero 24, 2022

Ni Zheng Yuan, Tsina

Noong 2017, napili ako bilang isang lider ng iglesia, at nakatuwang ko ang dalawang kapatid para pangasiwaan ang gawain ng ilang iglesia. Nang makita ng aking mga kapatid na mas mabilis akong magtrabaho kaysa sa kanila at nagbigay ako ng ilang makatwirang mungkahi nang tinalakay namin ang gawain, inggit na inggit sila, sinasabing mayroon akong mahusay na kakayahan at abilidad na magtrabaho. Tuwang-tuwa ako na marinig na sabihin iyon ng mga kapatid. Naisip ko, “Noon, pinahalagahan ako ng boss ko sa kompanya kung saan ako nagtrabaho, at matapos kong maniwala sa Diyos, maganda ang opinyon sa akin ng mga kapatid ko. Ngayon, pinamamahalaan ko ang gawain ng iglesia, at tinitingala rin ako ng mga katuwang ko. Siguro ay may talento talaga ako. Kapag nakita ng mga lider na nakatataas sa akin ang mga abilidad ko, tiyak na sasabihin nilang mas mahusay ako kaysa sa mga katuwang ko.” Nang maisip ang mga ito, lalo akong ginanahan sa mga tungkulin ko. Unti-unti ay ako na ang gumawa ng karamihan sa mga desisyon tungkol sa gawain ng iglesia. Ginawa ng aking mga kapatid ang anumang isinaayos ko para sa kanila, at talagang nasiyahan ako sa ganoong pakiramdam.

Kalaunan, isinaayos ng mga lider na sumali sa amin si Sister Chen Cheng. Sa mga pagpupulong, nakita ko na napakapraktikal ng kanyang pagbabahagi. Pakiramdam ko ay makikinabang ako sa pagiging katuwang niya, kaya tuwang-tuwa ako. Pero kalaunan, nadiskubre ko na ang lahat ng kapatid ay sabik na nakikinig sa pagbabahagi ni Chen Cheng. Sa tuwing nagbabahagi siya, silang lahat ay nakikinig nang husto at tumatango paminsan-minsan bilang pagsang-ayon. Nagsimula akong mag-alala, iniisip na, “Dati akong nangingibabaw sa mga pagpupulong at pagbabahaginan, pero ngayon gustong marinig ng lahat ang pagbabahagi niya. Sino na ang titingala sa akin sa hinaharap?” Inggit na inggit ako kay Chen Cheng, dahil natakot akong malalampasan niya ako. Matapos niyon, habang siya ay katuwang ko, nakita ko na marami siyang kalakasan: Kapag may anumang mga problema o paghihirap ang mga kapatid sa kanilang mga tungkulin, agad siyang nakakapag-alok ng pagbabahagi para matulungan sila, at napakabilis niyang magpatupad ng gawain. Noon, hindi nabuo ang isang grupo dahil hindi mahanap ang tamang mga tauhan, pero hindi natagalan si Chen Cheng sa pagbuo nito. Nang dumalo sa mga pagpupulong ang aming mga lider, magaganda rin ang mungkahi niya patungkol sa gawain ng iglesia. Nagselos at nainggit ako dahil sa lahat ng ito: “Kung mayroong lang sana akong parehong antas ng kakayahan, mas titingalain sana ako ng mga kapatid.” Nahiling ko pa, “Pinakamaganda kung ililipat siya ng mga lider namin sa ibang lugar para walang makakaagaw sa pagiging sentro ko ng atensyon at ako pa rin ang ituturing ng mga kapatid na pinakamahusay.” Kalaunan, nagkaroon ng mga halalan ang ilang iglesia at laging hinihiling ng mga lider kay Chen Cheng na tumulong sa pamamahala ng mga ito. Lalo kong hindi malaman ang gagawin. Ang mga hinihilingang mamahala sa mga halalan ay mga taong may kakayahan na kayang makakilala ng iba. Dati, laging hinihiling sa akin ng mga lider na tulungan sila. Ngayon, si Chen Cheng na. Para bang napakaimportante niya sa mga lider, at hindi talaga ako mahalaga sa kanila. Kalaunan, si Chen Cheng ang inatasan ng aming mga lider na mangasiwa ng ilang importanteng gampanin sa iglesia, kaya lalo akong hindi mapalagay.

Minsan, nangailangan ang isang iglesia na maghalal ng isang bagong diyakono ng pagdidilig. Hindi alam ni Chen Cheng ang mga detalye tungkol sa mga tauhan sa iglesiang ito, at ang nahalal na diyakono ng pagdidilig ay hindi akma. Alam na alam kong ang kapatid na ito ay pasibo at pabaya sa kanyang mga tungkulin sa loob nang ilang panahon, at hindi angkop na maging diyakono ng pagdidilig, pero dahil naiinggit ako kay Chen Cheng, ayaw ko itong ipaalam sa kanya. Naisip ko, “Pinili mo ang kapatid na ito, kaya kasalanan mo na mali ang naging desisyon mo. Tingnan na lang natin kung ang taong pinili mo ay makakagawa talaga ng gawain.” Sa huli, ilang buwan lang na naglingkod bilang diyakono ng pagdidilig ang sister na ito bago nasisi sa kawalan ng kakayahan at nagbitiw. Kalaunan, dalawang beses akong binatikos ni Chen Cheng dahil sa pagiging mahilig magpalugod ng mga tao at hindi pagpapaalam ng mga problemang alam ko. Kahit na hindi ako nakipagtalo, naisip ko sa sarili ko, “Ikaw ang namamahala sa gawaing ito, at makukuha mo ang papuri kapag nagawa ito nang maayos. Bakit ako dapat magsalita nang magsalita?” Noong panahong iyon, lagi akong naiinis kay Chen Cheng, at labis ang pagdaramdam ko sa kanya. Kinamuhian ko siya sa pag-agaw ng atensyon ng iba sa akin, at naging miserable ako sa kalagayang ito. Kalaunan, sa tuwing nagkakaroon ng problema si Chen Cheng sa kanyang gawain at hinihingi ang opinyon ko, nagbibigay lang ako ng pabasta-bastang sagot. Sa ganoong paraan, sa panlabas, tinutupad ko ang mga tungkulin ko kasama siya, pero wala talagang pag-uusap tungkol sa gawain o maayos na pagtutulungan. Minsan, nagkaroon ng mga problema sa gawaing responsibilidad ni Chen Cheng, at pinuna siya ng aming lider dahil dito sa isang pagpupulong. Habang humihikbi si Chen Cheng na sinisisi ang sarili, ikinatuwa ko ito sa loob-loob ko, “Nakikita na ngayon ng mga kapatid ang tunay mong mga kakayahan. Alam na ng lahat ang mga problema sa iyo, at mukhang nandito na ang pagkakataon kong ipakita ang talento ko.” Pero nagulat ako na makita kung gaano pa rin pinahahalagahan ng mga lider namin si Chen Cheng—responsable pa rin siya sa ilang importanteng gawain ng iglesia. Talagang sinumpong na ako nang husto. Nawala ang lahat ng interes ko sa aking mga tungkulin, at nagsimulang mawalan ng pag-asa. Sa isa pang pagkakataon, may ilang problema sa paggawa ng video. Nilapitan ako ni Chen Cheng upang talakayin ang mga iyon sa akin, at hiniling sa akin na puntahan at lutasin ang mga iyon. Ayoko siyang sagutin. Naisip ko, “Kung gagawin ko ito, mapupunta pa rin ang papuri sa iyo, at walang makakakita sa pinaghirapan ko. Ikaw ang responsable sa gawaing ito mula nang dumating ka, kaya ikaw ang mag-asikaso nito. Kung mabibigo ka sa gawain mo, mas mabuti. Sa ganoon, wala nang titingala sa iyo.” Habang iniisip ito, malamig kong sinabing, “Hindi ako pupunta!” Napaupo roon si Chen Cheng na walang magawa at tahimik, at hindi ako mapalagay, dahil alam kong responsibilidad ko rin ito at gawain na dapat kong gawin. Nang matanto ko ito, atubili akong pumayag na pumunta. Pero sa pagharap sa mga problema, gusto kong patunayan na mas mahusay ako kaysa kay Chen Cheng, kaya mali ang mga layunin ko. Wala akong patnubay ng Diyos sa aking mga tungkulin, at hindi kailanman nalutas ang mga problema sa gawain. Sa panahong iyon, nabuhay ako sa isang kalagayan ng pakikipagtagisan para sa katanyagan at katayuan, lalong nagdilim ang espiritu ko, at lagi akong hindi makausad sa mga tungkulin ko. Natakot akong maliitin ni Chen Cheng, kaya hindi ako nangahas na sabihin ang tungkol sa kalagayan ko. Pagkatapos niyon, ang gawaing pinangasiwaan ko ay hindi epektibo. Talagang miserable ako noon, at pakiramdam ko ay ang lahat ng iyon ay dahil kay Chen Cheng. Bago siya dumating, napakaayos kong nagagampanan ang mga tungkulin ko, sinuportahan ako ng aking mga kapatid, at kadalasan ay nakikinig sa akin ang mga katuwang ko. Pero simula nang dumating siya, parang naging wala akong silbi. Kaya naging sobrang miserable ko. Noong panahong iyon, nayayamot ako kapag nakikita ko si Chen Cheng. Gusto ko lang lumayo para hindi ko siya kailangang makitang muli.

Pagkatapos niyon, napakaraming problema sa mga iglesia ang pinangasiwaan ko. Ang bawat aspeto ng gawain ng iglesia ay hindi epektibo—halos hindi umusad ang mga ito. Labis akong nakonsensya tungkol dito, pero hindi ko kailanman hinanap ang katotohanan para malutas ang kalagayan ko. Sinabihan kami ng lider namin na magnilay kung bakit hindi epektibo ang gawain namin, pero wala akong kaalaman sa sarili ko, kaya sinisi ko si Chen Cheng. Naisip ko na bago siya dumating, noong ako ang namamahala, hindi masyadong malala ang mga resulta ng gawain namin, pero dahil siya na ngayon ang namamahala, siya ang may kagagawan nito. Minsan, habang nag-uusap kami ng isang kapatid, ibinuhos ko kung gaano ako hindi nasisiyahan kay Chen Cheng, at sinabi nang hindi direkta na walang kuwenta si Chen Cheng. Pagkatapos niyon, nakadama ako ng kaunting paninisi sa sarili, “Hindi ba’t hinuhusgahan ko siya habang nakatalikod siya? Isa itong bagay na kinasusuklaman ng Diyos!” Pero noong panahong iyon, saglit ko lang iyon naisip, at hindi ko seryosong pinagnilayan ang sarili ko. Isang araw, dumating sa isang pagtitipon ang lider namin at sinabing bumababa ang pagiging epektibo ng gawain ng iglesia sa ilang aspeto, at na hindi rin maayos ang pagtutulungan namin ni Chen Cheng. Nakadama ako ng kaunting pagkabalisa, pero wala akong kaalaman sa sarili ko, kaya naniwala pa rin ako na si Chen Cheng ang dapat sisihin. Naisip kong naging ganito lang kalala ang gawain namin pagkatapos niyang dumating. Nang makitang hindi ko kilala ang sarili ko, iwinasto ako ng lider namin, sinasabing parati akong nakikipagtagisan para sa katanyagan at katayuan sa aking mga tungkulin, na hindi ako nagninilay sa aking sarili sa kabila ng pagiging hindi epektibo ng gawain ko, na batay sa aking kalagayan, hindi ako nababagay na maging responsable para sa gawain ng iglesia, at na dapat kong itigil ang paggawa sa tungkulin ko at magnilay sa sarili ko nang kaunting panahon.

Napakasakit para sa akin ang matanggal sa tungkulin. Palagi kong iniisip-isip kung ano ang magiging tingin sa akin ng mga kapatid ko, hindi ko mapatahimik ang puso ko sa harap ng Diyos, at nakakatulog ako habang nagbabasa ng salita Niya. Pagkatapos ng ilang panahong iniraraos ko lang ang gawain na gaya nito, natanto kong nasa masama akong kalagayan. Nagdasal ako sa Diyos para hilingin ang Kanyang patnubay sa pagkilala ko sa sarili ko. Isang araw, nakakita ako ng dalawang sipi ng salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Itinuturing ng mga anticristo na mas mahalaga ang sarili nilang katayuan at reputasyon kaysa sa anupamang bagay. Ang mga taong ito ay hindi lamang mga manloloko, nakikipagsabwatan, at tampalasan, kundi lubos ding malulupit. Ano ang ginagawa nila kapag napag-alaman nilang nasa panganib ang kanilang katayuan, o kapag nawala ang puwang nila sa puso ng mga tao, kapag nawala ang pagtangkilik at pagmamahal ng mga taong ito, kapag hindi na sila iginagalang at hindi na mataas ang tingin sa kanila ng mga tao, at nahulog na sila sa kahiya-hiyang kalagayan? Bigla na lang silang nagbabago. Sa sandaling mawala sa kanila ang kanilang katayuan, ayaw na nilang gampanan ang anumang tungkulin, lahat ng gawin nila ay mababang uri, at wala silang interes na gumawa ng kahit ano. Subalit hindi ito ang pinakamalalang pagpapamalas. Ano ang pinakamalalang pagpapamalas? Sa sandaling mawalan ng katayuan ang mga taong ito, at hindi na mataas ang tingin sa kanila ng sinuman, at wala na silang naloloko, lumalabas ang poot, inggit, at paghihiganti. Hindi lamang sila walang takot sa Diyos, wala rin sila ni katiting na pagsunod. Bukod pa rito, sa kanilang mga puso, malamang na kapootan nila ang sambahayan ng Diyos, ang iglesia, at ang mga lider at manggagawa; pinakaaasam-asam nilang magkaproblema at mahinto ang gawain ng iglesia; gusto nilang pagtawanan ang iglesia, at ang mga kapatid. Kinapopootan din nila ang sinumang naghahangad ng katotohanan at natatakot sa Diyos. Binabatikos at kinukutya nila ang sinumang tapat sa kanyang tungkulin at handang magsakripisyo. Ito ang disposisyon ng anticristo—at hindi ba’t malupit ito? Malinaw na masasamang tao sila; ang mga anticristo sa diwa nila ay masasamang tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). “Anong uri ng disposisyon ito kapag may nakita ang isang tao na mas mahusay kaysa sa kanya at sinusubukan niya siyang pabagsakin, nagkakalat ng mga tsismis tungkol sa kanya, o gumagamit ng mga kasuklam-suklam na paraan para siraan siya at isabotahe ang kanyang reputasyon—inaapakan pa ang kanyang pagkatao—para maprotektahan ng taong ito ang sarili niyang puwang sa isip ng mga tao? Hindi lang ito kayabangan o pagiging palalo, ito ay disposisyon ni Satanas, ito ay isang malisyosong disposisyon. Mapaminsala at masama na nagagawa ng taong ito na batikusin at ihiwalay ang mga taong mas mahusay at mas malakas kaysa sa kanya. At ipinapakita ng hindi niya pagtigil hanggang sa mapabagsak ang mga tao kung gaano siya kademonyo! Dahil namumuhay siya ayon sa disposisyon ni Satanas, malamang na maliitin niya ang mga tao, subukang isangkalan sila, at pahirapan sila. Hindi ba ito paggawa ng masama? At habang namumuhay nang ganito, iniisip pa rin niyang maayos ang lagay niya, na mabuti siyang tao—subalit kapag may nakita siya na taong mas malakas kaysa sa kanya, malamang na pahirapan niya ito, na tapak-tapakan niya ito. Ano ang isyu rito? Hindi ba’t ang mga taong kayang gumawa ng ganoong masasamang gawa ay mga imoral at matitigas ang ulo? Ang mga gayong tao ay iniisip lamang ang sarili nilang mga interes, isinasaalang-alang lamang nila ang sarili nilang damdamin, ang tanging nais nila ay matupad ang sarili nilang mga pagnanasa, ambisyon, at mithiin. Wala silang pakialam kung gaano kalaking pinsala ang idinudulot nila sa gawain ng iglesia, at mas gugustuhin nilang isakripisyo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos para maprotektahan ang kanilang katayuan sa isipan ng mga tao at ang sarili nilang reputasyon. Hindi ba’t ang mga taong gaya nito ay mayayabang at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, mga makasarili at ubod ng sama? Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayayabang at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, labis din silang makasarili at ubod ng sama. Hinding-hindi nila iniintindi ang kalooban ng Diyos. May takot ba sa Diyos ang gayong mga tao? Wala silang ni bahagya mang takot sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit wala silang pakundangan kung kumilos at ginagawa nila ang anumang gusto nila, nang walang nadaramang anumang pagsisisi, walang anumang pangamba, walang anumang pagkabalisa o pag-aalala, at hindi iniisip ang mga ibubunga nito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos). Nadurog ang puso ko nang mabasa ko ang mga salitang ito. Pinahahalagahan ng mga anticristo ang posisyon at reputasyon nang higit sa lahat. Naiinggit sila kapag nakikita nila ang iba na hinahanap ang katotohanan, kaya inaatake at ibinubukod nila ang mga ito dahil natatakot silang mahigitan. Gagawin nila ang anumang kasamaan para mapanatili ang kanilang katayuan, inaasam pa nga na mabigo ang mga kapatid sa kanilang mga tungkulin at hindi epektibong gumawa. Mas bumubuti ang gawain ng iglesia, mas sumasama ang pakiramdam nila. Mayroon silang mabagsik na disposisyon at sila ay mga diyablo. Kung titingnan ang pag-uugali ko sa panahong ito, lahat ng ginawa ko ay katulad sa isang anticristo. Nang makita ko na may mahusay na kakayahan si Chen Cheng at maayos na ginawa ang kanyang gawain, na mas magaling siyang magbahagi ng katotohanan kaysa sa akin, at nakuha niya ang paghanga ng lahat, nainggit ako sa kanya at nagreklamo na inagaw niya ang atensyon ng iba sa akin. Inasam kong ilipat siya agad ng mga lider para puwede pa rin akong mamukod-tangi sa iglesia. Nang makita kong pinahahalagahan at nililinang siya ng mga lider, nainggit ako at sumama ang loob. Alam kong kadarating lang niya, hindi siya pamilyar sa mga tauhan ng iglesia, at na hindi tama para sa trabaho ang nahalal na diyakono ng pagdidilig, pero wala akong sinabi. Tumayo lang ako at naghintay na laitin siya. Nang tinangka niyang makipag-usap sa akin tungkol sa trabaho, hindi ko siya pinansin. Hiniling kong hindi maging maganda ang gawain niya at matanggal siya, para wala nang hahanga sa kanya. Hinusgahan ko pa nga siya at siniraan habang nakatalikod siya, sadyang minaliit siya, at itinaas ang sarili ko para maisakatuparan ang sarili kong pagnanasang mamukod-tangi. Nakita ko na hindi ko isinapuso ang gawain ng iglesia, at ginugol ko ang lahat ng oras ko sa pakikipagtagisan para sa reputasyon at katayuan. Nang hindi ko nakuha ang mga ito, para iyong pagkawala ng aking buhay, na naging dahilan pa nga na pagselosan ko at gantihan ang aking kapatid, at pabayaan ang gawain ng iglesia. Takot na takot ako na makuha ni Chen Cheng ang papuri sa pagsasagawa nang maayos sa gawain, na naging handa akong ipahamak ang mga interes ng iglesia para sa pansarili kong interes. Walang puwang sa puso ko para sa Diyos, ni wala ako ni katiting na takot sa Kanya. Ang ginawa ko ay ang kumilos bilang alipin ni Satanas, gambalain at hadlangan ang gawain ng iglesia hanggang sa puntong naparalisa ito. Hindi ko talaga ginagampanan ang tungkulin ko! Para akong isang soro sa ubasan, nagnanakaw ng mga ubas at tinatapak-tapakan ang mga baging. Naisip ko ang mga anticristo sa paligid ko na pinatalsik. Sinamantala nila ang kanilang mga tungkulin para magpakitang-gilas at itaas ang kanilang sarili sa walang kabuluhang pag-asa na maangkin ang puso ng mga tao at matiyak ang kanilang suporta. Kapag nakikita nila ang isang kapatid na nahihigitan sila at nagiging banta sa kanilang katayuan, umaatake sila at gumaganti, at malupit na sinisira ang gawain ng iglesia. Nakita ko sa wakas na ang paghahabol sa katayuan ay napakadelikado! Noong napagtanto ko lang ito ako nakaramdam ng takot. Nagdasal ako sa Diyos para sa Kanyang patnubay sa pagkilala sa sarili ko, para magawa kong magsisi at magbago. Matapos kong magdasal, tinanong ko ang sarili ko kung bakit lagi akong nakikipaglaban para sa katayuan at kumakapit sa posisyon ko at kung ano ang ugat nito.

Kalaunan, nakakita ako ng isang sipi ng salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang ugat ng pagsalungat at pagiging mapanghimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang katiwalian sa pamamagitan ni Satanas. Dahil sa katiwalian ni Satanas, naging manhid ang konsensiya ng tao; imoral siya, masama ang kanyang mga saloobin, at paurong ang kanyang pangkaisipang pananaw. Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, likas na tumatalima sa Diyos ang tao at sumusunod sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensiya, at may normal na pagkatao. Matapos gawing tiwali ni Satanas, pumurol at pinahina ni Satanas ang orihinal na katinuan, konsensiya, at pagkatao ng tao. Sa gayon, nawala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Nalihis ang katinuan ng tao, naging katulad na ng sa hayop ang kanyang disposisyon, at nagiging mas madalas at mas matindi ang kanyang pagiging mapanghimagsik sa Diyos. Nguni’t hindi pa rin ito batid ni kinikilala ng tao, at basta na lamang siyang sumasalungat at naghihimagsik. Ibinubunyag ng mga pagpapahayag ng kanyang katinuan, kaunawaan, at konsensiya ang disposisyon ng tao; dahil wala sa ayos ang kanyang katinuan at kaunawaan, at sukdulan nang pumurol ang kanyang konsensiya, kaya mapanghimagsik laban sa Diyos ang kanyang disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos). Matapos basahin ang salita ng Diyos, natagpuan ko ang pinagmulan ng problema. Labis akong nagawang tiwali ni Satanas na hindi ko na alam kung paano mamuhay o maging tao. Ang alam ko lang ay kung paano hangarin ang katanyagan at katayuan, at itinuring ang mga bagay na tulad ng “Mamukod-tangi,” “Ako ang sarili kong panginoon,” “Isa lang ang lalaking maaaring manguna,” at “Dapat laging magsikap ang mga kalalakihan para maging mas mabuti kaysa sa kanilang mga kapanahon,” ang mga satanikong pilosopiya na ito, bilang mga batas na dapat sundin sa buhay. Nang makita ko na nahigitan ako ni Chen Cheng sa lahat ng aspeto, na lahat ng kapatid, at lider ay tiningala at pinahalagahan siya, inakala kong ninakaw niya sa akin ang atensyon ng iba, at tinrato siya na isang tinik sa aking tagiliran. Nang hilingin niya sa akin na talakayin ang gawain, gusto ko siyang huwag pansinin. Hinusgahan ko pa nga siya sa likuran niya, siniraan, at sadyang minaliit siya. Hiniling ko na sana ay matanggal siya dahil naging pabasta-basta siya sa kanyang mga tungkulin, at wala akong malasakit sa kung paano maaaring maapektuhan ang gawain ng iglesia. Namuhay ako ayon sa mga satanikong pilosopiya at mga lasong ito, naging lalong mapagmataas, makasarili, masama, at walang-walang pagkatao. Gagawin ko ang lahat para sa reputasyon at katayuan, tulad ng mga opisyal ng malaking pulang dragon. Kung may makahigit sa kanila o maging banta sa kanilang katayuan, tatawagin nila silang mga kaaway na pampulitika at sisirain sila. Ang Diyos, na kataas-taasan sa lahat, ay nagkatawang-tao at nagpapahayag ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan, pero natatakot ang CCP na kung tatanggapin ng mga tao ang tunay na daan at susundan ang Makapangyarihang Diyos, wala nang susunod o sasamba rito, kaya nagsimula silang hibang na tugisin si Cristo at malupit na inusig ang mga Kristiyano sa walang-saysay na pag-asang makalikha ng isang pook na walang Diyos kung saan ang mga tao ay sumasamba at sumusunod lang sa CCP. Nang ikinumpara ko ang sarili ko sa kasamaan, paniniil, kalupitan, at karahasan ng malaking pulang dragon, natakot ako nang husto. May pagkakaiba ba sa disposisyong ibinunyag ko sa disposisyon ng malaking pulang dragon? Sa pakikipagtagisan ko para sa katayuan, ibinukod ko ang kapatid ko at nawala ang lahat ng konsensya at katwiran ko. Naging negatibo at pabaya ako nang hindi ko nagawang mahigitan ang kapatid ko o makamit ang katanyagan at katayuan, na lubhang nakapinsala sa gawain ng iglesia. Naging pabaya talaga ako sa tungkulin ko at tinatahak ang maling landas! Nagnilay ako noon, at napagtantong mali ang pananaw ko. Lagi kong iniisip na ang pagkakaroon ng katayuan sa iglesia ang dahilan kaya ako kapaki-pakinabang na tao, at magtutulot na mailigtas ako at magawang perpekto, pero hindi ko alam na hindi tinitingnan ng Diyos ang katayuan mo sa iglesia o kung hinahangaan ka ng mga tao. Tinitingnan ng Diyos ang iyong puso, kung nagagawa mo na hangarin ang katotohanan o hindi, at ang iyong katapatan sa iyong mga tungkulin. Sa sambahayan ng Diyos, kung ikaw ay tumatanggap ng katotohanan, may tamang mga layunin at kumikilos nang may prinsipyo sa iyong mga tungkulin, at sumusunod at tapat sa Diyos, saka ka lang sasang-ayunan ng Diyos. Napakaignorante ko talaga. Hindi ko hinanap ang kalooban ng Diyos, namuhay ako ayon sa mga satanikong pilosopiya at pananaw, hinangad ko palagi ang katanyagan at pakinabang, at palagi kong ginusto ang mataas na katayuan. Pero isang pagkakamali ang paghahangad sa mga bagay na iyon. Tinahak ko ang landas ng mga anticristo, at kung hindi ako bumalik sa Diyos, palalayasin ako at wawasakin ng Diyos! Natanggal ako sa tungkulin dahil sa pagiging matuwid ng Diyos at higit pa rito ay proteksyon ng Diyos sa akin. Paulit-ulit na ginamit ng Diyos ang Kanyang mga salita para pukawin ang manhid kong puso at malinaw na ipakita sa akin ang katotohanan ng aking katiwalian. Dito ko napagtanto ang mabubuting layunin ng Diyos. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para akayin ako patungo sa tamang landas. Sa puso ko, nagdasal ako sa Diyos para magsisi at hilingin sa Kanya na gabayan ako sa pagbabago ng aking mga gawi.

Pagkatapos niyon, nakakita ako ng isa pang sipi ng salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi madaling isantabi ang katayuan at reputasyon. Para sa mga taong medyo may kaloob, medyo mahusay ang kakayahan, o nagtataglay ng kaunting karanasan sa gawain, mas mahirap isantabi ang mga bagay na ito. … Kapag wala silang katayuan, ang simbuyo nilang makipagkumpitensya ay nasa yugtong nag-uumpisa pa lamang. Kapag nagkaroon na sila ng katayuan, kapag pinagkakatiwalaan na sila ng sambahayan ng Diyos ng ilang mahahalagang gampanin, at lalo na kung nakapagtrabaho na sila nang maraming taon at malawak na ang kanilang karanasan at malaki na ang puhunan, ang simbuyo ay hindi na nag-uumpisa pa lamang, kundi nag-ugat na ito, namukadkad, at malapit nang magbunga. Palagi silang may hangarin at ambisyon na makagawa ng mga dakilang bagay, maging sikat, maging isang dakilang tao, at sa sandaling magkaroon ng epekto ang mga kinahinantan ng kanilang masasamang gawa, ganap na katapusan na nila. Kaya, bago pa ito humantong sa matinding kalamidad, habang may oras pa, dapat mong baguhin kaagad ang sitwasyon. Sa tuwing ginagawa mo ang anumang bagay, at sa anumang konteksto, dapat mong hanapin ang katotohanan, isagawa ang pagiging isang taong matapat at masunurin sa Diyos, at isantabi ang paghahangad sa katayuan at reputasyon. Kapag palagi kang may pagnanasa at hangaring makipagkumpitensya para sa katayuan, kailangan mong matanto kung anong masasamang bagay ang kahahantungan ng ganitong uri ng kalagayan kung hindi ito malutas. Kaya huwag magsayang ng oras sa paghahanap sa katotohanan, alisin ang hangarin mong makipagkumpitensya para sa katayuan bago pa ito lumaki at lumala, at palitan ito ng pagsasagawa ng katotohanan. Kapag isinasagawa mo ang katotohanan, mababawasan ang iyong hangaring makipagkumpitensya para sa katayuan, at hindi ka manghihimasok sa gawain ng iglesia. Sa ganitong paraan, maaalala at pupurihin ng Diyos ang iyong mga ginawa. Kaya ano ang sinusubukan Kong bigyang-diin? Ito iyon: Dapat alisin mo sa iyo ang mga hangarin at ambisyon mo bago magbunga ang mga ito at mauwi sa matinding kalamidad. Kung hindi mo lulutasin ang mga ito habang maaga pa, mapapalampas mo ang isang magandang oportunidad; at sa sandaling nauwi na ang mga ito sa matinding kalamidad, huli na ang lahat para lutasin ang mga ito. Kung wala ka man lang tibay ng loob para talikdan ang laman, magiging napakahirap para sa iyo na makatungtong sa landas ng paghahanap sa katotohanan; kung may nasasagupa kang mga dagok at kabiguan sa paghahangad mo ng reputasyon, at hindi ka natatauhan, mapanganib ito: May posibilidad na mapalayas ka. Kapag naharap ang mga nagmamahal sa katotohanan sa isa o dalawang kabiguan at dagok pagdating sa kanilang reputasyon at katayuan, nagagawa nilang lubos na talikuran ang katayuan at reputasyon. Malinaw nilang nakikita na wala talagang anumang halaga ang reputasyon at katayuan, at determinado sila na kahit hindi sila magkaroon ng katayuan kailanman, hahangarin pa rin nilang matamo ang katotohanan at gampanan nang maaayos ang kanilang tungkulin, at ibabahagi pa rin nila ang kanilang mga karanasan at patotoo, sa gayon ay magkakaroon sila ng patotoo sa Diyos. Kahit ordinaryong tagasunod sila, may kakayahan pa rin silang sumunod hanggang wakas, at ang tanging gusto nila ay mapuri ng Diyos. Ang mga taong ito lamang ang tunay na nagmamahal sa katotohanan at may determinasyon. Matapos makitang palayasin ng sambahayan ng Diyos ang maraming anticristo at masasamang tao, ang ilang naghahangad na matamo ang katotohanan ay namamasdan ang kabiguan ng mga anticristo at napagninilayan ang landas na tinatahak ng mga anticristo. Mula rito, nagkakaroon sila ng pagkaunawa tungkol sa kalooban ng Diyos, nagpapasya na maging mga ordinaryong tagasunod, at nagtutuon sa paghahangad na matamo ang katotohanan at gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin. Kahit sabihin ng Diyos na sila ay mga tagapagsilbi o pasaway, kuntento na silang maging isang taong mababa sa paningin ng Diyos, isang hamak at walang-kabuluhang tagasunod, ngunit isang taong sa huli ay tinatawag na katanggap-tanggap na nilalang ng Diyos. Ang ganitong klaseng tao lamang ang mabuti, at ang ganitong klaseng tao lamang ang pupurihin ng Diyos(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos nakita ko na hinihingi Niya sa atin na maging mga ordinaryong tao, maging pinakamabababang tagasunod, at tuparin ang mga tungkulin ng mga nilikha. Ito ang pinakaimportanteng bagay. Noon, hindi ko kilala ang sarili ko o hinahangad ang katotohanan. Naramdaman ko lagi na may talento ako at gusto kong hangaan at pahalagahan ako. Nadala ako dahil sa aking ambisyon at pagnanasa, nakikipagtagisan kahit saan para sa katanyagan at katayuan. Malinaw na mas mababa ako pero hindi ko kayang makitang nahihigitan ako ng iba. Napakayabang ko na nawalan ako ng lahat ng katwiran. Matapos mabasa ang salita ng Diyos, naunawaan ko rin na kapag ang mga paghahangad at ambisyon ko para sa katanyagan at katayuan ay lumalabas, kailangan kong magdasal sa Diyos, sadyang talikuran ang aking sarili at isagawa ang katotohanan, nang sa gayon ang mga ambisyon at paghahangad ko ay mabawasan. Nauunawaan ito, nagdasal ako sa Diyos at sinabi sa Kanya na ayaw ko nang makipagtagisan para sa katanyagan at katayuan, at na gusto kong makipagtulungan nang maayos sa aking mga kapatid sa mga tungkulin ko. Ang totoo, ang mga katuwang ko sa anumang oras ay pinili at isinaayos ng Diyos at may mga aral na dapat akong matutunan. Si Chen Cheng ay may mahusay na kakayahan, karanasan, at nakakapagbahagi tungkol sa katotohanan para malutas ang mga problema, na nakatutulong sa gawain ng iglesia at sa pagpasok sa buhay ng ating mga kapatid. Dapat ay natuto ako mula sa kanyang mga kalakasan para mapunan ang kulang sa akin at nakipagtulungan nang maayos sa kanya para gawin ang gawain ng iglesia. Pero nagpabaya ako sa aking gawain at hindi lumakad sa tamang landas. Palagi kong ikinumpara ang sarili ko sa kanya, o nakikipagkompitensya sa kanya. Hindi ko pa natututunan ang aral ko. Kung bibigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon, sisiguruhin kong gawin ang tungkulin ko nang maayos kasama ang mga kapatid. Hindi nagtagal, isinaayos ng lider para maging diyakono ako ng pagdidilig. Sa isang pagpupulong ng mga magkakasama sa trabaho, hinanap ko si Chen Cheng at nagtapat ako sa kanya tungkol sa mga katiwaliang nabunyag sa akin sa panahong iyon. Hindi lang sa hindi niya ako hinamak, kundi nagbahagi rin siya tungkol sa nauugnay na mga salita ng Diyos sa akin. Nakadama ako ng lubos na kaginhawaan. Kasunod noon, aktibo ko na siyang hinahanap upang makipagtalakayan sa kanya at ginawa ang lahat ng makakaya ko para makipagtulungan sa kanya. Nang tumuon ako sa tungkulin ko, nadama ko ang patnubay ng Diyos. Nagsimula akong makakuha ng mas magagandang resulta sa mga bahagi ng gawain ko, at nagpasalamat ako sa Diyos.

Matapos matanggal, nakita ko na napakapraktikal ng pagmamahal ng Diyos. Natanto ko ang katiwalian ko dahil sa paghatol at paghahayag ng salita ng Diyos. Pinahintulutan ako nitong malinaw na makita ang kalikasan at mga resulta ng paghahabol sa katanyagan at katayuan. Kung wala nito, hindi ko pa rin sana nakilala ang sarili ko, makikipagtagisan pa rin ako para sa katanyagan at kayamanan, at paglalaruan ako ni Satanas habang gumagawa ako ng masama at nilalabanan ang Diyos. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagliligtas Niya sa akin!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman