Bakit Ba Ako Takot na Takot na Mahigitan?

Setyembre 5, 2022

Par Yang Peiqi, Tsina

Matapos gumradweyt noong 2017, sinimulan ko ang tungkulin ko sa iglesia. Sa mga kapatid sa paligid ko, ako ang pinakabata, at ako ang pinakabago sa pananalig sa Diyos at sa paggawa ng tungkulin, pero paulit-ulit akong napromote, kaya palagi kong nararamdaman na nakahihigit ako. Noong Disyembre, itinalaga akong mamahala sa gawain ng pagdidilig ng ilang grupo. Lumapit sa akin ang lider ng iglesia para makipagbahaginan at hinimok akong gawin nang maayos ang aking tungkulin. Sobrang nalugod ako. Madalas na abala sa gawain ang lider, kaya naisip ko na ang pagparito niya para bahaginan ako ay dahil masaya siya na napromote ako. Inisip kong baka banggitin niya ako sa iba pang mga kapatid, pagkatapos nun ay tiyak na titingalain nila ako at pupurihin ako dahil napakabilis akong napromote sa murang edad. Masayang-masaya ako sa isiping ito. Pagkaraan ng ilang panahon, napansin kong mabilis ang pag-usad ni Sister Ai sa pagkatutong magdilig ng mga baguhan. Pinuri siya ng mga kapatid, at sa huli ay pinili siya bilang lider ng grupo. Isa itong bagay na dapat ikatuwa, pero may silakbo ng pag-aalala sa puso ko: “Napakagaling ni Sister Ai kaya baka mapromote siya sa madaling panahon.” Bigla akong nakaramdam ng kawalan. Ang lahat ay nakatutok sa kanya, at mas mahusay siya kaysa sa akin sa simula. Kung muli siyang mapo-promote, tiyak na tataas ang tingin sa kanya ng lider, at baka madalas na ikwento siya sa mga kapatid, tapos wala nang magpapahalaga sa akin. Biglang nahungkag ang puso ko, at sobrang nalungkot ako. Hindi ko gustong mangyari ito. Ayoko pa ngang patuloy na maging lider ng grupo si Sister Ai.

Makalipas lang ang mahigit isang buwan, napansin kong hindi gaanong epektibo ang gawaing pinangangasiwaan ni Sister Ai. Pagkatapos magsiyasat, nalaman kong naging kampante si Sister Ai nang maging lider siya ng grupo, nagpakitang-gilas siya sa harap ng iba, at ginawa ang tungkulin niya nang hindi hinahanap ang mga prinsipyo, dahilan kaya hindi gaanong epektibo ang gawain niya. Naisip ko, “Hindi sumunod si Sister Ai sa tamang landas bilang lider ng grupo, na nakahadlang sa gawain. Hindi ba siya angkop na maging lider ng grupo?” Biglang kumislap ang mata ko. Kung hindi si Sister Ai ang lider ng grupo, hindi siya mapo-promote. Agad kong sinabi sa partner kong si Sister Liu, “Bilang lider ng grupo, hinangad niya ang katanyagan at katayuan, at bumaba ang mga resulta ng gawain niya. Hindi na siya karapat-dapat na maging lider ng grupo.” Para kumbinsihin si Sister Liu na sumang-ayon sa akin, sinabi ko rin, “Dati, nakatrabaho ko si Sister Ai. Sinabi ng lahat na may mahina siyang kakayahan, at hindi siya magiging mahusay na lider ng grupo.” Narinig ni Sister Liu ang sinabi ko at iminungkahi na iulat ko ito sa lider ng iglesia. Pero pagkatapos basahin ng lider ang sulat ko, sinagot niya ang sulat at sinabing pansamantala lang na nasa masamang kalagayan si Sister Ai, pero kaya pa rin nitong gumawa ng ilang praktikal na gawain, at hiniling niya sa’kin na mas tulungan pa si Sister Ai. Pagkaraan ng maikling panahon, nakita kong hindi bumuti ang kalagayan ni Sister Ai. Bukod sa hindi ko siya tinulungan, nagsimula na rin akong mayamot sa kanya. Naiirita ko pa nga siyang iwinasto, sinasabing hindi niya hinahangad ang katotohanan, at na ang hindi magandang mga resulta ng gawain niya ay dahil sa kanyang paghahangad ng katanyagan at katayuan. Pagkatapos ko siyang iwasto nang ganito, mas naging negatibo pa si Sister Ai. Sinimulan niyang tukuyin ang sarili niya, lumala nang lumala ang kalagayan niya, at lalo pa akong nakumbinsi na hindi na siya pwedeng maging lider ng grupo. Iniulat ko itong muli sa lider ng iglesia, pero sumagot ang lider na kayang tanggapin ni Sister Ai ang katotohanan at kailangan niya ng kaunting panahon para ayusin ang kalagayan niya. Hindi ko talaga nagustuhan ito. Masama ang kalagayan ni Sister Ai, kaya bakit kailangan niyang maging lider ng grupo? Hindi ito maaari. Kailangan kong isipin ang gawain ng iglesia. Kaya, sumulat ako sa isa pang lider ng iglesia at sinabing, “Nang maging lider ng grupo si Sister Ai, hinangad niya ang katanyagan at katayuan, na nakagambala at nakagulo sa gawain namin. Hindi na siya pwedeng maging lider ng grupo.” Nung oras na ‘yon, hindi obhetibo ang mga salita ko, at sinadya kong linlangin ang lider. Dahil dito, tinanggal ng lider si Sister Ai. Narinig ko na pagkatapos nito, masyado siyang naging negatibo, at tinutukoy ang sarili. Medyo nakonsensya ako, pero hindi ko na inisip ‘yon pagkatapos ng nangyari.

Lumipas ang ilang panahon, sumulat ang ilang kapatid para sabihin na masyado kaming naging mayabang sa pagtanggal kay Sister Ai. Ayon sa mga prinsipyo, kaya niyang gumawa ng ilang praktikal na gawain, at ngayong natanggal siya, wala kaming mahanap na angkop na lider ng grupo na papalit sa kanya, at kaya, nanatiling hindi maganda ang mga resulta ng gawain. Matapos basahin ang sulat na ito, medyo natakot ako. Alam kong nagambala at nagulo ko ang gawain ng iglesia. Isang araw, nabasa ko sa salita ng Diyos, “Dahil naghahangad ng reputasyon at katayuan ang mga anticristo, ang kanilang mga pananalita at kilos ay siguradong para mapanatili ang kanilang reputasyon at katayuan. Inuuna nila higit sa lahat ang reputasyon at katayuan. Kung may isang taong mahusay ang kakayahan na naghahangad sa katotohanan sa paligid ng isang anticristo, isang taong may kaunting katanyagan sa mga kapatid, na napiling lider ng grupo at pinahahalagahan at pinupuri ng lahat ng kapatid, ano ang mangyayari sa anticristo? Siguradong hindi sila magiging masaya sa kanilang puso, at maiinggit sila. At kung sila ay tunay na naiingit sa taong iyon, ano ang gagawin nila? Una, magkakalkula sila sa kanilang sarili nang ganito: ‘Hindi mahina ang kakayahan ng taong ito. Medyo may alam siya tungkol sa gawain—sa katunayan, mas mahusay siya kaysa sa akin. Makikinabang dito ang sambahayan ng Diyos, ngunit hindi ako. Aagawin ba niya ang katayuan ko? Paano kung palitan nga niya ako? Hindi ba ako malalagay sa alanganin niyan? Kailangang unahan ko na siya. Kung isang araw ay gamitin niya ang lahat ng talento niya, hindi ko na siya mapipigilan nang napakadali. Hindi ba magiging huli na ang lahat kapag nagkagayon? Makabubuting kumilos na ako kaagad; kung maghihintay ako nang matagal, mas mahihirapan ako. Kung gayon, ano ang dapat kong gawin? Saan ako mismo dapat magsimula? Kailangan kong makahanap ng idadahilan, ng oportunidad.’ Kung gustong pahirapan ng isang tao ang isang tao, masasabi ba ninyo na madali silang makakahanap ng dahilan o oportunidad para gawin iyon? Ano ang isa sa mga panlalansi na ginagamit ng diyablo? (Siya na nag-iisip na pahirapan ang isang tao ay madaling makakahanap ng dahilan.) Tama, siya na may isipang pahirapan ang isang tao ay madaling makakahanap ng dahilan. Ito ang uri ng lohika at sitwasyon na umiiral sa mundo ni Satanas. Siguradong walang anumang gayong mga bagay sa kinaroroonan ng Diyos, ngunit gagawin ng isang anticristo ang mga iyon. Iniisip ng isang anticristo na, ‘Siya na nag-iisip na pahirapan ang isang tao ay madaling makakahanap ng dahilan. Pararatangan kita, hahanap ako ng pagkakataong pagdusahin ka, at pababagsakin kita nang kaunti, para hindi na maging mataas ang tingin sa iyo ng mga kapatid at hindi ka nila iboto sa susunod bilang lider ng grupo. Sa gayong paraan, hindi na ako mangangamba pa, tama ba? Kung aalisin ko ang mga problema sa hinaharap bago pa ito lumaki at alisin ko ang katunggali, mas magiging ligtas ang pakiramdam ko, hindi ba?’ Habang tumatakbo ang mga bagay sa kanyang isipan, maaari ba siyang magmukhang payapa? Dahil likas siyang anticristo, may kakayahan ba siyang ibaon ang mga ideyang ito at hindi kumilos ayon sa mga ito kailanman? Talagang wala. Tiyak na makakaisip siya ng paraan para kumilos ayon sa mga ito. Ito ang dahilan kaya napakasama ng isang anticristo(“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikalawang Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Inihahayag ng Diyos na ang mga anticristo ay may mga mapanirang disposisyon. Gagawin nila ang anumang paraan para supilin at parusahan ang mga nagbabanta sa kanilang katayuan, maging ang pagtsismisan, siraan, at paparatangan pa nga sila. Natanto ko na sa pagkatanggal ni Sister Ai, katulad ng sa isang anticristo ang ugali ko. Nang makita kong mas mabilis na umuusad si Sister Ai kaysa sa akin, nag-alala ako na mapo-promote siya, at pagkatapos ay tataas ang tingin ng iba sa kanya sa halip na sa akin, kaya hindi ako makapaghintay na magkamali siya at hindi na maging lider ng grupo. Nang makita kong hinahangad niya ang katanyagan at katayuan, at hindi epektibo ang gawain niya, sinubukan kong gamitin ito na dahilan para tanggalin siya, at sadyang binansagan siya na may mahinang kakayahan, sa pag-asang malilinlang ang lider na isipin na malubha ang problema niya. Nang hilingin sa akin ng lider na tulungan si Sister Ai, hindi ko ginawa, at umasa akong mananatiling masama ang kalagayan niya, para matanggal siya sa lalong madaling panahon. Nang makita kong hindi siya tatanggalin ng lider, naghanap ako ng isa pang lider na aasikaso sa isyu sa kanya. Sa totoo lang, alam kong nagpapakita lang ng tiwaling disposisyon si Sister Ai, na handa siyang magnilay-nilay at magsisi, at kung makakakuha siya ng tulong at suporta, maipapagpatuloy niya ang tungkulin niya kapag naayos na ang kalagayan niya. Pero upang pigilan siya na mapromote o igalang ng mga lider at mga kapatid, sinunggaban ko ang katiwalian niya, pinagalitan ko siya, at sinisi siya sa pagiging hindi epektibo ng kanyang gawain, dahilan kaya mas naging negatibo siya. Hindi ako tumigil hangga’t hindi siya natatanggal. Sa pagninilay-nilay sa ginawa ko, nakita ko na katulad ng sa isang anticristo ang ugali ko. Napakamapanira at napakatuso ko! Naalala ko nung magkasama naming ginagawa ni Sister Ai ang aming tungkulin, talagang tinutulungan niya ako kapag negatibo ako, pero bukod sa hindi ko siya tinutulungan kapag negatibo siya, hinusgahan ko pa siya sa likod niya, sinupil at pinarusahan siya. Paano ko nagawa ang gayong di-makataong bagay? Nang maisip ko kung gaano kanegatibo ang kalagayan ni Sister Ai mula nang matanggal siya, lubos akong nakonsensya at sinisi ang sarili. Matagal na hindi naging epektibo ang gawain ng grupong pinangangasiwaan ni Sister Ai, at malaki ang kinalaman ko rito; ako ang nakagambala sa gawain ng iglesia. Nang maisip ito, mas lalo akong nakonsensya at sinisi ang sarili. Nung gabing ‘yon, nagtago ako sa ilalim ng kumot ko at umiyak. Alam kong isa itong paglabag, isang masamang gawa. Nung panahong iyon, labis akong nagdusa. Sa pag-iisip ng masama kong gawa, ang tanging naramdaman ko’y pagkakonsensya at paninisi sa sarili. Umiiyak akong nanalangin sa Diyos, “Diyos ko, hindi na ako mangangahas na supilin ang isang talento. Gusto ko pong magsisi.”

Kalaunan, napaisip ako, paano ko ba nagawa ang ganoong bagay nang hindi nababagabag ang konsensya ko? Sa salita ng Diyos, nabasa ko, “Ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang katayuan at reputasyon ay higit pa sa mga normal na tao, at nasa loob ng kanilang disposisyon at diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng isang anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling katayuan at reputasyon, at wala nang iba. Para sa isang anticristo, ang katayuan at reputasyon ang kanyang buhay, at ang kanyang panghabambuhay na mithiin. Sa lahat ng kanyang ginagawa, ang una niyang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanyang iniisip, na sapat na patunay na mayroon siyang disposisyon at diwa ng mga anticristo; kung hindi, hindi niya isasaalang-alang ang mga problemang ito. Maaaring sabihin na para sa isang anticristo, ang katayuan at reputasyon ay hindi ilang karagdagang pangangailangan, at hindi rin isang bagay na kayang-kaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng katayuan o reputasyon; hindi ganito ang kanilang pag-uugali. Kung gayon, ano ang kanilang pag-uugali? Ang katayuan at reputasyon ay malapit na konektado sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang pinagsisikapan sa araw-araw. At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ay ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang pinagsisikapan, ano man ang kanilang mga mithiin, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila ito kayang isantabi. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa(“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikatlong Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Ibinunyag ng mga salita ng Diyos na ang mga anticristo ay namumuhay para sa katanyagan at katayuan. Itinuturing nilang buhay nila ang mga bagay na ito, kaya nakikipaglaban sila sa iba para sa katanyagan at katayuan, at sinusupil at pinaparusahan pa nga ang mga tao. Para sa kanila, makatwirang gawin ang anumang masamang gawa. Nagnilay ako at nakita kong para lang akong isang anticristo. Gusto ko ng katanyagan at katayuan, gusto kong mahangaan at mapuri ng iba, at hinangad ko ang katanyagan at katayuan bilang positibong bagay. Nang mapromote ako, pakiramdam ko’y iginagalang ako ng lider. Inakala ko pang ikukwento ako ng lider sa iba pang mga kapatid, at makukuha ko ang papuri ng lahat. Nang makita kong mabilis na umuusad si Sister Ai at naging lider ng grupo, natakot akong mapromote siya at malampasan ako, tapos wala nang titingala sa’kin. Bago nasangkot ang mga interes ko, normal akong nakisama kay Sister Ai, pero nung sandaling nasangkot na ang mga interes ko, agad kong inilantad ang kalupitan ko at gumamit ako ng palihim na mga taktika para supilin siya. Para mapanatili ang pwesto ko sa puso ng mga tao, hindi ako nag-atubiling baluktutin ang mga totoong pangyayari, at wala akong ibang gusto kundi tanggalin siya. Napakalakas ng pagnanais ko para sa katanyagan at katayuan. Ang naiisip ko lang ay kung paano makakuha ng katayuan, at nang supilin ko siya, hindi man lang nabagabag ang konsensya ko ni kaunti. Ang sarili lang nito ang pinapayagan ng CCP na sambahin at sundin ng mga tao, at kapag may nagbabanta sa diktadura nito, sinusubukan nito ang lahat ng paraan na manira, kumondena, sumupil, at mang-usig. Para patatagin ang posisyon nito, walang awa itong pumapatay at pumipinsala ng mga inosenteng tao, hanggang sa puntong kapwa itong kinasusuklaman ng Langit at ng sangkatauhan, at nagdulot ito ng iba’t ibang sakuna na natural at gawa ng tao. Kung patuloy akong maghahangad ng katanyagan at katayuan, hindi masasabi kung anong kasamaan ang maaari kong gawin, at sa huli, tiyak na parurusahan ako ng Diyos sa paggawa ng sobrang kasamaan. Pakiramdam ko’y ang sama ko, at ayoko nang mamuhay nang ganito. Madalas akong nanalangin, hinihiling sa Diyos na akayin ako na makawala sa gapos ng katanyagan at katayuan.

Kalaunan, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at mas naunawaan ko pa ang tungkol sa diwa ng paghahangad ng katanyagan at katayuan. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ano ang ginagamit ni Satanas upang mapanatili ang tao sa mahigpit nitong kontrol? (Katanyagan at pakinabang.) Kaya, ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang tanging maisip ng mga tao ay katanyagan at pakinabang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at maghuhusga o magpapasiya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang mga tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at hirap na hirap silang sumulong. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito, lumalayo ang sangkatauhan sa Diyos at nagtataksil sa Kanya at lalo silang nagiging masama. Sa ganitong paraan, samakatuwid, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng katanyagan at pakinabang ni Satanas(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). “Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng katanyagan at pakinabang, maaari na nila kung gayong samantalahin ang mga ito upang tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang masiyahan sa buhay. Iniisip nila na ang katanyagan at pakinabang ay mga uri ng puhunan na maaari nilang gamitin upang magkamit ng isang buhay na mapaghanap-ng-kaluguran at walang-pakundangan sa pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito na iniimbot ng sangkatauhan, ang mga tao ay kusang-loob, hindi man namamalayan, na ibinibigay ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana, kay Satanas. Ginagawa nila ito nang wala ni isang sandali ng pag-aatubili, kailanman ay mangmang sa pangangailangan na mabawi ang lahat ng naibigay na nila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling manganlong sila kay Satanas sa ganitong paraan at maging tapat dito? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na nalublob sa isang putikan, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, saka ko lang naunawaan na ang kasikatan at katayuan ay mga paraan ni Satanas para gawing tiwali ang mga tao. Kung nais kong makatakas sa gapos ng kasikatan at katayuan, kailangan kong makita nang malinaw kung paano ginagamit ni Satanas ang mga ito para kontrolin at pinsalain ang mga tao. Nung lumalaki ako, sinabi lahat sa’kin ng paaralan, lipunan, at pamilya na kailangan kong mamukod-tangi sa karamihan sa hinaharap, para makapagdala ako ng karangalan sa sarili ko at sa aking mga magulang, pati na ang makatanggap ng papuri mula sa mga nakapaligid sa’kin. Sumang-ayon ako sa mga pananaw gaya ng “Mamukod-tangi at magdala ng parangal sa kanyang mga ninuno,” at “Ang katanyagan sa buhay na ito ay tumatagal ng isang daang henerasyon.” Lalo na nang makita ko ang mga sikat at dakilang tao na inaalala at sinasamba sa loob ng ilang henerasyon, pakiramdam ko’y sulit ang mabuhay nang ganoon, at talagang gusto kong maging ganoong tao. Pagkatapos manalig sa Diyos, nang paulit-ulit akong napromote at iginalang ng iba, umasa akong ikukwento ako ng mga kapatid sa isa’t isa, para magkaroon ako ng puwang sa puso nila. Lubos akong masisiyahan nun. Ngayon, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, alam kong masama talaga ang hangaring ito. Ang mga diyablo at si Satanas lamang ang laging gustong sumakop sa puso ng mga tao at mag-iwan ng permanenteng impresyon sa kanila. Nagsusumikap ang CCP na itatag ang sarili nito, na pasambahin at pasunurin ang mga tao dito gaya ng sa Diyos, at nagkikimkim ito ng maling akala na papalitan nito ang pwesto ng Diyos sa puso ng mga tao, para kahit matapos mamatay, isang rebulto ang itatayo para dito at aawitan ito ng mga tao ng mga papuri magpakailanman. Hindi ba’t gano’n din ang disposisyon ko? Saan man ako magpunta, gusto kong magkaroon ng puwang sa puso ng mga tao, at gusto kong mapuri at mahangaan. Napakataas ng ambisyon ko. Nakulong na ako rito! Noon, palagi akong nasisiyahan na iginagalang ako ng iba, at pakiramdam ko’y makapagbibigay sa akin ng kaligayahan ang katanyagan at katayuan, pero ang totoo ay nagdala lamang sa akin ng pasakit ang paghahangad ng katayuan, at dahil dito, sinaktan ko ang sister ko, gumawa ako ng masama, at lumaban sa Diyos. Naisip ko si Pablo, na madalas na magpatotoo sa kanyang sarili at naghangad na hangaan, napakaraming mananampalataya ang humahanga sa kanya sa loob ng dalawang libong taon, at itinuring pa nga siya bilang Diyos. Dinala ni Pablo ang mga tao sa harap niya at nilabag ang disposisyon ng Diyos, kaya’t pinarusahan siya ng Diyos, at ngayon ay sinusunog pa rin siya sa impiyerno. Isa itong aral para sa atin!

Kalaunan, naghanap ako ng landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Kapag palagi kang may pagnanasa at hangaring makipagkumpitensya para sa katayuan, kailangan mong matanto kung anong masasamang bagay ang kahahantungan ng ganitong uri ng kalagayan kung hindi ito malutas. Kaya huwag magsayang ng oras sa paghahanap sa katotohanan, alisin ang hangarin mong makipagkumpitensya para sa katayuan bago pa ito lumaki at lumala, at palitan ito ng pagsasagawa ng katotohanan. Kapag isinasagawa mo ang katotohanan, mababawasan ang iyong hangaring makipagkumpitensya para sa katayuan, at hindi ka manghihimasok sa gawain ng iglesia. Sa ganitong paraan, maaalala at pupurihin ng Diyos ang iyong mga ginawa. Kaya ano ang sinusubukan Kong bigyang-diin? Ito iyon: Dapat alisin mo sa iyo ang mga hangarin at ambisyon mo bago magbunga ang mga ito at mauwi sa matinding kalamidad. Kung hindi mo lulutasin ang mga ito habang maaga pa, mapapalampas mo ang isang magandang oportunidad; at sa sandaling nauwi na ang mga ito sa matinding kalamidad, huli na ang lahat para lutasin ang mga ito. Kung wala ka man lang tibay ng loob para talikdan ang laman, magiging napakahirap para sa iyo na makatungtong sa landas ng paghahanap sa katotohanan; kung may nasasagupa kang mga dagok at kabiguan sa paghahangad mo ng reputasyon, at hindi ka natatauhan, mapanganib ito: May posibilidad na mapalayas ka. Kapag naharap ang mga nagmamahal sa katotohanan sa isa o dalawang kabiguan at dagok pagdating sa kanilang reputasyon at katayuan, nagagawa nilang lubos na talikuran ang katayuan at reputasyon. Malinaw nilang nakikita na wala talagang anumang halaga ang reputasyon at katayuan, at determinado sila na kahit hindi sila magkaroon ng katayuan kailanman, hahangarin pa rin nilang matamo ang katotohanan at gampanan nang maaayos ang kanilang tungkulin, at ibabahagi pa rin nila ang kanilang mga karanasan at patotoo, sa gayon ay magkakaroon sila ng patotoo sa Diyos. Kahit ordinaryong tagasunod sila, may kakayahan pa rin silang sumunod hanggang wakas, at ang tanging gusto nila ay mapuri ng Diyos. Ang mga taong ito lamang ang tunay na nagmamahal sa katotohanan at may determinasyon. Matapos makitang palayasin ng sambahayan ng Diyos ang maraming anticristo at masasamang tao, ang ilang naghahangad na matamo ang katotohanan ay namamasdan ang kabiguan ng mga anticristo at napagninilayan ang landas na tinatahak ng mga anticristo. Mula rito, nagkakaroon sila ng pagkaunawa tungkol sa kalooban ng Diyos, nagpapasya na maging mga ordinaryong tagasunod, at nagtutuon sa paghahangad na matamo ang katotohanan at gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin. Kahit sabihin ng Diyos na sila ay mga tagapagsilbi o pasaway, kuntento na silang maging isang taong mababa sa paningin ng Diyos, isang hamak at walang-kabuluhang tagasunod, ngunit isang taong sa huli ay tinatawag na katanggap-tanggap na nilalang ng Diyos. Ang ganitong klaseng tao lamang ang mabuti, at ang ganitong klaseng tao lamang ang pupurihin ng Diyos(“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikatlong Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Naisip ko si Pedro. Hindi niya hinangad ang katayuan o tumuon sa kung mataas ang tingin sa kanya ng mga tao. Sa halip, tumuon siya sa paghahangad na mahalin ang Diyos, at sa lahat ng bagay, hiningi niya sa sarili niya na isagawa ang katotohanan para palugurin ang Diyos. Sa panlabas, hindi siya kasingsikat ni Pablo, pero tinahak niya ang landas ng tagumpay. Pinuri ng Diyos ang kanyang paghahangad, at sa huli, ginawang perpekto ng Diyos si Pedro. Hindi hinangad ni Pablo ang katotohanan, at kahit na sinamba siya ng di-mabilang na mananampalataya, tinahak niya ang landas ng kabiguan, at hindi kailanman nagbago ang disposisyon niya. Sa huli, pinalayas at pinarusahan siya ng Diyos. Nananalig ako sa Diyos sa lahat ng mga taong ito, at bagamat paulit-ulit akong napromote, hindi ko hinangad ang katotohanan, at hindi ko pinahalagahan ang pagkakataong magampanan ang tungkulin ko. Sa halip, lagi kong hinangad ang kasikatan at katayuan, at sinayang ko ang mga pagkakataong ibinigay sa akin ng Diyos na makamit ang katotohanan. Ang natanggap ko lang sa pagganap ng tungkulin ko ay pagsisisi at pagkakautang. Nakita ko na ang paghahangad ng katayuan sa pananalig ko sa Diyos ay hindi ang tamang landas. Ang pinakamahalaga ay ang maghangad ng katotohanan at umasal ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Sa gayon lamang natin makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos at maliligtas ng Diyos. Isa pa, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos. Kapag gusto kong makipagkumpitensya sa iba para sa kasikatan at katayuan, kailangan kong lumapit sa Diyos, manalangin sa Kanya, talikdan ang sarili ko, at isagawa ang katotohanan. Sa ganitong paraan ko lang hindi masusunod ang aking satanikong disposisyon at hindi makakagawa ng mga bagay na sumasalungat sa Diyos.

Kalaunan, binalak naming sanayin si Sister Wang, at pagkatapos ay ipromote siyang magtrabaho kasama namin sa kanyang tungkulin. Pero nang makita kong sinasabi ng iba na may mahusay siyang kakayahan at pang-unawa, nagsimula akong mag-alinlangan. Mas bata siya sa akin at may mahusay na kakayahan. Kung mapo-promote siya, hindi ba niya ako malalampasan agad? May titingala pa ba sa akin? Mas mabuti bang hindi siya sanayin? Napagtanto kong umiiral na naman ang pagnanais ko para sa katanyagan at katayuan, kaya agad akong nanalangin sa Diyos at tinalikdan ang sarili. Alam kong kinakailangan sa gawain ng iglesia ang pagtutulungan ng lahat ng uri ng talento. Ang pagsupil sa talento ay pagsira sa gawain ng iglesia at paglaban sa Diyos. Kaya, sinadya kong talikdan ang sarili ko at sinanay si Sister Wang, umaasang makapagtatrabaho siya sa lalong madaling panahon. Nang magsagawa ako nang ganito, napakapayapa at panatag ng pakiramdam ko.

Sa pamamagitan ng mga karanasang ito, nakita ko na ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos ay kahanga-hanga. nakita ko na kung wala ang paghatol at paghahayag ng mga salita ng Diyos, hindi ko mapagninilayan ang sarili ko, mamumuhay lamang ako sa aking mga tiwaling disposisyon, makakagawa ako ng masama at malalabanan ang Diyos anumang oras. Ngayon, medyo kilala ko na ang sarili ko. Ito ang resulta ng pagbabasa ng salita ng Diyos, at ito ang pagliligtas ng Diyos sa akin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paglabas Mula sa Pagkalito

Gaya ng sinabi ng Diyos: “Sa ngayon, hindi ka maaring masiyahan na sa kung paano ka nalupig, kundi dapat mo ring isaalang-alang ang daan na iyong tatahakin sa hinaharap. Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng lakas-ng-loob upang magawang perpekto, at hindi mo dapat isipin na hindi kaya ng iyong sarili. May pinapanigan ba ang katotohanan?”