Manatiling Tapat sa Katotohanan, Hindi sa Damdamin
Nakatanggap ako ng sulat mula sa isang lider isang araw ng Hulyo 2017 na nagsasabing ang iglesia ay nililinis ang mga walang pananalig, at hinihiling sa akin na isulat ang tungkol sa ugali ng kapatid ko. Nagulat talaga ako at medyo kinabahan. Gusto ba nilang patalsikin ang kapatid ko? Kung hindi, bakit nila ako pinasusulat ng tungkol sa kanya? Alam kong hindi siya nagbabasa ng mga salita ng Diyos o dumadalo ng mga pagtitipon sa kanyang libreng oras, sa halip ay palagi siyang lumalabas kasama ng mga kaibigan niya, sumusunod sa masasamang kalakaran at walang anumang interes sa mga bagay tungkol sa pananampalataya. Sinabi niya rin sa akin na huwag akong magtuon nang husto sa relihiyon, kundi lumabas sa mundo, tulad niya. Nagbahagi ako sa kanya, pero hindi siya nakinig at nainis pa nga siya at nagsabi ng, “Tama na ’yan, palaging tungkol sa bagay na ito ang sinasabi mo, at wala akong pakialam!” Pagkatapos ay natulog na siya. Marami beses nang nag-alok ng pagbabahagi ang mga kapatid sa kanya, pinapayuhan siya na basahin ang mga salita ng Diyos at pumunta sa mga pagtitipon, pero ayaw niya itong tanggapin. Sinabi niyang nakakasakal ang sumunod sa Diyos, na palagi niyang kailangang humanap ng oras na makipagtipon. Una sa lahat, atubili siya noong sumapi siya sa iglesia, para mapagbigyan si inay. Ganoon naman siya noon pa man. Mukha talagang isa siyang walang pananalig, at naaayon sa prinsipyo kung aalisin siya sa iglesia. Pero malapit talaga kami noon pa man. Noong maliliit pa kami, palagi siyang nagtitira ng anumang masarap na pagkain para sa akin, at ibinibigay niya sa akin ang kalahati ng anumang pera na ibinigay sa kanya ng kahit sino. Minsan, ikinulong ako ng isang guro sa paaralan, at nagalit siya talaga kaya napaiyak siya. Walang ibang magkakapatid sa bayan namin ang ganito kalapit sa isa’t isa tulad namin. Nang maisip ko iyon, hindi ko makayang isulat ang tungkol sa mga problema niya. Ayaw kong putulin ang nagbibigkis sa amin. Kung magiging tapat ako sa mga ikinikilos niya at sa huli ay patalsikin siya ng iglesia, wala na siyang anumang pagkakataon na maligtas. Hindi ba’t magiging malupit at walang-puso ako kapag nagkagayon? Ano ang mangyayari kapag nalaman niyang nagsulat ako tungkol sa kanya, at hindi na niya ako kausapin ulit? Nagpasya akong magsulat ng mas positibong bagay na nagbabasa siya minsan ng mga salita ng Diyos, na naniniwala siya sa puso niya kahit na hindi siya pumupunta sa mga pagpupulong. Dahil doon ay mapagbibigyan siya, at kapag nakita iyon ng lider, malamang na mas magbahagi siya sa kanya. Siguro’y magkakaroon siya ng pagkakataong manatili sa iglesia. Pero kung hindi ako matapat tungkol sa kanyang ugali, pagsisinungaling iyon at pagtatago sa katotohanan. Ililigaw niyon ang mga kapatid at maaantala ang normal na progreso ng gawain ng iglesia. Sa isang banda ay ang gawain ng iglesia, at sa kabila naman ay ang kapatid ko. Ano ang maaari kong gawin? Masama talaga ang pakiramdam ko at hindi ko kayang huminahon para magawa ang tungkulin ko. Nagiging blanko ang isip ko kapag naiisip kong magsusulat ako tungkol sa kanya, at hindi ko talaga alam kung paano magsimula. Lalo akong naguluhan nang mas inisip ko ito, kaya tahimik akong nanalangin, “Diyos ko, gusto ko pong maging patas sa pagtaya sa aking kapatid, pero nakagapos ako ngayon sa damdamin, at hindi ko ito magawa. Pakigabayan po ako na hindi mapangunahan ng damdamin sa pagharap ko dito, at sa halip ay masunod ang Iyong mga salita.”
Nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos pagkatapos magdasal: “Labis na makasarili yaong mga nagkakaladkad tungong simbahan sa kanilang mga anak at kamag-anak na lubusang hindi naniniwala, at nagpapakita lamang sila ng kabaitan. Nakatuon lamang ang mga taong ito sa pagiging mapagmahal, naniniwala man sila o hindi o kung kalooban man ito ng Diyos. Dinadala ng ilan ang kanilang esposa sa harap ng Diyos, o kinakaladkad ang kanilang mga magulang sa harap ng Diyos, at sumasang-ayon man sa kanila o hindi ang Banal na Espiritu o gumagawa sa kanila, walang taros silang nagpapatuloy sa ‘pag-ampon ng matatalinong tao’ para sa Diyos. Anong pakinabang ang maaaring makamit mula sa pagpapaabot ng kabaitan sa mga hindi mananampalatayang ito? Kahit na nagsusumikap sila, na walang presensya ng Banal na Espiritu, na sundan ang Diyos, hindi pa rin sila maililigtas tulad ng maaaring paniwala ng tao. Yaong mga makakayang tumanggap ng kaligtasan sa totoo ay hindi ganoon kadaling matamo. Lubos na walang kakayahan na magawang ganap ang mga tao na hindi sumailalim sa gawain at mga pagsubok ng Banal na Espiritu, at hindi nagawang perpekto ng Diyos na nagkatawang-tao. Samakatuwid, mula sa sandaling simulan nilang sundan sa turing ang Diyos, salat sa presensya ng Banal na Espiritu ang mga taong iyon. Dala ng kanilang mga kalagayan at tunay na katayuan, hindi sila magagawang ganap nang gayon-gayon lamang. Sa gayon, nagpapasya ang Banal na Espiritu na huwag gumugol ng gaanong sigla sa kanila, o nagkakaloob Siya ng anumang kaliwanagan o ginagabayan sila sa anumang paraan; pinahihintulutan lamang Niya silang makisunod, at ilalahad sa huli ang mga kalalabasan nila—sapat na ito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Nalaman ko mula sa mga salita ng Diyos na ang kagustuhang magsabi ng magagandang bagay tungkol sa kapatid ko para mapanatili siya sa iglesia at bigyan siya ng pagkakataong maligtas ay pangangarap ko lang nang gising. Malinaw na sinasabi ng mga salita ng Diyos na ang mga hindi tunay na sumusunod sa Diyos, na hindi totoong naniniwala ay hindi maililigtas. Inililigtas ng Diyos ang mga nagmamahal at tumatanggap ng katotohanan. Ang ganitong uri lamang ng tao ang makatatamo ng presensya at gawain ng Banal na Espiritu, makakaunawa at makatatamo ng katotohanan, makapagbabago ng kanilang disposisyon sa buhay, at sa huli ay maliligtas ng Diyos at mananatili. Sa diwa, ang mga walang pananalig ay hindi nagmamahal sa katotohanan—kinasusuklaman nila ito. Hindi nila kahit kailan tinatanggap ang katotohanan, at gaano man katagal na silang naniniwala, ang kanilang mga pananaw, pagtingin sa buhay, at mga pinahahalagahan ay hindi nagbabago. Tulad lamang sila ng mga hindi nananalig. Hindi sila kinikilala ng Diyos, at hindi nila matatamo ang pagbibigay-liwanag at paggabay ng Banal na Espiritu. Makakasunod sila hanggang sa wakas, pero hindi sila magbabago ng disposisyon nila—hindi sila maaaring maligtas. Nang inisip ko ang kapatid ko, hindi niya minamahal ang katotohanan, kinamumuhian niya ito. Palagi siyang nakikipagkasiyahan sa mga hindi nananalig, hindi siya nagbabasa ng mga salita ng Diyos o pumupunta sa mga pagtitipon. Hindi rin niya gustong gumawa ng tungkulin, iniisip na wala siyang mapapala rito. Palagi siyang nagrereklamo na nakakabagot ang buhay na may pananampalataya, at walang pinagkaiba ang maniwala at hindi. Ayaw niyang pakinggan ang pagbabahagi ninuman, at ang labis na pagbabahagi ay nakakainis sa kanya. Batay sa kanyang ugali, isa siyang hindi tunay na nananalig, isang walang pananalig at hindi talaga siya kinikilala ng Diyos. Hindi niya matatamo kailanman ang gawain ng Banal na Espiritu o makakamit ang pagkaunawa sa katotohanan. Gaano ko man kaganda ang paglalarawan ko sa kanya para mapanatili siya sa iglesia, hindi siya maliligtas. Yamang tinukoy ko na siya na isang siyang walang pananalig at hindi siya ililigtas ng Diyos, kung mapangunahan ako ng emosyon at poprotektahan ko siya para manatili siya sa iglesia, hindi ba’t paglaban iyon sa Diyos? Kung hindi patas at tumpak ang pagsusulat ko ng pagtataya ko batay sa mga katotohanan, at sa halip ay iniligaw ko ang iba kaya hindi natanggal kaagad ang isang tao na dapat tanggalin, hindi ba’t paghadlang iyon sa gawain ng iglesia? Alam kong kailangan kong bitiwan ang mga nadarama ko, sundin ang mga prinsipyo, at sumulat nang tumpak tungkol sa kapatid ko—iyon lamang ang naaayon sa kalooban ng Diyos. Guminhawa ang pakiramdam ko matapos kong isulat ang tungkol sa ugali niya at tinanggal nga siya ng iglesia sa huli. Nagawa kong tanggapin nang mahinahon ang kinalabasang iyon. Salamat sa pagbibigay-liwanag at gabay ng mga salita ng Diyos, hindi ko pinagtakpan ang kapatid ko dahil sa emosyon, kundi nagawa kong suriin niya nang patas at walang pagkiling. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos.
Pagkatapos, noong Hulyo 2021, hiniling sa akin ng isang lider ng iglesia na sumulat ng pagsusuri sa aking inay. Naisip ko na nito lang ay hindi siya nagbabahagi ng ebanghelyo batay sa prinsipyo at halos inilagay sa panganib ang iglesia. Nang tukuyin ng iba ang problema, ayaw niya itong tanggapin. Walang humpay siyang nakikipagbangayan kung ano ang tama at mali, na nakakasakal para sa kanila. Hindi ito ang una o pangalawang pagkakataon na nagdulot siya ng gulo sa ganitong paraan. Sa isang pagtitipon, hiniling ng isang lider minsan sa isa pang sister, hindi sa kanya, na basahin ang mga salita ng Diyos. Nagsimula siyang magsabi na inaapi siya ng lider, at na huwad na lider. Napansin ng isang sister na nanggugulo siya sa pagtitipon at hiniling sa kanya na hinaan ang boses niya at bigyang-pansin ang paligid. Sinabi ng inay ko na nakikipagtalo ang sister na iyon tungkol sa kung ano ang tama at mali, at hindi siya babalik kung gagawin iyon ulit ng sister. Walang humpay siyang nakikipagtalo tungkol sa anumang maliit na bagay at gumagawa ng gulo sa mga pagtitipon. Nakakagambala na siya sa buhay-iglesia. Nagbahagi na sa kanya ang iba at tinabasan na siya nang maraming beses, Umaasa na matututo siya tungkol sa kanyang sarili at magsisisi, pero hindi niya ginagawa ang anuman dito. Binabaluktot pa niya ang mga katotohanan, sinasabing sinisita ng mga tao ang maliliit na maling bagay na nasabi niya. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan. Ang mga prinsipyo tungkol dito ay nagsasabi na kailangan siyang ilagay sa Grupo B sa mga pagtitipon, para mapigilan siyang magsanhi ng dagdag na mga paggambala at makaapekto sa buhay-iglesia ng mga kapatid. Alam kong dapat kong isulat ang pagsusuri ko sa kanya para sa iglesia sa lalong madaling panahon. Pero naisip ko kung gaano niya inaalala kung paano siya tingnan ng iba, ang pag-aatubili niyang tanggapin ang katotohanan, at ang kawalan niya ng pagtitimpi. Malamang na masangkot siya sa mga pagtatalo at malamig ang pakitungo niya sa sinumang pumupuna sa kanya. Kung malalaman niya na nagsulat ako tungkol sa kanya, matatanggap ba niya ito? Hindi ba’t nakakahiya ito para sa kanya na malaman na kapamilya niya ang nagsabi noon tungkol sa kanya? Maaaring manlumo siya at isuko ang kanyang pananampalataya. Masama talaga ang pakiramdam ko At naiisip ko ang lahat ng paraan na nagpakita siya ng pagmamahal at malasakit sa akin. Minsan, noong maliit pa ako at nagkaroon ng napakataas na lagnat sa kalagitnaan ng gabi, binuhat niya ako sa likod niya at dinala sa doktor sa susunod na bayan. Napakataas ng lagnat ko, na ayaw akong tanggapin ng doktor, kaya noong gabi ring iyon ay dinala niya ako sa hospital sa bayan. Palagi niya akong tinulungan na maisaayos ang lahat sa buhay ko, na naasikaso na ang bawat detalye. Isinilang niya ako at pinalaki, at ibinahagi niya ang ebanghelyo sa akin at dinala ako sa harap ng Diyos. Sinusuportahan niya ako sa aking tungkulin. Napakabuti niya sa akin—kung ibubunyag ko ang masasamang ugali na pang-hindi nananalig, hindi ba’t kawalan iyon ng konsensiya sa bahagi ko, at hindi ba’t masakit iyon para sa kanya? Kung malalaman ng iba na ako mismo ang nagsulat ng pagsusuri ng aking inay, Inilalantad ang kanyang paggambala sa buhay-iglesia, maaari nila akong pintasan dahil sa pagiging walang habas ko sa aking inay, at tawagin akong walang pakiramdam, at anak na walang utang na loob. Alam kong ang inay ko’y hindi ang klase ng tao na tumatanggap ng katotohanan, pero napakamaalaga niya sa akin, at siya mismo ang aking sariling ina, sa kabila ng lahat. Kaya, gusto kong umiwas sa pagsulat ng pagsusuri sa aking inay. Patuloy akong hinikayat ng lider, pero kaswal ko lang na sinabi na gagawin ko ito, at pagkatapos ay patuloy na ipinagpaliban ito. Noon, isa kaming pamilya ng mga nananalig—masaya iyon sa pakiramdam. Kumakanta kami ng himno at nagdarasal nang magkakasama, nagbabasa ng mga salita ng Diyos at nagsasalita tungkol sa aming mga nararamdaman. Minsan, ang mga alaalang iyon ay bumabalik sa isip ko. Pero natanggal na ang kapatid ko, at nahaharap ang inay ko na mailipat sa Grupo B. Miserable ako talaga at hindi ko alam kung paano harapin ang sitwasyong iyon. Wala akong pananampalataya na gawin ang anumang paghahangad at walang anumang gana sa aking tungkulin. Hindi ko nadama ang anumang pasanin na gawin ang anumang paghahangad na tulungan ang iba sa kanilang mga problema, nagpapatangay lang ako sa agos sa mga pagtitipon, lumilipad ang isip at hindi makapagbahagi ng anuman. Pabasta-basta lang ako araw-araw, talagang nagdurusa. Alam kong wala ako sa mabuting kalagayan, kaya pumunta ako sa harapan ng Diyos at nanalangin, humihiling sa kanya na gabayan ako na makaalis sa pagiging negatibo para hindi ako makontrol ng emosyon ko.
Nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos kalaunan: “Anong mga isyu ang may kaugnayan sa mga emosyon? Una ay kung paano mo kinikilatis ang sarili mong pamilya, at kung ano ang nagiging reaksyon mo sa mga bagay na kanilang ginagawa. Kasama sa ‘mga bagay na kanilang ginagawa’ ang kapag ginugulo at ginagambala nila ang gawain ng iglesia, kapag mapanghusga sila sa mga tao kapag nakatalikod ang mga ito, kapag ginagawa nila ang mga bagay na ginagawa ng mga walang pananampalataya, at iba pa. Magagawa mo bang hindi kilingan ang iyong pamilya? Kung pasusulatin ka ng ebalwasyon tungkol sa kanila, gagawin mo kaya ito nang patas at walang halong damdamin, na isinasantabi ang sarili mong mga emosyon? Sentimental ka ba sa mga taong nakapalagayan mo ng loob o tumulong sa iyo noon? Magiging mahigpit, walang kinikilingan at walang pinapanigan ka kaya tungkol sa kanilang mga kilos at pag-uugali? Iuulat o ilalantad mo ba sila agad kapag nadiskubre mong nakikialam at nanghihimasok sila?” (Pagkilala sa mga Huwad na Lider (2)). “Halimbawa, kung dating naniniwala sa Diyos ang iyong mga kamag-anak o magulang, pero ngayon inalis na sila, magagawa mong makilala sila nang mabuti at wala kang magiging reklamo, at maisasantabi mo ang mga relasyong pampamilya at magagamit mo ang katotohanang nauunawaan mo na para kilatisin kung sino talaga sila. Kung nakauunawa ka ng kaunting katotohanan, makakabuo ka ng tumpak na pagsasalarawan ng kanilang pagkatao. Hindi ito para sirain ang relasyon ninyo sa inyong kadugo, kundi upang matukoy kung anong uri at anong tipo silang tao. Kung tama at nakaayon ang iyong pananaw sa katotohanan, makatatayo ka sa panig ng Diyos, at magiging kaayon ng Diyos ang mga pananaw mo ukol sa mga bagay-bagay. Kung ang mga pananaw mo ay ukol sa mga bagay na panlaman, lagi mong makikita ang mga bagay na ito mula sa perspektibo ng pagmamahal sa pamilya, at laging magiging kamag-anak ang turing mo sa taong ito. Kung hindi mo maaalis sa iyong sarili ang relasyong ito, magkakasalungatan ang pananaw mo ukol sa iyong mga kamag-anak at ang mga salita ng Diyos, hangggang sa puntong kinokontra na ng pananaw mo ang mga salita ng Diyos. Sa kasong ito, hindi ka makakatayo sa panig ng Diyos, at magkakaroon ka ng mga haka-haka at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos. Samakatuwid, kahit ano pa ang mga pananaw mo, hangga’t hindi umaayon ang mga ito sa katotohanan, salungat ang mga ito sa mga pananaw ng Diyos” (“Paano Makikilala ang Kalikasang Diwa ni Pablo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa aking ng mga salita ng Diyos na hindi natin maaaring tingnan ang mga bagay-bagay o ang mga tao mula sa pantao o pandamdamin na pananaw. Kailangan nating makilala nang malinaw ang likas na pagkatao at diwa nila ayon sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Kapag tinitingnan natin ang mga tao sa ganoong paraan, mas malamang na hindi tayo makokontrol ng ating nadarama. Palagi kong sinuri ang mga bagay-bagay ayon sa pandamdaming pananaw, iniisip na siya ay ang aking ina, at kung paano niya ako minahal at inalagaan, kaya hindi ko madampot ang bolpen para maisulat ang pagsusuri. Pero sinabi ng Diyos na kailangan natin ng pagkilala sa mga tao batay sa kanilang likas na pagkatao at diwa, at ang makita nang malinaw ang mga bagay na iyon ang tanging paraan para magamit nang maayos ang mga prinsipyo at hindi makontrol ng damdamin. Kaya anong klase talaga ng tao ang inay ko? Karaniwan ay nakapasigla niya at maalaga sa pang-araw-araw na buhay, pero ang ibig sabihin laman niyon ay magiliw siya. Inalagaan niya ako nang husto, na ang ibig sabihin lamang ay tinupad niya ang kanyang responsibilidad bilang isang ina. Pero likas siyang mayabang, maingat talaga sa kanyang reputasyon, at hindi talaga siya tumatanggap ng katotohanan. Hindi siya naging patas at naging palaban siya sa sinuman na tumukoy ng kanyang mga problema o pumuna sa kanya, at nagmamaktol siya dahil dito. Kapag malala ito, nakikipag-away siya kaagad sa kanila at tinututulan niya ang sinumang naglalantad sa kanya, na nakakasakal sa iba. Batay sa kanyang pag-uugali, kung patuloy siyang makikipagtipon sa mga kapatid, tiyak na magagambala niya ang buhay-iglesia at mapipigilan ang pagpasok sa buhay ng iba. Kung maililipat siya sa Grupo B ayon sa prinsipyo, ang lahat ay magkakaroon ng maayos na mga pagtitipon at magiging isang babala sa kanya ang pagsasaayos na iyon. Kung magninilay siya talaga at makikilala ang kanyang sarili, magiging mabuti ito para sa kanyang buhay. Pero kung tututol siya, kung hindi niya tatanggapin ito o iiwanan pa niya ang pananalig, siya ay malalantad and maaalis. Pagkatapos ay makikita ko ang kanyang likas na pagkatao at diwa nang mas malinaw, Kung siya ay trigo o mapanirang damo, kung dapat pa ba siyang manatili. Sa puntong iyon, naunawaan ko ang kalooban ng Diyos. Isinaayos ng Diyos ang sitwasyong ito para matulungan akong magkaroon ng pagkilala, at matutunan na makita ang likas na pagkatao at diwa ng mga tao ayon sa Kanyang mga salita para hindi makaapekto ang damdamin ko sa mga pagkilos ko at mapakitunguhan ko ang mga tao ayon sa prinsipyo.
Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong masuwayin sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga umaangkin na may pananampalataya, subalit salat sa katotohanan? Hindi ba sila yaong mga naghahangad na matamo lamang ang mga pagpapala samantalang hindi magawang magpatotoo para sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin ngayon sa mga demonyong iyon at nag-uukol ng budhi at pagmamahal sa kanila, ngunit sa pangyayaring ito, hindi ka ba nag-aabot ng mabubuting layon kay Satanas? Hindi ka ba kakampi ng mga demonyo? Kung hindi pa rin magawa ng mga tao sa mga araw na ito na makita ang kaibhan ng mabuti at masama, at patuloy na bulag na maging mapagmahal at maawain nang walang anumang layon na hangarin ang kalooban ng Diyos o magawang kupkupin bilang kanila sa anumang paraan ang mga layunin ng Diyos, magiging higit na kahabag-habag ang kanilang mga katapusan. Kaaway ng Diyos ang sinumang hindi naniniwala sa Diyos sa katawang-tao. Kung nakapag-uukol ka ng budhi at pagmamahal sa isang kaaway, hindi ka ba salat sa kahulugan ng pagiging matuwid? Kung bumabagay ka sa mga yaong kinamumuhian Ko at hindi Ko sinasang-ayunan, at nag-uukol pa rin ng pagmamahal o pansariling damdamin sa kanila, hindi ka ba masuwayin sa gayon? Hindi mo ba sinasadyang labanan ang Diyos? Nagtataglay ba ng katotohanan ang gayong tao? Kung nag-uukol ng budhi ang mga tao patungkol sa mga kaaway, pagmamahal sa mga demonyo, at habag kay Satanas, hindi ba nila sinasadyang gambalain ang gawain ng Diyos sa gayon?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Ibinunyag ng mga salita ng Diyos ang mismong kalagayan ko. Alam kong naniwala sa Diyos ang inay ko sa loob nang maraming tao pero hindi niya tinatanggap ang katotohanan, at nang sinubukan ng iba na tulungan siya, na tabasan at iwasto siya, hindi niya matanggap na mula ito sa Diyos. Palagi siyang nakipagtalo tungkol sa mga bagay-bagay at nanggambala ng buhay-iglesia, kumikilos bilang kampon ni Satanas. Pero hindi ako makapanindigan at hindi ko siya mailantad, patuloy ko lang siyang pinagtakpan. Naisip ko na kung hindi ko siya ilalantad o kung hindi ako susulat ng pagsusuri, iyon ang pagkakaroon ng konsensiya. Pero ang totoo ay pagmamahal iyon at pagkakaroon ng konsensiya para kay Satanas, hindi ito pagsasaalang-alang nang kahit kaunti sa gawain ng sambahayan ng Diyos o sa mga interes ng mga kapatid. Pumapanig ako kay Satanas at nagsasalita para kay Satanas. Hindi ba’t iyon ang tinatawag ng Diyos na “sadyang paglaban sa Diyos”? Walang prinsipyo sa aking pagmamahal at hindi ko alam ang tama sa mali—ito ay nalilitong pag-ibig. Lubos kong pinagtakpan ang inay ko, binibigyan siya ng pagkakataong magpatuloy sa paggambala sa buhay-iglesia. Naging bahagi ako ng kasamaan niya. Sinaktan ko ang iba at ang sarili ko. Binulag ako ng aking nadarama, ginapos nito ang mga paa ko. Ilang beses akong hinimok ng lider na isulat ang pagsusuring iyon, pero patuloy kong ipinagpaliban ito at inantala ang gawain ng iglesia. Nakonsensiya talaga ako nang matanto ko iyon. Naisip ko rin kung bakit hindi ko mapigilan na makontrol ako ng emosyon ko sa ganoong uri ng sitwasyon. Ano ang tunay na problema doon? Pumunta ako sa harapan ng Diyos para manalangin at maghanap, Hinihiling sa Kanya na gabayan ako na makita ang landas pa maiwaksi ko ang mga pagkakagapos sa emosyon.
Nabasa ko ang mga salita ng Diyos pagkatapos ng panalangin ko. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Anong prinsipyo ang dapat pagbatayan ng pagtrato ng mga tao saiba ayon sa iniuutos ng mga salita ng Diyos? Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos: Ito ang prinsipyong dapat sundin. Mahal ng Diyos ang mga naghahanap ng katotohanan at nakasusunod sa Kanyang kalooban. Ito rin ang mga taong dapat nating mahalin. Ang mga hindi nakasusunod sa kalooban ng Diyos, mga napopoot sa Diyos, at naghihimagsik sa Diyos—ito ang mga taong kinamumuhian ng Diyos, at dapat din natin silang kamuhian. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. … Kung ang isang tao ay isinusumpa ng Diyos, ngunit siya ay magulang o kamag-anak mo at sa tingin mo ay medyo mabait siya, baka hindi mo magawang kamuhian ang taong iyon, at baka may matalik at malapit na relasyon pa sa pagitan ninyo. Nabahala ka nang marinig mo na kinasusuklaman siya ng Diyos, hindi mo magawang kamuhian siya, na iniisip na medyo mabait naman siya sa iyo. Pinapanatili mo ang personal na relasyon sa kanya, at hindi mo siya kayang pakawalan. Bakit ganoon? Ito ay dahil ginagapos ka ng damdamin. Mabait sa iyo ang taong iyon at hindi ka sinaktan kailanman, kaya hindi mo maatim na kamuhian siya. Maaari mo lang siyang kamuhian kung sinaktan ka nga niya. Ang pagkamuhing iyon ba ay aayon sa mga prinsipyo ng katotohanan? Gayundin, ginagapos ka ng tradisyunal na mga haka-haka, na iniisip na isa siyang magulang o kamag-anak, kaya kung kamumuhian mo siya, kukutyain at lalaitin ka ng lipunan, kokondenahing walang galang, walang konsiyensya, at ni hindi nga tao. Iniisip mo na magdurusa ka ng pagkondena at kaparusahan ng langit. Kahit gusto mong kamuhian siya, hindi iyon kakayanin ng konsiyensya mo. Bakit gumagana nang ganito ang konsiyensya mo? Ito’y isang paraan ng pag-iisip na itinuro sa iyo ng mga magulang mo, na ikinintal at ipinabatid sa iyo ng kulturang panlipunan. Nakaugat ito nang napakalalim sa puso mo, kaya nagkakamali ka ng paniwala na ito’y isang positibong bagay, na ito’y isang bagay na namana mo sa iyong mga ninuno at palagi itong isang mabuting bagay. Ito ang una mong natutuhan at nananatili itong nangingibabaw, na lumilikha ng malaking balakid at gambala sa iyong pananampalataya at pagtanggap ng katotohanan, kaya hindi mo magawang isagawa ang mga salita ng Diyos, at mahalin ang minamahal ng Diyos, kamuhian ang kinamumuhian ng Diyos. Alam mo sa puso mo na ang buhay mo’y nagmula sa Diyos, hindi sa mga magulang mo, at nakita mo nang hindi lamang hindi naniniwala ang mga magulang mo sa Diyos, kundi nilalabanan pa nila ang Diyos; kinamumuhian sila ng Diyos at dapat kang magpasakop sa Diyos, pumanig sa Kanya, subalit hindi mo talaga maatim na kamuhian sila, kahit gusto mo. Hindi mo mabago ang isipan mo, hindi mo mapatigas ang puso mo, at hindi mo maisagawa ang katotohanan. Ano ang pinag-ugatan nito? Ginagamit ni Satanas ang ganitong uri ng tradisyunal na kultura at mga haka-haka tungkol sa moralidad para itali ang iyong mga saloobin, ang iyong isipan, at ang iyong puso, kaya hindi mo magawang tanggapin ang mga salita ng Diyos; kontrolado ka na ng mga bagay na ito, at hindi mo makayang tanggapin ang mga salita ng Diyos. Kahit kapag gusto mong isagawa ang mga salita ng Diyos, nagdudulot ng kaguluhan sa kalooban mo ang mga bagay na ito, at nagiging sanhi ng pagsalungat mo sa mga salita ng Diyos at sa hinihingi ng Diyos, at wala kang lakas para alisin ang sarili mo sa pagkaalipin na ito. Matapos mahirapan sandali, gumawa ka ng kompromiso: Mas gusto mong maniwala na tama at nakaayon sa katotohanan ang tradisyunal na mga haka-haka tungkol sa moralidad, at kaya tinatanggihan o tinatalikdan mo ang mga salita ng Diyos. Hindi mo tinatanggap na katotohanan ang mga salita ng Diyos at hindi mo iniisip na maligtas, na nadarama mo sa puso mo na nabubuhay ka pa sa mundong ito, kailangan mo pa ring umasa sa mga taong ito para mabuhay. Dahil hindi mo makayang tiisin ang ganting-paratang ng lipunan, mas gusto mong piliing isuko ang katotohanan at ang mga salita ng Diyos, na pinababayaan ang iyong sarili sa tradisyunal na mga haka-haka tungkol sa moralidad at sa impluwensya ni Satanas, na mas ginugustong magkasala sa Diyos at hindi isagawa ang katotohanan. Hindi ba kaawa-awa ang tao? Hindi ba niya kailangan ang pagliligtas ng Diyos?” (“Makikilala Mo ang Iyong Sarili sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Iyong mga Maling Pananaw” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na hinihingi Niya sa atin na mahalin ang minamahal Niya at kamuhian ang kinamumuhian Niya. Minsan din sinabi ng Panginoong Jesus, “Sino ang aking ina? At sino-sino ang aking mga kapatid? … Sapagka’t sinumang gumagawa ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit, ay siyang Aking kapatid na lalaki at Aking kapatid na babae, at ina” (Mateo 12:48, 50). Minamahal ng Diyos ang mga naghahangad ng katotohanan at kayang tumanggap nito. Sila lamang ang mga kapatid at ang mga dapat kong mahalin, at tulungan nang may pagmamahal. Ang lahat ng namumuhi sa katotohanan at hindi nagsasagawa nito kailanman ay mga walang pananalig, at hindi mga kapatid. Kahit na sila ay kapamilya, kailangan natin silang makita at ilantad batay sa mga prinsipyo ng katotohanan. Hindi iyon nangangahulugan na hindi ka nagmamahal sa iyong mga magulang at hindi ka nagmamalasakit sa kanila, pero ang ibig sabihin nito ay dapat ay maging makatwiran at patas ang pakikitungo mo sa kanila, ayon sa kanilang likas na pagkatao at diwa. Pero ang “Mas matimbang ang dugo kaysa tubig” at “Ang tao ay hindi patay; paano siya magiging malaya mula sa emosyon?” ay mga satanikong lason na nanuot na sa akin. Wala akong prinsipyo, sa halip ay pinrotektahan at pinanigan ko ang pamilya ko batay sa mga emosyong pantao. Nang sumulat ako tungkol sa kapatid ko, alam kong ipinakita na niya na isa siyang walang pananalig at dapat nang maalis mula sa iglesia, pero nahulog ako sa emosyon ko at hindi ko gustong isulat ang katotohanan. Gusto kong itago ang mga katotohanan at linlangin ang iba. Nang pasulatin ako ng lider tungkol sa inay ko, alam kong nakagagambala siya sa buhay-iglesia at dapat akong magsulat nang tumpak at walang pagkiling na pagsusuri para matulungan ang lider na ilantad at limitahan siya. Pero dahil naiisip ko na ina ko siya, at kung gaano siya kabuti sa akin, natakot ako na sa pagsulat niyon, palagi akong makokonsensiya at hindi makakayang mamuhay dahil dito. Natakot din ako na iisipin nang iba na ako’y walang patumangga at manhid. Puno ng mga pag-aalinlangan at pangamba, patuloy ko itong ipinagpaliban. Ang mga satanikong lason na ito ay malalim na nakaugat sa aking puso kaya hindi ako makasulong dahil sa emosyon. Wala akong prinsipyo sa iba o hindi ko itinataguyod ang gawain ng iglesia. Pumanig ako kay Satanas, nagrerebelde at lumalaban sa Diyos. Ang aking inay at kapatid ay mga walang pananalig. Ang paglalantad ng kanilang ugali ang matuwid na bagay na dapat gawin. Ito ay pagprotekta sa gawain ng iglesia at pagsunod sa mga hinihingi ng Diyos. Ito ay pagmamahal sa minamahal ng Diyos, at pagkamuhi sa kinamumuhian ng Diyos, at patotoo sa pagsasagawa ng katotohanan. Pero nakita ko na ang pagsasagawa ng katotohanan at paglalantad kay Satanas ay isang bagay na negatibo, iniisip na pagiging walang puso iyon, kawalan ng konsensiya, at pagtataksil. Litong-lito ako. Nalilito ako sa tama at mali, sa mabuti at masama. Nakontrol pa ako ng emosyon at nanlumo, at walang ganang gawin ang tungkulin ko. Kung wala ang maagap na pagbibigay-liwanag at paggabay ng Diyos, nakontrol sana ako ng aking mga emosyon. Ang mamuhay nang naaayon sa emosyon ay halos katapusan ko na. Napakapanganib niyon!
Napagnilayan ko kalaunan na may isa pang maling pagkaunawa sa pag-aatubili kong sumulat tungkol sa inay ko. Nadama kong palagi siyang maalaga sa akin, kaya anumang pag-uusap ng paglalantad sa kanya ay talagang lumigalig sa konsensiya ko. Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na bumago sa pananaw ko tungkol dito. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala ang tao, isang nabubuhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Sumunod, nagkaroon ng mga magulang at kamag-anak ang tao, at hindi na nag-iisa. Mula nang unang makita ng tao ang materyal na mundong ito, itinadhana siyang mabuhay sa loob ng ordinasyon ng Diyos. Ang hininga ng buhay mula sa Diyos ang sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang sa kanyang paglaki hanggang sa kanyang pagtanda. Sa prosesong ito, walang nakadarama na lumalaki ang tao sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos; sa halip, naniniwala sila na lumalaki siya sa ilalim ng mapagmahal na pangangalaga ng kanyang mga magulang, at na ang likas na pag-uugali niya sa buhay ang gumagabay sa kanyang paglaki. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay niya, o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi niya alam kung paano lumilikha ng mga himala ang likas na pag-uugali niya sa buhay. Ang alam lang niya ay na pagkain ang saligan ng pagpapatuloy ng buhay, na pagtitiyaga ang pinagmumulan ng kanyang pag-iral, at na mga paniniwala sa kanyang isipan ang puhunan kung saan nakadepende ang kanyang pananatiling buhay. Tungkol sa biyaya at panustos ng Diyos, walang anumang naaalala ang tao, kaya nga inaaksaya niya ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos…. Wala ni isa sa sangkatauhang ito na pinangangalagaan ng Diyos gabi’t araw ang nagkukusang sambahin Siya. Patuloy lang ang Diyos sa paghubog sa tao, nang walang anumang inaasahan, tulad ng naplano na Niya. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa kanyang panaginip at biglang matatanto ang halaga at kahulugan ng buhay, ang halagang katumbas ng lahat ng naibigay ng Diyos sa kanya, at ang sabik na kahilingan ng Diyos na bumalik ang tao sa Kanya” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Kung titingnan ay parang isinilang ako ng inay ko at pinalaki niya ako at siya ang nag-alaga sa akin sa buhay ko. Pero ang totoo, ang pinagmulan ng buhay ng tao ay ang Diyos, at ang lahat ng tinatamasa ko ay ibinigay ng Diyos. Nabubuhay ako dahil mismo sa hiningang ito na ibinigay ng Diyos sa akin. Ang Diyos ang nagbigay sa akin ng buhay sa mundo, at isinaayos Niya ang aking pamilya at tahanan. Ito ay mga pagsasaayos ng Diyos na nagdulot sa akin na marinig ang Kanyang tinig at lumapit sa harapan Niya. Kung makatwiran ako, dapat ay magpasalamat ako sa Diyos, at dapat ko talagang isagawa ang katotohanan para mabigyang-kasiyahan ang Diyos kapag nagaganap ang mga bagay-bagay, para masuklian ang pagmamahal ng Diyos. Hindi ako dapat pumanig sa pamilya sa mundo at kumilos para kay Satanas, at humadlang sa gawain ng iglesia. Nang matanto ko ito’y talagang naalerto ako. Kailangan kong pumunta sa harapan ng Diyos para magsisi, at hindi ko dapat patuloy na sundin ang mga nararamdaman ko. Hiniling sa akin ng iglesia na sumulat ng tungkol sa aking inay, kaya dapat akong sumulat ng tungkol sa kanyang ugali nang tumpak, ayon sa mga katotohanan, at pagkatapos ay tanggapin kung ano man ang mapagdesisyunang gawin ng iglesia rito. Kaya tumpak kong inilantad ang mga pag-uugali ng inay ko na nakagagambala sa buhay-iglesia.
Pagkalipas ng isang buwan, nahalal akong maging lider ng iglesia. Nalaman kong may ilang kasapi ng iglesia na hindi pa rin nauunawaan nang husto ang inay ko. Naisip ko na kailangan ko silang kausapin tungkol sa kung gaano nakagambala ang inay ko sa buhay-iglesia para magkaroon sila ng pagkilala at mapakitunguhan siya nang ayon sa mga prinsipyo. Pero bago ko ito gawin, naguluhan ang kalooban ko. Kung ilalantad at ibubunyag ko siya at nakilala nila siya, mag-iiba ba ang tingin nila sa kanya? Maiinis ba siya dahil dito? Ayaw kong magsalita ng anuman. Naisip kong namumuhay na naman ako batay sa nadarama ko at naalala ko ang mga salita ng Diyos, na dapat kong mahalin ang minamahal ng Diyos at kamuhian ang kinamumuhian ng Diyos. Nagdulot ang inay ko ng mga problema sa buhay-iglesia, at isang bagay iyon na kinamumuhian ng Diyos. Hindi ko maiwasang pagtakpan siya dahil sa mga nadarama ko. Responsibilidad kong ilantad at ibunyag ito batay sa mga prinsipyo ng katotohanan upang magkaroon ng pagkakilala ang iba. Kaya detalyado kong sinabi kung paano niya ginambala ang buhay-iglesia at nagkaroon ng kaunting pagkakilala ang iba at natuto ng ilang aral. Karamihan sa mga tao ay bumuto na ilipat siya sa Grupo B. Na-relax talaga ako at napayapa matapos isagawa ito.
Nagpasalamat ako sa Diyos mula sa puso ko Para sa paggabay at pagbibigay-liwanag ng Kanyang mga salita na tumulong sa akin na maunawaan ang katotohanan, makahanap ng mga prinsipyo at malaman kung paano itatrato ang mga kapamilya ko. Kung wala iyon, mananatili akong nakokontrol ng emosyon at ginagawa ang mga bagay na laban sa Diyos. Ipinakita talaga sa akin ng karanasan na ito na para sa mga at mga usapin sa sambahayan ng Diyos, ang lahat ay dapat gawin batay sa mga prinsipyo ng katotohanan. Naaayon iyon sa kalooban ng Diyos. Isang paraan din iyon para magkaroon ng payapang kalooban. Salamat sa Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.