Mga Pagninilay Matapos Lumaban sa Pangangasiwa

Nobyembre 28, 2022

Ni Mi Hui, Tsina

No’ng 2021, ako ang namamahala sa gawain ng pagdidilig sa iglesia. Nang panahong ‘yon, madalas magtanong ang aming lider tungkol sa pag-usad ng aming gawain para pangasiwaan at subaybayan ang aming gawain. Tinatanong din ako ng lider kung may mga problema ba sa gawain. No’ng una, aktibo akong tumutugon, pero pagkaraan ng ilang panahon, nagsimula akong mawalan ng pasensya. Naisip ko: “Ang laking abala na kailangang palaging balitaan ang lider sa pag-usad namin at maraming oras ang naaaksaya nun. Hindi ba maaapektuhan ang pagganap ko sa gawain? Kung hindi mahusay ang pagganap ko sa gawain, hindi ba ako tatanggalin ng lider?” Nang mapagtanto ito, naging napakamapanlaban ko sa pangangasiwa ng lider sa aming gawain.

Isang beses, pinadalhan ako ng lider ng isang liham na nagtatanong kung kumusta ang gawain. Itinanong niya kung gaano karaming tao ang tumanggap na sa ebanghelyo sa buwang ‘yon, gaano karaming miyembro ang hindi nakikipagtipon nang regular at kung bakit, ano’ng mga kuru-kurong panrelihiyon ang mayroon sila, at kung paano namin ‘yon nalutas sa pamamagitan ng pagbabahagi. Bahagya akong nabalisa sa harap ng lahat ng tanong na ito. Napakaraming nilalaman ang dapat pag-usapan at kailangan kong talakayin at pasadahan ang lahat ng ito kasama ang mga manggagawa sa pagdidilig. Lubha nitong maaantala ang aming gawain, at nakaramdam ako ng paglaban: “Humihingi ka ng napakaraming detalye sa mga tanong na ito—gaano katagal kaming maaantala nito? Kapag hindi kami nagkaroon ng mga resulta sa aming gawain ng pagdidilig, sasabihin mo bang hindi ako gumagawa ng praktikal na gawain at wala akong kakayahan?” Nang mapansin kong may mga pag-aalinlangan din ang mga sister na katuwang ko, naisip ko: “Kung iniisip din nilang magiging sanhi ito ng pagkaantala, baka pwede kaming sama-samang magbigay ng mungkahi, at pagkatapos ay hindi na magtatanong ang lider ng gano’n kadetalyadong mga tanong kapag sumusubaybay sa gawain. Sa gano’ng paraan, hindi masyadong malalantad ang mga kakulangan sa trabaho ko.” Kaya, medyo pabiro kong sinabi: “Nag-aalala nga siguro talaga sa atin ang lider sa lahat ng detalyadong tanong niya.” Pagkasabi ko nun, sumang-ayon ang isang sister, na sinabing: “Parang ginigisa tayo!” Pagkarinig kong sumang-ayon sa akin ang sister, natatawa akong sumagot: “Abala na nga tayong lahat ngayon pa lang. Napakaabala kung sasagutin pa natin ang gano’n kadetalyadong mga tanong. Hindi ba ito makaiimpluwensya sa mga resulta ng ating gawain ng pagdidilig?” Tumango sa pagsang-ayon ang iba pang mga sister. Lihim akong natuwa: “Mukhang hindi lang ako ang tutol dito. Pwede naming pagsama-samahin ang aming mga mungkahi sa lider, nang sa gano’n, hindi na siya laging hihingi ng balita sa gawain namin.” Sa panunulsol ko, sa tuwing dumarating ang lider para makibalita sa aming gawain, sumisimangot ang mga katuwang ko at kahit kapag tumutugon sila, nagsasabi lang sila ng ilang komento na wala sa loob. Hindi sila nagbibigay ng mga detalyadong ulat sa mga isyu at problema sa aming gawain, at, bilang resulta, hindi maunawaan ng lider ang mga isyu na nararanasan namin at nabigong mapabuti ang gawain ng pagdidilig.

Sa ibang pagkakataon, napansin ng lider na hindi kami nakatutok sa paglilinang ng mga manggagawa sa pagdidilig, at kaya nagpadala siya ng liham sa amin na nagbabahagi tungkol sa kahalagahan ng aspetong ito ng gawain at binigyan kami ng ilang landas ng pagsasagawa. Ipinaalam niya rin na hindi kami nagpapasan ng responsibilidad para sa proyektong ito, na usad-kuhol kami at hindi epektibo. Bilang resulta, hindi nasasanay ang mga baguhan at direkta nitong naiimpluwensyahan ang gawain ng pagdidilig. Hiniling niya sa aming magsimulang tumuon sa isyung ito, at magmadaling sanayin na maging mga tagadilig ang ilang baguhan. Medyo nakaramdam ako ng paglaban nang makita ko ang liham: “Sobra-sobra ang hinihingi niyang ito. Kasisimula pa lang ng mga baguhang ito sa kanilang mga tungkulin—hindi gano’n kadali ang paglinang sa kanila! Marami kang karanasan sa paglilinang ng mga tao, hindi mo kami pwedeng pilitin sa pamantayan mo!” Pero pagkatapos ay naisip ko, “Kung direkta akong magrereklamo, hindi ba niya iisipin na hindi ako magaling na manggagawa? Hindi pwede ‘yon! Kailangan kong ipakita sa kanya na ang buong grupo namin ay walang kakayahang tuparin ang mga hinihinging ito, sa gano’ng paraan ay wala siyang magagawa kundi magpaubaya at hindi ako mag-isang mananagot.” Kaya’t ikinunot ko ang noo ko at sa nangangambang tono ay sinabing: “Medyo masyadong mataas ang hinihingi ng lider. Wala tayong gaanong karanasan tulad niya.” Agad na tumango at sumang-ayon ang ibang mga sister. Ang isa sa kanila ay sinabing: “Ang lider ay may mahusay na kakayahan at napakagaling sa kanyang gawain, paano tayo posibleng makapantay sa kanya?” Sabi pa ng isa: “Sobra-sobra ang hinihingi ng lider sa atin. Paano natin matatapos ang gawaing ito?” Tuwang-tuwa akong makita na lahat kami ay pare-pareho ng iniisip. Walang magagawa ang lider kundi ang magpaubaya. Tutal, hindi niya matatanggal ang buong grupo! Kinabukasan, tumugon ako sa liham ng lider at inilarawan ang mga problemang mayroon kami sa aming gawain para subukang bigyan siya ng ideya sa kasalukuyan naming sitwasyon. Sa dulo, nagdagdag ako ng linya, na nagsasabing: “Ito ang aming pinakamainam na resulta sa aming gawain sa ngayon. Mahirap nang mas higitan pa ito,” at siniguro kong idiin ang salitang “aming” sa liham para malaman ng lider na sama-samang opinyon namin ‘yon. Sa ganitong paraan, hindi kami pipilitin ng lider sa ganoon kataas na pamantayan. Gayunman, sa gulat ko, sa sumunod na pagtitipon, iwinasto at inilantad ako ng lider, sinasabing hindi ako nagdadala ng pasanin sa aking tungkulin, walang motibasyong humusay pa, nagkakalat ng mga negatibong ideya sa mga kapatid, bumubuo ng mga pangkat at sinusulsulan ang iba na labanan ang lider kasama ko. Sinabi niya ring usad-kuhol ako sa paglilinang sa mga baguhan, ginagambala ang gawain ng iglesia at hindi gumaganap ng anumang papel sa gawain ng grupo. Sa huli ay tinanggal ako pagkatapos nun.

Matapos matanggal, nakonsensya talaga ako at sumama ang loob ko. Alam kong nakagawa ako ng gulo, gumawa ng masama at nagkasala sa Diyos. Hindi ko hinanap ang katotohanan nang lumitaw ang mga problema at nagpakalat pa nga ako ng mga kuru-kuro na nagtulak sa lahat na mamuhay sa negatibo at pasibong kalagayan. Talagang nahadlangan ko ang gawain ng iglesia. Kalaunan, habang nagninilay, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Dahil, sa puso nila, laging pinagdududahan ng mga anticristo ang banal na diwa ni Cristo, at laging may masuwaying disposisyon, kapag ipinagkakatiwala sa kanila ni Cristo na gawin ang mga bagay-bagay, lagi nila itong sinisiyasat at tinatalakay, at tinatanong ang mga tao kung tama ba ang mga ito o mali. Malubhang problema ito, hindi ba? (Oo.) Hindi nila hinaharap ang mga bagay na ito mula sa pananaw ng pagsunod sa katotohanan; sa halip, hinaharap nila ito nang salungat sa Diyos. Ito ang disposisyon ng mga anticristo. Kapag naririnig nila ang mga utos at pagsasaayos ng gawain ni Cristo, hindi nila ito tinatanggap at sinusunod, sa halip ay nagsisimula silang magtalakayan. At ano ang tinatalakay nila? Tinatalakay nila kung ang mga salita at utos ni Cristo ay tama o mali, at sinusuri nila kung dapat ba itong isagawa o hindi. Ang saloobin ba nila ay saloobin na gusto talagang isagawa ang mga bagay na ito? Hindi—gusto nilang hikayatin ang mas maraming tao na maging tulad nila, na huwag gawin ang mga bagay na ito. At ang hindi ba paggawa ng mga ito ay pagsasagawa ng katotohanan ng pagsunod? Malinaw na hindi. Kaya ano ang ginagawa nila? (Nagrerebelde.) Hindi lang sila nagrerebelde sa Diyos nang sila lang, naghahanap pa sila ng sama-samang pagrerebelde. Ito ang kalikasan ng kanilang mga kilos, hindi ba? Sama-samang pagrerebelde: itinutulad nila sa kanila ang lahat, itinutulad sa pag-iisip nila ang pag-iisip ng lahat, sinasabi ang sinasabi nila, nagdedesisyon nang gaya nila, sama-samang nilalabanan ang mga desisyon at utos ni Cristo. Ito ang modus operandi ng mga anticristo. Ang paniniwala ng mga anticristo ay, ‘Hindi ito krimen kung ginagawa ito ng lahat,’ kaya hinihikayat nila ang iba na magrebelde sa Diyos, iniisip nila na sa ganitong sitwasyon, walang magagawa ang sambahayan ng Diyos sa kanila. Hindi ba’t kahangalan ito? Ang sariling abilidad ng mga anticristo na labanan ang Diyos ay napakalimitado, wala silang kasama. Kaya sinusubukan nilang manghimok ng mga tao upang sama-samang labanan ang Diyos, iniisip sa kanilang puso na ‘Mang-uuto ako ng isang grupo ng mga tao, at pag-iisipin at pakikilusin sila nang katulad ko. Sama-sama naming tatanggihan ang mga salita ni Cristo, at hahadlangan ang mga salita ng Diyos, at pipigilan ang mga itong maisakatuparan. At kapag may taong dumating upang suriin ang gawain ko, sasabihin kong desisyon ng lahat na ganito ang gawin—at pagkatapos ay makikita natin kung paano Mo haharapin iyon. Hindi ko ito gagawin para sa Iyo, hindi ko ito isasagawa—at tingnan natin kung ano ang gagawin Mo sa akin!’ ... Hindi ba’t kasuklam-suklam ang mga bagay na ito na ipinapamalas ng mga anticristo? (Lubhang kasuklam-suklam ang mga ito.) At ano ang nakakasuklam sa mga ito? Nais ng mga anticristo na ito na agawin ang kapangyarihan sa sambahayan ng Diyos, hindi naisasagawa ang mga salita ni Cristo kung nasaan man sila, hindi nila ito isasagawa. Siyempre, maaaring may isa pang uri ng sitwasyon na sangkot kapag hindi makasunod ang mga tao sa mga salita ni Cristo: Ang ilang tao ay mahina ang kakayahan, hindi nila naiintindihan ang mga salita ng Diyos kapag naririnig nila ito, at hindi nila alam kung paano ito isasagawa; kahit na turuan mo sila kung paano, hindi pa rin nila kaya. Ibang usapan ito. Ang paksa na pinagbabahaginan natin ngayon ay ang diwa ng mga anticristo, na walang kinalaman sa kung kaya ba ng mga taong gumawa ng mga bagay, o kung ano ang kakayahan nila; may kinalaman ito sa disposisyon at diwa ng mga anticristo. Sila ay lubos na laban sa Diyos, sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at sa mga prinsipyo ng katotohanan. Wala silang pagsunod, tanging paglaban. Ganito ang isang anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem: Kinamumuhian Nila ang Katotohanan, Hayagang Nilalabag ang mga Prinsipyo, at Binabalewala ang mga Pagsasaayos ng Sambahayan ng Diyos (Ikaapat na Bahagi)). Napagtanto ko matapos basahin ang mga salita ng Diyos na ang ginawa ko ay isang napakalalang pagkakasala. Partikular akong tinamaan sa paglalahad ng Diyos kung paanong ang mga anticristo ay may mapaghimagsik na disposisyon, wala man lang pagtanggap o kagustuhang magpasakop sa mga hinihingi ng Diyos at sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, puno ng paglaban at protesta at nililinlang pa nga ang iba na lumaban kasama nila. Nang gunitain ko ang mga nangyari, nagpakita rin ako ng gano’ng uri ng pag-uugali. Noong gusto ng lider na pasadahan ang mga detalye ng pag-usad ng aming gawain, nainis ako at nag-alala na maaantala nun ang tungkulin ko at maiimpluwensyahan ang resulta ng gawain ko, kaya hindi ko ito matanggap at nagpakalat ako ng mga ideyang may pagkiling laban sa lider, at nakipagtulungan sa ibang mga sister para lumaban at magrebelde laban sa kanya kasama ko. Nang ipaalam ng lider na napakabagal ng pag-usad namin at hindi kami nagkakaroon ng mga resulta, at nagbahagi siya kung paano namin mapabubuti ang aming kasanayan sa gawain, lumaban ako, nakipagtalo, at ayaw magpasakop. Naisip kong ang lider ay pinipilit kami sa napakataas na pamantayan at hindi nauunawaan ang aktwal naming mga isyu. Nang magbahagi ang lider tungkol sa mga paraan para mapabuti ang aming kasanayan, hindi ako nakinig. Para mapasuko ang lider at mapababa ang pamantayan niya sa amin, at para masigurong alam niyang ang hindi magagandang resulta sa aming gawain ay hindi lang dahil sa’kin, nagpakalat ako ng ideya sa iba pa na napakataas ng mga hinihingi ng lider, sinusulsulan silang maniwala na masyado kaming ginigipit ng lider at binubuyo silang lumaban kasama ko para hindi lang ako ang mananagot. Napakamapanlinlang ko at nagsalita ako nang may lihim na mga motibo at satanikong pandaraya. Ang tanging naisip ko ay kung paano gamitin ang ibang tao para matamo ang mga motibo ko. Hiningi ng lider ang mga detalye ng aming gawain para malaman at maituwid sa tamang oras ang mga isyu na nararanasan namin, tulungan kaming mapataas ang kasanayan namin sa gawain at makapagsanay ng mga baguhan para magawa nila ang kanilang tungkulin sa lalong madaling panahon. Gumagawa lang siya ayon sa mga hinihingi ng Diyos at sa mga pagsasaayos ng iglesia, pero ayokong magpasakop at lumaban ako. Hindi ito isang alitan sa aking lider, paglaban ito sa gawain ng iglesia at sa mga hinihingi ng Diyos. Kumikilos ako nang may ganap na pagsalungat sa Diyos. Nilinlang at sinulsulan ko ang lahat para pumanig sa akin, para lahat kami ay magkaroon ng pare-parehong paniniwala at magsalita ng pare-parehong bagay na salungat sa mga pagsasaayos ng iglesia. Nagpakita ako ng isang anticristong disposisyon at umaktong kampon ni Satanas. Nagsalita ako ng negatibo para linlangin ang mga kapatid, na naging sanhi kaya nawala ang kagustuhan nilang mapabuti, nakontento sa kung ano nang kaya nila sa kasalukuyan, at iniraos lang nang pabasta-basta ang kanilang gawain. Bilang resulta, patuloy na nabigong magkaroon ng mga resulta ang gawain ng pagdidilig. Ang paghadlang at panggugulo na ito sa pagsasanay ng mga baguhan ay isang paggawa ng kasamaan! Nang mapagtanto ko ito, medyo natakot ako. Kung magpapatuloy ako nang gano’n, makagagawa lang ako ng mas marami pang kasamaan at sa huli ay magiging anticristo at mailalantad at mapalalayas. Ang pagkakatanggal sa akin ng iglesia ay isang palatandaan ng proteksyon at pagiging matuwid ng Diyos. Lumapit ako sa Diyos sa panalangin: “Mahal na Diyos, ang pagkakatanggal sa akin ay palatandaan ng pagiging matuwid Mo. Sa pamamagitan ng paglalantad at paghahatol ng Iyong mga salita, nagawa kong makilala ang aking anticristong disposisyon. Pinoprotektahan at inililigtas Mo ako sa pamamagitan ng pagkakatanggal na ito at nagpapasalamat ako sa Iyo!”

Pagkatapos nun, nakakita ako ng dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos na naghayag ng ganitong uri ng tiwaling disposisyon: “Madalas magpakalat ng mga teorya ang mga anticristo para manloko ng mga tao. Kahit ano pang klase ng trabaho ang isinasagawa ng mga anticristo, kailangan na laging sila ang may huling salita. Lubos silang lumalabag sa mga prinsipyo ng katotohanan. Kaya kung pagbabatayan ang naipapamalas ng mga anticristo, ano nga ba ang disposisyon ng mga anticristo? Minamahal ba nila ang mga positibong bagay, minamahal ba nila ang katotohanan? Mayroon ba silang tunay na pagsunod sa Diyos? (Wala.) Ang diwa nila ay diwa ng pagkasawa at pagkapoot sa katotohanan. Higit pa riyan, sa sobrang yabang nila ay nawalan na sila ng katwiran, at wala sila ni katiting na konsensya at katinuan; hindi sila nababagay na tawaging tao. Ang masasabi lang sa kanila ay kauri sila ni Satanas—mga demonyo sila. Lahat ng hindi tumatanggap sa katotohanan ay mga demonyo, wala itong duda(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem: Kinamumuhian Nila ang Katotohanan, Hayagang Nilalabag ang mga Prinsipyo, at Binabalewala ang mga Pagsasaayos ng Sambahayan ng Diyos (Ikaapat na Bahagi)). “Sa mga puso ng mga anticristo, ano ang saloobin nila sa pagsasagawa ng katotohanan at pagsunod kay Cristo? Isang salita: paglaban. Palagi silang lumalaban. At ano ang disposisyon na napapaloob sa paglaban na ito? Ano ang nagdudulot nito? Pagsuway ang nagdudulot nito. Pagdating naman sa disposisyon, ito ay pagiging sawa sa katotohanan, ito ay pagkakaroon ng pagsuway sa kanilang mga puso, ito ay pagtanggi nilang sumunod. Kaya naman, ano ang iniisip ng mga anticristo, sa mga puso nila, kapag hinihingi ng sambahayan ng Diyos na ang mga lider at manggagawa ay matutong magtulungan nang maayos, sa halip na isang tao lang ang nagdedesisyon ng lahat, na matuto silang talakayin ang mga bagay? ‘Napakalaking abala na talakayin sa mga tao ang lahat ng bagay! Kaya kong magdesisyon tungkol sa mga bagay na ito. Ang pakikipagtulungan sa iba, pakikipagtalakayan sa kanila, paggawa ng mga bagay ayon sa prinsipyo—kahangalan at nakakahiya!’ Iniisip ng mga anticristo na naiintindihan nila ang katotohanan, na malinaw ang lahat sa kanila, na mayroon silang sariling kabatiran at paraan ng paggawa ng mga bagay, kaya hindi nila kayang makipagtulungan sa iba, hindi nila tinatalakay sa mga tao ang kahit na anong bagay, ginagawa nila ang lahat sa sarili nilang pamamaraan, at hindi nakikinig sa kahit na sino! Kahit na sinasabi ng mga anticristo na handa silang sumunod, at handang makipagtulungan sa iba, kahit na gaano pa kaganda ang mga sagot nila sa panlabas, gaano kasarap pakinggan ang mga salita nila, hindi nila kayang baguhin ang mapaghimagsik nilang kalagayan, hindi nila kayang baguhin ang kanilang mga satanikong disposisyon. Sa kalooban nila ay lubha silang rebelde—gaano kalubha? Kung ipapaliwanag sa lengguwahe ng kaalaman, ito ay isang sitwasyon na nangyayari kapag ang dalawang bagay na may magkaibang kalikasan ay pinagsasama: pagtanggi, na maaari nating ipakahulugan bilang ‘pagtutol’. Ito mismo ang disposisyon ng mga anticristo: paglaban sa Itaas. Gusto nilang nilalabanan ang Itaas at wala silang sinusunod(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem: Kinamumuhian Nila ang Katotohanan, Hayagang Nilalabag ang mga Prinsipyo, at Binabalewala ang mga Pagsasaayos ng Sambahayan ng Diyos (Ikaapat na Bahagi)). Sinasabi ng Diyos na ang kalikasan at diwa ng mga anticristo ay pagkapoot sa katotohanan at paglaban sa Diyos. Napagtanto ko na ang disposisyon ko ay pareho lang ng sa isang anticristo. Nayamot ako at lumaban sa pangangasiwa ng lider, iniisip na maaantala nito ang aking gawain at inisip kong labis ang hinihiling niya sa amin para hingiing dagdagan pa namin ang resulta namin, kaya hindi ako nagpapasakop at patuloy na nag-iingay at nagpoprotesta. Sa totoo lang, dapat naging mas bukas ako sa pagtukoy ng lider sa mga problema sa aming gawain at masunuring nagnilay kung bakit nabigo kaming magkaroon ng mga resulta sa aming gawain, kung dahil ba ito sa masyado kaming kaswal sa aming tungkulin, o kulang kami sa kabatiran at hindi kayang gamitin ang katotohanan para lutasin ang mga problema ng mga kapatid. Matapos matukoy ang isyu, dapat ay mabilis akong kumilos para maituwid at mapabuti ito. Pero hindi ko tinanggap ang katotohanan o nagnilay man lang, hindi ko rin sinisi ang sarili ko o nakonsensya dahil hindi ko nagawa nang maayos ang tungkulin ko. Para maiwasang matanggal, sinikap kong udyukan ang iba para labanan ang lider kasama ko. Isang positibong bagay at hinihingi ng Diyos na mangumusta at mangasiwa ang lider sa gawain, pero lumaban at nagprotesta ako. Sa panlabas, nakikipaglaban ako sa lider, pero sa diwa, sawa na ako sa katotohanan at napopoot sa mga positibong bagay. Ginambala at ginulo ko ang gawain ng iglesia. Nang makita ko kung paanong sawa na ako sa katotohanan at nagrebelde pa nga sa Diyos, natakot ako sa aking satanikong disposisyon. Inalala ko ang ilang anticristo na itiniwalag sa iglesia. Kapag pinupuna, tinutulungan, tinatabas, at iwinawasto sila ng mga tao, hinding-hindi nila tinatanggap ang katotohanan o pinagninilayan ang kanilang sarili. Kapag pinangangasiwaan ng mga tao ang kanilang gawain o binibigyan sila ng mga mungkahi, nagagalit sila sa pagkapahiya at itinuturing ang mga taong ‘yon na kanilang mga kaaway. Matigas ang ulo at malakas ang boses silang magpoprotesta at lalaban hanggang sa huli. Kahit kapag nakagagawa sila ng mga kasamaan na nagiging dahilan ng malubhang pinsala sa gawain ng iglesia, hindi pa rin sila nagsisisi at sa huli ay itiniwalag sila sa iglesia. Ang lahat ng ito ay dahil sa kanilang anticristong disposisyon, na sawa at napopoot sa katotohanan. Hindi ba’t ang disposisyon na ipinakita ko ay tulad ng sa mga anticristo? Kung hindi ako magsisisi, sa huli ay ilalantad at palalayasin ako.

Kalaunan, pinag-isipan ko rin kung bakit ko sinulsulan ang iba na labanan ang lider. Ano ang ugat na dahilan sa likod ng lahat ng ito? Sa aking paghahanap, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at natatamo ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katinding mga damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban ninyo ang lason ni Satanas. Ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Bawat tao ay para sa kanyang sarili, at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao pagkatapos, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito, ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan, at ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan; sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon. Lahat ng ginagawa ni Satanas ay para sa kapakanan ng sarili niyang pagnanasa, mga ambisyon, at mga layunin; nais niyang higitan ang Diyos, makawala sa Diyos, at makuha ang kontrol sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos. Sa kasalukuyan, gayon na lamang katinding ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao: May mga satanikong kalikasan silang lahat, sinusubukan nilang lahat na itatwa at labanan ang Diyos, gusto nilang makontrol ang sarili nilang mga kapalaran at sinusubukang labanan ang mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos—ang kanilang mga ambisyon at pagnanasa ay kaparehong-kapareho ng kay Satanas. Samakatuwid, ang kalikasan ng tao ay ang kalikasan ni Satanas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin Ang Landas ni Pedro). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos ay napagtanto ko na ang pagkakaroon ko ng kakayahang gawin ang gano’n kalubhang akto ng paglaban sa Diyos ay hindi lang isang pagpapakita ng aking tiwaling disposisyon, bagkus ay dahil sa aking satanikong kalikasan at satanikong disposisyon. Bilang resulta, kaya kong labanan ang Diyos anumang oras. Nakita ko kung paanong labis akong nagawang tiwali ni Satanas. Namuhay ako ayon sa satanikong pilosopiya na “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba” at naging napakamakasarili at napakamapanlinlang. Ang lahat ng ginawa at sinabi ko ay para maprotektahan ang sarili ko at mapangalagaan ang aking mga interes. Nang matuklasan ng lider ang mga isyu at problema sa aking gawain habang nangangasiwa, dahil nag-alala ako na sasabihin ng lider na wala akong kakayahan at tatanggalin ako, nanlinlang at nagpakana ako, naghasik ng kawalang-kasiyahan sa lider at idinamay at inudyukan ang iba para pumanig sa akin sa pinag-isang oposisyon, para magprotesta laban sa pangangasiwa ng lider at maipaalam sa kanya na hindi lang ako ang hindi mahusay na gumagawa, at na ito ay problema ng lahat. Para mapanatili ang aking katayuan, bumuo ako ng detalyadong pakana para labanan ang lider at protektahan ang sarili ko. Nagdulot ito ng malubhang pinsala sa gawain ng iglesia. Habang mas nagninilay ako, mas nakikita ko kung gaano ako naging makasarili, kasuklam-suklam, at walang kahihiyan. Para magawa ang isang bagay na napakasama—malinaw na ako ay talagang walang pagkatao! Nakaramdam ako ng matinding pagsisisi at nanalangin sa Diyos: “Mahal na Diyos! Nakagawa ako ng kasamaan at naabala ang gawain ng iglesia. Handa akong ganap na magsisi, tanggapin ang pangangasiwa at paggabay ng aking lider, at taimtim na gampanan ang aking tungkulin bilang isang nilikha.”

Pagkatapos nun, nabasa ko ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos na nagpakita sa akin ng tamang saloobin na dapat taglayin sa pangangasiwa at paggabay ng lider. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ngayon, bagama’t maraming taong nagsasagawa ng tungkulin, iilan lamang ang naghahangad ng katotohanan. Ang mga tao ay bihirang hangarin ang katotohanan at pumasok sa realidad ng katotohanan habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin; para sa karamihan, wala pa ring mga prinsipyo sa paraan ng paggawa nila ng mga bagay-bagay, hindi pa rin sila mga taong tunay na sumusunod sa Diyos; sinasambit lamang ng kanilang bibig na minamahal nila ang katotohanan, at handa silang hangarin ang katotohanan, at handa silang magsumikap para sa katotohanan, subalit wala pa ring nakakaalam kung hanggang kailan tatagal ang kanilang determinasyon. Ang mga taong hindi naghahangad ng katotohanan ay malamang na magkaroon ng mga pagbuhos ng isang tiwaling disposisyon anumang oras o saanmang lugar. Ang mga taong hindi naghahangad ng katotohanan ay walang anumang pagpapahalaga sa responsibilidad sa kanilang tungkulin, madalas ay wala silang ingat at pabasta-basta, kumikilos sila ayon sa gusto nila, at ni wala silang kakayahang tumanggap ng pagpupungos at pagwawasto. Sa sandaling sila ay maging negatibo at mahina, ang mga taong hindi naghahangad ng katotohanan ay malamang na sumuko na lamang—madalas itong mangyari, wala nang ibang mas karaniwan pa rito; ganoon kumilos ang lahat ng hindi naghahangad ng katotohanan. Kaya nga, kapag hindi pa nakakamit ng mga tao ang katotohanan, hindi sila maaasahan at mapagkakatiwalaan. Ano ang ibig sabihin ng hindi sila mapagkakatiwalaan? Ang ibig sabihin niyon ay na kapag nahaharap sila sa mga paghihirap o balakid, malamang na mabuwal sila, at maging negatibo at mahina. Mapagkakatiwalaan ba ang isang taong madalas maging negatibo at mahina? Talagang hindi. Ngunit iba ang mga taong nakakaunawa sa katotohanan. Ang mga taong tunay na nakakaunawa sa katotohanan ay malamang na magkaroon ng pusong may takot sa Diyos, at ng pusong sumusunod sa Diyos, at ang mga tao lamang na may pusong may takot sa Diyos ang mga taong mapagkakatiwalaan; ang mga taong walang pusong may takot sa Diyos ay hindi mapagkakatiwalaan. Paano dapat harapin ang mga taong walang pusong may takot sa Diyos? Siyempre pa, dapat silang bigyan ng mapagmahal na tulong at suporta. Dapat silang subaybayan nang mas madalas habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, at mas tulungan at gabayan; saka lamang magagarantiyahan na gagampanan nila nang epektibo ang kanilang tungkulin. At ano ang layon ng paggawa nito? Ang pangunahing layon ay ang itaguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Ang pangalawa rito ay para agad na matukoy ang mga problema, para agad silang matustusan, masuportahan, at maiwasto at mapungusan, na itinatama ang kanilang mga paglihis, at pinupunan ang kanilang mga pagkukulang at kapintasan. Kapaki-pakinabang ito sa mga tao; walang masamang hangarin dito. Ang pangangasiwa sa mga tao, pagbabantay sa kanila, pag-alam pa sa kung anong ginagawa nila—lahat ng ito ay para tulungan silang pumasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos, para bigyan sila ng kakayahang gampanan ang kanilang tungkulin ayon sa hinihingi ng Diyos at ayon sa prinsipyo, upang hindi sila makagulo o makagambala, upang hindi sila magsayang ng panahon. Ang layon ng paggawa nito ay lubos na dahil sa responsibilidad sa kanila at sa gawain ng sambahayan ng Diyos; walang masamang hangarin doon(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). “Pinangangasiwaan, inoobserbahan, at sinisiyasat ng sambahayan ng Diyos ang mga taong gumaganap ng tungkulin. Kaya ba ninyong tanggapin ang prinsipyong ito ng sambahayan ng Diyos? (Oo.) Isang magandang bagay kung matutulutan mong pangasiwaan, obserbahan, at siyasatin ka ng sambahayan ng Diyos. Makakatulong ito sa pagganap mo sa iyong tungkulin, sa paggawa mo sa iyong tungkulin nang kasiya-siya at sa pagtupad mo sa kalooban ng Diyos. Kapaki-pakinabang at nakakatulong ito sa mga tao, nang wala talagang negatibong epekto. Kapag naunawaan na ng isang tao ang mga prinsipyo tungkol sa bagay na ito, dapat ba o hindi siya dapat makaramdam ng paglaban o pag-iingat laban sa pangangasiwa ng mga lider, manggagawa, at mga taong hinirang ng Diyos? Maaaring masiyasat ka at maobserbahan paminsan-minsan, at maaaring masubaybayan ang iyong gawain, ngunit hindi mo ito dapat personalin. Bakit ganoon? Dahil ang mga gawaing nasa iyo ngayon, ang tungkuling ginagampanan mo, at anumang gawaing ginagawa mo ay hindi mga pribadong gawain o personal na trabaho ng sinumang tao; may kinalaman ang mga ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos at may kaugnayan sa isang bahagi ng gawain ng Diyos. Samakatuwid, kapag may sinumang gumugugol ng kaunting oras para subaybayan o obserbahan ka, o tinatanong ka ng malalalim na tanong, sumusubok na kausapin ka nang masinsinan at tuklasin kung ano ang naging kalagayan mo sa panahong ito, at kapag medyo mabagsik pa kung minsan ang kanilang pag-uugali, at iwinawasto at tinatabasan ka nila nang kaunti, at dinidisiplina, at pinagsasabihan, lahat ng ito ay dahil tapat at responsable sila sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi ka dapat magkaroon ng mga negatibong saloobin o damdamin tungkol dito. Ano ang ibig sabihin kung kaya mong tanggapin ang pangangasiwa, obserbasyon, at pagtatanong ng iba? Na sa puso mo, tinatanggap mo ang pagsusuri ng Diyos. Kung hindi mo tinatanggap ang pangangasiwa, obserbasyon, at pagtatanong sa iyo ng mga tao—kung ayaw mong tanggapin ang lahat ng ito—nagagawa mo bang tanggapin ang pagsusuri ng Diyos? Ang pagsusuri ng Diyos ay mas detalyado, malalim, at tumpak kaysa sa pagtatanong ng mga tao; ang hinihingi ng Diyos ay mas partikular, mahirap, at malalim kaysa rito. Kaya kung hindi mo matanggap ang pagsubaybay ng mga hinirang ng Diyos, walang kabuluhang mga salita lamang ba ang sinasabi mo na kaya mong tanggapin ang pagsusuri ng Diyos? Para magawa mong tanggapin ang pagsusuri at pagsisiyasat ng Diyos, dapat mo munang magawang tanggapin ang pagsubaybay ng sambahayan ng Diyos, mga lider at manggagawa, at mga kapatid(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na dahil umiiral sa loob natin ang mga sataniko’t tiwaling disposisyon, madalas tayong kumikilos ayon sa kagustuhan natin sa ating gawain. Bukod pa rito, dahil sa ating kasuklam-suklam at tamad na kalikasan, madalas tayong pabasta-basta sa ating mga tungkulin at hindi nagsisikap na magkaroon ng magagandang resulta. At saka, sumasalungat tayo sa prinsipyo sa maraming paraan, kaya kailangan natin ng mga lider at manggagawa para mangasiwa at mangumusta para masiguro na ang gawain ng iglesia ay umuusad nang maayos. Ito ang hinihingi ng Diyos sa mga lider at manggagawa at isa itong importanteng aspeto ng kanilang gawain. Kaya dapat akong magpasakop at tumanggap sa pangangasiwa at paggabay ng mga lider at manggagawa. Higit pa rito, nagkaroon ako ng maling kuru-kuro, iniisip na ang pangangasiwa at pangungumusta ng lider ay aantala sa’kin sa tungkulin ko at iimpluwensyahan ang pagganap ko sa gawain. Pero sa totoo lang, sinusuri ng mga lider ang mga detalye ng aming gawain para makita ang mga problema, tulungan kaming lutasin ang aming mga isyu at itama ang mga problema. Talagang pinabuti nito ang pagganap namin sa gawain—hindi nito naaantala ang aming pag-usad. Halimbawa, minsan nang kumustahin ng lider ang aming gawain, napansin niyang hindi namin dinidiligan nang may pagmamahal at pasensya ang mga baguhan at masyadong mataas ang hinihingi namin sa kanila. Naging dahilan ito kaya ang ilang baguhan ay naging negatibo at hindi ginawa ang kanilang mga tungkulin. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng lider saka lang namin natukoy ang mga isyung umiiral sa aming gawain. Pagkatapos nun, nakipagbahaginan kami sa mga baguhan gamit ang mga salita ng Diyos para tugunan ang kanilang mga problema, ipinaalam sa kanila ang kahulugan ng paggawa nila sa kanilang mga tungkulin at nagtalaga ng gawain sa mga baguhan batay sa kanilang aktwal na tayog. Pagkatapos nun, bumuti ang kalagayan nila at nagawa nilang gawin nang normal ang kanilang mga tungkulin. Nakita ko na ang pangangasiwa at paggabay ng lider ay hindi lang positibong makaiimpluwensya sa aming gawain, kundi pahihintulutan pa akong magkaroon ng mas mabuting pagkaunawa sa mga prinsipyo sa aking tungkulin. Ito ang lahat ng pakinabang ng pagtanggap sa pangangasiwa at paggabay ng lider sa aming gawain. Naunawaan ko na ang pagtanggap sa pangangasiwa ng lider ay isang saloobin ng responsibilidad sa gawain ng iglesia at isang prinsipyo ng pagsasagawa na dapat taglayin ng isang tao sa kanyang tungkulin.

Makalipas ang ilang panahon, itinalaga ako ng lider na ipagpatuloy ang pagdidilig sa mga baguhan at nakaramdam ako ng lubos na pasasalamat sa Diyos. Pagkatapos nun, kapag nangungumusta ang lider at ginagabayan kami sa aming gawain, hindi na ako gano’n kamapanlaban at nagagawa ko nang tandaan ang mga isyu na nakikita ng lider at aktibong talakayin at ibuod ang mga problema sa aming mga tungkulin kasama ang aking mga katuwang. Habang mas lumilinaw sa amin ang tungkol sa mga isyung umiiral sa aming gawain, nagsimulang unti-unting bumuti ang pagganap namin sa gawain. Totoong naramdaman ko na sa pagtanggap ng pangangasiwa at paggabay ng mga lider sa aming mga tungkulin, pagkakaroon ng saloobin ng pagtanggap sa katotohanan at pagsasagawa ng gawain ayon sa mga prinsipyo, saka lang kami magkakaroon ng magagandang resulta sa aming mga tungkulin. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Mapuna ay Naglantad sa Akin

Ni Sharon, Espanya Isang araw ng Disyembre taong 2021, sinabi sa akin ng isang kapatid na si Sister Arianna, na nailipat sa ibang iglesia...

Leave a Reply