Kasama Nang Muli ng Diyos

Disyembre 14, 2019

Ni Jianding, Estados Unidos

Ipinanganak ako sa isang Katolikong pamilya, at mula sa murang edad ay tinuruan ako ng ina ko na magbasa ng Biblia. Iyon ay noong panahong binubuo ng Partido Komunista ng Tsina ang bansa pagkatapos ng digmaang sibil, at dahil sinusugpo ng pamahalaang CCP ang lahat ng relihiyon, 20 taong gulang na ako bago ako nagkaroon sa wakas ng pagkakataong magsimba at makinig sa mga sermon. Madalas sabihin sa amin ng pari: “Tayong mga Katoliko ay dapat ikumpisal nang tama ang mga kasalanan natin at magsisi. Dapat tayong gumawa ng mabuti, hindi ng masama, at laging dumalo sa Misa. Sa mga huling araw, darating ang Panginoon at hahatulan ang bawat isa at ipadadala ang mga tao sa langit o sa impiyerno base sa kanilang pag-uugali. Ang pinakamasasamang makasalanan ay magdurusa ng walang-hanggang kaparusahan sa impiyerno, samantalang yaong mga gumagawa ng maliliit na kasalanan ay maaari pa ring pumunta sa langit hangga’t ikinukumpisal nila sa Panginoon ang mga kasalanan nila at nagsisisi. Ang sinumang hindi naniniwala sa Panginoon ay hindi kailanman makakarating sa langit, gaano man sila kabuti.” Nang marinig ko ito, nagdiwang ako na pinalad akong maipanganak sa Katolikong pananampalataya. Sinabi ko sa sarili ko na maging seryoso sa aking paghahanap, mas madalas na dumalo ng Misa, at mas mangumpisal ng mga kasalanan ko at magsisi sa Panginoon upang makapunta ako sa langit at hindi magdusa sa impiyerno. Noon ako nagkaroon ng determinasyong regular na magsimba at lumahok sa Misa. Sinabi rin sa amin ng pari noon na magbabalik ang Panginoon sa taong 2000—lahat kami ay masayang marinig iyon, at lahat kami ay naging napakamasigasig sa aming paghahangad, hinihintay ang pagbabalik ng Panginoon. Subali’t dumating at lumipas ang taong 2000 at hindi namin nakita ang anumang tanda ng pagbabalik ng Panginoon. Nawalan ng pananampalataya ang marami sa aming kongregasyon, at pakaunti nang pakaunti ang mga taong dumalo sa Misa. Nakaramdam din ako ng pagkadismaya, ngunit naramdaman ko pa rin na hindi matitinag ang pananampalataya ko sa Diyos, anuman ang gawin ng iba. Iyon ay dahil maraming beses na noong nasa panganib ako ay pinangalagaan ako ng Diyos at nakaligtas ako. Kung hindi dahil sa pangangalaga ng Diyos ay matagal na akong namatay, kung kaya hindi ako magiging sobrang walang utang na loob na mawawalan ng pananampalataya sa Diyos.

Sa mga sumunod na taon narinig ko sa mga tao sa paligid ko na ang Estados Unidos ay “langit sa lupa,” kung kaya umusbong sa akin ang matinding pagnanais na pumunta rito. Noong Disyembre 2014 ay lumipat na manirahan sa Amerika ang buo kong pamilya, ngunit ang realidad ng buhay rito ay napakalayo sa magandang larawan na naipinta ko sa aking isip. Sa simula, tila hindi pamilyar ang lahat ng nasa Amerika—mga dayuhan kami sa isang kakaibang lupain. Lubhang kakaiba ang kapaligiran at klima sa nakasanayan ko sa Tsina, at hindi nagtagal ay nagsimula akong magdusa ng ilang pisikal na daing. Madalas akong nakaramdam ng panghihina at pagkabalisa, lubos na kawalan ng lakas, ngunit kapag pumunta ako sa mga doktor ay wala silang makitang anumang problema sa akin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, kaya nagsimula akong mas taimtim pang manalangin sa Panginoon, umaasang makamit ang pangangalaga Niya. Habang patuloy sa aking pananalangin ay nagsimula akong maghanap ng isang simbahan kung saan ako makakadalo ng Misa at hindi naglaon ay nakahanap ako ng isa para sa mga Kristiyanong Tsino. Subali’t matapos akong magsimba roon ng ilang beses ay nalaman kong hindi iyon gaanong naiiba sa kung ano ang nangyayari sa pang-araw-araw na lipunan: Mababaw na palakaibigan ang mga miyembro ng kongregasyon subalit’t pinamumunuan ang kanilang mga pakikihalubilo ng kapangyarihan at pera. Nakadismaya talaga sa akin ang makita ang sitwasyong ito sa simbahan. Naisip ko sa sarili ko: “O Panginoon, kailan Ka magbabalik? Pagbalik Mo, ihihiwalay ang mabubuti mula sa masasama at lilinisin ang mundo.” Kahit patuloy pa rin akong dumalo sa misa ay hindi ko kailanman nagawang madama ang presensiya ng Diyos sa simbahan; iniwan ako nitong madalas na dismayado at malungkot, at naapektuhan nito ang aking pananampalataya.

Isang araw noong Hulyo 2015 habang nagtratrabaho ako sa labas ng estado, tinawagan ako ng asawa ko. Sabik niyang sinabi sa akin: “Nagbalik na ang Panginoon. Bumigkas na Siya ng mga salita at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw! Bumalik ka na agad upang sabay nating matanggap ang bagong gawain ng Diyos.” Pagkarinig nito, hindi ko napigilang medyo maghinala. Naisip ko: “Nagbalik na ang Panginoon? Paanong naging posible iyon? Kapag nagbalik ang Panginoon iyon ay para hatulan ang mundo, at ihiwalay ang mabubuti mula sa masasama. Ngunit magkahalo pa ang mabubuti at masasama ngayon, kaya bakit sinasabi ng asawa kong nagbalik na ang Panginoon? Mayroon na ba siyang ibang sistema ng paniniwala ngayon? Naging Katoliko kami halos buong buhay namin, hindi kami maaaring lumihis sa landas na ito ngayon!” Kaya tinapos ko ang trabaho ko sa pinakamabilis na magagawa ko at umuwi na.

Pagkauwi ay tinanong ko ang asawa ko: “Paano mo nalamang nagbalik na ang Panginoon? Hindi ka pa nalihis sa landas, tama ba? Sinasabi mong nagbalik na ang Panginoon upang gawin ang gawain ng paghatol, ngunit magkahalo pa ngayon ang mabubuti at masasama, kaya paanong nagbalik na ang Panginoon? Maaari tayong manabik sa pagbabalik ng Panginoon, subali’t hindi tayo maaaring maging taksil sa Kanya!” Pinakinggan niya ako at matiyagang sumagot: “Okay lang, huwag kang mag-alala. Kakaalam ko nga lang din tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Nagpapatotoo ngayon ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagbabalik ng Panginoon at nagpapahayag ang Makapangyarihang Diyos ng mga katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos. Hindi pa malinaw sa akin ang mga detalye, ngunit nagbabasa na ako online ng maraming salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at natitiyak kong lahat ng iyon ay ang tinig ng Diyos. Minsang sinabi ng Panginoon: ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Maaari nating malaman kung ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoon sa pamamagitan ng sabay na pagpunta sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang siyasatin iyon, tama?” May katwiran naman ang sinabi ng asawa ko, at naaayon sa mga propesiya sa Biblia ang pagbabalik ng Panginoon upang gawin ang gawain ng paghatol, kaya naisip kong walang masama kung sasama ako sa kanya sa iglesia upang magtingin-tingin, at saka ako makakapagpasya.

Kaya, pumunta ako at ang asawa ko sa tahanan ni Brother Zhang, isa sa mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dumating din sina Brother Wang, Sister Li, at ilan pang mga kapwa Katoliko. Labis na napayapa ang isip ko nang makita kong marami akong kasama. Umupo kaming lahat matapos ang kaunting magalang na pagkukuwentuhan at tinanong ko ito sa mga kapatid: “Ito ang pagkakaunawa ko sa pagbabalik ng Panginoon: Kapag nagbalik Siya upang gawin ang gawain ng paghatol, ihihiwalay ang mabubuti mula sa masasama, at pagkatapos ay tatanggapin ng Panginoon sa langit ang mabubuting tao at makikipagkita sila sa Kanya, habang ang masasama ay ipapadala sa impiyerno at parurusahan. Sinasabi ninyong nagbalik na ang Panginoon at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol, kaya bakit hindi pa natin nakikitang nangyayari ang alinman sa mga ito?” Sumagot si Brother Wang: “Kapatid, iyan din ang inisip ko noon. Inisip ko ring nangangahulugan ang pagbabalik ng Panginoon na ang mabubuting tao ay ihihiwalay mula sa masasamang tao, na ang mabubuting tao ay walang-hanggang mananahan sa langit at ang masasama ay parurusahan, at na kung hindi natin ito nakitang nangyari ay patunay iyon na hindi pa nagbabalik ang Panginoon. Subali’t matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay napagtanto kong iyon ay mga pagkaunawa at guni-guni lang natin—hindi iyon ang realidad ng gawain ng Diyos. Ang paraan ng Diyos ng paggawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw ay isang bagay na tanging ang Diyos lamang ang nagpaplano at nagsasaayos. Higit sa kalangitan ang karunungan ng Diyos, at sa mga mata ng Diyos ang mga tao ay kasingliit ng alikabok, kaya paano natin maaarok ang gawain ng Diyos? Sinasabi sa Biblia: ‘Sinong pumatnubay ng Espiritu ng Panginoon, o parang kaniyang kasangguni ay nagturo sa kaniya?’ (Isaias 40:13). ‘Narito, ang mga bansa ay parang isang patak ng tubig sa timba, inaari na parang munting alabok sa timbangan: narito, kaniyang itinataas ang mga pulo na parang napakaliit na bagay’ (Isaias 40:15). Mayroong mga kaisipan ang bawat isa sa atin sa ating mga isip, kaya magagawa nating maghaka-haka tungkol sa gawain ng Diyos gaya ng gusto natin, ngunit hindi kailanman ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ayon sa naguguni-guni natin. Kung gagamitin natin ang mga imahinasyon natin upang limitahan ang gawain ng Diyos, hindi ba iyon napakayabang? Kung gayon, paano ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng paghatol? Paano Niya hinihiwalay ang mabubuti mula sa masasama? Basahin natin ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos upang matulungan tayong makaunawa. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, walang pag-aalinlangan na magpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong imahe upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, gagamitin ng Cristo ng mga huling araw ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). ‘Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kalalabasan at hantungan ng sangkatauhan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para mailantad ang kanilang pagsuway at pagiging di-matuwid. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kalalabasan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at ang buong sangkatauhan ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kalalabasan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sasailalim sa pamamahala ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, na pangunahing pinagsama ng pagkastigo at paghatol at inihahayag sa mga huling araw, ang ganap na babago at bubuo sa tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay makapagbibigay nang matinding parusa sa lahat ng hindi matuwid(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). ‘Ang layunin Ko sa paggawa ng gawain ng paglupig ay hindi lamang ang manlupig alang-alang sa paglupig, kundi manlupig upang ibunyag ang pagiging matuwid at kalikuan, upang kumuha ng patunay para sa kaparusahan ng tao, upang parusahan ang buktot, at, higit pa rito, upang manlupig para sa kapakanan ng pagpeperpekto ng mga handang sumunod. Sa huli, paghihiwa-hiwalayin ang lahat ayon sa uri, at ang mga naging perpekto ay ang mga may mga saloobin at mga ideya na puno ng pagsunod. Ito ang gawaing magagawa sa huli. Samantala, ang mga mapanghimagsik ang bawat kilos ay parurusahan at ipadadala upang sunugin sa mga apoy, mga layon ng walang-hanggang sumpa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos). Mayroon tayong pagkaunawa na ang pagdating ng Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol ay ang tahasang paghihiwalay ng trigo mula sa masasamang damo, ng mga tupa mula sa mga kambing, ng mabubuting tagapaglingkod mula sa masasamang tagapaglingkod. Sa ibang salita, iyon ay upang ibukod ang mga tao ayon sa kanilang uri. Subali’t kung pag-iisipan natin nang kaunti, mayroong mahigit 2 bilyong Kristiyano sa buong mundo—at sinasabi nilang lahat na mayroon silang tunay na pananampalataya sa Diyos at na mahal nila ang Diyos—kaya paano natin makikilala ang mabuti sa masama, ang matuwid sa makasalanan? Kung tutukuyin ng Diyos na mabuti ka at masama ako, tiyak na magkakaproblema ako riyan dahil mararamdaman kong mabuti rin akong tao. Kung tutukuyin ng Diyos na mabuti ako at masama ang isa pang tao, magkakaproblema rin sila roon. Kaya paano natin malalaman kung sino ang mabuti at sino ang masama? Hindi natin magagawa iyon, dahil tayong mga tao ay wala noong mga prinsipyo o pamantayan upang sukatin ito. Kung tutukuyin ng Diyos ang mga bagay sa ganitong paraan ay tiyak na hindi tayo magpapasakop at magkakaroon tayo ng mga pagkaunawa tungkol dito, maniniwalang hindi patas at hindi makatarungan ang Diyos. Kaya paano makasusulong ang gawain ng pagbubukod ng bawat isa ayon sa kanyang uri? Ang Panginoong nagbalik sa mga huling araw, iyon ay, si Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos—ay gumagamit ng mga katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol. Para sa lahat ng Kristiyano, kung sino ang mga trigo at sino ang masasamang damo, kung sino ang mga kambing at sino ang mga tupa, kung sino ang mabubuting tagapaglingkod at sino ang masasamang tagapaglingkod, kung sino ang matatalinong birhen at sino ang mga hangal na birhen, ay lahat ibinubunyag sa pamamagitan ng katotohanan, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Ang matatalinong birhen ay yaong mga tunay na naniniwala sa Diyos at nagmamahal sa katotohanan. Kapag narinig nilang may isang taong nagpapatotoo sa pagdating ng Diyos ay lumalabas sila upang salubungin ito at aktibong sinisiyasat ang mga salita at gawain ng Diyos. Nakikilala nila ang tinig ng Diyos at tinatanggap ang gawain Niya sa mga huling araw, at sa katapusan ay makakamit nila ang pagkadalisay at ganap na kaligtasan sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos. Magkakaroon sila ng pangangalaga ng Diyos sa panahon ng malalaking sakuna at mananatili sila, at sa huli ay dadalhin sa kaharian ng Diyos. Sa kabilang banda, hindi minamahal ng mga hangal na birhen ang katotohanan, nagpupumilit silang panghawakan ang kanilang sariling mga pagkaunawa at guni-guni o maniwala sa mga sabi-sabi. Hindi nila hinahanap o sinisiyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at sumusunod pa ang iba sa kanila sa mga relihiyosong pinuno sa paglaban at pagkondena sa Diyos at pagtanggi sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Dahil sa lahat ng dahilang ito, ibubunyag sila ng gawain ng Diyos sa mga huling araw bilang mga gumagawa ng kasamaan at sila ay aalisin. Ang magiging tadhana nila ay ang magdusa ng mga kaparusahan sa panahon ng malalaking sakuna. Makikita natin mula rito na ang gawain ng Diyos ng pagbubukod ng bawat isa ayon sa kanyang uri sa mga huling araw ay hindi ginagawa ayon sa ating mga pagkaunawa at guni-guni. Sa halip, ginagamit ng Diyos ang pamamaraan ng paghatol upang gawin ang gawain ng paglalantad sa mga tao, at ang pinakahuling kalalabasan ay na ang bawat tao ay lubusang nabubunyag at ibinubukod ayon sa kanilang sariling uri base sa kung tinatanggap nila o kinakalaban ang katotohanan. Hindi ba ito mismo ang karunungan ng Diyos, ang pagkamakatarungan ng Diyos, ang pagkamakatuwiran ng Diyos?”

Pagkatapos makinig sa mga salita ng Diyos at pagbabahagi ni Brother Wang, naalala ko ang sinabi ng pari sa aming simbahan tungkol sa “Kapag nagbalik ang Panginoon ay ihihiwalay ang mabubuti mula sa masasama” at napagtanto kong ang pagkaunawang ito ay napakalabo, masyadong hindi praktikal, at hindi tumutugma sa realidad ng gawain ng Diyos sa anumang paraan. Nabubuhay tayong lahat sa kasalanan, patuloy tayong gumagawa ng kasalanan at saka nangungumpisal subali’t hindi natin matatakasan ang pagpapaulit-ulit na ito, kaya sino ang tunay na mabubuting tao? Pagbalik ng Panginoon, kung hindi pa natin nalinis ang ating mga kasalanan, papayagan ba tayong pumasok sa kaharian ng langit? Ang pag-iisip dito ay parang pagbubukas ng ilaw sa puso ko, at nagpasalamat ako sa Panginoon para sa Kanyang pamumuno. Hindi nasayang ang pagpunta ko sa pagpupulong na iyon, sapagkat naunawaan ko noon na tinutukoy ng Diyos ang mabuti mula sa masama ayon sa kung paano ituring ng mga tao ang katotohanan. Sa ibang salita, ang mga tao ay mabuti o masama ayon sa kung tinatanggap at sinusunod nila o hindi ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at ito ang ganap na pagpapakita ng katuwiran ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain, hinihiwalay ng Diyos ang trigo mula sa masasamang damo, ang mga tupa mula sa mga kambing, ang matatalinong birhen mula sa mga hangal na birhen, ang mga tunay na mananampalataya mula sa mga huwad na mananampalataya, at ang mga nagmamahal sa katotohanan mula sa mga namumuhi sa katotohanan. Napakarunong talaga ng Diyos! Subali’t, naalala ko rin na sinabi ng pari na kapag nagbalik ang Panginoon upang hatulan ang mga tao ay gagawin Niya iyon nang paisa-isa, at ang mga kasalanan ng bawat tao ay nakalista rin at isa-isang hahatulan bago Siya magpapasya kung ang taong iyon ay pupunta sa langit o sa impiyerno. Ngunit ngayon sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na ang gawain ng Diyos ng paghatol sa mga huling araw ay ginagawa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, kaya paano ba ginagamit ang mga salitang ito upang hatulan ang mga tao?

Pagkatapos ay binanggit ko ang tanong na ito at sinagot iyon ni Brother Zhang sa pamamagitan ng pagbasa ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos sa akin: “Naniniwala ang ilan na maaaring pumarito sa lupa ang Diyos sa isang hindi pa batid na panahon at magpakita sa tao, kung saan hahatulan Niya mismo ang buong sangkatauhan, susubukan ang bawat isa nang walang sinumang naiiwan. Hindi alam ng mga nag-iisip sa ganitong paraan ang yugtong ito ng gawain ng pagkakatawang-tao. Hindi paisa-isang hinahatulan ng Diyos ang tao, at hindi paisa-isang sinusubukan ang tao; hindi magiging gawain ng paghatol ang paggawa ng gayon. Hindi ba’t magkakatulad ang katiwalian ng lahat ng sangkatauhan? Hindi ba’t magkakatulad ang diwa ng lahat ng sangkatauhan? Ang hinahatulan ay ang tiwaling diwa ng sangkatauhan, ang diwa ng tao na ginawang tiwali ni Satanas, at ang lahat ng kasalanan ng tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang mga walang kapararakan at walang kabuluhang pagkakamali ng tao. Mapagkatawan ang gawain ng paghatol, at hindi ito isinasagawa para sa isang tiyak na tao. Sa halip, gawain ito na kung saan hinahatulan ang isang pangkat ng mga tao upang kumatawan sa paghatol sa lahat ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa ng Kanyang gawain sa isang pangkat ng mga tao, ginagamit ng Diyos sa katawang-tao ang Kanyang gawain upang kumatawan sa gawain ng buong sangkatauhan, upang unti-unting ipalaganap pagkaraan. Ganito rin ang gawain ng paghatol. Hindi hinahatulan ng Diyos ang isang tiyak na uri ng tao o isang tiyak na pangkat ng mga tao, bagkus ay hinahatulan ang hindi pagkamatuwid ng buong sangkatauhan—ang pagsalungat ng tao sa Diyos, halimbawa, o kawalang-galang ng tao sa Kanya, o paggambala ng tao sa gawain ng Diyos, at kung ano-ano pa. Ang hinahatulan ay ang diwa ng pagsalungat ng sangkatauhan sa Diyos, at ang gawaing ito ay ang gawain ng paglupig sa mga huling araw(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao). “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Sumunod ay ibinahagi ito ni Brother Zhang sa akin: “Mayroon tayong pagkaunawa na sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay tatawagin Niya ang bawat isang tao na tumayo sa harap ng Kanyang puting luklukan upang hatulan sila. Kakailanganing lumuhod sa lupa ang bawat tao at saka ikumpisal ang bawat isa sa mga kasalanang nagawa nila sa buong buhay nila, at saka magpapasya ang Diyos kung pupunta sila sa langit o sa impiyerno batay sa kalubhaan ng kanilang mga kasalanan. Iniisip natin na hinahatulan ng Diyos ang mga tao ayon sa mga kasalanan gaya ng pisikal o pasalitang pang-aabuso sa mga tao, kawalan ng paggalang sa kanilang mga magulang, o pagnanakaw o panloloob sa iba. Subali’t sa katunayan, ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay walang kinalaman sa mga panlabas na pag-uugaling ito o mga kapintasan natin, ngunit sa halip ay nakatutok sa paghatol sa satanikong kalikasan ng tao na lumaban sa Diyos at sa bawat isa sa ating mga tiwaling disposisyon. Nabibilang sa mga ito ang kayabangan at pagpapahalaga natin sa sarili, ang kabuktutan at katusuhan natin, ang pagkamakasarili at kababaan natin, ang kasakiman at kasamaan natin, at iba pa. Marami rin tayong mga pananaw na hindi kaayon ng Diyos, maraming lipas na sa panahong relihiyosong mga pagkaunawa at pyudal na ideya. Pinagmumulan ang lahat ng ito ng ating paglaban sa Diyos, lahat sila ay mga problema na pinaghahatian ng buong tiwaling sangkatauhan, at sa gayon ay ang mga bagay na layon ng gawain ng Diyos ng paghatol na dalisayin at baguhin. Kaya, ibinubunyag ng mga salitang ipinapahayag ng Diyos ang kalikasan at diwa ng tao at bahagi nito ang bawat tiwaling miyembro ng sangkatauhan sa lupa, nang walang pagtatangi. O upang sabihin sa ibang paraan, nakadirekta sa kabuuan ng sangkatauhan ang mga salita ng paghatol ng Diyos at kaya hindi kinakailangang hatulan ang mga tao nang isa-isa. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos ay mauunawaan natin ang maraming katotohanan at malinaw na makikita ang diwa, kalikasan at katotohanan ng pagkatiwali sa atin ni Satanas. Tutulutan din tayo ng paggawa nito na makilala ang matuwid na disposisyon ng Diyos at magkaroon ng mga pusong gumagalang sa Diyos, at magagawa nating magsimulang kamuhian ang mga sarili natin upang maging handa tayong pagtaksilan ang ating laman at isagawa ang katotohanan. Sa ganitong paraan, dahan-dahang madadalisay ang mga tiwali nating satanikong disposisyon at ang mga pananaw at pagtingin natin sa buhay ay magbabago rin. Kapag sinimulan nating mabuhay nang ayon sa mga salita ng Diyos, kapag itinigil natin ang pagsalungat at paglaban sa Diyos, sa halip ay tunay na sumunod at igalang Siya at iwasan ang kasamaan, makakamit natin ang pagliligtas ng Diyos at magiging mga taong kaayon ng kalooban ng Diyos. Ito ang realidad at ang layunin ng pagpapahayag ng Diyos ng mga katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw.”

Binigyan ako ng pakikinig sa pagbabahagi ni Brother Zhang ng pang-unawa kung gaano kapraktikal at makatotohanan ang gawain ng paghatol ng Diyos! Nagawa kong tanggapin ang kanyang sinabi—tumatak iyon sa akin sa kaibuturan ng puso ko. Oo, mayayabang ang mga tao, naghahanap sila ng katanyagan at yaman at katayuan, at nabubuhay silang nananatili sa kanilang iba’t ibang tiwaling disposisyon. Ginagamit ng Diyos ang paghatol ng Kanyang mga salita upang alisan tayong lahat ng karumihan at katiwalian sa loob natin. Ang kalikasan nating labanan ang Diyos ay maaaring malutas at ang tiwali nating disposisyon ay mabago, at pagkatapos ay maaari tayong maging tunay na mabubuting tao. Sa pagtingin dito sa ganitong paraan, nakita ko na ang pagsabi ng pari na hahatulan nang isa-isa ang mga tao at ang bawat isa sa mga kasalanan nila ay hahatulan kapag nagbalik ang Panginoon upang hatulan ang sangkatauhan ay walang iba kundi mga pagkaunawa at guni-guni lamang ng tao. Wala itong kinalaman sa paraan kung paano talaga ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain. Nagtataglay talaga ng mga katotohanan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos; ang mga ito talaga ang tinig ng Diyos! Pagkatapos ay nagpasya akong lubusang suriin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos.

Habang sinusuri ko ito, pinanood ko ang ilang pelikulang ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa ebanghelyo, kasama ang Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na, Ang Misteryo ng Kabanalan, at Umabot sa Huling Tren, pati na ang ilang video ng himno ng salita ng Diyos kagaya ng Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao. Binasa ko rin ang maraming salita ng Makapangyarihang Diyos at nakinig sa pagbabahagi ng mga kapatid tungkol sa ilang aspeto ng katotohanan. Tinulungan ako nitong matukoy na ang Makapangyarihang Diyos nga ang nagbalik na Panginoong Jesus, at na ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos at ang nagbalik na Panginoon na hinihintay natin! Napakasaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Magmula nang sumampalataya ako sa Makapangyarihang Diyos ay madalas na akong nakikipagpulong sa ibang mga kapatid o nakikinig sa mga sermon kasama nila. Puno ang bawat araw ng kagalakan para sa akin at nararamdaman kong nagkakamit ako ng tustos na espirituwal. Tinatamasa ko ang ginhawang nagmumula sa gawain ng Banal na Espiritu, at nagsisimula kong maunawaan ang parami nang paraming katotohanan. Sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napakainit at tapat ng lahat ng kapatid sa isa’t isa, at walang sumusubok na linlangin ang iba o maging mapagbantay sa mga sarili nila. Ang lahat ay simple, bukas at tapat, at kahit ibinubunyag nila ang mga tiwaling disposisyon nila ay nagagawa ng bawat isa sa kanilang makilala ang sarili nila sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos at hanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga tiwaling disposisyon nila. Nararamdaman kong ito ang tanging uri ng totoong kapatiran kay Cristo. Lalo akong humahanga sa mga video ng himno, mga video ng musika, mga video ng sayaw at awit, at mga pelikulang ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa ebanghelyo, na lahat malakas na nagtataglay ng katotohanan at nagpapatotoo sa Diyos at sa Kanyang gawain sa mga huling araw. Ang lahat ng ito ay upang magpasakop at sambahin ng mga tao ang Diyos, at ang iglesia ay para talagang isang lugar kung saan ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain! Ang pagkakita, pagkarinig, at pagdanas ng lahat ng ito ay katunayan sa loob ng puso ko na ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang tunay na iglesia kung saan personal na kinakalinga at pinapastol ng Diyos ang Kanyang kawan. Ang katunayang nagawa ko nang pumasok sa tahanan ng Diyos at mamuhay ng isang buhay na harap-harapan sa Diyos ay isang katangi-tanging pagdakila ng Diyos. Napakapalad ko talaga! Salamat, Makapangyarihang Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Leave a Reply