Mga Pagninilay Matapos Mawalan ng Tungkulin

Enero 7, 2025

Ni Arabella, Timog Korea

Ilang panahon na ang nakalilipas, isinaayos ng mga lider na sanayin ako sa pagbigkas ng mga salita ng Diyos. Napakasaya ko nang mabalitaan ko ito, dahil pakiramdam ko ay napakahirap makuha ang ganitong oportunidad. Gayumpaman, nang magbalik-tanaw ako sa naging pagsasanay ko sa pagbigkas ilang taon na ang nakararaan, pagdating sa mga aspekto ng pagpapahayag ng tono, pati na rin ng aking bilis, pagbuo ng pangungusap, at diin, may mga problema ako sa iba’t ibang antas. Noong panahong iyon, pakiramdam ko ay mahirap lutasin ang mga problemang ito, at namuhay ako sa paghihirap na ito, palagi kong tinutukoy ang sarili ko bilang walang kakayahan, at iniisip ko na hindi ako nababagay sa pagbigkas. Bukod dito, sa bawat araw na nagsasanay ako, nalalantad ang aking mga pagkukulang, at sinasabi ng mga kapatid ang aking mga problema. Kaya pakiramdam ko, ang paggawa ko sa tungkuling ito ay pinagmukha akong masyadong walang kakayahan, at naging mas negatibo pa ako at pasibo sa aking puso. Wala akong layunin na pagsumikapang lutasin ang mga problemang ito kundi pabaya lang akong nagsanay. Bilang resulta, matapos magsanay nang mahigit kalahating taon, hindi ako masyadong humusay, at kalaunan, inilipat ako sa ibang tungkulin. Nang isipin kong haharapin kong muli ang mga problemang ito, nakaramdam ako ng labis na pagkabahala. Hindi lamang kailangang magdusa ng aking laman, kundi hindi rin tiyak kung huhusay ba ako kalaunan. Ang pag-iisip ko tungkol dito ay nagdulot sa akin na mag-alala. Nakipagbahaginan sa akin ang isang sister, “Dahil nga mayroon tayong mga kakulangan at kapintasan, kaya kailangan nating paigtingin ang ating pagsasanay. Ang gawaing ito ay nangangailangan ng agarang pakikipagtulungan ng mga tao. Maayos ang Mandarin mo at mayroon ding magandang timbre ang boses mo. Dapat mong pahalagahan ang ganitong mga kondisyon at mga oportunidad!” Pagkatapos kong makinig sa pakikipagbahaginan ng sister, medyo naantig ang aking puso, iniisip ko, “Oo, maganda ang boses ko—ito ay biyaya ng Diyos. Ngayon ay oras na para gawin ko ang aking bahagi. Hindi ako puwedeng mamuhay sa paghihirap; kailangan kong magsikap bumuti at magsikap na humusay sa lalong madaling panahon, upang matupad ko ang tungkuling ito!”

Mula noon, aktibo na akong nagsanay. Nakinig ang superbisor na si Sister Lin Qing sa isang piyesa ng pagbigkas na aking nai-record at ginabayan at tinulungan niya ako rito. Sinabi niya, “Hindi masyadong angkop ang pagkakasabi at diin sa ilang bahagi ng iyong pagbabasa. Masyado bang maikli ang oras mo ng pagsasanay? Dagdag pa rito, hindi rin matatag ang paghinga mo, at tila walang lakas ang boses mo. Kailangan mo pang magsanay sa paghinga.” Tinukoy rin ni Lin Qing ang ilang detalyadong isyu. Matapos kong pakinggan ang mga sinabi ni Lin Qing, medyo nalungkot ako, naisip ko, “Napakaraming problema sa aking pagbigkas; talagang napakapangit nito. At ang paghinga ay isang bagay na hindi mabilis na mapapahusay. Nangangailangan ito ng mahabang proseso ng pagsasanay at akumulasyon!” Sa pag-iisip ko tungkol sa mga detalyadong teknikal na isyung ito na nabanggit ni Lin Qing, pakiramdam ko ay wala akong anumang galing, at namula ang aking mukha. Naisip ko, “Kung ganito ako kasama, bakit pa ako dapat magbasa? Gaano katagal ko bang kailangang magsanay para maayos ang napakarami kong problema? Mahusay magbasa ang ibang sister. Kahit anong pagsasanay ko, hindi ko sila mapantayan. Kahit na medyo makayanan kong gawin ang tungkuling ito sa hinaharap, mabubuhay ako na nasasapawan ng iba, at ako ang palaging magiging ‘mas nakabababang estudyante,’ na hindi ko man lang magagawang iparamdam ang presensiya ko.” Sa pag-iisip ko sa mga bagay na ito, nawala ang pagnanais ko na gawin ang tungkuling ito. Nagkataon naman, may iba pa akong gawaing kailangang gawin sa mga sumunod na araw, kaya hindi ako nagsanay, at tuwing may oras ako ay nagpapahinga lang ako saglit.

Makalipas ang ilang araw, tinanong ako ng lider kung nagsasanay ba ako ng pagbigkas. Mariin kong sinabi, “Napakaabala ko sa aking tungkulin nitong mga nakaraang araw at hindi pa ako nagkaroon ng oras para magsanay.” Tinanong ako ng lider, “Kung gayon, naisip mo ba ang tungkol sa pagsasanay? Mahalaga ang tungkuling ito. Kung hindi ka hahanap ng mas maraming oras para sa pagsasanay, kailan mo pa magagawang pasanin ang tungkuling ito?” Medyo natahimik ako at nakaramdam din ako ng kirot sa puso ko. Kung iisipin ito, bagama’t medyo naging abala ako sa aking tungkulin nitong mga nakaraang araw, hindi naman sa hindi man lang ako makahanap ng oras. Ang pangunahing isyu ay iyong sa tingin ko ay masyadong mahirap lutasin ang mga problema sa aking pagbigkas. Kahit pa magtiis ako ng paghihirap at magbayad ng halaga, maaaring hindi talaga ako magkamit ng magagandang resulta, at kakailanganin ko pa ring maitama ng iba. Hindi ko gustong harapin ito, kaya iniwasan ko ito hangga’t maaari. Tumagos mismo sa akin ang tanong ng lider, at medyo sumama ang loob ko, dahil napagtanto ko na naging pabaya at iresponsable ako sa aking pagharap sa tungkuling ito. Kaya, sa loob-loob ko ay pinaalalahanan ko ang sarili ko na baguhin ang aking saloobin sa paggawa ng tungkuling ito. Kaya naman, mabilis akong nagsaayos ng oras para magsanay.

Pagkaraan ng ilang araw, naramdaman kong medyo bumuti ang aking pagbigkas, kaya gumawa ako ng audio recording at isinumite ito kay Lin Qing. Akala ko ay sasabihin ni Lin Qing na medyo humusay na ako, pero nagulat ako, muli na naman niyang pinuna ang ilang isyu: hindi matatag na paghinga, putol-putol na pangungusap, at iba pa. Matiyagang sinuri ni Lin Qing ang mga isyu para sa akin, pinagsanay niya ako agad, at itinama ako. Nang hindi ko maitama ang mga problema pagkatapos ng maraming pagtatangka, nayamot ako at medyo nainis pa, inisip na, “Ilang araw na akong nagsasanay pero marami pa rin akong problema. Siguro ay wala akong likas na pagkaarok at kakayahan para dito. Hindi ko kayang gawin ang tungkuling ito. Hindi ko na dapat pang ipahiya ang sarili ko sa bagay na ito; mas mabuti pang kumuha na lang ako ng ibang tungkulin!” Nagsimula akong mag-isip na tumakas at ayaw ko nang magpatuloy sa pagsasanay sa pagbigkas, pero hindi ako nangahas na banggitin ito, sa takot na sasabihin ng iba na tinatanggihan ko ang aking tungkulin. Kaya, naging negatibo ako at nagpakatamad, at hindi na nagsumikap sa pagsasanay, nag-aakalang kung wala akong gagawing pag-unlad sa paglipas ng panahon, baka hindi na ako hayaan ng lider na magpatuloy sa pagsasanay.

Isang gabi, bigla kong nakita ang isang mensahe mula sa lider, na nagsasabing, “Hindi mo na kailangan pang magsanay ng pagbigkas.” Nang makita ko ang mensaheng ito, bigla akong nakadama ng kahungkagan sa aking puso, kasama ng di-maipaliwanag na pagkabalisa. Ang pagkawala ng tungkuling ito ay hindi nagdulot ng kaginhawahan o kasiyahang inaakala ko; sa halip, nakaramdam ako ng matinding pagsisisi at bigat ng kalooban. Nang sandaling iyon, naisip ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at mabilis kong hinanap at binasa ang mga iyon. Sabi ng Diyos: “Ito ay dahil ang bagay na pinakakapansin-pansing sumasalamin sa ugnayang nagdurugtong sa iyo sa Diyos ay kung paano mo ituring ang mga bagay na ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos at ang tungkuling iniaatas Niya sa iyo, at ang saloobing mayroon ka. Ang pinakakapuna-puna at pinakapraktikal ay ang usaping ito. Naghihintay ang Diyos; gusto Niyang makita ang iyong saloobin. Sa pinakamahalagang sandaling ito, dapat mong bilisang ipaalam sa Diyos ang iyong paninindigan, tanggapin ang Kanyang atas, at gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kapag naunawaan mo ang napakahalagang puntong ito at natupad ang gawaing ibinigay sa iyo ng Diyos, ang relasyon mo sa Diyos ay magiging normal. Kung, sa pagkakatiwala sa iyo ng Diyos ng isang gawain, o pagsasabi sa iyo na gampanan mo ang isang tiyak na tungkulin, ang iyong ugali ay pabaya at walang pakialam, at hindi mo ito sineseryoso, hindi ba ito mismo ang kabaligtaran ng pagbibigay ng buong puso at lakas? Magagampanan mo ba nang maayos ang iyong tungkulin sa ganitong paraan? Siguradong hindi. Hindi mo magagampanan nang sapat ang iyong tungkulin. Kaya, napakahalaga ng iyong saloobin kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, pati na ang pamamaraan at landas na iyong pinipili. Gaano man karaming taon silang nananalig sa Diyos, ang mga hindi nagagampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin ay ititiwalag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “May ilang taong ayaw talagang magdusa sa kanilang mga tungkulin, na laging nagrereklamo sa tuwing may nakakaharap silang problema at ayaw nilang magbayad ng halaga. Anong klaseng saloobin iyan? Iyan ay saloobing pabasta-basta. Kung gagampanan mo ang iyong tungkulin nang pabasta-basta, at haharapin ito nang may saloobing walang galang, ano ang magiging resulta? Hindi mo magagampanan nang mabuti ang iyong tungkulin, bagama’t may kakayahan kang gampanan ito nang maayos—ang iyong pagganap ay hindi aabot sa pamantayan, at ang Diyos ay lubos na hindi masisiyahan sa saloobin mo sa iyong tungkulin. Kung nanalangin ka sa Diyos, hinanap ang katotohanan, at isinapuso at isinaisip mo iyon, kung nakipagtulungan ka sa ganitong paraan, naihanda sana nang maaga ng Diyos ang lahat ng bagay para sa iyo, nang sa gayon ay kapag nag-aasikaso ka ng mga bagay-bagay, ang lahat ay magiging nasa ayos, at makakukuha ng magagandang resulta. Hindi mo kakailanganing gumugol ng napakaraming lakas; kapag ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo upang makipagtulungan, inaayos na ng Diyos ang lahat para sa iyo. Kung ikaw ay madaya at tamad, kung hindi mo inaasikaso nang wasto ang iyong tungkulin, at palagi kang napupunta sa maling landas, hindi kikilos ang Diyos sa iyo; mawawala sa iyo ang pagkakataong ito, at sasabihin ng Diyos, ‘Wala kang silbi; hindi kita magagamit. Tumayo ka sa tabi. Gusto mo ang pagiging tuso at tamad, ano? Gusto mo ang pagiging tamad, at hindi nagpapakahirap, hindi ba? Kung gayon, huwag kang magpakahirap magpakailanman!’ Ibibigay ng Diyos ang biyaya at pagkakataon na ito sa ibang tao. Ano ang masasabi ninyo: Ito ba ay kawalan o natamo? (Isang kawalan.) Ito ay isang napakalaking kawalan!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, nadama ko ang paglapit sa akin ng matuwid na disposisyon ng Diyos, lalo na nang basahin ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Wala kang silbi; hindi kita magagamit. Tumayo ka sa tabi. Gusto mo ang pagiging tuso at tamad, ano? Gusto mo ang pagiging tamad, at hindi nagpapakahirap, hindi ba? Kung gayon, huwag kang magpakahirap magpakailanman!” Nadama ko na ang aking mga salita, kilos, at iniisip ay nasa ilalim lahat ng pagsisiyasat ng Diyos. Bagama’t hindi ko tahasang ipinahayag ang aking pag-aatubili na gawin ang tungkulin ng pagbigkas, ang aking saloobin patungkol dito ay partikular na pabaya, hindi nagsusumikap na humusay, at pasibo akong naghintay na sabihin sa akin ng lider na itigil na ang paggawa nito. Hinihingi ng Diyos sa mga tao na gawin nila ang kanilang tungkulin nang buong puso at lakas, pero hindi Niya pinipilit ang sinuman. Dahil ako mismo ang pumili na iwasan ang aking tungkulin, tinrato ako ng Diyos ayon sa aking pinili. Bilang resulta, nawala sa akin ang tungkuling ito, at isinaayos ng iglesia na ibang tao na lang ang magsanay para dito, ibig sabihin ay ibinigay ng Diyos sa ibang tao ang oportunidad na ito na gawin ang isang tungkulin. Maaaring ipangatwiran na nakamit ko na ang aking hiling na maalis sa tungkuling ito, pero bakit parang hindi natuwa ang aking puso? Noon ko lang napagtanto na sa pagpili kong takasan ang bagay na ito, ako ay naging katatawanan ni Satanas, at nahulog ako sa kadiliman. Naisip ko, “Ganoon ba talaga kahirap ang tungkuling ito? Talaga bang hindi malulutas ang mga problemang ito?” Sinasabi ng Diyos na kapag ibinigay ng mga tao ang kanilang buong puso at lakas, magbubukas Siya ng daan upang gabayan sila, at tulungan silang malutas ang mga paghihirap. Hindi pinapahirapan ng Diyos ang mga tao o binibigyan sila ng mga pasanin na hindi nila kayang dalhin. Hangga’t ang isang tao ay may pangunahing kakayahan at mga kondisyon upang gawin ang isang tungkulin at nagsusumikap paitaas ayon sa mga hinihingi ng Diyos, kayang malutas ang mga problema. Paulit-ulit na pinagbahaginan ng mga kapatid ang kahalagahan ng tungkuling ito, hinihimok ako na magsikap para dito. Gayumpaman, sa sandaling naharap ako sa isang problema, nasasadlak ako sa hirap nito, ayaw kong magsumikap na lutasin ito, at naging negatibo pa ako at nagpakatamad, naghihintay na alisin ako ng lider sa tungkulin. Naging napakamapaghimagsik ako! Sa pag-iisip ko tungkol dito, nakaramdam ako ng matinding panghihinayang at pagsisisi.

Sa isang debosyonal, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung, kapag mangyari sa iyo ang ilang natatanging paghihirap o maharap ka sa ilang partikular na kapaligiran, ang iyong saloobin ay palaging iwasan ang mga iyon o takasan ang mga iyon, at desperadong subukan na tanggihan ang mga iyon at tanggalin ang mga iyon—kung ayaw mong ilagay ang iyong sarili sa kontrol ng mga pamamatnugot ng Diyos, kung ayaw mong magpasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos, at kung ayaw mong hayaan ang katotohanan na pangunahan ka—kung palagi mong nais na ikaw ang masunod at kontrolin ang lahat ng bagay tungkol sa iyong sarili alinsunod sa iyong satanikong disposisyon, kung magkagayon, ang mga kahihinatnan ay, hindi magtatagal, tiyak na isasantabi ka ng Diyos o ihahatid ka kay Satanas. Kung nauunawaan ng mga tao ang bagay na ito, dapat silang bumalik agad at sundan ang kanilang daan sa buhay alinsunod sa tamang landas na hinihingi ng Diyos. Ang landas na ito ang tama, at kapag ang landas ay tama, nangangahulugan iyon na ang direksyon ay tama. Maaaring may mga balakid at paghihirap sa panahong ito, maaaring sila ay matumba o minsan ay medyo magmaktol at maging negatibo sa loob ng ilang araw. Basta’t kaya nilang magpatuloy sa pagganap sa kanilang mga tungkulin at hindi ipinagpapaliban ang mga bagay, ang mga problemang ito ay pawang magiging walang kabuluhan, ngunit dapat ay agad silang magnilay sa kanilang sarili, hanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga isyung ito, at hinding-hindi sila dapat magpabukas-bukas, magpahayag ng pagkabigo, o sumuko sa kanilang mga tungkulin. Mahalaga ito. … Kapag nahaharap ka sa isang tungkulin, at ipinagkakatiwala ito sa iyo, huwag mong isipin kung paano iiwasan ang pagharap sa mga paghihirap; kung mahirap harapin ang isang bagay, huwag mo itong isasantabi at balewalain. Dapat mo itong harapin. Dapat mong tandaan sa lahat ng oras na kasama ng mga tao ang Diyos, at kailangan lang nilang manalangin at maghanap sa Kanya kung mayroon silang anumang paghihirap, at na sa piling ng Diyos, walang bagay na mahirap. Dapat kang magkaroon ng ganitong pananalig. Yamang nananampalataya ka na ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay, bakit nakararamdam ka pa rin ng takot kapag may nangyayari sa iyo, at na wala kang anumang maaasahan? Nagpapatunay ito na hindi ka umaasa sa Diyos. Kung hindi mo Siya ituturing bilang suporta mo at Diyos mo, hindi Siya ang Diyos mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Noong naharap ako sa mga paghihirap, hindi ako lumapit sa Diyos upang hanapin ang Kanyang layunin, kundi palagi akong nabuhay sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon upang limitahan ang aking sarili. Lalo na noong dumami at naging mahirap ang mga problema sa pagbigkas, at hindi ako nakakita ng mga magagandang resulta pagkatapos ko magsikap sa loob ng dalawang araw, napagpasyahan kong hindi talaga malulutas ang mga problemang ito, at magiging walang silbi ang higit pang pagsisikap, kaya kahit nagsanay ako, pabaya ko itong ginawa para makaraos lang, hindi nakikipagtulungan. Naisip ko si Sister Lin Qing. Nagsimula siyang magsanay kahit na mas huli siya kaysa sa akin at mayroon din talagang ilang problema, at naisip ko pa nga na hindi siya kasinggaling ko sa ilang aspekto. Hindi ko siya pinahalagahan, pero napakaseryoso ng sister sa kanyang tungkulin, aktibo niyang hinarap ang kanyang mga kakulangan, at nagsikap na magsanay. Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay, mabilis siyang humusay, at maganda ang kanyang mga resulta sa pagbigkas. Sa pag-iisip ko rito, napagtanto ko na kung magtitiwala ako sa Diyos at magsisikap na masigasig na magsanay sa kabila ng mga paghihirap, puwedeng malutas ang mga problema ko. Hanggang sa punto na nakikipagtulungan ang mga tao, tutuparin ito ng Diyos. Sa pagbabalik-tanaw ko sa mga taong ito, talagang sinayang ko ang oras ko. Sumunod ako sa Diyos pero hindi ako nagtiwala sa Kanya, at sa harap ng mga bagay-bagay, hindi ako umasa sa Diyos o hinanap ang Kanyang layunin, kundi pinanghawakan ko ang aking sariling mga pananaw. Bilang resulta, sumulong ang iba habang ako ay nanatiling hindi nagbabago. Talagang hangal ako!

Kalaunan, nagpatuloy akong magnilay. Noon, hinarap ko ang maraming paghihirap sa aking pag-aaral at pang-araw-araw na buhay, pero hindi ko kailanman madaling pinaniwalaan na wala akong kakayahan, ni hindi ako sumuko bago ko pa man subukan. Katulad noong minsang pinangarap kong maging abogado, na parehong nakakamit ang katanyagan at kapalaran, noong mga panahong iyon, nasa mga 7% lang ang nakakapasa sa national judicial examination, at hindi ganoon kaganda ang academic performance ko, pero hindi ako sumuko dahil lang sa mahirap ito. Upang makamit ko ang aking pangarap, ibinukod ko ang aking sarili sa loob ng mahigit dalawang buwan, at araw-araw akong nag-aral mabuti nang hindi iniinda ang hirap. Ang pag-iisip na magkamit ng kasikatan at kayamanan at pagtanggap ng paghanga mula sa iba ay labis na nagbigay motibasyon sa akin. Sa huli, talagang nakapasa ako sa pagsusulit. Kung iisipin muli kung bakit pakiramdam ko ay hindi ko kayang malutas ang mga problema sa tungkulin ng pagbigkas at kung bakit palagi kong gustong tumakas at umatras, ito ay dahil masyado akong makasarili. Gagawin ko ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa aking sarili at iiwasan ang mga bagay na hindi kapaki-pakinabang. Sa isang debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng kaunting kabatiran sa aking problema. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga anticristo ay walang konsensiya, katwiran, o pagkatao. Bukod sa wala silang kahihiyan, may isa pa nga silang tanda: Hindi pangkaraniwan ang kanilang pagkamakasarili at pagiging ubod ng sama. Ang literal na kahulugan ng kanilang ‘pagkamakasarili at pagiging ubod ng sama’ ay hindi mahirap maunawaan: Bulag sila sa anumang bagay maliban sa sarili nilang mga interes. Nakatuon ang kanilang buong atensyon sa anumang bagay na may kinalaman sa sarili nilang mga interes, at magdudusa sila para dito, magsasakripisyo, itututok ang kanilang sarili para dito, at ilalaan ang kanilang sarili para dito. Magbubulag-bulagan naman sila at hindi papansinin ang anumang walang kinalaman sa kanilang sariling mga interes; magagawa ng iba ang anumang gusto nila—walang pakialam ang mga anticristo kung may sinumang nagiging mapanggambala o mapanggulo, at para sa kanila, wala itong kinalaman sa kanila. Basta sarili lamang nila ang kanilang iniintindi. Subalit mas tumpak na sabihin na ang ganitong uri ng tao ay ubod ng sama, mababa, at marumi; inilalarawan natin sila bilang ‘makasarili at ubod ng sama.’ Paano naipapamalas ang pagiging makasarili at ubod ng sama ng mga anticristo? … anuman ang tungkuling ginagawa ng mga anticristo, ang iniisip lamang nila ay kung tutulutan ba sila nitong mangibabaw; hangga’t patataasin nito ang kanilang reputasyon, pinipiga nila ang kanilang utak makaisip lamang ng paraan kung paano matutuhan ito, at kung paano ito isasakatuparan; ang iniintindi lamang nila ay kung magiging bukod-tangi ba sila dahil dito. Anuman ang gawin o isipin nila, iniisip lamang nila ang sarili nilang kasikatan, pakinabang at katayuan. Anuman ang tungkuling ginagawa nila, nakikipagkompitensiya lamang sila para makita kung sino ang mas mataas o mas mababa, kung sino ang mananalo at sino ang matatalo, kung sino ang mas may reputasyon. Ang mahalaga lamang sa kanila ay kung gaano karaming tao ang sumasamba at tumitingala sa kanila, gaano karami ang sumusunod sa kanila, at kung gaano karaming tagasunod ang mayroon sila. Hindi nila kailanman ibinabahagi ang katotohanan o nilulutas ang mga totoong problema. Hindi nila kailanman iniisip kung paano gawin ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo kapag ginagawa nila ang kanilang tungkulin, hindi rin sila nagninilay-nilay kung naging matapat ba sila, kung natupad ba nila ang kanilang mga pananagutan, kung nagkaroon ba ng mga paglihis o pagpapabaya sa kanilang gawain, o kung mayroon bang anumang mga problema, lalong hindi nila pinag-iisipan kung ano ang hinihingi ng Diyos, at kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi nila binibigyang-pansin ni bahagya ang lahat ng bagay na ito. Determinado lang silang nagsisikap at gumagawa ng mga bagay-bagay alang-alang sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, upang maisakatuparan ang sarili nilang mga ambisyon at pagnanais. Pagpapamalas ito ng pagkamakasarili at pagiging ubod ng sama, hindi ba? Lubos nitong inilalantad kung paanong ang kanilang mga puso ay nag-uumapaw sa sarili nilang mga ambisyon, pagnanais, at walang katuturang hinihingi; lahat ng ginagawa nila ay naiimpluwensiyahan ng kanilang mga ambisyon at pagnanais. Kahit ano pa ang gawin nila, ang motibasyon at pinagmumulan ay ang sarili nilang mga ambisyon, pagnanais, at walang katuturang hinihingi. Ito ang pinakatipikal na pagpapamalas ng pagiging makasarili at ubod ng sama(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Ekskorsus). Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ganap na mali ang aking mga intensyon at panimulang layunin sa paggawa ng mga bagay, katulad ng sa mga anticristo. Anuman ang ginawa ko ay inuudyukan ng pansariling interes, at para sa mga bagay na makakatugon sa aking pagnanais para sa kasikatan at kayamanan, at makamit ang paghanga ng ibang tao, pipigain ko ang utak ko at gagawin ang lahat para makamit ang mga ito, hindi natatakot sa pagdurusa. Sa kabaligtaran, para sa mga bagay na hindi kapaki-pakinabang sa akin, kahit na ang mga ito ay makabuluhan at mahalaga, ayaw kong gawin ang mga ito, lalo na ang magsikap o magdusa at magbayad ng halaga para makamit ang mga ito. Noong kumuha ako ng judicial examination, mayroon akong determinasyon ng isang “palaban na espiritu,” dahil ang pagpasa sa pagsusulit ay magbibigay-daan sa akin na maging isang abogado, makamit ang paghanga mula sa iba, at kumita ng maraming pera, parehong natatamo ang kasikatan at kayamanan. Ang motibasyon na ito ang nagtulak sa akin na tiisin kahit ang pinakamatitinding paghihirap at magsikap para sa tagumpay. Gayumpaman, ganap na naiiba ang saloobin ko sa tungkulin sa pagbigkas. Pakiramdam ko na ang paggawa sa tungkuling ito ay kinasasangkutan lamang ng pagbubunyag, na hindi ito magdadala sa akin ng kasikatan o pagkilala at hindi magbibigay ng oportunidad na maipakita ang aking halaga. Kaya, ayaw kong magdusa o magbayad ng halaga para sa tungkulin na ito, at nag-aatubili pa akong gawin ito. Paulit-ulit na pinagbahaginan ng mga kapatid ang agarang layunin ng Diyos, kung saan umaasa ang Diyos na mas maraming tao ang makakarinig ng Kanyang mga salita at tatanggap ng Kanyang kaligtasan. Hinimok nila ako na agad magsanay upang makayanan ko ang tungkuling ito, pero isinaalang-alang ko lamang ang aking reputasyon at katayuan. Hindi ko man lang pinakinggan ang payo ng mga kapatid, binalewala ang layunin ng Diyos, at nagbubulag-bulagan ako gaano man kaapura at kahalaga ang gawain. Napakamakasarili at kasuklam-suklam ko! Habang lalo ko itong naiisip, lalo akong nababagabag. Lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “Diyos ko, sumunod ako sa Iyo sa loob ng maraming taon pero hindi ako naging tapat. Sa lahat ng aking ginagawa, isinasaalang-alang ko ang sarili kong mga interes at plano para sa aking laman, na nag-iiwan ng maraming panghihinayang sa aking tungkulin. Ayaw ko nang mamuhay nang ganito; gusto kong magbago. Siyasatin Mo nawa ako!” Matapos manalangin, sinimulan kong pagnilayan kung paano ako naging pabaya at pabasta-basta sa aking kasalukuyang tungkulin, at kung paano ko mababago ang saloobing ito sa paggawa sa aking tungkulin. Makalipas ang kalahating araw, bigla akong nakatanggap ng mensahe. Sinabi ng lider na bibigyan ako ng isa pang pagkakataon upang ipagpatuloy ang pagsasanay sa pagbigkas. Sa sandaling nabasa ko ang mensahe, halos hindi ako makapaniwala. Malinaw kong natanto na ito ay awa ng Diyos, na nagbibigay sa akin ng pagkakataong magsisi at maghimagsik laban sa aking laman at isagawa ang katotohanan. Napuno ng pasasalamat ang puso ko, at hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Ang lahat ng aking mga salita ay naging isang parirala—Salamat sa Diyos! Nang sandaling iyon, naalala ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang disposisyon ng Diyos ay pinakamahalaga at malinaw na nakikita, at binabago Niya ang Kanyang isip at saloobin batay sa pag-unlad ng mga bagay-bagay. Ang pagbabago ng Kanyang saloobin tungo sa mga taga-Ninive ay nagsasabi sa sangkatauhan na mayroon Siyang sariling mga kaisipan at ideya; hindi Siya isang robot o luwad na rebulto, kundi ang buhay na Diyos Mismo. Maaari Siyang magalit sa mga mamamayan ng Ninive, kung paanong maaari rin Niyang patawarin ang kanilang mga nakaraan dahil sa kanilang mga pag-uugali. Maaari Siyang magpasya na magpadala ng kasawian sa mga taga-Ninive, at maaari rin Niyang baguhin ang Kanyang pagpapasya dahil sa kanilang pagsisisi(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). Napagtanto ko na nasa tabi ko ang Diyos na binabantayan ang bawat salita at kilos ko, at nang handa na akong magsisi, binigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon.

Noong sumunod na pagsasanay, tinukoy ng mga sister ang ilang mga isyu. Noong una, nagawa kong tratuhin sila ng tama at aktibong humanap ng mga solusyon, pero nang medyo tumindi ang mga paghihirap, nalulugmok na naman ako sa pagkasira ng loob at nagbubunyag ng mga kaisipan na gustong tumakas. Isang beses, matapos kong masigasig na magsanay, isang kapatid ang nagsabi na parang mekanikal ang aking pagbigkas at ang totoo ay lumala ako sa halip na humusay. Napakabigat ng loob ko sa pagharap sa ganoong komento. Umasa ako na ang aking pagsasanay ay magbubunga ng mas mahusay na mga resulta, ngunit tila mas masahol pa ito. Nawala ang lahat ng motibasyon ko para mag-record, at nagsimula akong mag-isip, “Napakahirap ng tungkuling ito; hindi ko ito kaya.” Nang sandaling iyon, nakita ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa kasalukuyan, ang pagpapatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang pagpoproklama sa mga salita ng Diyos ay isang mahalagang usapin. Isa itong napakahalagang tungkulin, at hindi ito dapat maliitin ng sinuman sa inyo. Hindi magaan ang inyong pasanin. Hindi ito maliit na usapin, hindi ito isang isyu na may kinalaman lang sa mga personal na karanasan. Malawak ang saklaw ng usaping ito; nauugnay ito sa kaligtasan ng sangkatauhan at sa pagpapalaganap sa ebanghelyo ng kaharian. Kung hindi ninyo nauunawaan ang usaping ito at hindi ninyo nararamdaman ang kahalagahan nito, at kumikilos pa rin kayo nang sutil, nagmamaktol na parang bata, o sumasama ang loob ninyo habang ginagawa ang inyong tungkulin, kung gayon, problema ito—hindi kayo angkop na magsagawa ng gawaing ito. Ang antas ng iyong mga propesyonal na kasanayan at kakayanan sa gawain ay nakasalalay sa indibidwal na kakayahan at karanasan sa gawain; hindi pangunahin ang mga ito. Ang pinakamahalaga ay ang pagkakaroon ng matuwid na puso, pagkakaroon ng kakayanang magpasakop sa Diyos, at pagiging handang magbayad ng halaga, at pagiging tapat sa paggawa ng iyong tungkulin(Pagbabahagi ng Diyos). Ipinaalala sa akin ng mga salita ng Diyos na hindi isang simpleng gampanin ang tungkulin na aking ginagawa. Kinasasangkutan ito ng pagpapalaganap sa mga salita ng Diyos at pagpapatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at hindi puwedeng ituring nang basta-basta ayon sa sarili kong kalooban. Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng sigla at lakas. Mula sa mga salita ng Diyos, natagpuan ko rin ang paraan upang magsagawa. Ang mga kasanayan at kakayahan ay pangalawa; ang pinakamahalagang bagay ay iyong kailangan ng isang tao na magkaroon ng tamang puso, maging tapat, at makapanatili sa kanyang tungkulin—ito ang gustong makita ng Diyos. Tumahimik ako at nanalangin sa Diyos, “Diyos ko, ayaw kong gawin ang aking tungkulin sa sarili kong tiwaling disposisyon. Kailangan kong magsikap at magbayad ng halaga para sa tungkuling ito, mamuhay ng ayon sa oportunidad na ibinigay Mo sa akin upang pasanin ang tungkulin. Pakiusap, gabayan Mo ako.” Pagkatapos manalangin, pinag-isipan ko kung paano tutugunan ang mga isyung tinukoy ng sister. Napagtanto ko na ang prinsipyo ng pagbigkas ay ang maging tahimik sa mga salita ng Diyos, na basahin, pagnilayan, at unawain ang kahulugan ng mga salita ng Diyos nang may sinseridad, at bumigkas batay sa pundasyong ito, sa halip na mekanikal na magbasa ng teksto. Kaya kinalma ko ang aking isipan at binasa ang mga salita ng Diyos, na nauunawaan ang mga ito sa liwanag ng sarili kong kalagayan. Pagkatapos bumigkas sa ganitong paraan, sinabi ng sister na mas maganda ang epekto nito. Napagtanto ko na ito ang patnubay ng Diyos at labis akong nagalak. Matapos magsanay sa loob ng ilang panahon, nakahanap ako ng mga paraan upang mapahusay ang mga resulta ng aking pagbigkas, at medyo bumuti ang mga isyu sa aking pagbigkas. Salamat sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng ganitong karanasan!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman