Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Mayo 15, 2018

Wuxin Lungsod ng Taiyuan, Lalawigan ng Shanxi

Ang isang bagay na palagi nating natalakay noon sa mga nakaraang pakikipagniig ay ang mga landas na nilakaran nina Pedro at Pablo. Sinasabing si Pedro ay nagtuon ng pansin sa pagkilala sa kanyang sarili at sa Diyos, at isang taong kinasihan ng Diyos, samantalang si Pablo ay nagtuon lamang ng pansin sa kanyang gawain, reputasyon at katayuan, at isang taong kinasuklaman ng Diyos. Palagi akong natakot na tahakin ang landas ni Pablo, na dahilan kung bakit karaniwan ay madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga karanasan ni Pedro para makita kung paano niya nakilala ang Diyos. Pagkatapos pansamantalang mamuhay nang ganito, nadama kong naging mas masunurin ako kaysa dati, ang hangarin ko para sa reputasyon at katayuan ay naging malamlam, at bahagya ko pang nakilala ang sarili ko. Sa panahong ito, naniwala ako na kahit hindi ako lubusang nasa landas ni Pedro, masasabi na naabot ko ang gilid nito, at kahit paano ibig sabihin nito ay hindi ako papunta sa landas ni Pablo. Gayunman, mapapahiya ako ng mga pagbubunyag ng salita ng Diyos.

Isang umaga, habang nagsasagawa ako ng mga espirituwal na debosyon, nakita ko ang sumusunod na mga salita ng Diyos: “Ang gawain ni Pedro ay ang gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Hindi siya gumanap sa papel ng isang apostol, kundi gumawa habang pinagsisikapang mahalin ang Diyos. Ang gawain ni Pablo ay naglaman din ng personal na pinagsisikapan niyang matamo…. Walang personal na mga karanasan sa kanyang gawain—lahat ng iyon ay para sa sariling kapakanan nito, at hindi isinagawa sa gitna ng paghahangad ng pagbabago. Lahat sa kanyang gawain ay isang transaksyon, hindi ito naglaman ng anuman sa tungkulin o pagpapasakop ng isang nilalang ng Diyos. Habang patuloy ang kanyang gawain, walang nangyaring pagbabago sa dating disposisyon ni Pablo. Ang kanyang gawain ay paglilingkod lamang sa iba, at hindi kayang magdulot ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon. … Iba si Pedro: Isa siyang taong sumailalim na sa pagtatabas at pakikitungo at sumailalim na sa pagpipino. Ang layunin at pangganyak ng gawain ni Pedro ay talagang naiiba kaysa kay Pablo. Bagama’t hindi gumawa si Pedro ng maraming gawain, ang kanyang disposisyon ay sumailalim sa maraming pagbabago, at ang kanyang hinanap ay ang katotohanan, at tunay na pagbabago. Ang kanyang gawain ay hindi isinagawa para lamang sa kapakanan ng gawain mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Naantig ng mga salita ng Diyos ang aking kaluluwa at nanahimik ako: Si Pedro ay isang taong tumupad ng kanyang tungkulin bilang isang nilalang na nilikha. Ginawa niya ang kanyang proseso ng paghahanap ng pag-ibig sa Diyos na kabaligtaran ng kanyang papel bilang isang apostol. Ngunit ako ba ay isang taong tumutupad sa kanyang tungkulin bilang isang nilalang na nilikha o basta ginagawa lang ang aking gawain mula sa isang posisyon ng katayuan? Sa panahong ito, inisip ko ang iba’t ibang sitwasyon ng nakaraan: Noong napakaraming gawain ng iglesia na kailangang asikasuhin, sasabihin ng ibang mga kapatid: Kayo ay tunay na napabibigatan ng gawain ng Diyos. At mapapabulalas ako: Kaming mga pinuno ay walang magagawa kundi ang harapin ito. Kung minsan, sa mga pamilyang kumukupkop o sa harapan ng mga kasamang manggagawa, gusto kong pagbigyan ang aking katawang pisikal at magpahinga, ngunit pagkatapos ay maiisip ko: Hindi, isa akong pinuno, kailangan kong isabuhay ang normal na pagkatao at hindi mamuhay sa kahalayan. Kapag parang ayaw kong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, iisipin ko rin na: Bilang isang pinuno, kung hindi ko kakainin at iinumin ang mga salita ng Diyos, paano ko malulutas ang mga problema ng ibang tao? Kung minsan sasama ako sa isang kasamang manggagawa papunta sa pamilyang kumukupkop sa kanya, at kapag nakita kong ang paraan ng pakikitungo sa akin ng babaeng kumukupkop sa aking kasamahan ay hindi kasing-sigla ng pakikitungo sa kanya, magagalit ako: Maaaring hindi mo alam kung sino ako, pero ako ang kanyang pinuno. Kung minsan, sa anumang kadahilanan, parang ayaw kong makipag-usap sa mga kapatid na kumukupkop, pero gayunman ay iisipin kong: Bilang isang pinuno, paano ang magiging tingin sa akin ng mga tao kung nagpupunta ako pero hindi ako nakikipag-usap sa kanila? Dahil isa akong pinuno dapat akong makipag-usap sa mga pamilyang kumukupkop. … Sa iba’t ibang pag-uugaling ito ay nakita kong: Nagtrabaho ako dahil sa katayuan. Ito man ay sa pakikipag-usap sa mga tao, pagdalo sa mga pulong, o pag-aasikaso sa mga pangkalahatang gawain, lahat ng ito ay dahil lamang sa ako ay isang pinuno at dama kong obligasyon kong tuparin nang kaunti ang aking tungkulin at magtrabaho nang kaunti. Hindi ko tinupad ang tungkulin ko bilang isang nilalang na nilikha, at higit pa rito hindi ako nagtrabaho sa pamamagitan ng aking proseso ng pagmamahal sa Diyos tulad noon ni Pedro. Kung magpapatuloy ang mga bagay tulad ng dati, kapag dumating ang araw na inalis at pinalitan na ako, marahil hindi ko patuloy na tutuparin ang aking tungkulin gaya ng ginagawa ko ngayon. Noon ko lamang nakita na hindi ako isang taong nagsagawa ng katotohanan o nagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos. Sa halip, ako ay isang kasuklam-suklam na kontrabida na nagtrabaho lamang para sa reputasyon at katayuan. Imposibleng magkaroon ng katapatan sa Diyos sa pagtatrabaho sa paraang ginawa ko, at iyon ay sa kawalang-interes lamang. Ito ay dahil sa hindi ko kusang isinagawa ang katotohanan at binigyang konsiderasyon ang kalooban ng Diyos. Tulad lang ng sinasabi ng Diyos, “Walang personal na mga karanasan sa kanyang gawain—lahat ng iyon ay para sa sariling kapakanan nito, at hindi isinagawa sa gitna ng paghahangad ng pagbabago.” Paano posibleng mabibigyang-kasiyahan ng gayong serbisyo ang kalooban ng Diyos? Si Pablo noon ay kumilos sa kanyang posisyon bilang isang apostol; ang kanyang gawain ay puno ng mga transaksyon. Ako ay gumawa at gumugol noon sa aking posisyon bilang isang pinuno. Paano naging kaiba kay Pablo ang gayong mga intensyon at layunin sa paniniwala sa Diyos?

Sa puntong ito, lumuhod ako sa harapan ng Diyos: O Diyos! Salamat sa Iyo sa napapanahong kaligtasan, na nagbangon sa akin mula sa aking pagkatuliro, nagbukas ng aking isip sa tunay kong kalagayan, at nagpakita na tinahak ko pa rin noon ang landas ni Pablo na Fariseo. Ang aking gawain at pagtupad sa aking tungkulin ay katulad na katulad sa mga Fariseo, na marahil ay ikinainis Mo. O, Makapangyarihang Diyos! Handa akong baguhin ang aking mga maling intensiyon at mga pagkaintindi sa ilalim ng patnubay ng Iyong salita. Handa akong tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilalang na nilikha at sundan ang halimbawa ni Pedro sa paggawa ng nararapat kong gawin sa pamamagitan ng proseso ng pagmamahal sa Diyos, hindi na kumikilos sa posisyon ng aking papel bilang isang pinuno, at gawin ang lahat ng aking makakaya upang hanapin at lumakad pasulong tungo sa landas ni Pedro!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Leave a Reply