Huwag Maghanap ng mga Bagong Pakana Habang Naglilingkod sa Diyos

Mayo 15, 2018

Heyi Lungsod ng Zhuanghe, Lalawigan ng Liaoning

Kahahalal pa lang sa akin para gampanan ang responsibilidad bilang pinuno ng iglesia. Ngunit matapos ang isang yugto ng mahirap na gawain, hindi lamang sa halos mawalan ng buhay ang gawain na pang-ebanghelyo ng iglesia, ngunit ang lahat ng kapatid ko na nasa pangkat na pang-ebanghelyo ay namumuhay sa negatibo at kahinaan. Naharap sa ganitong sitwasyon, hindi ko na mapipigilan pa ang mga nararamdaman ko. Paano ko kaya magagawang magtrabaho para pasiglahin ang gawain na pang-ebanghelyo? Pagkatapos guluhin ang utak ko, sa wakas ay nakaisip ako ng isang magandang solusyon: Kung magdaos ako ng buwanang seremonya ng parangal para sa pangkat na pang-ebanghelyo at pumili ng mga natatanging indibiduwal at huwaran na mga tagapangaral, ang sinumang makahikayat ng maraming kaluluwa para sa Diyos ay gagantimpalaan, at ang sinumang makahikayat ng kakaunting kaluluwa ay pagsasabihan. Hindi lamang nito pupukawin ang kanilang interes, ngunit pasisiglahin din nito ang negatibo at mahihinang kapatid. Nang naisip ko ito, nasabik ako nang husto para sa “matalinong ideya” kong ito. Naisip ko: “Sa pagkakataong ito’y hahanga ang lahat sa akin.”

Pinuntahan ko ang pangkat na pang-ebanghelyo at ipinaliwanag ang balak ko. Ang lahat ay napakasaya at handang makipagtulungan. Nasabik ako, at inabangan ang pamumunga nito. Ngunit pagkatapos ng ilang araw, ang mga kapatid na walang nahikayat na kaluluwa ay lalo pang naging negatibo at nagkaroon ng mga opinyon sa aking mga pamamaraan. Ginusto pa nilang umalis na lang sa pangkat na pang-ebanghelyo. Naharap sa lahat ng ito, naging tuod ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Pagkatapos marinig ang tungkol dito, dagliang dumating ang namumuno sa akin upang magbahagi sa akin, at hinarap ang sitwasyon ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga komunikasyon mula sa Diyos at ang kasunduan sa gawain: “Ano ang pinaka-hindi-katanggap-tanggap sa paglilingkod ng tao sa Diyos? Alam ba ninyo? Laging gusto niyaong mga naglilingkod bilang mga lider na magkaroon ng mas higit na katalinuhan, na maging angat kaysa lahat, na makahanap ng mga bagong pamamaraan upang makita ng Diyos kung gaano talaga ang kanilang kakayahan. Subali’t, hindi sila nagtutuon ng pansin sa pag-unawa ng katotohanan at pagpasok tungo sa realidad ng salita ng Diyos. Lagi nilang gustong magpakitang-gilas; hindi ba’t ito mismo ang kapahayagan ng isang mapagmataas na kalikasan? Sinasabi pa ng iba: ‘Sa paggawa nito sigurado akong magiging napakasaya ng Diyos; magugustuhan Niya talaga ito. Sa pagkakataong ito, hahayaan kong makita ng Diyos, sosorpresahin ko Siya.’ Bunga ng sorpresang ito, naiwala nila ang gawa ng Banal na Espiritu at natatanggal ng Diyos. Huwag mong basta-basta gagawin ang anumang pumapasok sa isip mo. Paano ito magiging ayos kung hindi mo isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan ng iyong mga pagkilos? … Kung hindi ka matuwid, maka-Diyos o maingat sa paglilingkod sa Diyos, sa malao’t madali malalabag mo ang mga administratibong kautusan ng Diyos(“Kung Wala ang Katotohanan Madaling Magkasala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Ang isang taong naglilingkod sa Diyos ay dapat na maintindihan ang Kanyang kalooban sa lahat ng bagay. Kapag nahaharap sa anumang problema, dapat nilang hanapin ang katotohanan, at dapat gawin ang lahat ng gawain batay sa salita ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang nila maaaring matiyak na ang kanilang mga aksyon ay sumusunod sa kalooban ng Diyos(Isang Kolekyon ng mga Pagsasaayos ng Gawain ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos). Bigla akong natauhan nang dahil sa mga salitang ito at nakaramdam ng malalim na pangamba at panginginig. Napagtanto ko na ang “seremonya ng parangal” na siyang nagpagulo sa utak ko ay paghahanap lamang pala ng isang bago’t kakaibang pakana. Ginigising ng ganitong bagay ang pagkasuklam nang husto ng Diyos; matinding ipinagbabawal ito sa paglilingkod sa Diyos. Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi isang larong pambata. Sa harapan ng Diyos, dapat mapanatili ng tao ang isang pusong may paggalang, at dapat mahigpit nilang sundin ang mga kaayusan sa trabaho at kumilos alinsunod sa mga prinsipyo ng paglilingkod sa Diyos. Kapag naharap sa isang problema, dapat nilang hangarin ang katotohanan. Sa ganitong paraan lamang nila maaaring matiyak na ang mga aksyon nila ay sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ngayon, itinaas ako ng Diyos upang tuparin ang aking tungkulin bilang isang pinuno. Noong hindi namumunga ang gawain na pang-ebanghelyo at naging negatibo at mahina ang aking mga kapatid, dapat sana’y lumapit ako sa harapan ng Diyos para hanapin ang Kanyang kalooban, para hanapin ang ugat ng problema, at pagkatapos ay lutasin ang problema kasama ng katotohanan sa pamamagitan ng paghahanap ng mga salita ng Diyos na naaangkop sa sitwasyon ng aking mga kapatid. Dapat lahat ng trabahong ginagawa ko ay batay sa mga salita ng Diyos. Ngunit noong naharap ako sa mga suliranin, hindi ko man lang hinanap ang katotohanan. Hindi ko hinanap ang mga prinsipyo para sa mga aksyon ko. Sa katunayan, hindi ko isinagawa ang wastong gawain, kundi inilagay ang aking pagsisikap sa mababaw na mga pamamaraan. Inasahan ko ang aking sariling munting katalinuhan; kumuha ako mula sa makamundong mga pamamaraan ng pangangasiwa ng pabrika, nagsimula ng seremonya ng parangal upang pumili ng mga natatanging tao. Bilang resulta, hindi lamang sa bigong mamunga ang gawain na pang-ebanghelyo, kundi hindi rin nalutas ang sitwasyon ng aking mga kapatid, at dahil sa mga pamamaraan ko’y lalo lamang silang naging negatibo hanggang sa puntong aalis na sa pangkat na pang-ebanghelyo. Paano magiging pagtupad iyon sa aking tungkulin? Kasamaan lamang ang ginagawa ko, sinisira ang tamang paggana ng gawain ng iglesia. Paano ako naging karapat-dapat na maging pinuno? Kung patuloy kong pinamunuan ang aking mga kapatid sa ganitong paraan, malamang na naligaw na sila ng landas nang dahil sa akin, at sa huli, sa pamamagitan ng aking masigasig na paglilingkod, maaaring nangagkasala na ako sa mga administratibong utos ng Diyos at dumanas ng Kanyang kaparusahan.

Napagtanto ko sa wakas sa pamamagitan ng pagbubunyag ng Diyos ang aking sariling mala-satanas na kalikasan ng pagmamataas at kawalan ng pag-iingat: Wala ako ni ga-hiblang paggalang sa harapan ng Diyos. Napagtanto ko sa mga oras ding iyon na ang isip ng tao ay isang hukay ng mabahong tubig. Ang aking “malikhain” na pamamaraan, kahit mabuti, ay hinangad ni Satanas, at maaari lamang itong kasuklaman ng Diyos. Maaaring masaktan lang Siya nito at makagambala sa Kanyang gawain. Mula sa araw na ito, handa kong isaisip ang leksyon na ito at mas pagsikapan pa ang mga prinsipyo ng paglilingkod sa Diyos, at gawin sa abot ng aking makakaya na itaguyod ang katotohanan upang baguhin ang aking sariling mapagmataas na kalikasan. Sa lahat ng bagay, hahangarin ko ang katotohanan, hahanapin ang mga prinsipyo sa lahat ng mga aksyon, at magkaroon ng puso na may paggalang para sa Diyos. Tutuparin ko ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya at ilalagay ang puso ng Diyos sa katiwasayan, nang buong katapatan at pagtalima.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Paghatol Ay Liwanag

Zhao Xia Lalawigan ng Shandong Ang pangalan ko ay Zhao Xia. Isinilang ako sa isang pangkaraniwang pamilya. Dahil sa impluwensiya ng mga...