Hindi na Ako Takot sa Responsibilidad

Hunyo 6, 2021

Ni Cheng Nuo, Tsina

Isang araw noong Nobyembre 2020, isang lider ang dumalo sa pagtitipon ng aming pangkat at nang matapos ito, binanggit niya na gusto niyang maghalal kami ng isang lider ng pangkat na siyang mamamahala ng aming gawain sa pag-e-edit. Sa gulat ko, nakuha ko ang karamihan sa mga boto. Lubos akong nagulat: napili ako bilang isang lider ng pangkat? Halos wala akong pagpasok sa buhay at wala akong realidad ng katotohanan. Talaga bang makakaya kong gampanan ang tungkulin ng pamumuno sa pangkat? Kung may dumating na mga problema sa aming gawain, hindi ba natural lang na ipatanggap sa lider ng pangkat ang responsibilidad? Papaano kung hindi ko iyon maayos at magdusa ang aming gawain bilang resulta? Naisip ko ang dati kong karanasan nang kumikilos ako bilang isang lider ng pangkat. Prinotektahan ko lang ang aking sarili nang hindi isinasagawa ang katotohanan. Nang makita ko ang mga tao na ginagambala at hinahadlangan ang gawain ng iglesia, hindi ko ito ipinatigil agad dahil sa takot na mapasama ang loob nila. Bilang resulta, nakompromiso ang gawain ng iglesia at pinaalis ako. Naramdaman ko na kung hindi ko gagawin nang mabuti ang tungkulin ko ngayon, sa halip ay patagalin ang gawain ng bahay ng Diyos at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid, iyon ay magiging katumbas ng paggawa ng masama. Hindi lang ang pagpapaalis ang aking aalalahanin—maaari ring magkaroon ng posibilidad na matanggal ako. Hindi ko nais na makitang mangyari iyon at pakiramdam ko ay hindi ko iyon magagampanan. Kaya, sinabi ko sa lider na wala akong sapat na pagpasok sa buhay at hindi ko kayang lutasin ang mga problema ng iba, kaya hindi ako naaangkop para sa posisyon. Nag-isip ako ng napakaraming dahilan. Sinabi niya sa akin na dapat kong tanggapin ang tungkuling iyon at magpasakop doon, ngunit talaga ako mapayapa roon. Labis akong nag-aalala. Hanggang sa, bigla kong naisip ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Dapat kang magpasakop at aktibong makipagtulungan. Ito ang iyong tungkulin at iyong responsibilidad. Anuman ang hinaharap, dapat ay mayroon kang isang pusong sumusunod. Kakimian, takot, pag-aalala, hinala—wala sa mga ito ang dapat mong maging saloobin sa pagganap sa iyong tungkulin(“Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Habang pinag-iisipan ko ito, nagsimula akong makaramdam ng kahinahunan, at napagtanto ko na ang tungkuling ito na ibinigay sa akin ay nagmula sa pamumuno at mga pagsasaayos ng Diyos. Bagaman hindi ko naunawaan ang kalooban ng Diyos noong panahong iyon, nakita ko na kailangan kong hayaan ang sarili ko na pangunahan ng Diyos at magpasakop.

Matapos iyon, nakita ko ang sarili kong nahaharap sa lahat ng uri ng mga problema at paghihirap sa aking tungkulin, at partikular kong nakita na walang pagsulong ang gawain ng aming pangkat. Lumitaw na naman ang aking mga pag-aalala, na kung hindi bubuti ang aming paggawa, hindi ko maiiwasan ang aking responsibilidad bilang lider ng pangkat. Ganap akong naligalig dahil sa pag-iisip nito. Isang gabi habang nakikipag-usap ako sa kapatid na pinakamalapit kong nakatrabaho tungkol sa aming mga kalagayan, nagsimula akong hindi mapalagay habang kinukuwento niya ang tungkol sa dating lider ng pangkat na pinaalis dahil hindi niya hinanap ang katotohanan o nagsikap na mas mapabuti. Hindi siya nagkaroon ng ano mang pagbuti sa kanyang propesyonal na mga kasanayan at hindi makagawa ng ano mang praktikal na gawain. Alam kong naglilingkod ako bilang lider ng isang pangkat na nahaharap sa ilang mga paghihirap at problema, kaya kung hindi ko mahaharap ang mga iyon at gagawa ng ilang praktikal na gawain, mahaharap din ba ako sa pagpapaalis? Nais kong bumalik sa pagiging isang karaniwang miyembro ng pangkat na walang gaanong responsibilidad. Iniisip ko na gagawin ko ang tungkuling ito sa ngayon dahil kakahirang lang sa akin, at kung lalabas na hindi ako sapat, dapat akong kaaya-ayang magbitiw sa lalong madaling panahon upang hindi ako makagawa ng kasamaan na maaaring makagambala at makapinsala sa gawain ng iglesia, at pagkatapos ay paalisin. Kung mangyari iyon, maaari iyong mangahulugan ng pagkawala ng aking huling destinasyon. Nakita ko ang sarili kong naipit sa kalagayang iyon, takot na hindi magawa nang mabuti ang aking tungkulin, ng pagpasan sa responsibilidad para sa ano mang mga problema. Nang makaranas ako ng paghihirap sa aking gawain, nakita ko ang sarili kong partikular na natatakot na hindi ko magagawang mapagtagumpayan iyon—napakatagal kong natigilan, sa isang mundo ng sakit at paghihirap.

Pagkatapos ang siping ito ng mga salita ng Diyos na nabasa ko isang araw na naghahayag ng diwa ng disposisyon ng isang anticristo ay nagbigay sa akin ng ilang kaalaman sa aking sariling kalagayan: “Kapag may ginawang maliit na pagbabago sa iyong tungkulin, gawin mo ang ipinagagawa sa iyo, at gawin mo ang makakaya mo, at, anuman ang gawin mo, gawin mo ito nang maayos nang buong kapangyarihan mo, nang buong puso mo at buong lakas mo. Ang nagawa ng Diyos ay hindi mali. Kahit ang napakasimpleng katotohanang tulad nito ay wala sa puso ng mga anticristo. Ano ang nasa puso nila? Hinala, pagdududa, pagsuway, tukso…. Napakasimpleng bagay—subalit lubhang naliligalig ang isang anticristo tungkol dito, at paulit-ulit itong pinag-iisipan, kaya hindi sila nakakatulog. Bakit ganito sila kung mag-isip? Bakit sila nag-iisip sa napakakumplikadong paraan tungkol sa isang simpleng bagay? Simple at iisa lamang ang dahilan: Sa bawat gawain o plano ng bahay ng Diyos tungkol sa kanila, mahigpit nilang iniuugnay ang bagay na iyon sa kanilang patutunguhan at sa pagnanais nilang magtamo ng mga pagpapala. Ito ang dahilan kaya iniisip nila, ‘Kailangan kong mag-ingat; ang isang maling hakbang ay hahantong sa pagkakamali ng bawat hakbang, at maaari na akong magpaalam sa pagnanais kong magtamo ng mga pagpapala—at iyon na ang aking katapusan. Hindi maaaring hindi ako mag-ingat! Ang bahay ng Diyos, ang mga kapatid, mas mataas na pamunuan, maging ang Diyos—lahat sila ay hindi maaasahan. Hindi ako nagtitiwala sa sinuman sa kanila. Ang taong maaasahan at mapagkakatiwalaan nang husto ay ang sarili mo; kung hindi ka magpaplano para sa iyong sarili, sino pa ang mag-aalaga sa iyo? Sino pa ang magsasaalang-alang sa iyong mga inaasam at kung magtatamo ka ng mga pagpapala? Kaya, kailangan kong magsikap nang husto na gumawa ng mga plano para sa aking sarili, at gumawa ng metikulosong mga paghahanda at kalkulasyon; hindi ako maaaring magkamali, at hindi ako maaaring mawalan ng ingat kahit kaunti—kung hindi, magiging madali na lituhin at pagsamantalahan ako ng mga tao’(“Para sa mga Lider at Manggagawa, ang Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (29)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Matapos ko lang basahin ang mga salitang ito mula sa Diyos ko naunawaan na napakanormal na makaranas ng mga pagbabago sa ating mga tungkulin, at dapat ko iyong pakitunguhan nang may tamang pag-uugali. Dapat kong gawin ang aking makakaya upang mas mapabuti ang aking gawain at matupad ang aking mga responsibilidad, at kung hindi pa rin ako magtagumpay sa kabila ng aking pagsisikap, dapat masaya kong tanggapin ang pagpapaalis sa akin. Binabago ang mga tungkulin ayon sa mga pangangailangan ng bahay ng Diyos pati na sa personal na kakayahan ng mga tao na tanggapin ang isang ibinigay na tungkulin. Wala iyong kinalaman sa mga kinahinatnan at destinasyon ng mga tao. Ngunit kulang ako ng tunay na pananalig para sa Diyos, at hindi ko pa nagagawang maunawaan nang mabuti ang mga naaangkop na pagbabago sa mga tungkulin ng mga tao sa loob ng bahay ng Diyos. Mayroon akong baluktot na pananaw, iniisip na ang aking tungkulin ay labis na nauugnay sa aking destinasyon at kahihinatnan, kung ako man ay pagpalain sa huli. Hinuhulaan ko ang lahat, mapagbantay laban sa Diyos, takot na ako ay malalantad at matatanggal kung hindi ko magagawa nang mabuti ang aking tungkulin, at pagkatapos ay maiiwan ako nang walang ano mang uri ng katayuan o hinaharap. Talagang labis ko iyong iniisip at labis na nadadala ng kasamaan! Sinusubukan kong maging tuso at linlangin ang Diyos upang maprotektahan ang aking pansariling interes, gumagawa ng mga plano ng pagsuko kung hindi ako makakagawa ng maayos na trabaho sa aking tungkulin. Hindi ko iniisip kung papaano gagawin nang mabuti ang aking tungkulin, sa halip nakatuon ako sa aking sariling mga inaasam sa hinaharap. Ang pag-angat sa akin ng Diyos na kumilos bilang isang lider ng pangkat ay pagbibigay sa akin ng pagkakataon na sanayin ang aking sarili upang magkaroon ako ng ilang pag-unlad sa aking gawain at sa aking pagpasok sa buhay. Pagmamahal iyon ng Diyos para sa akin. Subalit binaluktot ko ang aking ideya ng pagmamahal ng Diyos, iniisip na ako talaga iyon na malapit nang malantad at matanggal. Hindi ba iyon paglapastangan sa Diyos? Hindi ba tiyak kong inihahayag ang masamang disposisyon ng isang anticristo?

Inalala ko ang inihayag ko noong panahong iyon: ni hindi ko bahagyang naunawaan ang Diyos, ngunit nadaig ako ng mga haka-haka at pagbabantay. Labis akong balisa, at hindi ko mapigil na isipin kung bakit ako nasa ganoong uri ng katayuan, kung nasaan talaga ang ugat ng problema. Nabasa ko kalaunan ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na naglalantad ng disposisyon ng mga anticristo na talagang umantig sa akin: “Ang mga anticristo ay hindi naniniwala na may katotohanan sa mga salita ng Diyos, at hindi sila naniniwala sa Kanyang disposisyon, identidad, o kakanyahan. Itinuturing nila ang lahat ng tao ayon sa pag-iisip at pananaw ng tao, para pag-aralan at suriin ang lahat ng nangyayari sa kanilang paligid, at ayon din sa mga pananaw ng tao, mga pag-iisip ng mga tao, at katusuhan ng tao nila tinitingnan ang paraan ng pagtrato ng Diyos sa mga tao, ang iba-ibang gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao. Bukod pa riyan, ginagamit nila ang pag-iisip at mga pamamaraan ng tao, ginagamit ang lohika at pag-iisip ni Satanas sa pagmamasid sa disposisyon, identidad, at kakanyahan ng Diyos. Halata namang hindi lamang tinatanggap ni kinikilala ng mga anticristo ang disposisyon, identidad, at kakanyahan ng Diyos, kundi puno sila ng mga haka-haka at ng malabo at hungkag na mga ideya tungkol sa disposisyon, identidad, at kakanyahan ng Diyos. Ang tanging pumupuno sa kanila ay pang-unawa ng tao; wala sila ni katiting na tunay na kaalaman. Dahil dito, sa bandang huli, paano binibigyang-kahulugan ng isang anticristo ang disposisyon, identidad, at kakanyahan ng Diyos? Maaari ba nilang mapagtibay na ang Diyos ay matuwid at na para sa tao, Siya ay pag-ibig? Siguradong hindi. Ang pakahulugan ng mga anticristo sa katuwiran at pagmamahal ng Diyos ay isang tandang pananong—pagdududa. Ang disposisyon ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang identidad, at tinutuya nila ang Kanyang disposisyon, at puno sila ng pag-aalinlangan at puno ng pagtanggi at paninira dito, kaya ano, kung gayon, ang Kanyang identidad? Ang disposisyon ng Diyos ay kumakatawan sa Kanyang identidad; sa gayong pagturing na katulad ng sa kanila, ang pagturing nila sa identidad ng Diyos ay malinaw—tuwirang pagtanggi. Ito ang kakanyahan ng mga anticristo(“Para sa mga Lider at Manggagawa, ang Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (26)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinapakita ng mga salita ng Diyos na hindi naniniwala ang mga anticristo na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at hindi rin kinikilala ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi nila kailanman ibinatay sa mga salita ng Diyos ang kanilang mga opinyon sa mga bagay, sa halip ay pinapakitunguhan ang lahat batay sa pag-unawa ng tao at lohika ni Satanas. Nakita ko na nagkikimkim din ako ng ganoong uri ng anticristong disposisyon, na wala akong pag-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos kapag nauugnay iyon sa pagsasaayos ng mga posisyon ng iglesia, o pagpapaalis o pagtatanggal sa mga tao. Sa halip, tinitingnan ko ang mga problemang ito sa lente ng satanikong lohika gaya ng “Kapag mas malaki sila, mas mahirap kapag sila’y nahulog,” “Ang pakong hindi pinakamatibay ang pagkakabaon ang minamartilyo nang husto,” at “Malungkot sa itaas.” Inakala ko na ang pagkakaroon ng mas maraming katayuan at responsibilidad ay mas mabilis lang na maglalantad sa akin at pagkatapos ay hahantong sa aking pagkakatanggal. Kaya, kahit tinanggap ko ang aking posisyon bilang lider ng pangkat sa panlabas, pinanatili ko ang aking pagbabantay laban sa Diyos, takot na malantad at matanggal kung ako ay madapa, pagkatapos ay mawalan ng aking huling destinasyon sa huli. Isa akong mananampalataya na nagbabasa ng mga salita ng Diyos, ngunit hindi nagbago ang aking pananaw sa mga bagay, at hindi ko kailanman hinanap ang katotohanan sa harap ng mga problema o tiningnan ang mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos, sa halip ay sinuri ang gawain ng Diyos batay sa mga satanikong kuru-kuro, ipinapalagay na ang Diyos ay isang uri ng diktador na maglalantad at tatanggal sa akin sa pinakamaliit na kamalian, hindi ba pagtanggi ko iyon sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba paglapastangan ko iyon sa Diyos? Ang totoo, sa tuwing ang isang tao ay inaalis o tinatanggal ng iglesia, nakabatay iyon sa prinsipyo. Nakabatay iyon sa pangkalahatang pagsasaalang-alang sa kakayahan ng isang tao, kung sila ba ay may mabuti o masamang katauhan, kung hinahanap ba nila ang katotohanan, at kung nasa anong uri ng landas sila. Hindi sila tinutukoy bilang isang tao, inaalis at tinatanggal batay sa kanilang paminsan-minsang pagsuway o panandaliang pagpapahayag, o kung mayroon silang mataas na katayuan. Ang bahay ng Diyos ay magbibigay ng dagdag na mga pagkakataon sa mga lider na talagang gumugugol ng kanilang sarili para sa Diyos at hanapin ang katotohanan, sa kabila ng ano mang mga pagsuway. Sila ay tatabasin at iwawasto, paaalalahanan at babalaan, at sino man na may kakayahan na kilalanin ang kanilang mga sarili, sino man na nagsisi at nagbabago, ay patuloy na magagamit at malilinang. May ilang mga huwad na lider na hindi gumagawa ng praktikal na gawain, na sakim sa kaginhawahan, pabaya sa kanilang mga tungkulin, at humahawak sa posisyon ng isang lider nang hindi ginagampanan ang mga obligasyon na dapat gawin ng isang lider. Ang ganoong uri ng tao, ay tiyak na mapapaalis sa kanilang posisyon, ngunit hangga’t sila ay hindi isang masamang tao na gumagawa ng bawat uri ng kasamaan, sila ay magaan lang na tatanggalin, patatalsikin ng iglesia. Magsasaayos ang bahay ng Diyos isa pang angkop na tungkulin para sa kanila, binibigyan sila ng pagkakataon sa pagsisisi at pagmumuni-muni sa sarili. Mayroong mga anticristo na ayaw tumanggap ng ano mang mga katotohanan, na gumagawa lamang alang-alang sa kanilang sariling katayuan at kapangyarihan, na nais lamang sumamsam ng kapangyarihan upang makontrol ang iglesia—sila lamang ang lubusang nalalantad at naaalis, permanenteng itiniwalag mula sa iglesia. Nakita ko na tinatrato ng bahay ng Diyos ang mga tao sa paraan na ganap na patas at makatarungan, na ang katotohanan ang may impluwensya sa bahay ng Diyos. Walang mabuting tao ang maaakusahan nang mali, at walang masamang tao ang basta na lang palulusutin. Walang kinalaman sa kanilang posisyon kung ang isang tao ba ay nilantad o inalis. Ang tunay na mahalaga ay kung kaya nilang tanggapin at hanapin ang katotohanan. Para sa mga naghahanap ng katotohanan, kapag gumaganap sila ng isang mahalagang tungkulin, kapag pumapasan sila ng maraming responsibilidad, nagkakamit sila ng maraming pagkakataon upang palaguin ang kanilang mga sarili at mas maperpekto pa ng Diyos. Ngunit ang mga hindi naghahanap ng katotohanan, hindi hinahanap ang mga prinsipyo sa kanilang tungkulin at tumatangging tanggapin ang mahatulan, makastigo, matabasan, at maiwasto, hindi nababago kahit kaunti ang mga tiwaling disposisyon, ano man ang kanilang katayuan, sila ay aalisin sa huli. Habang mas pinag-iisipan iyon, napagtanto ko na nang matanggal ako sa posisyon ko noon bilang isang lider ng pangkat, dahil iyon sa sakim ako at likas na kasuklam-suklam at hindi ko isinagawa ang katotohanan. Hinahadlangan ko ang gawain ng iglesia. Iyon ang matuwid na disposisyon ng Diyos na dumarating sa akin, at iyon ang Diyos na nagbibigay sa akin ng pagkakataong magsisi at magbago. Ngunit sa halip ay kumilos ako na gaya ng isang walang pananampalataya, walang pananalig sa pagliligtas ng Diyos at mali ang pagkakaunawa sa Kanya. Doon ko napagtanto sa wakas kung gaano ako pininsala ng satanikong pilosopiya na “Kapag mas malaki sila, mas mahirap kapag sila’y nahulog.” Hindi lamang ako nilamon ng mga maling pagkaunawa at pagbabantay laban sa Diyos, mas lalo rin akong naging tuso at masama. Alam kong hindi na ako dapat magpatuloy na mabuhay sa satanikong lohika at mga batas na gaya noon, ngunit kailangan kong tingnan at tratuhin ang mga bagay batay sa mga salita ng Diyos. Ang pagtanggap sa tungkuling ito ng pagiging lider ng pangkat ay pagtataas ng Diyos, at iyon ay ang Diyos na nagbibigay sa akin ng pagkakataong matuto. Kailangan kong pahalagahan ang pagkakataong ito. Naging isa akong hadlang sa aking tungkulin noon, ngunit ngayon, alam kong kailangan kong magbayad ng halaga sa aking tungkulin, upang makabawi sa aking mga nakaraang pagkukulang, mas hanapin ang mga prinsipyo ng katotohanan, at ibigay ang lahat dito at gawin nang mabuti ang aking tungkulin.

Ang pag-unawa sa mga bagay na ito ay tunay na naging mapagpalaya rin para sa akin. Kapag inaalala ko ngayon kung paano akong nagkamali sa pag-unawa at nagbantay laban sa Diyos, naramdaman ko kung gaano ako ka-wala sa katwiran, gaano ako kahangal at bulag, walang kahit anong pag-unawa sa Diyos. Tahimik akong nanalangin sa Diyos sa puso ko, “O Diyos, salamat sa Iyong paggabay, sa pagtulot Mo na makita ko ang aking sariling kapangitan, at sa pagpapakita sa akin kung gaano kalaki ang harang na nilikha ng mga satanikong kuru-kurong ito sa pagitan Mo at sa akin. Wala akong pakiramdam at walang kamalayan, mali ang pagkaunawa sa mga bagay at nagbabantay, at lubos akong walang kamalay-malay sa kung ano ang Iyong naramdaman. Ako’y naging napakamapanghimagsik, at labis akong nagsisisi sa Iyo.”

Isang araw nabasa ko ang isang artikulo kung saan perpektong ipinahayag ng manunulat ang aking sariling personal na kalagayan, at sinipi ang ilan sa mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa: “Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa totoo lang, ang pagsasakatuparan ng lahat ng likas sa kalooban ng tao, na ibig sabihin ay, yaong posible para sa tao. Noon lamang natutupad ang kanyang tungkulin. Ang mga depekto ng tao sa kanyang paglilingkod ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng pagpapailalim niya sa paghatol; hindi ito nakapipigil o nakakaapekto sa tungkulin ng tao. Yaong mga tumitigil sa paglilingkod o sumusuko at umuurong dahil sa takot na maaaring may mga sagabal sa kanilang paglilingkod ang pinakamatinding karuwagan sa lahat. … Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kundisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang mapagpala ay kapag ang isang tao ay nagawang perpekto at nagtatamasa ng mga biyaya ng Diyos matapos magdanas ng paghatol. Ang maisumpa ay kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbabago matapos silang magdanas ng pagkastigo at paghatol, iyon ay kapag hindi pa sila nagawang perpekto kundi pinarusahan. Ngunit napagpala man sila o naisumpa, dapat tuparin ng mga nilalang ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya niyang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang mapagpala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang pagkasuwail(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Habang isinasaalang-alang ko ito, naunawaan ko ang kalooban ng Diyos. Hindi ganoon kalaki ang inaasahan ng Diyos sa sangkatauhan. Nais Niya lamang na hanapin natin ang katotohanan, na gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang masimulan ang ano mang kaya nating maunawaan, ano mang kaya nating magawa, hindi maging madaya at mapanlinlang, ngunit ibinibigay ang lahat doon at ginagawa kung ano ang hinihiling ng Diyos sa atin. Kahit na dumanas tayo ng ilang pagkabigo at kamalian sa proseso, hangga’t kaya nating tanggapin ang katotohanan, at tanggapin ang pagtatabas at pagwawasto, maaaring malutas ang mga problemang ito. Makakakita tayo ng pagsulong at pagbabago. Simula nang matanggap ang atas ng Diyos na iyon, ako ay lubos na walang pag-uugali ng pagtanggap at pagpapasakop. Takot ako na sa isang napakaliit na maling hakbang, sa ano mang pagsuway, ako ay tatanggalin, na mawawalan ako ng aking kahihinatnan at huling destinasyon. Nakita kong wala talaga akong pag-unawa ng gawain ng Diyos. Partikular kong nakita na sa lahat ng mga taong iyon ng paniniwala sa Diyos at paggawa ng aking tungkulin, hindi iyon upang palugurin ang Diyos, kundi iyon ay pagsisikap lang alang-alang sa aking sariling kinabukasan at destinasyon. Napakasakim ko at tuso! Ang isang tungkulin ay isang atas mula sa Diyos, at ito ay isang responsibilidad na kailangang tuparin ng bawat nilalang. Hindi mahalaga kung tayo ay pinagpala o sinumpa sa huli—kailangan nating lahat na gawin ang ating sariling tungkulin. Hindi ako maaaring tumanggi na gawin ang aking tungkulin dahil takot akong gumawa ng kasamaan. Sa kabila ng aking hamak na pagpasok sa buhay at kawalan ng realidad ng katotohanan, itinaas ako ng Diyos upang maglingkod bilang isang lider ng pangkat. Hindi iyon dahil sa karapat-dapat ako sa posisyon ngayon, kundi iyon ay dahil sa pag-asa na sa proseso ng paggawa ko sa tungkuling ito magagawa kong hanapin ang katotohanan, matanggap ang paghatol, pagkastigo, pagtatabas, at pagwawasto, at patuloy na mapagbuti ang aking mga personal na pagkukulang. Pagkatapos sana, sa huli ay magawa ko ang tungkuling ito nang husto. Nang naunawaan ko ang kalooban ng Diyos, mas nagkamit ako ng kumpiyansa sa pagharap sa mga problema at paghihirap na lumitaw sa aking tungkulin, at nakamit ko ang pagpapasya na palugurin ang Diyos sa pamamagitan ng paggawa sa tungkuling iyon.

Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos matapos iyon: “Ano ang mga pagpapahayag ng isang matapat na tao? Ang mapagpasyang punto sa bagay na ito ay ang isagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay. Kung sinasabi mong matapat ka, ngunit lagi mong isinasaisantabi sa iyong isip ang mga salita ng Diyos at ginagawa ang anumang balang maibigan mo, kung gayon, ito ba ay pagpapahayag ng isang matapat na tao? Sinasabi mo, ‘Mahina ang kakayahan ko, pero tapat ang aking puso.’ Kapag may tungkuling dumarating sa iyo, gayupaman, natatakot ka na magdusa o na kung hindi mo ito tinupad nang mahusay, kailangan kong umako ng responsibilidad, kaya gumagawa ka ng mga dahilan para iwasan ito at nagrerekomenda ng iba na gumawa nito. Ito ba ang nakikita sa isang matapat na tao? Malinaw na hindi. Kung gayon, paano dapat kumilos ang matapat na tao? Dapat silang tumanggap at sumunod, at pagkatapos ay lubos na maging tapat sa paggawa ng kanilang mga tungkulin sa abot ng kanilang makakaya, nagsisikap na maabot ang kalooban ng Diyos. Ito ay ipinapahayag sa ilang paraan. Ang isang paraan ay na dapat mong tanggapin ang iyong tungkulin nang may katapatan, huwag mag-isip ng iba pa, at huwag magdalawang-isip tungkol dito. Huwag makipagsabwatan para sa iyong kapakanan. Ito ay pagpapakita ng katapatan. Ang isa pang paraan ay ang paggamit ng iyong buong lakas at puso rito. Sasabihin mo, ‘Ito ang lahat ng magagawa ko; gagamitin kong lahat ito, at ilalaan ko ito nang lubusan sa Diyos.’ Hindi ba ito ang pagpapahayag ng katapatan? Ilaan mo ang lahat ng mayroon ka at lahat ng magagawa mo—ito ay pagpapakita ng katapatan. Kung hindi taos sa puso mo na ihandog ang lahat ng mayroon ka, kung itinatago at itinatabi mo ito, madulas sa iyong mga kilos, iniiwasan ang iyong tungkulin at ipinagagawa ito sa iba dahil takot kang pasanin ang mga ibubunga ng hindi mo maayos na pagtatrabaho, kung gayon, pagiging matapat ba ito? Hindi. Ang pagiging matapat na tao, kung gayon, ay hindi lamang ang pagkakaroon ng hangarin. Kung hindi mo ito isinasagawa kapag may mga bagay na nangyayari sa iyo, hindi ka isang matapat na tao. Kapag nakakaharap mo ang mga usapin, dapat mong isagawa ang katotohanan at magkaroon ka ng mga praktikal na pagpapahayag. Ito ang tanging paraan upang maging matapat na tao, at ang mga ito lamang ang mga pagpapahayag ng isang matapat na puso(“Makakaya Lamang ng Mga Tao na Maging Totoong Masaya sa Pamamagitan ng Pagiging Matapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Gusto ng Diyos ang mga matapat, at ang mga matapat ay hindi abala sa mga pagpapala. Hindi sila takot na pumasan ng responsibilidad, kundi buong-pusong sinusubukang gawin nang mabuti ang kanilang tungkulin upang palugurin ang Diyos. Ibinibigay nila ang lahat sa paggawa ng ano mang kanilang magagawa. Talagang napahiya ako sa pag-iisip tungkol dito. Palagi kong sinasabi kung paano ko nais na palugurin ang Diyos, ngunit nang dumating na talaga ang panahon upang tumanggap ako ng isang ibinigay na gawain ng Diyos, upang tunay kong ilagay ang puso ko sa isang bagay, naging hindi ako matapat at nais kong kumawala roon. Pagkatapos ay napagtanto ko na nagsasalita lang ako ng ilang bagay na magandang pakinggan, ngunit sa katunayan, sinusubukan kong lokohin ang Diyos, at sa puso, ako ay lubos na hindi matapat. Nang mapagtanto ko ito, alam ko na hindi ako maaaring magpatuloy sa ganoong daan. Bagaman marami akong mga problema at pagkukulang, kailangan kong isagawa ang pagiging isang matapat na tao alinsunod sa mga hinihiling ng Diyos. Kailangan kong ibigay ang aking puso sa Diyos at gawin ang aking tungkulin sa abot ng aking kakayahan habang matatag na nakatapak sa lupa ang aking mga paa. At ano man ang kalabasan ng mga bagay, payag akong sumunod sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos. Matapos iyon, lubos akong napahinga. Kapag naharap ako sa mga paghihirap sa aking tungkulin, nanalangin ako sa Diyos upang maghanap at lutasin ang mga iyon, at nang ako ay naguguluhan, siniyasat ko ang mga bagay kasama ang mga kapatid, hinahanap ang mga prinsipyo ng katotohanan. Nalaman ko, sa paglipas ng panahon, na nagawa kong lumutas ng maraming problema at paghihirap.

Ipinakita sa akin ng karanasang ito kung paanong ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay talagang ang Kanyang pagmamahal at pagliligtas para sa sangkatauhan. Nawala na ang takot ko na tumanggap ng responsibilidad at hindi na ako napakadepensibo o madaling magkamali sa pag-unawa. Bagaman marami pa rin akong mga tiwaling disposisyon, handa ako na tanggapin ang paghatol, pagkastigo, pagtatabas, at pagwawasto ng Diyos, at hanapin ang paglilinis at pagbabago. Nagpapasalamat ako sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Sa Gitna ng Panganib

Ni Li Xin, TsinaNoong Disyembre 2011, sunud-sunod na inaresto ang mga kapatid na mula sa iba’t ibang iglesia. Isinaayos ng aming iglesia na...