Hindi Ko Kailanman Pagsisisihan ang Pinili Kong Ito

Pebrero 1, 2025

Ni Xiao Yuan, Tsina

Mula sa murang edad, palagi akong nakakakuha ng magagandang marka at madalas na makakuha ng pinakamataas na marka sa mga pagsusulit sa aking klase. Tuwing lumalabas ang mga marka para sa isang pagsusulit, palaging itinatampok ang pangalan at larawan ko sa honors board ng paaralan. Dahil nakikita ko kung paano ako tingnan ng aking mga guro nang may mga nakangiting mata na puno ng kasiyahan at pagkilala at naririnig ko ang mga papuri ng mga kaklase ko, sumasabog sa galak ang puso ko at nakakadama ako ng sobrang karangalan. Sa pag-uwi ko sa bahay, babatiin ako ng mga kapitbahay na nakakasalubong ko sa daan na nagsasabing, “Magaling na estudyante itong batang ito. Sobrang kang ipinagmamalaki ng mga magulang mo. Sa hinaharap, siguradong papasok ka sa Unibersidad ng Peking o sa Unibersidad ng Tsinghua!” Nahihiya ko silang ngingitian, pero sa kaibuturan ko, lubos na tuwang-tuwang ang sarili ko. Kalaunan, kumuha ako ng pagsusulit sa isang nangungunang unibersidad sa aming probinsya at naging numbero uno ako sa aking major bilang isang freshman. Napakasaya ko—pinuri ng lahat ng kaklase ko ang talento ko, hinangaan at kinainggitan ako at sobrang umasa sa akin ang mga guro ko. Nadama kong naging angat ako sa mga kasamahan ko. Gayumpaman, ang buhay unibersidad ay hindi kasing-abala ng sa hayskul at madalas na napakamadali at walang iniintindi. Sa mga klase, madalas naming kailanganing pag-aralan ang ilang teorya ng araling panlipunan at sauluhin ang mga teorya at terminolohiyang ito at minsan ay pinagtatakahan ko: “Para saan ba ang pag-aaral at pagsasaulo ng lahat ng teoryang ito?” Kadalasan ay nag-aaral lang ako para lamang makayanan ang mga pagsusulit. Kapag tapos na ang klase at sa mga bakanteng oras, nag-aaksaya lang ng oras sa kasiyahan ang mga kaklase ko, habang ako ay nakaupo lang na tumitingin-tingin sa telepono ko, na bagot na bagot. Madalas kong iniisip, “Inilagay ba talaga tayo sa ibabaw ng lupang ito para lang aksayahin nang ganito ang oras? Hindi ba’t tayo bilang mga tao ay dapat na may ilang layon o direksyon sa buhay?” Gayumpaman, hindi ko alam kung paano sagutin ang mga katanungang ito.

Noong tag-init ng unang taon ko, ipinalaganap sa akin ng isang sister ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, natutuhan ko na gumampan ang Diyos ng tatlong yugto ng gawain para iligtas ang sangkatauhan. Nakita ko kung paano ipinako sa krus ang Panginoong Jesus para tubusin ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan at, sa mga huling araw, muling nagkatawang-tao ang Diyos para masinsing iligtas ang sangkatauhan, na nagpapahayag ng maraming katotohanan para hatulan at dalisayin ang sangkatauhan, tinutulutan silang ganap na makalaya sa mga gapos ng kasalanan at makapasok sa kaharian ng Diyos. Nagkaroon ako ng malalim na pandama sa sinseridad at kabaitan na ginamit ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, pati na rin ang isang damdamin para sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Lubos akong naantig at nagpasya akong ilagak sa Diyos ang pananalig ko at hangarin ang katotohanan. Kalaunan, pinagbahaginan ng mga kapatid kung paanong mahalaga ang oras na ito sa pagpapalawak ng ebanghelyo ng kaharian. Sinabi nilang isang napakahalagang bagay nito para magawang tumulong sa pagpapalawak ng ebanghelyo at iharap ang mas maraming tao sa Diyos para tanggapin ang pagliligtas Niya. Pagkatapos ay tinanong ng isang sister kung handa akong gawin ang isang tungkulin. Medyo nag-atubili ako, “Kailangan ng oras at enerhiya para gumawa ng isang tungkulin. Talagang matindi ang kompetensiya sa paaralan at ano ang gagawin ko kung naapektuhan ang mga marka ko? Dapat ko bang piliing ilagak sa Diyos ang pananalig ko at gawin ang tungkulin ko bilang isang nilikha o ilaan ang oras ko sa pag-aaral para makakuha ng magagandang grado at tiyakin ang isang magandang kinabukasan at ang paghanga at respeto ng iba?” Hindi ko alam kung anong landas ang pipiliin, kaya sinabi ko sa sister na pag-iisipan ko ito. Sa mga sumunod na ilang gabi, madalas kong natatagpuan ang sarili ko na naguguluhan habang naglalakad ako sa daan papunta sa aking unibersidad, habang nakikita ko ang ibang estudyante na labis na nagsisikap hanggang gabi para makakuha ng magagandang grado, nag-isip ako, “Dapat ko bang piliing hangarin ang akademya at ang isang magandang kinabukasan gaya ng mga kasabayan ko, o sundan ang Diyos at gumampan ng isang tungkulin?”

Kalaunan, nabasa ko ang mga siping ito ng mga salita ng Diyos: “Dahil sa kataas-taasang kapangyarihan at paunang pagtatalaga ng Lumikha, ang isang malungkot na kaluluwa na nagsimula nang walang anuman sa pangalan niya ay nagkakaroon ng mga magulang at isang pamilya, ng pagkakataon na maging kasapi ng sangkatauhan, ng pagkakataon na maranasan ang buhay ng tao at makita ang mundo. Natatamo rin ng kaluluwa na ito ang pagkakataon na maranasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, na malaman ang kagila-gilalas na paglikha ng Lumikha, at higit pa riyan ay ang malaman at magpasakop sa awtoridad ng Lumikha. Subalit hindi tunay na sinasamantala ng karamihan ng mga tao ang pambihira at madaling lumipas na pagkakataong ito. Inuubos ng tao ang panghabambuhay na halaga ng enerhiya sa paglaban sa kapalaran, ginugugol ang lahat ng kanyang panahon sa pagiging abala para buhayin ang kanyang pamilya at nagpapabalik-balik sa pagitan ng kayamanan at katayuan. Ang mga bagay na pinakaiingat-ingatan ng mga tao ay ang pamilya, salapi, at kasikatan at pakinabang at itinuturing nila ang mga bagay na ito na pinakamahahalagang bagay sa buhay. Lahat ng tao ay nagrereklamo tungkol sa pagiging malas, subalit isinasantabi pa rin nila sa kanilang mga isip ang mga usapin na pinakamahalagang suriin at unawain: bakit buhay ang tao, paano dapat mabuhay ang tao, ano ang kahalagahan at kahulugan ng buhay. Gaano man karaming taon sila magtatagal, ginugugol lamang nila ang buong buhay nila sa pagiging abala sa paghahanap ng kasikatan at pakinabang, hanggang sa lumipas na ang kabataan nila at maging matanda at kulubot na sila. Nabubuhay sila nang ganito hanggang sa makita nila na hindi mapapahinto ng kasikatan at pakinabang ang pagdausdos nila tungo sa katandaan, na hindi maaaring punan ng salapi ang kahungkagan ng puso, na walang sinuman ang malilibre mula sa mga batas ng pagsilang, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan, na hindi matatakasan ninuman ang kapalarang nakalaan sa kanila. Tanging kapag kailangan na nilang harapin ang huling sugpungan ng buhay nila tunay na nauunawaan nila na kahit na magmay-ari ang isang tao ng napakalaking kayamanan at napakaraming ari-arian, kahit marami siyang pribilehiyo at may mataas na katayuan, walang sinuman ang maaaring makatakas sa kamatayan at bawat isa ay babalik sa kanyang orihinal na posisyon: isang nag-iisang kaluluwa, na walang anuman sa pangalan niya(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Ang lahat ng bagay sa buhay ng tao ay walang saysay at hindi karapat-dapat gunitain, maliban na lang sa pananampalataya sa Diyos, paghahangad sa katotohanan, at pagtupad sa kanyang tungkulin bilang isang nilikha. Kahit pa nagawa mo na ang pinakakamangha-manghang tagumpay; kahit pa nakapunta at nakabalik ka na mula sa Buwan; kahit pa nakagawa ka na ng mga pagsulong sa siyensya na nakapagbigay ng ilang kapakinabangan o tulong sa sangkatauhan, ito ay walang saysay at ang lahat ng ito ay lilipas. Ano ang tanging bagay na hindi lilipas? (Ang salita ng Diyos.) Tanging ang salita ng Diyos, ang mga patotoo sa Diyos, ang lahat ng patotoo at gawaing nagpapatotoo para sa Lumikha, at ang mabubuting gawa ng mga tao ang hindi lilipas. Ang mga ito ay mananatili magpakailanman, at ang mga ito ay napakahalaga(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagganap Lamang Nang Maayos sa Tungkulin ng Isang Nilikha Mayroong Halaga ang Buhay). Malalim akong naapektuhan ng mga salita ng Diyos. Isinasaayos ng Diyos na isilang sa mundong ito ang bawat tao para makilala ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, maunawaan ang karunungan at awtoridad Niya, at matutuhang magpasakop at sumamba sa Diyos. Kung hindi napapagtanto ng mga tao ang layunin ng Diyos, magiging hungkag ang oras nila sa mundong ito—hindi nila malalaman kung bakit sila ipinanganak, kung bakit nila kailangang pumanaw o para sa ano sila dapat mabuhay. Madalas akong makakita ng mga ulat sa balita tungkol sa mga tanyag na tao na, sa kabila ng pagtanggap ng papuri, kumikita ng maraming pera at namumuhay sa karangyaan, ay nagkakaroon ng depresyon at sa huli ay nagpapakamatay. Ang ibang istorya ay idinidetalye kung paanong ang mayayamang tao na may mataas na katayuan ay biglang nagkakasakit at namamatay. Naobserbahan ko rin kung paanong ang sarili kong lolo at lola, na matatalino na may mga matataas na pinag-aralan, ay nagsikap sa buong buhay nila at minsang nagkaroon ng mga sandali ng kaluwalhatian ay ginugugol ngayon ang mga taon ng kanilang pagreretiro sa pakikipagkwentuhan, pag-aaksaya ng oras, walang-saysay na pinalilipas ang kanilang mga araw nang hindi alam ang ibig sabihin ng buhay, at walang layong hinihintay ang kamatayan. Nakita ko na gaano man mag-aral ang isang tao o anong dakilang tagumpay ang nakakamit ng isang tao, lahat ng ito ay pansamantala at hindi permanente. Sa huli, kapag ang masama, lumang mundo ay winasak, lahat ay mawawalang-saysay. Ang mga siyentipiko at personal na tagumpay na ito ay hindi makakapag-akay sa tao tungo sa isang pagkaunawa sa Diyos, na lumapit sa harap ng Diyos at malaman ang kahulugan ng buhay. Hindi rin matutulutan ng mga ito ang mga tao na iwaksi ang katiwalian nila at isabuhay ang wangis ng tao—kahit na nakamit na nila ang mga tagumpay na ito, tiwali pa rin sila gaya ng dati. Bukod dito, ang kaalaman ay ganap na walang kakayahang baguhin ang madilim na kalagayan ng lipunan at nabibigong ilagay ang mga tao sa tamang landas at direksyon. Talagang hindi makahulugan ang kaalaman at mga tagumpay. Ang patotoo tungkol sa Diyos ng mga hinirang na tao ng Diyos at kung ano ang nakakamit nila sa pagdanas ng gawain ng Diyos, ay ang siyang tanging walang hanggan. Kung ilalaan ko ang aking sarili sa paghahanap ng kaalaman, paghahangad sa mga bunga ng mortal na mundong ito at naghahabol sa kasikatan at pakinabang, pamilya, mga akademya at isang propesyon, mabigong hangarin ang katotohanan at makilala ang Diyos, at sa huli ay mabigong maarok ang anumang katotohanan, mabigong makamit ang pagkakilala sa Diyos at hindi nabago ang disposisyon ko, hindi ba’t mawawala sa akin ang gintong pagkakataon para maranasan ang gawain ng Diyos? Ginabayan ako ng Diyos para makita ko ang aking direksyon sa buhay: Napagtanto ko na sa buhay ay dapat nating hangarin ang katotohanan at hangarin ang pagkakilala sa Diyos. Tanging sa pagtupad ko ng aking tungkulin bilang isang nilikha saka lamang ako magiging nararapat sa pagliligtas ng Diyos at ang gayong buhay lamang ang magiging mahalaga at makabuluhan. Responsabilidad ko ito at isang pagtataas ng Diyos na magawa kong pagsikapan ang pagpapalawak sa ebanghelyo at magharap ng mas maraming tao sa Diyos. Kailangan kong tumigil sa pag-aaksaya ng oras sa aking mga pag-aaral at nagpasya akong gawing prayoridad ang aking pananalig. Pagkatapos noon, binitiwan ko ang aking pagkakataon sa isang garantisadong pagtanggap sa graduate study at nagpasyang gawin ang tungkulin ko.

Sa pasimula ng 2020, tumama ang pandemya habang ipinagdiriwang ko sa bahay ang Chinese New Year at naipit na ako roon at hindi ko na magawang makipag-ugnayan ang aking iglesia. Sa loob ng kalahating taon, hindi ko nagawang dumalo sa mga pagtitipon o kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Nasa huling taon na ako noong panahon iyon at naghahanda nang maggradweyt. Ang ilan sa mga kaklase ko ay natanggap na sa mga graduate program, habang ang iba ay nakakita na ng magagandang trabaho. Ako naman ay hindi pa rin nakahanap ng trabaho. Madalas akong mahigpit na udyukan ng tatay ko, sinasabing, “Ang anak ni ganito at ni ganoon ay katatanggap lang sa graduate program sa isang kilalang eskuwelahan. Sa mga panahong ito, kalakaran ang makakuha ng graduate degree at gagawin ka nitong mas mapagkumpetensya sa merkado ng trabaho. Dapat ay nagpasya ka nang kumuha ng graduate degree, pero ayaw mong makinig sa amin. Kung hindi ka kaagad makakahanap ng trabaho anong plano mong gawin pagkagradweyt mo?” Nang marinig ko ang mga pang-uudyok ng tatay ko at dahil nakikita ko kung paano nagsisikap ang mga kasabayan ko para sa mas magandang kinabukasan, naisip ko, “Tama siya, Gagradweyt na ako. Gusto ko ba talagang tumunganga lang pagkagradweyt ko? Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa akin? Hindi ba’t iisipin nilang wala akong silbi?” Nakadama ako ng ganap na pagkamiserable. Minsan sa isang pagkikita-kita ng dating magkakaklase, nagsimulang sabihin ng lahat ang tungkol sa mga plano nila sa hinaharap: Sabik na sinabi ng iba na natanggap na sila sa graduate program ng ilan o iba pang kilalang unibersidad, ang iba ay nakakuha ng trabaho sa mga SOE, habang ang iba ay nakahanap ng trabaho bilang mga empleyado ng gobyerno. Labis nilang pinuri ang isa’t isa at pinag-usapan ang tungkol sa kanilang mga karanasan bago at pagkatapos matanggap, samantalang ako, wala akong maikuwento. Dahil nakita ko ang katanyagan ng mga kasabayan ko, kung paanong maaliwalas ang mga mukha nila na may ngiti at pagmamalaki, hindi ko maiwasang itungo ang ulo ko sa tahimik na pagkalugmok, iniisip na, “Mas magaganda ang mga grado ko dati kaysa sa kanila at tinitingala at hinahangaan nila akong lahat, pero ngayon ay mga graduate student na sila ng mga nangungunang paaralan samantalang ako ay may bachelor’s degree lang. Masyado na silang nauuna sa akin, kaya paano pa ako makakapagtaas-noo sa harap nila mula ngayon? Hindi ba’t bumagsak na ngayon ang imahe at paggalang nila sa akin?” Pakiramdam ko ay nasakluban ako ng kadiliman. Noong tanungin ako ng mga kaklase ko kung ano ang mga plano ko mula ngayon, nautal lang ako at nahihiyang umiwas sa mga tanong nila, natatakot akong makita ang hindi pagsang-ayon sa mga tingin nila. Sa buong pagkikita-kitang iyon labis akong nakaramdam ng pagkasiil—naisip kong wala pa akong nakamit na kahit ano at siguradong mamaliitin ako ng mga kaklase ko. Pagkauwi ko, napahagulgol ako ng iyak. Mula pagkabata, palagi akong hinahangaan at pinupuri ng iba, pero ngayon ay sobrang napag-iwanan na nila ako at nagdulot ng isang matinding dagok ang pakiramdam na iyon dahil sa malaking agwat sa pagitan ng ngayon at noon. Hindi ako sigurado kung anong landas ang dapat kong tahakin mula ngayon. Dahil sa kasalukuyan kong pang-akademikong kredensiyal, walang paraan para makakakuha ako ng kagalang-galang na trabaho. Kailangan ko na lang bang tanggapin na mas mababa ako kaysa sa mga graduate student na iyon? Hindi ko matanggap iyon, kaya nagpasya akong kukuha ako ng graduate entrance exam.

Kalaunan, nakaugnayan ko ang aking iglesia at sinabi ko sa mga kapatid na naghahanda akong umuwi at kumuha ng graduate entrance exam, pero dadalo pa rin ako sa mga pagtitipon kung kaya ko. Sinabi sa akin ng mga kapatid na kailangan nila ng mas maraming tao na gagawa ng isang partikular na tungkulin at tinanong ako kung isasaalang-alang kong gawin ito. Nang oras na iyon, alam ko na mabubuting bagay ang manampalataya sa Diyos at maghangad ng katotohanan at na sa pagkabigo kong gawin ang tungkulin ko, mabibigo ko ang Diyos, na nagtustos sa akin ng napakarami, pero naisip ko na iilang buwan na lang ang natitira para maghanda sa entrance exam at ito na ang huling pagkakataon ko para hindi mapahiya. Ang matanggap sa simula ng isang graduate program ay ang tanging paraan para manatili ako sa parehong antas ng mga kaklaseng iyon na may matataas na kredensiyal, matupad ang mga inaasahan ng pamilya ko, at magawa kong magtaas-noo sa harap ng mga kaibigan at kamag-anak ko. Kung aking isusuko ang pagkuha ng graduate entrance exam, hindi ba’t mawawala ko ang lahat ng pag-asa kong maiangat ang sarili ko sa mga kasamahan ko? Hindi talaga ako handang gawin iyon. Kaya, sinabi ko sa mga kapatid na hindi ko kayang gawin ang isang tungkulin nang buong oras at gagawin ko lang kung ano lang ang magagawa ko sa isang tungkulin habang naghahanda rin para sa pagsusulit. Nasa ilalim ako ng napakaraming pressure at stress sa mga sumunod na ilang buwan. Sa araw, gagawin ko ang tungkulin ko o dadalo ako sa mga pagtitipon, pagkatapos, sa gabi ay daratnan ko sa bahay ang makapal na patong-patong na mga gamit sa paghahanda sa pagsusulit. Pagod na pagod ako, pero pinilit ko ang sarili ko panatilihing mulat ang mga mata ko at tapusin ang anumang takdang-aralin sa pag-aaral na itinakda ko sa sarili ko para sa araw na iyon. Bawat umaga sa simula ng bukang-liwayway, babangon ako kaagad gaano man ako kapagod at susuong muli ako sa napakaraming kaalaman na iyon. Hindi ako nangahas na bigyan ni katiting na pagkakataong magpahinga ang sarili ko—kahit na kapag lumalabas ako para bumili ng pagkain, habang nagluluto o naghuhugas ng pinggan, makikinig ako sa mga audio file para patuloy na mag-aral. Pagkatapos, sa wakas, pagkalipas ng ilang mahihirap na buwan ng paghahanda, kumuha ako ng pagsusulit sa graduate program. Sabik na sabik ako nang makita ko ang puntos ko sa pagsusulit—ngayon, kaya ko nang maibalik ang ilang katanyagan na mayroon ako dati, magtaas ng noo sa aking mga kamag-anak at kaibigan at tumigil sa pag-aalala na mamaliitin ako ng iba. Noong mabalitaan ng mga kaklase ko na kumuha ako ng pagsusulit sa graduate program, pinaulanan nila ako ng mga pagbati. Napakasaya ng tatay ko na abot tainga ang ngiti niya at hindi siya makahintay na sabihin ang magandang balita sa lahat ng kapitbahay at kamag-anak namin. Noong umuwi ako ng bahay, pinarangalan at pinuri ako ng lahat ng kapitbahay namin, na nagsasabing, “Nakapasok ka na sa graduate program, ang galing! Naging magaling kang estudyante mula pagkabata. Siguradong ipinagmamalaki ka ng tatay mo!” Tuwang-tuwa ako sa sarili ko at sa wakas ay kaya ko nang magtaas-noo.

Hindi nagtagal, nagsimula na ang pasok sa eskuwelahan at binalanse ko ang oras ko sa pag-aaral at paggawa ng tungkulin ko, pero kailangang kumuha ang mga graduate student ng ilang klase kada araw at tapusin ang takdang-aralin sa bakanteng oras nila, kaya wala na akong anumang oras para magsagawa ng mga debosyonal at magbasa ng mga salita ng Diyos. Minsan napagtatanto ko na nagbubunyag ako ng katiwalian sa aking tungkulin, pero wala akong oras para pagnilayan ang sarili ko at mababalisa ako at makakadama ng pagiging miserable. Minsan iisipin ko, “Paano susulong ang buhay ko kung wala akong oras para basahin ang mga salita ng Diyos at hanapin ang katotohanan? Gayumpaman, patuloy na nagpapatung-patong ang mga takdang-aralin ko at kailangan ko itong tapusin. Dagdag pa rito, mas nagsisikap pa sa pag-aaral at pagsasaliksik ang mga kaklase ko, ibinubuhos ang lahat ng lakas nila para maragdagan ang mga abilidad nila at antas—kung hindi ako maglalaan ng oras para mag-aral, hindi ba’t mapag-iiwanan nila ako at hindi na kailanman magiging angat?” Nag-alala at nahirapan ako dahil dito—bakit kaya hindi pa rin ako masaya pagkatapos kong magsulit para sa pinapangarap kong graduate program?

Isang gabi, inanunsyo ng eskuwelahan ko na isasara nito ang campus dahil sa pandemya, kaya simula sa ilang araw, ang mga estudyanteng pumasok sa campus ay hindi na makakaalis kung kailan man nila gustong gawin ito. Napagtanto kong oras na para magdesisyon ako. Kung magpasya akong magpatuloy sa pag-aaral ko, hindi ko na maisasagawa ang pananalig at hindi ko na magagampanan ang tungkulin ko. Kung isasantabi ko ang tungkulin ko at hindi makakadalo sa mga pagtitipon sa gayong mahalagang sandali, siguradong mawawasak ang buhay ko. Bukod doon, kung gugugulin ko ang lahat ng oras ko sa eskuwelahan at hindi makakadalo sa mga pagtitipon, siguradong ibubuhos ko ang lahat sa paghahangad ng isang kinabukasan sa makasanlibutang mundo at magiging mahirap nang lumayo mula roon. Kung hindi ko nakamtan ang katotohanan, hindi nagbago ang mga pananaw ko sa mga bagay at nauwi ako sa pagkakalugmok sa putikan kasama ng ibang walang pananampalataya at hinahangad ang masasamang kalakaran, sa huli, magiging isang buhay na imahe ako ni Satanas at hahantong sa perdisyon at pagkawasak. Nagsimula na ang mga sakuna at isa rin itong mahalagang sandali para sa pagpapalawak ng ebanghelyo—kung nagpatuloy ako sa mga makamundong paghahangad at hindi ko man lang ginawa ang tungkulin ko at naghanda ng mabubuting gawa, siguradong hindi ko matatanggap ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos at mapapahamak ako sa mga sakuna gaya ng lahat ng ibang walang pananampalataya. Pero, hindi ko rin maisuko ang pag-aaral ko; hindi biro ang matinding pagsisikap para sa pagsusulit sa programa, kaya paano ko ito basta iiwan na lang? Kung aalis talaga ako, hindi ba’t maiwawala ko na naman ang aking katanyagan at kasikatan? Pagkatapos, hindi ba’t mapag-iiwanan ako ng mga kasabayan ko, mabubuhay ako sa isang nasiil na buhay at hindi na magagawang itaas ang aking noo nang may pagmamalaki? Noong isaalang-alang ko ang pag-alis, naging napakamiserable ng pakiramdam ko na ayaw kong gumawa ng kahit ano. Tuwing umaga kapag gumigising ako, iisipin ko ang mga pagpipiliang inilatag sa harap ko at masasadlak ako sa pagkabagabag.

Kalaunan, nabasa ako ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi lamang basta nagbabayad ng halaga ang Diyos para sa bawat tao sa mga dekada mula sa kanilang pagsilang hanggang sa kasalukuyan. Tulad ng pagtingin dito ng Diyos, nakarating ka na sa mundong ito nang maraming beses, at muling nabuhay nang maraming beses. Sino ang namamahala rito? Ang Diyos ang namamahala rito. Hindi mo malalaman ang mga bagay na ito. Tuwing dumarating ka sa mundong ito, personal na gumagawa ng mga pagsasaayos ang Diyos para sa iyo: isinasaayos Niya kung ilang taon ka mabubuhay, ang uri ng pamilya kung saan ka isisilang, kung kailan ka magkakaroon ng pamilya at propesyon, gayundin kung ano ang gagawin mo sa mundong ito at kung paano ka maghahanapbuhay. Nagsasaayos ang Diyos ng paraan para makapaghanapbuhay ka, upang maisakatuparan mo ang iyong misyon sa buhay na ito nang walang hadlang. At patungkol naman sa dapat mong gawin sa iyong susunod na buhay, isinasaayos at ibinibigay ng Diyos ang buhay na iyon sa iyo ayon sa nararapat na mapasaiyo at ano ang nararapat na ibigay sa iyo…. Nagawa na ng Diyos ang mga pagsasaayos na ito para sa iyo nang maraming beses, at, sa wakas, isinilang ka na sa kapanahunan ng mga huling araw, sa iyong kasalukuyang pamilya. Nagsaayos ang Diyos ng isang kapaligiran para sa iyo kung saan maaari kang maniwala sa Kanya, tinulutan ka Niyang marinig ang Kanyang tinig at bumalik sa Kanyang harapan, upang masundan mo Siya at makagampan ka ng tungkulin sa Kanyang sambahayan. Dahil lamang sa gayong patnubay ng Diyos kaya ka nabubuhay hanggang sa ngayon. Hindi mo alam kung ilang beses ka na naisilang sa piling ng tao, ni kung ilang beses nang nagbago ang iyong hitsura, ni kung nakailang pamilya ka na, ni kung ilang kapanahunan at dinastiya ka na nabuhay—ngunit laging nakasuporta sa iyo ang mga kamay ng Diyos, at lagi Siyang nakasubaybay sa iyo. Kaylaki ng pagpapagal ng Diyos para sa kapakanan ng tao! Sabi ng ilang tao, ‘Animnapung taong gulang na ako. Sa loob ng animnapung taon, binabantayan ako ng Diyos, pinoprotektahan ako, at ginagabayan ako. Kung, kapag matanda na ako, hindi ko magampanan ang isang tungkulin at wala akong magawang anuman—pangangalagaan pa rin ba ako ng Diyos?’ Hindi ba’t katawa-tawang sabihin ito? Ang Diyos ang namamahala sa kapalaran ng tao, at binabantayan Niya ito at pinoprotektahan hindi lamang sa iisang haba ng buhay. Kung tungkol lamang ito sa iisang haba ng buhay, iisang pagkabuhay, mabibigo iyang ipamalas na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat at may kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang tinatrabaho ng Diyos at ang halagang ibinabayad Niya para sa isang tao ay hindi lamang para isaayos ang gagawin nito sa buhay na ito, kundi ang isaayos para sa mga ito ang napakaraming pagkabuhay. Inaako ng Diyos ang buong responsabilidad para sa bawat kaluluwang reinkarnado. Alisto Siyang gumagawa, ibinabayad ang halaga ng Kanyang buhay, ginagabayan ang bawat tao at isinasaayos ang bawat buhay nila. Nagpapagal at nagbabayad ng halaga ang Diyos sa ganitong paraan para sa kapakanan ng tao, at ipinagkakaloob Niya sa tao ang lahat ng katotohanang ito at ang buhay na ito. Kung hindi gagampanan ng mga tao ang tungkulin ng mga nilikha sa mga huling araw na ito, at hindi sila babalik sa harap ng Lumikha—kung, sa bandang huli, ilang buhay at henerasyon man ang kanilang isinabuhay, hindi nila ginagawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin at nabibigo silang tugunan ang mga hinihingi ng Diyos—hindi ba’t magiging napakalaki ng kanilang pagkakautang sa Diyos? Hindi ba’t hindi sila magiging karapatdapat sa lahat ng ibinayad na halaga ng Diyos? Magiging masyado silang walang konsensiya, hindi sila magiging karapatdapat na tawaging mga tao, dahil magiging napakalaki ng pagkakautang nila sa Diyos. Samakatwid, sa buhay na ito—hindi Ko tinutukoy ang dati ninyong buhay, kundi ang buhay na ito—kung hindi ninyo nagagawang isuko ang mga bagay na minamahal ninyo o ang mga panlabas na bagay para sa kapakanan ng inyong misyon—tulad ng mga materyal na kasiyahan at pagmamahal at kagalakan ng pamilya—kung hindi ninyo isusuko ang mga kasiyahan ng laman para sa kapakanan ng mga halagang ibinayad ng Diyos para sa iyo o para suklian ang pagmamahal ng Diyos, ikaw ay talagang buktot! Ang totoo, sulit ang anumang halagang ibayad mo para sa Diyos. Kumpara sa halagang ibinayad ng Diyos alang-alang sa iyo, ano ba ang halaga ng kakatiting na inihahandog o ginugugol mo? Ano ba ang halaga ng katiting na pagdurusa mo? Alam mo ba kung gaano nagdusa ang Diyos? Ang katiting na pinagdusahan mo ay ni hindi nararapat banggitin kapag ikinumpara sa napagdusahan ng Diyos. Bukod pa riyan, sa paggawa ng iyong tungkulin ngayon, natatamo mo ang katotohanan at ang buhay, at sa huli, makaliligtas ka at makapapasok sa kaharian ng Diyos. Napakalaking pagpapala niyan! Habang sumusunod ka sa Diyos, nagdudusa ka man o nagbabayad ng halaga, ang totoo ay nakikipagtulungan ka sa Diyos. Anuman ang ipagawa sa atin ng Diyos, nakikinig tayo sa mga salita ng Diyos, at nagsasagawa ayon sa mga ito. Huwag maghimagsik laban sa Diyos o gumawa ng anumang bagay na ikalulungkot Niya. Para makipagtulungan sa Diyos, kailangan mong magdusa nang kaunti, at kailangan mong talikuran at isantabi ang ilang bagay. Kailangan mong talikuran ang kasikatan, pakinabang, katayuan, pera, at mga makamundong kasiyahan—kailangan mo pa ngang talikuran ang mga bagay na tulad ng pag-aasawa, trabaho, at mga inaasam mo sa mundo. Alam ba ng Diyos kung natalikuran mo na ang mga bagay na ito? Nakikita ba ng Diyos ang lahat ng ito? (Oo.) Ano ang gagawin ng Diyos kapag nakita Niya na natalikuran mo na ang mga bagay na ito? (Mapapanatag ang Diyos, at masisiyahan Siya.) Hindi lamang masisiyahan ang Diyos at magsasabing, ‘Nagbunga na ang mga halagang ibinayad Ko. Handang makipagtulungan sa Akin ang mga tao, mayroon silang ganitong determinasyon, at nakamtan Ko na sila.’ Nalulugod man ang Diyos o masaya, nasisiyahan o naaaliw, hindi lamang gayong saloobin ang taglay ng Diyos. Kumikilos din Siya, at nais Niyang makita ang mga resultang nakakamtan ng Kanyang gawain, kung hindi ay mawawalan ng kabuluhan ang hinihingi Niya sa mga tao. Ang biyaya, pagmamahal, at habag na ipinapakita ng Diyos sa tao ay hindi lamang isang uri ng saloobin—katunayan din ang mga iyon. Anong katunayan iyon? Iyon ay na inilalagay ng Diyos ang Kanyang mga salita sa iyong kalooban, nililiwanagan ka, upang makita mo kung ano ang kaibig-ibig sa Kanya, at kung tungkol saan ang mundong ito, upang ang puso mo ay mapuspos ng liwanag, na nagtutulot sa iyo na maunawaan ang Kanyang mga salita at ang katotohanan. Sa ganitong paraan, nang hindi mo nalalaman, natatamo mo ang katotohanan. Gumagawa ang Diyos ng napakaraming gawain sa iyo sa napakatotoong paraan, na nagbibigay sa iyo ng kakayahang matamo ang katotohanan. Kapag natamo mo ang katotohanan, kapag natamo mo ang buhay na walang hanggan na siyang pinakanatatanging bagay, natutupad ang mga layunin ng Diyos. Kapag nakikita ng Diyos na hinahangad ng mga tao ang katotohanan at handa silang makipagtulungan sa Kanya, masaya Siya at kontento. Sa gayon ay nagkakaroon Siya ng isang saloobin, at habang taglay Niya ang saloobing iyon, gumagawa Siya, at sinasang-ayunan at pinagpapala Niya ang tao. Sinasabi Niya, ‘Gagantimpalaan kita ng mga pagpapalang nararapat sa iyo.’ At pagkatapos ay matatamo mo na ang katotohanan at ang buhay. Kapag mayroon kang kaalaman sa Lumikha at natamo mo ang Kanyang pagpapahalaga, makadarama ka pa rin ba ng kahungkagan sa puso mo? Hindi na. Madarama mo na kontento ka na at may kagalakan. Hindi ba’t ito ang kahulugan ng pagkakaroon ng halaga ng buhay ng isang tao? Ito ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang buhay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagbabayad ng Halaga Para Makamit ang Katotohanan ay Mayroong Malaking Kabuluhan). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na Siya ang gumabay at nagprotekta sa akin sa bawat hakbang sa aking landas patungo sa kasalukuyang panahon. Hindi tinulutan ng Diyos na maipanganak ako sa mga huling araw at masuwerteng matanggap ang gawain Niya sa mga huling araw para hangarin ko lang ang mga oportunidad at isang propesyon. Hindi, ginusto Niyang matanggap ko ang panustos ng Kanyang mga salita, maunawaan ang katotohanan, at tuparin ang tungkulin ko bilang isang nilikha. Pansamantala lamang ang pamilya at gawain na isinasaayos ng Diyos para sa mga tao. Kung sasalungatin ko ang pagliligtas ng Diyos at tatangging gawin ang tungkulin ko bilang isang nilikha para lamang matugunan ko ang mga inaasahan ng pamilya ko o makamtan ang antas ng materyal na kasiyahan, kasikatan at pakinabang, hindi ba’t hindi ako magiging nararapat sa panustos ng Diyos at maiwawala ko ang isang napakagandang pagkakataon para maligtas? Kung nagpasya akong gawin ang tungkulin ko, maaaring talikuran ko ang mga tiyak na personal na interes, pero makakamtan ko naman ang pinakamahalagang katotohanan at sa huli ay makakamtan ko ang pagliligtas ng Diyos at mananatiling buhay—ito ang mga pinakakongkretong pakinabang sa lahat! Pagkatapos ko itong mapagtanto, lubos akong naantig at nagkagana at naramdaman kong pinalalakas ako ng Diyos at harapan akong ginagabayan. Pagkatapos ay pinanood ko ang isang video ng patotoong batay sa karanasan na tinatawag na Isang Pagpiling Walang Pinanghihinayangan kung saan matibay na isinuko ng isang sister ang isang pagkakataong makapag-aral sa Unibersidad ng Tsinghua para maisagawa ang pananalig at maipalaganap ang ebanghelyo. Sa video, ipinapalaganap din ng sister sa kanyang guro ang ebanghelyo, na naging sabik na sabik at napaiyak dahil sa galak. Ang guro ay lumuluha sa galak dahil matagal na niyang hinihintay nang may matinding pananabik ang pagparito ng Panginoon at sa wakas ay natagpuan na niya ang ebanghelyo ng Diyos na matagal na niyang hinihintay. Partikular akong naimpluwensiyahan ng video na ito. Naisip ko ang lahat ng kaklase at kaibigan ko na hindi nakauunawa ng tunay na kahulugan ng buhay at namumuhay pa rin sa kalungkutan sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Masuwerte kong natanggap ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, kaya dapat kong dalhin ang isang responsabilidad, hangarin ang katotohanan sa pinakamakakaya ko, sangkapan ng katotohanan ang sarili ko at ipalaganap ang ebanghelyo at magdala ng mas maraming tao sa harap ng Diyos para tanggapin ang paghatol Niya, madalisay, kamtin ang pagliligtas at mamuhay nang may mga pagpapala at gabay ng Diyos. Napakaganda niyon! Nang mapagtanto ko ito, nagpasya akong abandonahin ang pag-aaral ko at tumuon sa pananampalataya sa Diyos. Gayumpaman, noong oras na talaga para magpasya, medyo mahirap pa rin ito para sa akin. Naisip ko, “Kung hindi ako magpapatuloy sa pag-aaral, hindi na ako kailanman magkakaroon ng pagkakataong gawing kilala ang sarili ko sa hinaharap.” Ang papuri mula sa pamilya ko, mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay ay isang uri ng katanyagang nahihirapan akong bitiwan.

Sa gitna ng aking pagdurusa, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Sa proseso ng pagkatuto ng tao ng kaalaman, ginagamit ni Satanas ang lahat ng paraan, maging ito man ay pagkukuwento, simpleng pagbibigay sa kanila ng ilang indibidwal na piraso ng kaalaman, o pagpapahintulot sa kanila na masapatan ang kanilang mga pagnanais o ambisyon. Sa anong daan ka nais akayin ni Satanas? Iniisip ng mga tao na walang mali sa pagkatuto ng kaalaman, na ito ay ganap na natural. Upang ilagay ito sa paraang nakakaakit pakinggan, ang magtaguyod ng matatayog na mithiin o ang magkaroon ng mga ambisyon ay pagkakaroon ng mga hangarin, at ito dapat ang tamang landas sa buhay. Hindi ba mas maluwalhating paraan para sa mga tao na mabuhay kung matutupad nila ang kanilang sariling mga mithiin o matagumpay na makapagtatag ng isang karera sa kanilang buhay? Sa paggawa ng mga bagay na ito, hindi lamang mapararangalan ng isang tao ang sariling mga ninuno bagkus ay maaari ring mag-iwan ng isang tatak sa kasaysayan—hindi ba ito isang mabuting bagay? Ito ay isang mabuting bagay sa mga mata ng mga taong makamundo, at sa kanila ay dapat itong maging angkop at positibo. Si Satanas ba, gayumpaman, kasama ang masasamang motibo nito, ay dinadala lang ang mga tao sa ganitong uri ng daan at pagkatapos ay ganoon na lamang? Siyempre hindi. Sa katunayan, gaano man katayog ang mga mithiin ng tao, gaano man kamakatotohanan ang mga pagnanais ng tao o gaano man maaaring kaangkop ang mga ito, ang lahat ng ninanais matamo ng tao, ang lahat ng hinahanap ng tao, ay pawang nauugnay sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang mahalaga sa buhay ng bawat tao, at ang mga ito ay mga bagay na binabalak na ikintal ni Satanas sa tao. Ano ang dalawang salitang ito? Ang mga ito ay ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Si Satanas ay gumagamit ng isang napakatusong uri ng paraan, isang paraang lubos na kaayon ng mga kuru-kuro ng mga tao, na hindi naman radikal sa anumang paraan, kung saan ay nagiging sanhi ito na walang kamalayang tanggapin ng mga tao ang uri ng pamumuhay nito, ang mga alituntunin nito sa pamumuhay, at sa pagtatakda ng mga layon sa buhay at kanilang direksyon sa buhay, at nagkakaroon din sila ng mga ambisyon sa buhay nang hindi namamalayan. Gaano man katayog magmistula ang mga mithiing ito sa buhay, ang mga ito ay pawang nauugnay sa ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Sinumang dakila o tanyag na tao—lahat ng tao, sa katunayan—anumang bagay na sinusunod nila sa buhay ay nauugnay lamang sa dalawang salitang ito: ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng kasikatan at pakinabang, maaari na nila kung gayong samantalahin ang mga ito upang tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang masiyahan sa buhay. Iniisip nila na ang kasikatan at pakinabang ay mga uri ng puhunan na maaari nilang gamitin upang magkamit ng isang buhay na mapaghanap-ng-kaluguran at walang-pakundangan sa pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito na iniimbot ng sangkatauhan, ang mga tao ay kusang-loob, hindi man namamalayan, na ibinibigay ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana, kay Satanas. Ginagawa nila ito nang taos-puso at ng wala ni isang sandali ng pag-aatubili, kailanman ay mangmang sa pangangailangan na mabawi ang lahat ng naibigay na nila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling manganlong sila kay Satanas sa ganitong paraan at maging tapat dito? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na nalublob sa isang putikan, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa kasikatan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang kung ano ang maliwanag, ang makatarungan, o ang mga bagay na maganda at mabuti. Ito ay dahil sa ang nakatutuksong kapangyarihan na mayroon ang kasikatan at pakinabang sa mga tao ay napakalaki; at ang mga ito ay nagiging mga bagay para hangarin ng mga tao sa buong buhay nila at maging sa walang hanggan nang walang katapusan. Hindi ba ito totoo?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, unti-unti kong napagtanto na ang mga pananaw, ideya, at mga prinsipyo na iyon para manatiling buhay gaya ng “Mamukod-tangi,” “Magbigay karangalan sa iyong mga ninuno,” at “Maliliit ang ibang paghahangad, ang mga libro ang nakahihigit sa lahat ng ito,” na palaging kong pinagkakatiwalaan ay galing kay Satanas. Inakala ko na ang pag-aaral nang mabuti para makamit ang mas mataas na degree at mangibabaw sa iba ay isang positibong layon para hangarin. Para makamit ang layon ko, sobra akong nagsikap sa pag-aaral at handang magtiis ng anumang pagdurusa. Nang maobserbahan ko na nakakahuha ng matataas na degree o mahuhusay na trabaho ang ilan sa mga kaklase ko, nadama kong mas mababa ako sa kanila at nag-aalala akong mamaliitin nila ako. Para hindi mapahiya at maging taas-noo pa rin sa harap ng mga kasabayan ko, binitiwan ko ang isang pagkakataong gawin nang buong oras ang tungkulin ko, pinipiling ilaan ang lahat ng oras at enerhiya ko sa paghahanda para sa graduate entrance exam. Hindi ko isinaalang-alang kahit kaunti ang gawain ng iglesia o ang agarang layunin ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan at natakot ako na maaantala ng paggawa sa isang tungkulin ang mga paghahanda ko para sa pagsusulit. Habang naghahanda ako para sa pagsusulit, ginugugol ko ang buong araw at gabi sa pag-aaral, hindi ko binigyan ang sarili ko kahit katiting na pagkakataon na magpahinga at naging balisa at miserable ako kahit hindi ko gusto. Talagang masyadong nakakapagod iyon! Nakita ko ang mga tao sa online na tinatalakay kung paanong naharap sila sa kabiguan habang nagsusulit para sa mga graduate program o naghahanap ng trabaho, nagsimula silang magdusa sa kabalisahan at depresyon. Ikinuwento rin sa akin ng isang kaibigan ang tungkol sa isang estudyanteng naggradweyt sa aming eskuwelahan na nabigong kumuha ng pagsusulit sa programa at nauwi sa isang psych ward dahil sa sikolohikal na paghihirap sa buong karanasan. Bawat araw sa ward ay maririnig siyang sumisigaw, “Gusto kong pumasok sa grad school, gusto kong pumasok sa grad school!” Maraming tao rin ang naharap sa kabiguan habang nagsusulit para sa college o graduate degree at nauwi sa pagpapakamatay dahil inakala nilang wala na silang oportunidad sa hinaharap, walang pagkakataong makamit ang kasikatan at pakinabang at na walang kabuluhan ang pamumuhay na iyon. Hindi ba’t mga resulta ng pagpapahirap ni Satanas ang lahat ng malinaw na halimbawang ito? Ganoon lang din ang sa akin: Ibinubuhos ko ang lahat para sa paghahangad ng kinabukasan, kasikatan at pakinabang, sumisisid hanggang sa kailaliman ng kasikatan at pakinabang at walang kahit anong gana na isagawa ang pananalig, hangarin ang katotohanan at hangarin ang pagbabago sa disposisyon. Doon ko lang tunay na nakita ang na masasamang motibo ni Satanas. Ginamit nito ang kasikatan at pakinabang para akitin ako; hindi lang ako nito pinagdusa sa isip at damdamin, kundi sinubukan din akong pigilan nito sa paglapit sa Diyos upang hangarin ang katotohanan at kamtin ang pagliligtas. Naisip ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kung napakababa ng katayuang panlipunan ng isang tao, napakahirap ng kanyang pamilya, at mababa ang antas ng edukasyon niya, pero nananampalataya siya sa Diyos sa isang praktikal na paraan, at minamahal niya ang katotohanan at mga positibong bagay, kung gayon sa mata ng Diyos, mataas o mababa ba ang halaga niya, marangal o aba ba ito? Mahalaga siya. Kung titingnan ito sa ganitong perspektiba, saan ba nakadepende ang halaga ng isang tao—kung mataas man o mababa, marangal man o hamak? Nakadepende ito sa kung paano ka nakikita ng Diyos. Kung nakikita ka ng Diyos na isang taong naghahangad ng katotohanan, kung gayon ikaw ay may kabuluhan at mahalaga—ikaw ay isang mahalagang sisidlan. Kung nakikita ng Diyos na hindi mo hinahangad ang katotohanan at na hindi mo tapat na ginugugol ang sarili mo para sa Kanya, kung gayon ikaw ay walang kabuluhan at walang halaga—ikaw ay isang hamak na sisidlan. Gaano man kataas ang pinag-aralan mo o gaano man kataas ang katayuan mo sa lipunan, kung hindi mo hinahangad o inuunawa ang katotohanan, kung gayon kailanman hindi magiging mataas ang halaga mo; kahit na maraming taong sumusuporta sa iyo, pumupuri sa iyo, at sumasamba sa iyo, isa ka pa ring hamak na kawawa. Kaya, bakit ganito ang tingin ng Diyos sa mga tao? Bakit ang isang ‘marangal’ na tao, na may mataas na katayuan sa lipunan, na pinupuri at hinahangaan ng maraming tao, na maging ang katanyagan niya ay napakataas, ay nakikita ng Diyos bilang hamak? Bakit ang paraan ng pagtingin ng Diyos sa mga tao ay ganap na salungat sa mga pananaw ng mga tao sa iba? Sinasadya ba ng Diyos na gawing salungat Siya Mismo ng mga tao? Hinding-hindi. Ito ay dahil ang Diyos ay katotohanan, ang Diyos ay katuwiran, samantalang ang tao ay tiwali at walang katotohanan o katuwiran, at sinusukat ng Diyos ang tao sa Kanyang sariling pamantayan, at ang pamantayan Niya sa pagsukat sa tao ay ang katotohanan. Puwedeng medyo mahirap itong unawain, kaya para mas madali itong maintindihan, ang pamantayan ng panukat ng Diyos ay batay sa saloobin ng tao sa Diyos, sa saloobin niya sa katotohanan, at sa saloobin niya sa mga positibong bagay—hindi na ito mahirap unawain(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Traydor, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, natutuhan ko na hindi sinusukat ng Diyos ang mga tao batay sa kanilang akademikong kredensiyal o katayuang panlipunan, sa halip ay batay sa saloobin nila sa kanilang pagharap sa katotohanan at sa Diyos. Pinahahalagahan ng Diyos ang mga tunay na nananampalataya sa Kanya, naghahangad sa katotohanan at minamahal ang mga positibong bagay. Sa kabaligtaran, kahit na may mataas na katayuang panlipunan at ginagalang ng iba ang isang tao, kung hindi niya tinatanggap ang katotohanan, hindi nirerespeto ang Diyos at hinahangad ang kasamaan at ang mga tiwaling bagay, titingnan siya ng Diyos bilang mababa. Pagkatapos kong maunawaan ang layunin ng Diyos at ang Kanyang pamantayan sa pagsukat sa mga tao, nakadama ako ng paglaya at napagtanto ko kung gaano katawa-tawa at hindi naaayon sa katotohanan na sukatin ko ang mga tao batay sa kanilang akademikong kredensiyal. Nakadama din ako ng motibasyon at tumigil ako sa kagustuhang hangarin lang ang isang mas mataas na degree at magagandang grado. Gusto kong maging isang taong naghahangad ng katotohanan at maging maingat at praktikal sa mga tungkulin ko.

Pagkatapos noon, pumunta ako sa eskuwelahan para huminto na. Tuloy-tuloy akong tinuligsa ng aking guro at kinutya pa nga ako sa hindi pagtutuloy ng graduate studies na nagsasabing baka mahina ang utak ko na hindi gumugol ng dalawang taon lang para makuha ang mas mataas na degree. Dahil naharap ako sa pagkutya ng aking guro, medyo nanghina ako. Naisip ko rin kung paanong sa simula ng pasukan sa eskuwelahan, nag-uumapaw ang mga estudyante sa pagsusumigasig at ambisyon, na handang simulan ang kanilang bagong buhay bilang mga graduate student, samantalang ako ay titigil at pupunta sa taliwas na direksyon. Kung iniisip ng mga tao na kakatwa ako at hindi nila ako nauunawaan, magagawa ko pa rin bang manindigan sa posisyon ko kapag tinanong ako ng iba? Nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, hindi pa ako nakutya nang ganito dati at talagang nanghihina ako. O Diyos, pakiusap bigyan Mo ako ng pananalig at tulutan Mong maging kompiyansa at tiisin ang lahat ng ito, para makayanan kong manindigan sa mga pinanampalataya ako.” Kalaunan, naghanap ako ng mga salita ng Diyos na may kaugnayan sa kasalukuyan kong kalagayan at natagpuan ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos na tinatawag na “Ang Dapat Itaguyod ng mga Kabataan.” May malalim na impluwensiya sa akin ang himnong ito.

Ang kabataan ay hindi dapat mawalan ng mga aspirasyon, hindi dapat mawalan ng paninindigan na gamitin ang pagkilatis sa mga isyu at hanapin ang katarungan at katotohanan. …

1  Ang mga matang puno ng panlilinlang at pagkiling sa iba ay mga bagay na hindi dapat taglayin ng mga kabataan, at hindi dapat magsagawa ang mga kabataan ng mapanira at kasuklam-suklam na mga gawain. Hindi sila dapat mawalan ng mga aspirasyon, gana, at masigasig na pagnanais na pagbutihin ang sarili nila; hindi sila dapat panghinaan ng loob tungkol sa kanilang mga kinabukasan, at ni hindi sila dapat mawalan ng pag-asa sa buhay o ng tiwala sa hinaharap; dapat silang magtiyagang magpatuloy sa daan ng katotohanan na pinili na nila ngayon—upang matupad ang kanilang naising gugulin ang kanilang buong buhay para sa Akin.

2  Hindi sila maaaring walang katotohanan, ni hindi sila dapat maging mapagpaimbabaw at walang katuwiran—dapat silang maging matatag sa wastong paninindigan. Hindi sila dapat magpatangay na lamang, kundi dapat silang magkaroon ng espiritung may tapang na magsakripisyo at makibaka para sa katarungan at katotohanan. Ang mga kabataan ay dapat magkaroon ng katapangang huwag sumuko sa pang-aapi ng mga puwersa ng kadiliman at baguhin ang kabuluhan ng kanilang pag-iral. Hindi dapat isuko ng mga kabataan ang kanilang sarili sa paghihirap, kundi dapat silang maging bukas at prangka, at mapagpatawad sa kanilang mga kapatid.

3  Hindi dapat mawalan ng paninindigan ang mga kabataan na gamitin ang pagkilatis sa mga isyu at hanapin ang katarungan at katotohanan. Dapat ninyong hangarin ang lahat ng bagay na maganda at mabuti, at dapat ninyong matamo ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Dapat kayong maging responsable sa inyong buhay, at huwag ninyong ipagwalang-bahala ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita para sa mga Kabataan at Matatanda

Sa aking pakikinig sa mga salita ng Diyos, nadama ko na parang harapan akong inuudyukan ng Diyos: Huwag kang magpadala sa nauusong kalakaran. Nakilala mo na tamang landas ng liwanag ang pagsunod sa Diyos, kaya dapat mong matatag na sundan ang landas na ito. Napagtanto ko rin na dahil sa kamangha-manghang biyaya ng Diyos na nagawa kong tanggapin ang gawain ng Diyos at basahin ang katotohanang ipinapahayag Niya! Positibo ang lahat ng nanggagaling sa Diyos, samantalang negatibo ang lahat ng hinahangad ng tao sa makasanlibutang mundong ito. Kung nag-alala ako na hindi ako mauunawaan ng iba at hindi ako susuportahan at sumunod ako sa makamundong kalakaran para protektahan ang sarili ko, hindi ba’t magtatampisaw lang ako sa putikan kasama ng mga nabibilang sa makasanlibutang mundo? Dahil sa gabay ng mga salita ng Diyos, may pananalig at katapangan akong kumapit nang matatag sa aking mga paniniwala at umalis sa eskuwelahan.

Sa pagninilay ko sa aking landas, nakilala ko na ang gabay ng mga salita ng Diyos ang nagtulot sa aking makita ang mga traydor na motibo ni Satanas sa paggamit sa kasikatan at pakinabang upang pinsalain ang mga tao. Bukod doon, ang mga salita ng Diyos ang tumulong sa akin na makalaya mula sa madilim na kailalimano ng paghahangad sa kasikatan at pakinabang. Naranasan ko ang biyaya at kapayapaan na dinala sa akin ng mga salita ng Diyos, at naunawaan ko ang mabubuting layunin na ipinanliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Kailangan kong pahalagahan ang bihirang pagkakataong ito, gawin ang pinakamakakaya ko para sangkapan ng katotohanan ang sarili ko, ipalaganap ang ebanghelyo, at patotohanan ang Diyos upang suklian ang pagmamahal Niya! Pagkatapos noon, nagsimula kong gawin ang tungkulin ng pagdidilig sa baguhan. Dahil walang mga gapos ng mga akademikong pag-aaral at mga paglilimita ng mga pag-aalala sa mga oportunidad sa hinaharap, nagawa kong lubos na ilaan ang sarili ko sa aking tungkulin, at mas marami na akong oras para magbasa ng mga salita ng Diyos, punuin ng katotohanan ang sarili ko, at mas natuto at nagkamit pa mula sa aking tungkulin. Salamat sa Diyos para sa Kanyang paggabay at pagliligtas!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman