Nakita Ko Na ang Tunay na Kulay ng Aking Pastor

Pebrero 4, 2021

Ni Nora, Pilipinas

Noong una akong maging Kristiyano, napakataas ng tingin sa akin ni Pastor Matias at ng kanyang asawa. Ginawa nila akong lider ng Praise Team at isang guro sa Sunday School at palagi talaga silang maalaga sa akin. Sa tuwing mayroon akong problema o medyo nanghihina ako, ipinagdarasal nila ako. Maalaga rin sila sa ibang mga miyembro ng iglesia. Sa tuwing mayroong nagiging negatibo o nanghihina ay nagbabahagi sila tungkol sa Bibliya para magbigay ng suporta at tulungan sila. Sa tingin ko, pareho talaga silang mapagmahal at mapalad kami sa kanila. Sa kaibuturan ng puso ko, palagi kong nararamdaman na parang mga espirituwal na magulang ko sila sa pananampalataya.

Pagkatapos noong 2018, nakilala ko online ang ilang kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos marinig ang patotoo nila, nalaman kong nagbalik na ang Panginoong Jesus, na nagkatawang-tao bilang Makapangyarihang Diyos. Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan para hatulan at linisin ang sangkatauhan sa mga huling araw, tinutupad ang propesiya sa 1 Pedro 4:17 na nagsasabi: “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.” Masayang-masaya ako, at siniyasat namin ng pamilya ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, natiyak naming lahat na ang mga ito ay tinig ng Diyos at ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Tinanggap naming lahat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos niyon, naisip ko si Pastor Matias. Palagi niya kaming sinasabihan na magbantay para sa pagparito ng Panginoon, kaya naisip kong matutuwa talaga siyang marinig na nagbalik na ang Panginoon. Nagdesisyon akong sabihin sa kanya ang mabuting balita.

Minsan sa isang pagtitipon, sinabi ni Pastor Matias, “Nasa mga huling araw na tayo at maaaring magbalik ang Panginoon anumang sandali. Kailangan nating manalangin at maging mapagbantay.” Tuwang-tuwa akong marinig na sabihin niya ito, kaya sumingit agad ako, sinasabi, “May nakilala akong ilang kapatid online kamakailan na nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoon. Dumadalo ako sa mga pagtitipon kasama nila, na talagang nakapagbibigay-liwanag.” Ang sagot niya, “Maganda ang mga pagtitipon online at makakatulong ang mga iyon na mas maunawaan natin ang mga salita ng Panginoon.” Pagkatapos, itinuloy lang niya ang sermon niya. Natuwa ako, iniisip na, “Naghahanap talaga ng katotohanan si Pastor Matias. Kailangan kong ibahagi sa kanya ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw sa lalong madaling panahon.” Sa hindi inaasahan, dumalaw sa bahay ko sina Pastor Matias at ang asawa niya pagkalipas ng ilang araw. Pagkapasok pa lang nila, tinanong na ako ni Pastor Matias nang may mabalasik na ekspresyon sa kanyang mukha, “May binanggit kang mga online na pagtitipon. Sumali ka na ba sa ibang iglesia?” Medyo wala akong nasabi nang makita ko kung gaano siya kamukhang naiinis. Bago pa ako makasagot, masayang sinabi ng nanay ko, “Oo, Pastor. Sinisiyasat namin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ganoon namin nalaman na nagbalik na ang Panginoon. Nagpapahayag Siya ng maraming katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos.” Matigas na sumagot si Pastor Matias, “Nagbalik na ang Panginoon? Imposible! Malinaw na ipinopropesiya sa Bibliya: ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). Magbabalik ang Panginoon sakay ng isang ulap sa mga huling araw para makita ng lahat. Kung nagbalik na Siya, bakit hindi pa namin Siya nakikita?” Sabi ng nanay ko, “Maraming propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Bukod sa pagparito Niya nang hayagan sakay ng isang ulap, may mga talata rin tungkol sa pagparito Niya nang palihim, gaya ng Pahayag 16:15, ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw,’ Pahayag 3:3, ‘Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw,’ at Mateo 25:6, ‘At pagkahating gabi ay may sumigaw, “Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya.”’ Ang pagsasabi na pumaparito Siyang gaya ng magnanakaw ay nangangahulugang nagbabalik Siya nang tahimik nang walang sinumang nakakaalam. Kung basta na lang pumarito nang hayagan ang Panginoon sakay ng isang ulap, makikita Siya ng lahat. Paano iyon magiging gaya ng magnanakaw, at sino ang mangangailangang sumigaw na pumarito na ang lalaking ikakasal?” Galit na sinabi ni Pastor Matias, “Hindi ba’t ang pagsasabi ninyo na paparito ang Panginoon nang palihim ay sumasalungat sa mga propesiya ng pagparito Niya sakay ng isang ulap? Hindi ito naaayon sa Bibliya. Kung hindi pa namin nakikita na pumaparito ang Panginoon sakay ng isang ulap, nagpapatunay ito na hindi pa Siya nagbabalik. Hindi kami maniniwala riyan!”

Mukhang hindi niya talaga naunawaan, kaya sinabi ko, “Pastor Matias, ang mga propesiya ng Kanyang pagparito sa katawang-tao nang palihim at ng pagparito Niya nang hayagan sakay ng isang ulap ay hindi naman talaga magkasalungat. Nangyayari sa dalawang yugto ang pagbabalik Niya. Una, pumaparito Siya nang palihim sa katawang-tao, nagpapahayag ng mga katotohanan para hatulan at linisin ang sangkatauhan, at bumubuo ng isang grupo ng mga mananagumpay bago ang mga sakuna. Kapag natapos na iyon, ang Kanyang palihim na gawain ay nagtatapos na at magpapadala Siya ng mga sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Wawasakin Niya ang lahat ng kaaway ng Diyos, lahat ng kay Satanas. Magpapakita lang Siya nang hayagan sa lahat ng bansa at bayan pagkatapos ng malalaking sakuna. Ang mga nakakarinig sa tinig ng Diyos at sinisiyasat ang Kanyang gawain habang gumagawa Siya rito nang palihim ay lalapit lahat sa harap ng trono ng Diyos, tatanggapin ang Kanyang paghatol sa mga huling araw, malilinis ang kanilang katiwalian, at sa huli ay madadala sa kaharian ng Diyos. Sila ang matatalinong dalaga na ipinropesiya sa Bibliya. Ang mga tumatangging pakinggan ang tinig ng Diyos habang gumagawa Siya rito nang palihim at na kinokondena at tinatanggihan pa ang Makapangyarihang Diyos ay ang mga hangal na dalaga. Sila ang mga hindi mananampalataya, mga anticristo, at masasamang tao na nalantad sa pamamagitan ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa pagparito ng Diyos nang hayagan sakay ng isang ulap, makikita nila na ang Makapangyarihang Diyos na kanilang sinalungat ay talagang ang nagbalik na Panginoong Jesus, ngunit magiging huli na ang kanilang pagsisisi. Madadala sila ng mga sakuna, at parurusahan habang tumatangis. Tutuparin nito ang sinabi ng Panginoon: ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). Ganito parehong matutupad ang mga propesiya ng pagparito ng Panginoon nang palihim at pagparito nang hayagan.” Pagkatapos ay taimtim na sinabi ng nanay ko, “Pastor, tama siya. Ilang beses na binabanggit sa Bibliya ang pagbabalik ng Panginoon bilang ang Anak ng tao. Halimbawa: ‘Gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). ‘Sapagkat gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Tumutukoy ang ‘Anak ng tao’ sa Diyos na nagkatawang-tao, gaya rin na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng tao. Ipinanganak Siya ng tao at nagtaglay ng normal na pagkatao. Kung magbabalik ang Panginoon sa Kanyang espirituwal na katawan o bilang Espiritu ng Diyos, hindi Siya matatawag na Anak ng tao. At kung magbabalik ang Panginoon bilang Diyos sa Kanyang espirituwal na katawan, sino ang maglalakas-loob na tanggihan o salungatin Siya? Paano muna Siya ‘magbabata ng maraming bagay at itatakwil ng lahing ito’? Nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Dapat mong tingnan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.” Habang nagsasalita ang nanay ko, kumuha siya ng kopya ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para sa pastor. Hindi lang siya tumangging tingnan ito, galit pa niya itong tinapik at sumigaw, “Siguradong hindi ito ang salita ng Diyos. Nasa Bibliya ang lahat ng salita ng Diyos at wala nang iba pa kahit saan!” Nagulat akong makita na kumikilos si Pastor Matias nang wala sa kanyang karakter, pulang-pula ang mukha niya sa galit. Lagi naman siyang mabait dati—bigla na lang siyang naging parang ibang-ibang tao. Nagsimula akong matakot nang bahagya, kaya dali-dali akong tahimik na nanalangin sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyan ako ng pananampalataya at gabayan ako para makapagpatuloy sa pagbabahagi.

Matapos manalangin, kumalma ako nang kaunti. Napakamalumanay kong sinabi sa kanya, “Pastor Matias, wala pong basehan sa Bibliya ang sinasabi ninyo na lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya at wala na sa iba pa. Hindi iyon naaayon sa mga katunayan. Sinasabi po sa Ebanghelyo ni Juan: ‘At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin’ (Juan 21:25). Maraming sinabi ang Panginoong Jesus sa loob ng tatlo at kalahating taon na gumawa at nangaral Siya sa lupa, pero ang nakatala sa Apat na Ebanghelyo ay aabutin lang ng ilang oras para sabihin. Ipinapakita nito na imposibleng lahat ng salita ng Panginoong Jesus ay nakatala sa Bibliya. At saka, may mga bagay na hindi isinama ng mga taong bumuo sa Bibliya, kaya may mga propesiya ang ilang propeta na hindi nakasama sa Bibliya. Kasama riyan ang ilan sa mga salita ng Diyos na ipinarating ni propeta Ezra. Ibig sabihin nito ang pahayag na walang mga salita ng Diyos na nasa labas ng Bibliya ay hindi totoo.” Taimtim din na sinabi ng nanay ko, “Hindi lang hindi isinama sa Bibliya ang ilang salita ng nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kundi mayroon pang mga salita na sasabihin ng Diyos sa mga huling araw! Ipinropesiya ng Panginoong Jesus: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Maraming beses ding ipinropesiya sa mga kabanata 2 at 3 ng Pahayag: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.’ Binabanggit din ng Pahayag ang pagbubukas ng Kordero ng isang balumbon. Ang lahat ng ito ay mga propesiya ng pagbigkas ng Panginoon ng mas maraming salita sa Kanyang pagbabalik. Kung hindi maaaring magkaroon ng anumang salita ng Diyos sa labas ng Bibliya, paano matutupad ang mga propesiyang ito? Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol, nagpapahayag ng lahat ng katotohanan na maglilinis at ganap na magliligtas sa sangkatauhan. Inihayag Niya ang lahat ng misteryo ng Kanyang plano ng pamamahala, inilantad at hinatulan ang katotohanan ng katiwalian ng tao at ang ugat ng kasalanan ng tao sa paglaban sa Diyos. Ibinigay Niya sa atin ang landas ng tunay na pagsisisi at pagpasok sa kaharian ng langit. Ang ipinropesiya sa Pahayag tungkol sa Banal na Espiritu na nangungusap sa mga simbahan ay tumutukoy sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos; ang mga ito ang balumbon na binuksan ng Kordero. Paano mauunang maitala sa Bibliya ang mga bagong salitang ito? Hindi ba’t ang pahayag na walang salita ng Diyos sa labas ng Bibliya ay sobrang mapagmataas na opinyon? Ang Diyos ang Panginoon ng paglikha at ang patuloy na umaagos na bukal ng buhay na tubig. Ngunit ang gawain at mga salita ng Diyos na nakatala sa Bibliya ay talagang limitado. Hindi natin maaaring limitahan ang Diyos sa loob ng saklaw ng Bibliya batay sa ating mga kuru-kuro. Pagtatatwa iyon sa katotohanan, pagtatatwa sa sariling gawain at mga salita ng Diyos!” Talagang ikinagalit ito ni Pastor Matias, pero hindi niya ito mapabulaanan. Sinabi na lang niya, “Para sa sarili ninyong kabutihan ang pagbabawal sa inyo na siyasatin ito. Wala pa kayong kahustuhan sa buhay at maaari pa kayong mailigaw. Magtapat at magsisi agad kayo sa Panginoon!” Mabilis akong sumagot, “Pastor Matias, napagtibay namin na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus sa pamamagitan ng taimtim na paghahanap at pagbabasa ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos. Hindi pa ho ninyo nababasa ang mga salita Niya, kaya normal lang na magkaroon kayo ng ilang pagdududa at kuru-kuro. Sabi ng Panginoong Jesus, ‘Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y pagbubuksan(Mateo 7:7). Hangga’t handa kayong maghanap, at basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, mawawala ang lahat ng kalituhan ninyo.” Pagkatapos na pagkatapos kong magsalita, humingi ang asawa niya ng impormasyon kung paano matatawagan ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at sinabi niyang sisiyasatin niya ang gawain ng Diyos kalaunan. Nagtiwala ako sa sinabi niya at ibinigay ko sa kanila ang contact information. Kinuha nila iyon at mabilis na umalis.

Ilang sandali rin akong hindi mapakali pagkaalis nilang dalawa. Mabubuti at mga mapagpakumbabang tao ang tingin ko sa kanila noon. Madalas nilang sinasabi sa amin na abangan ang pagbabalik ng Panginoon, pero nang marinig nila ang balita ng pagbabalik ng Panginoon, hindi man lang sila naging interesado rito. Nagmatigas lang silang kumapit sa mga salita ng Bibliya. Bakit hindi nila ginagawa ang ipinapangaral nila? Nadismaya talaga ako at sumama ang loob, pero sa pag-asang sisiyasatin nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nanalangin ako nang tahimik para sa kanila. Pinadalhan ko rin sila ng isang link sa gospel movie na Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Bibliya, na umaasang makakatulong iyon para bitiwan nila ang mga kuru-kuro nila, siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, at salubungin ang Panginoon sa lalong madaling panahon. Habang sabik kong hinihintay ito, may nangyaring talagang hindi inaasahan. Pinadalhan nila ako ng kung ano-anong mga tsismis na sinisiraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para lumayo ako rito. Nang hindi ito nagkaroon ng epekto, nagpadala naman sila ng mga mensahe na kumukuwestiyon at gumugulo sa mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nag-Facebook din sila at nag-post ng maraming tsismis na naninira at umaatake sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para iligaw ang iba at pigilan silang siyasatin ang tunay na daan. At hindi sila tumigil doon. Nagbahay-bahay sila na binabalaan ang mga kapatid na iwasan ako, hinuhusgahan at sinisiraan ako. Nagkaroon ng maling impresyon tungkol sa akin ang maraming tao at iniwasan ako. May ilang nagpadala sa akin ng mga mensaheng nanunuligsa at may ilang ayaw akong kausapin kapag nagkakasalubong kami. Ayaw pa nga akong pagbuksan ng pinto ng ilan kapag dinadalaw ko sila. Ikinasama talaga iyon ng loob ko. Dati akong malapit sa mga kapatid na ito, pero ngayon ay iniiwasan at itinataboy na nila ako, nalinlang ng mga kasinungalingan ng pastor. Halos hindi ako makapaniwalang nagawa itong lahat ng pastor na dati kong hinahangaan. Nagdurusa ako at lubos na nanghihina ang kalooban. Hindi ko iyon maintindihan. Wala akong nagawang mali. Tinanggap ko lang ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Bakit ako tinatrato nang ganoon ng pastor?

Nang malaman ito ng isang sister mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagbigay siya ng tulong at suporta sa akin at binasahan ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at ang panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Pagkatapos ay naunawaan ko na ang panggagambala ng pastor at ang pambubukod sa akin ng ibang mga miyembro ng simbahan ay pawang panunukso ni Satanas. Gusto ni Satanas na isuko ko ang tunay na daan, pagtaksilan ang Diyos, at maiwala ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw. Napakasama ni Satanas! Naisip ko, “Dahil sigurado na ako na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, anumang mga paghihirap ang maaari kong harapin, kailangan kong matatag na sumunod sa Kanya hanggang sa wakas.” Pagkatapos ay ibinahagi ito ng sister: “Ginagamit ng Diyos ang mga sitwasyong ito upang turuan tayo ng pagkakilala sa iba. Ang pagtrato ng mga tao sa pagparito ng Panginoon ay nagpapakita ng kanilang saloobin sa katotohanan at sa Diyos, at naglalantad ng kanilang diwa.” Pagkatapos ay binasa niya ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng paglaban ng mga Pariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Pariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang buhay katotohanan. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Pariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Pagkatapos nito, nagbahagi pa siya batay sa mga salitang ito mula sa Diyos na nagbigay-linaw sa asal ng mga pastor. Akala ko dati na dahil bihasa sila sa Bibliya, nagsumikap na maglingkod sa Panginoon sa loob ng maraming taon, mapagmahal sa kongregasyon, at palagi kaming sinasabihan na mag-abang sa pagbabalik ng Panginoon, ibig sabihin na niyon ay minamahal nila ang katotohanan at inaasam ang pagparito ng Panginoon. Pero ipinakita sa akin ng realidad na hindi talaga iyon katulad ng inakala ko. Pakitang-tao lang ang kanilang mapagpakumbaba at mapagmahal na anyo na ginagamit nila para linlangin at ilihis ang mga tao, at wala silang ipinagkaiba sa mga mapagpaimbabaw na mga Pariseo. Mukhang napakatapat din ng mga Pariseo. Araw-araw nilang ipinapaliwanag ang mga Kasulatan sa mga sinagoga, at nananalangin sila sa mga gilid ng lansangan para makita ng iba na ginagawa nila ito. Naghihintay silang lahat sa pagparito ng Mesiyas, pero nang magpakita nga ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, nagpapahayag ng mga katotohanan at nagpapakita ng napakaraming himala at kababalaghan, na lahat ay malinaw na nagmula sa Diyos, ayaw ng mga Pariseo na maghanap tungkol dito. Nagmamatigas nilang pinanindigan ang mga kautusan sa kasulatan at ginamit ang mga salita ng Kasulatan upang kondenahin ang gawain ng Diyos. Tumulong sila na maipapako sa krus ang Panginoong Jesus at pinarusahan sila ng Diyos. Katulad na katulad nila ang mga pastor mula sa aming simbahan. Mukha silang mapagpakumbabang naglilingkod sa Panginoon at naghihintay sa pagbabalik Niya, pero kahit na alam na alam nila na ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol, hindi pa rin nila ito siniyasat. Pinanghawakan lang nila ang sarili nilang mga kuru-kuro at ang literal na salita ng Bibliya, sinasalungat at kinokondena ang bagong gawain ng Diyos. Sinabi nila na kung hindi Siya pumarito sakay ng isang ulap, hindi Siya ang Panginoong Jesus, na anumang hindi nakasulat sa Bibliya ay hindi maaaring maging gawain ng Diyos, at kung ano-ano pa. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang iba na siyasatin at tanggapin ang tunay na daan. Hindi talaga nila totoong inaasam ang pagparito ng Panginoon, kundi sila ay mga makabagong Pariseo na namumuhi sa katotohanan, at namumuhi sa pagpapakita at gawain ng Diyos. Ipinaalala nito sa akin ang pagkondena ng Panginoong Jesus sa mga Pariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwat sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumal-dumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangag-aanyong matuwid sa mga tao, datapuwat sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan(Mateo 23:27–28). Nagkaroon ako ng kaunting pagkakilala sa ikinikilos ng mga pastor nang maunawaan ko ang lahat ng ito. Pero ang sumunod na pangyayari ang mas malinaw na nagpakita sa akin ng tunay na kulay nila.

Isang hapon, dumaan sa bahay namin si Elder Arlo at dalawa pang sister mula sa dati kong simbahan at basta na lang akong tinitigan nang malamig na hindi nagsasalita. Pagkatapos, inilabas ni Elder Arlo ang telepono niya, nag-dial ng numero, at iniabot iyon sa akin. Nang tanggapin ko iyon, narinig ko si Pastor Matias na galit na nagsasabi ng kung ano-anong masasamang bagay. Pagkatapos ay binalaan niya ako, “Bawal kang makipag-ugnayan sa mga miyembro ng simbahan namin at magpalaganap ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa simbahan namin. Huwag mong nakawin ang aking mga tupa!” Nagalit ako at sinabi sa kanya, “Bakit hindi ko ibabahagi sa kanila ang napakagandang balita ng pagbabalik ng Panginoon? Bakit palagi mong pinipigilan ang mga tao na hanapin ang tunay na daan? Lahat sila ay mga tupa ng Diyos. Bakit ayaw mo silang hayaang mapakinggan ang tinig ng Diyos?” Pagkatapos ibaba ang telepono, pinagalitan pa ako ni Elder Arlo at ng mga kasama niya at pagkatapos ay umalis na. Nagpatuloy sa panggugulo ang pastor sa pamilya ko pagkatapos niyon at hayagan pang sinisiraan ang pangalan namin sa simbahan. Nanghina at naging negatibo ang mga kapamilya ko, hindi na matiis ang panggugulo. Nagalit ako nang husto sa masasamang gawa ng pastor. Nagbasa pa ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa mga layunin ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang gumugulo sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila’y tila may ‘maayos na pangangatawan,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagbigay sa akin ng higit na linaw sa mga tunay na kulay ng mga pastor mula sa mundo ng relihiyon—nilalabanan nila ang Diyos. Sinasabi nilang pinoprotektahan nila ang kawan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpigil sa atin na ibahagi ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, ngunit ang totoo, natatakot sila na susunod ang lahat sa Makapangyarihang Diyos at wala nang makikinig sa kanila. Pagkatapos ay mawawalan sila ng katayuan. Iyon ang dahilan kung bakit ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para pigilan o gambalain ang mga mananampalataya na siyasatin ang tunay na daan. Naisip ko tuloy ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong mapagbabalik-loob; at kung siya ay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:15). Hindi lang tumatanggi ang mga pastor na sila mismo ang maghanap sa tunay na daan, kundi ginagawa pa nila ang lahat para siraan at kondenahin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at iligaw ang mga mananampalataya. Maraming tao na hindi alam ang mga katunayan ay nakikiayon sa kanila sa paglaban at pagkondena sa Makapangyarihang Diyos. Hindi ba’t ginagawa nilang mga anak ng impiyerno ang mga taong iyon na gaya nila, upang sama-sama silang maparusahan? Talagang mapaghangad sila ng masama hanggang sa kaibuturan nila. Namumuhi sa katotohanan ang mga pastor sa mundo ng relihiyon. Sinasalungat at kinokondena nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at walang kahihiyang ikinukulong ang mga tupa ng Diyos sa sarili nilang mga kural, nakikipag-agawan sa Diyos para sa Kanyang mga hinirang. Katulad lang sila ng mga Pariseo na isinumpa ng Panginoong Jesus 2,000 taon na ang nakararaan. Sila ang masasamang lingkod, ang mga anticristo na inilantad ng Diyos sa Kanyang gawain sa mga huling araw! Malinaw kong nakita ang kanilang diwa ng paglaban sa Diyos at pagkapoot sa katotohanan. Nagpasya akong kumpiyansang sumunod sa Makapangyarihang Diyos paano man nila ako subukang hadlangan! Nagtamo rin ng pagkakilala ang lahat sa aking pamilya sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at hindi na sila gaanong nakadama na napipigilan sila ng mga pastor.

Sa pagbabalik-tanaw sa panahong palagi akong ginugulo at sinisiraan ng mga pastor, kahit na nagdusa talaga ako nang kaunti, nagkaroon ako ng pagkakilala sa kanila. Nakita ko ang kanilang tunay na kulay—kinamumuhian nila ang katotohanan at sinasalungat ang Diyos. Hindi na nila ako ulit maililigaw o mapipigilan. Natutunan ko rin na kung mananalangin tayo sa Diyos at sasandal sa Kanya, gagamitin Niya ang Kanyang mga salita upang gabayan tayo sa pag-unawa sa katotohanan at pagtatagumpay laban sa mga tukso ni Satanas. Lumago ang pananampalataya ko sa Diyos dahil sa karanasan na iyon. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman