Ang Maliliit na Bagay sa Buhay ay mga Pagkakataon din Upang Matuto
Sa loob ng ilang panahon, kinailangan kong magtago sa tinutuluyang bahay para gawin ang mga tungkulin ko upang maiwasang matugis ng Partido Komunista ng Tsina. Isang araw, pagbalik ng superbisor mula sa isang pulong, nagbahagi siya ng ilang katotohanang prinsipyo tungkol sa pagkilatis ng mga tao. Sa puso ko ay hindi ko maiwasang mainggit, iniisip na, “Mas mainam pa ring makalabas at gawin ang mga tungkulin. Magagawa ng isang taong makadalo sa mas maraming pagtitipon, magkamit ng mas maraming katotohanan, at mas mabilis na makapasok sa katotohanan, hindi gaya ko, na buong araw na ginagawa ang tungkuling nakabatay sa teksto nang hindi nakakalabas. Bukod sa mga gampanin ko ngayon, nakikipag-ugnayan lang ako sa mag-asawa na mula sa nagpapatuloy na pamilya at sa aso nila. Napakakaunti ng nakakasalamuha ko na halos wala akong nakikitang tao. Ni wala ngang sitwasyon kung saan puwede kong ibunyag ang katiwalian ko. Paano ko makikilala ang sarili ko? Paano ako makakapagkamit ng mas maraming katotohanan?” Nang sandaling iyon, naisip ko, “Itinatakda ng Diyos ang mga kalalabasan ng mga tao batay sa kung mayroon silang katotohanan. Kung mauuwi ako sa hindi pagkakamit ng katotohanan at hindi magbabago ang disposisyon ko, maliligtas pa rin ba ako?” Nang maisip ko ito, ayaw ko nang gawin ang tungkuling nakabatay sa teksto. Gusto kong hilingin sa superbisor na italaga ako sa isang tungkulin na may mas maraming pakikipag-ugnayan sa mga tao at mas maraming pagtitipon. Pagkatapos niyon, nadama kong hindi ito makatwiran. Ang mga tungkuling itinalaga sa mga tao ay batay sa isang komprehensibong pagsusuri sa kanilang mga kakayahan at kalakasan. Sa pagkuha at pagpili kung anong tungkulin ang gagawin, hindi ako naging masunurin. Tumitig ako sa computer, paiba-iba ang iniisip, hindi ko magawang pakalmahin ang puso ko.
Nang sumunod na hapon, nang makita ko ang superbisor na lumabas para sa isa pang pulong, partikular na nainggit ako, iniisip na, “Magandang maging isang superbisor. Hindi lamang siya madalas na nakikipagpulong sa mga lider at nakakaunawa ng maraming katotohanan, kundi naisasagawa rin niya ang paglutas sa mga problema sa iba’t ibang grupo gamit ang katotohanan. Bawat araw ay may mga nakakamit siya, at napakabilis na sumusulong ng buhay niya! Pinapanatili ako sa loob ng bahay ng tungkulin ko, na kung saan ay ligtas, pero dahil sa mas kakaunting pagtitipon, paano ko makakamit ang mga katotohanan?” Hindi ko maiwasang magkaroon ng mga reklamo at ayaw kong ipagpatuloy ang tungkuling ito. Pero naisip ko ang sinabi ng superbisor na mahirap makahanap ng mga tauhan para sa gawaing nakabatay sa teksto. Kung sasabihin kong ayaw kong gawin ang tungkuling ito, hindi ba’t lilikha iyon ng suliranin sa iglesia? Kaya, wala akong magagawa kundi manatili. Bagama’t patuloy akong gumagawa, sa puso ko ay wala akong nadamang pagpapahalaga sa pasanin. Sa sumunod na dalawang araw, palaging namamatay ang computer ko, at sinabayan pa ng kawalan ko ng dedikasyon sa mga tungkulin ko, naantala ang gawain. Pinaalalahanan ako ng superbisor na huwag lang tumingin sa mga panlabas na kadahilanan kundi pagnilayan ang sarili kong kalagayan. Kaya, ibinahagi ko sa superbisor ang ibinunyag ko kamakailan lang. Tinanong ng superbisor, “Hinanap mo ba ang katotohanan para lutasin ang kalagayan mo? Hindi mo hinahanap ang katotohanan para lutasin ang katiwaliang ibinunyag mo. Hindi ka natututo sa mga aral na nasa harap mo na mismo. Inaakala mo bang matutulungan ka ng pagbabago ng tungkulin mo para matutuhan ang mga iyon?” Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi ng superbisor. Talagang tama ang sinabi niya. Dapat akong tumuon sa pagkatuto sa mga aral mula sa mga usaping naririyan na at sa paghahanap ng katotohanan para lutasin ang katiwalian ko.
Kalaunan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa loob ng mga salita ng Diyos ay ang mga katotohanang kailangang taglayin ng tao, mga bagay na lubhang kapaki-pakinabang at nakakatulong sa sangkatauhan, ito ang pampalakas at panustos na kailangan ng inyong katawan, mga bagay na tumutulong sa panunumbalik ng normal na pagkatao ng tao, at ang mga katotohanan na dapat taglayin ng tao. Habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, lalong bumibilis ang pamumukadkad ng inyong buhay, at lalong lumilinaw ang katotohanan. Habang lumalago ang inyong tayog, makikita ninyo nang mas malinaw ang mga bagay ng espirituwal na mundo, at lalo kayong lalakas upang magtagumpay laban kay Satanas. Karamihan sa katotohanang hindi ninyo nauunawaan ay lilinaw kapag isinasagawa ninyo ang salita ng Diyos. Karamihan sa mga tao ay nasisiyahan na maunawaan lamang ang teksto ng salita ng Diyos at magtuon sa pagsasangkap sa kanilang sarili ng mga doktrina sa halip na palalimin ang kanilang karanasan sa pagsasagawa, ngunit hindi ba iyon ang paraan ng mga Pariseo? Kung ginagawa nila ito makakamit ba nila ang realidad ng pariralang ‘Ang salita ng Diyos ay buhay’? Hindi makalalago ang buhay ng isang tao sa pagbabasa lamang ng salita ng Diyos, kundi kapag isinasagawa lamang niya ang salita ng Diyos. Kung ang paniniwala mo ay na ang pag-unawa lamang sa salita ng Diyos ang kailangan upang magkaroon ng buhay at tayog, may depekto ang pang-unawa mo. Nangyayari ang tunay na pagkaunawa sa salita ng Diyos kapag isinasagawa mo ang katotohanan, at kailangan mong maunawaan na ‘sa pagsasagawa lamang ng katotohanan ito maaaring maunawaan.’ Sa araw na ito, matapos basahin ang salita ng Diyos, masasabi mo lamang na alam mo ang salita ng Diyos, ngunit hindi mo masasabi na nauunawaan mo ito. Sinasabi ng ilan na dapat munang maunawaan ng isang tao ang katotohanan bago niya ito maisagawa, ngunit medyo tama lamang ito, at walang dudang hindi ganap na tumpak. Bago ka magkaroon ng kaalaman tungkol sa isang katotohanan, hindi mo pa nararanasan ang katotohanang iyon. Ang pakiramdam na nauunawaan mo ang isang bagay na naririnig mo sa isang sermon ay hindi tunay na pagkaunawa—pagtataglay lamang ito ng literal na mga salita ng katotohanan, at hindi kagaya ng pagkaunawa sa tunay na kahulugan niyon. Hindi dahil mayroon kang malalim na kaalaman tungkol sa katotohanan ay talagang nauunawaan mo na iyon o may kaalaman ka na tungkol doon; ang tunay na kahulugan ng katotohanan ay nanggagaling mula sa pagdanas nito. Samakatwid, kapag naranasan mo na ang katotohanan, saka mo lamang ito mauunawaan, at saka mo lamang mauunawaan ang mga natatagong bahagi nito. Ang pagpapalalim ng iyong karanasan ang tanging paraan upang maunawaan ang mga natatagong kahulugan at ang diwa ng katotohanan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Sandaling Maunawaan Ninyo ang Katotohanan, Dapat Ninyo Itong Isagawa). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na ang tunay na pagkaunawa sa katotohanan ay nangangailangan ng pagsasagawa at pagpasok dito sa tunay na buhay, at ang mga tumutuon lamang sa pagsasagawa ang may kakayahang makaunawa ng diwa ng katotohanan. Kung babasahin lamang ng isang tao ang mga salita ng Diyos o makikinig sa pagbabahaginan ng iba nang hindi pinagtutuunan ang pagsasagawa o pagpasok sa mga iyon, kaya lang niyang maunawaan ang mga doktrina, at hindi tunay na maunawaan ang katotohanan. Naisip ko ang dalawang lider na nakilala ko dati. Gumawa sila mula bukang-liwayway hanggang dapit-hapon, kung saan-saan nagdaos ng mga pagtitipon at pagbabahaginan kasama ang mga kapatid. Marami silang binasang mga salita ng Diyos at dumalo sa maraming pagtitipon kasama ang mga mas nakatataas na lider. Bagama’t naunawaan nila ang maraming salita at doktrina, hindi sila tumuon sa pagsusuri sa kanilang sariling ibinunyag na katiwalian o sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Ang isa sa mga lider ay palaging nagtataas at nagpapatotoo sa sarili niya, dinadala sa harap niya ang mga kapatid, at kalaunan ay naging isang anticristo siya. Ang isa pang lider ay nahumaling sa katayuan, at pinahirapan niya ang sinumang hindi nagpasakop sa kanya o ang nagbigay ng mga mungkahi sa kanya, at kalaunan ay pinatalsik siya sa iglesia dahil sa marami niyang masasamang gawa. Gayumpaman, may ilang kapatid na may mga tungkulin na hindi sentro ng atensyon at kinasangkutan ng limitadong pakikipag-ugnayan sa iba, pero tumuon sila sa pagninilay at pagkilala sa kanilang sarili ayon sa mga salita ng Diyos, at lumago ang buhay nila paglipas ng panahon. Sumulat pa nga ang ilan ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan. Naisip ko rin si Pedro mula sa Kapanahunan ng Biyaya. Marami siyang narinig na sermon mula sa Panginoong Jesus, pero hindi siya nakontento na marinig lang ang mga iyon. Madalas niyang pinagnilayan ang mga salita ng Panginoon at tumuon sa pagsasagawa sa mga iyon sa pang-araw-araw na buhay. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng katotohanan, natanggap niya ang kaliwanagan at gabay ng Diyos, at sa pamamagitan ng unti-unting pagdanas nang ganito, naging buhay niya ang katotohanan, at nakamit niya ang realidad ng pagiging mapagpasakop sa Diyos, may-takot sa Diyos, at minamahal ang Diyos. Gayundin, sa ngayon ay marami na akong narinig na mga salita ng Diyos, at maraming sermon at pagbabahaginan sa buhay pagpasok, pero dahil hindi ko pa hinangad ang katotohanan, o pinagtuunan ang pagninilay sa sarili ko kapag nangyari ang mga bagay, at madalang kong hinanap ang katotohanan habang ginagawa ang mga bagay, kakaunti ang mga nakakamit ko. Mula rito, nakita ko na ang pagtutuon lamang sa pagsasangkap ng mga doktrina sa sarili, gaano man nakakaunawa ang isang tao, ay hindi ibig sabihin na nauunawaan niya ang katotohanan. Naisip ko kung paanong dati ay madalas kong binabasa ang tungkol sa katotohanan ng pagpapasakop sa Diyos, at naunawaan ko na sa lahat ng sitwasyon, dapat akong kumapit nang mahigpit sa tungkulin ko at magpasakop sa pamamatnugot at mga pagsasaayos ng Diyos, pero noong hindi tumugma sa mga kuru-kuro ko ang kapaligirang inilatag ng Diyos, nakita ko na wala akong realidad ng pagpapasakop. Dahil iniisip ko na hindi naaayon sa mga pagnanais ko ang tungkuling ito, nakaramdam ako ng paglaban dito at ayaw kong magpasakop. Nakita ko na gaano man karaming pagbabahaginan ang pinakinggan ko, hindi ibig sabihin nito na naunawaan o nakamit ko na ang katotohanan. Ang naunawaan ko ay mga salita at doktrina lamang, at kung hindi ako tutuon sa pagsasagawa ng katotohanan, hindi ko pa rin ito tunay na makakamit, ni mababago ang buhay disposisyon ko.
Nagpatuloy akong maghanap batay sa kalagayan ko at nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, na nagsasabing: “Ang pagbabago ng isang tiwaling disposisyon ay hindi nangyayari sa isang kisapmata lang. Ang isang tao ay dapat na patuloy na magnilay sa at magsuri ng sarili sa lahat ng bagay. Dapat nilang suriin ang kanilang mga kilos at pag-uugali ayon sa mga salita ng Diyos, subukang maintindihan ang kanilang sarili, at hanapin ang landas ng pagsasagawa ng katotohanan. Ito ang paraan para masolusyunan ang isang tiwaling disposisyon. Kinakailangan na pagnilayan at tuklasin ang mga tiwaling disposisyon na nabubunyag sa pang-araw-araw na buhay, na magsagawa ng paghihimay at pagkilatis batay sa pag-unawa ng isang tao sa katotohanan, at na unti-unting makalampas, nang sa gayon ay makapagsagawa ang isang tao ng katotohanan at maiayon ang lahat ng kilos sa katotohanan. Sa pamamagitan ng gayong paghahangad, pagsasagawa, at pag-unawa sa sarili, ang mga pagbubunyag ng katiwaliang ito ay nagsisimulang mabawasan, at may pag-asang magbago kalaunan ang disposisyon ng isang tao. Ito ang landas. Ang pagbabago ng disposisyon ng isang tao ay usapin ng paglago nila sa kanilang buhay. Kailangang maunawaan ng isang tao ang katotohanan at maisagawa ito. Sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa ng katotohanan nila matutugunan ang suliranin ng isang tiwaling disposisyon. Kung ang isang tiwaling disposisyon ay patuloy na naibubunyag, hanggang sa punto na naibubunyag ito sa bawat kilos at salita, nangangahulugan ito na ang disposisyon ng isang tao ay hindi pa nagbabago. Anumang mga bagay na may kaugnayan sa isang tiwaling disposisyon ay dapat na taimtim na himayin at tuklasin. Dapat hanapin ng isang tao ang katotohanan para matuklasan at matugunan ang mga ugat ng isang tiwaling disposisyon. Ito lang ang natatanging paraan para ganap na malutas ang suliranin ng isang tiwaling disposisyon. Kapag natagpuan mo na ang landas na ito, mayroon nang pag-asa para sa pagbabago ng iyong disposisyon. Hindi ito mababaw na mga bagay lamang; may kinalaman ang mga ito sa totoong buhay. Ang susi ay kung kaya ng mga tao na buong puso at buong sigasig na mailapat ang kanilang sarili sa mga katotohanang realidad, at kung kaya nilang isagawa ang katotohanan. Hangga’t kaya nilang isagawa ang katotohanan, unti-unti ay magagawa nilang iwaksi ang kanilang tiwaling disposisyon. Pagkatapos ay umaasal sila nang ayon sa mga hinihingi ng Diyos—sa madaling salita, kaya nilang umasal nang ayon sa kanilang kinalalagyan. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanilang puwesto, paninindigan sa kanilang tungkulin bilang isang nilikha, at pagiging isang taong tunay na sumasamba at nagpapasakop sa Diyos, sila ay sasang-ayunan ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Ginawang napakalinaw ng mga salita ng Diyos na bawat araw ay nabubunyag ang mga tiwaling disposisyon ng tao. Sa bawat bagay at bawat salitang nabigkas, maaaring may mga nakahalong tiwaling disposisyon at maling kaisipan at pananaw. Kailangang hanapin ng mga tao ang katotohanan para makilala at malutas ang mga isyung ito. Sa huli, kung makakamit ba ng isang tao ang katotohanan at matatamo ang isang pagbabago sa disposisyon ay nakadepende kung hinahangad at isinasagawa ba ng isang tao ang katotohanan. Hindi ibig sabihin na mas maraming tao ang nakakaugnayan mo, mas marami kang ibubunyag na katiwalian, o na kung hindi ka lumalabas at nakikipag-ugnayan sa mas kakaunting tao, kakaunting katiwalian ang ibubunyag mo. Ito ang sarili kong kuru-kuro at imahinasyon dati. Sa realidad, kahit na may tungkulin ang isang tao na kinasasangkutan ng kaunting pakikipag-ugnayan sa iba, basta’t dinadala niya ang isang pasanin para sa sarili niyang buhay pagpasok, nagbibigay-pansin sa mga pananaw at kaisipang nabubunyag sa bawat bagay, maingat na sinusuri ang mga iyon, at hinahanap ang katotohanan sa takdang panahon para lutasin ang anumang katiwaliang natuklasan, makakamit pa rin niya ang katotohanan at mararanasan ang pagbabago. Sa pag-iisip ko tungkol sa sarili ko, bagama’t may kakaunting pakikipag-ugnayan sa mga tao ang kasalukuyan kong tungkulin, nagbunyag pa rin ako ng maraming katiwalian sa gawain ko. Minsan, kapag abala sa gawain at kailangang magpuyat kami, nag-alala ako na baka sobrang mapagod ang mga mata ko dahil sa maliit na problema sa aking mata, takot na kung magkaproblema sa mata ko, hindi ko na magagawang gampanan ang tungkulin ko at hindi na ako maliligtas, kaya nagpakatamad ako at nag-antala ng gawain. Sa ibang mga pagkakataon, naging pabaya ako sa tungkulin ko, hindi sinusuri ang mga detalye ng gawain ko, na nagresulta sa pag-uulit nito at mga pagkaantala sa pag-usad ng gawain. Nakita kong malala ang pangit kong kalikasan. Naalala ko rin na dati, noong may isa akong tungkulin na kinasasangkutan ng pakikipagkita sa mga tao at araw-araw na pagdalo sa mga pagpupulong, bagama’t nagbunyag ako ng maraming katiwalian, ginamit ko ang pagiging abala sa mga tungkulin bilang pagdadahilan para iwasan ang pagninilay sa sarili ko, bihira kong hinahanap ang katotohanan para lutasin ang katiwalian ko. Nagdaan na ako sa maraming karanasan at nagbunyag ng maraming katiwalian, pero hindi pa ako nagkamit ng maraming katotohanan. Ngayon, sa paggawa ko sa tungkuling nakabatay sa teksto, bawat araw ay abala akong nakatuon sa pagtapos sa mga bagay-bagay, bihira akong lumalapit sa Diyos para pagnilayan ang katiwalian ko. Bukod sa paggawa ng tungkulin ko, madalas na nasa kalagayan ng kahungkagan ang isip ko, o kaya iniisip ko ang makalamang kasiyahan, pagmamahal sa pamilya, kasikatan, at katayuan—lahat ng bagay na walang kinalaman sa katotohanan. Walang pag-usad sa buhay pagpasok ko. Nakita ko na ang pagkamit sa katotohanan ay hindi nakadepende sa tungkuling ginagawa ng isang tao. Ang susi ay kung nakatuon ba siya sa pagninilay sa sarili, at kung seryoso ba siyang nagsisikap para lutasin ang nabunyag niyang katiwalian. Kung hindi niya hinanap ang katotohanan at pinagnilayan ang sarili niya, kung gayon, kahit pa maging isang superbisor siya, hindi niya makakamit ang katotohanan at hindi siya maliligtas. Sa pagharap ko sa mga katunayang ito, nakita ko kung gaano katawa-tawa at mali ang mga pananaw ko! Dahil hindi ko naunawaan ang katotohanan, tiningnan ko ang mga bagay mula sa mga nakalilinlang na pananaw, palaging gustong abandonahin ang tungkuling ito at hindi nagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Hindi ko rin buong pusong ginawa ang tungkulin ko, at kung nagpatuloy ako nang ganito, maaantala lamang nito ang gawain at itataboy ako ng Diyos. Natukoy ko kung paanong napakahalaga na magkaroon ng tamang mga kaisipan at pananaw kapag hinahangad ang katotohanan. Nang maunawaan ko ito, hindi na ako mapili sa tungkulin ko, kundi handa ko nang samantalahin ang kasalukuyang pagkakataon para gawin ang tungkulin ko, bigyan-pansing mabuti ang mga kaisipan at pananaw ko kapag nangyari ang bagay-bagay, at hanapin ang katotohanan para lutasin kaagad ang mga iyon.
Sa pagninilay ko, napagtanto ko na ang aking kawalan ng kakayahang magpasakop para gawin ang kasalukuyan kong tungkulin ay hindi lamang dahil sa aking mga nakalilinlang na pananaw kundi sa pagnanais ko ring magkamit ng mga pagpapala. Inakala ko na, sa paggawa sa tungkuling ito, magkakamit ako ng mas kaunting katotohanan, na ibig sabihin ay mababa ang pag-asa ko sa mga pagpapala, kaya ayaw kong gawin ang tungkuling ito. Nakita ko na mali ang intensyon ko sa pananampalataya sa Diyos at sa paggawa ng mga tungkulin. Binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Nananampalataya ang mga tao sa Diyos upang pagpalain, magantimpalaan, at makoronahan. Hindi ba’t may ganito sa puso ng lahat? Totoo na mayroon nga. Bagama’t hindi ito madalas tinatalakay ng mga tao, at pinagtatakpan pa nga ang kanilang motibo at hangaring magtamo ng mga pagpapala, ang paghahangad at motibong ito sa kaibuturan ng puso ng mga tao ay hindi matinag-tinag noon pa man. Gaano man karaming espirituwal na teorya ang nauunawaan ng mga tao, anumang kaalaman na batay sa karanasan ang mayroon sila, anumang tungkulin ang kaya nilang gampanan, gaano mang pagdurusa ang tinitiis nila, o gaano man ang halagang binabayaran nila, hinding-hindi nila binibitawan ang motibasyon para sa mga pagpapala na nakatago sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at laging tahimik na nagpapakapagod para dito. Hindi ba’t ito ang bagay na nakabaon sa pinakakaibuturan ng puso ng mga tao? Kung wala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala, ano ang mararamdaman ninyo? Sa anong saloobin ninyo gagampanan ang inyong tungkulin at susundan ang Diyos? Ano kaya ang mangyayari sa mga tao kung mawawala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala na nakatago sa kanilang puso? Posible na magiging negatibo ang maraming tao, samantalang ang ilan ay mawawalan ng gana sa kanilang mga tungkulin. Mawawalan sila ng interes sa kanilang pananampalataya sa Diyos, na para bang naglaho ang kanilang kaluluwa. Magmumukha silang inalisan ng kanilang puso. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang motibasyon para sa mga pagpapala ay isang bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso ng mga tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang kalagayan ko. Sa pananampalataya sa Diyos, pagtalikod sa mga bagay-bagay, paggugol sa aking sarili, at pagsisikap, ang naging layunin ko lang ay ang tumanggap ng mga pagpapala. Kung hindi ako makakatanggap ng mga pagpapala, nawawala ang motibasyon kong gawin ang tungkulin ko, at wala akong kasigasigan sa lahat ng bagay. Magmula noong una akong manampalataya sa Diyos, lagi akong masigasig sa paggawa ng tungkulin ko, isinuko ang trabaho at buhay may-asawa ko, at handa akong magdusa at magbayad ng halaga sa tungkulin ko. Noong itinalaga ako sa tungkuling ito na nakabatay sa teksto, naisip kong ang tungkuling ito ay kinasasangkutan ng kaunting mga pagtitipon sa labas at mas kaunting pagkakataong magkamit ng katotohanan, na hahadlang sa kaligtasan ko. Kaya ginusto kong bigyan ako ng superbisor ng ibang tungkulin, at nagreklamo ako na hindi angkop ang tungkuling itinalaga sa akin. Nagsimula akong maging pabaya sa paggawa ng tungkulin ko, nagpakatamad at inantala ang gawain. Nakita ko na naudyukan ng pagnanais ko para sa mga pagpapala ang mga sakripisyo at pagsisikap ko sa paggawa ng mga tungkulin ko. Sa pananalig ko, isinaalang-alang ko lamang ang sarili kong mga interes, tinatrato ang tungkulin ko bilang pamamaraan para magkamit ng mga pagpapala. Kung mukhang kapaki-pakinabang ang isang tungkulin para makamit ko ang mga pagpapala, masigasig akong nakikipagtulungan; kung hindi naman, nagiging negatibo at mapanlaban ako. Hindi ako naghangad para magpasakop at paluguran ang Diyos, ni hindi ko ginagawa ang tungkulin ko bilang isang nilikha na may sinseridad sa Diyos. Hahantong lang sa pagkasuklam ng Diyos ang paghahangad sa ganitong paraan at sa huli ay pagtitiwalag Niya. Dapat kong sundin ang mga pagsasaayos ng iglesia, masigasig at may konsensiyang gawin ang mga tungkulin ko, pagtuunan ang pagninilay sa sarili ko sa lahat ng bagay para matutuhan ang mga aral, at hangarin ang isang pagbabago sa disposisyon.
Sa mga sumunod na araw, nagtuon ako sa pagkatuto ng mga aral mula sa mga bagay na nakakaharap ko. Ang kapatid sa tinutuluyan kong bahay ay masigasig sa paggawa ng tungkulin niya pero hindi masyadong nagbigay-pansin sa buhay pagpasok. Noon, tinulungan ko siya nang may mabubuting layunin, palagi kong sinusubukang makilala niya ang sarili niya sa mga bagay na nangyayari, na humantong sa paglaban at pagkasuklam niya. Pakiramdam ko ay naagrabyado ako, nagtataka ako kung bakit hindi napapahalagahan ang mabubuting layunin ko. Sa pamamagitan ng pagninilay ko, napagtanto ko na may mayabang akong disposisyon at pinipilit ko ang iba na makinig sa akin. Gayundin, wala akong mga prinsipyo sa pagtulong sa iba. Kalaunan, nabasa ko ang “Ang mga Prinsipyo sa Pagtulong sa Iba Nang may Pagmamahal,” at naunawaan ko na ang pagtulong sa iba, kahit papaano ay hindi dapat maging dahilan para matisod sila kundi makinabang sila, at na dapat kong tratuhin ang iba ayon sa kanilang tayog, matiyaga at mabait silang ginagabayan nang hindi sila pinipilit na tanggapin ang mga pananaw ko. Bukod doon, noong nakaraan, maraming kapatid ang pumunta sa ibang bayan para mangaral ng ebanghelyo. Hindi ako makapunta dahil sa ilang dahilan, at nakaramdam ako ng pagkanegatibo at pinanghinaan ng loob, nagrereklamo kung bakit pinahintulutan ng Diyos na mangyari ito sa akin. Kalaunan, tumuon ako sa paghahanap ng katotohanan, at sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagninilay sa sarili, natukoy ko ang mga nakalilinlang kong pananaw at ang intensyon kong hanapin ang mga pagpapala. Inakala kong ang pagpunta sa ibang bayan para gawin ang mga tungkulin ay magbibigay ng mas maraming pagkakataon para magsagawa, at magkagayon ay mas malaking pag-asa para makamit ang katotohanan at kaligtasan. Noong hindi natugunan ang layong ito, naging negatibo at nagreklamo ako. Napagtanto ko na bilang isang nilikha, dapat akong magpasakop sa pamamatnugot at mga pagsasaayos ng Lumikha, at naunawaan ko na kung makakamit ba ng isang tao ang katotohanan o hindi ay nakadepende kung nagsisikap ba siya at nagbabayad ng halaga para sa katotohanan, hindi sa kung saan niya ginagawa ang kanyang tungkulin. Dapat akong kumapit nang mahigpit sa tungkulin ko, hangarin ang katotohanan at matuto ng mga aral sa kasalukuyang kapaligiran ko, at gawin nang maayos ang tungkulin ko. Ito ang dapat kong hangarin.
Sa pagninilay ko sa mga karanasan ko sa panahong ito, naunawaan ko na sa pananampalataya sa Diyos, kung makakamit ng isang tao ang katotohanan ay hindi nakadepende sa kung anong tungkulin ang ginagawa niya, kundi kung minamahal at isinasagawa ba niya ang katotohanan. Kung seryoso ang isang tao sa mga pang-araw-araw na bagay na nangyayari, tumutuon siya sa pagninilay sa kanyang katiwalian at paghahangad sa katotohanan upang lutasin ito, nagsisikap para sa pagbabago sa disposisyon, magkakamit siya ng ilang pakinabang sa bawat araw. Ngayon, hindi ko na nilalabanan ang paggawa sa tungkuling batay sa teksto at kaya ko nang magpasakop. Gusto ko ring pahalagahan ang tungkuling ito at magsikap sa paghahangad sa katotohanan.