Isang Masakit na Aral na Natutunan Mula sa Pagiging Tuso at Mapanlinlang

Abril 23, 2023

Ni Mariana, Italya

Noong 2020, nagdidisenyo ako sa iglesia, karaniwan ay drafting. Pagkaraan ng ilang panahon, nakita kong mas mabagal ang drafting kaysa sa ibang gawain. Pinangangasiwaan din ng superbisor ko ang iba pang gawain, kaya hindi niya nasusubaybayan nang husto iyong sa amin. Nagsimula na akong tamarin. Walang nag-aapura sa akin, kaya ginagampanan ko lang ang nakagawiang mga tungkulin. Naisip ko na basta’t hindi ako nakatunganga at nakatatapos ako ng ilang drawing sa araw-araw, ayos na iyon. Tutal, maluwag lang ang trabahong ito. Hindi ko ito kailangang madaliin o pahirapan pa ang sarili ko. Mahusay ako sa drafting; pamilyar ako sa lahat ng prinsipyo at propesyonal na kasanayan. Kaya akala ko na siguradong mananatili ako sa tungkuling iyon, at maliligtas ako sa huli. Sa ganoong uri ng pananaw, wala akong anumang pang-araw-araw na mga layon o plano sa aking tungkulin. Ginawa ko lang ang makakaya ko at ayos lang sa akin gaano man karami ang natapos ko. Hindi ako kailanman nagmukhang nakatunganga lang, pero napakaluwag ng pakiramdam ko. Kapag gumuguhit ako, nahihirapan talaga akong magpokus. Tinitingnan ko agad ang anumang mensaheng lumalabas sa chat, sinasagot at inaasikaso ang mga bagay, nang hindi alintana kung mahalaga o apurahan ba iyon. Nag-aaksaya ako ng maraming oras nang hindi ko namamalayan. Minsan mayroon kaming mga pagtitipon sa umaga, at kung ginamit ko nang mabuti ang oras ko nung araw na iyon, makatatapos ako ng tatlong drawing, pero talagang nakakampante ako pagkatapos makagawa ng isa, iniisip na dahil tumagal nang kalahating araw ang pagtitipon sa umaga, sapat na ang dalawang drawing. Kaya’t nagmamabagal ako at dalawa lang ang tinapos. Hindi lang iyon, ginagamit ko ang bakanteng oras ko sa panonood ng balita. Hindi ko iniisip ang tungkol sa aking buhay pagpasok o isinasaalang-alang kung anong mga problema ang maaaring mayroon sa tungkulin ko. Noong panahong iyon, nagpapakapagod lang ako sa tungkulin ko, hindi ako nakatuon sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos o sa pagninilay sa sarili. Nagpakita ako ng katiwalian pero hindi hinanap ang katotohanan para lutasin ito. Naisip kong wala akong kahit anumang partikular na paghihirap sa aking mga propesyonal na kasanayan at nakatapos ako ng sapat na bilang ng mga disenyo, kaya maayos naman ang paggawa ko sa tungkulin ko.

Padami nang padami ang trabaho, pero masyado kaming mabagal sa pagguhit, kaya tumambak ang mga trabaho. May isang disenyo na talagang tumagal nang isang buong buwan. Nang malaman ito ng superbisor at sinuri ang aming pang-araw-araw na nagagawa, napagtanto niya kung gaano kababa ang aming pagiging produktibo, at talagang malupit kaming pinungusan dahil sa pagiging tamad at pabaya sa aming tungkulin. Sinabi niyang wala kaming pagmamadali kahit na nakikita namin kung gaano naantala ang trabaho, at walang nag-ulat nito, at na naging pabaya kami, hindi nagdala ng pasanin, at nagmabagal sa aming tungkulin, na isang hadlang sa gawain ng ebanghelyo. Nagulat talaga ako nang marinig ko na sinabi iyon ng superbisor. Madalas na pakiramdam ko ay napakaabala ko at marami akong nagawa, kaya’t bakit sobrang kaunti nito noong binigyan ng seryosong pansin? Hindi ba’t ginawa ako nitong isang linta na nanghuhuthot sa iglesia? Matatanggal at matitiwalag ako kung magpapatuloy iyon. Pagkatapos niyon, sa ilalim ng pangangasiwa ng superbisor, medyo bumuti ang kahusayan ko sa aking tungkulin. Pero nabalisa ako nang makita ko ang lahat ng nakabinbing disenyo. Partikular na mas naging mahigpit sa pagsubaybay sa trabaho ko ang superbisor. Minsan, detalyado siya kung magtanong at sinusuri kung saan kami nahihirapan. Nang mapansin niyang gumagawa kami sa pabasta-bastang paraan, mas naging malupit ang tono niya sa amin. Nainis ako. Madali para sa kanyang manghusga, pero sobrang-sobra ang hinihingi niya. Akala ba niya ay madali lang gawin ang mga disenyong iyon? Nagsusumikap na ako nang husto. Puwede siyang humingi nang labis hanggang gusto niya, pero hindi ako superhuman! Nasa kalagayan ako ng paglaban, kaya hindi maluwag sa kalooban ko na maghirap pa o magbayad ng halaga. Ang mabababaw kong pagsisikap na magmadali ay para lang may maipakita sa superbisor. Natakot akong maiwasto ako kung napakabagal ko. Para akong napipilitang kumilos at pagod na pagod ako araw-araw. Madalas akong nagpapantasya kung gaano kasaya kung magagawa ko ang lahat ng drawing sa isang iglap, at kinainggitan ko pa nga ang ibang kapatid, iniisip na napakaluwag ng kanilang mga tungkulin, hindi tulad ng sa akin, na walang katapusang disenyo ang gagawin araw-araw. Sobrang nakababagot at nakapapagod nito, at mapupungusan ako kung mabagal akong magtrabaho. Inisip kong walang kabuluhan ang trabahong iyon. Dahil wala ako sa tamang kalagayan, ilang panahon akong palaging inaantok. Nakakatulog ako nang husto sa gabi, pero sa araw ay aantok-antok ako. Kinailangan kong mag-ipon ng lakas para gawin ang mga disenyo. Pagkatapos niyon, napansin kong may mga isyu sa gawain nung dalawang kapatid na katrabaho ko. Ang isa sa kanila ay hindi naunawaan ang mga prinsipyo at ang kanyang paghahanap ng mali sa maliliit na isyu ay nakaantala sa pag-usad namin. Ang isa naman ay palagi lang iniraraos ang gawain, pero kaswal ko lang na binanggit ang mga bagay na ito nang hindi ito sinubaybayan o sinabi sa lider namin. Sa huli ay nalaman ng lider ng aming grupo ang mga isyu na ito at inasikaso ang mga ito, pero sa sandaling iyon ay naantala na ang aming gawain.

Isang araw, di-inaasahang hinanap ako ng lider at sinabing, “Nagiging pabasta-basta ka, tuso, at iresponsable sa tungkulin mo. Nagsisikap ka lang kapag may nang-uudyok sa iyo. Hindi mo talaga ginugugol ang sarili mo para sa Diyos. Base sa pag-uugali mo, tanggal ka na. Puwede kang magpart-time sa pagdidisenyo, pero kung wala kang pagsisisi, hindi ka kakailanganin sa hinaharap.” Hindi ako nakaimik sa pagbubunyag sa akin ng aming lider. Ganoon nga ang ginawa ko sa tungkulin ko, pero napakabiglaan ng sitwasyong iyon para sa akin. Hindi ko matanggap kaagad ang katunayang iyon. Inaamin kong naantala ko ang gawain ng iglesia at nakapagdulot iyon ng aktuwal na pinsala. Talagang naging miserable ako at napuno ng panghihinayang at paninisi sa sarili, at nadama kong hindi nalalabag ng tao ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Kapag tinitingnan ng Diyos ang isang tao, hindi Niya tinitingnan kung gaano ito kahusay magpakita ng mabuting asal o kung gaano ito kamukhang abala. Tinitingnan Niya ang saloobin nito sa katotohanan at sa tungkulin nito. Ngunit talagang naging pabaya ako sa tungkulin ko, gumagawa lang ng pabasta-bastang pagsisikap at nagmamabagal, at palagi akong kailangang pilitin ng iba. Hindi ako nagbago matapos akong mapungusan at kinasuklaman ako ng Diyos noon pa man. Ang pagkatanggal sa akin ay pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos. Sarili ko lang ang dapat sisihin—ako ang may gawa ng nangyayari sa akin. Naramdaman kong handa na akong magpasakop at tunay na magnilay sa aking sarili at magsisi upang makabawi sa mga paglabag ko noon. Pero ang bagay na hindi ko maunawaan ay noong una, gusto kong paghusayan ang trabaho, kaya bakit naging ganoon ang paggawa ko sa tungkulin ko? Ano ang dahilan nun? Sa kalituhan ko, nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyang-liwanag ako na maunawaan ang aking isyu.

Pagkatapos ay minsang nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos sa aking mga debosyonal: “Kung gagawin ninyo ang inyong tungkulin nang maingat at responsable, hindi man lang aabutin ng lima o anim na taon bago ninyo magagawang magkuwento ng inyong mga karanasan at magpatotoo sa Diyos, at ang iba’t ibang gawain ay napakaepektibong maisasakatuparan—pero ayaw ninyong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, ni ayaw ninyong pagsikapang alamin ang katotohanan. May ilang bagay na hindi ninyo alam kung paano gawin, kaya’t binibigyan Ko kayo ng mga tiyak na tagubilin. Hindi ninyo kailangang mag-isip, kailangan niyo lamang makinig at isagawa iyon. Iyan lang ang katiting na responsabilidad na dapat ninyong akuin—ngunit kahit iyan ay lampas sa inyo. Nasaan ang inyong katapatan? Hindi ito makita kahit saan! Ang tanging ginagawa ninyo ay magsabi ng mga bagay na masarap pakinggan. Sa puso ninyo, alam ninyo ang dapat ninyong gawin, pero hindi lang ninyo isinasagawa ang katotohanan. Ito ay pagsuway sa Diyos, at ang ugat nito ay kawalan ng pagmamahal sa katotohanan. Alam na alam ninyo sa puso ninyo kung paano kumilos alinsunod sa katotohanan—hindi lang talaga ninyo isinasagawa ito. Malubhang problema ito; nakatitig kayo sa katotohanan nang hindi ito isinasagawa. Hindi talaga kayo isang taong nagpapasakop sa Diyos. Para gumanap ng tungkulin sa sambahayan ng Diyos, dapat ninyong hanapin at isagawa man lang ang katotohanan at kumilos ayon sa mga prinsipyo. Kung hindi mo naisasagawa ang katotohanan sa iyong pagganap sa tungkulin, saan mo ito maaaring isagawa? At kung hindi mo isinasagawa ang anuman sa katotohanan, isa kang hindi mananampalataya. Ano ba talaga ang layon mo, kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan—lalo nang hindi mo isinasagawa ang katotohanan—at kumikilos lang nang pabaya sa sambahayan ng Diyos? Nais mo bang gawing tahanan mo ng pagreretiro ang sambahayan ng Diyos, o isang bahay-kawanggawa? Kung oo, nagkakamali ka—ang sambahayan ng Diyos ay hindi nag-aalaga ng mga mapagsamantala, ng mga walang silbi. Sinumang masama ang pagkatao, na hindi masayang gumagampan sa kanyang tungkulin, na hindi akmang gumanap ng isang tungkulin, ay dapat paalisin lahat; lahat ng hindi mananampalataya na hindi talaga tinatanggap ang katotohanan ay dapat itiwalag. Nauunawaan ng ilang tao ang katotohanan pero hindi nila ito maisagawa sa pagganap nila sa kanilang mga tungkulin. Kapag may nakikita silang problema, hindi nila ito nilulutas, at kahit alam nilang responsabilidad nila ito, hindi nila ibinubuhos ang lahat ng makakaya nila. Kung hindi mo man lang isinasakatuparan ang mga responsabilidad na kaya mong gawin, anong halaga o epekto ang maidudulot ng pagganap mo sa inyong tungkulin? Makabuluhan bang manalig sa Diyos sa ganitong paraan? Ang isang taong nakakaunawa ng katotohanan pero hindi ito kayang isagawa, na hindi kayang pasanin ang mga paghihirap na marapat niyang pasanin—ang gayong tao ay hindi angkop na gumanap ng tungkulin. Ang ilang taong gumaganap sa isang tungkulin ay ginagawa lamang iyon para mapakain sila. Sila ay mga pulubi. Iniisip nila na kung gagawa sila ng kaunting gawain sa sambahayan ng Diyos, malilibre na ang kanilang tirahan at pagkain, na tutustusan sila at hindi na nila kailangan pang magtrabaho. Mayroon bang gayong pakikipagtawaran? Hindi tinutustusan ng sambahayan ng Diyos ang mga tamad. Kung ang isang taong hindi man lamang nagsasagawa ng katotohanan, at palaging pabasta-basta sa pagsasagawa ng kanyang tungkulin, ay nagsasabi na naniniwala siya sa Diyos, kikilalanin ba siya ng Diyos? Lahat ng gayong tao ay mga hindi mananampalataya at, ang tingin sa kanila ng Diyos ay mga taong gumagawa ng masama(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Magampanan nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin, Dapat Magtaglay man Lang Siya ng Konsensiya at Katwiran). Habang iniisip ang mga salita ng Diyos, pakiramdam ko ay ibinubunyag Niya ako nang harap-harapan. Inilarawan Niya nang eksakto kung paano ko ginawa ang tungkulin ko. Ginunita ko ang sunod-sunod na nangyari. Nang mapansin kong hindi gaanong kinumusta ng superbisor ang gawain, sinimulan kong samantalahin iyon, naging tuso at mapanlinlang. Hindi ako mukhang nakatunganga lang, pero wala akong gaanong nagawa. Sa bakante kong oras, hindi ko iniisip kung anong mga isyu ang meron sa tungkulin ko o tungkol sa aking pagpasok sa buhay, kundi nanonood ako ng balita dahil sa pagkamausisa—walang anumang wasto sa puso ko. Wala akong kamalay-malay kung paano ko naantala ang pag-usad ng gawain namin. Medyo napabuti ko ang kahusayan ko sa gawain pagkatapos mapungusan ng aming superbisor, pero pinipilit ko ang sarili ko na magsikap para lang hindi ako matanggal. Lumalaban at sumasama ang loob ko sa kanyang pangangasiwa at pamamahala, at naiinis pa nga ako sa paggawa ng tungkulin ko. Pakiramdam ko ay isa itong di-pinahahalagahan at mahirap na trabaho. Alam kong ang isa sa mga kapatid na nakatrabaho ko ay iniraraos lang ang gawain at inaantala ito, pero nagbulag-bulagan ako. Napagtanto kong wala akong pagiging taos-puso sa aking tungkulin. Hindi ko talaga isinasagawa ang katotohanan, o isinasaalang-alang ang mga layunin ng Diyos. Inalala ko lang ang aking pisikal na kaginhawahan at pagpapahinga. Isa akong linta na naghahanap ng libreng pagkain sa iglesia. Wala akong konsensiya o katwiran! Hindi naiiba ang asal ko sa mga hindi mananampalataya na inaalala lang ang kanilang kabusugan at pagkakaroon ng mga pagpapala. Hindi sa ginagawa ko ang aking tungkulin sa ganoong paraan dahil hindi ko nauunawaan ang mga propesyonal na kasanayan o wala akong tamang kasanayan. Iyon ay dahil wala akong pagkatao at hindi ko hinangad ang katotohanan, at dahil ninasa ko ang mga kaginhawahan ng laman. Hindi ako karapat-dapat na gumawa ng tungkulin sa iglesia.

Nabasa ko ang ilang salita ng Diyos sa aking pagninilay sa sarili: “Lahat ng taong hinirang ng Diyos ay nagsasanay na ngayon na gumanap sa kanilang mga tungkulin, at ginagamit ng Diyos ang pagganap ng mga tao sa kanilang tungkulin para gawing perpekto ang isang grupo ng mga tao at itiwalag ang isa pa. Kaya, ang pagganap ng tungkulin ang naglalantad sa bawat uri ng tao, at ang bawat uri ng mapanlinlang na tao, hindi mananampalataya, at masamang tao ay nabubunyag at natitiwalag sa pagganap ng kanilang tungkulin. Ang mga gumaganap nang tapat sa kanilang mga tungkulin ay matatapat na tao; ang mga palaging pabasta-basta ay mapanlinlang, tusong mga tao, at sila ay mga hindi mananampalataya; at yaong mga nagiging dahilan ng mga paggambala at kaguluhan sa paggawa ng kanilang mga tungkulin ay masasamang tao at mga anticristo. … Lahat ng tao ay nabubunyag sa pagganap sa kanilang mga tungkulin—italaga lang ang isang tao sa isang tungkulin, at hindi magtatagal ay mabubunyag kung siya ba ay isang matapat na tao o isang mapanlinlang na tao at kung siya ba ay nagmamahal sa katotohanan o hindi. Iyong mga nagmamahal sa katotohanan ay kayang taos-pusong gampanan ang kanilang mga tungkulin at itaguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos; iyong mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi itinataguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos ni bahagya, at iresponsable sila sa pagganap sa kanilang mga tungkulin. Ito ay agad na malinaw sa mga taong may matalas na pang-unawa. Walang sinumang hindi maayos ang pagganap sa tungkulin ang nagmamahal sa katotohanan o isang matapat na tao; ang mga gayong tao ay lahat mabubunyag at matitiwalag. Para magampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin, dapat magkaroon ng pagpapahalaga sa responsabilidad at pasanin ang mga tao. Sa paraang ito, tiyak na magagawa nang maayos ang gawain. Nakakabahala lang kapag may isang taong walang pagpapahalaga sa pasanin o responsabilidad, kapag kailangan siyang himukin na gawin ang lahat ng bagay, kapag palagi siyang pabasta-basta, at sinusubukan niyang ipasa ang sisi sa iba kapag lumilitaw ang mga problema, na humahantong sa pagkaantala ng kanyang pagpapasya. Kung gayon, magagawa pa rin kaya nang maayos ang gawain? Maaari kayang magbunga ng anumang resulta ang paggampan nila sa kanilang tungkulin? Ayaw nilang gawin ang alinmang gampanin na isinaayos para sa kanila, at kapag nakikita nila ang ibang tao na nangangailangan ng tulong sa gawain, hindi nila pinapansin ang mga ito. Gumagawa lang sila ng kaunting gawain kapag inutusan sila, kapag kinakailangan na talaga nilang kumilos, at wala silang magawa. Hindi ito paggampan sa tungkulin—ito ay may bayad na pagtatrabaho! Ang isang bayarang trabahador ay nagtatrabaho para sa isang amo, gumagawa ng isang araw na trabaho para sa isang araw na sahod, isang oras ng trabaho para sa isang oras na sahod; naghihintay siyang mabayaran. Natatakot siyang gumawa ng anumang trabahong hindi nakikita ng kanyang amo, natatakot siyang hindi mabayaran sa anumang ginagawa niya, nagtatrabaho lamang siya bilang pakitang-tao—na ang ibig sabihin ay wala siyang katapatan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). “Ang manampalataya sa Diyos ay ang tumahak sa tamang landas sa buhay, at kailangang hangarin ng isang tao ang katotohanan. Tungkol ito sa espiritu at buhay, at iba ito sa paghahangad ng mga walang pananampalataya sa kayamanan at kaluwalhatian, sa pagiging sikat magpakailanman. Magkahiwalay ang mga landas na ito. Sa kanilang mga trabaho, iniisip ng mga walang pananampalataya kung paano sila maaaring gumawa ng mas kaunting gawain at kumita ng mas maraming pera, nag-iisip sila ng kung anu-anong panlalansi para kumita nang mas malaki. Buong araw nilang iniisip kung paano yumaman at palaguin ang kayamanan ng kanilang pamilya, at nakaiisip pa nga sila ng mga hindi matinong paraan para makamit ang kanilang mga layon. Ito ang landas ng kasamaan, ang landas ni Satanas, at ito ang landas na tinatahak ng mga walang pananampalataya. Ang landas na tinatahak ng mga mananampalataya sa Diyos ay yaong paghahangad ng katotohanan at pagtatamo ng buhay; ito ang landas ng pagsunod sa Diyos at pagtamo ng katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na ang mga walang pananampalataya ay nagtatrabaho nang may pag-iisip ng isang empleyado. Gusto nila ng mas maraming pera kapalit ng mas kaunting trabaho, o mas maganda pa ngang mabayaran nang walang ginagawa. Kapag may kumukumusta sa gawain nila, nagpapanggap sila at gumagawa ng ilang trabaho, pero tuso at mapanlinlang sila kapag walang nakamasid. Anuman ang lagay ng gawain, wala silang nadaramang matinding pagmamadali basta’t nababayaran sila sa oras. Napagtanto kong ganoong-ganoon ako. Kapag walang anumang kagipitan o paghihirap sa aking tungkulin, kapag hindi ko kailangang magdusa o magbayad ng halaga, pakiramdam ko ay hindi naman ganoon kahirap ang tungkuling iyon. Akala ko na hangga’t hindi ako nakatunganga lang at nakagagawa ako ng ilang gampanin, hindi ako ititiwalag, na magiging karapat-dapat akong manatili sa iglesia at maliligtas ako sa huli, na pareho kong makakamit iyon. Hindi ako mukhang tamad at walang nakikitang mga problema ang iba, pero hindi ko ibinubuhos ang lahat ko—kontento na ako sa kaunting trabaho lang. Pinapasadahan ko ng tingin ang ilang walang kabuluhang impormasyon sa mga natitirang oras, nagbabasa ng mga hindi mahalagang bagay para makahanap ng ilang bagong bagay. Palagi akong nagpapakatamad. Nang maantala ang gawain namin, kumilos ako na parang hindi ito malaking bagay at mahinahong nagpatuloy na gaya ng dati. Nang pungusan at ilantad ako, mas nagsikap ako nang kaunti para hindi mapahiya at matanggal, pero sa sandaling tumaas ang mga pamantayan, lumaban ako at nagreklamo, at gusto kong lumipat sa isang mas madali at mas maluwag na tungkulin. Mukhang ginagawa ko ang aking tungkulin, pero tinatapos ko lang ang isang gampanin para makita ng aking superbisor. Wala akong pagiging taos-puso sa aking tungkulin o sa Diyos. Gusto kong magbayad ng kaunting halaga kapalit ng mga pagpapala ng kaharian ng langit. Pagtatangka iyong makipagtransaksyon sa Diyos. Hindi ko kailanman napagtanto na isa akong taong napakatuso at mapanlinlang. Natamasa ko ang lahat ng ibinigay ng Diyos sa akin at ang pagtustos ng Kanyang mga salita, pero naghanap lang ako ng kariwasaan at ginhawa sa aking tungkulin, ginagawa ang anumang hindi ako magdurusa, nang hindi man lang isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia, o ang apurahang kalooban ng Diyos. Wala akong takot sa Diyos. Paano iyon paggawa ng isang tungkulin? Malinaw na inaantala ko ang gawain ng iglesia, at isa akong oportunistang nagsasamantala sa iglesia. Sa pagninilay ko, napagtanto ko na napakamakasarili at napakakasuklam-suklam ko dahil itinataguyod ko ang mga satanikong pilosopiya tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” “Pagpapakagod para Magtamo ng Katungkulan Alang-alang sa Pagkain at Pananamit,” at “Maigsi ang buhay; magpakasaya habang kaya.” Ang mga bagay na ito ay naging mismong kalikasan ko. Sa pamumuhay ayon sa mga bagay na ito, isinaalang-alang ko lang ang sarili kong mga interes ng laman sa aking mga kilos. Pakiramdam ko, sa buhay natin, kailangan nating maging mabait sa ating sarili, na ang pagpapagod sa ating sarili at labis na pagsusumikap ay hindi sulit. Ang pagiging malaya at maalwan ay maganda, at ang pag-aalala at pagpapakapagod ay hindi kanais-nais na sitwasyon. Palaging ganoon ang saloobin ko sa aking tungkulin, pabasta-basta at tamad, na nauwi sa pagkaantala ng gawain ng iglesia at pagkasira ng sarili kong pagkatao. Isa akong mananampalataya, pero hindi ako nagsasagawa ng mga salita ng Diyos, sa halip ay namumuhay ako ayon sa mga maladiyablong salita ni Satanas, nagiging mas lalong makasarili, tuso, at napakasama. Wala akong pagkatao o dignidad at hindi ako karapat-dapat pagkatiwalaan. Kahit para sa isang walang pananampalataya sa trabaho, kung haharapin nila ang mga bagay-bagay nang may ganoong uri ng oportunistang pag-iisip, maaaring malusutan nila ito saglit, pero mabibisto rin sila sa huli. At higit pa roon, gumagawa ako ng tungkulin sa iglesia at halatang-halata ng Diyos ang panlalansi at panlilinlang ko. Nakikita Niya na hindi ko talaga ginugugol ang sarili ko para sa Kanya, kundi nagraraos lang. Sa puntong iyon, naisip ko—kaya pala lagi akong inaantok at walang sigla sa trabaho at hindi ko maramdaman ang presensya ng Diyos. Dahil pala nagiging tuso at mapanlinlang ako, na kasuklam-suklam at kamuhi-muhi sa Diyos. Matagal na Niyang itinago ang mukha Niya sa akin. Dahil wala ang gawain ng Banal na Espiritu, naging napakamanhid ko, kaya kahit gaano ko man kagamay ang mga propesyonal na kasanayan at gaano man ako kasanay, hindi ako makagagawa ng magandang trabaho.

Kalaunan, nabasa ko ang marami pang salita ng Diyos na nilinaw sa akin ang kalikasan ng pagiging pabasta-basta sa isang tungkulin, at nakita ko rin na hindi nalalabag ang disposisyon ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Lubhang mahalaga kung paano mo itinuturing ang mga atas ng Diyos, at isa itong napakaseryosong bagay. Kung hindi mo kayang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao, hindi ka angkop na mamuhay sa Kanyang presensya at dapat kang parusahan. Ito ay talagang natural at makatuwiran na dapat tapusin ng mga tao ang anumang atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila. Ito ang pinakamataas na responsabilidad ng tao, at kasinghalaga nito ang kanila mismong mga buhay. Kung hindi mo sineseryoso ang mga atas ng Diyos, nagtataksil ka sa Kanya sa pinakamalalang paraan. Sa ganito, mas kahabag-habag ka pa kaysa kay Hudas, at dapat na sumpain. Dapat matamo ng mga tao ang lubos na pagkaunawa sa kung paano tatratuhin ang ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila at, kahit papaano, dapat maunawaan nilang ang mga tagubiling ipinagkakatiwala Niya sa sangkatauhan ay mga pagpupuri at natatanging pabor mula sa Diyos, at na ang mga ito ay mga pinakamaluwalhating bagay. Ang iba pang mga bagay ay maaari nang talikdan. Kahit na kailangang isakripisyo ng isang tao ang kanyang sariling buhay, dapat pa rin niyang tuparin ang tagubilin ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). “Nang minsan, ipinagkatiwala Ko sa isang tao na gawin ang isang bagay. Habang ipinaliliwanag Ko ang gawain sa kanya, maingat niya itong itinatala sa kanyang kuwaderno. Nakita Ko kung gaano siya kaingat sa pagtala nito—tila nakadarama siya ng pasanin para sa gawain, at mayroon siyang maingat at responsableng saloobin. Nang maipaliwanag Ko na ang trabaho sa kanya, naghintay na Ako ng ulat; dalawang linggo ang lumipas subalit hindi pa rin siya nagpadala ng mensahe. Kaya, nagkusa Akong hanapin siya, at kinumusta Ko ang trabahong ibinigay Ko sa kanya. Sabi niya, ‘Naku—nakalimutan ko! Sabihin Mo nga ulit sa akin.’ Ano ang naramdaman ninyo sa sagot niya? Ganyan ang uri ng saloobin niya kapag gumagawa ng trabaho. Naisip Ko, ‘Talagang hindi mapagkakatiwalaan ang taong ito. Lumayo ka sa Akin, bilis! Ayaw na kitang makitang muli!’ Gayon ang naramdaman Ko. Kaya, sasabihin Ko sa inyo ang isang katunayan: Hindi ninyo dapat kailanman iugnay ang mga salita ng Diyos sa mga kasinungalingan ng isang manloloko—ang paggawa niyon ay kasuklam-suklam sa Diyos. May ilang nagsasabi na ginagawa nila ang mga ipinapangako nila, na tinutupad nila ang sinasabi nila. Kung gayon nga, pagdating sa mga salita ng Diyos, magagawa kaya nila ang mga sinasabi ng mga salitang iyon kapag narinig nila ang mga iyon? Maipapatupad ba nila ang mga iyon nang kasing-ingat sa paggawa nila ng mga personal nilang gawain? Bawat pangungusap ng Diyos ay mahalaga. Hindi Siya nagsasalita nang pabiro. Ang sinasabi Niya ay kailangang gawin at ipatupad ng mga tao. Kapag nagsasalita ang Diyos, kinokonsulta ba Niya ang mga tao? Siguradong hindi. Tinatanong ka ba Niya ng mga bagay na may mga pagpipilian? Siguradong hindi. Kung matatanto mo na ang mga salita at atas ng Diyos ay mga utos, na kailangang gawin ng tao ang sinasabi ng mga ito at ipatupad ang mga iyon, obligasyon mong ipatupad at isagawa ang mga iyon. Kung iniisip mo na biro lang ang mga salita ng Diyos, mga kaswal na salita lamang na maaaring gawin—o hindi gawin—anuman ang gusto ng isang tao, at gayon ang trato mo sa mga ito, wala kang katwiran at hindi ka nararapat na tawaging tao. Hindi ka na kakausaping muli ng Diyos kailanman. Kung ang isang tao ay palaging gumagawa ng sarili niyang mga pagpapasya pagdating sa mga hinihingi ng Diyos, sa Kanyang mga utos at sa Kanyang atas, at tinatrato niya ang mga ito nang may pabasta-bastang saloobin, isa siyang uri ng tao na kinamumuhian ng Diyos. Sa mga bagay na direkta Kong inuutos at ipinagkakatiwala sa iyo, kung palagi mong kailangan na pangasiwaan kita at himukin, subaybayan, palagi mo Akong pinag-aalala at pinagtatanong, na kinakailangan Ko pang siyasatin ang lahat para sa iyo sa bawat pagkakataon, kailangan kang itiwalag(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Ekskorsus: Kung Paano Nakinig sina Noe at Abraham sa mga Salita ng Diyos at Sumunod sa Kanya (Ikalawang Bahagi)). Nalaman ko mula sa mga salita ng Diyos na kahit anong sabihin Niya, anumang hingin Niya ay dapat isakatuparan at dapat sundin ng isang nilikha. Kung hindi natin sineseryoso ang mga salita ng Diyos, kundi palaging nangangailangan ng pangangasiwa at paalala ng iba sa ating gawain, o mabigat sa loob lang tayong gumagawa nang kaunti kapag may namimilit sa atin, iyon ay talagang panlilinlang at pandaraya sa Diyos, na kasuklam-suklam at nakamumuhi sa Kanya. Ang ganitong uri ng tao ay hindi karapat-dapat na marinig ang mga salita ng Diyos o manatili sa iglesia, kundi dapat itiwalag. Natakot talaga ako nang maisip ko ang mga salita ng Diyos, lalo na ang parte kung saan sinabi Niyang: “Talagang hindi mapagkakatiwalaan ang taong ito. Lumayo ka sa Akin, bilis! Ayaw na kitang makitang muli!” Nagsisi at nakonsensiya ako sa mga nakaraang paglabag sa paggawa ng tungkulin ko, at patuloy lang ang pag-agos ng mga luha sa mukha ko. Sa paggunita sa aking saloobin sa tungkulin ko, katulad talaga ito ng inilantad ng Diyos; napakakaswal nito. Mahalagang panahon ito para sa pagpapalawig ng ebanghelyo ng kaharian at ang iba pang mga kapatid ay sabik na sabik na gumawa ng tungkulin. Samantalang inaasam ko lang ang kaginhawahan ng laman, mabagal at pabasta-basta sa aking tungkulin, kontento lang na magtrabaho nang hindi sinusubukang maging mahusay, na nakaapekto sa mga resulta ng aking gawain. Tamad ako, pabaya sa aking tungkulin, walang ginagawa, iniisip lamang ang sarili kong kasiyahan. Ipinagkatiwala sa akin ng iglesia ang isang mahalagang trabaho at ibinigay ko dapat ang lahat ko roon, tinupad ko dapat ang aking responsabilidad. Sa halip, itinuring ko ito bilang kapital, bilang alas na maaari kong gamitin para magsamantala sa iglesia nang hindi nagdurusa o nagbabayad ng halaga, o nag-iisip kung paano mapapabuti ang aking gawain. Ginagawa ko lang ang pinakamababa. Wala akong pakialam kung gaano kabagal ang pag-usad ko o kung gaano kabalisa ang Diyos. Inalala ko lang na hindi mapagod ang sarili ko. Naging pabaya ako at walang pakialam sa aking tungkulin, gusto ko lang makaraos, nagpapaliban hangga’t maaari. Walang puwang ang Diyos sa puso ko, at wala talaga akong anumang may-takot-sa-Diyos na puso. Hindi ba’t naging mas mababa pa ako sa isang aso dahil sa pagiging kaswal ko sa aking tungkulin? Ang mga aso ay tapat sa mga nagmamay-ari sa mga ito. Nasa tabi man ng mga ito ang amo o hindi, ginagampanan ng mga aso ang mga responsabilidad ng mga ito at binabantayan ang tahanan ng amo. Base sa mga ikinilos ko, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa paggawa ng tungkulin. Nangako ako sa sarili ko na simula sa araw na iyon, magsisisi ako at babawi para sa pagkakautang ko.

Tapos, sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng landas kung paano ko gagawin ang aking tungkulin sa hinaharap. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ano ang naisip ni Noe sa kanyang puso, nang utusan siya ng Diyos na gumawa ng arka? Naisip niya, ‘Mula ngayon, walang kasinghalaga ng paggawa ng arka, walang kasinghalaga at madalian kaysa rito. Narinig ko na ang mga salita mula sa puso ng Lumikha, naramdaman ko ang Kanyang agarang layunin, kaya hindi ako dapat magpaliban; kailangan kong gawin nang mabilisan ang arkang sinabi at hiningi ng Diyos.’ Ano ang saloobin ni Noe? Ang saloobin niya ay hindi siya nangangahas na magpabaya. At sa anong paraan niya isinagawa ang paggawa ng arka? Nang walang pagpapaliban. Isinakatuparan at isinagawa niya ang bawat detalye ng sinabi at tinagubilin ng Diyos nang may buong pagmamadali, at nang buo niyang lakas, nang hindi man lang nagiging pabasta-basta. Sa kabuuan, ang naging saloobin ni Noe sa utos ng Lumikha ay pagpapasakop. Mayroon siyang pakialam dito, at walang paglaban sa kanyang puso, ni walang pagwawalang-bahala. Sa halip, masigasig niyang sinikap na unawain ang layunin ng Lumikha nang kinabisado niya ang bawat detalye. Nang maarok niya ang agarang layunin ng Diyos, nagpasya siyang bilisan ang kilos, upang makumpleto ang sinabi sa kanya ng Diyos nang buong pagmamadali. Ano ang ibig sabihin ng ‘nang buong pagmamadali’? Ibig sabihin nito ay kumpletuhin, sa loob ng maikling panahon, ang trabaho na aabutin sana dati ng isang buwan, tapusin ito ng marahil ay tatlo o limang araw na mas maaga kaysa sa itinakdang panahon, nang hindi man lang nagpapaliban o nagpapakatamad, kundi tuloy-tuloy na tinatrabaho ang buong proyekto sa abot ng kanyang makakaya. Natural na habang isinasakatuparan niya ang bawat trabaho, sisikapin niyang mabuti na walang masayang at walang maging mali, at hindi siya gagawa ng anumang trabaho na mangangailangan pang ulitin; matatapos din niya ang bawat gawain at proseso nang nasa tamang oras at magagawa niya ang mga ito nang maayos, na ginagarantiyahan ang kalidad nito. Isa itong tunay na pagpapamalas ng hindi pagpapaliban ng trabaho. Kaya, ano ang paunang kinailangan para hindi niya maipagpaliban ang trabaho? (Narinig niya ang utos ng Diyos.) Oo, iyon ang paunang kinailangan at konteksto para dito. Ngayon, bakit nagawa ni Noe na hindi ipagpaliban ang trabaho? Sinasabi ng ilang tao na taglay ni Noe ang tunay na pagpapasakop. Kung gayon, ano ang mayroon siya na nagdulot sa kanya na magkaroon ng gayong tunay na pagpapasakop? (Isinaalang-alang niya ang puso ng Diyos.) Tama iyan! Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng puso! Ang mga taong may puso ay kayang isaalang-alang ang puso ng Diyos; yaong mga walang puso ay mga hungkag na lalagyan, mga hangal, hindi sila marunong magsaalang-alang sa puso ng Diyos. Ang mentalidad nila ay: ‘Wala akong pakialam kung gaano ito kaapura para sa Diyos, gagawin ko ito sa paraang gusto ko—ano’t anuman, hindi ako nagiging batugan o tamad.’ Ang ganitong uri ng saloobin, ang ganitong uri ng pagiging negatibo, ang lubos na kawalan ng pagiging maagap—hindi ito isang taong nagsasaalang-alang sa puso ng Diyos, ni hindi niya nauunawaan kung paano isaalang-alang ang puso ng Diyos. Kung ganyan ang kaso, nagtataglay ba siya ng tunay na pananalig? Talagang hindi. Isinasaalang-alang ni Noe ang puso ng Diyos, may tunay siyang pananalig, kaya’t nagawa niyang tapusin ang atas ng Diyos. Kaya naman, hindi sapat na tanggapin lang ang atas ng Diyos at maging handang magsikap nang kaunti. Dapat isaalang-alang mo rin ang mga layunin ng Diyos, ibuhos ang lahat ng makakaya mo, at maging matapat—kung saan kailangan mong magkaroon ng konsensiya at katwiran; ito ang dapat taglayin ng mga tao, at ito ang nasumpungan kay Noe(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Ekskorsus: Kung Paano Nakinig sina Noe at Abraham sa mga Salita ng Diyos at Sumunod sa Kanya (Ikalawang Bahagi)). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na nakamit ni Noe ang pagsang-ayon ng Diyos dahil may tunay siyang pananampalataya sa Diyos at isinaalang-alang ang Kanyang kalooban. Nang matanggap niya ang atas ng Diyos, ginawa niyang priyoridad ang pagtatayo ng arka. Hindi niya inisip ang pagdurusa ng kanyang katawan o kung gaano man ito magiging mahirap. Sa panahong iyon bago pa ang industriyalisasyon, ang paggawa ng ganoon kalaking arka ay tiyak na nangangailangan ng labis na pisikal at mental na pagsisikap, at kailangan niyang tiisin ang pangungutya ng iba. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito, nanatiling matatag si Noe sa loob ng 120 taon para matapos ang atas ng Diyos, sa huli ay pinaginhawa ang puso ng Diyos. Tunay na ginugol ni Noe ang sarili para sa Diyos at karapat-dapat siya sa pagtitiwala ng Diyos. Samantalang ako, kung walang naghihimok at nagmamasid sa akin, sinasamantala ko ang pagkakataon na maging tamad at tuso, na magnasa ng mga kaginhawahan ng laman, nagpapaliban sa aking gawain, hindi kailanman inaalala kung gaano ko naaantala ang mga bagay-bagay. Talagang wala akong pagkatao at hindi karapat-dapat sa pagliligtas ng Diyos. Ngayon alam ko na na ang paggawa ng isang tungkulin ay dapat kagaya ng paggawa ni Noe ng arka, na kailangang magkaroon ng tunay na pagkilos. Kailangang gamitin ko ang lahat ng oras para sumulong, para mas mahusay na gumawa. Kahit na walang naghihimok o nagsusubaybay sa akin, kailangan kong maging responsable at gawin ang lahat ng aking makakaya. Iyan ang tanging paraan para maging isang taong may konsensiya at pagkatao.

Pagkatapos nun ay nagsimula na akong ayusin ang oras ko. Kapag hindi ako gumagawa ng disenyo, ginagamit ko ang bakante kong oras para tumulong sa isa pang tungkulin at binantayan kong mabuti ang sarili kong kalagayan. Talagang puno ang iskedyul ko araw-araw, pero payapang-payapa ang pakiramdam ko, at mas nagsikap ako sa tungkulin ko kaysa dati. Minsan kapag ang isang trabaho ay malapit nang matapos at natutukso akong magpakatamad na naman, o naaantala ang drafting dahil hindi ko naisaayos nang mabuti ang iskedyul ko, gusto kong bigyang-layaw ang sarili ko, iniisip na hindi ako miyembro ng grupo at walang nag-uudyok sa akin, at isa pa, tumutulong ako sa ibang trabaho, kaya ayos lang na maging medyo mabagal ang gawain ng design. Nang maisip iyon, napagtanto ko na wala ako sa tamang kalagayan at nagmadali akong hanapin ang katotohanan para malutas ito. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Kapag ginagampanan ng mga tao ang kanilang tungkulin, sa katunayan, ginagawa nila ang dapat nilang gawin. Kung ginagawa mo ito sa harap ng Diyos, kung ginagampanan mo ang iyong tungkulin at nagpapasakop ka sa Diyos nang may pag-uugali ng katapatan at may puso, hindi ba’t mas magiging tama ang ugaling ito? Kaya paano mo dapat gamitin ang ugaling ito sa iyong pang-araw-araw na buhay? Dapat mong gawing realidad mo ang ‘pagsamba sa Diyos nang may puso at katapatan.’ Tuwing gusto mong magpakakupad at iraos lamang ang gawain, tuwing gusto mong kumilos sa tusong paraan at maging tamad, at tuwing naaabala ka o mas ginugustong magpakasaya na lamang, dapat mong isaalang-alang: ‘Sa pagkilos nang ganito, ako ba ay nagiging di-mapagkakatiwalaan? Ganito ba ang pagsasapuso ko sa paggawa ng aking tungkulin? Ako ba ay nagiging di-tapat sa paggawa nito? Sa paggawa nito, nabibigo ba akong tuparin ang inaasahan sa akin sa atas na naipagkatiwala ng Diyos sa akin?’ Ganito ka dapat magnilay sa sarili mo. Kung malalaman mo na ikaw ay palaging pabasta-basta sa iyong tungkulin, na ikaw ay hindi tapat, at na nasaktan mo ang Diyos, ano ang dapat mong gawin? Dapat mong sabihing, ‘Nadama ko sa sandaling iyon na may mali rito, pero hindi ko ito itinuring na problema; pinahapyawan ko lang iyon nang walang-ingat. Ngayon ko lang natanto na talagang ako ay naging pabasta-basta, na hindi ko natupad ang aking responsabilidad. Talagang wala akong konsensiya at katwiran!’ Natuklasan mo ang problema at nakilala mo nang kaunti ang iyong sarili—kaya ngayon, dapat mong baguhin nang lubusan ang sarili mo! Ang iyong saloobin sa pagganap sa iyong tungkulin ay mali. Nawalan ka ng ingat doon, gayundin sa dagdag na trabaho, at hindi mo isinapuso iyon. Kung muli kang pabasta-basta na katulad nito, dapat kang manalangin sa Diyos at hayaan Siyang disiplinahin at ituwid ka. Dapat magkaroon ka ng gayong kalooban sa paggawa ng iyong tungkulin. Saka ka lamang tunay na makapagsisisi. Makapagbabago ka lamang nang lubusan kapag malinis ang iyong konsensiya at nagbago na ang iyong saloobin sa pagganap mo sa iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pagbabasa Lamang ng mga Salita ng Diyos at Pagninilay sa Katotohanan Magkakaroon ng Daan Pasulong). Ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay lalong nagbigay sa akin ng kalinawan sa landas ng pagsasagawa. Ang tungkulin ay isang atas na ibinigay sa atin ng Diyos. May nangangasiwa man sa atin o wala, dapat nating tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos at ibigay ang ating lahat dito. Ang palaging pangangailangan ng isang taong mag-uudyok sa akin na gumawa nang kaunti ay kawalan ng katapatan, at maging sa tingin ng iba ay nakakahiya iyon. Hindi ako puwedeng manatiling ganoon, kundi kailangan kong magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso at tanggapin ang Kanyang pagsisiyasat. Dapat akong maging maagap sa aking tungkulin nang hindi nangangailangan na himukin ako ng iba. Kapag abala sa parehong trabaho at kailangan kong magbayad ng halaga, inaayos ko ang iskedyul ko nang mas maaga at ginagawa ang aking buong makakaya, sinusubukang hindi maging pabasta-basta sa gawain ko. Nang harapin ko ang mga bagay-bagay sa ganoong paraan, pagkaraan ng maikling panahon ay nagsimula akong makakita ng ilang resulta sa tungkulin ko. Kailangan kong mas pagsikapan ito kaysa dati at gumugol ako ng kaunting lakas, pero hindi man lang ako nakaramdam ng pagod—kalmado at payapa ako. Kapag nahihirapan ako sa aking tungkulin, sa pamamagitan ng paghahanap ng katotohanan, nagkakaroon ako ng mas maraming pakinabang. Umusad ako sa aking mga propesyonal na kasanayan pati na rin sa aking pagpasok sa buhay.

Isang araw noong Hunyo ng 2021, dumating ang lider para kausapin ako at sinabi sa akin na muli akong itinatalaga sa grupo. Tuwang-tuwa ako na hindi ko alam kung ano ang sasabihin, at taos-puso akong nagpasalamat sa Diyos. Ang karanasang iyon ay nagpakita sa akin kung gaano ako katamad, kamakasarili at kasama. Talagang kinamuhian ko ang sarili ko, at alam ko na ngayon na pahalagahan ang pagkakataong gumawa ng isang tungkulin. Nagkaroon din ako ng kaunting may-takot-sa-Diyos na puso. Minsan tinatamad pa rin ako, at pagkatapos ay nagdasal ako sa Diyos at hiniling sa Kanya na siyasatin ang puso ko. Kapag nagiging pabasta-basta ako, tuso, at mapanlinlang, hinihiling ko sa Diyos na ilantad, ituwid, at disiplinahin ako kaagad. Mula nang isagawa ko iyon ay naging mas madalang ang pagiging masama at pag-ayaw ko sa trabaho kaysa dati, at nagtamo ako ng mas magagandang resulta sa aking tungkulin, na talagang nagparamdam sa akin ng kasiyahan. Sinabi sa akin ng lider kalaunan na mas mahusay na ang paggawa ko sa tungkulin ko kaysa dati. Naantig talaga ako na marinig iyon, at nagkaroon din ng motibasyon. Alam kong hindi pa rin sapat ang ginagawa ko at kailangan kong patuloy na magsikap. Nagpapasalamat ako sa pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos sa akin, na nakatulong sa akin na baguhin ang saloobin ko sa aking tungkulin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman