Ang Kaharian ng Langit ay Aktwal na Nasa Lupa Na

Disyembre 11, 2019

Ni Chen Bo, Tsina

Ang pinakamalaking inaasam nating mga nananampalataya ay ang makapasok sa kaharian ng langit, at matamasa ang walang-hanggang kaligayahang bigay ng Panginoon sa tao. Sa tuwing naririnig ko ang pastor na sinasabi sa kanyang sermon na ang lugar na ihahanda ng Panginoon para sa atin sa hinaharap ay nasa kalangitan sa itaas, na mayroong mga bukid ng ginto at mga pader na gawa sa jade, maraming nagkalat na hiyas na kumikinang, makakatikim tayo ng prutas mula sa puno ng buhay, at makakainom ng tubig mula sa ilog ng buhay, at mawawala nang lahat ng sakit, luha, at pighati, at ang lahat ay magiging malaya at pinakawalan na, nadarama ko ang matinding pagdaluyong ng damdamin at kaligayahan. Ito ay isang lugar na inaasam-asam ko nang lubusan, at sa loob ng puso ko’y lubhang napagod na ako sa buhay ko sa lupa na puno ng paghihirap at kalungkutan. Kung kaya, kung saan-saan ako naglibot para ipahayag ang ebanghelyo at masigasig na gamitin ang aking lakas para sa Panginoon; nagpalaganap ako ng ebanghelyo at nagtatag ng mga iglesia, at hindi ako tumigil upang magpahinga kahit na gaano pa man kasakit at kahirap ang gawain. Lalo pa’t alam kong nasa mga huling araw na tayo at ang Panginoon ay malapit nang magbalik upang dalhin tayong lahat sa ating tahanan sa langit, lalo pa akong nagsipag na magtrabaho at ubusin ang aking lakas.

Isang araw, pumunta ako sa bahay ng kapatid kong babae upang dalawin ang aming ina, at nang papaalis na ako, binigyan ako ng kapatid ko ng libro at hinikiyat akong basahin ito nang mabuti. Naisip ko sa sarili ko: “Tiyak na ang librong ito na ibinigay ng kapatid ko ay may kinalaman sa espiritu, at nagkataon na pakiramdam ko’y nauuhaw na ang aking espiritu ngayon mismo. Hindi ko nadarama sa harap ko ang Panginoon. Kapag nagbabasa ako ng Bibliya hindi ako nagkakaroon ng kaliwanagan. Pag uwi ko, kailangang basahin ko nang mabuti ang librong ito. Marahil ay magkakaroon ako ng pagkaing pang-espiritu mula rito.” Pagkauwi ko, binuksan ko ang libro at sinimulang basahin—hindi ko namalayang tuluyan na akong nahumaling sa pagbabasa. Mas binasa ko ito, mas lalong gusto ko pang basahin nang basahin, at lalo kong nadama na may liwanag sa loob ng mga salitang ito, na nilalaman ng mga ito ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu at hindi maaaring binigkas lang ng isang karaniwang tao ang mga salitang ito. Pagkatapos kong basahin ang libro, nagkaroon ako ng pag-intindi sa mga katotohanang dati’y hindi ko maintindihan sa pagbabasa ng Bibliya, at nakadama ako ng pagtanto na may kalinawan sa kalooban at kasiyahan. Dahil dito ginusto kong magdasal at maging mas malapit sa Panginoon—lumakas ang aking pananampalataya at bumuti nang bumuti ang aking pang-espiritwal na kalagayan. Naisip ko: “Tanging ang gawain ng Banal na Espiritu ang maaaring magbigay sa tao ng pananalig at lakas, at mabigay ng sustansya at pagkain para sa espiritu ng tao. Talagang galing sa Banal na Espiritu ang mga salita sa libro.” Dahil dito, sa pagbangon ko tuwing umaga, ang una kong ginagawa ay ang basahin ang librong ito.

Isang araw, binuksan ko ang libro at binasa ang sumusunod na sipi: “Ang pagpasok ng Diyos sa pahinga ay nangangahulugang hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang ginagawang pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa pahinga ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala, walang katiwalian ni Satanas, at walang magaganap na kawalan ng katuwiran. Sa ilalim ng pag-aaruga ng Diyos, mamumuhay nang normal ang sangkatauhan sa lupa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Sandaling napatigil ang puso ko nang mabasa ko ito, at naisip ko sa sarili ko: “Ang tao ba sa hinaharap ay mabubuhay sa lupa? Hindi ba’t ipinangako ng Panginoong Jesus na sa hinaharap mabubuhay tayo sa langit? Bakit sinasabi nito na sa hinaharap mabubuhay tayo sa lupa? Paano ito maaaring mangyari? Mali ba ang pagkakabasa ko rito?” Kaya, maingat kong binasang muli ang sipi; talagang sinabi nga rito na sa hinaharap ang tao ay mabubuhay sa lupa. Napaisip ako, ano kaya talaga ang totoong kahulugan nito? Hindi maaaring ganito lang—alam kong kailangan kong maintindihan kung ano talaga ang totoong kahulugan nito. Nagpatuloy ako sa pagbabasa: “Ang Diyos ay may patutunguhang para sa Diyos, at ang sangkatauhan ay may patutunguhang para sa sangkatauhan. Habang nagpapahinga, magpapatuloy ang Diyos sa paggabay sa lahat ng mga tao sa kanilang mga buhay sa lupa, at habang nasa Kanyang liwanag, sasambahin nila ang nag-iisang tunay na Diyos sa langit. … Kapag pumasok sa pahinga ang mga tao, nangangahulugan itong sila ay naging tunay na mga bagay ng sangnilikha. Sasambahin nila ang Diyos mula sa lupa, at mamumuhay ng normal. Ang mga tao ay hindi na magiging masuwayin sa Diyos o lalaban sa Kanya, at magbabalik sa orihinal na buhay nina Adan at Eba(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Mas lalo akong nagbasa, mas lalo akong nalito: Sasambahin ng tao ang Diyos mula sa lupa? Paano ito mangyayari? Hindi ba’t binabanggit sa Bibliya ang pagiging nasa langit? Paano ito mangyayari sa lupa? Dali-dali kong binuksan ang Bibliya at tiningnan ko ang Juan 14:2–3, at binasa ko ang mga salitang ito mula sa Panginoong Jesus: “Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka’t ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.” Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus na ang Kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit ay para maghanda ng lugar para sa atin, kaya ang dapat nating hantungan ay ang langit sa itaas. Ito ang pangako ng Panginoon! Inisip ko sa sarili ko: “Ang sinasabi ng librong ito ay iba sa sinasabi ng Panginoon, kaya hindi ko na dapat ipagpatuloy na basahin ito.” Pagkatapos kong isara ang libro nalito nang husto ang kaisipan ko at hindi ko malaman kung ano ang tama kong gawin, kaya paulit-ulit akong nagdasal sa Panginoon: “O Panginoon, gabayan at patnubayan Niyo po ako. Dapat ko bang basahin ang librong ito, o hindi? O Panginoon, pakiusap na liwanagan po ako, patnubayan ako…” Pagkatapos magdasal naisip ko kung paanong pagkatapos kong basahin ang libro, nadama kong naging mas malapit ako sa ugnayan ko sa Panginoon, naging mas masigla sa aking pananalig, at kung paanong nagkaroon ng pagkain ang aking espiritu. Naramdaman ko na kung ibababa ko ang libro at titigil na ako sa pagbabasa nito, babalik ako sa nakaraan kong kalagayan na may pakiramdam ng pagkauhaw sa espiritu. Dahil ang librong iyon ay nagbigay ng napalaking pagpapatunay para sa akin, at dahil natitiyak ko na galing nga ito sa Banal na Espiritu, at ang anumang magmula sa Banal na Espiritu ay hindi maaaring magkamali, alam kong hindi ko dapat tanggihan ang libro at tigilan ang pagbabasa nito, kahit na ang ilan sa mga laman nito ay hindi naaayon sa aking mga pag-intindi. Pagkatapos kong pag-isipan ang lahat ng ito, nagpasiya akong ipagpatuloy ang pagbabasa bago ako magdesisyon.

Kaya, kinuha ko uli ang libro at nagpatuloy akong magbasa: “Nasa lupa ang lugar ng pahingahan ng sangkatauhan, at nasa langit ang pahingahan ng Diyos. Bagama’t sinasamba ng mga tao ang Diyos sa pamamahinga, mamumuhay sila sa lupa, at bagama’t inaakay ng Diyos ang natitirang sangkatauhang sa pamamahinga, pamumunuan Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Paulit-ulit kong pinagnilaynilayan ang bagay na ito, at inisip ko: “Sinasabi ng siping ito na ang lugar ng pamamahinga ng Diyos ay nasa langit sa itaas, at sa lugar pamamahinga ng tao, sasambahin niya ang Diyos mula sa lupa. Maaari kaya na ang lugar ng pamamahinga ng tao ay talagang sa lupa tulad ng sinasabi nito? Imposible! Sinabi na ng Panginoong Jesus na dapat ay naroon tayo kung saan naroon ang Panginoon, at dahil ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay at umakyat sa langit, sa gayon ay siguradong tayo rin ay aakyat sa langit!” Nagbalik-tanaw ako sa ilang mga nakaraang taon, at kung paanong naglakbay ako nang naglakbay para sa Panginoon, at kung paanong tiniis ko ang matinding paghihirap. Hindi ba’t ang lahat ng paghihirap na iyon ay para makaakyat ako sa langit at hindi na dumanas ng paghihirap sa mundo? Kung ganoon nga tulad ng sinasabi sa libro, na ang tao sa hinaharap ay mabubuhay pa rin sa lupa, di ba’t mababalewala ang aking mga inaasahan? Naupo ako sa kama, hindi makakilos, nanghihina mula ulo hanggang paa. Mas lalo ko itong pinag-isipan, mas lalong hindi mapalagay ang pakiramdam ko. Gusto kong magkaroon ng kalinawan tungkol sa bagay na ito, kaya nagmamadali akong pumunta sa bahay ng kapatid kong babae.

Nang dumating ako doon may nakita akong isang babaeng nasa kalagitnaang edad, na ipinakilala sa akin ng kapatid ko na si Kapatid na Li. Hindi nagtagal, ibinukas ko sa kanila ang tungkol sa mga inisip ko pagkatapos basahin ang libro. Pagkatapos akong pakinggan, ibinahagi ni Kapatid na Li sa akin ang ganito: “Kapatid, lahat tayong sumasampalataya sa Panginoon ay naniniwala na ipinangako ng Panginoong Jesus na maghahanda siya ng lugar para sa atin, na kung nasaan man siya, naroon din tayo. Iniisip natin na dahil umakyat na pabalik sa langit sa itaas ang Panginoon, pagbalik Niya sa hinaharap, tiyak na bubuksan niya ang pinto para papasukin tayo sa langit kung saan tayo maninirahan, kasama Niya. Ngunit naisip na ba natin kung ang ganitong pagpapalagay, ang ganitong pag-intindi, ay makatotohanan? Kung katulad nga ng iniisip natin, na ang Panginoon ay darating at dadalhin tayo paakyat sa langit para mabuhay doon, kung gayon ay mawawalang-kahulugan ang mga salita sa Ama Namin ‘Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa(Mateo 6:10) at sa Aklat ng Paghahayag ‘Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan Niya, at ang Diyos din ay sasakanila, at magiging Diyos nila(Pahayag 21:3)? Paano matutupad ang mga ito? Kung ang huling hantungan na ibibigay ng Diyos sa atin ay nasa langit, nangangahulugang nang unang nilikha ng Diyos ang tao, ano ang saysay na hinayaan niya tayong mabuhay sa lupa?” Hindi pa talaga ako kumbinsido, at sumagot ako: “Bagama’t iyan ang nakalagay sa Kasulatan, sinabi ng Panginoon mismo na: ‘Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). Pagkatapos muling mabuhay ang Panginoon umakyat Siya sa langit, at heto sinasabi ng Panginoon na Siya ay maghahanda ng lugar para sa atin. Sinasabi Niya na kung nasaan Siya, tayo rin ay maaaring naroon. Kaya, pinatutunayan nito na ipinagako ng Diyos na aakyat tayo sa langit upang makamit ang buhay na walang hanggan, at hindi na makakamit natin ang buhay na walang hanggan dito sa lupa. Ito ay isang bagay na hindi maaaring ipagkaila kahit ninuman!” Matiyagang nagpatuloy si Kapatid na Li: “Kapatid, totoong naghahanda ang Panginoon ng lugar para sa mga nanampalataya sa Kanya, ngunit ang lugar na ito ba ay aktwal na nasa lupa o nasa itaas sa langit? Hindi ito nakasaad sa mga salita mula sa Panginoon, kaya saan tayo nagbabase kapag sinasabi nating ang lugar na inihahanda Niya para sa atin ay nasa langit? Ito ba talaga ang pangako ng Panginoon o ito lang ang ating mga pagkaunawa at haka-haka? Para sa ating mga nananampalatay sa Panginoon, ang lahat ng bagay ay dapat nagmumula sa salita ng Panginoon—hindi natin dapat ibahin ang mga salita ng Diyos ayon sa ating mga pagkaunawa at haka-haka at pagkatapos ay sabihin na iyon ang ibig Niyang sabihin. Hindi ba ito pagpapaliwanag sa salita ng Panginoon ayon lang sa ating mga personal na kaisipan at kagustuhan? Hindi ba ito pagbabaluktot sa salita ng Panginoon? Hindi tayo maaaring umasa sa kung ano ang sariling pagpapalagay natin mula sa mga ulo at isip at kagustuhan lang natin para ipaliwanag ang salita ng Panginoon. Ito ay isang pagkakamali. Sa Genesis 2:7–8 sinasabi: ‘At nilalang ni Diyos na Jehova ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay. At naglagay ang Diyos na Jehova ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silanganan: at inilagay niya roon ang taong kaniyang nilalang.’ Malinaw na sa simula, nilkha ng Diyos ang tao sa lupa, at bago nilikha ng Diyos ang tao una niyang nilikha ang mga bagay upang ihanda ang kapaligiran kung saan maaari tayong mabuhay. Makikita natin na ang kagustuhan ng Diyos ay para mabuhay tayo sa lupa. Dagdag dito, sa Ama Namin, tinuturuan tayo ng Panginoon na magdasal sa Diyos na ang Kanyang kaharian ay ibaba sa lupa. Ayon sa hula sa Aklat ng Paghahayag, ‘Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo(Pahayag 11:15) at ‘Ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya’y mananahan sa kanila(Pahayag 21:3). Makikita natin sa mga sipi at hula na ito na ang lugar na hinahanda ng Diyos para sa atin ay nasa lupa, at ang ating hantungan sa hinaharap ay nasa lupa, hindi nasa langit sa itaas.” Ang pagbabahagi ni Kapatid na Li ay lahat salungat sa aking mga palagay. Basta hindi ako nakinig sa sinabi niya. Tumayo ako at galit na sinabi sa kanya: “Tama na! Sa maraming taong naglakbay ako nang naglakbay, inialay ko ang sarili ko at nagpakahirap para sa Panginoon upang makaakyat ako sa langit! Noon pa ma’y inaasam ko nang dalhin ako pauwi ng Panginoon, paakyat sa langit, upang nang sa gayon ay hindi na ako maghirap pa sa lupa, ngunit sinasabi mong ang huling hantungan natin ay sa lupa. Talagang hindi ko ito matatanggap.” Pagkatapos kong sinabi ito, tumalikod na ako para umalis. Humabol ang kapatid kong babae para kausapin ako at nang matauhan ako: “Naku, bakit ang tigas ng ulo mo? Tama ba itong palagay mo na pinanghahawakan mo? Hindi mo alam ang totoong kahulugan ng Panginoon sa mga salitang ‘Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan,’ at sa halip ay pinanghahawakan mo lang ang sarili mong mga palagay. Hindi ba ito pagiging hangal? Hindi ganito ang saloobin na dapat mayroon ang mga totoong naghahanap ng katotohanan! Ang Panginoong Jesus na matagal na nating hinahangad ay nakabalik na—ang Makapangyarihang Diyos ay ang nakabalik na Panginoong Jesus! Ang librong iyon na ibinigay ko sa iyo para basahin ay naglalaman ng mga personal na bigkas at salita ng Diyos! Ang Panginoon, na araw-araw nating hinihintay ang pagbalik upang tayo’y tanggapin Niya, ay nakabalik na ngayon. Kailangang makinig tayo nang mabuti! Hindi natin maaaring palampasin ang pagkakataong ito na minsan lang sa isang buhay!”

Nabigla ako nang marinig kong sabihin ng kapatid kong babae ang lahat ng ito. Hindi ko talaga makuhang mangahas na maniwala sa narinig ko: Nakabalik na ang Panginoon? Totoo ba ito? Pagkatapos sabi ng kapatid ko: “Hindi ba’t sinabi mo noon na ang mga salita sa librong ito ay nagmula sa Banal na Espiritu? Sabi mo na sa pagbabasa nito ay nabigyan ka ng malaking pagkaing pang-espiritu, na nakamit mo ang gawain ng Banal na Espiritu, at naging mas malapit ang relasyon mo sa Panginoon. Ngayon, pag-isipan mo: Bukod sa mga sariling salita ng Panginoon, sino pa ang maaaring magsalita nang gano’n na may ganoong uri ng epekto? Ngayon nagbalik ang Panginoon upang isagawa ang gawain at bigkasin ang mga bagong salita ng Diyos. Kung hindi natin ito hahanapin at susuriin, kung kakapit lang tayong parang bulag sa mga sarili nating pagkaunawa at haka-haka at sa literal na kahulugan ng Bibliya, sa kalaunan, tayo na rin ang sisira sa sarili natin. Sa panahon nila, ang mga Pariseo na kabisado ang Bibliya ay bulag na kumapit sa bawat titik ng Bibliya, ngunit hindi sinubukang tanungin kung ang sarili nilang pagkakaintindi sa Bibliya ay tama, o kung naaayon ito sa kagustuhan ng Diyos. Sa halip, naniwala lang sila na ang sinumang hindi tinaguriang Mesias ay hindi ang Tagapagligtas na darating. Hindi lang talaga nila sinuri nang mabuti kung ang daan ng Panginoong Jesus ay nagbibigay ng pagkain para sa buhay ng tao, o kung ito ay nagbibigay ng daan para sa pagsasagawa. Matigas lang silang kumapit sa kanilang sariling mga pagkaunawa at haka-haka, bulag na tumatanggi sa pagligtas ng Panginoong Jesus, at sa huli’y nakagawa ng napakabigat na kasalanan na ipako sa krus ang Panginoon. Hindi tayo maaaring sumunod sa mga yapak ng mga Pariseo at tumulad sa kanilang ginawang paglaban sa Diyos!” Pagkatapos kong pakinggan ang mga salita ng kapatid kong babae naisip ko sa sarili ko na ang sinasabi niya ay makatuwiran. Tanging ang mga salita lamang ng Panginoon ang sagot sa espiritung nauuhaw. Napabalik-tanaw ako sa kung paanong mula nang simulan kong basahin ang libro, mas bumuti na nang bumuti ang kalagayan kong espiritwal. Binigyan ako nito ng pananalig sa Diyos, at naramdaman ko ang presensya ng Panginoon. Umabot pa nga ako sa pagkaintindi sa ilan sa mga katotohanan. Posible kayang ang mga salitang ito sa libro ay talagang mga pananalita ng nagbalik na Panginoon? Ang pagbalik ng Panginoon ay napakalaking bagay. Alam kong hindi ko ito maaaring basta na lang tanggihan at husgahan, at sa halip ay dapat pagsikapan kong tingnan ito nang mabuti at maghanap. Hindi ako maaaring tumulad sa mga Pariseo na hindi naghanap ng katotohanan, at kumapit lang sa sarili nilang mga pagkaunawa at lumaban sa Diyos! Sa sandaling iyon sabay kong nadama ang masayang pagkagulat at ang takot. Masayang pagkagulat dahil nananampalataya ako sa Panginoon at inaasam ko ang pagbabalik Niya at pagtanggap sa akin sa kaharian ng langit kung saan maaari akong mabuhay nang walang iniintindi, kung saan hindi ko na kailangang ipagpatuloy ang buhay ko sa lupa na puno ng paghihirap, at sa araw na iyon ay narinig ko ang balita ng pagbabalik ng Panginoon. Talagang napakalaki’t napakasayang bagay nito. Natakot ako dahil kung ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoon, kung gano’n ay masisira ang pangarap kong hintayin ang Panginoon na dalhin ako sa kaharian ng langit…. Gulung-gulo ang puso ko—puno ito ng iba’t ibang pakiramdam. Sa gitna ng pakiramdam na walang magawa, ang tanging maaari kong gawin ay bumaling sa Panginoon sa pagdarasal: “O Panginoon! Bawat isang araw hinintay ko ang hinaharap na darating Ka upang dalhin ako sa Iyong tahanan sa langit, ngunit sinasabi nilang ang lugar na inihanda Mo para sa huli kong hantungan ay dito sa lupa. Hindi ko talaga kayang harapin ang katotohanang ito. Ayaw ko nang ipagpatuloy ang napakahirap na buhay sa lupa. O Panginoon! Talagang nahihirapan ako sa kalooban ng puso ko ngayon, pakiusap na tulungan Niyo po ako at patnubayan sa landas na hinaharap.” Pagkatapos kong magdasal, sumagi sa isip ko ang mga salitang ito ni Panginoong Jesus: “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit(Mateo 5:3). Totoo nga! Nais nga ng Panginoon ang mga mapagpakumbabang-loob, yaong mga naghahanap sa katotohanan, at tanging sila lang ang makakapasok sa kaharian ng langit. Ako ang dapat maging mapagpakumbabang-loob—nakikinig lamang nang mabuti sa kanilang pagbabahagi ayon sa kagustuhan ng Diyos.

Nang sandaling iyon mismo, sinabi ni Kapatid na Li: “Sabi ng Panginoon: ‘Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang Dios(Mateo 5:8). Dapat tayong makinig sa salita ng Panginoon; dapat ay maging dalisay ang puso natin upang tanggapin ang pagbalik ng Panginoon. Bagama’t ang gawain ng Diyos na isinasagawa ngayon ay hindi naaayon sa ating mga pagkaunawa at haka-haka, ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay mabuti, lahat ng ito ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at ang lahat ng ito ay naglalaman ng kagustuhan ng Diyos—may katotohanan na dapat hanapin sa loob nito. Kung wala tayong sapat na pagkaunawa, kailangang itabi muna natin ang ating sarili at magsikap na hanapin ang katotohanan upang matanggap natin ang paglilinaw ng Diyos at maintindihan ang Kanyang kagustuhan. Kapatid, pakiusap na buksan ang iyong puso at ibahagi ang anupamang hindi malinaw, at sabay nating hanapin sa pagbabahagi.” Pakiramdam ko’y may katuwiran ang sinabi ni Kapatid na Li at kailangan kong kumalma at maghanap, kaya sinabi ko: “Kapatid, may isang bagay na hindi ko maintindihan. Bakit ang huli nating hantungan ay hindi sa langit, kundi dito sa lupa?” Nahanap ni Kapatid na Li ang Juan 3:13 “At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga’y ang Anak ng tao, na nasa langit” at Isaias 66:1 “Ang langit ay aking luklukan, at ang lupa ay aking tungtungan,” at ibinigay niya sa akin ang mga bersong ito upang basahin. Pagkatapos ay ibinahagi niya ang kahulugan ng dalawang bersong ito. Biglang nagdala ng liwanag sa puso ko ang kanyang pagbabahagi—pamilyar na sa akin ang mga bersong ito mula sa Bibliya, kung gayon, bakit hindi ko ito pinag-isipan nang mabuti noon? Malinaw na sinabi ng Panginoong na maliban sa Anak ng tao na bumaba mula sa langit, walang tao na maaaring umakyat sa langit, sapagkat ang langit ay ang trono ng Diyos at ang lupa ang patungan ng paa ng Diyos, kung kaya’t paano magiging karapat-dapat ang tao na umakyat sa langit? Nilikha ng Diyos ang tao sa lupa at pinatira tayo sa lupa. Mula sa araw na nilikha ng Diyos ang tao, ang tao ay nabuhay at nagparami sa lupa, sa magkakasunod na salinlahing nagdaan. Lahat ng gawain ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan ay isinagawa rin sa lupa. Ito ay itinalaga na ng Diyos noong matagal na, at ito ay isang bagay na hindi maaaring baguhin ninuman. Nagpatuloy siya sa pagdugtong sa Bibliya sa kanyang pagbabahagi, kung paanong sinabi ng Panginoon na maghahanda Siya ng lugar para sa atin. Ipinaliwanag niya na ang tinutukoy nito ay ang pagpapakita ng Diyos na nagkatawang-tao at ang gawain sa lupa sa mga huling araw, at kung paanong itinakda Niya na tayo ay ipanganak sa mga huling araw, upang marinig natin ang salita ng Diyos, madala sa harap ng trono ng Diyos, tanggapin ang paghatol at paglilinis ng Diyos sa mga huling araw, at sa wakas ay maihatid sa kaharian ng Diyos. Ito ang totoong kahulugan ng mga salitang, “kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:3). Nakita kong ang kaharian ng Diyos ay aktwal na nasa lupa, at ang huling hantungan ng sangkatauhan ay sa lupa at hindi sa langit! Sa buong panahong iyon na nabubuhay ako sa loob ng sarili kong mga pagkaunawa at haka-haka, nilimitahan ko ang pagbabalik ng Diyos sa pagdala sa akin sa langit upang manirahan doon, ngunit hindi iyon naaayon sa kagustuhan ng Diyos, o sa mga katotohanan! Gayunpaman, hindi ako nakahandang mabuhay sa ganitong uri ng buhay sa lupa, dahil sa pagpapahirap ni Satanas. Pagkatapos ay ipinaliwanag ko kay Kapatid na Li ang mga nasa isip ko.

Pagkatapos niya akong pakinggan, binuksan ni Kapatid na Li ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, at binasa ang isang sipi mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos sa akin: “Ang pamumuhay sa pahinga ay nangangahulugan ng isang buhay na walang digmaan, walang dumi, at nang walang namamalaging kawalan ng katuwiran. Ibig sabihin, isa itong buhay na walang mga paggambala ni Satanas (ang salitang ‘Satanas’ dito ay tumutukoy sa mga kaaway na puwersa) at katiwalian ni Satanas, at ni hindi rin ito madalas salakayin ng anumang puwersang sumasalungat sa Diyos. Isa itong buhay kung saan ang lahat ay sinusundan kung ano ang kauri nito at maaaring sumamba sa Panginoon ng sangnilikha, at kung saan ang langit at lupa ay ganap na payapa—ito ang ibig sabihin ng mga salitang ‘tahimik na buhay ng mga tao.’ … Matapos pumasok sa pahinga ang Diyos at ang sangkatauhan, hindi na iiral pa si Satanas. Gayundin, titigil na rin sa pag-iral ang mga makasalanang taong ito. Bago magpahinga ang Diyos at ang sangkatauhan, ang mga makasalanang tao na minsang umusig sa Diyos sa lupa, pati na rin ang mga kaaway na sumuway sa Kanya doon, ay nawasak na rin. Napuksa na sila ng malalaking kalamidad ng mga huling araw. Sa sandaling lubusang mapuksa ang mga makasalanang taong ito, hindi na kailanman muling mababatid ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Doon lamang makakukuha ang sangkatauhan ng ganap na kaligtasan, at lubusang matatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga paunang kinakailangan upang makapasok sa pahinga ang Diyos at ang sangkatauhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama).

Sa pamamagitan ng pagbabasa ko sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos dumating ako sa pagkaunawa na, bagama’t patuloy tayong mabubuhay sa lupa, kapag natapos na ng Diyos ang huling yugto ng Kanyang gawain ng pagligtas sa sangkatauhan, masisira si Satanas, at sa ating mga buhay sa lupa, hindi na tayo kailanman guguluhin ni Satanas, at hindi na tayo kailanman magtatrabaho nang mabigat o mamimighati, at mawawala nang lahat ang mga luha at hinagpis. Magiging tulad ulit sa panahon nang nabuhay sila Adan at Eba sa Hardin ng Eden. Magiging malaya tayong sambahin ang Diyos, at magkakaroon tayo ng mga maganda at pinagpalang buhay kung saan kasama ng tao ang Diyos. Ito ang huling hantungan ng sangkatauhan, at ito ang panghuling gustong matapos ng Diyos sa Kanyang gawain sa mga huling araw. Ito’y tunay na napakadakila! Nang sandaling iyon, napabulalas ako: “Sino ang maaaring magpaliwanag nang napakalinaw tungkol sa huling hantungan ng sangkatauhan? Sino ang maaaring magsaayos sa kalalabasan ng sangkatauhan? Tanging ang Diyos ang makakagawa nito!” Nakilala ko ang tinig ng Diyos sa loob ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita ko na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita at gawain ng Diyos! Sa wakas ay naiwaksi ang mga pagkaunawa sa loob ko, at masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at sa gayo’y nagbalik sa harap ng trono ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagsunod sa mga Yapak ng Cordero

Ni Li Zhong, Tsina “Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundang mabuti ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang...