Kaya Kong Harapin nang Mahinahon ang mga Kakulangan Ko

Hunyo 26, 2024

Ni Zhao Chen, Tsina

Pautal-utal na akong magsalita mula pa noon. Kadalasan, hindi naman iyon sobrang lala, pero tuwing maraming taong nakapalibot, kinakabahan ako at nauutal na ako kapag nagsasalita. Nang nakita ng mga magulang ko na hindi matatas ang pagsasalita ko, sinabi nila, “Pwede bang magsalita ka nang mas mabagal? Wala namang puputol sa pagsasalita mo.” Dagok ito sa kumpiyansa ko sa sarili, at ayaw ko nang masyadong magsalita. Nang magsimula akong mag-aral, ganito rin ang nangyari. Kapag nagtatanong ang guro at pinasasagot ako, dahil kinakabahan ako, hindi ako makasagot sa mga tanong na alam ko ang sagot, at mas lumala pa ang pagkautal ko. Nagdulot itong gayahin ng mga estudyante ang pananalita ko. Noong nasa junior high ako, ako ang lider ng klase. Isang beses, nakita kong dumating na ang guro. Kinabahan ako, at nang pinatayo ko ang lahat, nautal na naman ako. Pagkarinig nila rito, nagtawanan nang malakas ang lahat ng kaklase at guro ko. Nadama kong wala akong mapagtaguan, at gusto kong magtago sa isang butas. Dahil sa nadarama kong pagiging mababa, halos hindi ako umalis ng bahay at halos hindi nagsasalita. Halos hindi na ko lumalabas ng bahay, at halos ayaw ko man lang magsalita. Pagkatapos kong manalig sa Diyos, napansin ng mga kapatid na nauutal ako at hindi masyadong nagbabahagi, kaya hinikayat nila ako, sinabing, “Huwag mong intindihin ang pagkautal mo. Magsalita ka lang nang mas mabagal pa; ayos lang iyon hangga’t naiintindihan namin.” Dahil sa panghihikayat ng mga kapatid, nagsimula akong isagawa ang pagbabahagi. Unti-unti, naging mas pamilyar na ako sa mga kapatid at hindi na ako kinakabahan kapag nagsasalita. Nang panahong iyon, nakadama ako ng kagaanan at kalayaan na hindi ko pa naranasan dati.

Gayunpaman, napansin ko na kapag nagtitipon at nagbabahagi, madalas akong tinatanong ng mga kapatid na, “Anong sinabi mo? Pwede mo bang ulitin pa? Hindi ko naintindihan.” Sa unang dalawang beses, hindi ko ito masyadong pinansin, pero dahil madalas kong naririnig na sinasabi nila ito, natakot akong mamaliitin nila ako, na sasabihin nilang matanda na ako pero nauutal pa rin ako, at na ni hindi ako makapagsalita nang malinaw. Naging masyado akong nerbiyoso kapag nagbabahagi, at dahil doon, mas lumala pa ang pagkautal ko. Talagang nahihiya ako, at nag-aalala akong iisipin ng mga kapatid na wala akong silbi, na wala akong pakinabang. Kaya, ayaw ko nang magsalita pa kapag makikipagtipon ako. Natatakot akong sasabihin ng mga kapatid na hindi ako nagsasalita nang malinaw, na hindi nila ako naiintindihan. Isang beses, nang nagtitipon kami at kumakain at umiinom kami ng mga salita ng Diyos, nagkamit ako ng kaunting kaalaman at gusto kong magbahagi, pero nang naisip ko ang pagkautal ko, hindi ako naglakas-loob na magbahagi nang nasa dulo na ng dila ko ang mga salita. Pakiramdam ko ay alien ako. Kaya ng mga kapatid na malinaw na bigkasin ang mga salita nila, pero paano naman ako? Hindi ko nga kayang magsalita nang malinaw; gugustuhin pa rin ba ng Diyos ang taong katulad nito? Unti-unti, mas lalong ayaw ko nang magsalita sa mga pagtitipon. Dati, nagkamit ako ng kaunting liwanag mula sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pero ngayon hindi ko kayang magbahagi ng kahit ano tungkol dito. Naging mabagal ang paglipas ng mga pagtitipon, at wala akong nakuhang pakinabang o kasiyahan mula sa mga iyon. Pakiramdam ko sa bawat pagtitipon ay nakatayo ako sa bitayan. Sa mga pagtitipon, hindi ako nagbabahagi maliban na lang kung kailanganin ko, at kung hindi talaga ako makatakas, atubili akong magbabahagi ng ilang salita lamang. Pakiramdam ko ay labis akong nasusupil at nasasaktan, at nagrereklamo pa nga ako tungkol sa Diyos at mali kong nauunawaan ang Diyos, iniisip na, “Bakit napakalinaw at matatas na nakakapagsalita ang ibang tao, samantalang bukod sa hindi ako matatas, nauutal pa ako? Paano ako makakapagsalita nang matatas gaya ng ibang kapatid para hindi ako pagtawanan ng ibang tao?”

Kalaunan, sa eleksyon ng iglesia, napili ako ng mga kapatid na maging lider. Naisip ko, “Kung gagampanan ko ang mga tungkulin ng lider, makikisalamuha ako sa mas maraming tao. Hindi ba’t ibig sabihin niyon ay mas maraming kapatid ang makakaalam na nauutal ako? Hindi bale na lang, hindi ko ito kaya; ayaw kong palaging ipahiya ang sarili ko.” Dahil doon, tinanggihan ko ang tungkulin. Kalaunan, nakipagbahaginan ang lider ko sa akin, at sa huli ay may pag-aatubili akong pumayag. Gayunpaman, dahil sa pagkautal ko, pakiramdam ko palagi ay mas mababa ako sa mga kapatid, at namuhay ako sa pagiging negatibo, hindi ako makawala. Araw-araw, pakiramdam ko ay wala akong sigla. Hindi ako makahugot ng anumang lakas sa mga pagtitipon, at ayaw kong magbahagi. Minsan, kapag nahihirapan ang mga kapatid, nauunawaan ko sa puso ko kung paano nila dapat lutasin ang mga iyon, pero natatakot ako dahil baka magsimula akong mautal kapag nagsalita ako at hahamakin nila ako, kaya ayaw kong magbahagi. Sinabi ko na lang sa sister na naging katuwang ko ang tungkol sa mga problema at siya na ang pinalutas ko ng mga iyon. May isang sister na nakakita na hindi ako nagbabahagi sa mga pagtitipon at tinanong niya ako kung anong problema, at sinabi ko sa kanya ang kalagayan ko ng pagkadama ng kababaan dahil sa aking pagkautal. Hinikayat ako ng sister na ito, sinabing, “Lahat ng tao ay may kakulangan, pero hindi naaapektuhan ng mga iyon ang ating paghahangad sa katotohanan. Ang pagkautal mo ay dahil sa kaba. Mas magtiwala ka sa Diyos kapag nagsasalita ka, at huwag kang mabalisa. Kung magsasalita ka nang mas mabagal, mauunawaan ng mga kapatid.” Nang marinig ko ang mga salitang ito ng sister, mas gumaan nang kaunti pa ang pakiramdam ko. Ginamit ng Diyos ang sister na ito para tulungan ako, at hindi dapat ako magpatuloy na maging negatibo dahil sa pagkautal ko. Handa akong baguhin ang kalagayan ko at harapin ang mga kakulangan ko.

Kalaunan, nagbahagi rin sa akin ang iba pang mga sister. Nabatid kong kinakabahan ako kapag nakikisalamuha sa iba dahil takot akong sabihin ng mga tao na hindi maganda ang pagbabahagi ko. Lahat ng ito ay dahil sa pag-aalala ko na mapahiya. Dinala ko ang kalagayan ko sa harap ng Diyos at nagdasal ako, hinihinging gabayan Niya akong maunawaan ang problema kong ito. Isa araw, sa oras ng aking espirituwal na debosyon, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa halip na hanapin ang katotohanan, karamihan sa mga tao ay may kani-kanilang sariling mga adyenda. Napakahalaga para sa kanila ng sarili nilang mga interes, reputasyon, at ang posisyon o katayuang pinanghahawakan nila sa isip ng ibang tao. Ang mga bagay na ito lamang ang pinakaiingat-ingatan nila. Napakahigpit ng pagkapit nila sa mga bagay na ito at itinuturing ang mga ito bilang kanilang sariling buhay. At hindi gaanong mahalaga sa kanila kung paano sila ituring o itrato ng Diyos; sa ngayon, binabalewala nila iyon; sa ngayon, isinasaalang-alang lamang nila kung sila ang namumuno sa grupo, kung mataas ba ang tingin sa kanila ng ibang tao, at kung matimbang ba ang kanilang mga salita. Ang una nilang inaalala ay ang pag-okupa sa posisyong iyon. Kapag sila ay nasa isang grupo, ang ganitong uri ng katayuan, at ganitong mga uri ng oportunidad ang hanap ng halos lahat ng tao. Kapag masyado silang talentado, siyempre gusto nilang maging pinakamataas sa grupo; kung medyo may abilidad naman sila, gugustuhin pa rin nilang humawak ng mas mataas na posisyon sa grupo; at kung mababa ang hawak nilang posisyon sa grupo, pangkaraniwan lamang ang kakayahan at mga abilidad, gugustuhin din nilang maging mataas ang tingin sa kanila ng iba, hindi nila gugustuhing maging mababa ang tingin sa kanila ng iba. Sa reputasyon at dignidad nagtatakda ng limitasyon ang mga taong ito: Kailangan nilang panghawakan ang mga bagay na ito. Maaaring wala silang integridad, at hindi nila taglay ang pagsang-ayon ni pagtanggap ng Diyos, pero hinding-hindi maaaring mawala sa kanila ang respeto, katayuan, o paggalang na hinahangad nila mula sa iba—na siyang disposisyon ni Satanas. Pero walang kamalayan ang mga tao tungkol dito. Ang paniniwala nila ay dapat silang kumapit sa kapirasong reputasyong ito hanggang sa pinakahuli. Wala silang kamalay-malay na kapag ganap na tinalikdan at isinantabi ang mga walang kabuluhan at mabababaw na bagay na ito saka lamang sila magiging totoong tao. Kung iniingatan ng isang tao ang mga bagay na ito na dapat iwaksi bilang buhay, mawawala ang kanyang buhay. Hindi nila alam kung ano ang nakataya. Kaya, kapag kumikilos sila, lagi silang may reserbasyon, lagi nilang sinusubukang protektahan ang sarili nilang reputasyon at katayuan, inuuna nila ang mga ito, nagsasalita lamang para sa kanilang sariling kapakinabangan, upang huwad na ipagtanggol ang kanilang sarili. Lahat ng ginagawa nila ay para sa kanilang sarili. Sumusugod sila agad sa anumang bagay na nagniningning, ipinapaalam sa lahat na naging kabahagi sila nito. Ang totoo, wala naman itong kinalaman sa kanila, subalit ayaw na ayaw nilang mapag-iwanan, lagi silang natatakot na hamakin ng ibang tao, lagi silang nangangamba na sabihin ng ibang tao na wala silang kuwenta, na wala silang anumang kayang gawin, na wala silang kasanayan. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay kontrolado ng kanilang mga satanikong disposisyon? Kapag nagagawa mong bitiwan ang mga bagay na gaya ng reputasyon at katayuan, higit na mas magiging panatag at malaya ka; matatahak mo ang landas ng pagiging tapat. Ngunit para sa marami, hindi ito madaling makamit. Kapag lumitaw ang kamera, halimbawa, hindi magkamayaw sa pagpunta sa harapan ang mga tao; gusto nilang nakikita ang kanilang mukha sa kamera, mas matagal na makuhanan, mas mabuti; takot silang hindi makuhanang mabuti, at magsasakripisyo nang husto para sa pagkakataong makuha ito. At hindi ba ito kontrolado lahat ng kanilang mga satanikong disposisyon? Ito ang mga sataniko nilang disposisyon. Nakuhanan ka na—ano na ngayon? Mataas na ang tingin sa iyo ng mga tao—ano naman ngayon? Iniidolo ka nila—ano naman ngayon? Pinatutunayan ba ng anuman dito na mayroon kang katotohanang realidad? Walang anumang halaga ang mga ito. Kapag kaya mong mapagtagumpayan ang mga bagay na ito—kapag wala ka nang pakialam sa mga ito, at hindi mo na nararamdamang mahalaga ang mga ito, kapag hindi na nakokontrol ng reputasyon, banidad, katayuan, at paghanga ng mga tao ang iyong mga saloobin at pag-uugali, lalong-lalo na kung paano mo gampanan ang iyong tungkulin—kung gayon, lalong magiging epektibo, at mas dalisay ang pagganap mo sa iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Nang makita ko ang inilantad ng Diyos, naunawaan kong anuman ang kakayahan nila, gusto ng lahat ng tao na magkaroon ng lugar sa puso ng iba at ayaw nilang hamakin sila ng iba. Kahit pa may problema ako sa pagkautal, ayaw kong hamakin ako ng iba. Dahil hindi ako malinaw magsalita, kapag tinatanong ako ng mga kapatid kung ano ang sinabi ko sa pagbabahagi, inaakala kong hinahamak nila ako. Dahil dito, pakiramdam ko ay mas mababa ako, at naging masyado pa nga akong negatibo na ayaw ko nang gawin ang tungkulin ko. Masyado kong inalala ang kahihiyan! Mula pa noong bata ako, dahil sa pagtanggap ko ng pagkalinga mula sa mga magulang ko at ng edukasyon mula sa aking paaralan, ang mga satanikong lason tulad ng “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito” at “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad” ay nag-ugat na sa puso ko. Dahil dito, mali kong inakala na dapat protektahan ng mga tao ang pagpapahalaga nila sa sarili at huwag hayaang maliitin sila ng iba. Nang makisalamuha ako sa mga walang pananampalataya, pinagtawanan nila ako dahil sa pagkautal ko. Para hindi ako maliitin ng iba, hindi ako lumabas ng bahay o nagsalita maliban na lang kung kailanganin ko. Magsalita man ako, dalawang parirala lang, o ngingiti at tatango lang ako. Kung, kapag nakikisalamuha ako sa mga kapatid ay marami akong sinasabi at nagsisimula akong mautal, maghahaka-haka ako sa utak ko, iisipin na, “Ano na lang ang iisipin nila sa akin? Ano ang sasabihin nila sa akin?” Palagi kong iniisip na minamaliit ako ng lahat, at namumuhay ako nang may matinding pasakit at paniniil. Kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, nagkakamit ako ng kaunting pagkaarok at pagkaunawa, pero natatakot akong mauutal ako kapag nagbabahagi at na mamaliitin ako ng mga kapatid, kaya hindi ako nagbabahagi. Hindi makatwiran ko ring iginiit sa Diyos na alisin ang pagkautal ko, at ginamit ko pa ito bilang dahilan para hindi ko gawin ang tungkulin ko. Kapag nahihirapan ang mga kapatid, hindi ako nagbabahagi at tumutulong sa kanila para lutasin ang mga iyon; hindi ko natupad ang mga tungkulin na dapat gawin ng isang nilikha. Wala akong kahit anong katwiran; kumakalaban at naghihimagsik ako laban sa Diyos. Kahit pa tingalain ako ng iba, at magtamasa ako ng nakamamanghang reputasyon, ano naman ang mangyayari? Hindi ito magdadala ng pagbabago sa aking buhay disposisyon, at pag-aalalahanin lamang ako nito sa kung paano maaapektuhan ng mga bagay-bagay ang prestihiyo ko at mas ilalayo ako nito sa Diyos. Sa huli, itataboy at ititiwalag ako ng Diyos. Nang mapagtanto kong ang pagprotekta sa pagpapahalaga ko sa aking sarili ay magdudulot ng matinding pinsala, hindi ko na isinaalang-alang pa ang iisipin ng mga kapatid sa akin. Inisip ko na lamang kung paano gagawin nang maayos ang tungkulin ko.

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa ilang sitwasyon, may mga problema na hindi mo magagawang lampasan, tulad ng pagiging madaling kabahan kapag kausap ang ibang tao. Maaaring mayroon kang sariling mga ideya at pananaw kapag nahaharap sa mga sitwasyon, pero hindi mo kayang ipahayag nang malinaw ang mga ito. Lalo kang kinakabahan kapag maraming tao sa paligid; hindi malinaw ang iyong pagsasalita at nanginginig ang iyong mga labi. Ang ilan sa inyo ay nauutal pa nga; para sa iba naman, kung may mga miyembro ng kabilang kasarian sa paligid, lalong hindi kayo nakakapagsalita nang malinaw, sadyang hindi ninyo alam kung ano ang sasabihin o gagawin. Madali bang malampasan ang gayong sitwasyon? (Hindi.) Sa loob ng maikling panahon, kahit papaano, hindi madali para sa iyo na malampasan ang isyung ito dahil parte ito ng iyong likas na kalagayan. Kung pagkatapos ng ilang buwan ng pagsasagawa ay kinakabahan ka pa rin, ang kaba ay nagiging presyur, na negatibong nakakaapekto sa iyo dahil natatakot kang magsalita, makipagkita sa mga tao, dumalo sa mga pagtitipon, o magbigay ng sermon dahil dito, at maaaring madaig ka ng mga takot na ito; sa gayong mga kaso, hindi mo kailangang subukang lampasan ang paghihirap na ito. … Samakatuwid, kung hindi mo kayang lampasan ang isyung ito sa loob ng maikling panahon, huwag mo itong problemahin, huwag makipaglaban dito, at huwag hamunin ang iyong sarili. Siyempre, kahit hindi mo malampasan ito, hindi ka dapat maging negatibo. Kahit hindi mo ito kailanman malampasan sa buong buhay mo, hindi ka kokondenahin ng Diyos, dahil hindi ito pagpapamalas ng iyong tiwaling disposisyon. Ang iyong pagkatakot sa harap ng mga tao, ang iyong nerbiyos at takot, ang mga pagpapamalas na ito ay hindi sumasalamin sa iyong tiwaling disposisyon; ang mga ito man ay likas sa iyo o dulot ng kapaligiran sa buhay kalaunan, sa pinakamalala, ito ay isang depekto, isang kapintasan ng iyong pagkatao. Kung hindi mo ito mababago pagkalipas ng mahabang panahon, o maging sa buong buhay mo, huwag mo itong pakaisipin, huwag hayaang pigilan ka nito, at hindi ka rin dapat maging negatibo dahil dito, dahil hindi mo ito tiwaling disposisyon; walang silbi na subukang baguhin o labanan ito. Kung hindi mo ito kayang baguhin, tanggapin mo ito, hayaan itong umiral, at ituring ito nang tama, dahil maaari kang umiral kasama ng depektong ito, ng kapintasang ito; ang pagkakaroon mo nito ay hindi nakakaapekto sa iyong pananampalataya sa Diyos, sa iyong pagsunod sa Diyos. Hangga’t kaya mong tanggapin ang katotohanan, maaari ka pa ring mamuhay nang normal, maaari ka pa ring maligtas; hindi ito nakakaapekto sa iyong pagtanggap sa katotohanan at sa iyong kaligtasan. Samakatuwid, hindi ka dapat madalas na mapigilan ng isang partikular na depekto o kapintasan sa iyong pagkatao, hindi ka rin dapat maging negatibo at panghinaan ng loob, o bumitiw pa nga sa iyong tungkulin at sa paghahangad sa katotohanan, at mawalan ng pagkakataong maligtas, dahil sa parehong dahilan. Ito ay lubos na hindi sulit; iyan ang gagawin ng isang hangal at mangmang na tao(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan II. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 3). Katulad ako ng kung ano ang sinabi ng mga salita ng Diyos. Sa buong buhay ko, dahil sa problema ko sa pagkautal, nababalisa ako tuwing maraming taong nakapalibot sa akin, na nagdudulot ng pagkautal ko. Kapag minamaliit ako ng mga tao, nasasaktan nila ang pagpapahalaga ko sa sarili, at gusto kong baguhin ang pagkautal ko gamit ang sarili kong pamamaraan. Pero hindi nangyari ang gusto ko, na nagdulot na lalo akong maging negatibo, at sa huli ayaw ko na ngang gawin ang tungkulin ko. Nagreklamo pa nga akong hindi ako tinulungan ng Diyos na ayusin ang pagkautal ko. Ngayon, nauunawaan ko na, na ang pagkautal ko ay isang bagay na likas na, at hindi ko ito mapagtatagumpayan dahil lang gusto ko. Hindi dapat ipag-alala ang pagkautal; hindi ito isang tiwaling disposisyon at hindi ito nakakasagabal sa paghahangad ko sa katotohanan. Kakulangan lang ito na mayroon ako, at ayos lang iyon basta’t tingnan ko ito nang tama. Kung hindi nauunawaan ng mga kapatid ang sinasabi ko at nagmumungkahi sila, kailangan ko itong harapin nang mahinahon at sabihin muli ang mga salita o magsalita nang mas mabagal. Hindi ako dapat gawing masyadong negatibo ng pagkautal ko na hindi ko na nagagawa ang tungkulin ko. Sa madaling salita, hindi dapat mag-alala ang isang tao sa mga kakulangan niya. Dapat niyang pagtagumpayan ang mga iyon kung kaya niya, at kung hindi naman, dapat niyang mahinahong harapin ang kanyang problema, patuloy na magbahagi at gawin ang tungkulin niya sa paraang dapat niyang gawin. Hindi kailangang mapigilan ng pagkautal. Dati, hindi ko nagawang tingnan nang tama ang isyu ng pagkautal ko. Naniwala akong ang pagkautal ko ay nangangahulugang wala akong silbi at isa akong pabigat, na hindi ko magampanan ang tungkulin ko, at na ayaw ng Diyos sa taong tulad ko. Pero sa buong panahong ito, hindi ako pinagkaitan ng iglesia ng karapatang gawin ang tungkulin ko dahil sa pagkautal ko. Ako ang siyang hindi kayang tingnan nang tama ang kakulangan ko, palaging nakikipaglaban dito. Kapag hindi ko ito mapagtagumpayan, nagiging negatibo ako at nagrereklamo ako. Sa katunayan, noong hindi ko sinasadyang baguhin ang pagkautal ko at nagsasalita ako nang mas mabagal, nauunawaan ako ng mga kapatid at normal kong nagagawa ang tungkulin ko. Hindi ito katulad ng inakala ko, na hindi ko magagawa ang tungkulin ko dahil sa pagkautal ko. Sa buong buhay ko, palagi akong naapektuhan ng pagkautal ko. Pinagtawanan ako ng mga kaklase ko at ayaw sa akin ng mga magulang ko. Ang nakuha ko lang ay pagtanggi at diskriminasyon, at namuhay ako na may napakababang pagpapahalaga sa sarili. Gayunpaman, pagkatapos kong manalig sa Diyos, ginamit ng Diyos ang mga kapatid para tulungan at hikayatin ako, at ginamit Niya ang mga salita Niya para gabayan ako noong negatibo at nasasaktan ako, na tinulutan akong makaahon mula sa pagkanegatibong ito. Ngayon ay malalim ko nang nauunawaan mula sa karanasan na ang Diyos ang Siyang pinakanagmamahal sa tao. Pero palagi ako noong nagrereklamo tungkol sa Diyos at mali kong nauunawaan ang Diyos; malaki ang pagkakautang ko sa Kanya. Nang inisip ko ito, lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “Diyos ko! Mula sa mga salita Mo, naunawaan ko na hindi dapat ipag-alala ang mga kakulangan, ni nangangahulugan itong hindi ko magagawa ang tungkulin ko. Handa akong tingnan ang mga kakulangan ko nang may mahinahong mentalidad, magpasakop sa Iyong mga pamamatnugot at pagsasaayos, gampanan nang maayos ang tungkulin ko, at mapalugod Ka.”

Isang araw, sa aking espirituwal na debosyon, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dapat bitiwan ng mga tao ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito tungkol sa gawain ng Diyos. Pagdating sa mga detalye, paano ito dapat isagawa? Huwag maghangad ng matataas na kaloob o talento, at huwag maghangad na baguhin ang iyong sariling kakayahan o likas na gawi, bagkus, sa ilalim ng iyong kasalukuyang kakayahan, mga abilidad, mga likas na gawi, at iba pa, gawin mo ang iyong tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos, at gawin ang bawat bagay ayon sa hinihingi ng Diyos. Hindi humihingi ang Diyos nang lampas sa iyong mga abilidad o kakayahan—hindi mo rin mismo dapat gawing mahirap ang mga bagay-bagay. Dapat mong gawin ang iyong makakaya batay sa nalalaman mo at kaya mong matamo, at dapat kang magsagawa ayon sa kung ano ang makakaya ng iyong kalagayan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan II. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 3). “Kung normal ang katwiran ng iyong pagkatao, dapat mong tulutan ang iyong sarili na magkaroon ng mga depekto at kapintasan; ang pagtanggap sa mga ito ay pagpapatawad sa iyong sarili at pagbibigay rin ng pagkakataon sa iyong sarili. Ang pagtanggap sa mga ito ay hindi nangangahulugang napipigilan ka ng mga ito, ni ibig sabihin na madalas kang negatibo dahil sa mga ito, bagkus, ibig sabihin nito ay hindi ka napipigilan ng mga ito, kinikilala mo na isa ka lang ordinaryong miyembro ng tiwaling sangkatauhan, na may sariling mga kapintasan at depekto, walang maipagmamalaki. Ang Diyos ang Siyang nag-aangat sa mga tao para magawa nila ang kanilang tungkulin; ang Diyos ang Siyang nag-aangat sa mga tao, na may layuning isagawa ang Kanyang salita at buhay sa loob nila, upang tulutan silang makamit ang kaligtasan; ang Diyos ang Siyang nag-aangat sa mga tao, na may layuning iligtas ang mga tao mula sa impluwensiya ni Satanas. Lahat ay may mga kapintasan at depekto; dapat mong hayaang umiral kasama mo ang iyong mga kapintasan at depekto, huwag iwasan ang mga ito, pagtakpan ang mga ito, at madalas makaramdam ng pang-aapi sa loob-loob mo, o palaging makaramdam pa nga ng pagiging mas mababa. Hindi ka mas mababa; kung nagagawa mo ang iyong tungkulin nang buong puso, buong lakas, at buong isipan, sa abot ng iyong makakaya, at mayroon kang taos na puso, kung gayon, ikaw ay kasinghalaga ng ginto sa presensiya ng Diyos. Kung hindi mo kayang magbayad ng halaga sa paggawa ng iyong tungkulin, at wala kang katapatan, kung gayon, kahit na mas mahusay ka kaysa sa pangkaraniwang tao, hindi ka mahalaga sa presensiya ng Diyos, ni hindi ka nagkakahalaga nang katumbas sa isang butil ng buhangin(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan II. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 3). Dahil sa pagbabasa sa mga salita ng Diyos, naging malinaw ang lahat. Ang bawat tao ay may mga kakulangan at kapintasan. Ang pagkakaroon ng kahinaan ay hindi isang problema, at dapat matutuhan ng isang tao na bitiwan ito at tingnan ito nang tama. Ang problema ko sa pagkautal ay inorden ng Diyos, at hindi ko kailangang pahirapan ang sarili ko sa pamamagitan ng palaging pagtatangkang baguhin ito. Sapat na para sa akin na magkaroon ng isang dalisay at matapat na puso at na ibuhos ang lahat ng mayroon ako para maayos na gawin ang tungkulin ko. Dati, palagi akong takot na kapag nautal ako kapag nagsasalita, mamaliitin ako ng mga kapatid, kaya ginusto kong alisin ang problemang ito ng pagkautal. Ngayon, kinailangan kong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos at tingnan nang tama ang mga kakulangan ko. Naalala ko ang karanasan ng isang sister na narinig ko noon. May problema rin siya sa pagkautal na mas malala kaysa sa akin, palagi siyang nauutal kapag nagsasalita, at mahirap maintindihan ang sinasabi niya. Noong panahong iyon, may isang iglesia na nagdurusa dahil sa mga pag-aresto ng Partido Komunista, at ang lahat ng gawain nila ay nakahinto. Hindi naglakas-loob ang mga kapatid na pumunta roon, pero nanguna ang sister na ito at nagboluntaryong pumunta at tulungang suportahan ang iglesia. Inisip ng ilang tao, “Kung hindi nga siya makapagsalita nang malinaw, talaga bang masusuportahan niya sila?” Gayunman, hindi napigilan ng pagkautal niya ang sister na ito. Nang makarating siya sa iglesia, ipinaalam sa kanya ng lider ang sitwasyon. Nakita niyang ang lahat ng kapatid ay nabubuhay sa pagiging kimi, at nakipagbahaginan siya sa kanila nang isa-isa. Dahil nakita ng lider na hindi masyadong malinaw magsalita ang sister, nagkusa ang lider na sumama sa pagbabahagi. Dahil sa sister na ito na tinitingnan at pinangangasiwaan nang detalyado ang gawain, nagkaroon ng pagpapahalaga sa pasanin ang mga lider at manggagawa, at nagsimulang normal na gawin ng mga kapatid ang mga tungkulin nila. Kahit na nauutal ang sister na ito kapag nagsasalita siya, hindi siya napigilan nito at nagkaroon pa rin siya ng mga resulta sa tungkulin niya. Dapat akong maging katulad ng sister na ito at dapat kong gawin ang tungkulin ko nang may tapat na puso. Sa ganitong paraan, magiging madaling matanggap ang paggabay ng Diyos. Pagkatapos itong maunawaan, alam ko nang hindi ako dapat matakot dahil may mga kakulangan ako. Ang mahalaga ay ang harapin ang mga iyon nang tama at kumilos sa abot ng makakaya ng mga abilidad ko ayon sa kung ano ang makakamit ko sa aking kakayahan.

Ngayon, kapag nagsasakatuparan ako ng gawain at nakikipagbahaginan sa mga kapatid upang lutasin ang mga kalagayan nila, hindi na ako napipigilan ng aking pagkautal. Kahit kaninumang problema ang matuklasan ko, pinupungusan ko sila kung kinakailangan at nagbabahagi ako para tulungan sila kung naaangkop. Kapag nagbabahagi ako, humahanap ako ng mga naaangkop na salita ng Diyos para lutasin ang mga problema nila batay sa mga karanasan ko mismo, nagbabahagi ng anumang pagkaunawang nakamit ko mula sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Minsan, nababahala ako at nauutal ako, kaya tahimik akong nagdarasal sa Diyos sa puso ko, hinihinging gabayan Niya akong huwag mapigilan ng aking pagpapahalaga sa sarili. Pagkatapos, mas mabagal akong nagsasalita para maunawaan ako ng mga kapatid, at para maisakatuparan ko nang malinaw ang gawain. Kapag napansin ng mga kapatid na nauutal ako, hindi nila ako minamaliit gaya ng inaakala ko, at sinasabi pa nga nilang nakakita sila ng kaunting landas mula sa pagbabahagi ko. Minsan, kapag sinusubaybayan ng mga nakakataas na lider ang gawain ko at kinakabahan ako at nagsisimulang mautal, mahinahon kong hinaharap ang kapintasang ito at nawawala ang kaba ko kapag nagsasalita ako.

Sa lahat ng taong ito, palagi akong ginigipit ng pagkautal ko. Nadama kong labis akong mababa at nasisiil. Sa buong paglalakbay na ito, malalim kong naunawaan na hindi pinahahalagahan ng Diyos kung mukha bang magaling magsalita ang isang tao. Ang gusto Niya ay magkaroon tayo ng dalisay at matapat na puso. Anuman ang kakulangan ng isang tao sa panlabas, basta’t maibubuhos niya ang lahat-lahat niya sa paggawa ng kanyang tungkulin, naaayon siya sa layunin ng Diyos. Gaya nga ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Lahat ay may mga kapintasan at depekto; dapat mong hayaang umiral kasama mo ang iyong mga kapintasan at depekto, huwag iwasan ang mga ito, pagtakpan ang mga ito, at madalas makaramdam ng pang-aapi sa loob-loob mo, o palaging makaramdam pa nga ng pagiging mas mababa. Hindi ka mas mababa; kung nagagawa mo ang iyong tungkulin nang buong puso, buong lakas, at buong isipan, sa abot ng iyong makakaya, at mayroon kang taos na puso, kung gayon, ikaw ay kasinghalaga ng ginto sa presensiya ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan II. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 3).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Kung Bakit Napakayabang Ko Noon

Ni Chengxin, Timog Korea Isang araw, binanggit sa akin ng dalawang lider ng iglesia ang isang isyu. Sinabi nila na si Isabella, na siyang...

Pagkalas sa mga Buhol ng Puso

Ni Chunyu, Tsina Nangyari ’yon nung nakaraang tagsibol habang nasa tungkuling pang-ebanghelyo ako sa iglesia. Noong panahong ’yon, nahalal...