Paano Ko Nalunasan ang Aking Pagsisinungaling

Enero 26, 2022

Ni Marinette, France

Dati, nagsisinungaling at nagpapalakas ako sa mga tao nang hindi nagdadalawang-isip dahil takot akong mabigo o mapasama ang loob ng mga tao sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanan. Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw noong Nobyembre 2018, at nalaman ko mula sa Kanyang mga salita na namumuhi Siya sa mga di-tapat at sa mga mapanlinlang na tao at gusto Niya ang mga dalisay at matatapat na tao. Nagpasya akong isagawa ang mga salita ng Diyos at maging matapat na tao, at matapos ang kaunting pagsasagawa, matapat na akong nakakapagsalita sa halos lahat ng pagkakataon. Halimbawa, noong dapat akong magbayad ng mahigit €50 para sa gamot ko pero nagkamali ng bilang ang parmasyutiko at kalahati lang ang kinuha nito, ipinaalam ko sa kanya ang pagkakamali nang hindi na nag-iisip. Pero mas mahirap maging tapat kapag apektado ng isang bagay ang reputasyon o mga pansariling interes ko.

Isang hapon, nang iidlip pa lamang ako, bigla akong pinadalhan ng mensahe ng kapartner kong si Sister Susan na nagsasabing gusto niyang makipag-usap tungkol sa trabaho namin. Hindi ako masyadong natuwa na makita ang mensahe niya dahil sobra akong abala, kulang pa ako sa tulog, pagod, at ayaw kong pag-usapan ang anumang bagay. Nang mga oras na iyon, wala akong maisip kundi na gusto kong magpahinga, pero hindi ako nangahas na tahasang sabihin ito kay Susan dahil natakot ako na baka isipin niyang tamad ako at labis na inaalala ang pisikal na ginhawa, at na maging masama ang tingin niya sa akin. Kaya para sa kapakanan ng imahe ko, sinabi ko na lang sa kanya na, “Pasensya ka na, may mahalaga akong lakad. Kailangan kong pumunta sa doktor.” Lumabas na lang ang kasinungalingan sa bibig ko nang ni hindi ko ito pinag-iisipan. Matapos kong magsinungaling kay Susan, labis akong nakonsiyensiya kung kaya’t hindi rin ako nakapagpahinga man lang, at hindi maganda ang naging pakiramdam ko sa buong panahong iyon. Gusto ng Diyos ang matatapat na tao. Paano ko nagawang magsinungaling nang basta-basta? Paano ako mapagkakatiwalaan kung gayon? Alam kong ang pagsisinungaling para sa pisikal kong kaginhawahan ay hindi tama, na hindi ito magugustuhan ng Diyos, at na dapat kong unahin ang gawain ng iglesia. Agad akong nakipag-usap kay Susan. Tinanong niya ako kung nakabalik na ba ako mula sa lakad ko. Hindi ko gusto na magmukhang masama sa kanya at maisip niya na isa akong mapanlinlang na tao, kaya hindi ko sinabi sa kanya ang totoo at nagpatuloy na lang akong magsinungaling, at sinabing: “Biglang nagkansela iyong doktor ko, kinailangan niyang pumunta sa vaccine clinic.” Pagkatapos ay napunta sa trabaho ang aming pag-uusap, pero pakiramdam ko ay para akong inakusahan. Nagsinungaling ako sa kanya, tapos ay hindi ko ito inamin, kundi patuloy akong nagsinungaling. Nakita ko kung gaano kalala ang satanikong disposisyon ko at ikinahiya ko ang sarili ko. Halos hindi ko siya matingnan sa mata. Kaya agad-agad akong lumapit sa harapan ng Diyos para pagnilayan ang aking sarili, at sa aking pagninilay, napagtanto kong sobra akong naging tuso sa buhay. Minsan tinanong ako ng isang lider kung ipinaalam ko kay Sister Joey ang tungkol sa pagtitipon sa gabing iyon. Napagtanto ko noon na hindi ko nagawa iyon, pero hindi ko sinabi sa lider ang totoo, sa kagustuhan kong protektahan ang imahe ko sa kanya. Nagsinungaling ako, sinabing ipinaalam ko na ito kay Joey kani-kanina lang. Pagkatapos ay nagpadala agad ako ng mensahe kay Joey na nagsasabi sa kanya tungkol sa pagtitipon. At saka, karaniwang lumalabas ako upang mag-grocery tuwing Biyernes ng umaga, kaya hindi ako makakadalo sa anumang biglaang pagtitipon noon. Pero hindi ako nagsabi ng totoo, at sinabi ko sa lider ko na may isa pa akong pagtitipon, o appointment, kung kaya hindi ako makakapunta. Pinapaikot ko ang mga bagay-bagay, nagiging tuso at mapanlinlang para lang maprotektahan ang maganda niyang tingin sa akin at magawa ang lider na isiping abala ako sa tungkulin ko sa lahat ng oras. Nakita kong malayong-malayo ako sa mga hinihingi ng Diyos para sa katapatan. Kaya nagdasal ako, “Makapangyarihang Diyos, talagang nagsisisi po ako sa aking pagsisinungaling at panlilinlang. Sadyang hindi ko po mapigilan ang sarili kong magsinungaling para mapangalagaan ang magandang tingin ng ibang tao sa akin. Hindi po talaga ako matapat na tao. Diyos ko, gabayan Mo po ako at tulungan Mo po akong maunawaan ang katotohanan, para makalaya ako mula sa katiwaliang ito.”

Isang araw, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Sa kanilang pang-araw-araw na buhay, madalas na ang mga sinasabi ng mga tao ay walang kabuluhan, mga kasinungalingan, at mga bagay na kamangmangan, kahangalan, at depensibo. Sinasabi nila ang karamihan sa mga bagay na ito dahil sa banidad at pride, upang bigyan ng kasiyahan ang mga sarili nilang ego. Inihahayag ng pagsasalita nila ng gayong mga kasinungalingan ang mga tiwaling disposisyon nila. Kung lulutasin mo ang mga tiwaling elementong ito, madadalisay ang puso mo, at unti-unti kang magiging mas malinis at tapat. Sa katotohanan, alam ng mga tao kung bakit sila nagsisinungaling. Dahil sa pansariling pakinabang at kayabangan, o para sa banidad at katayuan, sinusubukan nilang makipagkumpetensya sa iba at magpanggap. Gayunman, sa huli, ang kasinungalingan nila ay ibinubunyag at inilalantad ng iba, at napapahiya sila, at nasisira ang dignidad at karakter nila. Ang lahat ng ito ay dulot ng sobra-sobrang kasinungalingan. Masyado nang dumami ang mga kasinungalingan mo. Ang bawat salitang sinasabi mo ay may halo na at hindi sinsero, at ni isa ay hindi maituturing na totoo o tapat. Kahit na hindi mo nararamdamang napahiya ka kapag nagsisinungaling ka, sa kaibuturan, nakakaramdam ka ng kahihiyan. Inuusig ka ng konsensiya mo, at mababa ang pagtingin mo sa sarili mo, iniisip na, ‘Bakit nabubuhay ako nang kahabag-habag? Ganoon ba kahirap ang magsalita ng katotohanan? Kailangan bang magsinungaling ako para sa pride ko? Bakit sobrang nakakapagod ang buhay ko?’ Hindi kailangang mamuhay nang nakakapagod. Kung makakapagsagawa ka bilang isang tapat na tao, magagawa mong mamuhay nang maluwag, malaya, at libre. Gayunman, pinili mong itaguyod ang pride at banidad mo sa pamamagitan ng pagsisinungaling. Bunga nito, nakakapagod at miserable ang pag-iral mo, na ikaw mismo ang may gawa. Maaaring magkaroon ng pakiramdam ng pagmamalaki ang isang tao sa pamamagitan ng pagsisinungaling, ngunit ano ba ang pakiramdam ng pagmamalaki? Ito ay isang bagay na walang kabuluhan at ganap na walang halaga. Ang pagsisinungaling ay nangangahulugan ng pagkakanulo ng iyong karakter at dignidad. Tinatanggalan nito ng dignidad at karakter ang isang tao, at nayayamot at nasusuklam ang Diyos dito. Ito ba ay kapaki-pakinabang? Hindi. Ito ba ang tamang landas? Hindi. Ang mga taong madalas na nagsisinungaling ay namumuhay alinsunod sa mga satanikong disposisyon nila; namumuhay sila sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Hindi sila namumuhay sa liwanag, ni hindi rin sila namumuhay sa presensya ng Diyos. Palagi mong iniisip kung paano magsisinungaling at pagkatapos mong magsinungaling, kailangan mong mag-isip kung paano pagtatakpan ang kasinungalingang iyon. At kapag hindi mo napagtakpan nang maayos ang kasinungalingang iyon at ito ay nabunyag, kailangan mong pigain ang iyong utak upang subukang ituwid ang mga kontradiksyon at gawin itong kapani-paniwala. Hindi ba’t nakakapagod ang mabuhay nang ganito? Nakakapagod. Sulit ba ito? Hindi, hindi ito sulit. Ang pagpiga sa iyong utak upang magsabi ng mga kasinungalingan at pagkatapos ay pagtatakpan ang mga ito, lahat para sa kapakanan ng pride, banidad, at katayuan, anong kabuluhan nito? Sa panghuli, nagninilay-nilay ka at iniisip mo, ‘Ano ang punto ng pagsisinungaling? Masyadong nakakapagod ang pagsisinungaling at ang pangangailangang pagtakpan ang mga ito. Hindi uubra na kumikilos ako sa ganitong paraan; mas magiging madali kung magiging matapat na lang ako na tao.’ Ninanais mong maging isang tapat na tao, ngunit hindi mo mabitiwan ang pride, banidad, at mga personal na interes. Kaya, ang nagagawa mo lang ay magsinungaling para panindigan ang mga bagay na ito. … Kung iniisip mong maitataguyod ng kasinungalingan ang reputasyon, katayuan, banidad, at pride na hinahangad mo, lubos kang nagkakamali. Sa katotohanan, sa pamamagitan ng pagsisinungaling, hindi ka lang bigong mapanatili ang banidad at pride mo, at ang dignidad at karakter mo, kundi mas matindi pa, napapalagpas mo ang pagkakataong isagawa ang katotohanan at maging isang tapat na tao. Kahit na nagawa mong protektahan sa sandaling iyon ang iyong reputasyon, katayuan, banidad, at pride, isinakripisyo mo ang katotohanan at ipinagkanulo ang Diyos. Ibig sabihin nito ay ganap nang nawala sa iyo ang pagkakataon na mailigtas at maperpekto Niya, na siyang pinakamalaking kawalan at panghabang-buhay mong pagsisisihan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Perpektong inilarawan ng mga salita ng Diyos ang aking kalagayan. Nakita kong buktot at mapanlinlang ako. Noong gusto ko lamang magpahinga, hindi ko masabi ang totoo tungkol sa napakaliit na bagay. Hindi ko deretsahang sinabi kay Susan na kailangan kong umidlip at na kakausapin ko siya maya-maya, at sa halip ay nagsinungaling ako. Ang naging motibasyon ko ay ang protektahan ang karangalan at katayuan ko, ang protektahan ang imahe ko sa ibang tao. Namumuhi ang Diyos sa ganitong klase ng pag-uugali, at nakonsiyensiya rin ako tungkol dito. Tulad ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Kahit na hindi mo nararamdamang napahiya ka kapag nagsisinungaling ka, sa kaibuturan, nakakaramdam ka ng kahihiyan. Inuusig ka ng konsensiya mo, at mababa ang pagtingin mo sa sarili mo, iniisip na, ‘Bakit nabubuhay ako nang kahabag-habag? Ganoon ba kahirap ang magsalita ng katotohanan? Kailangan bang magsinungaling ako para sa pride ko? Bakit sobrang nakakapagod ang buhay ko?’” Naiugnay ko talaga sa akin ang mga salitang ito ng Diyos. Ang pagsisinungaling para protektahan ang reputasyon ko ay isang nakapapagod na paraan para mabuhay. Kinailangan kong patuloy na magsabi ng mga kasinungalingan para mapagtakpan ang una kong kasinungalingan. Talagang inusig ako ng konsiyensiya ko matapos kong magsinungaling, pinagsisihan ko ito at umiyak ako, at nakaramdam ako ng pagkapahiya sa pagsisinungaling ko. Ngunit pagkatapos noon, hindi ko mapigilang patuloy na magsabi ng marami pang kasinungalingan. Napakatiwali ko at sobrang kahiya-hiya! Naging mismong kalikasan ko na ang pagsisinungaling. Naalala ko ang isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang magiging pananalita ninyo ay, ‘Oo, oo; Hindi, hindi’: sapagkat ang humigit pa rito ay buhat sa masama(Mateo 5:37). “Kayo’y sa inyong amang diyablo, at ang mga nasa ng inyong ama ay inyong gagawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa no’ng una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagkat walang katotohanan sa kanya. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa sarili niya: sapagkat siya’y isang sinungaling, at ama nito(Juan 8:44). Totoo ito. Ipinakita ng palagi kong pagsisinungaling na nabibilang ako sa diyablo, at ginagawa ko ito para lang protektahan ang sarili kong imahe at reputasyon. Ngunit inalis niyon ang buo kong pagkatao at dangal. Napakahangal ko! Umaasa ang Diyos na isasagawa ko ang katotohanan at magiging isang matapat na tao, na magpapatotoo ako at ipapahiya si Satanas, ngunit nahuhulog ako sa mga panlalansi ni Satanas, nagsisinungaling alang-alang sa sarili kong kahambugan at reputasyon, nililinlang ang mga kapatid, at nagiging katatawanan ni Satanas. Labis na nadismaya ang Diyos sa pag-uugali ko at nasaktan ang Kanyang puso. Hindi ako isang matapat na tao, at ako ay likas na mapanlinlang.

Kalaunan, nabasa ko ito sa isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dapat ninyong malamang gusto ng Diyos ang mga tapat. Sa diwa, matapat ang Diyos, kaya naman palaging mapagkakatiwalaan ang mga salita Niya; higit pa rito, walang mali at hindi mapag-aalinlanganan ang mga kilos Niya, kung kaya gusto ng Diyos ang mga lubos na tapat sa Kanya. Ang katapatan ay nangangahulugang pagbibigay ng puso ninyo sa Diyos, pagiging totoo sa Diyos sa lahat ng bagay, pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi pagtatago kailanman ng mga totoong impormasyon, hindi pagtatangkang manlinlang ng mga nasa itaas at nasa ibaba ninyo, at hindi paggawa ng mga bagay para lamang magpalakas sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging tapat ay pagiging dalisay sa inyong mga kilos at salita, at hindi panlilinlang sa Diyos o sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Nakita kong ang pagiging matapat ay nangangahulugang hindi pagkakaroon ng panlilinlang sa iyong puso, o mga kasinungalingan sa iyong dila, at hindi kailanman pandaraya sa Diyos o sa tao sa anumang bagay. Madalas ako noong naging tuso at mapanlinlang para protektahan ang imahe ko at mga pansarili kong interes. Pagod ako at nais kong umidlip, kaya ayaw kong makipag-usap tungkol sa gawain ng iglesia kay Susan sa oras na iyon, pero para mapangalagaan ang tingin niya sa akin, nagsinungaling ako para makatakas ako sa pagpupulong. Kahit na noong napagtanto ko nang nagkamali ako, hindi ko ito inamin agad-agad, bagkus ay patuloy akong nagsinungaling. Malinaw na may trabahong hindi ko nagawa, pero noong nagtanong ang lider ko, nagsinungaling ako na kakatapos ko lang itong gawin. Napakaraming kasinungalingan ang sinabi ko para mapangalagaan ang kahambugan at reputasyon ko at nakita ko na talagang mayroon akong tuso at mapanlinlang na kalikasan. Hindi ko masabi ang katotohanan kahit na sa mga pinakasimpleng bagay. Labis akong ginawang tiwali ni Satanas. Napakalayo ko sa pagiging matapat na tao.

May isa pang sipi ng mga salita ng Diyos ang nabasa ko kalaunan: “Kung hahangarin ng mga tao na maging matapat, saka lang nila malalaman kung gaano sila katiwali, kung mayroon ba talaga silang anumang wangis ng tao o wala, at malinaw na makakagawa ng sarili nilang hakbang o makakakita ng kanilang mga kakulangan. Kapag nagsasagawa sila ng katapatan, saka lang sila magkakaroon ng kamalayan kung gaano karaming kasinungalingan ang sinasabi nila at kung gaano kalalim nakatago ang panlilinlang at pandaraya nila. Tanging sa pagkakaroon ng karanasan sa pagsasagawa ng pagiging matapat unti-unting malalaman ng mga tao ang katotohanan ng kanilang sariling katiwalian at makikilala ang kanilang sariling kalikasang diwa, at saka lamang tuloy-tuloy na madadalisay ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Tanging sa takbo ng palagiang pagdadalisay ng kanilang mga tiwaling disposisyon magagawang makamit ng mga tao ang katotohanan. Huwag kayong magmadali sa paglasap ng mga salitang ito. Hindi pineperpekto ng Diyos yaong mga mapanlinlang. Kung ang puso mo ay hindi tapat—kung hindi ka isang tapat na tao—kung gayon hindi ka makakamit ng Diyos. Hindi mo rin makakamit ang katotohanan, at hindi rin makakayang makamit ang Diyos. Ano ang ibig sabihin kung hindi mo makakamit ang Diyos? Kung hindi mo makakamit ang Diyos at hindi mo naunawaan ang katotohanan, hindi mo makikilala ang Diyos, kaya’t mawawalan ng paraan na maaari kang maging kaayon ng Diyos, kung magkagayon ay ikaw ang kaaway ng Diyos. Kung hindi ka kaayon ng Diyos, hindi mo Diyos ang Diyos; at kung ang Diyos ay hindi mo Diyos, hindi ka maaaring maligtas. Kung hindi mo hinahangad na matamo ang kaligtasan, bakit ka naniniwala sa Diyos? Kung hindi mo matatamo ang kaligtasan, magiging matinding kaaway ka ng Diyos magpakailanman, at itatakda na ang iyong kahihinatnan. Kaya, kung nais ng mga tao na maligtas, dapat silang magsimula sa pagiging matapat. Sa huli, ang mga nakakamit ng Diyos ay minamarkahan ng isang tanda. Alam ba ninyo kung ano ito? Nasusulat ito sa Pahayag, sa Bibliya: ‘At sa kanilang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis’ (Pahayag 14:5). Sino yaong ‘sila’? Sila yaong mga naligtas, nagawang perpekto at nakamit ng Diyos. Paano inilalarawan ng Diyos ang mga taong ito? Ano ang mga katangian at mga pagpapahayag ng kanilang pag-asal? Wala silang dungis. Hindi sila nagsasabi ng mga kasinungalingan. Marahil ay nauunawaan at naiintindihan ninyong lahat ang kahulugan ng hindi pagsasabi ng mga kasinungalingan: Nangangahulugan ito ng pagiging matapat. Ano ang tinutukoy ng ‘walang dungis’? Ang ibig sabihin nito ay hindi paggawa ng kasamaan. At anong pundasyon ang pinagbabatayan ng hindi paggawa ng kasamaan? Walang duda, nakabatay ito sa pundasyon ng pagkatakot sa Diyos. Samakatuwid, ang ibig sabihin ng pagiging walang dungis ay ang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Paano inilalarawan ng Diyos ang taong walang dungis? Sa mga mata ng Diyos, tanging ang mga may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan ang perpekto; sa gayon, ang mga taong walang dungis ay yaong mga may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at tanging ang mga perpekto ang walang dungis. Tama talaga ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). Talagang natakot ako matapos kong pag-isipan ito dahil sinasabi ng Diyos: “Kung hindi ka isang tapat na tao—kung gayon hindi ka makakamit ng Diyos. Hindi mo rin makakamit ang katotohanan, at hindi rin makakayang makamit ang Diyos,” at “Kung hindi mo matatamo ang kaligtasan, magiging matinding kaaway ka ng Diyos magpakailanman, at itatakda na ang iyong kahihinatnan.” Totoong hindi inililigtas ng Diyos ang mga mapanlinlang na tao. Alam ko na kung hindi ako magsisisi, palalayasin ako ng Diyos sa huli. Salamat sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, sa wakas ay nagkaroon ako ng tunay na pagkaunawa sa sarili ko at nalaman kong ang mga kasinungalingan ay nagmumula sa diyablo. Sa mundong kontrolado ni Satanas, ang pagpapalaki ng pamilya ng isang tao at ang impluwensya ng lipunan ay ginagawa ang mga tao na lalo’t lalong mapanlinlang at masama. Magmula pa nung bata ako, laging sinasabi sa akin ng aking ina na gaano man kapangit ang hitsura ng buhok o pananamit ng isang tao, kailangan ko pa ring magsabi ng magaganda para hindi ako makasakit ng damdamin. Kung hindi, tatanggihan nila ako kapag nangailangan ako ng tulong. Sa impluwensya ng ganitong uri ng edukasyon, hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na maging matapat. Nagsalita lang ako ng mga huwad na salita na magandang pakinggan, para isipin ng mga tao na mabait at mahabagin ako. Pero sa katunayan, naging isa akong huwad at mapanlinlang na tao. Ipinaalala nito sa akin ang Job 1:7 sa Bibliya: “At sinabi ni Jehova kay Satanas, ‘Saan ka nanggaling?’ Nang magkagayo’y sumagot si Satanas kay Jehova, at nagsabi, ‘Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.’” Ang mga salita ni Satanas ay tuso at hindi tuwiran. Sa lagi kong pagsisinungaling, hindi ba ako naging tuso tulad ni Satanas? Nakita kong magkatulad kami ng kalikasan ni Satanas, na nabubuhay ako sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at na talagang hindi ako malaya mula sa mga gapos ng satanikong disposisyon ko. Paano ko makakatugma si Cristo o makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos sa ganoong paraan? Lumapit ako sa harap ng Diyos para magsisi, at hiniling ko sa Kanya na patawarin ako. Talagang kinasuklaman ko ang sarili ko at labis akong nakonsiyensiya. Matuwid ang disposisyon ng Diyos, at alam kong hindi ako maaaring patuloy na magsinungaling at magkasala sa Kanya.

Nagpatuloy akong magnilay at nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Sa huli, ang mga nakakamit ng Diyos ay minamarkahan ng isang tanda. Alam ba ninyo kung ano ito? Nasusulat ito sa Pahayag, sa Bibliya: ‘At sa kanilang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis’ (Pahayag 14:5). Sino yaong ‘sila’? Sila yaong mga naligtas, nagawang perpekto at nakamit ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). Pinag-isipan ko ang mga salita ng Diyos at napagtanto kong pinahahalagahan ng Diyos ang matatapat, at ang mga hindi tapat ay hindi magkakaroon ng pagkakataong makapasok sa kaharian Niya. Talagang gusto kong maging isang tapat na tao at tumigil na sa pagsisinungaling at panlilinlang, pero hindi ko iyon kayang gawin nang ako lang. Kailangan kong hingin ang tulong ng Diyos upang hindi ako mahulog muli sa patibong ni Satanas. Bagama’t maaaring minsan ay nakakahiya magsabi ng totoo, gusto ko nang tumigil sa pagsisinungaling. Pagkatapos ay muli kong binasa ang “122. Ang mga Prinsipyo sa Pagiging Matapat na Tao” sa 170 Mga Prinsipyo ng Pagsasagawa ng Katotohanan: “(1) Sa pagsasanay ng sarili na maging matapat na tao, kinakailangang umasa sa Diyos. Ibigay ang iyong puso sa Kanya, at tanggapin ang Kanyang pagsisiyasat. Sa ganitong paraan lamang maiwawaksi ng tao ang kanyang mga kasinungalingan at pandaraya sa paglipas ng panahon; (2) Kinakailangang tanggapin ang katotohanan at pagnilayan ang bawat salita at gawa. Suriin ang pinagmulan at diwa ng katiwalian na isiniwalat sa iyo, at kilalaning mabuti ang iyong sarili; (3) Kinakailangang magsiyasat kung sa aling mga usapin nagkakaroon ng silakbo ng kasinungalingan at nagtataglay ng pandaraya ang isang tao. Maglakas-loob na suriin ang iyong sarili at ihayag ang iyong sarili, at humingi ng paumanhin sa iba at makipag-ayos.” Napagpasyahan ko na kailangan kong magtapat kay Susan tungkol sa katiwalian ko at mga motibasyon ko. Hindi ko na puwedeng itago ang mga katunayan at dayain siya. Kailangan kong sabihin ang totoo at maging matapat na tao, anuman ang mangyari. Alam kong minamasdan ako ng Diyos at hinihintay Niya akong magsisi. Matapos magdasal nang ilan pang beses, nag-ipon ako ng lakas ng loob upang ilantad ang aking sarili kay Susan. Idinetalye ko sa kanya ang lahat ng tungkol sa kung paano ko siya nilinlang at na tapat na akong nagsisi sa harap ng Diyos. Pakiramdam ko ay isang malaking pabigat ang naalis mula sa akin, at labis na guminhawa ang pakiramdam ko.

Alam kong ang pagsisinungaling ko ay hindi isang problemang maaayos nang isang bagsakan lang, kaya pagkatapos noon ay nagsimula akong lumapit sa harap ng Diyos sa panalangin sa lahat ng oras, hinihiling sa Kanya na suriing mabuti ang puso ko. Kapag naghahayag ako ng kung anong uri ng masamang layunin, o kung gusto kong magsinungaling o manlinlang, nagdarasal ako sa Diyos, sinasabing: “Diyos ko, nakatagpo ako ng isang problema, at pakiramdam ko ay hindi ko ito malalagpasan kung hindi ako magsisinungaling. Bigyang-liwanag Mo po ako para maunawaan ko ang katotohanan, at bigyan Mo po ako ng lakas para talikdan ang laman. O Diyos ko, gusto ko pong isagawa ang katotohanan at maging matapat na tao. Tulungan Mo po ako.”

Minsan pagkatapos ng isang pagtitipon, tinanong ako ng isang lider kung ano ang tingin ko rito. Sa totoo lang, napansin kong naging dominante siya sa kanyang pagbabahagi, at na may ilan pang ibang problema. Ngunit natakot akong masaktan ang pagpapahalaga niya sa sarili sa pamamagitan ng katotohanan, at na pagkatapos ay hindi na magiging maganda ang tingin niya sa akin. Para mapangalagaan ang imahe ko sa kanya, nagsinungaling ako at sinabing, “Naging mabuti ang lahat ng iyon.” Sumama ang pakiramdam ko pagkasabi na pagkasabi ko noon. Napagtanto kong nagsinungaling ako, kaya nagdasal ako sa Diyos at hiniling sa Kanya na gabayan ako na maging isang matapat na tao at magsabi ng katotohanan. Kaya pagkatapos ay pinuntahan ko at kinausap ang lider tungkol sa mga problema sa pagtitipon at higit akong napayapa. Ang mga resulta ng mga sumunod na pagtitipon na idinaos namin ay higit na maganda kaysa dati. Napansin ko nga na noong nagtagal-tagal, unti-unti na akong nagbabago. Dati ay lagi akong nagsisinungaling para protektahan ang karangalan at katayuan ko. Ngunit noong ibinigay ko ang puso ko sa Diyos, hiniling sa Kanya na patnubayan ang puso ko, nakita ko nang mas malinaw ang sarili kong kalagayan. Nagawa kong sadyaing umasa sa Diyos para talikdan ang aking laman, isagawa ang katotohanan, at maging isang taong tapat. Kahit pa minsan ay maaaring mapahiya ako o mapasama ko ang loob ng isang tao, mas mahalaga sa akin na maging isang tapat na tao sa harap ng Diyos.

Ngayon, nakatuon ako sa pagsasalita nang matapat at pagiging isang tapat na tao sa aking pang-araw-araw na buhay. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos. Natulungan ako ng Kanyang mga salita na makita ang katiwalian at kapangitan ko at sumailalim sa ilang pagbabago. Alam kong para malutas ang problema ng pagsisinungaling, kailangang magsaayos ang Diyos ng higit pang sitwasyon para maranasan ko. Kailangan kong manatiling alisto at pagnilayan pa ang aking sarili sa harap ng Diyos, nang sa gayon ay hindi ako magsabi ng isang kasinungalingang kinasusuklaman ng Diyos. Ang pinakamahalagang bagay ay ang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at magdasal at umasa sa Kanya upang tunay na makalaya mula sa ugaling magsinungaling. Nawa’y gabayan ako ng Diyos na maging isang tapat na tao.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply