Mapalad Ako na Gumawa ng Serbisyo sa Diyos

Hulyo 23, 2020

Ni Gensui, South Korea

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa pamamagitan ng ano isinasakatuparan ang pagperpekto ng Diyos sa tao? Isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos higit sa lahat ay binubuo ng katuwiran, poot, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagperpekto sa tao higit sa lahat ay sa pamamagitan ng paghatol(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). “Bago ang panahon ng mga tagapagsilbi, walang naunawaang anuman ang tao tungkol sa paghahangad sa buhay, kung ano ang kahulugan ng maniwala sa Diyos, o ang karunungan ng gawain ng Diyos, at ni hindi niya naunawaan na maaaring subukin ng gawain ng Diyos ang tao. Mula sa panahon ng mga tagapagsilbi hanggang sa ngayon, nakikita ng tao kung gaano kamangha-mangha ang gawain ng Diyos—hindi ito maaarok ng tao—at hindi niya maisip kung paano gumagawa ang Diyos sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang utak, at nakikita rin niya kung gaano kaliit ang kanyang tayog at na napakatindi ng kanyang pagkasuwail. Nang isumpa ng Diyos ang tao, ito ay upang matamo ang isang epekto, at hindi Niya pinatay ang tao. Bagama’t isinumpa Niya ang tao, ginawa Niya iyon sa pamamagitan ng mga salita, at ang Kanyang mga sumpa ay hindi totoong sumapit sa tao, sapagkat ang isinumpa ng Diyos ay ang pagkasuwail ng tao, kaya nga ang mga salita ng Kanyang mga sumpa ay sinambit din upang gawing perpekto ang tao. Hinahatulan man ng Diyos ang tao o isinusumpa siya, parehong ginagawa nitong perpekto ang tao: Parehong ginagawa ito upang gawing perpekto yaong hindi dalisay sa kalooban ng tao. Sa pamamagitan ng kaparaanang ito ang tao ay pinipino, at yaong kulang sa kalooban ng tao ay ginagawang perpekto sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain. Bawat hakbang ng gawain ng Diyos—masasakit na salita man ito, o paghatol, o pagkastigo—ay ginagawang perpekto ang tao, at talagang angkop. Hindi kailanman nakagawa ng gawain ang Diyos sa lumipas na mga kapanahunan na kagaya nito; sa ngayon, gumagawa Siya sa inyong kalooban kaya napahalagahan ninyo ang Kanyang karunungan. Bagama’t nagtiis na kayo ng kaunting pagdurusa sa inyong kalooban, matatag at payapa ang inyong puso; inyong biyaya ang matamasa ang yugtong ito ng gawain ng Diyos. Anuman ang magagawa ninyong makamit sa hinaharap, lahat ng inyong nakikita sa gawain ng Diyos sa inyo sa ngayon ay pag-ibig. Kung hindi nararanasan ng tao ang paghatol at pagpipino ng Diyos, ang kanyang mga kilos at sigla ay laging mananatiling paimbabaw, at ang kanyang disposisyon ay laging mananatiling hindi nagbabago. Maibibilang ba ito na nakamit ka na ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). Nakakapukaw sa akin ang mga salita ng Diyos. Ramdam ko na ang gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo ay para iligtas ang sangkatauhan. Ibabahagi ko ang pagsubok na dinanas ko nang tanggapin ko ang gawain ng paghatol ng Diyos, at iyon ay ang pagsubok sa mga tagapagsilbi.

Isang araw noong Pebrero 1991, dumalo ako sa isang pagtitipon nang masayang sinabi sa amin ng isang kapatid na, “Nagsalita ang Banal na Espiritu!” Pagkatapos noon, nagsimulang magbasa ang mga kapatid: “Nakarating na ang papuri sa Sion at lumitaw na ang tirahan ng Diyos. Ang maluwalhating banal na pangalan, na pinupuri ng lahat ng bayan, ay lumalaganap. Ah, Makapangyarihang Diyos! Ang Pinuno ng sansinukob, ang Cristo ng mga huling araw—Siya ang sumisikat na Araw na sumikat sa Bundok ng Sion, na nangingibabaw sa kamahalan at karangyaan sa buong sansinukob …” “Nakagawa Ka na ng isang pangkat ng mga mananagumpay at natupad Mo na ang plano ng pamamahala ng Diyos. Magsisiparoon sa bundok na ito ang lahat ng bayan. Luluhod ang lahat ng bayan sa harapan ng luklukan! Ikaw ang kaisa-isang tunay na Diyos at karapat-dapat Ka sa kaluwalhatian at karangalan. Buong kaluwalhatian, papuri, at awtoridad ang mapasa-luklukan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 1). Nang marinig ko iyon, kahit hindi ko pa iyon naiintindihang lahat, naramdaman ko na espesyal iyon, walang taong makapagsasalita ng ganoon. Siguradong nagmula sa Diyos ang mga salitang iyon, na mga pagbigkas iyon ng Banal na Espiritu. Matapos iyon, laging pinadadala sa iglesia namin ang mga kabanata ng mga salita ng Banal na Espiritu, mga salitang nagpapahayag ng katotohanan ng pananalig at hiwaga ng Biblia, at nagbubukas din sa atin ng landas ng pagsasagawa ng katotohanan. Noong panahong iyon, araw-araw kaming nagbabasa ng salita ng Banal na Espiritu. Talagang nakakapagpalusog iyon sa puso ko. Lahat ng tao’y babad sa labis na kagalakan at ramdam na pinagpala sila. Naisip naming kami ang mga unang inangat sa harap ng Diyos, mga mananagumpay na gagawin Niya, may bahagi sa kaharian ng langit, at angkop kaming tumanggap ng mga pangako’t biyaya ng Diyos. Ginugol namin ang mga sarili namin para sa Kanya. Iyong ilan sa amin, kinokopya ang salita ng Banal na Espiritu, iyong ilan, nilalapatan iyon ng musika para gawing mga himno. Noong panahong iyon, mahirap din ang lagay namin, ilan sa mga kapatid namin ang inaaresto habang nagtitipon. Hindi ako takot o kimi, kundi masigla akong gumugol para sa Diyos.

Noong puno na ako ng pag-asang makakarating sa kaharian ng langit, nagsalita ng panibago ang Diyos at binigay ang pagsubok sa mga tagapagsilbi. Oktubre noon, sinabihan ako na pumunta sa pagtitipon na dalawampu’t limang milya ang layo para kunin ang mga bagong salita ng Banal na Espiritu. Naisip ko, tiyak na may magandang balita, kaya sabik akong nagbisikleta papunta sa lugar, puno ako ng enerhiya at kumakanta-kanta pa. Pagdating ko, nagulat ako, nakita ko ang mga kapatid ko na mukhang namomroblema. Sabi sa akin ng isang kapatid, “Nagsalita ang Banal na Espiritu. Mga tagapagsilbi raw tayong lahat.” Isang lumuluhang sister ang nagsabing, “Taga-serbisyo tayong lahat. Tagabigay ng serbisyong mga Tsino at hindi tayo pagpapalain.” Hindi ako makapaniwala na totoo iyon. Nagmadali akong basahin ang mga salita ng Banal na Espiritu: “Sa Tsina, bukod pa sa Aking mga panganay na anak at sa Aking mga tao, lahat ng iba pa ay supling ng malaking pulang dragon at itatapon. Kailangang maunawaan ninyong lahat, tutal naman ay isang bansa ang Tsina na isinumpa Ko, at ang ilan sa Aking mga tao roon ay walang iba kundi yaong mga nagsisilbi para sa Aking gawain sa hinaharap. Sa ibang pananalita, bukod pa sa Aking mga panganay na anak, wala nang iba pa—mapapahamak silang lahat. Huwag ninyong isipin na nagmamalabis Ako sa Aking mga gawa—ito ang Aking atas administratibo. Yaong mga nagdaranas ng Aking mga sumpa ay mga pakay ng Aking pagkamuhi, at nakatatak ito sa bato(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 95). Nagulat ako nang mabasa ko ito. Maraming beses na binanggit ang mga tagapagsilbi sa salita Niya, at ang akala ko, nangangahulugan iyon ng mga hindi mananampalataya. Pero nalaman kong tungkol pala iyon sa atin. Tagapagsilbi raw ang mga Tsino na susumpain ng Diyos, at kapag tapos na ang serbisyo nila, itatapon na sila sa hukay. Nanghina ang buong katawan ko. Hindi ko inakalang isa akong tagapagsilbi. Wala bang saysay ang naging pananalig ko? Bukod sa hindi ako pagpapalain, itatapon ako sa walang katapusang hukay! Pakiramdam ko itinapon ako sa kailaliman. Naging miserable ako, at nagsimulang magreklamo. Iniwan ko ang pag-aaral ko para sa Panginoon, naisip ko kung paano ako kinutya ng iba, nang hindi iyon maunawaan ng pamilya ko, at ang pang-uusig ng CCP, at kung paanong halos maaresto na ako. Pero hindi ako umurong, tinuloy ko ang paggugol ng sarili. Masyado akong nagdusa, akala ko makakapasok ako sa kaharian ng langit, pero ngayon isa akong mababang tagapagsilbi. Hindi ko maintindihan iyon. Matagal akong naupo roon at bumuntong-hininga. Iyong ibang mga kapatid, mga nakayuko na lang, iyong iba umiyak, iyong iba nagtakip ng mukha at umiyak nang malakas, at iyong ibang kapatid, malakas na humagulgol.

Noong pauwi ako matapos ang pagtitipon, halos wala akong lakas na magbisikleta. Ang naiisip ko sa daan, “Paano ako naging tagapagsilbi?” Habang lalo kong iniisip iyon, lalong sumasama ang loob ko, walang tigil ang pagluha ko. Pag-uwi ko, wala akong interes gumawa ng anuman, nakayuko lang ako habang naglalakad, at ayokong makipag-usap. Kahit ang simpleng paghinga nakakapagod. Hindi ko matanggap sa sarili ko na isa lang akong tagapagsilbi na hindi pagpapalain sa huli.

Inilalabas ang maraming kabanata ng salita ng Diyos, binasa ko ang bawat isa noon, naghahangad ng katiting na pag-asa sa mga salita Niya, na pwedeng mabago ang kalalabasan ko. Pero walang tungkol sa pagpapalang hinahangad ko, puro lang malupit na paghatol. May ilang mga salita ng Diyos ang nagsabing: “Yaong mga naglilingkod at yaong mga kabilang sa diyablo ang mga walang kaluluwang bangkay, at kailangan silang puksaing lahat hanggang tuluyang mawala. Isa itong hiwaga ng Aking plano ng pamamahala, at isang bahagi ng Aking plano ng pamamahala na hindi kayang arukin ng sangkatauhan; gayunman, kasabay niyon, nailantad Ko na ito sa lahat. Yaong mga hindi kabilang sa Akin ay laban sa Akin; yaong mga kabilang sa Akin ang mga kaayon Ko. Lubos itong walang alinlangan, at ito ang prinsipyo sa likod ng Aking paghatol kay Satanas. Dapat na malaman ng lahat ang prinsipyong ito upang makita nila ang Aking pagkamakatuwiran at pagiging makatarungan. Hahatulan, susunugin, at gagawing abo ang lahat ng nagmumula kay Satanas. Ito rin ang Aking poot, at mula rito ay lalo pang magiging maliwanag ang Aking disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 108). “Pagkatapos gumawa ng serbisyo para sa Akin ngayon, silang lahat ay dapat na umalis! Huwag manatili sa Aking bahay; itigil mo na ang patuloy mong pagpapalibre nang walang kahihiyan! Ang lahat ng nabibilang kay Satanas ay mga anak ng diyablo, at mapapahamak magpakailanman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 109). Nang makita kong sinusumpa ng Diyos ang mga tagapagsilbi, nawalan ako ng pag-asa, pakiramdam ko, nahulog ako sa walang-katapusang hukay. Hindi ko mailarawan ang pakiramdam ng kalungkutang iyon. Naisip ko kung paanong noong nakaraan lang, yakap pa ako ng Diyos, pero ngayon itinapon na ako, hinatulan at sinumpa ng Diyos, itinapon sa hukay. Lumubog ako sa pagpipino ng kalungkutan at naging napakanegatibo. Wala akong lakas para magdasal, o magbasa ng mga salita Niya. Nagsimula akong pagsisihan ang lahat ng isinakripisyo ko dati. Kung alam ko lang, nagtabi sana ako para sa sarili ko, pero ngayon walang natira sa akin. Kung alam ng pamilya ko na hindi mananampalataya na magiging tagapagsilbi pala ako, at wala palang mapapala, hindi ba kukutyain nila ako? Paano ko sila haharapin? Ano ang magagawa ko? Nang maisip ko iyon, nakaramdam ako ng pagsisisi. Kung iisipin ang pananalig ko, kahit na naghirap ako, marami rin akong tinamasang pagpapala ng Diyos. Ngayon, inangat ako ng Diyos para marinig ang bago Niyang mga salita, at marami akong natutuhang katotohanan. Anuman ang mangyari, hindi ako makakalayo sa Diyos.

Binasa namin ang mga salitang ito ng Diyos sa isang pulong: “Nais Ko lang na ialay ninyo ang lahat ng inyong lakas sa Akin nang buong puso at isipan, at sa abot ng inyong makakaya. Ngayon man o bukas, naglilingkod ka man sa Akin o nagtatamo ng mga pagpapala, dapat ay ibuhos ninyong lahat ang buong lakas ninyo para sa Aking kaharian. Isa itong obligasyon na dapat gampanan ng lahat ng taong nilalang, at dapat itong maisagawa at maipatupad sa ganitong paraan. Aking pakikilusin ang lahat ng bagay upang maglingkod para sa kagandahan ng Aking kaharian upang maging laging bago, at upang may pagkakasundo at pagkakaisa sa Aking bahay. Walang sinumang pinahihintulutang sumuway sa Akin, at sinumang gumagawa noon ay dapat dumanas ng hatol at isumpa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 100). Noong oras na iyon, nagbahagi rin ang pinuno ng iglesia ng ilang pagbabahagi ng kapatid na lalaki mula sa Itaas. “Maraming tao ang nakakaramdam ng hiya sa pagiging tagapagsilbi, ngunit iyon ay lubos na mali. Kung nakakapaglingkod tayo ngayon sa Diyos, isang bagay iyon na itinadhana Niya, pinili Niya tayo na gawin iyon. Sa katunayan, ang pagsisilbi sa makapangyarihang Diyos ay isang maluwalhating bagay! Mga tao tayo na labis na ginawang tiwali ni Satanas, at kaharap ang Diyos, maliliit na nilalang lang tayo. Sino ang angkop na magsilbi sa Diyos? Sa buong sangkatauhan, tayo ang pinili ng Diyos na maglingkod sa Kanya. Marami tayong naging pakinabang, at talagang isa itong malaking pag-aangat mula sa Diyos. Ito ang pinakapatas na pahayag, at kung hindi natin maunawaan ito, kung gayon tayo ay napakamapagmataas. Sa totoo lang, tinulutan Niya tayo—tayong walang kabaitan—na maglingkod sa Kanya, alam niyo ba ang kahihiyan na tiniis Niya? Araw-araw Siyang hinaharap ng mga tiwaling gaya natin, pero sino sa atin ang nakaisip sa kahihiyang tiniis ng Diyos? Lagi tayong nagrerebelde at lumalaban sa Kanya, hinahatulan Siya gamit ang sariling kuru-kuro, at sinaktan ang puso Niya. Gaano karaming hirap ang tiniis ng Diyos? Sa totoo lang, puno tayo ng mga tiwaling disposisyon, at kapag naglilingkod sa Kanya, kulang tayo sa mga kailangan Niya. Matapos ang ganoong asal, ni hindi tayo angkop na maglingkod sa Diyos. Paano tayo magiging angkop na maging bayan Niya?” Nang marinig ko iyon, doon ako nagising. Ang Diyos ang Lumikha, Siya ang pinakamataas. Maliit at mababa ako, kaya ang paglilingkod sa Kanya’y kabutihan at pag-aangat ng Diyos. Pero hindi ko alam ang sarili kong pagkakakilanlan, mababa ang pagiging tagapagsilbi, at ayoko iyong gawin para sa Diyos. Napakayabang ko at walang katuwiran. Kapag inaalala ko, kahit masigasig akong naghanap, at nagsakripisyo, para iyon magkamit ng biyaya, para tamasahin ang kaharian ng langit. Nang mabasa ko ang mga pangako ng Diyos sa tao, talagang nakaramdam ako noon ng gana, nagpatuloy ako sa kabila ng pang-uusig ng CCP. Pero nang mabasa kong mga tagapagsilbi tayo, na tayo ay itatapon sa hukay, nagsimula akong magreklamo’t sisihin ang Diyos, at naisip ko pa ngang traydurin ang Diyos. Paano ako naging tunay na mananampalataya? Ang binigay ko, sinakripisyo’t ginugol namantsahan ng mga motibo ko’t karumihan. Para sa biyaya iyon, sinusubukan kong makipagtawaran sa Diyos. Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam. Marami akong tinamasang biyaya ng Diyos, ang pagkai’t pagdidilig ng salita Niya, pero ginusto ko Siyang traydurin noong wala nang biyaya. Talagang wala akong konsensya o katuwiran. Napuno ako ng pagsisisi at panghihinayang dahil sa bagay na iyon. Anak ako ng malaking pulang dragon, kay Satanas ako at hindi sa tahanan ng Diyos, kahit ang pananalig ko, pinagana ng pagpapala. Banal at matuwid ang Diyos, at hindi nagpaparaya sa kasalanan ang disposisyon Niya. Sa ugali at saloobin ko sa Diyos, hindi ako karapat-dapat maging isang tagapagsilbi. Dapat matagal na akong sinumpa ng Diyos at ipinadala sa impyerno. Hindi ako pinarurusahan ng Diyos, hinahayaan Niya akong mabuhay para magkaroon ako ng pagkakataong marinig ang mga pagbigkas Niya, tanggapin ang sustento niya sa buhay, at saka maglingkod sa Diyos. Isa itong hindi pangkaraniwang pagpaparangal, at dapat akong magpasalamat. Ano ang karapatan ko para magreklamo? Kailangan kong maglingkod sa Diyos!

Noong Nobyembre, tumanggap kami ng maraming bagong salita Niya. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag nakabalik na Ako sa Sion, yaong mga nasa lupa ay patuloy Akong pupurihin tulad noon. Maghihintay tulad ng dati ang mga tagapagsilbi na maglingkod sa Akin, ngunit natapos na ang kanilang tungkulin. Ang pinakamainam na magagawa nila ay ang magmuni-muni tungkol sa kalagayan ng Aking presensya sa lupa. Sa panahong iyon, sisimulan Kong magpababa ng malaking kapahamakan sa mga magdurusa ng kalamidad; subalit naniniwala ang lahat na Ako ay isang matuwid na Diyos. Tiyak na hindi Ko parurusahan yaong matatapat na tagapagsilbi, kundi hahayaan lang silang tumanggap ng Aking biyaya. Sapagkat nasabi Ko nang parurusahan Ko ang lahat ng masasamang tao, at yaong mga gumagawa ng mabuti ay tatanggap ng materyal na kasiyahang ipinagkakaloob Ko, na nagpapamalas na Ako Mismo ang Diyos ng katuwiran at katapatan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 120). Nakita kong hindi tayo tinalikuran ng Diyos, at hindi Niya tayo pinarurusahan dahil anak tayo ng malaking pulang dragon. Tinutulutan pa rin tayo ng Diyos na maging tagapaglingkod Niya at magpuri sa Kanya sa lupa. Sumaya ako nang dahil doon, at lumakas ako. Naramdaman kong ang pagsisilbi sa Diyos ay isang pagpapala mula sa Kanya. Noong mga panahong iyon, kinakanta namin sa bawat pulong ang himnong “Magandang Kapalaran Natin ang Magbigay-serbisyo sa Diyos”: “… Sa pamamagitan ng pahayag at paghatol ng mga salita ng Diyos natin nakikita kung gaano kalalim tayo ginawang tiwali. Puno ng hangarin at pagnanais na mapagpala, paano tayo magiging karapat-dapat na mabuhay sa harap ng Diyos? Hindi tayo angkop na pumasok sa kaharian ng langit; ang magbigay ng serbisyo sa Diyos ay isa Niya nang pagpaparangal. O! Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos tayo nagbibigay ng serbisyo, at mabuting kapalaran natin ang pagbibigay ng serbisyo. Tumatanggap man ako ng mga biyaya o nagtitiis ng kasawian, payag akong magbigay ng serbisyo hanggang sa huli. Ngayon, makapaglilingkod tayo sa Diyos, at pakiramdam natin hindi tayo karapat-dapat. Ano man ang inaasam-asam natin, kapalaran at kahihinatnan, susundan natin ang Diyos hanggang sa huli. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita upang dalisayin tayo, upang mabawi ang ating konsyensya at katuwiran. O! Payag tayong gumawa gaya ng mga hayop na tagapasan para sa Diyos at magpasakop sa Kanyang mga pangangasiwa at pagsasaayos. Buong puso tayong gagawa ng serbisyo sa Diyos habang-buhay, at pupurihin ang matuwid na disposisyon ng Diyos magpakailanman” (Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin).

Nang masaya na kaming maging tagapagsilbi at payag nang maglingkod sa Diyos, noong Pebrero 20, 1992, nagsalita ng bago ang Makapangyarihang Diyos. Inangat Niya kami para tapusin ang pagsubok sa mga tagapagsilbi. Sabay-sabay natin itong basahin. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang kalagayan ngayon ay hindi tulad noong dati, at ang Aking gawain ay nakapasok na sa isang bagong panimula. Yamang ganoon nga, magkakaroon ng isang bagong pamamaraan: Lahat ng nagbabasa ng Aking salita at tinatanggap ito bilang kanilang sariling buhay ay mga tao sa Aking kaharian, at dahil sila ay nasa Aking kaharian, sila ay bayan ng Aking kaharian. Sapagka’t tinatanggap nila ang gabay ng Aking mga salita, kahit na sila ay tinatagurian bilang Aking bayan, ang titulong ito ay hindi pumapangalawa sa anumang paraan sa pagkatawag bilang Aking ‘mga anak’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 1). Dahil ang mga tagapagsilbi ang bayan Niya sa Kapanahunan ng Kaharian, nakaramdam ako ng kaligayahan na may halong pagsisisi. Nagsisi akong naging negatibo ako, at walang pag-asa noong panahon ng pagsubok, nagreklamo pa ako, at sinisi ko ang Diyos. Hindi ako pumayag na maging tagapagsilbi Niya. Wala akong debosyon at pagiging masunurin sa Diyos. Pakiramdam ko may utang ako sa Kanya. Masaya ako dahil bilang anak ng malaking pulang dragon, na mapanghimagsik at tiwali, dahil lang sa hindi kami sumuko sa pagsubok, inangat Niya kami bilang bayan ng kaharian, mga miyembro ng tahanan Niya. Ramdam ko ang malaking pagmamahal Niya para sa atin, at nag-umapaw ang papuri’t pasasalamat ko sa Kanya.

Matapos kong pagdaanan ang pagsubok, nakita ko ang karunungan sa gawain Niya. Humahatol, kumakastigo’t sumusumpa Siya gamit ang salita Niya, at kahit malupit iyon, at iniiwan tayong nasasaktan at balisa, para iyon sa pagdadalisay at pagbabago natin. Kahit pinino ako gamit ang mga salita ng Diyos, nakita ko ang matuwid Niyang disposisyon. Naiinis Siya sa mga karumihan natin, at sa pananalig na inudyukan ng biyaya. Matapos ang karanasang ito, nagbago ang pananaw ko sa pananalig. Hindi ko na hinangad ang biyaya at pagpasok sa kaharian ng langit, ang pagiging tagapagsilbi na naglilingkod sa Lumikha ay pagpaparangal ng Diyos, at isang pagpapala. Pinagmamalaki ko iyon, isang karangalan!

Sinundan: Ang Paglaya ng Puso

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Paglaya ng Puso

Ni Zheng Xin, USA Noong Oktubre ng 2016, nasa ibang bansa kami ng asawa ko noong tinanggap namin ang gawain. Makalipas ang ilang buwan, si...