Tinanggal: Isang Pagpukaw na Kailangan Ko

Disyembre 11, 2024

Ni Gao Ying, Tsina

Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw noong 2008. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, pakikipagtipon at pakikipagbahaginan, natutunan kong para maligtas at magkamit ng kahanga-hangang destinasyon, hindi lamang natin kailangang hanapin ang katotohanan, kundi tuparin din ang ating mga tungkulin bilang mga nilikha. Kaya, tahimik akong nanumpang hahanapin ang katotohanan at tutuparin ang aking tungkulin. Napansin kong may mga kapatid na nagsisilbi bilang mga lider ng iglesia o ng grupo na madalas magbahagi ng salita ng Diyos upang lutasin ang mga isyu sa mga pagtitipon, at laging nagpapakaabala sa mga gawain ng iglesia. Naisip kong malamang ay natanggap na nila ang papuri ng Diyos at mga naghahanap sila ng katotohanan kung kaya’t iniatas sa kanila ang gayon kahalagang mga tungkulin, kaya lubos ko silang hinangaan. Sa kabilang banda, naramdaman kong yaong mga tumutupad ng mga ordinaryong tungkulin na hindi nangangailangan ng pagbabahagi ng katotohanan para lutasin ang mga problema—tulad ng pagho-host sa ibang mga kapatid, o paggawa ng iba pang mga pangkalahatang gawain—ay hindi makatatamo ng paghanga ng iba, at may sobrang baba ring tsansang mailigtas sa hinaharap. Kalaunan, habang nagho-host ng isang lider ng iglesia, nakita kong madalas siyang magbahagi tungkol sa salita ng Diyos upang lutasin ang mga isyu ng mga kapatid, kaya naisip kong tiyak na nauunawaan niya ang maraming katotohanan. Nang mapansin ko ring madalas na makipagtipon sa kanya ang mga nakatataas na lider para magbahagi tungkol sa salita ng Diyos, naisip kong malamang ay nililinang siya ng iglesia at may napakalaki siyang tsansang mailigtas. Sa sobrang inggit, lalong lumakas ang pagnanais kong maging lider at ipinangako ko sa aking sariling gagampanan ko ang isang mahalagang tungkulin sa hinaharap.

Kalaunan, naging lider ako ng grupo sa pagdidilig, na may pananagutang pangasiwaan ang gawain ng ilang grupo. Lubos ko itong ikinasiya, at naisip ko, “Dahil inatasan ako ng lider na gampanan ang gayon kahalagang tungkulin, malamang ibig sabihin nito ay mayroon akong kaunting katotohanang realidad at isa akong naghahangad sa katotohanan. Mukhang may tsansa naman pala akong mailigtas.” Sa pagkakatanto ko nito, patuloy akong nagbigay-pasasalamat sa Diyos. Pagkatapos noon, naging sobrang abala ako sa iglesia araw-araw, nagtatrabaho para matiyak na nakapaglatag ang mga baguhan ng matibay na pundasyon sa tunay na daan sa lalong madaling panahon. Ngunit, dahil hindi ko malinaw na ibinahagi ang katotohanan, patuloy kaming nabigong makakuha ng mga resulta sa aming gawain ng pagdidilig, at maraming baguhan ang hindi pa rin regular na dumadalo sa mga pagtitipon. Lalo akong nabalisa nang makita kong karamihan sa mga baguhang pinamamahalaan ng isa pang lider ng grupo ay regular na dumadalo sa mga pagtitipon at aktibong gumagampan ng kanilang mga tungkulin. Naisip ko, “Kapag nakita ng aming lider na hindi ako nakakuha ng magagandang resulta sa aking tungkulin, iisipin ba niyang hindi ko taglay ang katotohanang realidad at hindi ako nakagagawa ng aktuwal na gawain? Kapag tinanggal ako, paano pa ako makagagawa ng isa pang tungkulin na kasinghalaga nito? Hindi ba’t katapusan na ng lahat para sa akin kung itatalaga ako ng lider na gumawa ng ilang di-mahahalagang pangkalahatang gawain? Hindi naman malaking bagay kung hindi ako tingalain ng aking mga kapatid, pero kung mawala ko ang tsansa ko sa isang magandang destinasyon at kahihinatnan, seryosong isyu iyon! Hindi ito maaaring mangyari—kailangan kong tipunin ang lahat ng tauhan sa pagdidilig at humanap ng paraan para malutas ang problemang ito sa lalong madaling panahon!” Pagkatapos noon, nagsimula akong magbahagi sa bawat grupo ng mga tagadilig, dinedirektahan silang magbigay ng suporta sa lahat ng baguhang hindi dumadalo sa mga pagtitipon at gawin silang regular na dumalo sa susunod na dalawang linggo. Gayunpaman, hindi ako maayos na nakapagbahagi kung paano lutasin ang mga aktuwal na problema at paghihirap na nararanasan namin sa gawain ng pagdidilig sa simula pa lamang. Kalaunan, narinig kong isa sa mga sister ang napaiyak, sinasabing ang pagbabahagi ko ay hindi nagbigay sa kanya ng landas ng pagsasagawa at pakiramdam niya ay labis ko siyang napipigilan. Nang sabihin niya ito, hindi lamang ako hindi naglaan ng panahon sa pagninilay sa sarili, patuloy ko pang inisip na ako ang tama. Matapos ang tatlong buwan, hindi pa rin nakakukuha ng magagandang resulta ang mga grupong pinangangasiwaan ko, at nag-alala akong baka tanggalin ako ng lider. Naisip kong sa sandaling tanggalin ako, iyon na ang katapusan ko. Ang gawain ng Diyos ay malinaw na nalalapit nang magwakas—kung ako ay aalisin at ititiwalag, paano ko makakamit ang isang kanais-nais na destinasyon at kahihinatnan? Maililigtas pa kaya ako? Mawawalan ba ng saysay ang lahat ng taon ko ng pananampalataya? Habang mas nag-iisip ako, mas lalo akong natataranta; hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Sa huli, sadyang hindi ako nababagay sa trabaho at tinanggal ako. Inatasan ako ng lider na mag-host ng mga kapatid batay sa mga kasalukuyang pangangailangan ng iglesia.

Nagulantang ako nang ibigay ng lider ang bago kong gawain. “Pagho-host ng mga kapatid? Ganoon ba talaga ako kasama? Maaaring hindi ko nagawa nang mahusay ang gawain ng pagdidilig, ngunit hindi naman ito naging sobrang sama para italaga ako na mag-host. Ano na lang ang iisipin ng mga kapatid sa akin?” Nang maalala ko kung paanong ang isang sister ay inilipat sa pagho-host nitong nakaraang pitong taon nang hindi kailanman itinataas ang ranggo, lalo pa akong naging mapanlaban, nag-iisip na wala na akong tsansang mamukod-tangi sa gayon kaordinaryong tungkulin, at na hinding-hindi ako maliligtas. Sa kung gaano ako naggugol ng sarili, nagdusa, at nagsakripisyo sa mga taon ko bilang mananampalataya, hindi ko kailanman naisip na mauuwi ako sa pagho-host. Ano pa ang maaari kong asahan sa hinaharap? Gayunpaman, magiging ganap na di-makatwiran kung tatanggihan ko ang iniatas sa aking tungkulin, kaya kailangan ko na lamang magpasakop. Subalit, naging ganap akong pasibo—pagdating sa paghahanap ng angkop na apartment para upahan, pakiramdam ko ay sobrang bigat ng mga binti ko na parang hindi ako makalakad. Sa gitna ng aking pagdurusa, nanalangin ako nang ilang beses sa Diyos, “Mahal kong Diyos! Alam kong sa Iyong pahintulot ay iniatas sa akin ng iglesia na mag-host ng mga kapatid, pero parang sadyang hindi ako makapagpasakop. Hindi pa rin bukal sa kalooban kong gawin ang tungkuling ito at pakiramdam ko ay mahina ako at negatibo. O Diyos! Alam kong nasa delikadong kalagayan ako, mangyaring iligtas Mo ako! Ayokong magpatuloy nang ganito.” Pagkatapos kong manalangin, binasa ko ang ilang salita ng Diyos: “Nasa ganitong uri ng kalagayan ang karamihan ng mga tao ngayon: Upang makamit ang mga pagpapala, dapat kong gugulin ang aking sarili para sa Diyos at magbayad ng halaga para sa Kanya. Upang makamit ang mga pagpapala, dapat kong talikdan ang lahat para sa Diyos; dapat kong tapusin ang ipinagkatiwala Niya sa akin, at kailangan kong gampanang mabuti ang aking tungkulin. Ang kalagayang ito ay pinangingibabawan ng layuning magtamo ng mga pagpapala, na isang halimbawa ng paggugol sa sarili para sa Diyos na pawang para sa layunin ng pagkakamit ng mga gantimpala mula sa Kanya at pagkakamit ng isang korona. Hindi nagtataglay ng katotohanan ang mga puso ng ganoong mga tao, at tiyak na binubuo lamang ng ilang salita at doktrina ang kanilang pagkaunawa na ipinangangalandakan nila saan man sila mapadako. Ang landas nila ay ang landas ni Pablo. Ang pananampalataya ng ganoong mga tao ay isang kilos ng palagiang mabigat na gawain, at nararamdaman nila sa kaibuturan na kung higit silang gumagawa, higit na mapatutunayan ang kanilang katapatan sa Diyos; na kung higit na marami silang ginagawa, higit na tiyak na malulugod ang Diyos; at kung higit na marami silang ginagawa, higit silang magiging karapat-dapat na pagkalooban ng isang korona sa harap ng Diyos, at mas malalaking pagpapala ang matatamo nila. Iniisip nila na kung makakaya nilang tiisin ang pagdurusa, mangangaral, at mamamatay para kay Cristo, kung makakaya nilang ihandog ang mga sarili nilang buhay, at kung makakaya nilang makumpleto ang lahat ng mga tungkuling ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, kung gayon ay sila ang magiging mga taong magtatamo ng pinakamalalaking pagpapala, at tiyak na pagkakalooban sila ng mga korona(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). “Itinuturing ng isang anticristo ang pagiging pinagpala na higit pa kaysa sa kalangitan, higit pa kaysa sa buhay, mas mahalaga pa kaysa sa paghahangad ng katotohanan, pagbabago ng disposisyon, o personal na kaligtasan, at mas mahalaga pa kaysa sa maayos na paggawa sa kanilang tungkulin, at pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan. Iniisip niya na ang pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan, ang paggawa nang mabuti sa kanyang tungkulin at pagkaligtas ay pawang mumunting mga bagay na hindi na kailangang banggitin o pagkomentuhan pa, samantalang ang pagtatamo ng mga pagpapala ay ang tanging bagay sa buong buhay niya na hindi kailanman malilimutan. Sa anumang masagupa niya, gaano man kalaki o kaliit, inuugnay niya ito sa pagiging pinagpala, at napakaingat at napakaalisto niya, at lagi siyang may nakahandang malulusutan para sa kanyang sarili. Kaya kapag binago nang kaunti ang kanyang tungkulin, kung promosyon ito, iisipin ng isang anticristo na may pag-asa siyang pagpalain. Kung ito ay demosyon, mula sa pagiging lider ng grupo pababa sa pagiging katuwang na lider ng grupo, o mula sa katuwang na lider ng grupo pababa sa pagiging karaniwang miyembro ng grupo, inaasahan nilang ito ay magiging isang malaking problema at sa tingin niya ay maliit ang pag-asa niyang magtamo ng mga pagpapala. Anong uri ng pag-iisip ito? Tama bang pag-iisip ito? Talagang hindi. Katawa-tawa ang pananaw na ito!(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Sa pamamagitan ng paglalantad ng salita ng Diyos, napagtanto kong ako ay nabubuhay at naghahangad lamang upang magkamit ng mga pagpapala. Para lamang magkamit ng mga pagpapala kung kaya’t iginugol ko ang sarili ko para sa Diyos at ginawa ko ang lahat para gampanan ang aking tungkulin. Walang ipinagkaiba ang mga paniniwala ko sa mga paniniwala ng isang anticristo—naisip kong may malaking tsansang makapagtatamo ako ng mga pagpapala bilang isang lider, pero kung ako ay ililipat mula sa isang mahalagang tungkulin papunta sa isang di-makabuluhang tungkulin, magiging maliit ang tsansa kong magtamo ng mga pagpapala. Sa pagbabalik-tanaw ko noong nagsimula akong manalig sa Diyos, talagang kinainggitan ko ang mga lider, iniisip kong lahat sila ay tumutupad ng mga importanteng tungkulin, may mahusay na kakayahan, at hinahangad ang katotohanan. Naniwala akong ililigtas sila at gagawing perpekto ng Diyos at tiyak na magkakamit ng malalaking pagpapala sa hinaharap. Para naman sa mga tumutupad ng di-mahahalagang tungkulin, inisip kong wala silang katotohanang realidad at halos walang tsansang mailigtas at magtamo ng mga pagpapala. Dahil pinangingibabawan ang kaisipan ko ng ideyang ito, patuloy kong hinangad na maging isang lider. Bilang isang lider ng grupo, nang mabigo akong makakuha ng mga resulta sa aking tungkulin, hindi ako nagnilay sa sarili, sa halip ay nag-alala akong baka alisin ako. Para mapanatili ang aking posisyon at makamit ang mabilis na tagumpay, ginamit ko pa nga ang aking awtoridad para pigilan ang aking mga kapatid. Nang atasan ako ng iglesia na mag-host ng mga kapatid pagkatapos kong matanggal sa dating tungkulin, naging ganap akong tutol sa desisyon. Naging negatibo ako at pabaya sa aking tungkulin, inisip kong magiging malabo ang mga inaasam ko sa hinaharap matapos kong malagay sa ganitong papel. Malinaw na inilantad ng bawat isa sa mga sitwasyong ito ang aking pagkahumaling sa pagkakaroon ng mga pagpapala. Napagtanto kong nanalig ako sa Diyos, nagsakripisyo, at naggugol ng aking sarili para lamang makakuha ng mga pagpapala. Hindi ako nagpapasakop sa Diyos at gumagawa ng aking tungkulin bilang isang nilikha nang kahit kaunti. Nagkaroon ako ng transaksyonal lamang na relasyon sa Diyos sa aking tungkulin at tumahak ako sa landas ng isang anticristo.

Kalaunan, nakita ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Sa sambahayan ng Diyos, palaging nababanggit ang pagtanggap sa atas ng Diyos at pagganap nang maayos sa tungkulin ng isang tao. Paano nabubuo ang tungkulin? Sa malawak na pananalita, nabubuo ito bilang bunga ng gawaing pamamahala ng Diyos na naghahatid ng kaligtasan sa sangkatauhan; sa partikular na pananalita, habang nahahayag sa sangkatauhan ang gawain ng pamamahala ng Diyos, lumilitaw ang sari-saring gawain na nangangailangan na magtulungan ang mga tao at tapusin ito. Dahil dito, umusbong ang mga responsabilidad at mga misyon na dapat tuparin ng mga tao, at ang mga responsabilidad at mga misyon na ito ang mga tungkuling iginagawad ng Diyos sa sangkatauhan. Sa sambahayan ng Diyos, ang iba’t ibang gawain na nangangailangan ng pagtutulungan ng mga tao ay ang mga tungkuling dapat nilang gampanan. Kaya’t may mga pagkakaiba ba sa pagitan ng mga tungkulin kung ang pag-uusapan ay kung alin ang higit na mabuti at higit na masama, mataas at mababa, malaki at maliit? Hindi umiiral ang ganoong mga pagkakaiba; hangga’t ang isang bagay ay may kinalaman sa gawain ng pamamahala ng Diyos, isang pangangailangan sa gawain ng Kanyang sambahayan, at kinakailangan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos, ito ay tungkulin ng isang tao. Ito ang pinagmulan at kahulugan ng tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?). “Ang matupad ng isang nilikha ang tungkulin ng isang nilikha, ang mabigyang-kasiyahan ang Lumikha, ay ang pinakamagandang bagay sa gitna ng sangkatauhan, at isa itong bagay na dapat ipalaganap bilang isang kuwento na pupurihin ng lahat ng tao. Anumang ipinagkakatiwala ng Lumikha sa mga nilikha ay dapat nilang tanggapin nang walang kondisyon; para sa sangkatauhan, ito ay isang usapin ng kapwa kaligayahan at pribilehiyo, at para sa lahat ng tumutupad sa tungkulin ng isang nilikha, wala nang ibang mas maganda o karapat-dapat sa pagpaparangal—ito ay isang positibong bagay. At patungkol naman sa kung paano tinatrato ng Lumikha ang mga kayang tumupad sa tungkulin ng isang nilikha, at sa kung ano ang ipinapangako Niya sa kanila, nasa Lumikha na iyon; walang kinalaman doon ang nilikhang sangkatauhan. Sa mas malinaw at simpleng pananalita, bahala na ang Diyos dito, at walang karapatang makialam ang mga tao. Makukuha mo ang anumang ibibigay sa iyo ng Diyos, at kung wala Siyang ibigay sa iyo, wala kang magagawa tungkol dito. Kapag tinatanggap ng isang nilalang ang atas ng Diyos, at nakikipagtulungan siya sa Lumikha sa pagganap sa kanyang tungkulin at ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya, hindi ito isang transaksiyon o pakikipagpalitan; hindi dapat tangkain ng mga tao na ipagpalit ang mga pagpapahayag ng mga saloobin o kilos at pag-uugali sa anumang pangako o pagpapala mula sa Diyos. Nang ipagkaloob ng Lumikha ang gawaing ito sa inyo, tama at nararapat lang na bilang mga nilikha, tatanggapin ninyo ang tungkulin at atas na ito. Mayroon bang anumang transaksiyon dito? (Wala.) Sa panig ng Lumikha, handa Siyang ipagkatiwala sa bawat isa sa inyo ang mga tungkulin na dapat gampanan ng mga tao; at sa panig ng sangkatauhan, dapat na malugod na tanggapin ng mga tao ang tungkuling ito, tratuhin ito bilang obligasyon ng kanilang buhay, at bilang halagang dapat nilang isabuhay sa buhay na ito. Walang transaksiyon dito, hindi ito pakikipagtumbasan, at lalong hindi kinasasangkutan ng anumang gantimpala o ibang pahayag na iniisip ng mga tao. Hindi ito isang kalakalan; hindi ito tungkol sa pakikipagpalitan sa halagang ibinabayad ng mga tao o sa pagsisikap na ibinibigay nila kapag ginagampanan ang kanilang tungkulin para sa ibang bagay. Hindi iyon kailanman sinabi ng Diyos, at hindi dapat ganito ang pagkaunawa ng mga tao rito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Sa pamamagitan ng salita ng Diyos, napagtanto kong ang mga tungkulin ay mga atas na ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao. Ang iglesia ay nagtatalaga ng mga tungkulin sa mga tao batay sa kasalukuyang pangangailangan nito, gayundin ayon sa kakayahan at mga talento ng bawat tao. Ang bawat tungkulin ay mahalaga, dahil ang bawat isa ay may bahaging ginagampanan sa pagpapalaganap at pagpapatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Walang isang tungkulin ang mas mahalaga kaysa sa iba—bawat tungkulin ay hindi maaaring mawala sa gawain ng iglesia. Dahil dito, dapat kong tanggapin ang aking tungkulin nang walang kondisyon at gawin ito sa abot ng aking makakaya. Ito ang budhi at katwiran na dapat taglayin ng isang nilikha. Biniyayaan ako ng Diyos ng pagkakataong gawin ang aking tungkulin para hangarin ko ang katotohanan habang ginagawa ito, maranasan ang salita at gawain ng Diyos, kilalanin at lutasin ang aking tiwaling disposisyon, at sa huli ay magkaroon ng takot at magpasakop sa Diyos nang hindi nagagapos at napipinsala ng aking satanikong disposisyon. Gayunpaman, hindi ko naunawaan ang layunin ng Diyos, pinagkumpara ko ang mga tungkulin bilang mas mataas o mas mababa at tiningnan ang sarili kong tungkulin bilang isang paraan ng pagtatamo ng mga pagpapala. Sinubukan kong dayain at gamitin ang Diyos, nangangarap na magkamit ng mga pagpapala bilang kabayaran sa paggawa ko ng aking tungkulin. Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam! Malinaw kong nakita na kung hindi ko itutuwid ang aking maling pananaw sa paghahangad, at hindi ko lulutasin ang aking tiwaling disposisyon, gaano man kahalaga ang aking tungkulin, o gaano ko man igugol ang aking sarili at gaano man ako magsakripisyo, hinding-hindi ko makakamit ang papuri ng Diyos at sa huli ay matitiwalag at maparurusahan ako. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, nakita ko kung gaano kapanganib ang kalagayan ko at naging handa akong itama ang aking mga layunin at gawin ang tungkulin ko nang maayos.

Kalaunan, nabasa ko ang sumusunod na mga sipi ng salita ng Diyos: “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang mapagpala ay kapag ang isang tao ay nagawang perpekto at nagtatamasa ng mga biyaya ng Diyos matapos magdanas ng paghatol. Ang maisumpa ay kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbabago matapos silang magdanas ng pagkastigo at paghatol, iyon ay kapag hindi pa sila nagawang perpekto kundi pinarusahan. Ngunit napagpala man sila o naisumpa, dapat tuparin ng mga nilalang ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang mapagpala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang pagkasuwail(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, senyoridad, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Itinuro sa akin ng salita ng Diyos na walang kinalaman ang tungkulin na iyong ginagampanan sa kung ikaw ay magkakamit ng mga pagpapala o makatatagpo ng kasawian. Ang isang tungkulin ay isang atas mula sa Diyos, responsibilidad ito ng tao—ganap na likas at may katwiran na ang isang tao ay dapat gumawa ng kanyang tungkulin. Ang susi upang mailigtas ay ang hanapin ang katotohanan, tamuhin ang katotohanan, at kamtin ang pagbabago sa disposisyon. Wala itong kinalaman sa kung anong tungkulin ang ginagawa ng isang tao. Ang paggampan ng isang mahalagang tungkulin at pagkakaroon ng mataas na katayuan ay hindi nangangahulugang taglay mo ang katotohanang realidad. Kung hindi mo hahanapin ang katotohanan, hindi babaguhin ang iyong disposisyon, at makikipagpalitan ka pa sa Diyos para magtamo ng mga pagpapala, kung niloloko mo Siya, ginagamit Siya, at ginagambala ang gawain ng iglesia, ikaw rin ay ibubunyag at ititiwalag, hinding-hindi ka ililigtas ng Diyos. Kahit pa naatasan ka ng isang tila di-mahalagang tungkulin, hangga’t ginagawa mo ang lahat ng iyong makakaya, hinahanap ang katotohanan, at nakakamit ang pagbabago sa disposisyon, ikaw ay maililigtas. Naisip ko ang iba’t ibang huwad na lider na ibinunyag at tiniwalag—gumampan sila ng mahahalagang tungkulin, nagtipon at nagbahagi, naggugol ng sarili, nagtiis ng pagdurusa, at tiningala ng lahat ng kapatid. Pero hindi nila hinangad ang katotohanan, nagbigay lamang sila ng doktrinal na kaalaman sa mga tao. Hindi nila isinagawa o dinanas ang salita ng Diyos kahit kaunti; iginugol lamang nila ang kanilang mga sarili at nagsakripisyo sila para magkamit ng mga pagpapala at para protektahan ang sarili nilang katayuan at kabantugan. Sa kabila ng ilang taong pananalig sa Diyos, hindi pa rin nila kilala ang kanilang mga sarili, o binago ang kanilang mga disposisyon, at dahil tinahak nila ang maling landas, tinanggal sila. Napagtanto kong katawa-tawa at taliwas sa katotohanan ng salita ng Diyos ang maniwalang yaong mga nagtiis ng pagdurusa, naggugol ng sarili, may mataas na katayuan, at gumanap ng mahahalagang tungkulin ay ililigtas at gagantimpalaan ng kamangha-manghang destinasyon at kahihinatnan, habang ang mga gumawa ng pangkaraniwan at di-mahahalagang tungkulin ay maliit lang ang tsansang mailigtas o magkamit ng mga pagpapala. Naisip ko si Pablo, na may mataas na posisyon sa iglesia, na nagpalaganap ng ebanghelyo sa maraming lugar, nagtiis ng matinding pagdurusa at nagkamit ng paghanga at paggalang ng lahat, pati na ng makabagong mundo ng relihiyon na nagtuturing sa kanya na modelong paggagayahan. Gayunpaman, hindi kailanman hinanap ni Pablo ang katotohanan, o nagsikap man lamang na baguhin ang kanyang disposisyon, at iginugol lamang niya ang kanyang sarili upang magkamit ng mga pagpapala at ng isang korona. Tinahak niya ang landas ng paglaban sa Diyos at sa huli ay pinarusahan ng Diyos. Sa kabilang banda, tila hindi kasingkahanga-hanga ang gawain ni Pedro gaya ng kay Pablo, ngunit hinangad niya ang katotohanan at pagmamahal ng Diyos sa kanyang tungkulin, pinahalagahan niya ang pagkilala sa kanyang sarili at pagkilala sa Diyos sa paghatol at pagkastigo ng Diyos sa kanya. Sa huli, ipinako siya nang patiwarik sa krus para sa Diyos, nakakamit ang pagpapasakop sa Kanya hanggang kamatayan at minamahal Siya nang lubusan, kung saan siya ay ginawang perpekto ng Diyos. Ang Diyos ay banal at matuwid—hindi Niya dadalhin sa kaharian yaong mga nakikipagpalitan, nandaraya, at lumalaban sa Kanya, lalong hindi Niya pahihintulutan yaong mga kauri ni Satanas na puno ng mga tiwaling disposisyon na manatili. Tanging iyon lamang mga naghahangad ng katotohanan at pagbabago ng disposisyon, at silang sa huli ay nagkakamit ng katotohanan at nagpapasakop sa Diyos at sumusunod sa Kanyang kalooban, ang maaaring makapasok sa kaharian ng Diyos. Matapos ko itong mapagtanto, naramdaman kong mas naging malaya ako at naging handang magpasakop sa Diyos at gawin ang lahat ng aking makakaya upang mag-host ng mga kapatid. Subalit nang naghahanda na akong magsimulang mag-host, nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking lider na nagsasabing, batay sa pangangailangan ng gawain ng iglesia, inilipat niya ako sa ibang iglesia para magdilig ng mga baguhan. Nang matanggap ko ang mensahe, hindi ko napigilang magpasalamat sa Diyos. Nanalangin ako sa Diyos, sinasabi sa Kanyang handa na akong magsumikap at hanapin ang katotohanan, pagtuunan ang pagbabago ng aking disposisyon, at masigasig na tuparin ang aking tungkulin.

Ngayon, medyo nakita ko na ang aking pagnanais ng mga pagpapala at ang aking transaksyonal na relasyon sa Diyos. Nakikita ko kung gaano ako kamakasarili at kakasuklam-suklam, at handa na akong magpasakop at masigasig na tumupad sa aking tungkulin bilang isang nilikha. Ang lahat ng ito ay dahil sa pagliligtas ng Diyos, at labis akong nagpapasalamat sa Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Hindi Matatakasang Pasakit

Ni Qiu Cheng, Tsina No’ng mag-edad 47 na ako, nagsimulang mabilis na lumabo ang paningin ko. Sabi ng doktor na kung hindi ko aalagaan ang...