Ang Kasikatan at Kayamanan ay Nagdala sa Akin ng Pagdurusa

Disyembre 28, 2020

Ni Tian Tian, Tsina

Isang tagsibol, lumabas kami ng ilang mga doktor para sa isang pagluluto sa labas. Habang nasa daan, may ilang mga taga-nayon na nakakilala kay Dr. Wang. Mukhang napakasaya nila at tumatanaw ng utang na loob. Masigla siyang binati ng mga ito. Noong nagluluto na kami, nagkulang ang mga sangkap namin. Napakabait talaga ng mga taga-nayon. Noong nakita nilang nangangailangan kami, inalok nila kami ng kung ano’ng meron sila. Noong panahong iyon, ang mapagkukunan ng ilang pang-araw-araw na pangangailangan ay kaunti lang kaya mahal. Halimbawa, walang masyadong gatas. Maraming tao ang kailangang pumila para makakuha nito. Pero iyong iba na taga-pabrika ng gatas dinadadala lang ito sa amin. Dahil sa reputasyon ni Dr. Wang ang lahat ng ito. Nakita kong nagningning ang mga mata ni Dr. Wang nang ngumiti siya at hindi ko mapigilang mainggit sa kanya at isiping: “Tinitingala talaga ng mga tao si Dr. Wang! Nirerespeto siya saan man siya magpunta at wala siyang dapat alalahanin. Kailangan lang niyang ipakita ang mukha niya para madaling magawa ang mga bagay. Samantalang ako, isa lang akong clinician na walang nakakakilala. Hindi ako pwedeng tratuhin nang ganoon. Pwede lang akong kumapit sa laylayan niya.” Pero, sa pagkadismaya ko, tiningnan ko ang puting buhok ni Dr. Wang at inisip na: “Hindi ba’t bata pa ako? Kung maayos kong pag-aralan ang medisina at matututo mula sa mga beteranong doktor at magtrabahong mabuti, hindi maglalaon ay maaari rin akong maging sikat at respetado katulad nila.”

Pagkatapos ng isang buwang tuloy-tuloy na pagsusumikap, nakapagduty na ako mag-isa at nagkaroon na rin ng pagkakataong makapag-opera. Pero unang hakbang lamang ito. Kailangan ko pa ring magsumikap. Kaya palagi akong nag-aaral ng mga teoryang medikal. Kumuha ako ng skills exam at mga remedial classes sa labas ng trabaho. Kung mayroong biglaang operasyon, maski oras man ng trabaho o hindi, wala akong pinapalampas na pagkakataon para magsagawa ng operasyon. Minsan habang abala ako sa pag-oopera, gutom na gutom ako, pero hindi ko maalagaan ang sarili kong katawan dahil bawal ang pagkakamali sa operasyon. Minsan kailangan ko pang magtrabaho nang dalawampu’t apat na oras. Pagkaalis sa trabaho, wala na roon ang isip ko at pagod na pagod ang katawan ko. Desperado na akong magpahinga pero maaalala ko ang laging sinasabi ng tatay ko, “Kung walang hirap, walang sarap,” at mga kwento ng pagsusumikap para maabot ang mga layunin. Kaya hinimok ko ang sarili ko na magpatuloy at pinilit na palaging magsumikap. Pagkauwing-pagkauwi ko ng bahay sa gabi, lalapat ang ulo ko sa unan. Ihihiga at ipapahinga ko ang aking pagod at sumasakit na katawan. Kapag ipipikit ko ang aking mga mata, at gusto nang matulog, bigla ko na lang maaalala ang bawat detalye ng isang operasyon. Natatakot ako na ang nanghihinang estado ng pag-iisip ko ay magdudulot sa akin ng pagkakamali sa operasyon. Maiisip ko ang mga dating kasamahan na gumawa ng maliliit na pagkakamali sa trabaho at hindi na muling nagkaroon ng karapatan na mag-opera. Kapag may maling nangyari, hindi na ako magiging tagumpay. Agad akong makakaramdam ng pagkabalisa, pagod, takot at pag-aalala. Pagod na pagod na ang isip at katawan ko. Minsan, iisipin ko ang operasyong nakaiskedyul sa susunod na araw at kahit gaano pa ako gabihin nang pag-uwi paulit-ulit ko pa ring susuriin at babaguhin ang kaalamang pang-medikal na kailangan ko para sa operasyon, para wala akong magagawa na anumang pagkakamali. Pagod na pagod ako, pero uudyukan ko ang sarili ko para magtagumpay ako balang araw: “Magsumikap! May liwanag sa dulo ng lagusan!”

Kalaunan, matapos ang pitong taong pagsusumikap, naging sertipikadong doktor ako. Sa sandaling iyon, ang pinakanangibabaw sa aking isipan ay ang mga salitang: Sulit ang lahat! Nang tumaas ang ranggo ko, tumaas ang presyo para makita ako. Ginawa ko lahat ng mga operasyon na pwedeng gawin sa antas ng sertipikadong doktor at ang pangalan ko ay nasa listahan ng mga pangunahing siruhano. Tumaas ang sweldo at estado ko habang nahuhuli ang mga kasamahan ko. Nakaramdam ako ng kasiyahan na mahirap ilarawan sa mga salita, lalo na sa mga kalye, kung saan nakikilala ako ng ilang tao. Hindi ko sila makikilala, pero kilala nila ako. Pupurihin pa nila ako sa pagiging mabuting siruhano. Ang paghanga ng mga pasyente ko at mga bagay na kanilang sinabi “Pinuntahan kita noon at agad akong gumaling nang hindi masyadong naglalabas ng pera, samantalang matagal na akong ginagamot ng isa ko pang doktor pero wala man lang pagbabago.” At may ilan pang nagsabi: “Sabi ni ganito-at-ganyan, magaling ka na doktor. Inirekomenda niya na puntahan kita. Talagang mahirap kang makita ngayon.” Kapagnaririnig ko ang mga ito, napapangiti talaga ako. Masayang-masaya ang kalooban ko. Naaalala pa rin ng mga tao ang mga bagay na ito kahit gaano na ito katagal at ang iba’y pumunta pa sa akin dahil kilalang-kilala ako. Bigla kong naramdaman na lumago ang reputasyon ko at ngayo’y alam ko na ang lasa ng tagumpay. Pero pagkatapos ng kasiyahan, naisip kong malayo pa ako sa pagiging nangangasiwang manggagamot. Normal na mga operasyon lang ang kaya ko. Kung nangangasiwang manggagamot ako at kaya kong gumawa ng mas matataas na antas ng operasyon, hahangaan ako lalo ng mga pasyente at mas dadami ang tao na gugustuhing makita ako. Hindi ba’t mas magiging mataas ang estado ko sa paningin nila?

Tapos, lalo pa akong nagpursige tungo sa katanyagan at kayamanan. Laging nagrereklamo at nakikipag-away sa akin ang asawa ko, pakaunti raw nang pakaunti ang oras ko sa kanya. Napagod at sobrang nasaktan ako, at hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko: “Ano ba talaga ang pinaghirapan ko? Hindi ba para magkaroon ng matagumpay na karera at magandang buhay? May ginawa ba akong mali? Wala naman. Ang asawa ko ang hindi makatwiran. Wala kasi siyang ambisyon.” Pinahid ko ang mga luha ko at nag-apply para sa pang-munisipyong antas ng medikal na yunit para sa karagdagang pag-aaral para mas lalong pagbutihin ang kakayahan ko at maging nangangasiwang manggagamot. Iningatan ko ang bihirang pagkakataong ito. Pero habang nasa pagsasanay, nagulat ako nang malaman ko na buntis ako. Noong nalaman kong buntis ako, natigilan ako at tingin ko ay talagang hindi pa ito ang tamang panahon para magkaroon ng anak. Marami na akong pinagdaanan para makuha ang pagkakataong ito, hindi ako pwedeng basta-basta sumuko dahil sa isang bata at sirain ang mga inaasam ko. Pero pagkatapos ay naisip ko ang sanggol. Ayoko ng aborsyon. Hindi nagtagal, dahil matagal akong nakatayo at nagsasagawa ng mga operasyon at sobrang nagtatrabaho, at nalilipasan ng gutom para gumawa ng mga biglaang operasyon, nalaglag ang dinadala ko. Pero hindi ko itinigil ang paghahabol sa katanyagan at kayamanan. Gusto kong bumalik sa trabaho sa ospital isang araw matapos na maalis ang nabubuong sanggol, pero talagang hinang-hina ang katawan ko nang araw na iyon. Pakiramdam ko’y bumibigay ang katawan ko. Masakit ang tiyan ko at nanlalambot ang mga paa’t kamay ko. Ang nagagawa ko lang ay ang humiga sa kama at magpahinga. Pero hindi ko iniisip ang nalaglag na bata, o kung paano aalagaan ang sarili kong katawan, nag-aalala lang ako dahil nahuhuli na ako sa pag-aaral at maaapektuhan ang graduation ko. Mababalewala lang ba ang lahat ng ito?

Pagkatapos ng pitong taon pa ng nakakapagod na gawain, sa wakas ay nakuha ko rin ang posisyong nangangasiwang manggagamot na pinapangarap ko. Binati ako ng mga naging pasyente ko dati noong nakita nila ako at sinabi sa mga nakapalibot sa kanila, “Inoperahan at iniligtas ako ni Dr. Tian.” May ilang binisita ako sa bahay, nagdadala ng lahat ng uri ng lokal na espesyalidad. Ang iba ay may regalo at butser sa pamimili para magpasalamat. Minsan, kumakain ako sa kainan at kapag nakita nila ako, babayaran nila ang kinain ko nang hindi ko alam. Kahit na ang lahat ng ito ay naging dahilan para mainggit ang mga tao, ang kasiyahan ko kailanman ay pansamantala lamang. Walang nakakaalam ng paghihirap at sakit na nasa likod ng kasiyahan ko. Hindi ako pwedeng magkamali sa operasyon, dahil matindi ang magiging kalalabasan noon, at lagi akong nag-aalala tungkol sa paggawa ng pagkakamali na sisira sa akin. Talagang nag-ingat ako, na para bang manganganib ako kapag hindi nag-ingat. Masyado na akong maraming dinanas na kagipitan, at hindi na ito makaya ng isip ko. Nanghina ako at bumagsak ang timbang ko sa mga 90 libra. Lumala ang kalusugan ko dahil sa sobrang pagtatrabaho Nagka-insomnya ako’t, sakit ng tiyan, at nagkaroon din ako ng namamagang apdo. Hindi ako makakain, hindi ako makatulog. Magbibilang ako ng tupa sa gabi at iinom ng apat na pampatulog, pero wala itong silbi. Kapag araw, tulala ako at nanghihina. Para bang gawa sa tingga ang mga binti ko. Talagang sobrang hirap noon. Wala akong magawa kundi isiping: “May katayuan ako’t hinahangaan ng iba, pero ngayon, ni hindi ako makatulog o makakain tulad ng normal na tao.” Ginusto ko pa ngang iwasan ang trabaho, iwasan lahat, at makatulog lang nang mabuti, pero naging ilusyon lang ang lahat ng iyon. Ang nagpalala pa nito ay noong kailangan na kailangan ko ng pag-aalaga at pag-aasikaso, nasa labas ang asawa ko, umiinom at pinapasaya ang sarili at kinailangan kong sarilinin ang kalungkutan ko. Miserable ako at walang magawa sa mga tahimik na gabing iyon. Hirap akong dalawin ng antok at madalas kong mapanaginipan na nangangapa ako sa dilim, hindi makita ang direksyong pupuntahan o ang daan na pauwi. Natakot ako at nagpumiglas. Isang beses, nagising ako nang sumisigaw na “Ah!” Pinagpapawisan ang noo ko. Binuksan ko ang ilaw at naupo sa dulo ng higaan at inisip ang respeto ng mga pasyente at papuri ng pamilya ko, pero hindi noon pinawi ang sakit na nadarama ko. Naalala ko ang mga pagsisikap ko sa mga nakalipas na taon at tinanong ang sarili ko: “Kalahati ng buhay ko, nagsumikap ako para mauna pero sa huli, bukod doon sa mga sandali ng kaluwalhatian, ang nakuha ko lang ay sakit, taksil na asawa, at walang katapusang pasakit at paghihirap. Bakit ganoon ang nangyari? Paano ba dapat mabuhay ang tao para magkaroon ng makabuluhang buhay?” Gustung-gusto kong kumawala mula sa sakit. Pumunta ako sa manghuhula, naghanap ako ng sagot sa mga sinabi ng mga sikat na tao at inusisa ang “positibong enerhiya”. Naghanap din ako ng mga kasagutan sa Budismo, pero hindiako nasiyahan sa sagot at hindi nito nalutas ang mga problema ko. Noong ang mga karamdaman ko ay naging sobrang hirap na, noong wala akong makitang pag-asa sa buhay o mahanap na daang pasulong, ang mapagligtas na biyaya ng Makapangyarihang Diyos ay dumating.

Matapos manalig sa Diyos, natagpuan ko ang kasagutan sa mga salita Niya. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng katanyagan at pakinabang, maaari na nila kung gayong samantalahin ang mga ito upang tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang masiyahan sa buhay. Iniisip nila na ang katanyagan at pakinabang ay mga uri ng puhunan na maaari nilang gamitin upang magkamit ng isang buhay na mapaghanap-ng-kaluguran at walang-pakundangan sa pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito na iniimbot ng sangkatauhan, ang mga tao ay kusang-loob, hindi man namamalayan, na ibinibigay ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana, kay Satanas. Ginagawa nila ito nang wala ni isang sandali ng pag-aatubili, kailanman ay mangmang sa pangangailangan na mabawi ang lahat ng naibigay na nila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling manganlong sila kay Satanas sa ganitong paraan at maging tapat dito? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na nalublob sa isang putikan, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa katanyagan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang maliwanag, ang matuwid, o ang mga bagay na maganda at mabuti. Ito ay dahil sa ang nakatutuksong kapangyarihan na mayroon ang katanyagan at pakinabang sa mga tao ay napakalaki; at ang mga ito ay nagiging mga bagay para hangarin ng mga tao sa buong buhay nila at maging sa walang hanggan nang walang katapusan. Hindi ba ito totoo?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Niliwanagan ng mga salita ng Diyos ang puso ko. Naalala ko ang pagpunta sa cookout na iyon kasama ni Dr. Wang noong napagdesisyunan ko na hanggang mayroon akong estado at mataas na kakayahan sa medisina, rerespetuhin at makakatanggap ako ng espesyal na pagtrato at magiging maayos ang buhay. Tinanggap ko rin ang mga lason tulad ng, “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan kahit saan man siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,” “Mamukod-tangi sa iba,” at “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa,” kaya naman ang paghahabol sa katanyagan at kayamanan ang naging hangarin ko at mga layunin sa buhay. Palagi akong nagsusumikap para isulong ang aking karera. Matapos kong makakuha ng respeto at papuri sa mga tao naramdaman ko ang tunay na diwa ng tagumpay na nagpanatili sa akin sa maling landas, na wala man lamang paglingon sa likod. Iginugol ko ang higit sa sampung taon sa paghahabol sa katanyagan at kayamanan, isinakripisyo ang pamilya at ang bata sa aking sinapupunan. Nasira ko ang aking kalusugan at naiwan akong may sakit ang katawan. Sayang lang talaga na pagkatapos ng lahat ng sakripisyo, noon ko lang naisip: “Anong silbi ng katanyagan at kayamanan sa akin? Nagdala ng paghihirap sa akin ang paghahabol dito, at nang sa wakas ay makuha ko ito, labis pa rin akong nagdurusa. Malinaw na ang paghahabol sa katanyagan at kayamanan ay maling landas.” Naintindihan ko nang ang pakikipaglaban para maghabol ng katanyagan at kayamanan ay masama, na bumabalot sa mga tao tulad ng isang tali at sumasakal sa kanila. Para itong pamatok na inilagay ni Satanas sa katawan ko, na nagpapayag sa akin na magdusa at isakripisyo ang lahat. Kalaunan, nakamit ni Satanas ang nais niyang gawin ko. Gaya ng sinabi ng mga salita ng Diyos: “Ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang naiisip ng mga tao ay pawang katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagbabata ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakripisyo ang lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at gagawa sila ng anumang paghatol o pagpapasiya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Walang kaalam-alam nilang dinadala ang mga kadenang ito at lumalakad nang may matinding paghihirap. Para sa kapakanan ng katanyagan at pakinabang na ito, ang sangkatauhan ay lumalayo sa Diyos at pinagtataksilan Siya at mas lalo silang nagiging masama. Sa ganitong paraan, samakatuwid, nasisira ang sali’t salinlahi sa katanyagan at pakinabang ni Satanas(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Nakita ko kung gaano kasuklam-suklam si Satanas at taos puso akong nagpasalamat sa Diyos. Noong naipit na ako ni Satanas at hindi makawala, hindi lang basta naupo at nanood ang Diyos, inabot Niya sa akin ang Kanyang kamay ng kaligtasan, pinaginhawa ako ng Kanyang mga salita, at tinulungang hanapin ang pinagmumulan ng pagdurusa ko. Ang Diyos lamang ang pinakanagmamahal sa tao. Nagkatawang-tao Siya upang ipahayag ang katotohanan para turuan tayong makilala ang mabuti mula sa masama at ang positibo mula sa negatibo. Alam kong hindi ako pwedeng magpatuloy sa maling landas, na iginugugol ang buhay ko sa katanyagan at pakinabang. Dapat kong sambahin ang Lumikha. Pagkatapos, mas iginugol ko ang aking libreng oras sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at sa pagbabahagi sa aking mga kapatid tungkol sa mga bagay na hindi ko maintindihan at tinulungan at sinuportahan namin ang isa’t isa. Bago ko pa namalayan, naintindihan ko ang ilang katotohanan at mas naunawaan ang ilang bagay. Mas kalmado na ang isip ko. Unti-unting bumuti ang insomnya ko, at ang sakit ng tiyan ko at pati ang namamagang apdo ko. Hindi ko ito makukuha sa paghahabol sa katanyagan at pakinabang. Talagang naranasan ko ang kasiyahan ng espirituwal na kalayaan.

Hindi nagtagal, nakita ko’ng lahat ng mga kasamahan ko’y nagtatrabaho para umangat sa posisyon at iyong mga may mas mabababang propesyunal na kakayahan, ang ilan pa ay mga kasamahan na sinanay ko, ay naging mga kasamang propesor lahat. Naramdaman ko ako’y nawalan. Naisip ko na kung hindi ako nagkasakit at napahinto ng isang dekada batay sa kakayahan ko naging kasamang propesor man lang sana ako. Pero noong binalikan ko kung paano ako naghabol ng mga pagtaas ng posisyon at nagkaroon ng katawang may karamdaman, sakit, at pagdurusa, napagtanto kong isa ito sa mga tusong pakana ni Satanas. Ginagamit ni Satanas ang mga pagnanasa ko para akitin akong bumalik sa katanyagan at pakinabang. Kung sinimulan kong habulin ulit ang mga ito, baka pati buhay ko ay mawala. Anong magiging saysay nito? Naisip ko ang isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?(Mateo 16:26). At sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bilang isang normal na tao, na naghahangad ng pag-ibig sa Diyos, ang pagpasok sa kaharian upang maging isa sa bayan ng Diyos ang inyong tunay na hinaharap, at isang buhay na siyang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; walang sinuman ang higit na pinagpala kaysa sa inyo. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat yaong mga hindi naniniwala sa Diyos ay nabubuhay para sa laman, at sila ay nabubuhay para kay Satanas, ngunit sa kasalukuyan kayo ay nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay upang gawin ang kalooban ng Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang inyong mga buhay ang pinakamakabuluhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak). Naintindihan ko ang kalooban ng Diyos mula sa Kanyang mga salita. Gaano man kataas ang estado ng tao o anuman ang reputasyon nila, ang paghahabol sa katanyagan at kayamanan ay ang maling landas at ito’y humahantong sa kamatayan. Hindi natin pwedeng matanggap ang biyaya ng Diyos sa pagtahak sa landas na ito. Sa paghahanap lang ng katotohanan at pagsasagawa ng tungkulin natin, pagtanggal ng mga katiwalian sa pagdanas natin sa gawain Niya at pagsubok na kilalanin Siya na magkakaroon tayo ng buhay na makabuluhan at may halaga at kalaunan ay matatanggap ang biyaya ng Diyos. Ito lang ang tunay na hinaharap na dapat mayroon ang tao. Kung patuloy kong susubukang bigyang-kasiyahan ang mga kapakanan ng laman, hindi lang ako hindi bibiyayaan ng Diyos, talagang kamumuhian Niya ako. Halimbawa ito batay sa totoong buhay ng mga kakilala ko: Nagtapos sa kolehiyo ang anak ng amo ko at nagkaroon ng magandang karera habang nasa ibang bansa. Pero pagkatapos ng matinding kumpetisyon at sobrang pagkagipit, na-depress siya at pinatay ang sarili. At ang anak ng kaibigan ko, na napakabata pa lang ay naging tagapamahala na, nagkaroon siya ng cirrhosis sa atay dahil sa labis na pag-inom sa mga pagtitipon. Namatay siya pagkalipas ng anim na buwan at pumuti ang buhok ng kaibigan ko dahil sa sakit na idinulot nito. Naalala ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Natatanto ng Tao hindi nabibili ng pera ang buhay, na hindi mabubura ng katanyagan ang kamatayan, na alinman sa pera o katanyagan ay di-makakapagpahaba ng buhay ng isang tao nang kahit na isang minuto o kahit na isang segundo(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Hindi nito maaalis ang pagdurusa ng mga tao at hindi nito maliligtas ang buhay nila. Pwede lang nitong akitin ang mga taong bumalik sa kamatayan pagkatapos ng ilang saglit na kasiyahan. Nang maunawaan ko ito, hindi na ako nagambala o naapektuhan ng mga tao sa paligid ko. Naging handa ako na igugol ang limitadong oras ko sa paghahanap ng katotohanan, nabubuhay ayon sa hinihingi ng Diyos at isinasakatuparan ang tungkulin sa bahay ng Diyos.

Isang araw, nakatanggap ako ng tawag mula sa direktor ng ibang ospital. Sabi niya, “Ngayong retirado ka na, naghahanda kami ng piging para makapagdiwang ka at pwede nating pag-usapan ang kolaborasyong pinag-usapan natin noon. Gusto naming isabit ang lisensya mo sa aming ospital para maakit ang mga dati mong pasyente. Pwede ka ring magtrabaho para sa amin, o maging shareholder. Ikaw nang bahalang mamili.” Nang marinig ko ito, hindi ko maiwasang isiping, “Iginugol ko ang halos buong buhay ko sa paghahabol ng katanyagan at pakinabang at ano ang nakuha ko rito? Buong buhay na lang ba talaga akong nakabaon sa katanyagan at pakinabang? Hindi madaling alisin ang sakit ng paghahabol ng katanyagan at kayamanan. Hindi na ako magbibilang ng tupa sa gabi, o mamumuhay nang nag-aalala at natatakot maghapon. Natikman ko na ang kapayapaan ng isip na inihatid sa akin ng pananampalataya sa Diyos. Mas mabuting hawakan ko nang mahigpit ang kasiyahang ito. Isa pa, kahit na isabit lang ang lisensya ko sa ospital, kailangan ko pa ring pumunta kung may problema, hindi ba’t makakagambala iyon sa tungkulin ko?” Naisip ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ngayon mismo, bawat araw na pinagdaraanan ninyo ay lubhang mahalaga, at pinakamahalaga sa inyong kahahantungan at kapalaran, kaya’t dapat ninyong itangi ang lahat ng mayroon kayo ngayon, at pahalagahan ang bawat minutong lumilipas. Kailangan ninyong bigyan ng oras ang inyong sarili na matuto nang husto upang hindi mawalan ng saysay ang buhay ninyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?). Napakaswerte ko na magkaroon ng bihirang pagkakataon na mahanap ang Diyos. Ang Diyos ang nagpaunawa sa akin ng kahulugan ng buhay at nag-alis sa akin sa pagdurusa. Paano ako makakabalik sa yakap ni Satanas? Malapit nang matapos ang gawain ng Diyos at hindi ko pa nakakamit ang katotohanan. Kailangan kong pahalagahan ang bawat araw at hanapin ang katotohanan sa aking limitadong oras. Iyan ang magandang buhay! Dahil naiintindihan ko ang kalooban ng Diyos, tumanggi ako sa alok ng direktor. Nang ibinaba ko ang telepono, naramdaman kong mas malaya ako kaysa dati. Hindi ko maiwasang sabihing, “Dapat noon ko pa itinigil ang paghahabol sa katanyagan at pakinabang.” Kinausap ako ng ibang mga ospital tungkol sa pagtutulungan. Tinanggihan ko silang lahat. Sa ngayon, pursigido ako sa pagsasakatuparan ng tungkulin ko. Magaan ang pakiramdam ko at kuntento araw-araw. Isa itong bagay na walang materyal na kasiyahan o katanyagan ang makapagbibigay. Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagligtas sa akin!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Tamang Desisyon

Ni Shunyi, Tsina Ipinanganak ako sa isang liblib na nayon sa bundok, sa isang pamilya ng ilang henerasyon ng mga magsasaka. Noong nag-aaral...

Ang Pagpili ng Isang Doktor

Ni Yang Qing, Tsina Noong bata pa ako, napakahirap ng pamilya ko. Paralisado ang aking ina, nakaratay, at buong taong umiinom ng gamot, at...

Ang Pagsisisi ng Isang Opisyal

Ni Zhenxin, TsinaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mula nang likhain ang mundo hanggang ngayon, lahat ng nagawa ng Diyos sa Kanyang gawain...