Isang Pagkamulat Matapos Maiwasto

Oktubre 13, 2022

Ni Liang Xin, China

Sa huling bahagi ng 2020, tinanggap ko ang responsibilidad ng pagdidilig ng mga baguhan sa iglesia. Nung una, hindi sila masyadong marami, kaya anumang problema ang kinakaharap nila, ginagawa ko ang makakaya ko para tulungan silang lutasin ito basta’t lumalapit sila para kausapin ako. Kapag hindi ko talaga kayang lutasin ang isang bagay, hinihingi ko ang tulong ng lider. Nag-aalala ako na kung hindi madidiligan nang maayos ang mga bagong mananampalataya, hindi sila magiging matatag. Kalaunan, patuloy na dumami nang dumami ang bilang ng mga bagong miyembro, kaya nagtalaga ang lider ng dalawa pang sister na makakatrabaho ko, at may mga itinalagang bagong mananampalataya sa bawat isa sa amin para diligan. Ilang beses na lumapit sa akin ang ilang baguhan para kausapin ako tungkol sa ilang problema. Nakita kong saklaw ito ng mga responsibilidad ng ibang sister, at naisip ko na limitado ang oras ko, kaya kung tutulungan ko sila, hindi ba’t mahahadlangan nito ang pagdidilig ko sa mga bagong mananampalataya na responsibilidad ko? Dahil ang mga sister na ‘yon ang responsable sa kanila, dapat ang mga ito ang humarap sa mga problema nila. Hindi ko problema ito. Kaya hindi ako nagbabahagi sa mga baguhang ‘yon. Kapag nagbabahagi man ako, pabasta-basta lang, iniraraos ko lang iyon. Makalipas ang ilang araw, nalaman ko na ang ilan sa kanila ay hindi dumalo sa mga pagtitipon nang isang buong linggo dahil hindi sila naisama sa grupo, at ang ilan ay hindi dumadalo sa mga pagtitipon dahil hindi nalutas ang kanilang mga kuru-kuro sa pamamagitan ng pagbabahaginan. Medyo nabalisa akong marinig ‘yon. Napagtanto ko na ‘yon ay dahil naging iresponsable ako at walang pakialam sa kanila, pero hindi ko pinagnilayan ang sarili ko o sinubukang unawain ang aking problema. Hindi nagtagal, ang ilang bagong mananampalataya na responsibilidad ng dalawang sister ay nanlulumo dahil sa ilang paghihirap sa buhay nila, at huminto sa pagdalo sa mga pagtitipon. Dahil medyo mas kilala ko sila, hiniling sa akin ng lider na tulungan ko sila. Ayoko talaga sanang gawin. Ang ibang mga sister na ang responsable ngayon sa mga bagong mananampalatayang ‘yon, at kung gugugulin ko ang oras ko sa pagsuporta sa kanila, makakaapekto ito sa mga resulta ng gawain ko. Habang mas iniisip ko ito, mas lalo kong naramdamang dehado ako, at nakahanap ako ng mga dahilan para tumanggi. Sinabi kong masyado akong abala para akuin ang pagdidilig ng anumang dagdag na mga baguhan.

Kalaunan, kinumusta ng lider ang pag-usad ng aming gawain at tinanong kami kung bakit hindi naisama ang ilang baguhan sa mga grupo at marami sa kanila ang hindi dumadalo sa mga pagtitipon. Gusto niyang malaman ang dahilan. May kumpiyansa kong sinabi, “Kinausap ko ang ibang mga sister tungkol dito pero hindi nila ito naasikaso sa oras.” Tapos tinanong ako ng lider, “Responsibilidad lang ba nila lahat ito at walang kinalaman sa’yo?” Nangangatwiran pa rin ako sa sarili ko: Wala naman akong ginawang mali—inasikaso ko ang lahat ng responsibilidad ko, at ipinasa ko ang mga bagong mananampalataya na ‘yon sa dalawang sister. Hindi ito saklaw ng mga responsibilidad ko. Ganap na makatwiran na hindi ko sila bigyan ng anumang pansin. Pinuna ako ng lider sa pagiging makasarili at pag-aasikaso lamang sa sarili kong gawain sa aking tungkulin. May mga problema sa gawain ng ibang mga sister, pero hindi ko ito inasikaso no’ng napansin ko ito, na dahilan kaya maraming bagong mananampalataya ang hindi dumadalo sa mga pagtitipon. Iresponsable ‘yon. Pansamantala niya akong pinatigil sa tungkulin ko para pagnilayan ang mga personal kong problema. Natulala na lang ako nung oras na ‘yon. Nung sandaling ‘yon, hindi ko lang matanggap ang katunayang ‘yon. Ako lang ba talaga ang responsable sa hindi pagdalo ng ilang baguhan sa mga pagtitipon? Yong dalawang sister ang responsable sa pagdidilig sa kanila nung panahong ‘yon. Hindi dapat ako ang managot para dito. Miserable ako na mawalan ng tungkulin, at hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Sa loob ng ilang araw, miserable ako, na para bang may kutsilyong nakasaksak sa puso ko. Patuloy akong nagdarasal, tumatawag sa Diyos, nagninilay sa sarili ko.

Sa aking paghahanap, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kahit ano pa ang iniisip mo, hindi mo isinasagawa ang katotohanan, wala kang katapatan, at laging sangkot ang mga pansarili mong isinasaalang-alang, at lagi kang may sariling mga kaisipan at ideya. Pinagmamasdan ng Diyos ang mga bagay na ito, alam ng Diyos—akala mo ba ay hindi alam ng Diyos? Napakahangal mo. At kung hindi ka magsisisi kaagad, mawawala sa iyo ang gawain ng Diyos. Bakit iyon mamawala sa iyo? Dahil inaalam ng Diyos ang pinakatatagong pagkatao ng mga tao. Nakikita Niya, nang malinaw na malinaw, ang lahat ng mga pakana at panloloko na mayroon sila, at alam Niyang walang puwang sa puso nila ang Diyos, na hindi Niya sila kaisang-puso. Ano ang mga pangunahing bagay na naglalayo sa puso nila sa Diyos? Ang kanilang mga saloobin, kanilang mga interes at pagmamalaki, at ang sarili nilang mumunting pakana. Kapag may mga bagay sa puso ng mga tao na naglalayo sa kanila sa Diyos, at lagi silang abala sa mga bagay na ito, laging nagpapakana, problema ito. Kung mahina ang iyong kakayahan at kulang na kulang ka sa karanasan, subalit handang hangarin ang katotohanan, at laging kaisa sa puso ng Diyos, kung kaya mong ibigay ang lahat-lahat para sa ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos, nang walang halong mga panlalansi, makikita ito ng Diyos. Kung laging nahaharangan ang Diyos sa puso mo, kung lagi kang nagkikimkim ng mga walang kabuluhang pakana, laging nabubuhay para sa sariling interes at dangal, laging kinakalkula ang mga bagay na ito sa iyong puso, at napaghaharian ng mga ito, kung gayon ay hindi malulugod ang Diyos sa iyo, at hindi ka Niya bibigyan ng kaliwanagan, tatanglawan, o kikilalanin, at lalong magdidilim ang puso mo, na nangangahulugang kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin o ginagawa mo ang anumang bagay, magugulo mo ito, at mawawalan lang ito ng kabuluhan. Iyon ay dahil napakamakasarili mo at ubod ka ng sama, at lagi kang nagpapakana para sa sarili mong kapakanan, at hindi ka matapat sa Diyos, ito ay dahil nangangahas kang maging tuso at sinusubukan mong linlangin ang Diyos, at hindi lamang sa hindi mo tinatanggap ang katotohanan, kundi nandaraya ka pa sa pagtupad ng iyong tungkulin—na hindi tunay na paggugol para sa Diyos. Kapag hindi mo isinasapuso ang pagganap sa iyong tungkulin, at nagpapanggap ka lang na nagsisikap, ginagamit ito bilang oportunidad para makakuha ng mas maraming pakinabang, para magkaroon ng katayuan at reputasyon para sa iyong sarili sa hindi matapat na paraan, at kung hindi ka tumatanggap at sumusunod kapag ikaw ay tinatabasan at iwinawasto, malamang talagang malabag mo ang disposisyon ng Diyos. Tinitingnan ng Diyos ang kaibuturan ng isang tao: Kung hindi ka magsisisi, mapapahamak ka, at malamang na palalayasin ka ng Diyos, kung magkagayon ay hindi ka na muling magkakaroon ng pagkakataong matanggap ang pagsang-ayon ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakamahalaga sa Pananalig sa Diyos ay ang Pagsasagawa ng Katotohanan). Ibinunyag ng mga salita ng Diyos ang tunay kong kalagayan. Sa aking tungkulin, naging mapagkalkula ako sa Diyos, ganap na nagpapakana para sa mga sarili kong interes. Masayang-masaya akong gawin ang anumang bagay na makikinabang ako, pero kung hindi, wala akong pakialam dito. Talagang nakatutok ako sa mga bagong mananampalataya na ako ang responsable sa pagdidilig, takot na hihinto sila kapag hindi ko sila nadiligan nang maayos, pero hindi ko binigyang-pansin ‘yong mga ‘di ko responsibilidad. Akala ko, dahil naipasa na sila sa ibang mga sister, kung hindi man sila madidiligan nang maayos at magkakaroon ng mga problema, wala na akong kinalaman do’n, kaya hindi ko kailangang managot para dito, at hindi maaapektuhan ang mga interes ko. Kaya no’ng lumapit sa akin ang mga bagong mananampalatayang iyon para talakayin ang kanilang mga problema, at nakita kong wala sila sa saklaw ko, ayokong magbahagi sa kanila. ‘Pag binibigyan ko naman sila ng kaunting tulong, iniraraos ko lang ito. Nakita ng lider na hindi sila regular na dumadalo sa mga pagtitipon at hiniling sa akin na suportahan sila, pero naghanap ako ng mga dahilan para hindi gawin ito. Hindi ko iniisip kung paano diligan nang maayos ang mga baguhan para magkaroon sila ng pundasyon sa tunay na daan sa lalong madaling panahon. Ang iniisip ko lang ay ang mga sarili kong interes, hindi man lang isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Napakamakasarili at napakasama ko! Malinaw akong nagtakda ng mga hangganan sa mga trabaho namin, sa aming mga responsibilidad. Akala ko, talagang makatwiran lang na isawalang-bahala ko ang anumang hindi kasama sa mga responsibilidad ko, at walang kinalaman sa akin ang anumang mga isyu. Para lang akong isang hindi mananampalataya na nagtatrabaho para sa isang amo, na parang binabayaran ako batay sa trabahong ginawa ko. Mga sariling interes ko lang ang inisip ko at ayaw kong gumawa ng higit pa. Hindi ako handang magbigay ni kaunting dagdag na pagsusumikap. Paano ‘yon naging paggawa ng tungkulin ko? Isa lang akong taga-serbisyo. Talagang kasuklam-suklam para sa Diyos ang pag-uugali kong ‘yon. Ang ilang baguhan ay hindi makahanap ng grupo ng pagtitipon at mukhang labis na nababalisa, tulad ng mga batang naligaw ng landas. Nilapitan nila ako, at tinulungan ko dapat sila na makahanap ng grupong masasalihan, at nagbahagi sa kanila tungkol sa kanilang mga isyu. Sa halip, makasarili akong naging abala sa mga sarili kong gampanin at binalewala lang sila, kaya hindi dumalo ang mga baguhang ‘yon sa mga pagtitipon. Dahil sa isiping ito, napuno ako ng panghihinayang at paninisi sa sarili, at pakiramdam ko, wala akong pagkatao. Ang mapungusan at maiwasto at ang mapahinto ang tungkulin ko ay pagiging matuwid ng Diyos.

Kalaunan, nakapanood ako ng isang video ng patotoo na nagbanggit ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na maunawaan ang sarili ko. “Ang mga anticristo ay walang konsensya, katinuan, o pagkatao. Hindi lamang sila walang anumang kahihiyan, kundi may isa pa rin silang tanda: Hindi pangkaraniwan ang kanilang pagkamakasarili at kasamaan. Ang literal na kahulugan ng kanilang ‘pagkamakasarili at kasamaan’ ay hindi mahirap maunawaan: Bulag sila sa anumang bagay maliban sa sarili nilang mga interes. Nakatuon ang kanilang buong atensyon sa anumang bagay na may kinalaman sa sarili nilang mga interes, at magdudusa sila para dito, magsasakripisyo, itututok ang kanilang sarili para dito, ilalaan ang kanilang sarili para dito. Magbubulag-bulagan naman sila at hindi papansinin ang anumang walang kinalaman sa kanilang sariling mga interes; magagawa ng iba ang anumang gusto nila—wala silang pakialam kung lumilikha man ang sinuman ng pagkakawatak-watak o nanggugulo, at para sa kanila, wala itong kinalaman sa kanila. Basta sarili lamang nila ang kanilang iniintindi. Subalit mas tumpak na sabihin na ang ganitong uri ng tao ay ubod ng sama, marumi, kasumpa-sumpa; inilalarawan natin sila bilang ‘makasarili at ubod ng sama.’ … Kahit ano pa ang suungin nilang gawain, hindi kailanman iniisip ng uri ng tao na isang anticristo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang isinasaalang-alang lamang nila ay kung maaapektuhan ba ang kanilang sariling mga interes, ang iniisip lamang nila ay ang medyo magaan na gawaing nasa harapan nila na napapakinabangan nila. Para sa kanila, ang pangunahing gawain ng iglesia ay isang bagay lamang na ginagawa nila sa libre nilang oras. Hinding-hindi talaga nila ito sineseryoso. Wala silang gana sa kanilang pagsisikap, ginagawa lamang ang gusto nilang gawin, at ginagawa lamang ang gawain na mapanatili ang sarili nilang posisyon at kapangyarihan. Sa paningin nila, ang anumang gawaing isinaayos ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos ay hindi mahalaga. Anuman ang mga paghihirap ng ibang mga tao sa kanilang gawain, anuman ang mga isyung matuklasan at maiulat sa kanila, gaano man katapat ang kanilang mga salita, walang pakialam ang mga anticristo, hindi nila isinasangkot ang kanilang sarili, na para bang wala itong kinalaman sa kanila. Lubos silang walang malasakit sa mga nagaganap sa iglesia, gaano man kahalaga ang mga kaganapang ito. Kahit pa nga nasa harapan na nila mismo ang problema, hinaharap lang nila ito nang pabasta-basta. Kapag tuwiran lamang silang iwinasto ng Itaas at inutusang ayusin ang isang problema ay saka lamang sila padabog at totohanang magtatrabaho nang kaunti at magpapakita ng resulta sa Itaas; pagkatapos na pagkatapos nito, magpapatuloy sila sa sarili nilang gawain. Wala silang interes at walang pakialam patungkol sa gawain ng iglesia, patungkol sa mahahalagang bagay na may mas malalawak na konteksto. Binabalewala pa nga nila ang mga problemang natutuklasan nila, at nagbibigay sila ng mga walang ganang sagot o ginagamit ang kanilang mga salita upang balewalain ka kapag tinatanong sila tungkol sa mga problema, hinaharap lamang ang mga ito nang may labis na pag-aatubili. Pagpapamalas ito ng pagiging makasarili at masama, hindi ba?(Ang Salita, Vol. III. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Ekskorsus: Pagbubuod sa Katangian ng mga Anticristo at sa Diwa ng Kanilang Disposisyon (Unang Bahagi)). Direktang tumagos sa puso ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos. Kumikilos ako tulad ng isang anticristo, napakamakasarili at ubod ng sama, iniisip lang ang mga sarili kong interes sa lahat ng ginagawa ko. Kapag ang isang baguhan ay hindi pumupunta sa mga pagtitipon, kung nakakaapekto ito sa sarili kong mga resulta, anumang halaga ang kailangan kong bayaran, gaano man ako kailangang magsikap, masaya akong diligan at suportahan siya, at hinding-hindi ako napapagod. Pero nang makita ko na ang mga bagong mananampalatayang responsibilidad ng ibang mga sister ay hindi nakahanap ng grupo ng pagtitipon, pwede ko sana ‘yung malutas sa kaunting pagtulong, pero hindi ko ginawa. Napagtanto kong lubos akong nagawang tiwali ni Satanas, at “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Inaasikaso ng bawat tao ang kanilang sarili; wala silang pakialam sa katabi,” at “Huwag tumulong kung walang kapalit,” ay mga satanikong lason na isinasabuhay ko. Makasarili ako, ubod ng sama, at talagang mapagkalkula. Katatanggap pa lang ng mga bagong mananampalatayang ‘yon sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at nahaharap sa lahat ng uri ng tukso. Wala silang kahit sino na susuporta sa kanila at walang mga pagtitipon na madadaluhan. Pwede silang malinlang ni Satanas anumang oras. Kaya, ang maayos na pagdidilig sa mga baguhan ay isang mahalagang gawain para sa sambahayan ng Diyos. Hindi madali sa kahit sino na lumapit sa harap ng Diyos. Hindi natin alam kung gaano gumugugol ang Diyos para lang iligtas ang isang tao. Ang isang taong may konsensya at pagkatao ay nag-aalala kapag nakikita niyang hindi dumadalo sa mga pagtitipon ang mga baguhan. Iniisip niya kung paano suportahan ang mga ito kasama ang iba, nang may iisang puso at isipan, para maunawaan nila ang katotohanan at magkaroon ng pundasyon sa tunay na daan sa lalong madaling panahon. Pero inuna ko ang sarili kong mga interes higit sa lahat, at wala akong pakialam kung hindi normal na dumadalo ang mga baguhan sa mga pagtitipon. Hindi ako handang magbigay ni katiting na oras para tulungan sila. Paano ako nagpapakita ng anumang pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos? Pinuna ako pero hindi ko pa rin kilala ang sarili ko, at walang pakundangang iniwasan ang mga responsibilidad ko. Tapos, napagtanto ko na wala akong konsensya, talagang manhid ako at walang puso. Akala ko naging marunong ako sa pamamagitan ng pamamahala lang ng sarili kong saklaw ng responsibilidad, at paniniguro sa sarili kong mga resulta, at na hindi ako matatanggal. Sobrang katawa-tawa ako. Tinitingnan ng Diyos ang mga layunin ng isang tao sa kanyang mga kilos, kung tunay niyang ginugugol ang kanyang sarili para sa Diyos, kung itinataguyod niya ang gawain ng iglesia at iniisip ang kalooban ng Diyos, hindi lang tinitingnan ang mga panlabas na resulta niya. Kung palagi mong itataguyod ang mga personal mong interes sa iyong tungkulin, kahit na kaya mong magdusa at magbayad ng halaga, kung hindi mababago ang tiwali mong disposisyon, ibubunyag at palalayasin ka ng Diyos sa huli. Hindi ko naunawaan ang kalooban ng Diyos o ang disposisyon ng Diyos. Para protektahan ang sarili ko, nanlinlang ako, at inisip lang ang sarili kong gawain, hinahadlangan at ipinapahamak ang mga bagong mananampalatayang ito. Ang maliliit kong pagkalkula at masasamang layunin ay hindi makakatakas sa pagsisiyasat ng Diyos. Sa huli, hindi ko naprotektahan ang sarili ko, kundi nalantad at natanggal ako. Naranasan ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos—natatamo ang mga kinahinatnan ng ginawa ko. Napuno ako ng pagsisisi, at kinamuhian ko ang sarili ko sa pagiging sobrang makasarili. Nagdasal ako sa Diyos, “Makapangyarihang Diyos, mga personal na interes ko lang ang iniisip ko sa mga kilos ko, na naging dahilan para hindi dumalo ang mga bagong mananampalataya sa mga pagtitipon. Talagang wala akong anumang pagkatao at karapat-dapat akong parusahan. Ang matanggal ay ang pagiging matuwid Mo at higit pa ro’n, ito’y pagmamahal Mo. Gusto kong magsisi sa Iyo, at suportahan at tulungan ang mga bagong mananampalatayang ito para makapamuhay sila ng isang buhay-iglesia sa lalong madaling panahon.”

Pagkatapos nun, nakipagtulungan ako sa dalawang sister para suportahan ang mga baguhan na hindi dumadalo sa mga pagtitipon. Nalaman namin na ang ilang bagong mananampalataya ay may mga suliranin sa kanilang buhay, at tinulungan namin sila sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga salita ng Diyos. Nagsimulang bumuti ang kalagayan nila at gustong makilahok sa buhay-iglesia. Sa tulong at suporta ng pagbabahaginan, gusto na ulit dumalo ng ibang baguhan sa mga pagtitipon. Talagang natuwa ako. Sinabi ko rin sa mga sister na katrabaho ko na sa tuwing may isang bagong mananampalataya na hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon o ‘di nakikipag-ugnayan, dapat nilang sabihin agad ito sa akin para madiligan at masuportahan ko siya. Ang pagsasagawa nito ay nagdulot sa akin ng higit na kapayapaan. Makalipas ang ilang araw, sinabi ng lider na pwede ko na ulit pangasiwaan ang pagdidilig ng mga bagong mananampalataya. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko nang marinig ko ang balita. Sobra akong naging iresponsable sa mga kapatid, napakamakasarili, pero binigyan ako ng iglesia ng isa pang pagkakataon na tanggapin ang tungkuling ito. Taos-puso akong nagpasalamat sa Diyos para sa Kanyang awa!

Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos kalaunan: “Kapag may natutuklasan kang problema, tingnan mo muna kung malulutas mo ba ito nang mag-isa. Kung kaya mo, asikasuhin mo ito hanggang sa matapos. Tapusin mo ito; tuparin mong mabuti ang iyong responsibilidad, nang sa gayon ay maiulat mo ito sa harap ng Diyos. Ganito ang pagganap sa tungkulin ng isang tao, kumilos at umasal nang matino. Kung hindi mo kayang lutasin ang problema, iulat mo ito sa lider at alamin kung sino ang akma para sa trabaho. Dapat mo munang tuparin ang sarili mong responsibilidad. Sa paggawa nito, mapapanatili mo ang iyong tungkulin at makakapuwesto ka sa tamang lugar. Kung, matapos may makitang problema, hindi mo ito malutas pero iniulat mo ito sa isang lider, natupad mo na ang una mong responsibilidad. Kung pakiramdam mo, ang bagay na ito ay isang tungkuling dapat mong gampanan at na kaya mo naman itong gawin, dapat humingi ka ng tulong sa iyong mga kapatid. Simulan mo sa pagbabahagi tungkol sa mga prinsipyo at sa pagtukoy ng solusyon nito, pagkatapos ay maayos na makipagtulungan sa kanila para matapos ang bagay na ito. Ito ang pangalawa mong responsibilidad. Kung magagawa mo pareho ang mga responsibilidad na ito, katanggap-tanggap kang nilalang, at magagawa mong mabuti ang iyong tungkulin. Ang dalawang bagay lang na ito ang talagang tungkulin ng tao. Kung makakaya mong gawin ang lahat ng nakikita mo at kaya mong harapin, at magagawa mong mabuti ang iyong tungkulin, magiging naaayon ka sa kalooban ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Aytem: Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Sa sambahayan ng Diyos, bagamat ang bawat isa ay may iba’t ibang tungkulin at ang ating mga responsibilidad ay nahahati, may magkakaibang trabaho, pero iisang pamilya tayo. Maaaring wala sa saklaw ng mga responsibilidad mo ang isang bagay, pero kapag nakakita ka ng problema, gawin mo kung anong dapat mong gawin. Isipin mo kung paano makikipagtulungan sa mga kapatid para hindi maapektuhan ang gawain ng iglesia. Kung hindi mo malutas ang isang bagay nang mag-isa, makipagtulungan ka sa ibang mga kapatid o sabihin mo ito sa isang lider para maitaguyod ang gawain ng iglesia at magawa ang iyong tungkulin. Kung nakakita ka ng isyu pero wala ka lang ginawa, binabalewala ito, isa ka lang empleyado, isang taga-serbisyo, hindi isang miyembro ng pamilya ng Diyos. Nang mapagtanto ko ‘yon, umusal ako ng isang dasal sa Diyos sa puso ko, handang matatag na gawin ang tungkulin ko nang naaayon sa mga hinihingi ng Diyos.

Naaalala ko minsan, may isang bagong mananampalataya na maayos na dumadalo sa mga pagtitipon dati, tapos ay tumigil sa pagpunta—hindi namin alam kung bakit. Hindi talaga namin siya makontak. Tapos isang gabi, bigla na lang niya akong pinadalhan ng isang mensahe, tinatanong kung kumusta ako. Iniisip ko, napakahirap niyang makontak, kailangan kong samantalahin ang pagkakataong ito para makausap siya nang maayos, tingnan kung nagkaroon siya ng anumang problema. Pero naisip ko na abala ako sa paghahanda ng nilalaman para sa isang pagtitipon at limitado ang oras ko. Kung gugugulin ko ang oras ko sa pagsuporta sa kanya, pwedeng makaantala ito sa sarili kong gawain. Naisip kong kumuha ng ibang tao para kumausap sa kanya, at kung sabagay, hindi naman ako ang responsable sa kanya. Tapos, mapapayapa ang isip ko na gawin ang kailangan kong gawin. Sa isiping ito, napagtanto ko, na nagiging makasarili at iresponsable na naman ako sa pag-iwas nang ganoon. Nagsikap ang sister na ito na makipag-ugnayan sa akin, kaya dapat kong gamitin ang pagkakataong ito para tulungan at suportahan siya. Kaya, nag-video call ako sa kanya. Sa aming pag-uusap, nalaman ko na hindi sang-ayon ang asawa niya sa kanyang pagdalo sa mga pagtitipon. Napipigilan siya at naapektuhan ang kanyang kalagayan, kaya tumigil siya sa pagpunta sa mga pagtitipon. Nakahanap ako ng ilang salita ng Diyos para ipadala sa kanya na tumutugon sa kanyang kalagayan at nagbahagi ako sa kanya tungkol sa kalooban ng Diyos. Hinikayat ko rin siyang sumandal sa Diyos para malagpasan ang sitwasyong ‘yon. Napangiti siya sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at nagpahayag siya ng tiwala na malalampasan niya ito. Sinabi rin niya na ang mga salitang iyon ng Diyos ang talagang kailangan niya at sa huli’y nagpahayag siya ng pagnanais na muling sumama sa mga pagtitipon. Nang sinabi niya ‘yon, natuwa ako pero nakaramdam din ako ng paninisi sa sarili. Ito ay dahil isinaalang-alang ko lang ang mga sarili kong interes. Muntik ko nang maiwasan ang responsibilidad ko at mabalewala siya. Ang kasiyahan ay dahil ginawa ko lang ang pinakamaliit na dapat kong gawin, ibinabahagi ang mga salita ng Diyos sa kanya. Ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa sister na ‘yon ng tiwala, binibigyan siya ng isang landas ng pagsasagawa para makalaya mula sa paghihigpit ng kanyang asawa. Sa wakas ay naisagawa ko na ang katotohanan—nakaramdam ako ng kapayapaan sa loob ko. Nagkaroon ako ng mas magandang saloobin kapag nahaharap ako sa mga katulad na sitwasyon pagkatapos nun. Tumigil ako sa pagkakalkula ng mga sarili kong pakinabang at kawalan, at ibinigay ang lahat ng makakaya ko rito hangga’t magagawa ko. Ang maiwasto ay isang magandang pagkakataon para sa atin na makapasok sa buhay. Dahil sa pagdanas ng pagwawasto at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, medyo nakilala ko ang sarili ko at nagsimula akong isakatuparan ang mga responsibilidad ko. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Naalis Na ang Imperyoridad Ko

Ni Ding Xin, Tsina Isinilang ako sa isang ordinaryong pamilyang magsasaka. Dahil mahiyain ako at hindi mahilig magsalita, mula pagkabata,...