Isang Sugat na Hindi Gumagaling

Pebrero 5, 2022

Ni Li Zhen, Tsina

Alas-singko noon nang umaga noong Nobyembre ng 2018 bigla akong nakarinig ng malakas na pagkatok sa pinto. Nang buksan ang pinto ng host ko na si Sister Zhang, narinig ko mula sa kuwarto ko na may isang taong nagsasabi na taga-National Security Brigade daw sila at nando’n sila para halughugin ang bahay. Takot na takot ako nung panahong ’yon dahil may listahan ako ng mga miyembro ng iglesia sa loob ng bag ko pati na ang mga numero ng ilan sa mga kapatid. Pag nakita ’yon ng mga pulis, magkakaro’n ng problema. Kaya nagmamadali kong sinunggaban ang bag ko at tatakas na mula sa bintana, pero tumama sa frame ng bintana ang paa ko, at narinig ’yon ng ilang opisyal at pasugod silang pumasok. Sinunggaban nila ako sa braso, kinaladkad ako pababa mula sa bintana at dinala ako sa salas. Isang opisyal ang mahigpit na sumunggab sa kaliwa kong braso at pinilipit ito patalikod, na nagdulot ng matinding sakit na nagpasigaw sa’kin. Pero hindi siya tumigil at itinuloy ang paghila sa braso ko paitaas. Pinilipit niya ito nang napakalakas na nabali ang dugtungan ng palasingsingan ko at tumagos sa balata ng buto, na nagdulot ng saganang pagdurugo. Sa sobrang sakit no’n, hindi ako nangahas na gumalaw.

Tapos, lima o anim na opisyal pa ang dumating, dalawa sa kanila ay mga pulis na SWAT na armado ng submachine guns. Sinimulang halughugin ng ibang opisyal ang bahay. Medyo kinakabahan ako nang makita ko ang uri ng lakas-tao na pinadala nila at hindi ko alam kung ano’ng gagawin nila sa’kin. Kaya pinagpatuloy ko lang ang pagdarasal sa Diyos, hinihiling na protektahan niya ang puso ko at bigyan ako ng pananalig. Dumudugo pa rin ang kaliwa kong palasingsingan, kaya mahigpit ko ’tong pinisil gamit ang kanang kamay ko, hindi nangangahas na bitawan ’to. Kung binitawan ko ’to kahit kaunti lang, magsisimula na namang dumaloy yung dugo. Namanhid yung daliri sa sobrang diin ng pagpisil ko. Kinaladkad kami ni Sister Zhang ng mga pulis sa magkahiwalay na sasakyan at pagkatapos ay dinala kami sa municipal processing center. Hiniling ko na dalhin ako sa ospital para ipabalot ang daliri ko, pero hindi lang ako pinansin ng mga pulis. Nang hiniling ko uli ’yon sa kanila, doon lang nila ako dinala sa ospital sa wakas. Sa umaga ng ikalawang araw, dinala ako sa isang hotel ng isang opisyal at pinilit akong sabihin sa kanila kung isa akong lider ng iglesia. Nang wala akong sinabing anuman, galit niyang sinabi: “Tama na’ng pagpapanggap. Ipinaalam na sa’min ng ibang tao na isa kang lider.” Sinunggaban niya ang buhok ko at dalawang beses akong sinampal habang nagsasalita siya, at pagkatapos ay sinuntok ako nang malakas sa mukha at sinipa ako sa binti. Sa lakas ng ppananakit niya sa’kin, nahilo ako at nakakita ng mga bituin. Sobrang sakit ng binti ko kaya ’di ako nangahas na igalaw ’to. Naisip ko sa sarili ko: “Kakadala pa lang nila sa’kin dito, pero ganito na sila kalupit sa’kin, sino’ng nakakaalam kung ano pang ibang pagpapahirap ang meron sila. Hindi na ’ko bata, kung lulumpuhin nila ’ko, magiging pabigat ako sa pamilya ko. Pa’no ako patuloy na mabubuhay matapos ’yon?” Talagang nangilabot ako. Pagkatapos, naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabi: “Ang pananampalataya ay parang isang trosong tulay: Yaong mga nakakapit nang mahigpit sa buhay ay mahihirapang tumawid dito, ngunit yaong mga handang isakripisyo ang kanilang sarili ay makakatawid, nang hindi nahuhulog at walang pangamba. Kung ang tao ay nagkikimkim ng mga mahiyain at matatakuting saloobin, iyon ay dahil naloko siya ni Satanas, natatakot na tatawirin natin ang tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na matanto na ginagamit ni Satanas ang paghihirap at sakit ng laman para itanggi at ipagkanulo natin ang Diyos. Kung ang laman at mga pag-asa sa hinaharap ko lang ang isinasaalang-alang ko, nahulog na ’ko sa bitag ni Satanas. Nasa kamay ng Diyos kung malulumpo man ako o hindi. Gaano man kahirap ang dapat kong danasin, kailangan kong tumayong saksi para sa Diyos at hiyain si Satanas.

Kalaunan, isa pang opisyal ang pumasok at nagtanong sa’kin: “Sino ang lider mo? Sino ang mga kasama mong magtipun-tipon? Magsasalita ka ba o hindi? Kung hindi ka magsasalita, makukuha mo ang hinahanap mo!” Nang wala akong sinabing anuman, apat na beses niya akong sinampal sa mukha. Nahilo ako at umikot ang paningin at namanhid ang mukha ko. Tapos isa pang opisyal ang pumasok at kinaladkad ako nilang dalawa gamit ang mga braso ko at tinulak ako gamit ang balikat ko, dahilan para mapaupo ako sa sahig. Isa pang opisyal ang kumaladkad sa’kin gamit ang mga binti ko at dinaganan ito. Hindi ko alam kung ano’ng binabalak nila, kaya nagpumiglas ako gamit ang lahat ng lakas ko. Nang hindi nila ’ko madaganan, tumawag sila ng isang matabang opisyal. Dalawa sa mga opisyal ang kumaladkad ng mga braso ko habang yung dalawa pang opisyal ang humila sa mga binti ko palabas, pinilit nila ’tong paglayuin hanggang sa makakaya nila. Matigas na ang mga binti ko, imposibleng makapag-split pa ako sa edad ko. Tinapakan pa nga nila ang mga binti ko para hindi ko ’to maitiklop papasok. Nakaramdam ako ng matinding sakit, na para bang bumuka ang mga binti ko at pinagpawisan ako nang malamig. Gusto kong ipahinga sa lupa ang mga kamay ko para mabawasan nang kaunti ang pressure, pero biglang pinilipit sa likod ko ng isang opisyal ang mga braso ko at pinosasan ako. Isa pang opisyal ang kumaladkad sa’kin sa harap ng TV stand habang nakatalikod ako sa stand. Labis ang sakit na naramdaman ko at nung paulit-ulit lang akong nagpumiglas at sumigaw saka lang nila ’ko binitawan. Habang nilalabanan ko ang nararamdamang sakit, dahan-dahan kong nappagdikit ang mga binti ko. Isang opisyal ang marahas na nagbanta sa’kin, sinasabing: “Bibilang ako nang hanggang dalawampu, pag ’di ka nagsalita, pipilitin ka uli naming mag-split!” Nang hindi ako nagsalita ng anuman, nagsimula siyang magbilang. Takot na takot ako. Hindi ko na kayang tiisin ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na kakayanin ang pagbabanat nila nang gano’n sa mga binti ko. Kaya patuloy akong nanalangin sa Diyos, hinihiling na bigyan Niya ako ng pananalig at lakas para matagalan ko ang pagpapahirap ng mga opisyal. Nang matapos ang pagbibilang at hindi pa rin ako nagsalita ng anuman, sinimulan nilang hilahin ang mga binti ko nang palabas uli sa gilid. Napakasakit no’n kaya nagsisisipa ako at nagpupumiglas laban sa kanila. Nagpatuloy ito sa loob ng pito o walong minuto hanggang sa napagod sila sa wakas. Pakiramdam ko bibigay na ang mga binti ko at pakiramdam ko nabali ang likod ko—hindi ako nangahas na gumalaw. Sa sobrang sakit na dinadanas ko, hindi ako nangahas na gumawa ng tunog at umagos sa mukha ko ang malamig na pawis. Sa sobrang sakit ng mga binti ko, hindi ako makaupo, kaya naisip kong subukang mahiga para mabawasan nang konti ang sakit, pero nang makita ako ng opisyal, sinunggaban niya ako at ayaw niya akong pahigain. Sinabihan niya rin ang isa pang opisyal na dalhin ako sa likod ng pinto at bumulyaw ng: “Bibilang ako ng hanggang dalawampu, pag hindi ka nagsalita, tuloy ang pagpapahirap!” At ’yon na nga, nagsimula siyang magbilang. Nang marinig ko siyang magsimula, nagsimula akong mataranta at inisip ko: “Bagalan mo lang, bagalan mo lang ang pagbilang.” Natatakot akong hindi ko na matatagalan ang dagdag pang pagpapahirap, kaya nagmamadali akong nanalangin sa Diyos: “Diyos ko, natatakot akong hindi ko na matagalan ang pagpapahirap at maipagkakanulo nila. Bigyan Mo ako ng lakas.” Nang hindi pa rin ako nagsalita, sinimulan na naman nilang hilahin ang mga binti ko nang pabukaka at pinauupo ako nang nakasandal sa dingding. Hindi ko ’yon magawa nang nakaposas, kaya tinanggal nila ang posas ko. Kusa kong idiniin ang mga kamay ko sa sahig at kumiling paabante ang katawan ko. Nabawasan ko nang kaunti ang sakit sa gano’ng paraan. Pero galit na iniangat ng isang pulis ang mga braso ko habang sabay na malakas na dinidiinan ang likod ko. Naramdaman ko agad na para bang mababali ang likod ko. Napahiyaw ako dahil sa sobrang sakit. Tuyung-tuyo ang lalamunan ko na halos hindi na ’ko makasigaw at akala ko hihimatayin ako dahil sa sakit. Tumigil lang sila sa wakas nang napagod na rin sila mismo. Habang paalis sila, sinabi ng isa sa mga opisyal: “Sa susunod, ilagay niyo ang binti niya sa magkatabing kama at saka niyo siya pag-split-in sa pagitan no’n. Tingnan natin kung magsalita na siya!” Nang marinig kong sabihin niya ’yon, nanginig ako sa takot. Sobrang sakit na ng dinanas ko sa huling round ng pagpapahirap. Kung ipagpapatuloy nila ’yon, baka buhay ko na ang nakataya. Ayokong mamatay nang gano’n sa mga kamay nila. Pagkatapos, nagkaro’n ako ng ideya. Baka puwedeng ilang hindi naman mahalagang detalye ang sabihin ko sa kanila. Sa gano’ng paraan, hindi nila ako gaanong pahihirapan hanggang mamatay. Pagkatapos, naisip ko ang mga salita ng Panginoong Jesus na nagsasabing: “Sapagka’t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon(Mateo 16:25). “Huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa’t hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo’y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno(Mateo 10:28). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na mapagtanto na nasa mga kamay ng Diyos ang buhay ko. Kung ililigtas ko ang sarili kong buhay at ipagkakanulo ang Diyos gaya ni Hudas, kahit pa maligtas ang laman ko mula sa kaunting paghihirap, sa huli, isusumpa at parurusahan ako ng Diyos gaya ni Hudas. Naisip ko rin kung pa’nong nang saktan ni Satanas si Job at napuno ng mga pigsa ang buong katawan niya, na nagdulot sa kanya ng matinding sakit, sinumpa niya ang sarili niya sa halip na sisihin ang Diyos, tumayong saksi para sa Diyos sa harap ni Satanas at sa huli, lubusang hiniya ’yon. Dapat kong tularan si Job. Kahit pa mangahulugan ’yon ng kamatayan ko, dapat akong tumayong saksi para sa Diyos at ipahiya si Satanas. Sa pag-iisip ng lahat ng ito, nakaramdam ako ng binagong pananalig at lakas. Gaano man ako pahirapan ng mga pulis, hindi ako kailanman magiging isang Hudas at ipagkakanulo ang Diyos!

Mga bandang ikalawa ng hapon, dumating na naman ang mga pulis. Pumasok ang isa sa mga opisyal at agad na sinabing: “Magsasalita ka na ba ngayon? Pag hindi ka nagsalita, itutuloy namin ang pagpapahirap sa’yo!” Nagsimulang kumabog nang napakalakas ang puso ko. Kabadong-kabado ako at takot. Tumawag ako nang tumawag sa Diyos. Nang hindi ako nagsalita, dinala nila ako sa likod ng pinto at itinuloy ang ppaghila sa mga binti ko nang pabukaka. Napakasakit no’n at nagsimula na naman akong pagpawisan nang malamig. Galit akong sumigaw: “Bakit ba ganito kayo kalupit!?” Nananakot na ngumiti ang isa sa mga opisyal at sinabing: “Malupit kami? Ikaw ang ayaw magsalita! Gagawin ka naming gymnast sa pagkakataong ito. Pag-uwi mo, puwede ka nang maging isang trainer!” Dahil do’n, ginugol nila ang buong hapon para para pag-split-in ako nang dalawang round. Sobrang sakit no’n kaya patuloy akong nagpumiglas at sumigaw, kaya pinasakan ng sandal ang bibig ko ng isang opisyal. Hindi ko matiis ang sakit at patuloy akong nagpagewang-gewang para makakuha ng kaunting ginhawa. Nang parang aabot na ’ko sa sukdulan saka lang nila ako tinigilan sa wakas. Bumagsak ako sa lupa at nananakot na ngumisi ang isa sa mga opisyal at nagsabing: “Mukhang natuto ka na ring mag-split sa wakas.” Galit na galit ako habang tinitingnan ang panget na mukha nilang lahat. Isa silang grupo ng mga demonyo na papatay nang walang patumangga. Nang wala akong sinasabi sa kanilang anuman, galit na sinabi ng isa sa mga opisyal: “Matigas pala ang ulo mo ha? Pag hindi ka nagsalita, iipitin namin ang mga daliri mo!” ’Di na nila hinintay ang reaksyon ko, sinunggaban nila ang mga kamay ko at saka mahigpit na inipit ang bawat kasukasuan ng daliri ko gamit ang mga lapis. Sa sobrang sakit, marahas na nagsisisipa ang mga binti ko at kinailangan itong daganan ng mga opisyal. Ginamit ko ang lahat ng natitira kong lakas, pero hindi pa rin ako makawala, kaya paulit-ulit na lang akong nagsisisigaw. Sobra-sobra ang sakit na inakala kong mababali ang mga buto sa daliri ko. Patuloy akong nagdasal sa Diyos sa puso ko, hinihiling na bigyan Niya ako ng lakas at gabayan ako para mapagtagumpayan ang pagpapahirap ng mga demonyo. Sinabi ng isa pang opisyal: “Kapag sumigaw ka pa, papasakan namin ’yang bibig mo at iipitin din namin ’yang bali mong daliri!” Tapos ay pinasakan niya uli ng isang sandal ang bibig ko. Nabali ang isa sa mga lapis bago nila maipit ang lahat ng mga daliri ko, kaya ginamit na lang nila yung baling lapis para maipagpatuloy ang pag-iipit. Nang maipit na nila ang siyam na daliri, saka lang sila huminto sa wakas. Namagang parang sausage ang mga daliri ko at nagliliyab sa sakit. Inatake ng sakit ang buong katawan ko at naging napakahina ng paghinga ko. Para akong nasasakal. Tapos narinig kong nagsalita ang isa pang opisyal na gagamitin niya sa’kin ang de-kuryenteng baton at mas lalo akong natakot: Papa’no ko matatagalan ang pangunguryente sa edad ko? Papa’no kung hindi ko ’yon kayanin at mamatay ako sa pagpapahirap? Madali akong nanalangin sa Diyos: “Diyos ko, sa tingin ko hindi ko na kakayanin pa ang ganito. Hindi ko na matatagalan ang pagpapahirap ng masasamang taong ito. Panalangin kong bigyan Mo ako ng pagpapasyang matiis ang paghihirap at handa akong tumayong saksi para sa Iyo.” Matapos manalangin, naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Kapag handang isakripisyo ng mga tao ang kanilang mga buhay, ang lahat ng bagay ay nagiging walang halaga, at walang makagagapi sa kanila. Ano ang maaaring maging higit na mahalaga kaysa buhay? Sa ganitong paraan nawawalan si Satanas ng kakayahang gumawa pa sa mga tao, walang anumang magagawa ito sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 36). Binigyan ako ng pananalig at lakas ng mga salita ng Diyos. Dapat kong isugal ang buhay ko. Mas gugustuhin ko pang mabugbog hanggang sa mamatau kaysa ipagkanulo ang Diyos. Napagtanto ko na ang pagkakimi at kaduwagan ko ay nagmula sa pagiging masyadong mapag-imbot ng aking laman at masyadong pag-aalala tungkol sa sarili kong mortalidad, at hindi ko pa naibibigay ang puso ko sa Diyos kahit kaunti. Ginagawa ng Diyos ang gawain Niya at sinusubok ang mga tao para magkamit ng kaluwalhatian sa pamamagitan ng mga ito at makuha ang puso nila. Nang kinailangan ng Diyos na tumayo akong saksi, sarili kong laman lang ang inisip ko. Hindi ako nagbigay ng kahit kaunting patotoo. Nang mapagtanto ito, nahiya ako at nakonsiyensya. Gumawa akong pagpapasiya sa harap ng Diyos: “Gaano man ako pahirapan, hindi ko ipagkakanulo ang Diyos!” Inalala ko ang lahat ng paraan na pinahirapan ako ng mga pulis noong mga araw na ’yon at buong puso kong kinamuhian ang Diyos. Natural at tama na maniwala at sumunod sa Diyos, gayun pa man, mabangis nilang pinipigilan at inuusig ang mga mananampalataya, hambog na naniniwalang kaya nilang supilin ang iglesia. Isa silang grupo ng mga demonyong namumuhi sa Diyos, lumalaban sa Diyos! Gaya ng inihahayag ng mga salita ng Diyos: “Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinututulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga panlalansing lahat para pagtakpan ang kasalanan! … Bakit naglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gumagamit ng iba’t ibang pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). Ipinapahayag ng CCP na nagtataguyod sila ng kalayaan sa relihiyon, pero ang realidad pumipigil sila, nang-aaresto at malupit na nagppapahirap ng mga mananampalataya, at wala nang ibang gusto higit pa sa mapatay silang lahat. Sino’ng nakakaalam kung gaano karami sa mga kapatid ang sumailalim sa malupit nilang pagpapahirap at gaano karami ang mga tinugis at inusig hanggang sa puntong hindi na sila ligtas sa sarili nilang mga tahanan. May ilan pa ngang pinahirapan hanggang mamatay o nalumpo. Isang grupo ng mga lumalaban sa Diyos, brutal na mga demonyo ang CCP. Kinamuhian ko ang CCP nang buong puso ko at napagtanto ko kung gaano siguro kahirap para sa Diyos na gawin ang gawain Niya sa bansa ng malaking pulang dragon. Nakita ko kung gaano kalaki ang sinakripisyo ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan at naluha ako dahil sa pagkaantig. Mas lalo ako nitong naengganyong sumunod sa Diyos hanggang sa pinakahuli.

Sa sumunod na ilang araw, nakita nilang wala pa rin silang nakukuha mula sa’kin, kaya pinatayo nila ako buong araw at pagkatapos ay ipinosas ako sa tiger chair nung gabi at hindi ako pinatulog. Nagpalitan sila sa pagbabantay sa’kin. Pagkakita nila na nakakatulog na ako, sumisigaw sila para gisingin ako. Akala ko sasabog ang ulo ko dahil sa kapaguran. Noong 8 nang unaga ng ika-9 ng Disyembre, dinala ako ng mga pulis sa pasukan ng hotel, pinaghubad ako ng sapatos ko at nakayapak na pinatayo sa isang entabladong may matigas na yelo sa ibabaw. Mga isang sentimetro ang kapal ng yelo At, hindi nagtagal, sobrang gininaw ako at nagsimulang manginig at mamanhid ang aking mga paa. Tapos nagsimula silang tanungin ako uli tungkol sa iglesia. Nang hindi ako nagsalita, kumuha ang isang opisyal ng isang sanga ng puno na kasing-kapal ng daliri at pinalo ako sa paa habang malupit na sinisigaw: “Sige lang, manahimik ka, tingnan mo ang mangyayari!” Nang napagod siya sa pagpalo huminto siya nang kaunti at pagkatapos ay nagpatuloy uli. Sobrang lamig ng panahon noong mga oras na ’yon, naninigas na ang mga talampakan ko, may matinding sakit akong nararamdaman sa talampakan at nanginginig ako sa ginaw. Higit pa sa kaya kong tiisin ang sakit at ginaw. Pakiramdam ko posibleng mawalan ako ng malay anumang sandali. Naisip ko: “Kung patuloy niya akong papaluin nang gano’n baka malumpo ang mga binti ko.” Tapos naisip ko yung kuwento ng isang brother na narinig ko noon na itinali sa isang puno ng mga pulis at iniwan sa labas buong gabi sa lamig na ten degrees below zero. Dahil sa proteksyon ng Diyos, hindi siya nagkasakit dahil sa lamig. Nanalangin ang brother at umasa sa Diyos para mapagtagumpayan ang kalupitan ng demonyo at makatayong saksi. Naisip ko, kailangan kong umasa sa Diyos. Kaya nagmadali akong nanalangin sa Diyos, hinihiling na protektahan Niya ang puso ko at tulungan akong mapagtagumpayan ang pagpapahirap ng demonyo. Pinahirapan ako ng mga opisyal sa loob ng mga 40 minuto at maraming bahagi ng sanga ang nabali habang pinangpapalo. Halos ’di matiis ang sakit ng mga paa ko at namaga na na parang mga lobo, at kalaunan ay naging ganap na manhid. Pagod na pagod ako, na para bang malapit na akong bumagsak. Noong ika-walo nang gabing ’yon, may ipinapanood sa’kin at sa mga kapatid ang mga pulis na isang reeducation video. Puno ’yon ng mga kalapastanganan at mapanirang-puring materyal tungkol sa Diyos. Galit na galit ako ro’n at nabigo. Matapos panoorin ang bidyo, ipinatalakay nila sa’min ang reaksyon namin. Sabi ko: “Tinatahak namin ang tamang landas sa buhay sa paniniwala at pagsunod namin sa Diyos. Puno ng paninirang-puri yung bidyo na pinakita niyo.” Hindi sila nasiyahan sa sagot ko, kaya pinatayo nila ako bilang parusa. Ipinahubad din nila sa’kin ang sapatos ko at pagkatapos ay sinimulang paluin ang mga paa ko gamit uli yung sanga. Dahil napalo na ’ko nang isang beses noong umagang ’yon, mas lalong masakit ang pagpalong ito. Pakiramdam ko nababali ang mga buto ng daliri ko sa paa at walang tigil ang panginginig ko dahil sa sakit. Pinalo nila ako sa loob ng kalahating oras bago ako pinabalik sa kuwarto ko at pagkatapos ay pinilit akong tumayo buong gabi. Naisip ko ang lahat ng pagpapahirap na pinagdaanan ko noong nakalipas na ilang araw at kung paanong pumintig at sumakit ang ulo ko dahil sa kawalan ng tulog. Pakiramdam ko napakahina ko sa loob, at hindi ko alam kung gaano katagal pa nila akong pahihirapan. Parang titigil lang yata sila matapos nila akong pahirapan hanggang sa mamatay. Sa gitna ng kahinaan ko at paghihirap, nanalangin ako sa Diyos: “Diyos ko, hindi ko na ’to kaya. Hinihiling ko na patnubayan Mo akong makapagpatuloy.” Matapos manalangin, isang sipi ng mga salita ng Diyos ang naisip ko. “Ang Aking gawain sa grupo ng mga tao ng mga huling araw ay isang proyektong hindi pa kailanman nangyari, at sa gayon, upang mapuno ng Aking kaluwalhatian ang kosmos, lahat ng tao ay kailangang magdusa ng huling paghihirap para sa Akin. Nauunawaan mo ba ang Aking kalooban? Ito ang huling hinihingi Ko sa tao, na ibig sabihin, umaasa Ako na lahat ng tao ay makapagpatotoo nang malakas at matunog sa Akin sa harap ng malaking pulang dragon, na maialay nila ang kanilang sarili sa Akin sa huling pagkakataon, at matupad ang Aking mga kinakailangan sa huling pagkakataon. Talaga bang magagawa ninyo ito? Hindi ninyo kinayang palugurin ang Aking puso noong araw—maaari kaya ninyong putulin ang huwarang ito sa huling pagkakataon? Binibigyan Ko ang mga tao ng pagkakataong magbulay-bulay; hinahayaan Ko silang magnilay-nilay na mabuti bago Ako sagutin sa huli—mali bang gawin ito? Hinihintay Ko ang tugon ng tao, hinihintay Ko ang kanyang ‘liham ng pagtugon’—mayroon ba kayong pananampalatayang tuparin ang Aking mga kinakailangan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 34). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, naisip ko kung pa’nong ipinako sa krus ang Panginoong Jesus para tubusin ang sangkatauhan, at ang Diyos ng mga huling araw ay nagkatawang-tao uli para iligtas ang sangkatauhan at mabangis na tinugis ng malaking pulang dragon at kinondena at siniraang-puri ng mundo ng relihiyon. Napakarami ng naging hirap ng Diyos para iligtas ang lahat ng sangkatauhan. Naisip ko kung paanong sa paniniwala ko sa Diyos nitong mga nagdaang taon, Labis akong nagtamasa ng pagdidilig at panustos ng mga salita ng Diyos, pero hindi kailanman nakapagpatotoo. Tinutulutan ng Diyos ang malaking pulang dragon na usigin ako para gawing perpekto ang pananalig ko at bigyan ako ng pagkakataon na makapagpatotoo. Dapat akong umasa sa Diyos para tumayong saksi sa harap ng malaking pulang dragon at hiyain si Satanas! Nooong gabing ’yon, nanalangin ako sa Diyos at pinagnilayan ang mga salita Niya at nabawasan ang paghihirap ko.

Dalawa o tatlong araw kalaunan, dumating na naman ang mga pulis para tanungin ako. Nang hindi ako nagsalita, sinunggaban ng dalawang opisyal ang kanan at kaliwa kong binti, tapos tinulak sa dingding ng isa sa kanila ang kaliwa kong binti gamit ang paa niya habang pinilipit ng isang opisyal ang ulo ko pakanan at malakas na tinapakan ang kanan kong binti. Matinding sakit ang naramdaman ko at pakiramdam ko hindi ako makahinga. Tapos ginamit ng isang opisyal ang paa niya para pagdikitin ang mga binti ko pagkatapos ay tinadyakan niya para paghiwalayin ’to, maraming beses na inulit-ulit ito habang sinasabi: “Tingnan natin kung gaano ka katigas. Pahihirapan kita hanggang sa mamatay!” Tapos ay ginamit niya ang paa niya para iangat ang binti ko sa may alak-alakan at pagkatapos ay binagsak ito, nang tatlong magkakasunod na beses. Tapos madiin niyang tinapakan ang hita ko, tinadyakan niya taas, baba. Salitan niyang tinapak-tapakan ang kaliwa at kanan kong binti nang higit pa sa mabibilang ko. Parang puwersahan niyang tinutuklap ang laman mula sa mga hita ko at hindi ko mapigil na sumigaw dahil sa sobrang sakit, kaya pinasakan niya ng isang sandal ang bibig ko. Sa lahat-lahat, pinilit nila ’kong mag-split nang tatlong round. Matapos ’yon, inipit nila ang mga daliri ko gamit ang dalawang pen at kinaskas ito. Paulit-ulit nila akong pinahirapan sa ganitong paraan. Ni hindi ko alam kung pa’no ilalarawan kung gaano ’yon kasama. Patuloy akong nanalangin sa Diyos, at sa isip ko, ang tanging ideya lang ay dapat akong mamatay bago maging isang Hudas. Tapos, isang himno ng mga salita ng Diyos ang naisip ko: “Sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo(“Hangaring Mahalin ang Diyos Kahit Gaano Kalaki ang Iyong Pagdurusa” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Binigyan ako ng lakas ng mga salita ng Diyos. Nagkaro’n ako ng pagkakataon na magpatotoo para sa Diyos sa harap ng malaking pulang dragon—isa itong malaking karangalan. Gaano man ako pinahirapan ng mga pulis, hangga’t may isang hininga pa akong natitira, dapat akong tumayong saksi para sa Diyos at lubusang hiyain si Satanas.

Nang bandang alas-sais nang umaga noong Disyembre 13, dinala kami ng mga pulis sa pasilyo at pinakanta sa’min ang pambansang awit. Hindi ako makalakad dahil sa sobrang maga ng mga binti ko, kaya kinaladkad ako sa pintuan ng dalawang opisyal. Pinagtawanan ako ng mga opisyal sa harap ng lahat, sinasabing: “Nagtae siya buong gabi at ngayon ni hindi siya makalakad!” Dahil sa sobrang sakit ng mga binti ko, hindi ako makatayo nang hindi inaalalayan kaya kailangan kong sumandal sa dingding. Nang bandang ika-siyam nang umaga, pinuwersa uli nila akong mag-split nang tatlong round, tapos kinaladkad nila ako sa tiger chair at ni-lock ang mga kamay ko sa loob ng mga hoop na metal. Tinuloy din nila ang pag-ipit sa mga daliri ko. Isang opisyal ang gumamit ng dalawang pares ng kahoy na chopsticks para ipitin ang kaliwa kong kamay, at nang mabalit ang chopsticks, ginamit niya na lang yung mga putol na piraso para patuloy na ipitin ang apat kong daliri. Isa pang opisyal ang gumamit ng mga pen para ipitin ang kanan kong kamay. Palagi kong isinisipa ang mga binti ko dahil sa labis na sakit na idinulot ng pang-iipit nila sa mga daliri ko, kaya itinali nila ang mga binti ko sa upuan, dahilan para hindi na ako makagalaw pa. Nagsalitan din sila sa ppagsipa sa mga binti ko. Hindi ko na matiis ang sakit. Hindi ko na talaga makaya kaya inuntog ko nang malakas ang ulo ko sa pader. Ayaw ng mga opisyal na mamatay ako sa mga kamay nila, kaya hinarangan nila ang ulo ko gamit ang mga kamay nila.

Noong hapon, pinahirapan uli nila ako sa parehung-parehong paraan. Nag-iwan ang pang-iipit ng maiitim na pasa sa ilalim ng kuko ko at puno rin ng pasa ang mga kamay ko. Manhid na manhid naman ang kaliwang hintuturo ko, pakiramdam ko parang sasabog ang ulo ko, hindi maigalaw ang mga binti ko at matinding sakit ang dinaranas ng buong katawan ko. Pero hindi pa rin sila huminto. Nang gabing ’yon kinaladkad nila ako para manood ng tinatawag na “education film,” at noong sumunod na umaga, pinagpatuloy nila ang pagpapa-split sa’kin. Pinahirapan nila ako nang ganito sa loob ng dalawa’t kalahating araw. Talagang hindi ko na matiis at naisip ko ang tungkol sa panggugutom sa sarili ko para matapos na ang paghihirap. Sa gitna ng kahinaan at paghihirap ko, nanalangin ako sa Diyos: “Diyos ko! Hindi ko na talaga kaya ang malupit na pagpapahirap ng malaking pulang dragon. Nag-aalala ako na baka maipagkanulo Kita at maging isang Hudas. Diyos ko! Patnubayan Mo ako at bigyan ng pananalig.” Matapos manalangin, isang sipi ng mga salita ng Diyos ang naisip ko. “Sa yugtong ito ng gawain ay hinihingi sa atin ang lubusang pananampalataya at pag-ibig. Maaari tayong matisod mula sa pinakamaliit na kapabayaan, dahil ang yugtong ito ng gawain ay iba mula sa lahat ng mga nakaraan: Ang pineperpekto ng Diyos ay ang pananampalataya ng sangkatauhan, na kapwa di-nakikita at di-nahahawakan. Ang ginagawa ng Diyos ay na maging pananampalataya, pag-ibig, at buhay ang mga salita. Dapat makarating ang mga tao sa isang punto kung saan sila ay nakapagtiis na ng daan-daang pagpipino at nagtataglay ng pananampalatayang mas dakila kaysa sa pananampalataya ni Job. Dapat silang magtiis ng di-kapani-paniwalang pagdurusa at ng lahat ng uri ng pagpapahirap nang hindi humihiwalay sa Diyos magpakailanman. Kapag sila ay masunurin hanggang sa kamatayan, at may dakilang pananampalataya sa Diyos, sa gayon ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay tapos na(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … 8). Habang pinagninilayan ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na Pinahintulutan ng Diyos ang malaking pulang dragon na usigin ako para gawing perpekto ang pananalig ko. Nilagay Niya rin ako sa sitwasyong ito para makapagpatotoo ako para sa Kanya at maipahiya si Satanas. Pero napakahina ng pananampalataya ko at nang maghirap ang aking laman, gusto ko na lang mamatay at tapusin na ’yon. Nakita kung naging gaano ako kahina. Kung namatay ako, nahulog lang ako sa pakana ni Satanas. Hindi ako puwedeng mamatay, kailangan kong umasa sa Diyos at tumayong saksi.

Dahil sa pagpapahirap, napuno ako ng mga pasa mula sa baywang pababa at ang mga madugong paltos sa paligid ng singit ko ay namaga na kasing-laki ng itlog ng manok. Namamaga ang mga hita ko at puno ng mga pasa, at namamanhid ang labas na bahagi ng kaliwa kong binti. Namamaga at may pasa ang parehong paa ko. Ayaw ng mga pulis na harapin ang isang kamatayan sa mga kamay nila, kaya noong sumunod na araw, tumawag sila ng doktor para magamot ako. Matapos ang mga isang linggo ng gamutan saka lang ako nangahas na tumayo at magsimulang maglakad nang dahan-dahan. Napakalala ng mga pinsala sa mga binti ko na hindi ako makatulog dahil sa sakit sa loob ng dalawampung araw. Halos hindi matiis ang paghihirap na ’yon. Napagtanto ng mga pulis na hindi na talaga maganda ang lagay ko at ayaw nila akong mamatay sa pangangalaga nila, kaya kinailangan na nila akong pakawalan sa wakas. Ang limampung araw ng pagpapahirap na ’yon ay nag-iwan sa’kin ng ilang napakalalang sintomas. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin magamit ang mga kamay ko sa mga gawaing-bahay. Kapag napagod ako sa pagmamasa ng harina o paglalaba, sumasakit ito. Sumasakit din ang buto ng mga hita ko at hindi pa rin ako makayuko o makatayo matapos yumuko. Maaaring naghirap nang kaunti ang laman ko, pero nasaksihan ko ang pagmamahal ng Diyos. Nang pinahihirapan ako at hindi na ’yon makayanan ng laman ko, ang proteksyon ng Diyos at ang patnubay ng mga salita ng Diyos ang nagbigay sa’kin ng pananalig at lakas at tumulot sa’kin na mapagtagumpayan ang pagpapahirap ng mga demonyo at makalabas nang buhay. Malinaw ko ring naintindihan ang kalupitan at kawalan ng damdamin ng CCP. ’Yon ang lumalaban sa Diyos na si Satanas, ang demonyo. Kinamuhian ko ang CCP nang buong puso ko at ginusto kong lubusang tumalikod at hayaan ’yon habang hinahanap ang katotohanan at tinutupad ang tungkulin ko para suklian ang pagmamahal ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Muling Pagharap sa Karamdaman

Ni Yang Yi, Tsina Nagsimula akong manampalataya sa Panginoong Jesus noong 1995. Matapos maging isang mananampalataya, isang sakit sa puso...

Ang Muling Pagsilang

Yang Zheng Lalawigan ng Heilongjiang Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya sa kanayunan na makaluma sa kanilang pag-iisip. Ako ay...