Ano ang Halaga ng Buhay? Pagninilay sa mga Huling Salita ng Isang Hari

Mayo 26, 2019

Ni Mo Yan

Nagkataong nakita ko ang isang istorya sa kasaysayan habang gamit ang telepono ko isang araw—talagang nakakapagbigay iyon ng inspirasyon sa akin, kaya gusto kong ibahagi ito sa iba. Ganito ang kuwento: Si Alejandro ang Dakila ay isa sa pinakamatagumpay na kumandante ng militar sa kasaysayan. Nagkasakit siya nang malubha habang naglalakbay pabalik mula sa kanyang matagumpay na kampanyang militar, at habang nag-aagaw-buhay, ibinahagi niya ang kanyang huling tatlong kahilingan sa kanyang mga heneral. Una, nais niyang dalhin ng kanyang mga manggagamot ang kanyang kabaong pabalik, at nais niyang malatagan ng ginto, pilak, at mga mamahaling bato ang kalsada patungo sa sementeryo na daraanan ng kanyang kabaong. Ang huli, nais niyang nakalabas sa kabaong ang kanyang mga kamay. Ipinaliwanag ni Alejandro na sa pamamagitan ng paggawa noon, nais niyang magbigay ng tatlong aral sa mga nabubuhay. Una, kahit gaano pa kadalubhasa ang isang manggagamot, hindi nila maliligtas ang buhay ng mga tao; hindi nila mapagpapasiyahan ang buhay at kamatayan ng mga tao. Ikalawa, walang halaga ang gugulin ang buong buhay sa paghahabol sa kayamanan; aksaya iyon ng mahalagang oras. At huli, bawa’t isa sa atin ay dumarating sa mundong ito nang walang-wala, at aalis tayong walang-wala. Wala tayong madadala maski isang bagay.

Namatay si Alejandro ang Dakila nang may malaking pagsisisi, at habang nag-aagaw-buhay ay ginamit niya ang kanyang mga personal na karanasan upang balaan ang iba: Ang gugulin ang buong buhay upang magkamit ng kayamanan ay walang silbi, dahil kahit gaano ka man kayaman, hindi nito mabibiling muli ang buhay mo, at lalong hindi nito madadagdagan ang buhay mo kahit na segundo. Nakakalungkot na hindi nabunyag sa kanya ito hanggang sa nasa bingit na siya ng kamatayan. Isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus ang sumulpot sa aking isipan: “Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?(Mateo 16:26). Totoo nga iyon. Dahil tayong mga tao, mas mahalaga ang buhay sa lahat, at kapag nawala sa’tin ang ating buhay, kahit na gaano pa karami ang salapi natin, basura lamang ang mga iyon. Wala iyong silbi. Kahit na ginamit ni Alejandro ang Dakila ang sarili niyang mga karanasan upang ibahagi ang aral na ito sa mga kasunod niya upang hindi nila gawin ang kaparehong pagkakamali na ginawa niya, hindi nito nagising ang mga tao. Karamihan ay sumusunod pa rin sa maling daang tinahak ni Alejandro—araw-araw silang abala mula umaga hanggang gabi, nagpapabalik-balik, nagtatrabaho nang husto, at ang iba ay gumagawa ng iba’t ibang mga taktika para lamang kumita nang higit pang salapi at magpakasaya sa maluhong pamumuhay. Hindi ko tuloy mapigilang isipin ang sarili kong ama ...

Mula pa noong nasa tamang edad na ako upang mapansin, ang tanging impresyon ko sa aking ama ay ang makita siya mula sa likod habang itinatapon niya ang kanyang sarili sa pagkita ng higit pang salapi, gumigising nang napakaaga at nagtatrabaho sa gabi. Isang araw ay bigla na lang siyang hinimatay dahil sa labis na kapaguran at hindi na siya nagising pa. Isang malaking trahedya sa pamilya ang kamatayan niya, at sinasabi ng lahat ng mga taong kakilala namin: “Parang maayos lang siya, pero bigla na lang siyang namatay nang ganoon! Kahit gaano pa kalaki ang kinikita niya, anong silbi noon kung patay ka na? Hindi ba’t lahat tayo ay wala ring madadala?” Sa pagkamatay ng aking ama, naiwan akong nakakaramdam ng sakit, nahihirapan, at nagsisisi para sa kanya. Iniisip siya na nagtatrabaho nang husto para maalagaan ang pamilya at makapaglagay ng pagkain sa hapag. Kung gaano siya katipid at kung paanong bihira lamang siyang magpahinga sa buong buhay niya. Ngunit sa huli ay wala pa rin siyang dala, lumilisan sa mundong ito nang napakaraming pinagsisisihan.... Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga, at mag-isip: Bakit namumuhay nang ganoon ang mga tao? Ano nga bang halaga at layunin ng buhay ng tao?

Kalaunan ay nahanap ko ang mga sagot sa mga salita ng Diyos, “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III.” Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Ginugugol ng mga tao ang kanilang mga buhay sa paghahanap ng salapi at katanyagan; mahigpit silang kumakapit sa mga dayaming ito, iniisip na ang mga ito ang tanging paraan ng suporta, na para bang kung mayroon sila nito maaari silang patuloy na mabuhay, na maaari silang malibre sa kamatayan. Subalit kung malapit na silang mamatay doon lamang nila natatanto kung gaano kalayo ang mga bagay na ito sa kanila, kung gaano sila kahina sa harap ng kamatayan, kung gaano sila kadaling mabasag, kung gaano sila kalungkot at kawalang-magawa, na walang matatakbuhan. Natatanto nila na ang buhay ay hindi nabibili ng salapi at katanyagan, na gaano man kayaman ang isang tao, gaano man kataas ang kanyang posisyon, lahat ng tao ay pantay-pantay na mahihirap at walang halaga sa harap ng kamatayan. Natatanto nila na hindi nabibili ng salapi ang buhay, na di mabubura ng katanyagan ang kamatayan, na alinman sa salapi o katanyagan ay di-makakapagpahaba ng buhay ng isang tao kahit na nang isang minuto, nang isang segundo.” “Bagaman ang iba’t ibang kasanayan para sa kaligtasan sa buhay na pinaggugugulan ng mga tao ng kanilang buhay para makabisado ay maaaring makapaghandog ng isang kasaganaan sa mga materyal na kaginhawahan, ang mga ito ay di-kailanman nakapagdadala sa puso ng isang tao ng tunay na kapayapaan at kasiyahan, sa halip ay patuloy na nagiging dahilan para mawala ng mga tao ang kanilang direksyon, mahirapang kontrolin ang kanilang mga sarili, mapalampas ang bawat pagkakataon na matutuhan ang kabuluhan ng buhay; at sila’y lumilikha ng mga problema tungkol sa kung paano ang wastong pagharap sa kamatayan. Sa ganitong paraan, nasisira ang mga buhay ng mga tao.” Binabasa ang mga salitang ito mula sa Diyos, hindi ko mapigilang isipin nang husto: Lahat talaga tayo ay nakikita ang salapi na mas mahalaga pa sa buhay mismo, at iniisip nating lahat na kung may salapi tayo, nasa atin na ang lahat. Salapi ang poste natin, ito ang salapi natin para mamuhay nang maganda, at madalas tayong abala sa pagsisikap natin na kumita ng mas marami pang salapi. Sa unang pagtatrabaho ng iba sa’tin ay sinusubukan lang nating pakainin ang ating mga pamilya, para makaraos, ngunit sa oras na marating na natin ang layuning iyon ay tumataas ang mga pamantayan natin, at nagsisimula tayong maghirap upang bumili ng bahay at kotse. Oras na makuha natin ang mga bagay na iyon, magpapatuloy tayo upang mamuhay tayo ng marangya, nang may magandang kotse at malaking bahay. Hindi tayo tumitigil para huminga—wala iyong katapusan. Ang ibang tao pa ay labis na pinapagod ang kanilang mga katawan sa paghahabol ng salapi at namamatay dahil sa labis na trabaho, sinusuko ang buhay nila mismo. Sa kabila ng lahat ng ito, bawat isa sa atin ay mabilis na tinatahak ang daan ng pagkita ng salapi, walang pakialam kahit kaunti sa mga bagay na tila walang kinalaman sa salapi o kasikatan. Paminsan-minsan ay tumitigil at nagninilay tayo sa buhay, iniisip: Bakit tayo nabubuhay? Ano ang halaga ng buhay? Talaga bang sa paghahabol lamang ng salapi natin gugugulin ang ating mga buhay? Anong klase ng buhay ba dapat mayroon ang mga tao? Gayunman, hindi tayo naglalaan ng oras upang hanapin ang mga sagot, ngunit muli ay naiipit sa masasamang kalakaran ng lipunan at patuloy na mabilis na tinatahak ang landas na iyon. Paunti-unti, nasasayang ang nalalabing buhay natin. Bawat isang tao ay ginagawa ang matagal nang trahedyang ito, at kahit na alam nating hindi natin mabibili ang buhay gamit ang salapi natin, wala tayong lakas na takasan ito. Kinakaladkad na lamang tayo ng ating mga pagnanasa, hindi tumitigil sa pagsusumikap na kumita ng salapi hanggang sa bumagsak ang ating mga katawan sa pagod at labis na trabaho. Noon lamang tayo mag-uumpisang makaramdam ng panghihinayang at takot—kapag malapit na tayong mamatay ay tsaka tayo nagigising ng tuluyan. Hindi ba’t masyado nang huli noon?

Dahil wala tayong kakayahan upang lampasan ang ating mga sarili, sinong makatutulong sa atin upang makatakas mula sa mga gapos ng paghahabol sa salapi? Nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos, “May isang pinakasimpleng paraan upang mapalaya ang sarili mula sa ganitong katayuan: ang magpaalam sa dating sariling paraan ng pamumuhay sa buhay, na magsabi ng paalam sa sariling dating mga layunin sa buhay, lagumin at suriin ang sariling dating istilo ng pamumuhay, pilosopiya, mga pagsusumikap, mga pagnanais, at mga minimithi, at pagkatapos ay ihambing sila sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos sa tao, at tingnan kung tugma ang alinman sa kanila sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos, kung may alinman sa kanila ang naghahatid ng mga tamang prinsipyo sa buhay, nagdadala sa isang tao sa isang mas malaking pagkaunawa sa katotohanan, at hinahayaan siya na mamuhay kasama ang sangkatauhan at na kalarawan ng tao. Kapag paulit-ulit mong siniyasat at maingat na sinuri ang iba’t-ibang mga layunin sa buhay na kinakamit ng mga tao at ang kanilang sari-saring magkakaibang paraan ng pamumuhay, matutuklasan mo na ni isa sa kanila ay hindi akma sa orihinal na layon ng Manlilikha nang Kanyang likhain ang sangkatauhan. Lahat sila ay naglalayo sa mga tao mula sa dakilang kapangyarihan at pangangalaga ng Manlilikha; lahat sila ay mga hukay na kinababagsakan ng sangkatauhan, at siyang nagbubulid sa kanila sa impiyerno. Matapos mong makilala ito, ang gawain mo ay isantabi ang iyong lumang pagtanaw sa buhay, manatiling malayo sa sari-saring mga patibong, hayaan ang Diyos na mag-alaga sa iyong buhay at gumawa ng mga pagsasaayos para sa iyo, subukan lamang na magpasailalim sa mga pagsasaayos at paggabay ng Diyos, na magkaroon ng walang pagpipilian, at maging isang tao na sumasamba sa Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III).

Nagtuturo ng daan sa’tin ang mga salita ng Diyos. Kapag nadudumihan tayo sa alimpuyo ng materyal na kayamanan at hindi natin mapalaya ang ating mga sarili, namumuhay sa sakit, iyon ay dahil labis tayong tiniwali ni Satanas at labis na nalublob sa napakasamang mga batas upang mabuhay gaya ng: “Una ang pera,” at “Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa.” Nalinlang at tiniwali tayo ng masasamang pananaw na ito at tinuturing ang salapi upang isang bagay na pinaka-nararapat na habulin, bilang maayos na layunin sa ating mga buhay. Nagpaplano tayo ng masama, nakikipag-agawan, pinahihirapan natin ang ating mga utak upang kumita ng mas maraming salapi. Ginugugol natin ang lahat ng enerhiya natin at bilang resulta, lalo tayong napapalayo sa Diyos. Ang pinakamalalim na sulok ng ating mga kaluluwa ay lalo pang nagiging hungkag, at namumuhay tayo sa paghihirap at sakit. Malinaw na nangyayari ito dahil mula nang tiwaliin tayo ni Satanas, nagtatag tayo ng maling pananaw sa buhay at pagpapahalaga. Ngunit sa oras na malaman natin kung paano tayo tinitiwali ni Satanas, magagawa nating tunay na isantabi ang mga maling pananaw na iyon at hindi na salapi at kasikatan ang hahabulin natin. Ito lamang ang tanging paraan upang mamuhay tayo ng payapa at maginhawa. Ang totoo ay ang Diyos ang nagpapasya kung gaano karaming salapi at kung gaano karaming mga pag-aaari ang maaaring mapasakamay ng bawat tao. Hindi iyon mababago ng sarili nating mga paghihirap at ng sarili nating pakikipag-agawan. Hangga’t bumabalik tayo sa harapan ng Diyos, tinatanggap ang Kanyang kaligtasan, binibigay ang lahat nang mayroon tayo sa Diyos at hinahanap Siya, sinusunod ang Kanyang mga kautusan at pagsasaayos, magagawa nating makatakas mula sa kahungkagan at sakit ng buhay ng tao, natatamo ang tunay na kapayapaan at kaligayahan.

Nakatala sa Biblia na si Job ay isang tunay na makatuwirang tao na may takot sa Diyos at itinakwil ang kasamaan. Napakayaman niya at ang pinakadakila sa lahat ng tao sa silangan nang mga panahong iyon. Ngunit habang tinutukso at sinusubukan siya ni Satanas, lahat ng mga pag-aari niya ay kinuha ng mga magnanakaw, namatay ang mga anak niya sa isang kalamidad, at siya mismo ay nabalutan ng napakasakit na mga bukol mula ulo hanggang paa. Gayunman, ni minsan ay hindi niya sinisi ang Diyos. Sa halip, nagpasakop siya sa mga kautusan at pagsasaayos ng Diyos, nagpapatirapa sa harapan ng Diyos sa panalangin: “At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nagalis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1: 21). Nagtataglay si Job ng pusong gumagalang para sa Diyos, kaya naniwala siya na ang materyal na kayamanan ng mga tao ay hindi isang bagay na natamo nila sa pamamagitan ng sarili nilang pagsisikap, ngunit pinagpapasyahan ng kautusan ng Diyos. Kaya kung magbibigay o babawiin ang Diyos, handa siya magpasakop sa Diyos at hindi Siya sisisihin. Hindi naghanap si Job upang mgtaglay ng mas marami pang bagay; sa halip, nagsikap siyang matamo ang tunay na paggalang at pagpapasakop sa Diyos. Naging dahilan ito upang magpatotoo si Job para sa Diyos at lubusang ipinahiya si Satanas, ibinibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos. Noon ipinagkatiwala ng Diyos kay Job ang mas marami pang kayamanan at napakahabang buhay, gayundin ang pinakamagagandang mga anak sa mundo. Kinausap rin Niya si Job mula sa isang bagyo upang mas lalo pa niyang maintindihan ang Diyos. Walang pinagsisisihan si Job sa buhay; namatay siyang puspos ng mga kaarawan. Makikita natin mula sa patotoo ni Job para sa Diyos na ang paghahabol ng tao sa kayamanan ay walang silbi, na tanging sa paghahanap ng kaalaman sa Diyos, pagpapasakop sa utos ng Diyos at pagsasaayos, at matakot sa Diyos at itakwil ang kasamaan habambuhay, natin magagawang mamuhay sa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos, at makakamit ang tunay na kaligayahan, paglaya, at kalayaan. Ito lamang ang uri ng buhay na may kahalagahan at kabuluhan.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman