Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Kuwento. Isang Buto, ang Lupa, Isang Puno, ang Sikat ng Araw, ang mga Ibong Umaawit, at ang Tao

215

Ang isang maliit na buto ay nalaglag sa lupa. Pagkatapos bumuhos nang napakalakas na ulan, ang buto ay umusbong nang bahagya at ang mga ugat nito ay dahan-dahang sumiksik sa ilalim ng lupa. Ang umusbong ay lumaki, sinasagupa ang malalakas na hangin at ulan, nakikita ang pagpapalit ng mga panahon kagaya ng paglaki at pagliit ng buwan. Sa tag-araw, naglalabas ng mga kaloob ng tubig ang lupa upang makayanan ng umusbong ang nakapapasong init. At dahil sa lupa, hindi naramdaman ng umusbong ang init at sa gayon ay nalampasan nito ang init sa tag-araw. Nang dumating ang taglamig, binalot ng lupa ang umusbong sa mainit na yakap nito at kumapit ang mga ito sa isa’t isa nang mahigpit. At dahil sa init ng lupa, nalampasan ng umusbong ang mapait na lamig, ligtas sa pagdaan ng malakas na hanging-taglamig at ang panahon ng pagbagsak ng niyebe. Kinanlong ng lupa, ang umusbong ay lumaking matapang at naging masaya. Ito ay lumaki at naging matayog mula sa walang pag-iimbot na pag-aaruga na ibinigay ng lupa. Masayang tumubo ang umusbong. Ito ay kumakanta habang bumubuhos ang ulan at ito ay nagsasayaw at umiindayog habang umiihip ang hangin. At kaya, ang umusbong at ang lupa ay umasa sa isa’t isa …

Dumaan ang mga taon, ang umusbong ay matayog na puno na ngayon. Nagkaroon ito ng matatag na mga sanga na punong-puno ng dahon at nakatayong matatag sa ibabaw ng lupa. Ang mga ugat ng puno ay humukay sa ilalim ng lupa kagaya noong una, ngunit ngayon ay sumisid ang mga ito nang napakalalim sa lupa. Ang minsang nagprotekta sa umusbong ay isa na ngayong pundasyon para sa makapangyarihang puno.

Isang sinag ng sikat ng araw ang kumislap sa puno at ang katawan ng puno ay naalog. Iniunat ng puno nang maluwang ang mga sanga nito at lalong nahila palapit sa liwanag. Ang lupa sa ilalim ay humihinga kaalinsabay ng puno, at ang lupa ay nakadama ng panibagong-lakas. Pagkatapos lang noon, isang sariwang simoy ng hangin ang umihip sa mga sanga, at ang puno ay nanginig sa tuwa, punung-puno ng lakas. At kaya, ang puno at ang sikat ng araw ay umasa sa isa’t isa …

Isang Puno

(Pinagmumulan: Fotolia)

Ang mga tao ay nakaupo sa malamig na lilim ng puno at sila ay nadarang sa mabilis, mahalimuyak na hangin. Dinalisay ng hangin ang kanilang mga puso at mga baga, at dinalisay ang dugo sa loob. Ang mga tao ay hindi na nakadama ng pagod at bigat. At kaya, ang mga tao at ang puno ay umasa sa isa’t isa …

Isang kawan ng mga ibong umaawit ang humuhuni habang nakadapo sa mga sanga ng puno. Marahil ay umiiwas ang mga ito sa ilang kalaban, o ang mga ito ay nagpaparami at pinalalaki ang inakay nito, o marahil ay nagpapahinga lang saglit. At kaya, ang mga ibon at ang puno ay umaasa sa isa’t isa …

Ang mga ugat ng puno, nangabaluktot at nagkandabuhol-buhol, ay bumaon nang malalim sa lupa. Tinakpan ng katawan nito ang lupa mula sa hangin at sa ulan at iniunat nito ang kahanga-hanga nitong mga sanga at naprotektahan ang lupa sa ilalim nito, at ginawa ito ng puno sapagkat ang lupa ay ang ina nito. Namumuhay ang mga itong magkasama, umaasa sa isa’t isa, at hindi kailanman ang mga ito tatahang magkahiwalay …

Kuwento 1. Isang Buto, ang Lupa, Isang Puno, ang Sikat ng Araw, ang mga Palaawiting Ibon, at Tao

⋯⋯

Ang lahat ng bagay na kasasabi Ko lang ay mga bagay na nakita na ninyo noong una, kagaya ng mga buto, alam ninyo ang ukol rito, tama? Ang isang buto na lumalago at nagiging isang puno ay maaaring hindi isang proseso na iyong makikita nang detalyado, ngunit alam mo na ito ay isang katotohanan, tama? Alam mo ang ukol sa lupa at sa sikat ng araw. Ang imahe ng mga ibong umaawit na dumadapo sa puno ay isang bagay na nakita na ng lahat ng tao, tama? At ang mga tao ay nagpapalamig sa lilim ng isang puno, nakita na ninyong lahat iyon, tama? (Nakita na namin iyon.) Kaya anong damdamin ang inyong nakukuha kapag nakikita ninyo ang lahat ng halimbawang ito sa isang imahe? (Pagkakaisa.) Ang lahat ba ng halimbawa na inyong nakikita sa imahe na ito ay nagmumula sa Diyos? (Oo.) Dahil galing sila sa Diyos, nababatid ng Diyos ang kahalagahan at kabuluhan ng ilan sa mga halimbawang ito na umiiral na magkakasama sa lupa. Nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, mayroon Siyang plano sa bawat isang bagay, at ang bawat bagay na Kanyang nilikha ay ipinakikita ang Kanyang mga layunin at nagpupuspos Siya ng buhay sa kanila. Nilikha Niya ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan, na tinalakay sa kuwento na kapapakinig pa lang natin. Tumalakay ito sa pagtutulungan na mayroon ang buto at ang lupa; pinakakain ng lupa ang buto at ang buto ay nakabigkis sa lupa. Ang kaugnayan sa pagitan ng dalawang ito ay itinakda ng Diyos mula pa sa pasimula. Ang puno, ang sikat ng araw, ang mga ibong umaawit, at ang tao sa imaheng ito ay halimbawa ng buhay na kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan. Una, hindi maaaring iwanan ng puno ang lupa, at hindi rin ito maaaring walang sikat ng araw. Kung gayon ano ang layunin ng Diyos sa paglikha ng puno? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa lupa? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa mga ibong umaawit? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa mga tao? (Hindi.) Ano ang kaugnayan sa pagitan nila? Ang kaugnayan sa pagitan nila ay isang uri ng pagtutulungan na kung saan sila ay hindi maaaring maghiwa-hiwalay. Ibig sabihin, ang lupa, ang puno, ang sikat ng araw, ang mga ibong umaawit, at ang mga tao ay umaasa sa isa’t isa para sa pag-iral at inaalagaan nila ang isa’t isa. Inaalagaan ng puno ang lupa habang pinakakain ng lupa ang puno; naglalaan ang sikat ng araw para sa puno, samantalang ang puno ay lumilikha ng sariwang hangin mula sa sikat ng araw at tumutulong sa pagpapaginhawa sa lupa mula sa init ng sikat ng araw. Sino ang nakikinabang mula rito sa katapusan? Nakikinabang ang sangkatauhan mula rito, tama? At ito ay isa sa mga prinsipyo kung bakit ginawa ng Diyos ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan at isa sa mga pangunahing layunin para dito. Kahit na ito ay isang simpleng larawan, makikita natin ang karunungan ng Diyos at ang Kanyang mga layunin. Ang sangkatauhan ay hindi maaaring mabuhay nang wala ang lupa, o wala ang mga puno, o wala ang mga ibong umaawit at ang sikat ng araw, tama? Kahit na ito ay isang kuwento, ito ay isang mikrokosmo sa paglikha ng Diyos sa sansinukob at Kanyang pagkakaloob ng buhay na kapaligiran sa tao.

Nilikha ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at ang lahat ng bagay para sa sangkatauhan at nilikha rin Niya ang buhay na kapaligiran. Una, ang pangunahing punto na ating tinalakay sa kuwento ay ang magkakaugnay na relasyon at pagtutulungan sa lahat ng bagay. Sa ilalim ng prinsipyong ito, ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan ay napangangalagaan, ito ay nakaliligtas at nakapagpapatuloy; dahil sa pag-iral nitong buhay na kapaligiran, ang sangkatauhan ay maaaring lumago at magparami. Nakita natin ang puno, ang lupa, ang sikat ng araw, ang mga ibong umaawit, at ang mga tao sa eksena. Naroon din ba ang Diyos? Maaaring hindi ito makita ng tao, tama? Ngunit makikita ng mga tao ang mga patakaran ng magkakarugtong na mga kaugnayan sa pagitan ng mga bagay sa eksena; sa pamamagitan ng mga patakarang ito na makikita ng mga tao na ang Diyos ay umiiral at na Siya ang Namumuno. Ginagamit ng Diyos ang mga prinsipyo at mga patakaran upang maingatan ang buhay at pag-iral ng lahat ng bagay. Sa ganitong paraan Siya naglalaan para sa lahat ng bagay at naglalaan Siya para sa sangkatauhan. Mayroon bang kahit na anumang kaugnayan ang kuwentong ito sa tema na katatalakay pa lang natin? Sa wari ay parang walang ganyan, ngunit sa realidad, ang mga patakaran na ginawa ng Diyos bilang Lumikha at ang Kanyang kapamahalaan sa lahat ng bagay ay matibay na nakaugnay sa Kanya bilang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay at ang mga ito ay matibay na magkakarugtong. May natutuhan kayong konting bagay, tama ba?

(Pinagmumulan: Fotolia)

Ang Diyos ay ang Panginoon ng mga patakaran na namamahala sa sansinukob, pinamamahalaan Niya ang mga patakaran na sumasakop sa kaligtasan sa lahat ng bagay, at pinamamahalaan din Niya ang sansinukob at ang lahat ng bagay nang sa gayon ay makakapamuhay ang mga itong magkakasama; ginagawa Niya ito upang hindi mawala nang lubusan o maglaho ang mga ito para ang sangkatauhan ay maaaring makapagpatuloy na umiral, ang tao ay maaaring mabuhay sa gayong kapaligiran sa pamamagitan ng pangunguna ng Diyos. Ang mga patakarang ito na namumuno sa lahat ng bagay ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, at ang sangkatauhan ay hindi maaaring makialam at hindi mapapalitan ang mga ito; tanging ang Diyos Mismo ang nakakaalam sa mga patakarang ito at Siya Mismo lamang ang nakapamamahala sa mga ito. Kailan uusbong ang mga puno, kailan uulan, gaano karaming tubig at gaano karaming pampalusog ang ibibigay ng lupa sa mga halaman, sa anong panahon malalaglag ang mga dahon, sa anong panahon mamumunga ang mga puno, gaano karaming enerhiya ang ibibigay ng sikat ng araw sa mga puno, ano ang ihihingang palabas ng mga puno mula sa enerhiya na nakukuha nila mula sa sikat ng araw—ang lahat ng ito ay mga bagay na naisaayos na ng Diyos nang lalangin Niya ang sansinukob at ang mga ito ay mga batas na hindi maaaring labagin ng tao. Ang mga bagay na nilikha ng Diyos—maging sila ay buhay o lumilitaw na walang buhay ayon sa mga tao—lahat ay nasa mga kamay ng Diyos at nasa ilalim ng Kanyang kapamahalaan. Walang sinuman ang makababago o makasisira sa patakarang ito. Ibig sabihin, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay binalangkas na Niya ang nararapat sa mga ito. Ang mga puno ay hindi maaaring magkaugat, umusbong, at lumago kung wala ang lupa. Kung ang lupa ay walang mga puno, ito ay matutuyo. At saka, ang puno ay ang tahanan ng mga ibong umaawit, ito ang lugar kung saan nagkukubli ang mga ito mula sa hangin. Magiging OK lang ba kung magkakaroon ng puno kahit walang sikat ng araw? (Hindi ito magiging OK.) Kung lupa lamang mayroon ang puno hindi ito maaaring gumana. Ang lahat ng ito ay para sa sangkatauhan at para sa ikaliligtas ng sangkatauhan. Nakatatanggap ang tao ng sariwang hangin mula sa puno, at nabubuhay sa ibabaw ng lupa na pinoprotektahan nito. Hindi mabubuhay ang tao nang walang sikat ng araw, ang tao ay hindi mabubuhay kung wala ang iba’t ibang mga bagay na nabubuhay. Kahit na ang relasyon sa pagitan ng mga bagay na ito ay kumplikado, kailangan mong tandaan na nilikha ng Diyos ang mga patakaran na namamahala sa lahat ng bagay upang maaaring umiral sila sa isang magkakaugnay at nagtutulungang paraan; ang bawat isang bagay na Kanyang nilikha ay may halaga at kabuluhan. Kung ang Diyos ay lumikha ng isang bagay na walang kabuluhan, hahayaan ito ng Diyos na mawala. Ito ay isa sa mga pamamaraan na Kanyang ginagamit sa paghahanda sa lahat ng bagay. Ano ang tinutukoy ng “maglaan para sa” sa kuwentong ito? Lumalabas ba ang Diyos upang diligan ang puno araw-araw? Kailangan ba ng puno ang tulong ng Diyos para makahinga? (Hindi.) Ang “maglaan para sa” sa paliwanag na ito ay tumutukoy sa pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay pagkatapos ng paglikha; ang kinailangan lang Niya ay mga patakaran upang panatilihing maayos ang lahat. Ang puno ay lumaki nang kusa sa pamamagitan ng pagkatanim nito sa lupa. Ang mga kinakailangan para ito ay lumago ay nilikha lahat ng Diyos. Ginawa Niya ang sikat ng araw, ang tubig, ang lupa, ang himpapawid, at ang kalapit na kapaligiran, ang hangin, ang hamog na nagyelo, ang niyebe, at ulan, at ang apat na panahon; ito ang mga kondisyon na kakailanganin ng puno upang lumago, ito ang mga bagay na inihanda ng Diyos. Kaya, ang Diyos ba ang pinagmumulan nitong buhay na kapaligiran? (Oo.) Kailangan bang lumabas ang Diyos araw-araw upang bilangin ang bawat dahon sa mga puno? Hindi na kailangan, tama? Hindi rin kailangan na tulungan ng Diyos ang puno na makahinga. Hindi rin kailangan na gisingin ng Diyos araw-araw ang sikat ng araw sa pagsasabing, “Oras na upang magbigay ng liwanag sa mga puno ngayon.” Hindi Niya kailangang gawin iyon. Ang sikat ng araw ay nagliliwanag nang kusa gaya ng iniatas ng mga patakaran; kapag kailangan, sinisipsip ng puno ang sikat ng araw, at kapag hindi kailangan ang sikat ng araw, ang puno ay nabubuhay pa rin sa loob ng mga patakaran. Maaaring hindi ninyo makayang ipaliwanag itong kababalaghan nang malinaw, ngunit ito ay isang katotohanan na maaaring makita at matanggap ng lahat. Ang dapat mo lang gawin ay tanggapin na ang mga patakaran para sa pag-iral ng lahat ng bagay ay mula sa Diyos at malaman na ang paglago at kaligtasan nito ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos. Nauunawaan mo, tama ba?

Isa bang talinghaga ang ginamit sa kuwentong ito, gaya ng tawag ng mga tao rito? Ito ba ay antropomorpiko? (Hindi.) Ang sinasabi Ko ay katotohanan. Ang lahat ng bagay na buhay, ang lahat ng bagay na may buhay ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos. Binigyan ito ng buhay pagkatapos itong likhain ng Diyos; ito ay buhay na ibinigay mula sa Diyos at sumusunod ito sa mga batas at sa daan na Kanyang nilikha para dito. Hindi ito dapat baguhin ng tao, at hindi nangangailangan ng tulong mula sa tao; ganito naglalaan ang Diyos para sa lahat ng bagay. Naiintindihan ninyo, tama? Iniisip ba ninyo na kinakailangan ng mga tao na kilalanin ito? (Oo.) Kaya, may kinalaman ba ang kuwentong ito sa biyolohiya? Mayroon ba itong kinalaman sa anumang saklaw ng kaalaman o agham? Hindi natin tinatalakay ang biyolohiya rito at tiyak na hindi tayo nagsasagawa ng anumang pananalisik na biyolohikal. Ano ang pangunahing punto na pinag-uusapan natin dito? (Na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng buhay para sa lahat ng bagay.) Ano ang nakikita ninyo sa gitna ng lahat ng bagay sa paglikha? Nakakita ba kayo ng mga puno? Nakakita ba kayo ng lupa? (Oo.) Nakita ninyo ang sikat ng araw, tama? Nakakita ba kayo ng mga ibong nagpapahinga sa mga puno? (Nakakita na kami.) Masaya ba ang sangkatauhan na manirahan sa gayong kapaligiran? (Masaya siya.) Ibig sabihin, ginagamit ng Diyos ang lahat ng bagay—ang mga bagay na Kanyang nilikha—upang mapanatili ang tahanan ng sangkatauhan para sa kaligtasan at ingatan ang tahanan ng sangkatauhan, at ganito Siya naglalaan para sa tao at naglalaan para sa lahat ng bagay.

—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kaugnay na Content