Nasusulat na, “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus” (Roma 8:1). Dahil nananalig tayo kay Cristo Jesus, garantisado nang hindi tayo isusumpa at makakapasok tayo sa kaharian ng langit!
Sagot: Akala n’yo basta’t nananalig ang isang tao kay Jesucristo, na kay Jesucristo na siya. Ideya ng tao ’yan. Ang “mga na kay Cristo Jesus” ay hindi tumutukoy sa lahat ng nananalig sa Panginoong Jesus Karamihan sa mga tao na nananalig sa Panginoong Jesus ay hindi pupurihin ng Diyos, sabi nga ng Panginoong Jesus, “Marami ang tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.” Sa mga hindi nahirang, ang ilan ay nananalig lang sa Panginoon para pansamantalang makinabang sa kanilang pananampalataya; ang ilan naman ay hindi minahal ni sinunod ang katotohanan kailanman; ang ilan ay gumagawa pa ng kasamaan para kalabanin ang Diyos. Lalo na ang mga pinuno ng mga relihiyon, halos lahat sila ay sumusunod sa yapak ng mga Fariseo; mga anticristo silang lahat. Ang ilan sa kanila ay nananalig lang sa Diyos sa pangalan; wala silang pananalig. Sabi mo, lahat ng nananalig sa Panginoong Jesus ay na kay Cristo Jesus na; walang katuturan ang mga salitang ’yon. “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.” Aling grupo ng mga tao ang tinutukoy nito talaga? Yaong mga sumusunod sa mga utos ng Diyos, nabubuhay sa katotohanan, at sumusunod sa Diyos, ibig sabihin, yaong mga naghahanap ng katotohanan at nagtatamo ng buhay, kayang sumunod kay Cristo, umiiwas na makagawa ng masama sa pagkalaban sa Diyos, at lubos na kasundo ni Cristo. Sila ang mga taong na kay Cristo. Siguradong hindi totoo na lahat ng nananalig sa Panginoong Jesus ay na kay Cristo Jesus. May ilang nananalig na ang pananampalataya ay hindi tanggap ng Diyos. Halimbawa, sinabi Niya minsan, “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22–23). Masasabi mo ba na ang mga binanggit dito na nagpopropesiya, nagpapalayas ng mga demonyo, at lahat ng maraming magandang ginawa sa pangalan ng Panginoon ay na kay Cristo? Hindi ba sila mga tao na isinumpa na ng Diyos? Kung gayon, magkaiba ang “pananampalataya kay Jesucristo” at “pagiging na kay Cristo” Yaong mga nananalig sa Panginoon ngunit hindi matamo ang Kanyang papuri ay hindi kay Cristo, dahil ang pagliligtas ng Diyos ay hindi ginagawa sa paraang inaakala ng lahat. Hindi lahat ng taong nananalig sa Diyos ay maliligtas. Marami sa kanila ang aalisin, lalo na yaong mga sadyang gumagawa ng kasalanan matapos malaman ang katotohanan. Kasama sa mga kasalanang ito ang pagnanakaw ng mga alay, pagtatakwil sa Diyos, kabiguang mamuhay sa katotohanan, pagkadungo o pakikiapid, atbp. Isusumpa at pababayaan pa rin sila ng Diyos. Ang mga gumagawa ng malalaking kasamaan ay parurusahan. Katulad lang ’yan ng nakasaad sa mga Hebreo 10:26: “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan” (Mga Hebreo 10:26). Kung gayon, nakikita natin na hindi lahat ng nananalig sa Panginoon ay na kay Cristo. Yaon lamang mga nananalig na nagmamahal sa katotohanan ang nakakahanap sa katotohanan, at sa gayo’y sinusunod at talagang nakikilala si Cristo, walang ideya tungkol kay Cristo, hindi naghihimagsik o kumakalaban sa Kanya, nasa puso nila ang puso ni Cristo at magagawa ang kalooban ng Diyos ang mga taong na kay Cristo. Sila ang pupurihin ng Diyos at makakapasok sa Kanyang kaharian.
mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.