Mayroong iba’t ibang relihiyosong grupo ng mga tao na naniniwala sa Panginoong Jesus. Ang Kristiyanismo lamang ay may libu-libong denominasyon. Nakakalito ito para sa akin: Lahat ng denominasyon ay naniniwala sa Panginoong Jesus, at nagbabasa ng isang Biblia; bakit napakaraming denominasyon ang lumilitaw?

Enero 27, 2022

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Mula sa panahon ng pagkakaroon ng Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang pananalig sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihing na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuting sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang dugong bumubuhay sa kanila, at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at mayroon pang itinuturing itong mas mataas kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari pa rin silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga kilalang kabanata at kasabihan mula sa Biblia, parang nawalan na rin sila ng buhay. At dahil dito, sa sandaling maniwala ang mga tao sa Panginoon, inuumpisahan na nilang basahin ang Biblia, at kabisaduhin ang Biblia, at habang mas dumarami ang nakakabisa nila mula sa Biblia, mas napapatunayan nito na mahal nila ang Panginoon at malaki ang kanilang pananampalataya. Ang lahat ng mga nakapagbasa ng Biblia at nakapagbabahagi nito sa iba ay mabubuting mga kapatid. Sa buong panahong ito, ang pananampalataya at katapatan ng mga tao sa Panginoon ay nasusukat ayon sa lawak ng kanilang pagkaunawa sa Biblia. Hindi lamang talaga nauunawaan ng karamihan ng mga tao kung bakit kailangan nilang maniwala sa Diyos, o kaya ay paano maniwala sa Diyos, at wala silang ginagawa kundi pikit-matang maghanap ng mga pahiwatig upang maunawaan ang mga kabanata sa Biblia. Hindi kailanman hinanap ng mga tao ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu; simula’t sapul, wala silang ginawa kundi desperadong pag-aralan at siyasatin ang Biblia, at walang sinumang nakahanap ng bagong gawain ng Banal na Espiritu na labas sa Biblia. Walang sinumang lumihis kahit minsan mula sa Biblia, ni nangahas na gawin ito. Ang mga taong pinag-aralan ang Biblia sa loob ng mga taong ito, sila ay nakabuo ng napakaraming paliwanag, at nag-ukol ng napakaraming paggawa. Marami rin silang pagkakaiba-iba ng opinyon tungkol sa Biblia, na walang katapusan nilang pinagtatalunan, kaya nga mahigit pa sa dalawang libong magkakaibang denominasyon na ang nabuo ngayon.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1

Masdan mo ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang pakana. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, “Kailangang konsultahin namin ang aming lider tungkol sa aming pananampalataya.” Isang tao ang daanan ng kanilang pananampalataya sa Diyos; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga lider na iyon? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan? Ang mga ganyang tao ay kapareho ng uri ni Pablo. Bakit sinasabi ito? Ang mga liham na isinulat ni Pablo ay halos dalawang libong taon na at laganap ang mga ito sa buong Kapanahunan ng Biyaya. Binabasa ng lahat ng tao ang mga salita niyang ito at itinuring ang mga ito bilang pamantayan, mga salita tungkol sa pagdurusa, pagdidisiplina sa sariling katawan, at pagtanggap ng panghuling putong ng katuwiran.… Naniwala ang mga tao sa Diyos alinsunod sa mga salita at doktrina ni Pablo. Hindi ba paglihis ito? Gaanong kalooban ng Diyos ang nauunawaan ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya? Tutal, yaong mga sumunod kay Jesus noon ay nasa minorya, at mas kakaunti pa yaong mga nakakilala sa Kanya—kahit yaong mga disipulo Niya ay hindi Siya talaga kilala. Kung may nakikitang kahit kaunting liwanag ang isang tao sa Biblia, hindi ito dapat ituring na kumakatawan sa kalooban ng Diyos, at lalong hindi dapat ituring ang kaunting kaliwanagan bilang kaalaman tungkol sa Diyos. Ang mga tao ay mapagmataas at hambog, at wala ang Diyos sa puso nila. Sa kaunting pagkaunawa sa doktrina, nagsisimula silang kumilos sa ganang kanilang sarili, na humahantong sa pagbuo ng maraming denominasyon.

mula sa “Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman