Matapos ipagkanulo ng arkanghel ang Diyos at hikayatin ang mga ninuno ng sangkatauhan na magkasala, ang tao ay nagiging mas masama at tiwali at ang mundo ay nagiging mas madilim. Ngunit ito ang hindi ko maintindihan: Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat at nakakaalam ng lahat; dahil alam Niya na ipagkakanulo Siya ng arkanghel, bakit Niya ito nilikha? Pagkatapos ng pagtataksil ng arkanghel, bakit pinahintulutan ng Diyos na gawin nitong tiwali ang mga tao sa lupa?

Enero 27, 2022

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Una ay nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, at lumikha rin Siya ng ahas. Sa lahat ng bagay, ang ahas na ito ang pinaka-makamandag; ang katawan nito ay may lason, na ginamit ni Satanas upang samantalahin ito. Ang ahas ang nanukso kay Eba na magkasala. Nagkasala si Adan pagkatapos ni Eba, at pagkatapos ay nagawa nilang dalawa na makatukoy sa pagitan ng mabuti at masama. Kung alam ni Jehova na tutuksuhin ng ahas si Eba at na tutuksuhin ni Eba si Adan, bakit Niya sila inilagay na lahat sa loob ng isang halamanan? Kung nagawa Niyang hulaan ang mga bagay na ito, bakit Niya nilikha ang ahas at inilagay ito sa loob ng Halamanan ng Eden? Bakit nasa Halamanan ng Eden ang bunga ng puno ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama? Gusto ba Niyang kainin nila ang bunga? Nang dumating si Jehova, hindi nangahas si Adan ni si Eba na harapin Siya, at noon lamang nalaman ni Jehova na kinain na nila ang bunga ng puno ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama at nabiktima sila ng panlilinlang ng ahas. Sa huli, isinumpa Niya ang ahas, at isinumpa rin Niya sina Adan at Eba. Nang kainin nilang dalawa ang bunga ng puno, ni hindi man lang alam ni Jehova na ginagawa nila iyon noon. Naging tiwali ang sangkatauhan hanggang sa maging masama sila at malaswa, hanggang sa lahat ng kinimkim nila sa kanilang puso ay masama at hindi matuwid; lahat ng iyon ay marumi. Sa gayon ay pinagsisihan ni Jehova ang paglikha sa sangkatauhan. Pagkatapos niyon, isinagawa Niya ang Kanyang gawaing wasakin ang mundo sa pamamagitan ng baha, na naligtasan ni Noe at ng kanyang mga anak. Ang ilang bagay ay hindi talaga kasing-unlad at higit-sa-karaniwan na tulad ng maaaring isipin ng mga tao. Nagtatanong ang ilan: “Yamang alam ng Diyos na ipagkakanulo Siya ng arkanghel, bakit Niya ito nilikha?” Narito ang mga tunay na nangyari: Bago umiral ang mundo, ang arkanghel ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Mayroon itong kapangyarihan sa lahat ng anghel sa langit; ito ang awtoridad na ibinigay rito ng Diyos. Maliban sa Diyos, ito ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Kalaunan, matapos likhain ng Diyos ang sangkatauhan, sa lupa naman ay nagsagawa ng mas malaki pang pagtataksil ang arkanghel laban sa Diyos. Sinasabi Ko na ipinagkanulo nito ang Diyos dahil nais nitong pamahalaan ang sangkatauhan at lampasan ang awtoridad ng Diyos. Ang arkanghel ang nanukso kay Eba na magkasala, at ginawa ito dahil nais nitong itatag ang kaharian nito sa lupa at patalikurin ang sangkatauhan sa Diyos at sa halip ay sundin nila ang arkanghel. Nakita ng arkanghel na maaari itong sundin ng napakaraming bagay—magagawa iyon ng mga anghel, gayundin ng mga tao sa ibabaw ng lupa. Ang mga ibon at hayop, mga puno, kagubatan, kabundukan, mga ilog, ang lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa ay nasa pangangalaga ng mga tao—ibig sabihin, nina Adan at Eba—samantalang sinunod nina Adan at Eba ang arkanghel. Sa gayon ay hinangad ng arkanghel na lampasan ang awtoridad ng Diyos at pagtaksilan ang Diyos. Pagkatapos niyon, pinamunuan nito ang maraming anghel na maghimagsik laban sa Diyos, na kalaunan ay naging iba’t ibang uri ng maruruming espiritu. Hindi ba sanhi ng katiwalian ng arkanghel ang pag-unlad ng sangkatauhan hanggang sa araw na ito? Naging ganito lamang ang sangkatauhan ngayon dahil pinagtaksilan ng arkanghel ang Diyos at ginawang tiwali ang sangkatauhan. Ang paisa-isang hakbang na gawaing ito ay hindi mahirap unawain at simple na katulad ng maaaring isipin ng tao. Isinagawa ni Satanas ang pagtataksil nito sa isang dahilan, subalit hindi naintindihan ng mga tao ang gayon kasimpleng bagay. Bakit ang Diyos, na lumikha ng langit at lupa at lahat ng bagay, ay nilikha rin si Satanas? Yamang labis na kinamumuhian ng Diyos si Satanas, at si Satanas ay Kanyang kaaway, bakit Niya nilikha si Satanas? Sa paglikha kay Satanas, hindi ba Siya lumikha ng isang kaaway? Hindi talaga lumikha ng isang kaaway ang Diyos; sa halip, lumikha Siya ng isang anghel, at kalaunan ay ipinagkanulo Siya ng anghel na iyon. Naging napakataas ng katayuan nito kaya ninais nitong ipagkanulo ang Diyos. Masasabi na nagkataon lamang ito, ngunit hindi rin ito maiiwasan. Kapareho ito ng paraan kung paanong hindi maiiwasang mamatay ang isang tao pagdating sa takdang gulang; sumasapit lamang talaga ang yugtong ito. Sinasabi pa ng ilang nakatatawang hangal, “Yamang kaaway Mo si Satanas, bakit Mo ito nilikha? Hindi Mo ba alam na ipagkakanulo Ka ng arkanghel? Hindi Mo ba masusulyapan ang kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan? Hindi Mo ba alam ang likas na pagkatao ng arkanghel? Yamang malinaw Mong alam na ipagkakanulo Ka nito, bakit Mo ito ginawang arkanghel? Hindi Ka lamang nito ipinagkanulo, isinama rin nito ang napakaraming iba pang anghel at bumaba sa mundo ng mga mortal upang gawing tiwali ang sangkatauhan, subalit hanggang sa araw na ito, hindi Mo pa rin natatapos ang Iyong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala.” Tama ba ang mga salitang iyon? Kapag ganito ang iniisip mo, hindi mo ba mas inilalagay sa panganib ang iyong sarili kaysa kinakailangan? May iba pang nagsasabing, “Kung hindi ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan hanggang sa araw na ito, hindi sana nailigtas ng Diyos ang sangkatauhan nang ganito. Sa gayon, hindi sana nakita ang karunungan at ang pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos; saan naipakita ang Kanyang karunungan? Kaya lumikha ang Diyos ng isang sangkatauhan para kay Satanas upang maipakita kalaunan ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat—kung hindi, paano matutuklasan ng tao ang karunungan ng Diyos? Kung hindi nilabanan ng tao ang Diyos o sinuway Siya, hindi na sana kinailangang ipakita ang Kanyang mga gawa. Kung sasambahin Siya at susundin ng lahat ng nilikha at magpapasakop sa Kanya, wala sana Siyang gawaing gagawin.” Mas malayo pa ito sa realidad, sapagkat walang marumi tungkol sa Diyos, kaya hindi Siya maaaring lumikha ng dumi. Ipinapakita Niya ang Kanyang mga gawa ngayon para lamang matalo ang Kanyang kaaway, iligtas ang mga taong Kanyang nilikha, at talunin ang mga demonyo at si Satanas, na kinamumuhian, ipinagkakanulo, at nilalabanan ang Diyos, at nasa ilalim ng Kanyang kapamahalaan at pag-aari Niya sa simula pa lamang. Nais ng Diyos na talunin ang mga demonyong ito at, sa paggawa nito, ipakita ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang sangkatauhan at lahat ng nasa lupa ay nasa ilalim ngayon ng sakop ni Satanas at nasa ilalim ng sakop ng masama. Nais ng Diyos na ipakita ang Kanyang mga kilos sa lahat ng bagay upang makilala Siya ng mga tao, at sa gayon ay matalo si Satanas at lubos na malipol ang Kanyang mga kaaway. Ang kabuuan ng gawaing ito ay natutupad sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kanyang mga kilos. Lahat ng Kanyang nilikha ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas, kaya nais na Diyos na ipakita sa kanila ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat, sa gayon ay matalo si Satanas. Kung walang Satanas, hindi Niya kakailanganing ipakita ang Kanyang mga gawa. Kung hindi sa panliligalig ni Satanas, nilikha sana ng Diyos ang sangkatauhan at inakay silang manirahan sa Halamanan ng Eden. Bakit, bago ang pagkakanulo ni Satanas, hindi ipinakita ng Diyos ang Kanyang mga gawa sa mga anghel o sa arkanghel? Kung, sa simula, nakilala ng mga anghel at arkanghel ang Diyos at nagpasakop sa Kanya, hindi sana isinagawa ng Diyos ang mga walang-kabuluhang kilos na iyon ng gawain. Dahil sa pag-iral ni Satanas at ng mga demonyo, nilabanan na rin ng mga tao ang Diyos, at punung-puno ng suwail na disposisyon. Sa gayon ay nais ng Diyos na ipakita ang Kanyang mga kilos. Dahil nais Niyang makidigma kay Satanas, kailangan Niyang gamitin ang Kanyang sariling awtoridad at lahat ng Kanyang kilos upang talunin ito; sa ganitong paraan, ang gawain ng pagliligtas na Kanyang isinasagawa sa mga tao ay tutulutan silang makita ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan sa lahat. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ngayon ay makabuluhan, at sa anumang paraan ay hindi katulad ng tinutukoy ng ilang tao kapag sinasabi nilang, “Hindi ba salungat ang gawaing ginagawa Mo? Hindi ba ang sunud-sunod na gawaing ito ay pagsasanay lamang sa pagpapahirap sa Iyong Sarili? Nilikha Mo si Satanas, at pagkatapos ay hinayaan Mo itong ipagkanulo at labanan Ka. Nilikha Mo ang mga tao, at ipinasa sila kay Satanas, at tinulutan Mong matukso sina Adan at Eba. Yamang sinadya Mong gawin ang lahat ng ito, bakit Mo kinasusuklaman ang sangkatauhan? Bakit Mo kinamumuhian si Satanas? Hindi ba Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito? Ano pa ang kamumuhian Mo?” Medyo may ilang kakatwang taong nagsasabi ng gayong mga bagay. Nais nilang mahalin ang Diyos, ngunit sa kanilang puso ay nagrereklamo sila tungkol sa Diyos. Napakalaking pagsalungat! Hindi mo nauunawaan ang katotohanan, napakarami mong ideyang higit-sa-karaniwan, at sinasabi mo pa na nagkamali ang Diyos—kakatwa ka talaga! Ikaw ang nakikipaglaro sa katotohanan; hindi nagkamali ang Diyos! Paulit-ulit na inirereklamo ng ilang tao, “Ikaw ang lumikha kay Satanas, at inihagis Mo si Satanas sa mga tao at ipinasa rito ang sangkatauhan. Nang minsang magtaglay ang sangkatauhan ng napakasamang disposisyon, hindi Mo sila pinatawad; bagkus, medyo kinamuhian Mo sila. Sa simula ay medyo minahal Mo sila, ngunit ngayon ay kinasusuklaman Mo na sila. Ikaw ang namuhi sa sangkatauhan, subalit Ikaw rin ang nagmahal sa sangkatauhan. Ano ba talaga ang nangyayari dito? Hindi ba magkasalungat ito?” Paano man ninyo ito tingnan, ito ang nangyari sa langit; ito ang paraan na ipinagkanulo ng arkanghel ang Diyos at ginawang tiwali ang sangkatauhan, at ganito nagpapatuloy ang mga tao hanggang sa araw na ito. Paano man ninyo ito sabihin, iyan ang buong salaysay. Gayunman, kailangan ninyong maunawaan na ang buong layunin sa likod ng gawaing ito na ginagawa ng Diyos ngayon ay upang iligtas kayo at talunin si Satanas.

Dahil ang mga anghel ay partikular na marupok at walang mga kakayahang masasabi, naging mayabang sila nang bigyan sila ng awtoridad. Lalo nang totoo ito sa arkanghel, na ang katayuan ay mas mataas kumpara sa iba pang anghel. Isang hari sa mga anghel, inakay nito ang milyun-milyon sa kanila, at sa ilalim ni Jehova, ang awtoridad nito ay nilampasan ang awtoridad ng sinumang iba pang mga anghel. Ninais nitong gawin ang iba’t ibang bagay, at akayin ang mga anghel pababa sa mga tao upang kontrolin ang mundo. Sinabi ng Diyos na Siya Yaong namamahala sa sansinukob; ngunit sinabi ng arkanghel na ito ang namamahala sa sansinukob—mula noon, ipinagkanulo ng arkanghel ang Diyos. Lumikha na ng isa pang mundo sa langit ang Diyos, at ninais ng arkanghel na kontrolin ang mundong ito at bumaba rin sa mortal na dako. Maaari ba itong payagan ng Diyos na gawin iyon? Sa gayon, hinampas Niya ang arkanghel at inihagis ito sa ere. Mula nang gawin nitong tiwali ang mga tao, nakidigma na ang Diyos sa arkanghel upang iligtas sila; nagamit Niya ang anim na libong taon na ito para talunin ito. Ang pagkaintindi ninyo sa Diyos na makapangyarihan sa lahat ay hindi nakaayon sa gawaing kasalukuyang ginagawa ng Diyos; talagang hindi ito praktikal, at malaking kamalian! Ang totoo, ipinahayag lamang ng Diyos na kaaway Niya ang arkanghel matapos itong magkanulo. Dahil lamang sa pagkakanulo nito kaya tinapakan ng arkanghel ang sangkatauhan matapos dumating sa mortal na dako, at dahil dito kaya umunlad na ang sangkatauhan sa puntong ito. Matapos mangyari iyan, sumumpa ang Diyos kay Satanas: “Tatalunin kita at ililigtas ko ang lahat ng taong Aking nilikha.” Hindi nakumbinsi noong una, sumagot si Satanas, “Ano ba talaga ang kaya Mong gawin sa akin? Talaga bang kaya Mo akong ihagis sa ere? Talaga bang kaya Mo akong talunin?” Matapos itong ihagis ng Diyos sa ere, hindi na Niya ito pinansin, at kalaunan ay sinimulang iligtas ang sangkatauhan at isagawa ang Kanyang sariling gawain sa kabila ng patuloy na mga panliligalig ni Satanas. Nagawa ni Satanas ang iba’t ibang bagay, ngunit dahil iyon lahat sa kapangyarihang dati nang ibinigay rito ng Diyos; dinala nito ang mga bagay na iyon sa ere, at naitago ang mga iyon hanggang sa araw na ito. Nang ihagis Niya ang arkanghel sa ere, hindi binawi ng Diyos ang awtoridad nito, kaya nga patuloy na ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Sa kabilang dako, nagsimula ang Diyos na iligtas ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas matapos silang likhain. Hindi ipinakita ng Diyos ang Kanyang mga kilos habang nasa langit; gayunman, bago nilikha ang mundo, pinayagan Niya ang mga tao sa mundong Kanyang nilikha sa langit na makita ang Kanyang mga gawa, sa gayon ay ginabayan ang mga taong iyon sa itaas ng langit. Binigyan Niya sila ng karunungan at katalinuhan, at inakay ang mga taong iyon na manirahan sa mundong iyon. Natural, walang isa man sa inyo ang nakarinig noon tungkol dito. Kalaunan, matapos likhain ng Diyos ang mga tao, sinimulan ng arkanghel na gawin silang tiwali; sa lupa, buong sangkatauhan ay nagkagulo. Noon lamang sinimulan ng Diyos ang Kanyang pakikidigma laban kay Satanas, at sa panahong ito lamang nagsimulang makita ng mga tao ang Kanyang mga gawa. Sa simula, ang gayong mga kilos ay naitago sa sangkatauhan. Matapos ihagis si Satanas sa ere, ginawa nito ang sarili nitong mga bagay at patuloy na ginawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, patuloy na nakidigma laban kay Satanas, hanggang sa mga huling araw. Ngayon ang panahon kung kailan dapat lipulin si Satanas. Sa simula, binigyan ito ng Diyos ng awtoridad, at kalaunan ay inihagis Niya ito sa ere, subalit nanatili itong suwail. Pagkatapos niyon, ginawa nitong tiwali ang sangkatauhan sa lupa, ngunit naroon ang Diyos at namamahala sa sangkatauhan. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang pamamahala sa mga tao upang talunin si Satanas. Sa pagtitiwali sa mga tao, tinatapos ni Satanas ang kanilang kapalaran at ginagambala ang gawain ng Diyos. Sa kabilang dako, ang gawain ng Diyos ay ang pagliligtas sa sangkatauhan. Aling hakbang ng gawain ng Diyos ang hindi para iligtas ang sangkatauhan? Aling hakbang ang hindi para linisin ang mga tao, at pakilusin sila nang matuwid at mamuhay sa larawan ng mga taong maaaring mahalin? Gayunman, hindi ito ginagawa ni Satanas. Ginagawa nitong tiwali ang sangkatauhan; patuloy nitong isinasagawa ang gawain nitong gawing tiwali ang sangkatauhan sa buong sansinukob. Siyempre pa, ginagawa rin ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, at hindi pinapansin si Satanas. Gaano man kalaki ang awtoridad ni Satanas, ang awtoridad na iyon ay bigay pa rin dito ng Diyos; hindi talaga basta ibinigay ng Diyos ang Kanyang buong awtoridad, kaya nga anuman ang gawin ni Satanas, hindi nito kayang lampasan ang Diyos at palagi itong magiging nasa mga kamay ng Diyos. Hindi ipinakita ng Diyos ang anuman sa Kanyang mga kilos habang nasa langit. Binigyan lamang Niya si Satanas ng maliit na bahagi ng awtoridad at tinulutan itong magkaroon ng kontrol sa iba pang mga anghel. Samakatuwid, anuman ang gawin ni Satanas, hindi nito kayang lampasan ang awtoridad ng Diyos, dahil ang awtoridad na orihinal na ipinagkaloob dito ng Diyos ay limitado. Habang gumagawa ang Diyos, nanggagambala si Satanas. Sa mga huling araw, ang mga paggambala nito ay matatapos; matatapos din ang gawain ng Diyos, at ang uri ng mga taong nais gawing ganap ng Diyos ay makukumpleto. Pinapatnubayan ng Diyos ang mga tao nang positibo; ang Kanyang buhay ay tubig na buhay, hindi masusukat at walang hangganan. Nagawang tiwali ni Satanas ang tao kahit paano; sa huli, gagawing ganap ng tubig na buhay ng buhay ang tao, at magiging imposibleng makialam at magsagawa si Satanas ng gawain nito. Sa gayon, lubos na maaangkin ng Diyos ang mga taong ito.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman Kung Paano Umunlad ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw

Paano man tumitindi ang katiwalian ng sangkatauhan o paano sila tinutukso ng ahas, mayroon pa ring karunungan si Jehova; sa gayon, naging abala na Siya sa bagong gawain mula nang likhain Niya ang mundo, at wala sa mga hakbang ng gawaing ito ang naulit kailanman. Patuloy na ginagawa ni Satanas ang kanyang mga pakana, palagi nang ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at walang tigil na isinasagawa ng Diyos na si Jehova ang Kanyang matalinong gawain. Hindi Siya nabigo kailanman, ni hindi Siya tumigil sa paggawa kailanman, mula nang likhain ang mundo. Matapos magawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, patuloy na Siyang gumagawa sa kanila upang talunin ito, ang kaaway na pinagmulan ng kanilang katiwalian. Ang labanang ito ay nanalanta na sa simula pa lamang, at magpapatuloy hanggang sa katapusan ng mundo. Sa paggawa ng lahat ng gawaing ito, hindi lamang tinulutan ng Diyos na si Jehova ang mga tao, na nagawang tiwali ni Satanas, na matanggap ang Kanyang dakilang pagliligtas, kundi tinulutan din silang makita ang Kanyang karunungan, pagiging makapangyarihan sa lahat, at awtoridad. Bukod dito, sa huli, hahayaan Niyang makita nila ang Kanyang matuwid na disposisyon—na pinarurusahan ang masasama at ginagantimpalaan ang mabubuti. Nilabanan na Niya si Satanas hanggang sa araw na ito at hindi Siya natalo kailanman. Ito ay dahil Siya ay isang matalinong Diyos, at ginagamit Niya ang Kanyang karunungan batay sa mga pakana ni Satanas. Samakatuwid, hindi lamang ginagawa ng Diyos ang lahat ng nasa langit na magpasakop sa Kanyang awtoridad, kundi napanatili rin Niya ang lahat ng nasa ibabaw ng lupa sa Kanyang paanan at, partikular na, isinasailalim Niya ang masasama na nanghihimasok at nanggugulo sa sangkatauhan sa Kanyang pagkastigo. Ang mga resulta ng lahat ng gawaing ito ay nakamtan dahil sa Kanyang karunungan. Hindi Niya naipakita kailanman ang Kanyang karunungan bago umiral ang sangkatauhan, sapagkat wala Siyang mga kaaway sa langit, sa ibabaw ng lupa, o saanman sa buong sansinukob, at walang mga puwersa ng kadiliman na nanghihimasok sa anuman sa kalikasan. Matapos Siyang ipagkanulo ng arkanghel, nilikha Niya ang sangkatauhan sa ibabaw ng lupa, at dahil sa sangkatauhan kaya Niya pormal na sinimulan ang Kanyang isang-libong-taong pakikidigma kay Satanas, ang arkanghel—isang digmaang lalong umiigting sa bawat sumunod na yugto. Naroon ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat at karunungan sa bawat isa sa mga yugtong ito. Saka lamang nasaksihan ng lahat ng nasa langit at nasa ibabaw ng lupa ang karunungan, pagiging makapangyarihan sa lahat, at, lalo na, ang realidad ng Diyos. Isinasagawa pa rin Niya ang gawain sa ganito ring makatotohanang paraan hanggang sa araw na ito; dagdag pa rito, habang isinasagawa Niya ang Kanyang gawain, ipinapakita rin Niya ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan sa lahat. Tinutulutan Niya kayong makita ang katotohanan sa loob ng bawat yugto ng gawain, makita kung paano talaga ipaliwanag ang pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos, at, bukod dito, makita ang isang tiyak na paliwanag tungkol sa realidad ng Diyos.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman Kung Paano Umunlad ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw

Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa katangian ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto angkop ang gawaing ito sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas malinaw, ginagawa ito ayon sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay mailigtas ang buong lahi ng tao, na nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, at ibunyag ang di-mabatang pagiging kakila-kilabot ni Satanas; higit pa riyan, ito ay upang tulutan ang mga nilalang na makilala kung alin ang mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang tiwali, ang siyang masama, at upang masabi nila, nang may lubos na katiyakan, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at ano ang hamak. Sa gayon ay makakaya ng mangmang na sangkatauhan na magpatotoo sa Akin na hindi Ako ang nagtitiwali sa sangkatauhan, at Ako lamang—ang Lumikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang maaaring magkaloob sa tao ng mga bagay na makasisiya sa kanila; at malalaman nila na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa mga nilalang na Aking nilikha at na paglaon ay kinalaban Ako. Ang Aking anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto, at nagsisikap Akong makamit ang epekto ng pagbibigay-kakayahan sa Aking mga nilalang na magpatotoo sa Akin, at maunawaan ang Aking kalooban, at malaman na Ako ang katotohanan.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kwento sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

Ganyan ang pamamahala ng Diyos: para ipasa ang sangkatauhan kay Satanas—isang sangkatauhang hindi nakakaalam kung ano ang Diyos, kung ano ang Lumikha, kung paano sambahin ang Diyos, o kung bakit kailangang magpasakop sa Diyos—at tulutan si Satanas na gawin siyang tiwali. Sa paisa-isang hakbang, saka binabawi ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas, hanggang sa lubos na sambahin ng tao ang Diyos at tanggihan si Satanas. Ito ang pamamahala ng Diyos. Maaaring para itong isang kuwentong kathang-isip, at maaaring tila nakakalito ito. Pakiramdam ng mga tao ay para itong isang kuwentong kathang-isip dahil wala silang kamalay-malay kung gaano na karami ang nangyari sa tao sa nakalipas na ilang libong taon, lalong hindi nila alam kung ilang kuwento na ang nangyari sa kalawakan at sa kalangitan. At bukod pa riyan, iyon ay dahil hindi nila mapahalagahan ang mas kahanga-hanga at mas nakakatakot na mundong umiiral sa kabila ng materyal na mundo, ngunit pinipigilan sila ng kanilang mortal na mga mata na makita ito. Parang mahirap itong maunawaan ng tao dahil hindi nauunawaan ng tao ang kabuluhan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan o ang kabuluhan ng gawain ng Kanyang pamamahala, at hindi nauunawaan kung ano ang nais ng Diyos na kahinatnan ng sangkatauhan sa huli. Iyon ba ay ang hindi ito lubos na magawang tiwali ni Satanas, na kagaya nina Adan at Eba? Hindi! Ang layunin ng pamamahala ng Diyos ay para matamo ang isang grupo ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Bagama’t nagawa nang tiwali ni Satanas ang mga taong ito ay, hindi na nila itinuturing si Satanas bilang kanilang ama; nakikilala nila ang kasuklam-suklam na mukha ni Satanas at tinatanggihan ito, at humaharap sila sa Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Nalalaman nila kung ano ang pangit at kung paano ito naiiba roon sa banal, at kinikilala nila ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang isang sangkatauhang tulad nito ay hindi na gagawa para kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o iidolohin si Satanas. Ito ay dahil sila ay isang grupo ng mga tao na tunay nang nakamit ng Diyos. Ito ang kabuluhan ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman