Naniniwala ang karamihan sa mga tao sa mga relihiyosong grupo na napili at naitalaga ng Panginoon ang mga pastor at elder, at na lahat sila ay mga tao na naglilingkod sa Panginoon sa mga iglesia; kung susundan at susundin natin ang mga pastor at elder na ito, talagang sinusunod at sinusundan natin ang Panginoon. Tungkol sa kung ano talaga ang kahulugan ng sundin ang tao at sundan ang tao, at ano talaga ang kahulugan ng sundin ang Diyos at sundan ang Diyos, hindi maunawaan ng karamihan sa mga tao ang aspetong ito ng katotohanan. Pakibahagi ito sa amin.
Sagot:
Sa relihiyon, iniisip ng ilang tao na ang mga relihiyosong pastor at elder ay napili at itinatag lahat ng Panginoon. Samakatuwid, dapat tayong sumunod sa kanila. May batayan ba sa Biblia ang ganitong pananaw? Napatunayan ba ito ng salita ng Panginoon? Mayroon ba itong patotoo ng Banal na Espiritu at pagpapatibay ng gawain ng Banal na Espiritu? Kung ang lahat ng sagot ay hindi, hindi ba’t kung gayon ay galing sa paniniwala at imahinasyon nila ang paniniwala ng karamihan na lahat ng mga pastor at elder ay pinili at itinatag ng Panginoon? Isipin natin ang tungkol dito. Sa Kapanahunan ng Kautusan, pinili at itinatag ng Diyos si Moises. Nangangahulugan ba ito na ang lahat ng pinuno ng Judio sa Kapanahunan ng Kautusan ay pinili at itinatag ng Diyos? Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang 12 apostol ng Panginoong Jesus ay personal na pinili at hinirang ng Panginoong Jesus Mismo. Nangangahulugan ba ito na lahat ng pastor at elder sa Kapanahunan ng Biyaya ay personal na pinili at itinatag ng Panginoon? Maraming tao ang gustong sumunod sa mga itinakdang alituntunin at hindi pinakikitunguhan ang mga bagay alinsunod sa mga katunayan. Bilang resulta, bulag nilang sinasamba at sinusunod ang tao. Ano ang problema rito? Bakit hindi natin kayang kilalanin ang pagkakaiba ng dalawang bagay na ito? Bakit hindi natin kayang hanapin ang katotohanan sa mga bagay na ito?
Nakikita natin mula sa naitala sa Biblia na sa bawat panahon ng Kanyang gawain, pinipili at hinihirang ng Diyos ang ilang mga tao na makipag-ugnayan sa Kanyang gawain. Lahat ng taong personal na hinirang at ginamit ng Diyos ay may pagpapatibay ng salita ng Diyos. Kahit na walang salita ng Diyos, dapat mayroon kahit man lang pagpapatibay ng gawain ng Banal na Espiritu. Tulad noong Kapanahunan ng Kautusan, hinirang ng Diyos si Moises upang pamunuan ang mga Israelita; napapatunayan ito sa mga salita ng Diyos, tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova, “At ngayon narito, ang daing ng mga anak ni Israel ay umabot sa akin; saka aking nakita ang kapighatian na ipinipighati sa kanila ng mga Egipcio. Halika nga ngayon, at ikaw ay aking susuguin kay Faraon, upang iyong ilabas sa Egipto ang aking bayan na mga anak ni Israel” (Exodo 3:9–10). Sa Kapanahunan ng Biyaya, hinirang ng Panginoong Jesus ang 12 apostol upang pastulan ang mga iglesia. Pinatunayan din ito ng mga salita ng Panginoon. Tulad ng sabi ng Panginoong Jesus nang hinirang Niya si Pedro: “Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako?” “Pakanin mo ang aking mga tupa” (Juan 21:17). “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit” (Mateo 16:19). Makikita natin mula rito na sinumang hinirang at ginamit ng Diyos ay personal na sinaksihan ng Diyos, may salita ng Diyos bilang patunay at ang pagpapatibay mula sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang lahat ng kanilang gawain ay itinataguyod ng Diyos. Ang pagsunod sa kanilang gawain at pamumuno ay pagsunod sa Diyos. Kung nanlalaban tayo sa taong hinirang at ginamit ng Diyos, nanlalaban tayo sa Diyos at isusumpa at parurusahan ng Diyos. Tulad ng sa Kapanahunan ng Kautusan, si Korah, Dathan at ang kanilang mga tao ay nilabanan si Moises. Anong nangyari sa huli? Sila ay direktang pinarusahan ng Diyos. Pinabuka ng Diyos ang lupa at nilulon silang lahat. Alam ng lahat na ito ay isang katotohanan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga apostol na hinirang ng Panginoong Jesus ay may pagpapatibay lahat ng salita ng Panginoon. Nguni’t hinirang ba ng Panginoon ang mga relihiyosong pastor at elder ngayon? Napatunayan ba ito ng salita ng Panginoon? Karamihan sa kanila ay nilinang ng mga paaralang teolohiko at mayroong mga sertipiko ng pagtatapos sa teolohiya. Naging mga pastor sila sa pamamagitan ng pagsalalay sa mga sertipiko sa teolohiya, hindi dahil personal na sumaksi ang Banal na Espiritu sa kanila at ginamit sila. Hindi ba iyon isang katotohanan? Sino sa atin ang nakarinig o nakakita sa Banal na Espiritu na personal na sumaksi o naghirang sa sinumang pastor? Kailanman hindi nangyari iyon! Kung sila ay tunay na hinirang ng Panginoon, tiyak na mayroong tunay na patotoo ng Banal na Espiritu at maraming mananampalataya ang saksi. Samakatuwid, ang mga relihiyosong pastor at elder ay hindi hinirang ng Panginoon. Sigurado ito! Narinig natin na may ilang mga pastor na hindi naniniwala na ang Panginoong Jesus ay mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu. Hindi nila iniisip na “ang paglilihi ng Banal na Espiritu” ay may anumang batayan o sumusunod sa agham. Mas malabo pang tanggapin ng mga taong ito na si Cristo ang pagpapakita ng Diyos. Kung umiiral ang gayong mga pastor sa panahon ng paggawa ng Panginoong Jesus, tiyak na hindi nila tinanggap ang Panginoong Jesus. Kung gayon paano nila tratratuhin ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang tao sa mga huling araw? Lahat sila ay magiging tulad ng mga Judiong punong saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo, galit na galit na binabatikos at sinasalungat ang Panginoong Jesus. Ang mga tulad ba ng mga pastor at elder na iyon ay mga taong tunay na sumusunod sa Diyos? Hindi nga sila naniniwala sa nagkatawang-taong Diyos, at saka hindi kinikilala ang mga katotohanang ipinahayag ng nagkatawang-taong Diyos. Hindi ba’t mga anticristo ang mga taong ito? Kaya ang pananaw ba natin na “Ang mga relihiyosong pastor at elder ay lahat hinirang at ginamit ng Panginoon” ay mapaninindigan pa rin? Kung ipipilit natin na ang mga pastor at elder na ito ay hinirang at ginamit ng Diyos, hindi ba iyon paninirang-puri at paglapastangan sa Diyos? Hihirangin at gagamitin ba ng Diyos ang mga hindi mananampalataya at anticristong ito upang pamunuan ang mga napiling tao ng Diyos? Hindi ba’t ang gayong pananaw ay walang katotohanan, masyadong nakakalinlang? Hindi ba ito pagbabaluktot ng katotohanan at paghahalo ng tama at mali?
Malinaw na ngayon sa ating lahat matapos ang pagbabahagi. Ang lahat ng hinirang at ginamit ng Diyos ay personal na pinatotohanan ng Diyos, at mayroon man lang ng pagpapatibay at mga epekto ng gawain ng Banal na Espiritu, at kayang tulungan ang mga piniling tao ng Diyos na makamit ang tustos ng buhay at tunay na pagpapastol. Sapagkat ang Diyos ay matuwid at banal, ang lahat ng hinirang at ginamit ng Diyos ay tiyak na kaayon ang kalooban ng Diyos. Tiyak na hindi sila magiging mga ipokritong Fariseo, at bukod pa dito, hindi mga nasusuklam sa katotohanan at mga anti-cristong sumasalungat sa Diyos. Tingnan natin kung gayon ang mga relihiyosong pastor at pinuno ngayon. Karamihan sa kanila ay nilinang ng mga paaralang teolohiko at hindi personal na hinirang at ginamit ng Diyos. Nag-aaral lamang sila ng teolohiya at Biblia. Ang kanilang gawain at pangangaral ay nakatuon lamang sa pag-uusap tungkol sa kaalaman sa Biblia, teolohiya, o mga karakter at kwento sa Biblia, mga makasaysayang pinagmulan, at iba pa. Ang kanilang isinasagawa ay pagtuturo lamang sa mga tao upang magsagawa ng mga relihiyosong ritwal at sundin ang mga panuntunan. Hindi nila kailanman binibigyang-pansin ang pagsasabi ng katotohanan sa mga salita ng Diyos, ni hindi nila ginagabayan ang mga tao na magsagawa at maranasan ang mga salita ng Diyos o sundin ang mga utos ng Diyos. Hindi nila kailanman tinatalakay kung paano nila makikilala ang kanilang sarili at mga tunay nilang karanasan sa pagpasok sa buhay, at bukod dito ay hindi nila kailanman tinatalakay ang tunay na kaalaman sa Diyos. Maaari bang makamit ng naturang gawain at pangangaral ang gawain ng Banal na Espiritu? Kaya bang tugunan ng naturang serbisyo ang mga intensyon ng Diyos? Kaya ba nitong gabayan tayo upang maisagawa ang katotohanan at pumasok sa tamang daan ng paniniwala sa Diyos? Sa pagpapaliwanag sa Biblia sa ganitong paraan, hindi ba nila tinatahak ang kanilang sariling landas at nilalabanan ang Diyos? Lalo na kapag ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng mga katotohanan at ginagampanan ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, malinaw na alam ng mga relihiyosong pinuno na ito na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan lahat at kayang dalisayin at iligtas ang mga tao, gayunpaman hindi nila ito hinahanap at tinatanggap. Mas kasuklam-suklam pa na hindi nila pinahihintulutan ang mga mananampalataya na magbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos o makinig sa tinig ng Diyos. Alang-alang sa pagprotekta sa kanilang katayuan at mga kabuhayan, galit na galit nilang sinisiraang-puri at binabatikos ang Makapangyarihang Diyos, at nakakipag-ugnayan pa sa CCP, sa satanikong rehimen, sa pag-aresto at pag-usig sa mga ebanghelista. Gaano ang pinagkaiba ng mga pagkilos at pag-uugali ng mga pastor at elder na ito sa mga Fariseong nanlaban sa Panginoong Jesus noon? Hindi ba sila mga balakid sa pagtanggap ng tunay na daan? Paanong ang mga suklam sa katotohanan at makasalungat sa Diyos na mga taong ito ay hihirangin at gagamitin ng Diyos? Hihirangin ba ng Diyos ang mga taong ito na galit sa katotohanan at hadlang sa kalooban ng Diyos upang pamunuan ang mga napiling tao ng Diyos? Talagang hindi. Iyon ang katotohanan!
Ang ilang kakatuwang tao sa mga relihiyosong lupon ay kadalasang ginagamit nang mali ang mga salita mula sa Biblia upang gumawa ng mga panuntunan. Sinasabi nilang ang mga mapagkunwaring Fariseo at ang mga relihiyosong pastor ay hinirang at ginamit lahat ng Diyos. Hindi ba nito labis na nilalabanan at nilalapastangan ang Diyos? Maraming tao ang hindi lang alam kung paano kumilala. Naniniwala sila sa Panginoon ngunit hindi Siya pinahahalagahan, sa halip ay nagtataguyod ng mga kaloob, katayuan at kapangyarihan, at bulag ding naniniwala at sumasamba sa mga pastor at elder. Hindi nila makikilala kung ang isa ay may gawain ng Banal na Espiritu at ng realidad ng katotohanan. Iniisip lamang nila na hangga’t ang isang tao ay mayroong isang sertipiko ng pastor at mga kaloob at kayang pag-aralan ang Biblia, nangangahulugan nang inaprubahan at hinirang siya ng Diyos, at dapat siyang sundin. Ang ilang tao ay higit pang kakatuwa at iniisip na ang pagsunod sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Diyos, at ang paglaban at pagbatikos sa mga pastor at elder ay paglaban sa Diyos. Kung susundin natin ang mga naturang pagkaunawa, ang mga Judiong punong saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo na pamilyar lahat sa Biblia at madalas na ipinaliwanag ang Biblia sa iba, ngunit nilabanan at binatikos ang Panginoong Jesus nang Siya ay nagpakita at gumawa, at ipinako pa Siya sa krus, mga taong hinirang at ginamit ba sila ng Diyos? Kung sinundan ng isa ang mga pinunong Judio sa paglaban at pagbatikos sa Panginoong Jesus, nangangahulugan ba iyon na sinusunod nila ang Diyos? Sasabihin mo bang ang mga tumanggi sa mga pinunong Judio at sumunod sa Panginoong Jesus ay nilalabanan ang Diyos? Ipinapakita nito na ang pananaw na “Ang pagsunod sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Diyos, ang paglaban at pagbatikos sa mga pastor at elder ay paglaban sa Diyos” ay talagang walang katotohanan at mali! Dapat malinaw sa ating mga mananampalataya ng Diyos na kung ang mga relihiyosong pastor at elder ay nanlalaban sa Diyos, at ang landas na kanilang tinatahak ay pinagkakanulo ang katotohanan at nilalabanan ang Diyos, dapat tayong tumayo sa panig ng Diyos, ilantad sila, at tanggihan sila. Iyon ang tunay na pagsunod sa Diyos. Iyon ay ang pagtalikod sa kadiliman para sa liwanag at ganap na naaayon sa mga intensyon ng Diyos. Samakatuwid, pagdating sa kung paano pakikitunguhan ang mga pastor at elder, dapat nating hanapin ang katotohanan at unawain ang mga intensyon ng Diyos. Kung ang mga pastor at elder ay mga taong nagmamahal sa katotohanan at hinahanap ang katotohanan, kung gayon tiyak na magkakaroon sila ng gawain ng Banal na Espiritu at magagawang gabayan tayo sa pagsagawa at pagdanas ng mga salita ng Diyos, na matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan. Ang paggalang at pagsunod sa mga naturang tao ay naaayon sa mga intensyon ng Diyos! Kung hindi nila iniibig ang katotohanan at nagmamalasakit lamang sa pagpapaliwanag ng kanilang kaalaman sa Biblia at mga teolohikong teoriya upang magyabang at pabanguhin ang kanilang sarili, upang sambahin at sundin natin sila, kung hindi nila itinataas ang Diyos o sumasaksi sa Diyos, at hindi tayo ginagabayan sa pagsagawa at pagdanas ng mga salita ng Diyos, kung gayon sila ay mga taong nahatulan at sinumpa na ng Diyos at sasalungatin natin ang Diyos kung tayo ay sumasamba at sumusunod pa rin sa kanila. Ito ay ganap na labag sa mga intensyon ng Diyos.
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng sundin ang Diyos at sundan ang Diyos? Tungkol sa aspetong ito ng katotohanan, basahin muna natin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pangunahing kahalagahan ng pagsunod sa Diyos ay na dapat alinsunod ang lahat sa mga salita ng Diyos ngayon: Maging ikaw ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ng katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon. Kung ang iyong pakikipagniig at hinahangad ay hindi nakasentro sa palibot ng mga salita ng Diyos ngayon, kung gayon isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang gusto ng Diyos ay ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga yapak. Hindi alintana kung gaano man kahanga-hanga at kadalisay ang naunawaan mo noong una, ayaw ito ng Diyos, at kung hindi mo magagawang isantabi ang gayong mga bagay, kung gayon ang mga ito ay napakalaking hadlang sa iyong pagpasok sa hinaharap. Lahat niyaong nagagawang sumunod sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Sinunod din ng mga tao sa mga kapanahunang lumipas ang mga yapak ng Diyos, ngunit hindi sila nakasunod hanggang sa kasalukuyan; ito ang pagpapala ng mga tao sa mga huling araw. Yaong mga maaaring sumunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, at nagagawang sumunod sa mga yapak ng Diyos, anupa’t sumusunod sila sa Diyos saanman Niya sila akayin—ito ang mga tao na pinagpala ng Diyos. Yaong mga hindi sumusunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi nakapasok sa gawain ng mga salita ng Diyos, at gaano man sila gumawa, o gaano man katindi ang kanilang pagdurusa, o gaano man sila magparoo’t parito, walang anuman dito ang may kabuluhan sa Diyos, at hindi Niya sila pupurihin. … Ang ‘pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu’ ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga hinihingi ng Diyos, ang magawang sumunod at sundan ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang isang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang may kakayahan na tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, nguni’t makakaya ring malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng Diyos, at makakaya ring malaman ang mga pagkaintindi at pagsuway ng tao, at kalikasan at diwa ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang na kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong sa tunay na daan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak). Ang pagsunod sa Diyos ay pangunahing tumutukoy sa pagsunod sa kasalukuyang gawain ng Diyos, pagpapasakop at pagsasagawa sa mga kasalukuyang salita ng Diyos, nakakayang sundin ang mga utos ng Diyos, hinahanap ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay, nagsasagawa alinsunod sa salita ng Diyos, at lubos na nagpapasakop sa gawain at pamamatnubay ng Banal na Espiritu. Panghuli, tumutukoy ito sa pagiging isang taong nagsasagawa ng katotohanan at sumusunod sa kalooban ng Diyos. Tanging sa paggawa ng mga bagay na ito na masasabing sinusunod ng isang tao ang Diyos at maging isang tao na nakakakamit ng pagliligtas ng Diyos. Kung panlabas nating ibinabatay ang ating pananampalataya sa Biblia at pinararangalan ang Biblia, ngunit sa katunayan ay isinasagawa at nararanasan natin ang lahat alinsunod sa mga salita at itinuturo ng mga tao sa Biblia sa halip na nagpapasakop sa at isinasagawa ang salita ng Diyos mula sa Biblia. Isa pa, hindi natin nauunawaan ang mga intensyon ng Diyos at sa halip ay sinusunod lang ang mga relihiyosong seremonya at patakaran, ito ay pagsunod sa tao, hindi sa Diyos. Kung susundin at isasagawa natin ang mga salita ng mga tao mula sa Biblia na para bang ang mga iyon ay mga salita ng Diyos, datapwa’t itinuturing ang Panginoong Jesus bilang tau-tauhan lamang, binabalewala ang mga salita ng Panginoong Jesus at walang ginagawa upang sundin ang Kanyang mga utos, kung gayon siguradong itatakwil at isusumpa tayo ng Panginoong Jesus, na katulad ng nangyari sa mga mapagpaimbabaw na Fariseo. Maraming tao na may pananampalataya sa Panginoon, ngunit bulag na sumasamba sa mga kilalang tao ng relihiyon o mga pastor o elder-iginagalang nila ang mga mapagpaimbabaw na mga Fariseo. Anuman ang nangyayari sa kanila tumatakbo sila sa mga pastor at elder upang humingi ng patnubay at ganoon din ang ginagawa nila pagdating sa pag-aaral sa totoong daan. Ang resulta ay nililinlang at inililigaw sila ng mga mapagpaimbabaw na Fariseo at relihiyosong pinuno at nagsisimula nilang tahakin ang landas tungo sa paglaban sa Diyos—ito ang mga kahihinatnan at katapusan ng pagsunod sa tao sa halip na sa Diyos. Ang tanging paraan upang tunay na sundin ang Diyos ay ang ibatay lamang ang ating pananampalataya sa pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu, pagsunod sa mga kasalukuyang salita ng Diyos, pagsunod sa mga yapak ng gawain ng Banal na Espiritu, at pagbibigay ng lahat sa atin upang tuparin ang ating mga tungkulin. Lalo na’t ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, nawala na ng relihiyosong mundo ang gawain ng Banal na Espiritu at ito’y naging malungkot. Kapag napipilitan tayong hanapin ang totoong daan, kailangan nating magtuon pa lalo sa paghahanap sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, kailangan nating hanapin ang mga salita at pagbigkas ng Diyos at ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung hindi natin hahanapin ang mga salita at gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi natin maririnig ang tinig ng Diyos, kung hindi natin makakamit ang ibinibigay sa atin ng kasalukuyang mga salita ng Diyos, kung gayon maaalis tayo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at isasantabi sa kadiliman ng pagdadalamhati at kalungkutan. Ang mga taong tunay na sumusunod at nagpapasakop sa Diyos ay hindi Niya kailanman iiwan. Ang mga sumasamba sa mga relihiyosong pastor at elder ay nagpapasakop sa tao at naging mga tagasunod na ng tao. Ang mga taong ito ay ibubunyag ng gawain ng Diyos sa katapusan-sila ay maaalis at isasantabi.
Kahit na sinasabi ng ating mga labi na tayo ay naniniwala sa Diyos at na dapat nating sundin lamang ang Diyos at magpasakop sa Kanya, subalit, iba ang tunay na nangyayari. Malinaw natin itong nakikita sa pagkakaiba ng paraan ng pagtrato sa Panginoong Jesus ng mga may pananampalatayang Judio sa Kapanahunan ng Biyaya at sa pagtrato nina Pedro at Juan at mga iba pa. Isinagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang bagong gawain, inilabas ang katotohanan, at dinala ang daan ng pagsisisi, ngunit karamihan sa mga Judio sa panahong iyon ay nakinig lamang sa mga itinuturo ng mga punong sasardote at Fariseo. Hindi nila tinanggap ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus, at sa katapusan ay nawala nila ang pagliligtas ng Panginoong Jesus. Sa salita, naniwala sila sa Diyos, ngunit sa katunayan naniwala sila sa mga punong saserdote, eskriba at Fariseo. Subalit, nakita nina Pedro, Juan, Mateo, Felipe, at iba pa ang awtoridad at kapangyarihan na dala ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus at na ang mga ito ang katotohanan. Nakita nila na ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay mula sa Diyos kaya talagang sinundan nila Siya. Hindi sila sakop kahit kaunti lang ng pagkontrol ng mga Fariseo at sila ang tunay na sumunod at tumalima sa Diyos. Sa mga huling araw, ang tanging daan upang tunay na sundin at magpasakop sa Diyos ay ang tanggapin at magpasakop sa gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos, dahil isinasakatuparan nito ang propesiyang matatagpuan sa Aklat ng Pahayag: “Ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon” (Pahayag 14:4). Sa kasalukuyan, ginagampanan ng mga pinuno sa mga relihiyosong mundo ang papel ng mga Judiong Fariseo at ginagawa ang lahat ng pagsisikap upang parangalan ang mga salita ng tao sa Biblia, datapwa’t pinagtataksilan nila ang mga salita ng Panginoong Jesus. Ang katawa-tawa pa ay sinasamantala nila ang Biblia sa pagbanggit ng mga sipi nang wala sa konteksto upang kondenahin ang gawain na ginagawa ng Diyos sa mga huling araw-ginagawa nila ito upang linlangin, igapos, at kontrolin ang mga mananampalataya. Halimbawa, malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus na tanging “ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21) ang papasok sa kaharian ng langit. Datapwa’t sa mga pinuno sa relihiyosong mundo, sinasabi nila na ang tanging kailangang gawin ng isang tao sa kanyang pananampalataya ay ang magtrabaho nang mabuti at pagkatapos ay maaari siyang makapasok sa kaharian ng langit, at na ang kaharian ng langit ay isang bagay na puwersahang dadaklutin. Hinihingi sa atin ng Panginoong Jesus: “Sa Panginoon mong Dios sasamba ka” (Mateo 4:10), datapwa’t inililigaw ng ilang tinatawag na mga tanyag na tao ng relihiyon ang mga mananampalataya upang hanapin kung paano maging Diyos o hangarin ang maging hari at gumamit ng kapangyarihan sa lahat ng bansa at lahat ng tao, na ganap na katawa-tawa. Ang mga pinuno sa relihiyosong mundo ay naturingang gumagawa ng gawain para sa Panginoon at nangangaral ng mga sermon, ngunit sa katunayan ipinapalaganap lamang nila ang mga itinuturo ng tao at itinataguyod nila ang kanilang sariling mga ideya bilang katotohanan at hinahayaan tayong sumunod sa mga ideyang iyon. Katulad sila ng mga mapagpaimbabaw na Fariseo at pikit-mata nilang sinusubukang manguna sa daan. Nilalabanan nila si Cristo at sinasabing katapat sila ni Cristo; sila ay mga anticristo at gumagawa upang lumikha ng hiwalay at mga independiyenteng kaharian. Sa sandaling tayong mga mananampalataya ay magsimulang sumunod sa mga pinuno at sikat na tao sa relihiyosong mundo, magsisimula nating tahakin ang ating sariling landas at lilihis mula sa daan ng Panginoon; ito ay napakaseryosong pangyayari ng paglaban at pagtataksil sa Diyos. Kung hindi tayo magsisisi, siguradong isasantabi at aalisin tayo ng Diyos.
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.