Nagpapatotoo ka na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos na nagkatawang-tao na kasalukuyang gumagawa ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, pero sinasabi ng mga relihiyosong pastor at elder na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay sa katunayan gawain ng isang tao, at bukod pa roon, sinasabi rin ng maraming taong hindi nananalig sa Panginoong Jesus na ang Kristiyanismo mismo ay pananalig lang sa isang tao. Hindi pa rin namin mahiwatigan kung ano talaga ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao, kaya pakibahagi naman ito sa amin.
Sagot:
Talagang magkaiba ang gawain ng Diyos at ang gawain ng tao. Kung sisiyasatin nating mabuti makikita natin ito. Halimbawa, kung titingnan natin ang pagbigkas at gawain ng Panginoong Jesus at titingnan ang mga pagbigkas at gawain ng mga alagad, kitang-kita ang pagkakaiba. Bawat salitang binigkas ng Panginoong Jesus ay katotohanan at may kapangyarihan, at kayang ibunyag ang maraming misteryo. Hindi kailanman magagawa ng tao ito. Kaya napakaraming tao ang sumusunod sa Panginoong Jesus, samantalang ang gawain ng mga alagad ay kaya lang ipalaganap ang ebanghelyo, sumaksi sa Diyos, at tustusan ang iglesia. Napakalimitado ang lahat ng resulta. Kitang-kita ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao. Kaya, bakit hindi ito maiintindihan ng mga tao? Ano ang dahilan? Dahil hindi kilala ng tiwaling sangkatauhan ang Diyos at wala silang taglay na kahit anong katotohanan. Samakatuwid, hindi natin nakikita ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao, at madaling ituring ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao bilang gawain ng tao at madaling ituring ang gawain ng tao na hinahangaan natin at ang gawain ng masasamang espiritu, ang gawain ng mga huwad na Cristo at huwad na propeta bilang gawain ng Diyos na tatanggapin at susundin. Lumilihis ito sa totoong daan at tumututol sa Diyos, at itinuturing na pagsamba sa tao, pagsunod at pagsamba kay Satanas. Seryosong kasalanan ito sa disposisyon ng Diyos at isusumpa ng Diyos. Mawawala ng mga ganitong tao ang pagkakataong mailigtas. Kaya napakahalaga ng tanong na ito sa pagsisiyasat natin sa totoong daan at pagkilala sa gawain ng Diyos ng mga huling araw. Sa panlabas, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ang gawain ng mga taong ginagamit ng Diyos ay parehong parang tao ang gumagawa at nagsasalita. Pero malaki ang pagkakaiba ng diwa nila at uri ng gawain nila. Ngayon, dumating na ang Makapangyarihang Diyos at ibinunyag ang lahat ng katotohanan at misteryo at ang mga pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao. Ngayon lamang tayo may kaalaman at pagkakaintindi sa gawain ng Diyos at gawain ng tao. Tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng Diyos Mismo ay kinapapalooban ng gawain ng buong sangkatauhan, at ito ay kumakatawan din sa gawain ng buong kapanahunan. Ibig sabihin niyan, ang sariling gawain ng Diyos ay kumakatawan sa galaw at kalakaran ng lahat ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang ang gawain ng mga apostol ay sumusunod sa sariling gawain ng Diyos at hindi nangunguna sa kapanahunan, o kumakatawan man ito sa kalakarang gawain ng Banal na Espiritu sa isang buong kapanahunan. Ginagawa lamang nila ang gawain na dapat gawin ng tao, na hindi kinapapalooban kahit kailan ng gawaing pamamahala. Ang sariling gawain ng Diyos ay ang proyekto sa loob ng gawaing pamamahala. Ang gawain ng tao ay tanging ang tungkulin ng mga tao na ginagamit at walang kinalaman sa gawaing pamamahala” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao).
“Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong panahon, at ang mga nagpapatuloy sa Kanyang gawain ay ang mga tao na ginagamit Niya. Ang gawain na ginawa ng tao ay napapaloob sa ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao, at hindi kaya na lumampas sa ganitong saklaw. Kung ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi dumating upang gawin ang Kanyang gawain, ang tao ay walang kakayahan upang dalhin ang lumang kapanahunan sa katapusan, at hindi kayang maghatid ng isang bagong panahon. Ang gawain na ginawa ng tao ay tanging sa loob na saklaw ng kanyang tungkulin na posible sa tao, at hindi kumakatawan sa gawain ng Diyos. Tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang maaaring dumating at gawing ganap ang gawain na dapat Niyang gawin, at bukod sa Kanya, walang sinuman ang maaaring gawin itong gawain sa Kanyang ngalan. Siyempre, ang tinutukoy Ko ay ang tungkol sa gawain ng pagkakatawang-tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).
“Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ay magkakaroon ng diwa ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magkakaroon ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ilalahad Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at nagagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang katawan na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. …
“… Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, nagbubunyag ng mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang kaliwanagan na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa o kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o maibubunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, at ang tao ay may diwa ng tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).
“Ang nagkatawang-taong Diyos ay may malaking kaibahan mula sa mga tao na ginagamit ng Diyos. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kayang gawin ang gawain ng pagka-Diyos, samantalang ang mga tao na ginagamit ng Diyos ay hindi. Sa simula ng bawat isang kapanahunan, ang Espiritu ng Diyos ay personal na nagsasalita upang ilunsad ang bagong kapanahunan at dalhin ang tao sa isang bagong simula. Kapag natapos na Siya sa pagsasalita, nagpapahiwatig ito na ang gawain ng Diyos sa loob ng Kanyang pagka-Diyos ay tapos na. Pagkatapos noon, ang mga tao ay sumusunod lahat sa pangunguna niyaong mga ginamit ng Diyos upang pumasok sa karanasan ng kanilang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Mahalagang Kaibhan sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng mga Taong Kinakasangkapan ng Diyos).
“Kung ano ang ipinahahayag ng Diyos ay kung ano ang Diyos Mismo, at ito ay hindi kayang abutin ng tao, ibig sabihin, lampas sa pag-iisip ng tao. Ipinahahayag Niya ang Kanyang gawain ng pangunguna sa lahat ng sangkatauhan, at ito ay walang kaugnayan sa mga detalye ng karanasan ng tao, sa halip ay may kinalaman sa Kanyang sariling pamamahala. Ipinahahayag ng tao ang kanyang karanasan habang ipinahahayag naman ng Diyos kung ano Siya—ang kung ano Siya na ito ay ang Kanyang likas na disposisyon at hindi ito maaabot ng tao. Ang karanasan ng tao ay ang kanyang pagkakita at pagkakilala na nakamtan batay sa pagpapahayag ng Diyos ng kung ano Siya. Ang ganitong pagkakita at pagkakilala ay tinatawag na kung ano ang tao. Ang mga iyon ay ipinahahayag sa saligan ng likas na disposisyon ng tao at ng kanyang aktuwal na kakayahan; kaya ang mga iyon ay tinatawag ding kung ano ang tao. … Ang mga salita na sinabi ng nagkatawang-taong laman ng Diyos ay ang tuwirang pagpapahayag ng Espiritu at nagpapahayag ng gawain na nagawa ng Espiritu. Hindi ito naranasan o nakita ng katawang-tao, ngunit nagpapahayag pa rin ng kung ano Siya sapagkat ang diwa ng katawang-tao ay ang Espiritu, at ipinahahayag Niya ang gawain ng Espiritu” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao).
“Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay hindi kumakatawan sa karanasan ng Kanyang katawang-tao; ang gawain na ginagawa ng tao ay kumakatawan sa karanasan ng tao. Nagsasalita ang bawat isa tungkol sa kanyang pansariling karanasan. Maaaring tuwirang ipahayag ng Diyos ang katotohanan, habang maaari lamang ipahayag ng tao ang katumbas na karanasan pagkatapos maranasan ang katotohanan. Ang gawain ng Diyos ay walang anumang tuntunin, at hindi ito sakop ng panahon o heograpiyang hangganan. Maaari Niyang ipahayag kung ano Siya anumang oras, saanman. Gumagawa Siya ayon sa Kanyang ikinasisiya. Ang gawain ng tao ay mayroong mga kalagayan at nilalaman; kung hindi, hindi siya makakagawa at hindi makakapagpahayag ng kanyang pagkakilala sa Diyos o ng kanyang karanasan sa katotohanan. Kailangan mo lamang na ihambing ang pagkakaiba sa pagitan ng mga ito upang masabi kung ito ay sariling gawain ng Diyos o gawain ng tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao).
“Kung tao ang gagawa ng gawaing ito, kung gayon ito ay magiging masyadong limitado: Maaaring madala nito ang tao sa isang tukoy na punto, ngunit hindi nito makakayang dalhin ang tao sa walang-hanggang hantungan. Hindi kayang pagpasyahan ng tao ang kanyang tadhana, ni, higit pa rito, kaya niyang tiyakin ang mga pagkakataon ng tao at hinaharap na hantungan. Ang gawain na ginagawa ng Diyos, gayunman, ay naiiba. Yamang nilikha Niya ang tao, pinangungunahan Niya ito; yamang inililigtas Niya ang tao, ililigtas Niya siya nang lubos, at ganap na kakamtin siya; yamang pinangungunahan Niya ang tao, dadalhin Niya siya sa wastong hantungan; at yamang nilikha Niya at pinamamahalaan ang tao, kailangang akuin Niya ang pananagutan sa kapalaran at mga pagkakataon ng tao. Ito nga ay ang gawaing ginagawa ng Lumikha” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan).
Pinalinaw nang mabuti ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kaibahan ng gawain ng Diyos at gawain ng tao. Dahil magkaiba ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao at ang mga taong ginagamit ng Diyos, malaki rin ang pagkakaiba ng gawain nila. Parang ordinaryo at normal na tao sa panlabas ang Diyos na nagkatawang-tao, pero Siya ang Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao. Samakatuwid mayroon Siyang banal na substansya at taglay ang awtoridad, kapangyarihang walang hanggan, at karunungan ng Diyos. Kayang ipahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ang mga katotohanan sa Kanyang gawain at ipahayag ang matuwid na disposisyon ng Diyos at lahat ng kung anong mayroon at kung ano Siya, at simulan ang bagong panahon at tapusin ang luma, at ibunyag ang lahat ng misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos, ipinahahayag ang mga intensyon ng Diyos at mga kinakailangan ng Diyos sa tao. Katotohanan ang lahat ng salita ng Diyos na nagkatawang-tao at pwedeng maging buhay ng tao at baguhin ang disposisyon ng buhay ng tao. Kayang lupigin at linisin ang tao ng salita ng Diyos na nagkatawang-tao at iligtas ang tao sa impluwensiya ni Satanas, at dalhin ang sangkatauhan sa magandang hantungan. Walang sinuman ang makagagawa ng ganoong epekto. Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay gawain ng Diyos Mismo, at hindi mapapalitan ng sinuman. Sa kabilang dako, ang diwa ng tao na ginagamit ng Diyos ay tao. Mayroon lang silang pagkatao at hindi taglay ang banal na diwa ni Cristo, kaya hindi nila maipahayag ang mga katotohanan o disposisyon ng Diyos at lahat ng kung anong mayroon at kung ano Siya. Masasabi lang nila ang personal na kaalaman nila sa mga salita ng Diyos batay sa mga pagbigkas at gawain ng Diyos, o sabihin ang kanilang mga sariling karanasan at pagpapatotoo. Kinakatawan ng lahat ng kanilang kaalaman at pagpapatotoo ang kanilang personal na pag-intindi sa mga salita ng Diyos. Kahit gaano pa kataas ang kanilang kaalaman o gaano katumpak ang kanilang mga salita, hindi masasabing katotohanan ang sinasabi nila, at lalong hindi masasabing mga salita ng Diyos, kaya hindi maaaring maging buhay ng tao ito at makapagbibigay lang sa tao ng tulong, panustos, suporta, at pagtuturo, hindi makakamit ang mga resulta ng paglilinis sa tao, pagliligtas sa tao, at pagpeperpekto sa tao. Samakatuwid, hindi kayang gawin ng taong ginagamit ng Diyos ang gawain ng Diyos Mismo at kaya lamang makipagkasundo sa Diyos upang tuparin ang tungkulin ng tao.
Pagdating sa pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao, magbigay tayo ng aktwal na halimbawa para mas malinaw ito sa lahat. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinangaral ng Panginoong Jesus ang daan ng pagsisisi, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit,” ibinubunyag ang mga misteryo ng kaharian ng langit. At personal Siyang ipinako bilang handog para sa kasalanan para sa tao, pinagkukumpisal at pinagsisisi ang tao, at pinapatawad ang mga kasalanan ng tao, pinapatawad ang tao mula sa paghatol at sumpa ng kautusan para maging karapat-dapat tayong humarap sa Diyos na magdasal at makipagniig sa Diyos, at tamasahin ang saganang biyaya at mga katotohanan ng Diyos, at hayaan tayong makita ang mapagmahal at maawaing disposisyon ng Diyos. Sinimulan ng gawain ng Panginoong Jesus ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ito ang bahagi ng gawain ng Diyos para sa Kapanahunan ng Biyaya. Matapos makumpleto ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, inakay ng Kanyang mga alagad ang mga piniling tao ng Diyos para maranasan at isagawa ang mga salita ng Panginoong Jesus batay sa Kanyang mga pagbigkas at gawain, ipinapalaganap ang mga pagpapatotoo sa Kanyang pagliligtas at ipinapangaral ang Kanyang ebanghelyo ng pagtubos sa sangkatauhan sa buong mundo. Ito ang gawain ng mga alagad sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawain din ng mga taong ginamit ng Diyos. Ipinapakita nito sa atin na may pagkakaiba sa diwa ng gawain ng Panginoong Jesus at ng gawain ng mga alagad. Ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ang lahat ng katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan, ibinubunyag ang lahat ng misteryo ng 6,000-taon ng plano ng pamamahala ng Diyos, isinasagawa ang gawain ng paghatol magmula sa bahay ng Diyos hanggang sa lubusang inililigtas ang sangkatauhan mula sa impluwensiya ni Satanas, ipinapakita sa tao ang matuwid, maringal, puno ng poot, at hindi naaagrabyadong disposisyon ng Diyos, para makalaya ang tiwaling sangkatauhan mula sa kasalanan, matamo ang pagdadalisay, at makamit ng Diyos. Sinimulan ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ang Kapanahunan ng Kaharian at tinapos ang Kapanahunan ng Biyaya. Ito ang gawain ng Diyos para sa Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng taong ginagamit ng Diyos, batay sa gawain at salita ng Makapangyarihang Diyos, ay diligan at pastulan ang mga napiling tao ng Diyos, inaakay silang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos at sa tamang daan ng paniniwala sa Diyos, at ipalaganap at magpatotoo sa ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng pagbaba ng kaharian. Ito ang gawain ng tao na ginagamit ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Ipinapakita nito sa atin na ang gawain ng Diyos sa dalawang pagkakataong nagkatawang-tao Siya ay ang gawain ng pagsisimula ng isang panahon at pagtatapos ng isa pa. Nakatuon ang Kanyang gawain sa lahat ng sangkatauhan at ang lahat ay yugto ng gawain para sa pagkumpleto sa plano ng pamamahala ng Diyos. Ito mismo ang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Pinatutunayan ng gawain ng Diyos sa dalawang pagkakataong nagkatawang-tao Siya na ang Diyos lang ang makapagpapahayag ng katotohanan sa Kanyang gawain para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Walang taong makagagawa ng gawain ng Diyos. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makagagawa ng gawain ng Diyos. Sa mga pagkakataong nagkatawang-tao ang Diyos, pinapatotohanan Niya na si Cristo lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Bukod sa Diyos na nagkatawang-tao, walang sinumang makagagawa ng gawain ng Diyos Mismo. Hindi nila kayang magsimula ng mga bagong panahon, tumapos ng mga lumang panahon, at iligtas ang sangkatauhan. Kaya lamang umayon ang gawain ng mga taong ginagamit ng Diyos sa gawain ng Diyos, para akayin, pastulan ang mga napiling tao ng Diyos at tuparin ang tungkulin ng tao. Kahit ilang taon pang nagtrabaho ang tao o gaano karami ang sinabing salita, o gaano kahusay ang kanilang trabaho sa panlabas, ang lahat ng diwa nito ay gawain ng tao. Katotohanan iyan. Iyan ang pangunahing pagkakaiba ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ang gawain ng mga tao na ginagamit ng Diyos.
Ipinabatid sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang malaking pagkakaiba ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao. Ngayon lamang natin nalalaman na habang gumagawa ang Diyos na nagkatawang-tao kaya Niyang magpahayag ng mga katotohanan, ipahayag ang disposisyon ng Diyos at lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kung tatanggapin at mararanasan natin ang gawain ng Diyos maiintindihan natin ang katotohanan, at maiintindihan ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos, ang diwa ng Diyos, ang mga intensyon ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, ang mga paraan ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, at pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan nang higit pa. Kasabay nito, maiintindihan din natin ang diwa, kalikasan at katotohanan ng pagtiwali sa atin ni Satanas. Sa gayon, makakamit ng ating tiwaling disposisyon ang pagdadalisay at pagbabago, at magkakaroon tayo ng totoong pagsunod at takot sa Diyos, at makakamit ang pagliligtas ng Diyos. Gayunpaman, ganap na magkaiba ang gawain ng tao at ang gawain ng Diyos. Dahil hindi maipapahayag ng tao ang katotohanan at masasabi lamang ang kanilang mga personal na karanasan at kaalaman tungkol sa mga salita ng Diyos, kahit na umaayon ito sa katotohanan, magagabayan, maipapastol, masusuportahan, at matutulungan lamang nito ang mga napiling tao ng Diyos. Ipinapakita nito na kung aprubado ng Diyos ang isang tao, ang gawaing ginagawa nila ay ang makipag-ugnay lamang sa gawain ng Diyos at tuparin ang tungkulin ng tao. Kung hindi ito tao na ginagamit ng Diyos, tao na hindi taglay ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon sila ay tao na nagbubunyi sa mga kaloob, talento, at katanyagan ng tao. Kahit kapag ipinaliliwanag nila ang Biblia, ipinagbubunyi nila ang mga salita ng tao sa Biblia, at pinawawalang-kabuluhan ang mga salita ng Diyos at ginagamit ang mga salita ng tao upang palitan ang mga salita ng Diyos. Ang gawain ng ganoong mga tao ay gawain ng mga Fariseo at gawaing pagtutol sa Diyos. Pangunahing napapabilang ang gawain ng tao sa dalawang magkaibang sitwasyong ito. Ano man ang mangyari, ang pinakamalaking pagkakaiba ng gawain ng tao at gawain ng Diyos ay ito: Kung gawain lang ito ng tao, hindi nito makakamit ang mga resulta ng paglilinis at pagliligtas sa tao. Tanging ang Diyos ang kayang magpahayag ng katotohanan sa Kanyang gawain at tanging ang Kanyang gawain ang makakakamit sa mga resulta ng pagdadalisay at pagliligtas sa tao. Katotohanan iyan. Ang pangunahing pinag-uusapan natin dito ay ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at ang gawain ng mga taong ginagamit ng Diyos. Ibang usapan ang gawain ng mga pinuno ng relihiyon na hindi ginagamit ng Diyos.
Kitang-kita ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao, kaya bakit sinasamba at sinusunod pa rin natin ang tao sabay naniniwala sa Diyos? Bakit napakarami pa ring mga tao ang tumuturing sa gawain ng mga sinasamba nila, tulad ng mga kilalang espiritwal na pinuno at pinuno ng relihiyon bilang gawain ng Diyos? Bakit may mga tao pang tumuturing sa panlilinlang ng mga huwad na Cristo at masasamang espiritu bilang gawain ng Diyos? Dahil hindi natin taglay ang katotohanan at hindi makikita ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao. Hindi natin alam ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao at ang diwa ng tao, hindi alam kung paano uunawain ang katotohanan, ano ang umaayon sa katotohanan. Hindi natin mapapagkaiba ang tinig ng Diyos at mga binibigkas ng tao, at nagawang tiwali tayo ni Satanas at sinasamba nating lahat ang kaalaman at mga kaloob, kaya napakadaling ituring ang kaalaman sa biblia, mga relihiyosong doktrina, at teolohikal na teorya na mula sa tao bilang katotohanan. Ang pagtanggap natin sa mga bagay na ito na hindi kabilang sa katotohanan at mula sa tao ay pwedeng makadagdag sa kaalaman natin, pero hindi ito nakakatulong sa ating buhay, at hindi makakamit ang mga epekto ng pagkilala at takot sa Diyos. Hindi maikakaila ito. Kaya kahit gaano pa karaming trabaho ang ginagawa ng isang tao, gaano karami ang sinasabi ng tao, gaano man katagal magtrabaho ang tao, o gaano kagaling ang trabaho, hindi nito makakamit ang resulta na paglilinis at pagliligtas sa tao. Hindi magbabago ang buhay ng tao. Ibinubunyag nito na hindi kailanman mapapalitan ng gawain ng tao ang gawain ng Diyos. Ang Diyos lamang ang magkapagliligtas sa tao. Kahit maikli ang panahon ng gawain ng Diyos at limitado ang mga salitang binibigkas Niya, makapagsisimula pa rin ito ng panahon at makatatapos ng panahon, at kayang makamit ang mga resulta ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang lantad na pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao. Kapag naintindihan lamang natin ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao na hindi na natin pikit-matang sasambahin at susundan ang tao, at mauunawaan at matatanggihan ang panlilinlang at pagkontrol ng mga huwad na Cristo at anticristo. Sa ganitong paraan, matatanggap at masusunod natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, at matatamo ang paghatol at pagdalisay ng Diyos para makamit ang pagliligtas ng Diyos. Kung hindi makikita ng tao ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao, hindi tayo makakalaya sa panlilinlang at pagkontrol ng mga huwad na Cristo at anticristo. Naniniwala ang ganoong mga tao sa Diyos sa pangalan lamang, pero sa totoo’y naniniwala sa tao, sinusunod, at sinasamba ang tao; mga idolo ang sinasamba natin. Ito ay pagtutol sa Diyos at pagtataksil sa Diyos. Kung tatanggi pa rin silang aminin ang mali sa kanilang mga ginagawa, sa bandang huli’y isusumpa sila ng Diyos at aalisin sila ng Diyos dahil sa pagkakasala sa disposisyon ng Diyos.
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
Kung hindi natin makikilatis ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at gawain ng tao, o ang pagkakaiba sa pagitan ng mga taong ginagamit ng Diyos at ng mga mapagpaimbabaw na Fariseo, ay masasadlak tayo sa pagsamba at pagsunod sa mga tao at madaling malilihis sa tunay na landas! Magiging tulad noong dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, at ang mga piniling tao ng Diyos sa Judaismo ay sumunod lahat sa mapagkunwaring mga Fariseo, at tinatalikuran Siya. Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol. Sa relihiyosong mundo, ang mga pastor at lider, ang mga modernong Fariseo, ay nanlilinlang, namimigil, at nagkukulong ng napakaraming tao, tinuturuan silang talikuran si Cristo ng mga huling araw. Isang matinding aral ito na dapat nating matutunan. Ang sundin ang Diyos, dapat nating malaman ang kakanyahan ng mga relihiyosong pinuno. Iyon ay walang iba kundi mga mapagkunwaring Fariseo. Gumagawa sila sa pamamagitan ng kanilang mga handog at talento, binibigyang kahulugan ang Biblia alinsunod sa kanilang mga sariling pagkaunawa, imahinasyon, at lohikal na pangangatwiran. Ang ipinangangaral nila ay walang iba kundi mga teorya ng teolohiya at pag-aaral ng Biblia. Binibigyang-pansin lamang nila ang pagbigay-kahulugan at pangangaral sa mga salita ng tao sa Biblia, sa halip na ipagbunyi at magpatotoo sa mga salita ng Diyos. Ginagamit nila ang mga salita ng tao upang palitan ang mga salita ng Panginoong Jesus, ginawang isang simpleng pigura ang Panginoon. Lubos na salungat ang gawaing ito sa kalooban ng Diyos. Ang kabuuan ng pagsalungat ng Fariseo sa Diyos ay narito. Nahuhulog ang lahat ng relihiyosong tao sa pamumuno at pagpapastol ng mga Fariseo, at sumunod sila nang walang taros. Maraming taon silang naniniwala sa Diyos, ngunit hindi kailanman tumatanggap ng anumang pagkain ng katotohanan o buhay. Kaya lamang nilang umasa na makakuha ng ilang kaalaman tungkol sa Biblia at mga teoriya sa teolohiya. Mas lalo silang nagiging mapagmataas, mapagmagaling, at mapanlait sa disposisyon, at wala ng pinakamaliit na halaga ng paggalang sa Diyos. Unti-unti, nawawala ng Diyos ang Kanyang posisyon sa kanilang mga puso, at lingid sa kanilang kaalaman, tinatahak nila ang landas ng mga Fariseo salungat sa Diyos. Lalo na, maraming pinuno ng relihiyon at personalidad na inililigaw sa konteksto ang Biblia at mali ang pakahulugan dito, ikinakalat ang erehiya at maling ideya na sumasang-ayon sa mga pagkaunawa at imahinasyon ng tao at binubusog ang kanilang ambisyon at pagnanais upang linlangin, ibilanggo, at manipulahin sila. Maraming tao na tinatrato ang mga erehiya at maling ideyang ito na parang salita ng Diyos, ang katotohanan. Dinadala sila sa maling landas. Ang mga relihiyosong pinunong ito at mga tinatawag na sikat na tao ay walang dudang mga anticristo na inilantad ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Sapat ang mga katotohanang ito upang patunayan na ang gawain ng mga tinatawag na relihiyosong pinuno at mga espirituwal na personalidad ay hindi galing sa gawain ng Banal na Espiritu. Sa halip, mga Fariseo at anticristo lamang ang nililinlang tayo at sinasaktan. Lahat sila ay tumitindig nang salungat sa Diyos at ipinagkakanulo Siya. Sila ang mga muling nagpako sa Diyos sa krus, at isinumpa sila ng Diyos!
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
Mayroong tatlong pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao. Ang unang pagkakaiba ay ang kinapapalooban ang gawain ng Diyos ng pagsisimula at pagtatapos ng mga kapanahunan. Kaya, ang Kanyang gawain ay nakadirekta sa buong lahi ng tao. Hindi ito nakatuon sa isang bansa lamang, isang lahi lamang o isang partikular na lahi ng tao. Ito ay para sa kabuuan ng lahi ng tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay tinak na nakakaapekto sa buong sangkatauhan. Naririto ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Diyos at gawain ng tao. Noong Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang Panginoong Jesus at gumanap ng isang yugto ng gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Pagkatapos mapako sa krus ang Panginoong Jesus, na pagtupad sa gawain ng pagtubos, sinimulang gabayan ng Banal na Espiritu ang mga hinirang na tao ng Diyos upang sumaksi sa Panginoong Jesus at sa huli ay ipinalaganap ang Kanyang gawain sa kabuuan ng lahi ng tao. Kaya ang ebanghelyo ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay lumaganap sa mga dulo ng lupa—pinatutunayan nito na ito ay ang gawain ng Diyos. Kung ito ay naging gawain ng tao, tiyak na hindi ito lalaganap sa mga dulo ng lupa. Dalawang libong taon ang pagitan ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kaharian. Sa loob ng dalawang libong taong iyon, walang sinuman ang nakita na nakagawa sa pagsisimula ng isang bagong Kapanahunan. Bukod dito, walang sinuman ang nakagawa ng anumang uri ng natatanging gawain na lalaganap sa kabuuan ng mga bansa sa mundo. Walang gayong mga halimbawa ng ganito hanggang ang Diyos ay naging katawang-tao sa mga huling araw upang ganapin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang pambungad na yugto ng gawain ng Diyos ay nagiging matagumpay na sa Tsina—ang dakilang proyekto ng Diyos ay nagiging ganap na, at ang Kanyang gawain ay nagsisimula nang lumawak sa lahat ng sulok ng globo. Sa ganitong paraan lalo pa nating mapatutunayan na ang lahat ng gawain ng Diyos ay nakatuon sa kabuuan ng sangkatauhan. Sinisimulan ng Diyos ang Kanyang sinusubok na gawain sa isang bansa, at pagkatapos na iyon ay matagumpay na naisasakatuparan, nagsisimulang lumawak ang gawain ng Diyos at naaabot ang kabuuan ng sangkatauhan. Ito ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Diyos at gawain ng tao. …
Ang ikalawang pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Diyos at gawain ng tao ay ang ipinahahayag ng gawain ng Diyos na kung ano ang Diyos. Ito ay ganap na kumakatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang lahat ng ipinahahayag ng Diyos ay ang lubos na katotohanan, ang daan at ang buhay. Kinikilala ng lahat ng nakakaranas sa gawain ng Diyos ang pagkamakatuwiran, kabanalan, pagka-makapangyarihan sa lahat, karunungan, kahiwagaan at ang pagiging-di-maarok ng Diyos. Ang ipinahahayag ng gawain ng tao ay ang karanasan at pagkaunawa ng tao—kumakatawan ito sa pagkatao ng tao. Gaano man karaming gawain ang gawin ng tao o gaano man ito kalaki, walang anuman dito ang nagiging katotohanan sa anumang paraan. Ito ay nagiging isang pagkaunawa o karanasan lamang ng tao sa katotohanan—tiyak na hindi masasabi na ito ang buong katotohanan o na kinakatawan nito ang katotohanan. …
Ang ikatlong aspeto ng mga pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Diyos at gawain ng tao ay na ang gawain ng Diyos ay may tahlay na kapangyarihan upang lupigin ang mga tao, baguhin ang mga tao, baguhin ang kanilang mga disposisyon at palayain sila mula sa impluwensya ni Satanas. Gaano man karaming karanasan at pagkaunawa mayroon ang tao sa salita ng Diyos, ang kanyang gawain ay hindi makapagliligtas ng mga tao. Dagdag pa rito, hindi nito nababago ang diposisyon ng ibang tao. Ito ay dahil sa ang salita ng Diyos ay ang katotohanan at tanging ang katotohanan ang magiging buhay ng isang tao. Ang salita ng tao, sa pinakamainam, ay isang pagkaunawa na naaayon sa katotohanan. Panandalian lamang nitong matutulungan at mapalalakas ang iba, nguni’t hindi ito magiging buhay ng isang tao. Iyon ang dahilan kung bakit naililigtas ng gawain ng Diyos ang tao at ang gawain ng tao ay hindi nakapagbibigay ng kaligtasan sa sinuman. Napagbabago ng gawain ng Diyos ang mga disposisyon ng mga tao habang walang kakayahan ang gawain ng tao na baguhin ang disposisyon ng sinuman. Nakikita ito nang malinaw ng lahat ng mga mayroong karanasan. Pangunahin ng, gaano man karaming gawain ng Banal na Espiritu mayroon ang isang tao, kahit na siya ay gumagawa sa gitna ng mga tao sa loob ng maraming taon, hindi natatamo ng kaniyang gawain ang pagbabago sa kanilang mga disposisyon. Wala itong kakayahang tulungan silang matamo ang ganap at tunay na kaligtasan. Ito ay tiyak. Ang gawain lamang ng Diyos ang nakagagawa nito. Kung ang tao ay matagumpay sa kaniyang karanasan at paghahabol ng katotohanan, matatanggap niya ang gawain ng Banal na Espiritu at magtatamo ng pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay. Makakamit niya ang isang tunay na pagkaunawa sa kaniyang sariling tiwaling esensya. Sa katapusan, mapalalaya niya ang kaniyang sarili mula sa impluwensya ni Satanas at makakamit ang kaligtasan mula sa Diyos. Ito ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng tao at ng gawain ng Diyos.
—mula sa “Ang mga Kaibhan sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at ng Tao” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay II
Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao ay nakasalalay sa katunayan na ang Diyos ay maaaring magsimula at magtapos ng mga kapanahunan. Tanging ang Diyos Mismo ang maaaring gumawa ng gawaing iyon; ang mga tao ay hindi kaya. Bakit hindi maaaring gawin ng mga tao ang gawaing ito? Sapagkat ang mga tao ay walang katotohanan, at sila ay hindi katotohanan; tanging ang Diyos ang katotohanan. Hindi mahalaga kung gaano man umaayon ang pagsasalita ng mga tao sa katotohanan, gaano katayog ang kanilang pangangaral, o gaano nila naiintindihan, iyon ay maliit lamang na karanasan at kaalaman sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, at ito ay isa lamang limitadong bagay na natamo nila sa pamamagitan ng pagdadanas ng gawain ng Diyos. Hindi ito tumpak na katotohanan. Samakatuwid, gaano man karami ang katotohanang naiintindihan ng isang tao, hindi niya maaaring magawa ang gawain ng pagsisimula at pagtatapos ng mga kapanahunan. Ito ay pinasyahan ng substansya ng mga tao. …
Lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang tao at kanyang pagkatao, gaano man kataas o kabuti ang kanyang pagkatao, ay limitadong bagay pa rin na dapat na taglay ng normal na pagkatao; ito ay hindi maaaring ihambing sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, at hindi maaaring ihambing sa realidad ng katotohanan na inihahayag ng Diyos. Ito ay ang pagkakaiba sa pagitan ng langit at lupa; ang tao kung gayon ay hindi maaaring gawin ang gawain ng Diyos. … Anuman ang kadakilaan ng gawaing ginagawa mo, maging ilang taon ka gumawa, ilang taon ka gumawa nang higit sa ginawa ng nagkatawang-taong Diyos, o gaano man mas marami ang mga salita na iyong sinabi kaysa sa sinabi Niya, nguni’t ang aktwal na mga bagay na sinasabi ng lahat ng iyong mga salita ay kung ano ang mayroon lamang at kung ano ang tao. Ang mga ito ay maliliit lamang na karanasan ng tao at kaalaman sa mga salita at katotohanan ng Dioys. Ang mga ito ay hindi maaaring maging mismong buhay ng isang tao. Kaya kahit ang isang tao ay magbigay ng maraming sermon na itinuturing ng mga tao na matayog, at gaano man ang dami ng gawain niya, anuman ang inilalabas niya ay hindi katotohanan, at hindi ito ang pinakatumpak na pagpapahayag ng katotohanan; lalong hindi maaari itong magdala pasulong sa lahat ng sangkatauhan. Kahit ang pagsasalita ng tao ay may taglay na kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, ito ay magpapatibay lamang ng kaunti sa mga tao, at magbibigay ng kaunti sa kanila. Ito ay maaaring magdala ng ilang tulong lamang sa mga tao sa isang partikular na panahon at wala nang higit pa. Ito ang resulta na maaaring matamo sa pamamagitan ng gawain ng tao. Bakit, kung gayon, na ang gawain ng tao ay di maaaring magkamit ng katulad na mga resulta ng sa gawain ng Diyos? Ito ay dahil ang diwa ng tao ay hindi ang katotohanan; mayroon itong ilang mga bagay na kung anong mayroon at kung ano ang normal na pagkatao. Ito ay napakalayo sa kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, labis na malayo mula sa katotohanang inihahayag ng Diyos. Sa ibang salita, kung ang tao ay lalayo mula sa gawain ng Diyos at ang Banal na Espiritu ay huminto sa paggawa, ang gawain ng tao ay mababawasan at mababawasan ang pakinabang sa iba at ang mga tao ay unti-unting mawawalan ng daan. Mayroong ilang kitang-kita na kalalabasan na tanging ang gawain ng Diyos ang maaaring magkamit at hindi kailanman kaya ng gawain ng tao: Anuman ang gawin ng tao, ang disposisyon sa buhay ng tao ay hindi maaaring magbago; anuman ang gawin ng tao, ang mga tao ay hindi maaaring magawa na totoong malaman ang Diyos; anuman ang gawin ng tao, ang tao ay hindi maaaring maging madalisay. Lahat ng ito ay tiyak. Ang ilan ay nagsasabi: “Iyon ay dahil sa maikling panahon ng gawain.” Iyon ay mali! Kahit ang mahabang panahon ay hindi sapat. Ang gawain ba ng tao ay magpapahintulot sa tao na magkamit ng kaalaman sa Diyos? Hindi mahalaga kung gaano karaming taon ka nanguna sa ibang tao, hindi mo maidudulot na malaman nila ang Diyos. Ating isaalang-alang ang ilang halimbawa. Maaari bang ang gawain ni Pablo ay magdulot sa tao na malaman ang Diyos? Maaari bang ang napakaraming mga liham ng mga apostol sa Bagong Tipan ay magdulot sa tao na malaman ang Diyos? Ang napakarami bang propeta at lingkod ng Diyos ng Lumang Tipan ay nagdudulot sa mga tao na malaman ang Diyos? Wala sa kanila ang makakagawa. Ang mga resulta na maaaring makamit ng gawain ng tao ay labis na limitado. Sila ay maaari lamang gumawa ng hindi hihigit sa pagpapanatili ng isang panahon ng gawain ng Diyos. … Ang gawain ng tao ay hindi maaaring tumulong sa tao na malaman ang Diyos, ang gawain ng tao ay hindi maaaring bumago sa disposisyon ng tao, at ang gawain ng tao ay hindi maaaring tumulong sa tao na makamit ang pagdadalisay. Ito ay ebidensiya. Ano naman ang tungkol sa pagdating sa gawain ng Diyos sa panahon ng mga huling araw? Parami nang parami ang mga patotoo mula sa hinirang na bayan ng Diyos sa sumasailalim sa gawain ng Diyos. Napakaraming tao ang nalupig na at iniwan ang lahat upang sumunod sa Diyos, napakaraming tao ang matunog nang sumaksi, at napakaraming tao ang nagsulat na ng kanilang sariling mga karanasan sa buhay; mayroong patotoo sa lahat ng aspeto. Ilang tao na may walo o sampung taong karanasan ay kaybuting sumasaksi, at ang mga iba ay may tatlo hanggang limang taon ng karanasan at sumasaksi nang kaybuti. Kaya, kung ang mga taong ito na sumaksi ay may sampu o dalawampung higit pang taon ng karanasan, anong uri iyon ng pagsaksi? Ito ba ay mas matunog at mas maluwalhati na pagsaksi? Ito ba ay resulta na nakamit ng gawain ng Diyos? Hindi ba totoo na ang resulta na nakamit sa sampung taon ng gawain ng Diyos ay higit sa resulta ng daang taon, o libong taon ng gawain ng tao? Ano ang inilalarawan nito? Tanging ang gawain ng Diyos ang maaaring magkamit ng layunin at resulta na sagipin ang tao, baguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, habang gaano man kadaming mga taon ang gawain ng tao, ang ganitong uri ng resulta ay hindi makakamtan. Ano ang maaaring makamtan ng gawain ng tao sa huli? Tanging ang mga tao ay hahangaan, irerekomenda, at tutularan ang tao na ito. Sa pinakamalaki, ang mga tao ay may kaunting mabuting pag-uugali at wala nang higit pa; ang pagbabago ng disposisyon sa buhay ay hindi makakamit, pagpapasakop sa Diyos at kaalaman sa Diyos ay hindi maaaring makamtan, ang pagkatakot sa Diyos at pananatiling malayo sa kasamaan ay hindi maaaring makamtan, totoong pagdadalisay at pagkakita sa Diyos ay hindi makakamtan. Ang mga resulta nitong maraming makabuluhang aspeto ay hindi makakamtan.
Sa isang banda, sa gawain ng Diyos ay maaari nating madiskubre kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, maaaring makita ang disposisyon ng Diyos, at maaaring malaman ang karunungan at pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos. Ito ang resulta na maaaring makamtan nang direkta mula sa mga salita ng Diyos. At saka, ang salita ng Diyos ay maaaring maging buhay ng tao. Kapag mayroon tayong totoong karanasan at pagkaunawa sa salita ng Diyos, ang isang pusong may paggalang para sa Diyos ay lalago sa loob natin, kaya tayo ay maaaring kumuha ng walang tigil nating tustos ng buhay na tubig sa salita ng Diyos, at habang ang salita ng Diyos ay nag-uugat sa atin, magagawa nating palaging isabuhay ang pagsaksi na hinihingi ng Diyos sa atin sa lahat ng oras. Iyon ay, magiging mismong buhay natin ang Kanyang mga salita. Ang salita ng Diyos ay ang ating hindi nauubos at walang hanggang bukal ng buhay. At ano ang sa gawain ng tao? Gaano man katama o gaano man naaayon sa katotohanan ang mga salita ng tao, hindi nakakapagsilbi ang mga ito bilang mismong buhay para sa iba; ang mga ito ay maaari lamang magbigay sa tao ng pansamantalang tulong at pagbibigay-sigla. Nakukuha ba ninyo ito, oo? Ito ba ang kaibahan sa pagitan ng gawain ng tao at gawain ng Diyos? Ibig sabihin, ang tao ay naghahayag lang ng kung ano siya, at ang Diyos ay naghahayag lahat ng kung ano Siya. Ang magagawa lamang ng tao ay magdala ng benepisyo at pagpapatibay sa tao, samantalang ang dinadala ng Diyos sa tao ay walang hanggang tustos ng buhay-ang mga pagkakaiba ay ganoon kalaki. Kung iwan natin ang tao, makakalakad pa tayo; kung wala ang salita ng Diyos, mawawala sa atin ang ulo ng bukal ng buhay. Kaya nga sinabi ng Diyos, “Si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Ang mga salita ng Diyos ay ang ating kayamanan, ang ating dugong-buhay, na hindi sapilitan kaninuman. Sa mga salita ng Diyos, tayo ay may direksyon sa ating mga buhay, tayo ay may layunin sa ating mga buhay, at ang ating mga buhay ay may mahalagang pagkukunan at ang mga ito ay mga prinsipyo sa ating pamumuhay.
—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.