Nagpapatotoo ka na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay ang mga pagbigkas mula sa mismong bibig ng Diyos, ngunit naniniwala kami na mga salita ito ng isang taong naliwanagan ng Banal na Espiritu. Samakatwid, ang gusto kong alamin ay, ano ba talaga ang kaibhan sa pagitan ng mga salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao at ng mga salitang sinabi ng isang taong may pagliliwanag ng Banal na Espiritu?
Sagot:
Lahat ng ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, at Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay talagang binigkas ng Makapangyarihang Diyos, na siyang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus. Lahat ng may puso at espiritu ay buong-puso itong tatanggapin kapag nakita ang Kanyang salita, kikilalanin na ito ang tinig ng Diyos, at yuyukod sa harap ng Diyos. Gayunman, may ilang tao pa ring naniniwala na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay mga salita lamang na isinulat ng isang tao na kinasihan ng Banal na Espiritu, at hindi sila naniniwala na ito ang aktuwal na salita ng Diyos. Ipinapakita nito na hindi komo nananalig tayo sa Diyos ay kilala na natin ang Diyos, na hindi natin matukoy ang salita ng Diyos sa mga salita ng tao, at na hindi rin natin matukoy nang malinaw ang mga salitang naaayon sa katotohanan mula sa aktuwal na katotohanan. Katunayan, napakalinaw ng pagkakaiba ng mga salitang naaayon sa katotohanan sa aktuwal na katotohanan. Ang salita ng Diyos ay katotohanan at walang makakapagkaila roon, ngunit ang mga salita ng tao, kung tutuusin, ay naaayon lamang sa katotohanan. Kung ikukumpara ng isang tao ang mga salita ng tao na naaayon sa katotohanan sa salita ng Diyos, wala nga kayang pagkakaiba? Talaga bang hindi niya makikita ang pagkakaiba? Masasabi ba na taglay ng isang tao ang katotohanan kung naranasan na nila ang salita ng Diyos at may kaalaman na sila sa Kanyang salita? Kung nagsasalita ang isang tao ng mga salitang naaayon sa katotohanan, ibig bang sabihin ay nagpapahayag siya ng katotohanan? Maraming sinabi ang mga banal noong araw na naaayon sa katotohanan; maaari bang talakayin ang mga salitang iyon na katulad ng katotohanang ipinahayag ng Diyos? Nakikita ng mga tunay na nakakaunawa sa katotohanan at nakikilala ang katotohanan na may napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng mga salitang naaayon sa katotohanan at ng katotohanan mismo. Yaon lamang mga hindi nakakaunawa sa katotohanan, o hindi ito nakikilala, ang naghahalo sa dalawa. Kung tutukuyin natin ang mga salitang naaayon sa katotohanan mula sa katotohanan, kailangan nating maunawaan kung ano talaga ang katotohanan. Nabasa na nating mga nananalig sa Panginoon ang marami sa Kanyang mga salita, kinikilala natin ang awtoridad at kapangyarihang iyon ng Kanyang mga salita, at nadarama rin natin na ang salita lamang ng Panginoon ang katotohanan. Hindi natin lubos na mararanasan ang katotohanan kailanman, at gaano man karami ang ating karanasan o kalaki ang pagkaunawa natin sa katotohanan, kailanma’y hindi tayo maaaring maglakas-loob na sabihin na lubos nating taglay ang katotohanan o may tunay na pagkaunawa tayo tungkol sa Diyos. Sa mga relihiyon, maraming pastor at elder na nangangahas na ipaliwanag ang Biblia, ngunit hindi sila nangangahas na ipaliwanag ang salita ng Diyos ayon sa gusto nila. Walang sinumang tao ang nangangahas na magsabi na nauunawaan nila ang salita ng Diyos, at walang nangangahas na magsabi na nauunawaan nila ang katotohanan. Ipinapakita nito na napakalalim ng katotohanan, at Diyos lamang ang maaaring magpahayag nito. Kapag nararanasan ng tao ang gawain ng Diyos, maaari lamang silang magkamit ng kaunting pag-unawa sa katotohanan, pumasok sa isang bahagi ng mga realidad nito, at magsabi ng ilang bagay na naaayon sa katotohanan, na kasimbuti ng maaasahan ng isang tao. Gayunman, hindi nila maaaring taglayin o ipahayag ang katotohanan kailanman. Totoo iyan. Noong araw, maraming sinabi ang mga banal na naaayon sa katotohanan, ngunit walang nangangahas na magsabi na ang mga salitang iyon ang katotohanan. Kung gayo’y ano nga ba talaga ang katotohanan? Ang katotohanan ay ipinapahayag ng Diyos, at si Cristo lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Lahat ng sinasabi ng Diyos ay katotohanan, lahat ng sinasabi ng Diyos ay kumakatawan sa Kanyang disposisyon at lahat ng kung ano Siya at kung ano ang mayroon Siya, at ang Kanyang mga salita ay puno ng Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan. Ginamit ng Diyos ang Kanyang mga salita para likhain ang kalangitan, ang lupa, at lahat ng bagay, at ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita para sa Kanyang gawain na iligtas ang sangkatauhan; sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos lahat ng bagay ay nagagawa. Nakikita ng mga taong nakaranas na ng gawain ng Diyos ang lakas at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos, na nagpapatunay na Diyos lamang ang maaaring magpahayag ng katotohanan. Ang lakas ng katotohanan at ang likas na kawalang-hanggan nito ay hindi maarok ng sangkatauhan, katotohanan lamang ang walang hanggan, at kasama nitong umiiral ang Diyos. Ito ay walang hanggan at hindi nagbabago. Kung natatamo ng sangkatauhan ang katotohanan bilang buhay, natamo na nila ang buhay na walang hanggan. Napakalaki ng kabuluhan ng pagkakaloob ng Diyos ng katotohanan sa tao para matamo ng tao ang katotohanan bilang buhay. Katulad lamang ito ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang katotohanang inilagay sa wika ng tao ay talinghaga ng tao; hindi kailanman lubusang mararanasan ito ng sangkatauhan, at dapat mabuhay ang sangkatauhan sa pagsalig dito. Mapapanatiling buhay ng isang piraso ng katotohanan ang sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon.
“Ang katotohanan ay ang buhay ng Diyos Mismo, kumakatawan sa Kanyang sariling disposisyon, kumakatawan sa Kanyang sariling diwa, kumakatawan sa lahat ng nasa Kanyang kalooban” (“Alam Mo ba Kung Ano Talaga ang Katotohanan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).
“Ang katotohanan ay ang pinaka-tunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas sa gayong mga talinghaga sa buong sangkatauhan. Dahil hinihiling ito ng Diyos sa tao, at ito ang gawaing personal na ginawa ng Diyos, tinatawag itong talinghaga ng buhay. Hindi ito isang talinghagang binuo mula sa isang bagay, ni isang bantog na kasabihan mula sa isang dakilang personalidad; sa halip, ito ang pagbigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay, at hindi ito ilang salita na binuo lamang ng tao, kundi ang likas na buhay ng Diyos. Kaya nga ito ang tinatawag na pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos).
“Ang katotohanan ay nagmumula sa mundo ng tao, ngunit ang katotohanang nasa tao ay ipinamamana ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, ibig sabihin, mula sa Diyos Mismo, at hindi kayang tamuhin ng tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao).
Bakit hindi masasabi na ang mga salita ng tao na naaayon sa katotohanan ay ang katotohanan? Dahil ang mga salita ng tao na naaayon sa katotohanan ay kumakatawan lamang sa kanilang karanasan at kaalaman tungkol sa katotohanan, at resulta ito ng gawain ng Banal na Espiritu. Sinisikap ng Banal na Espiritu na liwanagan at akayin ang mga tao sa paunti-unting pag-unawa sa katotohanan at pagpasok sa mga realidad nito, alinsunod sa aktuwal na espirituwal na katayuan ng mga tao sa oras na iyon. Tuwing nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang mga tao, binibigyan lamang sila nito ng kaunting pag-unawa tungkol sa liwanag ng katotohanan at katiting lamang na kaalaman tungkol sa realidad ng katotohanan. Kailanma’y hindi ibibigay ng Banal na Espiritu ang buong diwa ng katotohanan sa tao nang minsanan, dahil hindi ito makakamtan at mararanasan ng tao. Ang sinasabi ng tao na naaayon sa katotohanan ay napakababaw at limitado ang pagkaunawa at karanasan sa katotohanan, at malayo sa diwa ng katotohanan. Mas mababa itong di-hamak sa pamantayan ng katotohanan, kaya hindi masasabi na iyon ang katotohanan. Kahit kinasihan ng kaliwanagan at paglilinaw ng Banal na Espiritu ang sinasabi ng tao at lubos na naaayon sa katotohanan, para lamang ito sa ikatatatag at pakinabang ng tao, ngunit hindi ito maaaring maging buhay ng tao, samantalang maaaring maging buhay na walang hanggan ng tao ang katotohanan. Iyan ay dahil hindi kailanman lubos na mararanasan ng tao ang diwa ng katotohanan, at kailanma’y hindi niya lubos na maisasabuhay ang larawan ng katotohanan. Maisasabuhay lamang ng tao ang maliit na bahagi ng larawan ng katotohanan, na medyo mabuti talaga. Ang katotohanan ay maaaring maging buhay ng tao magpakailanman at maaaring magbigay sa tao ng buhay na walang hanggan, ngunit kapag sumasambit ang sangkatauhan ng mga salitang naaayon sa katotohanan, pansamantalang paraan lamang iyon ng pagtulong sa pagpapatatag sa kanila, at ang epekto nito ay panandalian lamang, samakatwid ang gayong mga salita ay hindi maaaring maging buhay na walang hanggan ng tao. Ito ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga salitang naaayon sa katotohanan at ng katotohanan mismo. Mula rito, makikita natin na kahit naliliwanagan ng Banal na Espiritu ang pananalita ng tao at kahit naaayon ito sa katotohanan, hindi pa rin masasabi na ito ang katotohanan. Ito ang totoo, at nalalaman at nadarama ito ng mga may karanasan sa buhay.
—mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay
Kung ikukumpara natin ang pananalita ng tao na naaayon sa katotohanan sa mga salitang ipinahayag ng Diyos sa laman, kailangan muna nating malinawan na ang Diyos ay may banal na diwa ng Diyos at ang tao ay may diwa ng tao. Ang salita ng Diyos ay isang paghahayag ng Kanyang buhay at pagpapahayag ng Kanyang disposisyon, samantalang ang mga salita ng tao ay inihahayag ang diwa ng tao. Mga tuwirang pagpapahayag lamang ng Banal na Espiritu ang katotohanan at ang mga iyon lamang ang salita ng Diyos. Ito ay dahil ang diwa ng buhay ng Diyos ay kakaiba at walang taong nagtataglay nito. Gayunman, ang mga taong ginagamit ng Diyos at mga taong may gawain ng Banal na Espiritu ay makasasambit ng mga salitang naaayon sa katotohanan at maaaring magpatatag sa iba. Nagmumula ito sa kaliwanagan at paglilinaw ng Banal na Espiritu at nagmumula rin sa karanasan at pag-unawa ng tao sa katotohanan sa salita ng Diyos. Gayunman, hindi ito tuwirang pahayag ng Banal na Espiritu, samakatwid ay hindi ito salita ng Diyos. …
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang katotohanan ay ang pinaka-tunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas sa gayong mga talinghaga sa buong sangkatauhan. Dahil hinihiling ito ng Diyos sa tao, at ito ang gawaing personal na ginawa ng Diyos, tinatawag itong talinghaga ng buhay. Hindi ito isang talinghagang binuo mula sa isang bagay, ni isang bantog na kasabihan mula sa isang dakilang personalidad; sa halip, ito ang pagbigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay, at hindi ito ilang salita na binuo lamang ng tao, kundi ang likas na buhay ng Diyos. Kaya nga ito ang tinatawag na pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos).
“Kailangang maunawaan mo ang aktuwal na saklaw ng katotohanan at maunawaan kung ano ang hindi saklaw ng katotohanan. Kung ang mga tao ay nagtatamo ng ilang kabatiran at may kaunting pagkaunawa batay sa kanilang mga karanasan mula sa mga salita ng katotohanan, itinuturing ba itong katotohanan? Ang pinakamagandang masasabi ay na may kaunti silang pagkaunawa sa katotohanan. Lahat ng salita ng kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu ay hindi kumakatawan sa salita ng Diyos, hindi kumakatawan sa katotohanan, at hindi nauukol sa katotohanan. Masasabi lamang na ang mga taong yaon ay may kaunting pagkaunawa sa katotohanan, at kaunting kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. … Lahat ay makakaranas ng katotohanan, nguni’t ang mga sitwasyon ng kanilang karanasan ay magkakaiba, at ang nakukuha ng bawat isang tao mula sa parehong katotohanan ay iba. Nguni’t kahit matapos pagsama-samahin ang pagkaunawa ng bawat isa hindi mo pa rin ganap na maipaliliwanag ang isang katotohanang ito; ganoon kalalim ang katotohanan! Bakit Ko sinasabi na lahat ng bagay na nakuha mo na at lahat ng iyong pagkaunawa, ay hindi makakahalili para sa katotohanan? Kung ibinabahagi mo ang iyong pagkaunawa sa iba, maaaring pagbulay-bulayan nila ito sa loob ng dalawa o tatlong araw at matatapos silang danasin nito, nguni’t hindi lubusang mararanasan ng isang tao ang katotohanan kahit sa buong buhay, kahit sama-sama ang lahat ng tao ay hindi lubusang mararanasan ito. Kaya nakikita na lubhang malalim ang katotohanan! Walang paraan na gumamit ng mga salita para lubusang ipaliwanag ang katotohanan, ang katotohanang inilagay sa wika ng tao ay talinghaga ng tao; hindi kailanman lubusang mararanasan ito ng sangkatauhan, at dapat mabuhay ang sangkatauhan sa pagsalig dito. Mapapanatiling buhay ng isang piraso ng katotohanan ang sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon.
“Ang katotohanan ay ang buhay ng Diyos Mismo, kumakatawan sa Kanyang sariling disposisyon, kumakatawan sa Kanyang sariling diwa, kumakatawan sa lahat ng nasa Kanyang kalooban. Kung sinasabi mo na ang pagkakaroon ng ilang karanasan ay nangangahulugan na taglay mo ang katotohanan, kaya mo bang katawanin ang disposisyon ng Diyos? Hindi mo kaya. Maaaring may kaunting karanasan o liwanag ang isang tao tungkol sa isang aspeto o panig ng isang katotohanan, ngunit hindi nila ito maibibigay sa iba magpakailanman, kaya ang kanilang liwanag ay hindi katotohanan; isang punto lamang ito na maaaring matamo ng isang tao. Ito ang dapat maranasan ng isang tao, na siyang wastong karanasan, at wastong pagkaunawa , na siyang tunay na aspeto ng kanilang karanasan sa katotohanan. Ang liwanag, kaliwanagan at pagkaunawang ito batay sa karanasan ay hindi kailanman makakahalili sa katotohanan; kahit ganap nang naranasan ng lahat ng tao ang katotohanang ito, at pinagsasama-sama nila ang lahat ng salitang iyon, hindi pa rin iyon katumbas ng nag-iisang katotohanang iyon. … Ano ang ibig Kong sabihin dito? Ibig Kong sabihin ang buhay ng tao ay palaging magiging buhay ng tao, at gaano man kaayon sa katotohanan ang iyong pagkaunawa, alinsunod sa mga layunin ng Diyos, alinsunod sa mga hinihiling ng Diyos, hindi nito kailanman makakayang humalili sa katotohanan. Ang sabihing mayroong katotohanan ang mga tao ay nangangahulugan na mayroon silang kaunting realidad, na mayroon silang kaunting pagkaunawa sa katotohanan ng Diyos, na mayroon silang kaunting tunay na pagpasok sa mga salita ng Diyos, na mayroon silang kaunting tunay na karanasan sa mga salita ng Diyos, at na sila ay nasa tamang landasin sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Ang isang pahayag ng Diyos ay sapat nang maranasan ng isang tao habambuhay, kahit kailanganin pa ng mga tao na makaranas ng ilang habambuhay o ilang milenyo, hindi pa rin nila ganap at lubusang mararanasan ang isang katotohanan” (“Alam Mo ba Kung Ano Talaga ang Katotohanan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).
Pagdating sa pag-alam ng pagkakaiba sa pagitan ng mga salita ng tao na naaayon sa katotohanan at ng salita ng Diyos, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay naglalaan ng napakalinaw na paliwanag tungkol dito: Ang katotohanan ay nagmumula sa Diyos, ipinapahayag ito sa pamamagitan ni Cristo, at tuwirang pahayag din ito ng Banal na Espiritu, at lahat ng sinasabi ng Diyos ay katotohanan. Ang katotohanan ang pinakabuhay ng Diyos Mismo, ito ay pahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon, ito ay paghahayag ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, ito ang realidad ng mga positibong bagay, at kumakatawan ito sa diwa ng Kanyang sariling buhay. Gayunman, masasabi ng mga taong ginagamit ng Diyos at may gawain ng Banal na Espiritu ang mga salitang naaayon sa katotohanan. Nagmumula ito sa kaliwanagan at paglilinaw ng Banal na Espiritu, gayundin sa karanasan at pag-unawa ng tao sa katotohanan ng salita ng Diyos. Ang mga salitang ito na naaayon sa katotohanan ay kumakatawan sa karanasan at pag-unawa ng tao. Ito ang realidad ng katotohanan na napasok ng tao, at resulta ng gawain ng Diyos. Hindi mahalaga kung gaano kalalim o kababaw ang pag-unawa ng tao sa katotohanan, o kung gaano nila nakikilala ang Diyos, lahat ng sinasabi ng tao ay naghahayag ng diwa ng kanilang buhay bilang tao. Dahil ang mga salitang sinasabi ng tao na naaayon sa katotohanan ay napakalayo sa lalim ng diwa ng katotohanan, ang sinasabi ng tao ay hindi matatawag na katotohanan. May mga likas at malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga salitang naaayon sa katotohanan at sa aktuwal na katotohanan. Ang salita ng Diyos ay katotohanan, ito ang diwa ng buhay ng Diyos, kaya ang salita ng Diyos ay walang hanggan at hindi nagbabago. Tulad lang ito ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa’t ang aking mga salita ay hindi lilipas” (Lucas 21:33). Sinabi rin ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Aking mga salita ay ang di-nagbabagong katotohanan magpakailanman” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa). Katulad na katulad ito ng Sampung Utos na ipinroklama ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan: Bagama’t libu-libong taon na ang nakalipas, sinusunod pa rin ito ng sangkatauhan ngayon. Ito ay dahil ang salita ng Diyos ay katotohanan, ito ang realidad ng mga positibong bagay, natatagalan nito ang pagsubok ng panahon, at tatagal ito hanggang sa buong kawalang-hanggan. Gayunman, dahil ang mga salita ng tao ay hindi katotohanan, hindi magtatagal ang mga ito magpakailanman. Nakikita natin sa pagpapatuloy ng kasaysayan ng tao, patungkol man ito sa pagsasaliksik at batas ng siyensya, o sa mga teoryang panlipunan, dumarating ang panahon na bumabagsak o tinatalikuran ang mga salita ng tao, o nalilipasan pa ng panahon sa isang kisapmata. Kahit naaayon sa katotohanan ang mga salitang sinasabi ng tao, pansamantala lang itong makakatulong, magpapalakas, at susuporta sa atin. Hindi maaaring ito ang maging buhay natin. Bakit natin sinasabi na hindi maaaring maging buhay ng tao ang mga salita ng tao? Dahil kahit naaayon sa katotohanan ang salita ng tao, karanasan at pag-unawa lang ito ng tao sa salita ng Diyos at napakalayo nito sa diwa ng katotohanan at hindi maaaring kumatawan sa katotohanan, ni magkaroon ng epekto ng pagiging buhay ng tao na tulad ng ginagawa ng katotohanan; pansamantala lang itong makakatulong at magpapasigla at susuporta sa atin, kaya nga ang salita ng tao na naaayon sa katotohanan ay hindi ang katotohanan, at hindi maging buhay ng tao. Kaya bakit mga salita lang ng Diyos ang maaaring maging buhay ng tao? Dahil ang salita ng Diyos ay katotohanan at ang realidad ng mga positibong bagay, tayong mga tao ay hindi lubos na mararanasan ito kailanman, at bawat katotohanan ay hindi maiiwasan ng sangkatauhan. Kahit maranasan natin ang kawalang-hanggan, hindi pa rin natin masasabi na taglay natin ang katotohanan o ganap na nating natamo ang katotohanan. Totoo iyan. Bukod pa riyan, ang katotohanan ay maaaring linisin, iligtas, at gawing perpekto ang sangkatauhan. Sa pag-asa sa katotohanan para mabuhay, maaari tayong mamuhay na tulad sa tunay na tao, mamuhay sa larawan ng katotohanan, at sa gayo’y makilala ang Diyos, magpasakop sa Diyos, sumamba sa Diyos, makasundo ng Diyos, na siyang layon ng Diyos nang una Niyang likhain ang tao. Tulad ng sinasabi sa Biblia, “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis” (Genesis 1:26). Ang layon ng Diyos sa paglikha sa tao ay hindi lang para bigyan ng pisikal na katawan ang tao, kundi lalo na para pagkalooban ang sangkatauhan ng bagong buhay. Ang bagong buhay na ito ay salita ng Diyos, na siyang katotohanan. Kapag nagiging buhay natin ang katotohanan, kapag nagiging realidad ito ng ating buhay, na nangyayari kapag ipinamuhay natin ang katotohanan, at namuhay tayo na tulad ng tunay na tao, matutupad na natin ang layon ng Diyos sa paglikha sa tao. Samakatwid, sinasabi natin na ang salita ng Diyos at ang katotohanan lamang ang maaaring maging buhay na walang hanggan ng tao. Kahit maaaring may kaunti nang karanasan at pag-unawa ang mga taong ginagamit ng Diyos sa salita ng Diyos, at masasabi nila ang ilang bagay na naaayon sa katotohanan, ito ay epekto ng gawain ng Banal na Espiritu. Ito ang pagliligtas at paggawang perpekto ng Diyos sa tao. Ang mga salita ng mga taong ginagamit ng Diyos na naaayon sa katotohanan o sa kanilang tunay na pagkaunawa sa Diyos ay hindi nangangahulugan na taglay nila ang diwa ng katotohanan, ni kumakatawan ito sa pagtataglay ng buhay ng Diyos. Sa halip, nagpapakita lang ito na natamo na nila ang katotohanan at ang katotohanang iyon ay naging realidad ng kanilang buhay. Ito ay dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi mangangahas na sabihin na talagang taglay nila ang katotohanan. Samakatwid, gaano man naaayon sa katotohanan ang mga salita ng tao, o gaano man tayo mapapasigla ng mga ito, hindi masasabi na katotohanan ang mga ito, at bukod pa riyan ay hindi salita ng Diyos ang mga ito.
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
Kung nais nating malaman kung bakit ang mga salitang naaayon sa katotohanan na sinasambit ng mga taong ginagamit ng Diyos ay hindi katotohanan, kailangan muna nating malinawan nang husto kung ano talaga ang “katotohanan.” Sa buong kasaysayan, walang taong tunay na nakaalam kailanman kung ano ang katotohanan. Nang pumarito sa mundong ito ang Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, sinabi Niya, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6). Wala pa ring nakaunawa sa tunay na kahulugan ng “katotohanan.” Kapag dumating ang Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos—saka lamang ganap na ibubunyag ang mga hiwaga ng “katotohanan” sa sangkatauhan.
Tingnan natin kung ano ang sabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol dito: “Ang katotohanan ay nagmumula sa mundo ng tao, ngunit ang katotohanang nasa tao ay ipinamamana ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, ibig sabihin, mula sa Diyos Mismo, at hindi kayang tamuhin ng tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao).
“Ang katotohanan ay ang pinaka-tunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas sa gayong mga talinghaga sa buong sangkatauhan. Dahil hinihiling ito ng Diyos sa tao, at ito ang gawaing personal na ginawa ng Diyos, tinatawag itong talinghaga ng buhay. Hindi ito isang talinghagang binuo mula sa isang bagay, ni isang bantog na kasabihan mula sa isang dakilang personalidad; sa halip, ito ang pagbigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay, at hindi ito ilang salita na binuo lamang ng tao, kundi ang likas na buhay ng Diyos. Kaya nga ito ang tinatawag na pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos).
“Ang katotohanang inilagay sa wika ng tao ay talinghaga ng tao; hindi kailanman lubusang mararanasan ito ng sangkatauhan, at dapat mabuhay ang sangkatauhan sa pagsalig dito. Mapapanatiling buhay ng isang piraso ng katotohanan ang sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon.
“Ang katotohanan ay ang buhay ng Diyos Mismo, kumakatawan sa Kanyang sariling disposisyon, kumakatawan sa Kanyang sariling diwa, kumakatawan sa lahat ng nasa Kanyang kalooban” (“Alam Mo ba Kung Ano Talaga ang Katotohanan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).
Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita natin: Nagmumula sa Diyos ang katotohanan, at nagmumula sa pagpapahayag ni Cristo. Ibig sabihin, lahat ng salitang sinasambit ng Diyos ay katotohanan. Ito ay dahil ang katotohanan ay ang diwa ng buhay ng Diyos, disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Walang hanggan ang katotohanan at hindi kailanman magbabago. May awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Diyos. Kaya nitong padalisayin, iligtas, at gawing perpekto ang tao, at maaaring maging buhay na walang hanggan ng tao. Kaya, lahat ng salitang ipinahayag ng Diyos ay katotohanan. Ang gawain ng Diyos, mga paghahayag, at kung ano ang itinakda Niya ay pawang katotohanan. Yaong inuutos o ipinapayo ng Diyos na panatilihin at sundin ng tao, at lahat ng Kanyang hinihiling at inuutos na ipamuhay ng tao ay katotohanan, ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Kaya nga, may katotohanang matatagpuan sa bawat salitang sinasambit ng Diyos. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, nagpahayag ang Diyos ng maraming katotohanan. Ang mahalagang buhay na ipinagkakaloob ng Diyos sa ating mga tao ay nakapaloob sa mga katotohanang ito.
Lahat ng ipinapahayag ng Diyos sa panahon ng gawain ng Kanyang dalawang pagkatawang-tao ay ang katotohanan. Tulad ito ng mga salita ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya: tinulutan ng Kanyang mga salita na masaksihan ng sangkatauhan ang disposisyon ng Diyos, Kanyang pag-ibig, at banal na diwa. Lahat ng ito ay mahahalagang katotohanang tumutulong sa sangkatauhan na makilala ang Diyos. Ang pag-ibig, awa, pagpaparaya, at pagpapatawad ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan, pati na rin ang hinihiling Niya sa tao na mahalin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa at isipan, mahalin ang kanilang kapwa gaya ng pagmamahal nila sa kanilang sarili, maging ilaw ng sanlibutan at asin ng lupa, lahat ng ito ay positibong bagay. Katotohanan ang mga ito. Realidad din ng buhay ang mga ito na kailangang taglayin ng tao. Ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay dumating na at ipinapahayag Niya ang lahat ng katotohanan ng paghatol, pagdalisay, at pagperpekto sa sangkatauhan. Realidad ng buhay ang mga katotohanang ito na kailangang mataglay ng tao sa Kapanahunan ng Kaharian. Ibinubunyag ng Cristo ng mga huling araw sa tao ang disposisyon na katuwiran, kamahalan, galit, at kawalan ng pagpaparaya sa kasalanan. Inihahayag niya ang mga hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, ang mga hiwaga ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang diwa at katotohanang nakapaloob sa bawat yugto ng Kanyang gawain, pati na rin ang hiwaga ng Kanyang pagkakatawang-tao, kung paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at kung ano ang kaharian ni Cristo. Ibinubunyag Niya kung paano inihahayag ng Diyos ang hantungan ng bawat uri ng tao, at kung paano ginagantimpalaan ng Diyos ang mabuti at pinaparusahan ang masama. Inihahayag Niya ang kahulugan ng katuwiran ng Diyos, ang kahulugan ng kabanalan ng Diyos at ang simbolikong kahulugan ng disposisyon ng Diyos, ang Kanyang kasiyahan, galit, kalungkutan, at kagalakan. Inihahayag Niya kung ano ang matuwid at kung ano ang masama, ano ang positibo at ano ang negatibo, at ang diwa at mga katotohanan ng pagtitiwali ni Satanas sa tao. Ipinapakita ng Makapangyarihang Diyos sa tao kung paano magkaroon ng takot sa Diyos at iwaksi ang masama, kung ano ang tunay na buhay at kung paano mabuhay nang makabuluhan, at iba pa. Inihayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan at hiwagang ito sa tao upang malaman at maunawaan nila ito, upang magkaroon sila ng takot sa Diyos at iwaksi ang masama, sundin at sambahin nila ang Diyos. Ang katotohanan ng Makapangyarihang Diyos ang daan ng buhay na walang hanggan na dapat taglayin ng sangkatauhan. Ang mga tumatanggap sa lahat ng katotohanan ng Diyos at isinasabuhay ang mga ito ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Samantalang ang mga tumatangging tanggapin ang alinman sa katotohanan ay tiyak na mapapahamak. Kaya, lahat ng katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay gawain ng Diyos na wakasan ang isang kapanahunan at simulan ang isang bagong kapanahunan sa mga huling araw. Ang mga taong ginagamit ng Diyos ay yaong mga inililigtas at ginagawang perpekto ng Diyos. Ang kanilang tungkulin sa gawain ng Diyos ay makipagtulungan sa gawain ng Diyos at akayin ang mga taong hinirang ng Diyos. Kaya nga, anumang mga salitang kanilang sinasabi na alinsunod sa katotohanan ay mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu. Bagama’t kapaki-pakinabang ang mga salitang ito sa mga tao, hindi natin matatawag na katotohanan ang mga ito, hindi natin maituturing na salita ng Diyos ang mga ito dahil ang mga salita ng tao ay nagmumula lamang sa kanilang kaalaman at karanasan sa katotohanan, at maaari lamang kumatawan sa pananaw, mga ideya, at pag-unawa ng tao, at hindi maiiwasang madungisan ng mga karumihan ng tao. Bukod dito, limitado ang kaalaman at karanasan ng tao tungkol sa katotohanan. Gaano man siya pumapasok sa realidad ng katotohanan, hindi pa rin masasabi na sumasagisag siya sa diwa ng katotohanan, ni hindi rin masasabi na lubos niyang isinasabuhay ang katotohanan. Kaya kahit ipinahayag niya ang ilang limitadong realidad ng katotohanang naisabuhay niya, naaayon lamang sa katotohanan ang kanyang mga salita. Hindi nararapat na ipantay ang mga ito sa parehong antas bilang katotohanan mismo. Mga salita lamang ng Diyos na nagkatawang-tao ang katotohanan. Ibig sabihin, Diyos lamang ang may taglay ng diwa ng katotohanan, at Diyos lamang ang katotohanan. Ilang taon man tayo nananalig sa Diyos, lagi tayong mga sanggol sa Kanyang harapan. Hindi natin maisasabuhay kailanman ang imahe ng Diyos. Sa gayon, ang mga salita ng mga taong ginagamit ng Diyos o mga taong nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ay maaari lamang ituring na mga salitang naaayon sa katotohanan. Hindi natin maaaring ituring ang mga ito na katotohanan mismo. Hindi maikakaila ang katotohanang ito. Kapag tinatawag nating katotohanan ang mga salita ng tao, kinokontra at nilalapastangan natin ang Diyos!
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.