Pero nakita ko na sinasabi sa mga dokumento ng gobyerno, gaya ng ilang taong nananalig kay Jesus, iniiwan ng mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang kanilang pamilya para ipangaral ang ebanghelyo. Hindi pa nga nag-aasawa ang ilan habambuhay. Sinasabi rin sa mga dokumento na gusto ng gobyerno na ikulong ang isang grupo ng mga taong nananalig sa Makapangyarihang Diyos at patayin ang isa pang grupo. Balewala sa kanila ang patayin sila. May isa pa gaya ng “Hindi paaatrasin ang mga kawal hangga’t walang pagbabawal.” Maraming nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang inaresto, ibinilanggo, sinugatan at nilumpo ng CCP. Nawalan pa ng trabaho ang ilan at nawasak ang kanilang pamilya. Nag-ani ito ng maraming puna na ang mga taong nananalig sa Diyos ay ayaw sa kanilang pamilya. Totoo ba ito? Hindi maaaring iwanan n’yo ang inyong pamilya o hindi kayo mag-asawa. Kung ganito talaga ang pananalig n’yo sa Diyos, ang payo ko ay huwag kayong maniwala sa Makapangyarihang Diyos, okey?
Sagot: Kung talagang alam n’yo na ang pagpapakita at gawain ng Diyos ay para sa kaligtasan ng tao, mananalig at susunod din kayo sa Diyos. Sinabi ni Jesus sa kanila: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o asawang babae, o mga kapatid, o mga magulang o mga anak, dahil sa kaharian ng Diyos, Na di tatanggap ng makapupung higit sa panahong ito, at sa sanglibutang darating, ng walang hanggang buhay” (Lucas 18:29–30). “At ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa Akin, ay hindi karapat-dapat sa Akin. Ang nakasusumpong ng kanyang buhay ay mawawalan nito; at ang mawalan ng buhay dahil sa Akin ay makasusumpong niyaon” (Mateo 10:38–39). Kung makikita mo ang mga salitang ito ng Panginoong Jesus, malalaman n’yo kung anong klaseng mga tao ang mga tunay na nananalig sa Panginoong Jesus. Ang ganitong klase mismo ng mga alagad ng Panginoon ang pinaka-kinamumuhian ng CCP. Alam n’yo ba kung bakit nila sinusunod ang Panginoon sa ganitong paraan? Sinusunod nila ang Panginoon sa ganitong paraan para sa katotohanan, para sa buhay, at para sa Panginoon. Maaari nilang talikuran ang makamundong kaluwalhatian at kayamanan, hindi sila nag-iimbot ng pisikal na kaginhawahan at makamundong kasiyahan, handa silang magtiis ng mga hirap sa pangangaral ng ebanghelyo at magdusa ng lahat ng klase ng pasakit para magpatotoo para sa Panginoon. Napakarangal nilang mga tao! Ang gayong mga tao ay pinupuri ng Panginoon. Gayunman, bakit labis na kinamumuhian, sinisiraan at tinutuligsa ng CCP ang mga taong ito? Bakit ikinukulong at pinapatay ang mga taong ito? Nagbabanta pa ito na, “Hindi paaatrasin ang mga kawal hangga’t walang pagbabawal.” Hindi ba ito kasamaan laban sa Langit? Hindi ba ito pagkalaban sa Diyos? Sa palagay ko, lahat ng nagawa ng CCP sa mga taong ito na nananalig sa Diyos ay isang krimen at makasalanan. Talagang ayaw nito ng pagbabago!
Ang mga nananalig sa Diyos ay nangangaral ng ebanghelyo para magpatotoo para sa Diyos para lumapit at sumamba ang mga tao sa Diyos, at maligtas sila ng Diyos. Nakikita n’yo rin na lalong nagiging madilim at masama ang mundo. Lalong nagiging tiwali ang mga tao. Ipinagtatanggol nila ang kasamaan at kinasusuklaman ang katotohanan. Lahat sila ay sumusunod sa masasamang kalakaran ng mundo, nag-iinuman, nagkakainan at naglalaro, nagtatamasa ng makasalanang kasiyahan, at lantarang tumatanggi, kumakalaban at kumikilos laban sa Diyos. Napakasama ng mundong ito at lubhang tiwali ang mga tao, matagal na ba silang dapat lipulin? Nagpropesiya ang Biblia ng isang malaking kapahamakan sa mga huling araw. Kung ang sangkatauhan ay hindi magbabalik sa Makapangyarihang Diyos, hindi tatanggapin ang paglilinis at pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos, lilipulin ito ng malaking kapahamakan. Nalalapit na ngayon ang malaking kapahamakan, at nahaharap ang sangkatauhan sa kalamidad ng pagkalipol. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpahayag ng katotohanan sa mga huling araw at gumawa ng hakbang sa Kanyang gawain para hatulan at linisin ang sangkatauhan para iligtas sila mula sa kasalanan at madala sa kaharian ng Diyos. Kung gustong maligtas ng sangkatauhan, iisa lang ang paraan ngayon. Yon ay ang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos para malinis mula sa tiwaling disposisyon nito para maligtasan ang malaking kapahamakan sa proteksyon ng Diyos. Nauunawaan ng mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang kasabikan ng Diyos na iligtas ang tao. Handa silang talikuran ang pisikal na kasiyahan, na maaresto at mapahirapan ng CCP, at sikaping ipangaral at patotohanan ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Ginagawa ito para mas maraming tao ang mailigtas ng Diyos. Pagsasakatuparan ito ng kalooban ng Diyos! Sabi nga ng Panginoong Jesus: “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng tagubilin ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa tagubilin ng Diyos at hindi para sa matuwid na kapakanan ng sangkatauhan, ang ating mga kaluluwa’y makakaramdam ng pagiging hindi karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa tagubilin ng Diyos, at mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Palagay n’yo ba ang mga taong nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay mga hangal na hindi nahihiwatigan ang panganib sa pangangaral ng ebanghelyo? Kung gayon, mali kayo. Ang pangangaral ng ebanghelyo ay naaayon sa mga kalooban ng Langit at ng mga tao. Ito ay isang mabuti at banal na gawa! Gayunman, nagtaksil ang gobyernong CCP sa mga kalooban ng Langit at ng mga tao nang hibang nilang tuligsain ang kabaitan ng mga Kristiyano at malupit silang inaresto at pinahirapan. Maraming Kristiyano ang nawalan ng tirahan. Napakaraming taong inaresto at ibinilanggo at ang ilan ay pinahirapan pa hanggang sa mamatay! Ang gobyernong CCP ang salarin sa likod ng pagkawasak ng napakaraming pamilyang Kristiyano. Pero tumugon ito na ang mga pamilya ng mga taong ito ay winasak ng kanilang pananalig sa Diyos. Hindi ba pagbabaligtad ito ng mga tunay na pangyayari at pagbabaluktot ng katotohanan? Kung hindi sa baliw na panunupil, pag-aresto at pagpapahirap ng CCP sa mga Kristiyano, gayon din ba ang kahihinatnan? Hindi ba ito ang kasalanang ginawa ng CCP sa pamamagitan ng pagpapahirap sa mga Kristiyano? Ang pananalig sa Diyos ay lubos na makatwiran. Napakaraming tao sa mga bansa sa buong mundo ang nananalig sa Diyos. Kaninong mga pamilya ang nawasak? Hindi ba totoong lahat ’yan? Ang ilang taong walang malay ay nalilinlang pa rin ng mga tsismis at kalokohan ng CCP. Hindi lamang nila hindi kinasusuklaman ang CCP sa pagpapahirap sa mga Kristiyano, kundi sinasabi pa nila na mali ang mga Kristiyano sa pananalig sa Diyos. Hindi ba ito kawalang-isip at kahibangan?
Alam din namin na may panganib na maaresto sa pangangaral ng ebanghelyo sa China. Pero kung hihintayin pa naming bumagsak ang CCP bago namin ipangaral ang ebanghelyo, mahuhuli na ang lahat. Pagsapit n’on tapos na ang gawain ng Diyos, at nakababa na ang malaking kapahamakan. Ang mga hindi tumanggap ng pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw ay mamamatay sa malaking kapahamakan, at mahuhulog sa impiyerno ang kanilang kaluluwa para maparusahan! Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo lilitaw bilang mabuti sa paningin Ko, hindi ninyo matatakasang pagdusahan ang sakuna” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). “Walang nakakaalam na ang dahilan ng paulit-ulit na mga paalala’t pangaral ng Diyos ay dahil inihanda na Niya sa Kanyang mga kamay ang isang walang-katulad na kalamidad, yaong hindi kakayanin ng katawan at kaluluwa ng tao. Ang kalamidad na ito ay hindi lamang isang kaparusahan sa katawan, kundi pati na rin sa kaluluwa. … Sapagkat ang plano ng Diyos ay minsan lamang likhain ang tao, at minsan lamang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang unang pagkakataon, at ito rin ang huli. Samakatuwid, walang makakaunawa sa matitiyagang intensyon at taimtim na pag-asam ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa pagkakataong ito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Nasasabik ang Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa bingit ng kalamidad. Kung matatakot kaming ipangaral ang ebanghelyo sa takot na pahirapan kami ng CCP, magtatago kami sa bahay para mapanatag at maligtas sa kahihiyan, hindi mapapayapa ang puso namin!
mula sa iskrip ng pelikulang Red Re-education sa Bahay
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.