Christian Dance | "Purihin ang Tagumpay ng Makapangyarihang Diyos" | Praise Song

Hulyo 9, 2024

I

Umawit ng awit ng papuri para sa Makapangyarihang Diyos.

Ang tunog ng awit ay lumilipad mula sa ating puso.

Purihin ang Diyos na nagkatawang-tao sa mundo,

na nagpapahayag ng katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan.

Naririnig natin ang Kanyang tinig at namamalas ang Kanyang pagpapakita.

Puspos ng galak ang puso, nagbabalik tayo sa tahanan ng Diyos.

Kinakain at iniinom natin ang mga salita ng Diyos,

tinatamasa ang gawain ng Banal na Espiritu.

Nauunawaan natin ang katotohanan at puso nati'y malaya.

Nakikita natin na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Ang mga ito ang daan ng buhay na walang hanggan.

Ang mga ito ang daan ng buhay na walang hanggan.

Bakit puno ng kagalakan ang mga hinirang ng Diyos?

Dumadalo tayo sa piging ng kaharian ng langit, namumuhay sa harap ng Diyos.

Bakit walang humpay na nagsasaya ang Zion?

Pumarito na sa mundo ang kaharian ng Diyos.

II

Umawit ng awit ng papuri para sa Makapangyarihang Diyos.

Ang tunog ng awit ay umaawit sa pagmamahal natin sa Diyos.

Purihin ang matuwid at maharlikang paghatol ng Diyos

na lubusang naglilinis at nagliligtas sa atin.

Tinatanggap natin ang paghatol ng Kanyang mga salita,

at ating mga tiwaling disposisyon ay nalilinis.

Bagamat nagdurusa tayo sa mga pagsubok at pagpipino,

nagbago ang ating mga disposisyon, at tayo ay nagiging mga bagong tao.

Nagsasagawa sa katotohanan, tayo ay napapalaya, at namumuhay sa liwanag.

Minamahal natin ang Diyos nang dalisay at matapat.

Minamahal natin ang Diyos nang dalisay at matapat.

Bakit nagpapasakop sa Diyos ang lahat ng mamamayan?

Kilala natin ang Diyos at taglay natin ang may-takot-sa-Diyos na puso.

Bakit sama-sama Siyang pinupuri ng lahat ng mamamayan?

Tayo ay pinalaya mula kay Satanas at nakakamtan natin ang kaligtasan.

III

Umawit ng awit ng papuri para sa Makapangyarihang Diyos.

Ang tunog ng awit ay yumayanig sa buong mundo.

Purihin ang mga salita ng Diyos na nagpapakita ng Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat,

na gumagapi kay Satanas at bumubuo ng isang grupo ng mga mananagumpay.

Ang mga salita ng Diyos ay lumalaganap sa lahat ng bansa at lahat ng lupain.

Bumangon na ang matuwid na kaharian ni Cristo.

Naghahari sa lupa ang mga salita ng Diyos.

Lahat ng bansa at mamamayan ay magkasamang sumasamba sa Diyos.

Ang lahat ng tao ng Diyos ay namumuhay sa liwanag

at pumaparito upang sumamba sa Kanya,

nagtatamasa ng mga biyaya ng langit sa lupa,

nagtatamasa ng mga biyaya ng langit sa lupa.

Bakit magkasamang nagsasaya ang lahat ng bagay?

Nakompleto ng Diyos ang dakilang gawain at nagbalik nang matagumpay.

Bakit mukhang ganap na bago ang langit at lupa?

Kumikislap ang kaluwalhatian ng Diyos sa buong kalangitan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin