Christian Dance | "Ang Paghahangad sa Katotohanan ang Pinakamalaking Pagpapala" | Praise Song

Oktubre 12, 2024

I

Ang Anak ng tao ay nagpakita at nagpapahayag ng katotohanan,

Siya ang Makapangyarihang Diyos.

Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig Niya at itinataas ang mga ito sa harap Niya.

Araw-araw kumakain at umiinom tayo ng salita ng Diyos

at dumadalo sa piging ng kaharian sa langit.

Kay ligaya at kay tamis nitong madiligan at matustusan ng salita ng Diyos!

Nagagawa nating maunawaan ang maraming katotohanan sa salita ng Diyos.

Malinaw nating nakikita ang ugat ng kasamaan sa mundong ito

at nauunawaan ang kahulugan ng buhay.

Isinasantabi natin ang lahat para sundan ang Diyos

at tahakin ang landas ng liwanag sa buhay.

Lubos tayong pinagpala na masundan sa mga huling araw si Cristo,

ang Makapangyarihang Diyos!

Ang pagmamahal ng Diyos ay palaging nasa tabi natin

sa kabila ng pang-uusig at mga pagsubok.

Inaakay at ginagabayan ng Kanyang mga salita, nagtatamo tayo ng pananalig at lakas;

napagtatagumpayan natin ang mga tukso ni Satanas

at nagbibigay tayo ng magandang patotoo sa Diyos.

Ito ang biyaya at pagpapala ng Diyos.

Lubos tayong nagpapasalamat at nagpupuri sa Makapangyarihang Diyos!

II

Ang pagsasailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos

ang nagdulot na makilala natin ang ating sarili.

Nalilinis ang ating mga tiwaling disposisyon, at ito ang pagpapala ng Diyos!

Nakita natin ang pagkamakatwiran at kabanalan ng disposisyon ng Diyos.

Ang ating puso ay nagmamahal at natatakot sa Diyos,

at tayo ay nagpapasalamat at nagpupuri sa Kanya!

Iyong mga nakaranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos

at nakatikim ng Kanyang makatwirang disposisyon

ay tunay na mga pinagpalang indibidwal!

Salamat sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos na nakarating tayo sa kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng mga pagsubok ay nalilinis at napeperpekto tayo.

Pinasasalamatan natin ang Makapangyarihang Diyos sa lahat ng oras!

Iyong mga nakaranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos

at nakatikim ng Kanyang makatwirang disposisyon

ay tunay na mga pinagpalang indibidwal!

Salamat sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos na nakarating tayo sa kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng mga pagsubok ay nalilinis at napeperpekto tayo.

Pinasasalamatan natin ang Makapangyarihang Diyos sa lahat ng oras!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin