Christian Dance | "Ikaw ang Aking Tunay na Buhay" | Praise Song

Oktubre 10, 2024

I

Nang may maputlang mukha't magulong buhok, ako'y malungkot at malumbay.

Kaharap Ka mang nakatayo'y malayo pa rin, dahil tayo'y di magkakilala.

Kumikinang ang dignidad sa mabait Mong mukha.

Ang puso Mo'y napakaganda't banayad.

Di kayang ilarawan ng mga salita ang pagiging walang-hanggan Mo.

Kwento ng mga gawa Mo'y di maipapakita ng lahat ng bagay.

Sa malalamig na gabi, init Mo'y aking tinatamasa.

Muling nabuhay, sinalubong ko ang 'sang bagong buhay;

buhay ko'y puno ng sigla, buhay ko'y puno ng sigla.

II

Binigyan Mo na ako ng hininga ng buhay.

Binusog ako ng mga salita Mo.

Puso ko'y puno ng taos-pusong pasasalamat.

Binago Mo ang buong pagkatao ko.

Mga salita Mo'y napakahalaga sa akin.

Walang yaman ang makakapalit sa mga ito,

walang bundok o distansya ang makakapagpabitiw sa akin.

Ito'y lihim sa puso ko.

Sa mga taon ng ugnayan, natagpuan ko'ng Iyong kahalagahan.

Sa lahat ng makamundong bagay, walang makakapantay.

Ikaw ang natatangi ng sangkatauhan.

Sa mga taon ng ugnayan, natagpuan ko'ng Iyong kahalagahan.

Sa lahat ng makamundong bagay, walang makakapantay.

Ikaw ang natatangi ng sangkatauhan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin