Mundo ba ang Iyong Pahingahan?

Marso 1, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Mundo ba ang Iyong Pahingahan?"

Mga taong di namumuhay ayon sa Aking salita

at lumalayo sa pagsubok,

ay nagpapatangay lang sa mundo,

parang mga dahon, hinihipan ng hangin.

I

Papaga-pagaspas sila.

Walang mapagpahingahan,

at di naaaliw sa Aking mga salita.

Mga pulubi lang sila sa lansangan,

sa labas ng kaharian ng langit.

Gumagala kung saan-saan,

kahit pagkastigo't pagpipino Ko'y

di sila sinusundan.

Matitiyak mo bang mundo ang pahingahan mo?

Madali ka bang makakangiti sa mundong ito

kung naiwasan mo pagkastigo Ko?

At magagamit mo ba ang panandaliang galak mo

para pagtakpan ang hungkag na damdamin sa puso mo

na di maitago?

Maloloko mo ang sinumang kapamilya mo,

pero Ako di mo maloloko.

II

Dahil pananalig mo'y napakahina,

galak ng buhay di mo pa nakita.

Maging tapat ka, ang giit Ko,

at iukol sa Akin kalahati ng buhay mo.

Mas mabuti 'to kaysa habambuhay kang

pangkaraniwan, nagsisikap para sa laman,

nagtitiis ng lahat ng sakit at pagdurusa

na halos di makayanan.

Matitiyak mo bang mundo ang pahingahan mo?

Madali ka bang makakangiti sa mundong ito

kung naiwasan mo pagkastigo Ko?

At magagamit mo ba ang panandaliang galak mo

para pagtakpan ang hungkag na damdamin sa puso mo

na di maitago?

Maloloko mo ang sinumang kapamilya mo,

pero Ako di mo maloloko.

Bakit mahal na mahal mo ang sarili mo

at tinatakasan Aking pagkastigo?

Maikli Kong pagkastigo, ano'ng silbing iwasan

at mapahiya't maparusahan magpakailanman?

Matitiyak mo bang mundo ang pahingahan mo?

Madali ka bang makakangiti sa mundong ito

kung naiwasan mo pagkastigo Ko?

At magagamit mo ba ang panandaliang galak mo

para pagtakpan ang hungkag na damdamin sa puso mo

na di maitago?

Maloloko mo ang sinumang kapamilya mo,

pero Ako di mo maloloko.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger