Tagalog Testimony Video | "Paano Dumarating ang Pananampalataya"

Nobyembre 28, 2021

Nang arestuhin ang bida dahil sa paniniwala niya sa Diyos, pinahirapan siya ng mga opisyal ng CCP para gawin siyang pagtaksilan ang Diyos at ibunyag ang kanyang mga kapatid. Mahigpit nilang iginapos ang mga braso niya sa likuran niya, naglagay ng isang tungkod na kahoy sa pagitan ng mga braso niya at ng katawan niya at pagkatapos ay isinabit siya sa pamamagitan ng tungkod para ang mga binti niya ay nakalutang sa hangin at ang mga braso niya ang sumusuporta sa bigat ng buong katawan niya. Matapos mapasailalim sa matinding pagpapahirap na ito nang ilang beses, ang kanyang mga balikat ay nadislocate at ang kanyang mga braso ay naging manhid. Patuloy siyang pinagtatanong ng mga opisyal, nilagyan ng langis ng mustasa sa loob ng kanyang ilong at tinusok-tusok ang ilalim ng kanyang mga kuko gamit ang toothpick. Tinaser din nila siya, hinampas ang mukha at kalaunan ay sinentensyahan siya ng isang taon at kalahati ng reedukasyon sa pamamagitan ng paggawa. Sa gitna ng kanyang pagdurusa at kahinaan, ang mga salita ng Diyos ang gumabay sa kanya at nagbigay sa kanya ng pananampalataya. Nakilala rin niya ang lumalaban sa Diyos na makademonyong diwa ng CCP. Matapos ang limang buwan, himalang gumaling ang mga braso niya, at nagkaroon siya ng malalim na pagpapahalaga sa awtoridad at pagiging maharlika ng mga salita ng Diyos pati na rin sa pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos at sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Ang karanasang ito ay nagpatibay sa kanyang pananampalataya at pagpapasya na sundan ang Diyos.

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger