Ipinahamak Ako ng Pagkukunwaring Nakakaintindi

Enero 25, 2023

Ni Yi Fan, Timog Korea

Dati akong gumagawa ng gawaing disenyo para sa iglesia. Sa paglipas ng panahon, nang nakumpleto ko ang lahat ng uri ng disenyo at imahe, lubos na humusay ang mga kasanayan ko at napili akong maging isang lider ng grupo. Naisip ko: “Dahil napili ako bilang lider ng grupo, nangangahulugan ito na mayroon akong partikular na mga kasanayan at talento sa gawain ko, na mas magaling ako kaysa sa ibang kapatid at kaya kong pangasiwaan ang gawaing ito. Kailangan kong pahalagahan ang tungkuling ito, magsikap, hanapin ang mga prinsipyo ng katotohanan, at gawin ang aking makakaya. Hindi ako pwedeng gumawa ng mga pagkakamali na hahadlang sa gawain ng iglesia. Kailangan kong ipakita sa lahat na karapat-dapat akong maging isang lider ng grupo.”

Isang araw, dumating ang lider ng iglesia at sinabi sa akin: “Nangangailangan ang iglesia ng background image para sa isa sa mga video ng himno natin. Mas magiging mahirap itong gawin kaysa sa ating mga dating background. Dahil abala ang iba sa paggawa ng iba’t ibang disenyo ngayon, at maaantala ang pag-usad natin kung kukuha tayo ng ibang tao para gawin ito, gusto naming ipagawa ito sa iyo. Sa tingin mo ba kaya mong gawin ito?” Nang marinig kong sinabi ito ng lider ko, naisip ko: “Hindi pa ako nakagawa ng ganoon kahirap na background noon, hindi ako sigurado na makakagarantiya ako ng magagandang resulta.” Pero naisip ko, “Bibigyang-pansin ng mga lider at kapatid ang proyektong ito—mahigit dalawang taon ko nang ginagawa ang tungkuling ito, napangasiwaan ang maraming mahihirap na isyu at gampanin, at natuto ng mga magandang kasanayan. Maaaring ito ang unang pagkakataon na susubukan ko ang gayon kahirap na background, at tiyak na magkakaroon ng ilang hindi inaasahang isyu, pero kung hindi ko man lang kayang harapin ang isang gampaning tulad nito, ano na lang ang iisipin ng iba sa akin? Kung hindi ko ito kaya, iisipin ba nila na hindi ako isang mahusay na manggagawa at walang nagawang anumang pag-usad? Ang ibang mga kapatid ay lahat gumagawa ng kanilang sariling mga proyekto ngayon, at kung may ibang kailangang ipadala para makatrabaho ko sa sandaling ito, tiyak na iisipin ng lahat na hindi ko kaya ang malalaking responsibilidad, na hindi ako maaasahan at hindi naaangkop para sa pamumuno. Hindi ako papayag na mangyari iyon! Kailangan kong tanggapin ang proyektong ito kahit anong mangyari. Magsasaliksik na lang ako sa kung ano ang hindi ko alam para magawa ko nang tama ang lahat, at maipakita sa lahat na kaya kong pangasiwaan ang mahihirap na tungkulin.” Nang makapagdesisyon na ako, may kumpiyansa akong sumagot: “Kaya ko ito, walang problema. Medyo mas mahirap at nakakapagod lang ito na background kaysa sa iba. Sa kaunting dagdag na pagsisikap, masisiguro ko ang magandang kalidad.” Nang makitang mukhang may kumpiyansa ako, tumango ang lider: “Mayroon tayong mahigpit na deadline sa background na ito at ang disenyo ay kinakailangang sumalamin sa kahulugan at damdamin sa likod ng himno. Kung magkakaproblema ka habang dinidisenyo ito, kontakin mo ako kaagad.” Sinabi rin ng superbisor ko: “Kung hindi mo talaga magawa, sabihin mo lang sa amin at magtatalaga kami ng taong tutulong sa iyo.” Tumango ako bilang pagsang-ayon, parehong nananabik at kinakabahan: Nasasabik ako na gagawa ako ng isang napakahalagang disenyo, magiging respetado ako dahil dito kung huhusayan ko, pero nag-aalala rin ako kung makakaya ko ba ang gayong kahirap na gampanin. Hindi ako sigurado kung maibibigay ko ba ang kalidad na gusto nila! Pero kahit ano ang mangyari, hindi ko pwedeng biguin ang lahat. Kailangan kong simulan agad ang pagsasaliksik, subukan ang mga bagay-bagay habang ginagawa ito para masulit ang bihirang pagkakataong ito. Tatapusin ko ang gampaning ito, gaano man ito kahirap.

Habang nagdidisenyo, parang mabilis na lumilipas ang oras at lumilitaw ang lahat ng uri ng isyu. Naramdaman ko ang tumitinding pressure. Madalas magtanong ang lider at superbisor tungkol sa pag-usad ko at kung mayroon akong anumang mga problema. Sa sobrang kaba, sinasabi ko na lang sa kanila na lahat ay “maayos naman,” samantalang ang totoo ay nanginginig ako: Kailangan pa ring ayusing mabuti at paunlarin ang disenyo. Wala talaga akong ideya sa kalalabasan ng pinal na produkto. Kung hindi ito magiging maayos, makikita ng lahat ang totoong antas ng kasanayan ko, sasabihin nilang wala akong kakayahan at sinusubukan lang na magpakitang-gilas. Naisip ko na dahil nangako akong matatapos ko ito, ipapahamak ko lang ang sarili ko kung sisirain ko ang pangako ko, kaya kailangan ko na lang pilitin ang sarili ko at aralin ang mga bagay-bagay habang nagpapatuloy ako. Hindi pa rin ako nakakabuo ng isang konsepto, kaya natagalan ang brainstorming. Isang beses, dumating ang lider sa studio namin at pinanood akong magtrabaho, kaya sinadya kong lumipat sa isang mas madaling seksyon at iginuhit ito nang mabilis, para ipakitang maayos ang lahat. Ang totoo, sobrang kinakabahan ako at pinagpapawisan ang mga palad ko. Pagkaalis ng lider, bumalik ako sa mas mahirap na seksyon at sinimulang pag-isipan ito nang husto. Ayaw kong aminin na may isyu, nag-aalalang kukuwestyunin ng lider ang kakayahan ko. Naisip ko na dahil nakagawa na ako ng malaking pangako, nakakahiya kung sisirain ko ito. Kailangan ko na lang maging determinado at aralin ang mga bagay-bagay habang nagpapatuloy ako, pero mabagal ang pag-usad ko at sobrang napapagod na ako. Nagpuyat talaga ako sa huling gabi ng pagtatapos ng disenyo. Tiningnan ito ng lider ko at superbisor at sinabing mukhang maganda ito pero kailangan ng ilang pagbabago. Gayunpaman, hindi ako natuwa sa paggawa ng tungkulin ko—hindi ko na alam ang dapat gawin, at hindi ko mapasaya ang sarili ko.

Kalaunan, sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay madalas na nagpaparatang sa buhay mo, kung ang puso mo ay hindi makasumpong ng kapahingahan, kung ikaw ay walang kapayapaan o kagalakan, at madalas na binabalot ng pag-aalala at pagkabalisa tungkol sa lahat ng uri ng mga bagay, ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita lamang nito na hindi mo isinasagawa ang katotohanan, hindi naninindigan sa iyong patotoo sa Diyos. Kapag namumuhay ka sa gitna ng disposisyon ni Satanas, malamang na ikaw ay mabibigo nang madalas sa pagsasagawa ng katotohanan, tatalikuran ang katotohanan, at magiging makasarili at kasuklam-suklam; itinataguyod mo lamang ang iyong imahen, ang iyong mabuting pangalan at katayuan, at ang iyong mga interes. Ang pamumuhay palagi para lamang sa iyong sarili ay nagdadala sa iyo ng malaking pasakit. Dahil napakarami ng iyong mga makasariling pagnanasa, gusot, gapos, pag-aalinlangan, at kinaiinisan kaya wala ka na kahit kaunting kapayapaan o kagalakan. Ang mamuhay para sa tawag ng tiwaling laman ay ang magdusa nang labis-labis(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpasok sa Buhay ay Nagsisimula sa Pagganap ng Tungkulin). Sa pag-iisip sa salita ng Diyos, napagtanto ko na ang dahilan kung bakit pagod na pagod pa rin ako at nalulungkot matapos makumpleto ang disenyo ay dahil masyado akong naghahangad ng katayuan. Para itago ang aking mga pagkukulang sa aking tungkulin, nagbalatkayo ako, nagpapanggap sa harap ng iba. Kalaunan, nakita ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos na nakatulong sa akin na mas maunawaan ang aking tiwaling disposisyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga tao mismo ay mga bagay na nilikha. Kaya ba ng mga bagay na nilikha na magkamit ng walang-hanggang kapangyarihan? Kaya ba nilang maging perpekto at walang anumang mali? Kaya ba nilang maging mahusay sa lahat ng bagay, maunawaan ang lahat ng bagay, makilatis ang lahat ng bagay, at makaya ang lahat ng bagay? Hindi nila kaya. Gayunman, sa kalooban ng mga tao, mayroong mga tiwaling disposisyon, at isang malalang kahinaan: Sa sandaling matuto sila ng isang kasanayan o propesyon, pakiramdam ng mga tao ay may kakayahan sila, na sila ay mga taong may katayuan at may halaga, at na sila ay mga propesyonal. Gaano man sila kapangkaraniwan, nais nilang lahat na ipresenta ang kanilang sarili bilang sikat o mataas na tao, na gawing medyo tanyag na tao ang kanilang sarili, at ipaisip sa mga tao na perpekto sila at walang kapintasan, wala ni isang depekto; sa mga mata ng iba, nais nilang maging sikat, makapangyarihan, dakilang tao, at gusto nilang maging napakalakas, kaya ang anumang bagay, nang walang hindi nila kayang gawin. Pakiramdam nila, kapag humingi sila ng tulong sa iba, magmumukha silang walang kakayahan, mahina, at mas mababa, at na hahamakin sila ng mga tao. Sa dahilang ito, palagi nilang nais na patuloy na magkunwari. Ang ilang tao, kapag pinagawa ng isang bagay, ay nagsasabing alam nila kung paano ito gawin, kahit na sa katunayan ay hindi. Pagkatapos, palihim, sasaliksikin nila ito at susubukang matutuhan kung paano ito gawin, ngunit pagkatapos itong pag-aralan nang ilang araw, hindi pa rin nila nauunawaan kung paano ito gawin. Kapag tinanong kung kumusta sila dito, sinasabi nila, ‘Malapit na, malapit na!’ Pero sa kanilang puso, naiisip nila, ‘Hindi ko pa nauunawaan, wala akong ideya, hindi ko alam kung ano ang gagawin! Hindi ako dapat magpahalata, dapat ituloy ko ang pagkukunwari, hindi ko maaaring hayaang makita ng mga tao ang aking mga pagkukulang at kamangmangan, hindi ko maaaring hayaang hamakin nila ako!’ Anong problema ito? Isa itong impyernong buhay na sinusubukang huwag mapahiya sa anupamang paraan. Anong klaseng disposisyon ito? Walang hangganan ang kayabangan ng gayong mga tao, nawalan na sila ng buong katinuan! Ayaw nilang maging katulad ng iba, ayaw nilang maging karaniwang mga tao, normal na mga tao, kundi taong higit sa karaniwan, isang mataas na indibidwal, isang bihasang tao. Napakalaking problema nito! Patungkol sa mga kahinaan, mga pagkukulang, kamangmangan, kahangalan, at kawalan ng pang-unawa sa loob ng normal na pagkatao, babalutan nila ang lahat ng iyon, hindi ipapakita sa ibang mga tao, pagkatapos ay patuloy silang magpapanggap. … Anong masasabi mo, hindi ba’t namumuhay ang gayong mga tao nang lumilipad ang isip? Hindi ba nangangarap sila nang gising? Hindi nila kilala kung sino sila mismo, ni hindi nila alam kung paano isabuhay ang normal na pagkatao. Ni minsa’y hindi sila kumilos na tulad ng praktikal na mga tao. Kung araw-araw ka na lang lutang mag-isip, iniraraos lang ang gawain, walang ginagawang anumang praktikal, at laging namumuhay nang ayon sa sarili mong imahinasyon, problema ito. Ang landas sa buhay na iyong pinili ay mali(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos). Inilantad ng salita ng Diyos ang kasalukuyang kalagayan ko. Inakala ko na dahil matagal na akong nagtatrabaho sa disenyo, natuto na ng ilang kasanayan at napili bilang lider ng grupo, na may kakayahan ako at may pambihirang talento. Dahil ganito ang tingin ko sa sarili ko, pinahalagahan ko ang iniisip ng iba sa akin, nag-aalala na baka makita nila ang mga kakulangan ko at sabihing hindi ako karapat-dapat sa trabaho. Lalo na sa background image na ito, wala pa akong nagawang kasinghirap nito noon, at hindi ako sigurado kung magtatagumpay ako, pero upang mapanatili ang reputasyon at katayuan ko, at makuha ang tiwala ng aking superbisor at lider, nagkunwari akong maayos ang lahat. Nang humarap ako sa mga isyu at hindi umuusad, hindi ako humingi ng tulong, at sa halip ay lihim akong naghirap. Nang tanungin ng lider ang tungkol sa pag-usad ko o anumang mga problema na mayroon ako, hindi ko sinabi sa kanya ang mga isyu ko, kahit na hindi ko na malaman kung ano ang gagawin, sa halip, pinili kong magsinungaling sa kanya at linlangin siya, umabot pa nga sa pagpapanggap na napakahusay ko para isipin niya na kaya kong tapusin ang trabaho. Nagpanggap ako sa bawat aspeto para itago ang aking mga kakulangan. Palagi akong nagkukunwari na isa akong mahusay na manggagawa para isipin ng iba na kaya kong gawin ang kahit ano, at na alam ko ang lahat. Napagtanto ko na masyado akong banidoso at mayabang. Sinasabi ng salita ng Diyos, “Ang mga tao mismo ay mga bagay na nilikha. Kaya ba ng mga bagay na nilikha na magkamit ng walang-hanggang kapangyarihan? Kaya ba nilang maging perpekto at walang anumang mali? Kaya ba nilang maging mahusay sa lahat ng bagay, maunawaan ang lahat ng bagay, makilatis ang lahat ng bagay, at makaya ang lahat ng bagay? Hindi nila kaya.” Totoo nga, paano magiging perpekto at may kakayahan ang isang tiwaling tao? Normal lang na hindi makaunawa, o hindi magawa ang ilang bagay sa tungkulin ng isang tao, pero wala akong ganoong saloobin sa mga kakulangan ko. Sa halip, pilit kong inilarawan ang sarili ko bilang isang mahusay na manggagawa. Ayaw kong maituring bilang isang karaniwang nilikha lamang. Hinangad kong maging perpekto at walang kapintasan. Napakayabang ko na nawalan ako ng lahat ng katwiran. Dahil palagi akong nagpapanggap sa tungkulin ko, nag-aalala na makita ng iba ang totoong ako, at hindi humihingi ng tulong kapag hindi ko naiintindihan ang isang bagay, mabagal na umusad ang disenyo kahit na mabilis ito dapat natapos, at sobra akong napagod. Napagtanto ko na napakahangal ko para hangarin ang pagiging walang kapintasan. Palagi kong itinatago ang aking mga kakulangan, nang walang lakas ng loob na harapin ang mga ito. Dahil dito, hindi lang ako nakaramdam ng pagod at kawalan ng katapatan sa tungkulin ko, kundi naantala ko rin ang gawain ng iglesia. Nang mapagtanto ko ito, nagdasal ako sa Diyos: “Mahal na Diyos! Salamat sa kaliwanagan at paggabay Mo, na nakatulong sa akin na makita kung gaano kakalunus-lunos ang pagpapanggap ko. Handa na akong itama ang aking mga maling pananaw sa paghahangad sa pagsasagawa ko sa hinaharap, magkaroon ng tamang saloobin sa aking mga kakulangan, magtanong kapag hindi ko naiintindihan, umiwas sa pagtatago, at gawin ang tungkulin ko nang praktikal at matapat.”

Kalaunan, nabasa ko ang marami pang salita ng Diyos: “Dapat mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang iyong mga kamalian, iyong mga kakulangan, iyong mga kasalanan, iyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at magbahagi tungkol sa lahat ng ito. Huwag mong itago ang mga ito. Ang pagkatutong buksan ang iyong sarili ang unang hakbang tungo sa pagpasok sa buhay, at ito ang unang sagabal, na siyang pinakamahirap daigin. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ano ang ipinahihiwatig ng paggawa sa hakbang na ito? Nangangahulugan ito na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang ikinukubling anuman, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at tapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang susuriing mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mapapalagpas mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi nakagapos o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Napagtanto ko na kung gusto kong gawin nang maayos ang tungkulin ko at mapuri ng Diyos, ang susi ay paghahanap sa katotohanan. Anumang mga tiwaling disposisyon ang ipinapakita ko o kung anong mga isyu ang mayroon ako sa tungkulin ko, kailangan kong magtapat sa Diyos sa panalangin para humingi ng patnubay, isantabi ang pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan, makipagbahaginan sa mga kapatid, umiwas sa pagtatago at pagbabalatkayo, hayaang makita ng lahat ang totoong ako, gawin lang kung ano ang kaya ko, umamin kapag hindi ko kaya, at hanapin ang katotohanan kasama ang iba. Ang paggawa ng tungkulin ko sa ganitong paraan ay hindi magiging gaanong nakakapagod at nakakapigil—magiging masaya ito. Nang mapagtanto ito, nagtapat ako sa pagbabahagi sa mga kapatid tungkol sa mga iniisip ko sa buong proseso ng pagdidisenyo at binanggit ang mga isyung nakaharap ko para talakayin kasama sila. Tinuruan ako ng mga kapatid ng ilang bagong pamamaraan at nagbigay sila ng ilang bagong ideya. Pagkatapos niyon, ang natitirang oras na ginugol ko sa background ay talagang naging maayos. Kalaunan, sinabi sa akin ng ilang kapatid, “Mas magandang tingnan ang background image mo kumpara sa mga nauna. Maaari mo bang ibahagi sa amin minsan ang karanasan mo at kung ano ang natutunan mo?” Tuwang-tuwa ako nang marinig ito at naramdaman kong praktikal ko nang natupad ang tungkulin ko. Sa pagbabalik-tanaw sa karanasan ko sa pagdidisenyo ng background, napagtanto ko na walang masama sa pagkakaroon ng mga kakulangan at kung malalaman ito ng iba. Ang magawang magtapat at maghanap sa katotohanan, at isantabi ang mga maling layunin at pagnanais ay ang pinakamahalaga. Mapapayapa at magiginhawahan ka sa ganitong paggawa.

Unti-unti, nakakagawa ako ng mga de-kalidad na disenyo para sa mahihirap na proyekto at mas maraming natatapos na produkto kaysa sa iba pang mga kapatid. Palagi silang humihingi sa akin ng payo sa mga konsepto ng disenyo at iba pang teknikal na katanungan. Noong una, sinasabi ko lang sa kanila ang nalalaman ko, pero habang dumarami ang mga nagtatanong, hindi namamalayang sinimulan kong isipin na, “Siguro, nakikita na ng lahat ang mga talento ko. Kung hindi, bakit nila hihingin ang payo ko?” Nang hindi namamalayan, sinimulan kong tamasahin talaga ang nasisiyahang pakiramdam na ito at lubos akong natutuwa sa sarili ko. Pero may nangyari na talagang hindi inaasahan. Sa isa sa mga background image na idinisenyo ko para sa isang himno, napansin ng lider ko ang isang isyu na lumalabag sa prinsipyo at tinawag ako para pag-usapan ito. Kailangan daw i-edit ang larawan sa araw na iyon o kung hindi ay maaantala ang gawain at tinanong niya kung kaya kong mag-edit nang mag-isa o kung kailangan ko ng tulong ng iba. Naisip ko: “Idinisenyo ko ang larawang ito, kung ipapasa ko ito sa iba, hindi ba’t magmumukhang kulang ang mga kasanayan ko? Iisipin ba ng mga tao na magaling lang ako sa salita, pero hindi talaga kayang gumawa? Hindi pwedeng mangyari iyon! Hindi ako pwedeng sumuko ngayon. Kung maaayos ko ang problemang ito nang mag-isa, malalaman ng lahat na kaya kong gawin ang trabaho ko, na mapagkakatiwalaan at karapat-dapat akong linangin.” Nang mapagtanto ko ito, sinabi ko sa lider na aayusin ko ito nang mag-isa ayon sa prinsipyo. Habang nag–eedit, may isang bahagi ng larawan na hindi ko talaga maisipan ng magandang konsepto. Dahil paubos na ang oras at naiipit pa rin ako sa konseptong iyon, talagang na-stress ako, gusto ko lang matapos ito kaagad, pero kahit anong pagbabago ko sa disenyo, hindi ito gumagana. Naipit ako sa konseptong iyon hanggang alas-singko ng umaga, pero wala pa rin akong naisip. Noon ko lang naitanong sa sarili ko, bakit ako nagkakaroon ng ganitong isyu? Bigla kong napagtanto na ang dahilan kung bakit lumalabag sa prinsipyo ang disenyo ko ay dahil may ilang aspeto ng mga prinsipyo ang hindi ko nauunawaan. Nakaantala na sa gawain ang pag-eedit nito. Hindi nga ako sigurado kung maaayos ito ng pag-eedit ko, at apurahang kinakailangan ang larawang ito, kaya alam kong dapat akong humingi ng tulong. Pero upang mapanatili ang aking katayuan at reputasyon, at itago ang aking mga kakulangan, sinisikap ko lang na paghirapan ito nang mag-isa. Hindi ba’t inaantala ko ang gawain ng iglesia? Nang mapagtanto ko ito, labis akong nakonsensya at dali-dali akong nagdasal sa Diyos para magsisi, “O Diyos! Nakagapos ako sa aking tiwaling disposisyon. Sa sandaling nagkakaproblema ako, nagkukunwari akong ayos lang ang mga bagay-bagay para respetuhin ako ng iba. Hindi ko kayang harapin nang tama ang mga kakulangan ko. Nakakapagod ang ganitong paggawa sa tungkulin ko! Mahal kong Diyos, pakiusap gabayan Mo po ako para makilala ang aking katiwalian at mabitiwan ang aking banidad, para makapagsagawa ako ayon sa salita Mo.” Pagkatapos magdasal, naisip ko ang sumusunod na salita ng Diyos, “Palagi kang naghahangad ng kadakilaan, karangalan, at katayuan; palagi kang naghahangad ng pagpaparangal. Anong nararamdaman ng Diyos kapag nakikita Niya ito? Kinamumuhian Niya ito, at lalayo Siya sa iyo. Habang lalo kang naghahangad ng mga bagay gaya ng kadakilaan, karangalan, at pagiging mas mataas kaysa iba, kilala, katangi-tangi, at kapansin-pansin, lalo kang kasuklam-suklam para sa Diyos. Kung hindi mo pagninilayan ang iyong sarili at magsisisi, kamumuhian ka ng Diyos at tatalikdan ka Niya. Tiyaking hindi ka magiging isang taong kasuklam-suklam para sa Diyos; maging isang taong minamahal ng Diyos. Kaya, paano makakamit ng isang tao ang pagmamahal ng Diyos? Sa pamamagitan ng masunuring pagtanggap sa katotohanan, pagtayo sa posisyon ng isang nilalang, pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos nang nakatapak ang mga paa sa lupa, pagganap sa mga tungkulin nang maayos, pagsisikap na maging isang matapat na tao, at pagsasabuhay ng wangis ng isang tao. Sapat na ito, masisiyahan na ang Diyos. Dapat siguruhin ng mga tao na huwag mag-ambisyon o mag-isip ng mga walang-saysay na pangarap, huwag maghangad ng katanyagan, mga pakinabang, at katayuan o mamukod-tangi sa karamihan. Bukod pa roon, hindi nila dapat subukang maging isang dakilang tao o superman, na nakalalamang sa mga tao at ginagawa ang iba na sambahin sila. Iyan ang hangarin ng tiwaling sangkatauhan, at ito ang landas ni Satanas; hindi nililigtas ng Diyos ang ganoong mga tao. Kung ang mga tao ay patuloy na naghahangad ng katanyagan, mga pakinabang, at katayuan at tumatangging magsisi, wala nang lunas para sa kanila, at mayroon lang isang kalalabasan para sa kanila: ang itiwalag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Nagkakaisang Pakikipagtulungan). Tinugunan ng salita ng Diyos ang mismong kalagayan ko: Palagi kong hinahabol ang reputasyon, katayuan, at paghanga. Nang makatapos ako ng mas maraming disenyo kaysa sa iba at nakumpleto ang mahihirap na proyekto nang may garantisadong kalidad, hindi namamalayang naging mayabang ako. Higit pa roon, kapag lumalapit sa akin ang iba nang may mga katanungan, labis akong nasisiyahan at tinamasa ang pakiramdam ng hinahangaan. Nang magkaroon ng isyu ang isa sa mga larawan ko at ibinalik, at iminungkahi ng lider na tumulong sa pag-edit ang isa pang kapatid para mas mabilis, hindi ko isinaalang-alang ang gawain ng iglesia, inaalala ko lang na mabubunyag ang kawalan ko ng kakayahan kung hahayaan ko ang iba na tumulong sa pag-edit. Para mapanatili ang sarili kong reputasyon at katayuan, at maiwasan ang maliitin ng iba, mag-isa kong inako ang pag-edit. Nang maharap ako sa mga isyu, sa halip na humingi ng tulong, tiniis ko ito at piniga ang utak ko, inaantala ang lahat. Kung titingnan, mukha akong nagtatrabaho nang lagpas sa oras para sa tungkulin ko, pero ang totoo, sinusubukan ko lang patunayan ang mga talento ko sa pamamagitan ng pag-aayos sa larawan, ipinaparamdam sa iba na maaasahan ako. Nakita ko na labis akong nagnanais ng reputasyon at katayuan. Sinusuri ng Diyos ang ating mga iniisip—nagawa ko mang linlangin ang iba, hindi ko malilinlang ang Diyos, at gaano ko man kahusay na itago ang mga kakulangan ko, kung hindi magbabago ang tiwali kong disposisyon at hindi ko makakamit ang katotohanan, kamumuhian pa rin ako ng Diyos at palalayasin ako. Naantala ko ang gawain ng iglesia sa aking paghahangad ng reputasyon at katayuan, at kung hindi ako magsisisi sa Diyos at magninilay-nilay, nililinlang ko lang ang sarili ko at ang iba, ipinapahamak ang sarili ko. Nang mapagtanto ito, kaagad akong humingi ng tulong sa isang sister na magaling sa disenyo. Tinalakay namin kung paano i-edit ang larawan at nagkaroon ako ng mas malinaw na konsepto pagkatapos. Maya-maya pa, natapos ko na ang pag-edit.

Kalaunan, nagpatuloy akong magnilay-nilay kung bakit palagi kong sinisikap na itago ang mga kakulangan ko. Nakita ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na nagkaroon ng malalim na epekto sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mayroon bang dapat ikahiya sa kawalan ng kakayahang gumawa ng ilang bagay? Sinong tao ang kayang gawin ang lahat? Walang nakakahiya roon—huwag kalimutan, ikaw ay isang ordinaryong tao. Ang mga tao ay mga tao lamang; kung hindi mo kayang gawin ang isang bagay, sabihin mo lang. Bakit ka magpapanggap? Kung palagi kang nagpapanggap, masusumpungan ito ng iba na kasuklam-suklam, at sa malao’t madali, darating ang araw na ikaw ay malalantad, at mawawala sa iyo ang iyong dignidad at karangalan. Gayon ang disposisyon ng mga anticristo. Palagi nilang itinatanghal ang kanilang mga sarili bilang mga tao na kayang gawin ang lahat ng bagay, na may kakayahan at kaalaman sa lahat ng bagay. Gulo ang idudulot nito, hindi ba? Kung sila ay may matapat na saloobin, ano ang kanilang gagawin? Sasabihin nila, ‘Hindi ako eksperto rito, mayroon lang akong kaunting karanasan dito, ngunit ngayon, ang mga kasanayan na kailangan namin ay mas kumplikado na kaysa dati. Nasabi ko na sa iyo ang lahat ng kaya kong gawin, at hindi ko nauunawaan ang mga bagong problemang kinakaharap natin. Kung gagampanan natin nang maayos ang ating tungkulin, kakailanganin nating magtamo ng higit pang teknikal na kadalubhasaan. Kapag naunawaan na natin iyon, epektibo na nating magagampanan ang ating tungkulin. Ipinagkatiwala sa atin ng Diyos ang tungkuling ito, at responsibilidad nating gawin ito nang maayos. Sa diwang iyon, dapat tayong magtamo ng higit pang teknikal na kadalubhasaan.’ Iyon ang pagsasagawa ng katotohanan. Kung ang isang tao ay may disposisyong anticristo, hindi nila ito gagawin. Kung may kaunti silang katwiran, katulad ng ganito ang sasabihin nila, ‘Ito lang ang alam kong gawin. Huwag ninyong akong malakihin, at hindi ako magyayabang—magiging mas madali sa ganoong paraan, tama? Sadyang nakakapagod ang palaging magpostura at magpanggap. Kung hindi natin alam kung paano gawin ang isang bagay, matututunan natin kung paano gawin ito nang magkasama. Kailangan nating magtulungan para magampanan natin nang maayos ang ating tungkulin. Lahat tayo ay kailangang magkaroon ng responsableng saloobin.’ Kapag nakita ito ng mga tao, iisipin nila, ‘Mas mabuti ang taong ito kaysa sa ating lahat. Kapag may nangyayari, hindi siya nagyayabang tungkol sa kanyang kasanayan, at hindi siya nagpapasa ng mga bagay sa iba, o sumusubok na umiwas sa responsibilidad. Sa halip, inaako niya ang mga bagay, at ginagawa niya ang mga iyon nang may seryoso at responsableng saloobin. Ito ay isang mabuting tao, na may responsable, at seryosong saloobin sa gawain at sa kanyang tungkulin. Siya ay mapagkakatiwalaan. Tama ang sambahayan ng Diyos na ibigay ang mahalagang proyektong ito sa kanya. Talagang sinusuri ng Diyos ang kaloob-loobang pagkatao ng tao!’ Sa pagganap niya sa kanyang tungkulin nang ganito, nagagawa ng taong ito na pinuhin ang kanyang mga kasanayan, at nakakamtan ang pagsang-ayon ng lahat. Saan nagmumula ang pagsang-ayong ito? Una, ito ay nagmumula sa seryoso at responsableng saloobin ng taong iyon sa kanyang tungkulin. Pangalawa, ito ay nagmumula sa kanyang kakayahan na maging matapat na tao, na may saloobin ng pragmatismo at pagkukusang-loob na matuto. At pangatlo, hindi natin maikakaila ang posibilidad na siya ay ginagabayan at naliliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang ganitong uri ng tao ay may pagpapala ng Diyos, at ito ay isang bagay na maaaring makamtan ng mga taong may konsiyensiya at pag-unawa. Maaaring sila ay tiwali at may kakulangan, at maaaring maraming bagay ang hindi nila kayang gawin, ngunit ang kanilang landas ng pagsasagawa ang tama. Hindi sila nagpapanggap o nanlilinlang, mayroon silang seryoso at responsableng saloobin sa kanilang tungkulin, at maka-Diyos at nananabik na saloobin sa katotohanan. Kailanman ay hindi kakayanin ng mga anticristo ang ganoong mga bagay, dahil ang paraan ng kanilang pag-iisip ay hindi kailanman magiging katulad sa mga taong nagmamahal at naghahangad ng katotohanan. Bakit ganoon? Dahil taglay nila ang kalikasan ni Satanas. Namumuhay sila sa isang satanikong disposisyon upang makamit ang kanilang layuning kumamkam ng kapangyarihan. Palagi silang sumusubok, sa pamamagitan ng iba't ibang mga kaparaanan, na gumawa ng mga plano at pakana, gumagamit ng anumang paraan upang akitin ang mga taong sambahin at sundin sila. Kaya, para makapanlinlang, iniisip nila ang lahat ng pamamaraan para makapagbalatkayo, makapanloko, makapagsinungaling, makapandaya ng mga tao—para mapaniwala ang mga tao na palagi silang tama, na alam nila ang lahat, at kaya nilang gawin ang lahat; na sila ay mas matalino at mas marunong at mas maraming nauunawan kaysa sa iba; na mas magaling sila sa lahat ng bagay kaysa sa iba, na nalalampasan nila ang iba sa lahat ng bagay, at sila pa nga ang pinakamagaling na tao sa alinmang grupo. Ito ang uri ng pangangailangan na mayroon sila; ito ang disposisyon ng isang anticristo. Kaya natututo silang magpanggap, na nagbibigay daan sa lahat ng uri ng mga gawi at pag-uugali(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikatlong Bahagi)). Likas na taksil at masama ang mga anticristo. Para mapanatili ang kanilang katayuan at reputasyon, wala silang hindi gagawin; nagpapanggap sila, nagsisinungaling at nanlilinlang ng iba. Naisip ko ang isang anticristo na itiniwalag sa iglesia namin: Para maitatag ang sarili at makakuha ng paghanga, hindi siya humihingi ng tulong kapag nahaharap sa mga isyu, at nagkukunwaring mas maraming nalalaman kaysa sa totoo, ayos lang sa kanya na maantala niya ang gawain ng iglesia para mapanatili ang kanyang katayuan at reputasyon. Binabanggit lang niya ang mga tagumpay niya at hindi ang kanyang mga kabiguan, ginagambala ang gawain ng iglesia sa maraming pagkakataon, pero hindi kailanman nagsisi. Dahil dito, sa huli ay itiniwalag siya sa iglesia. Inihambing ko ang pag-uugali niya sa sarili ko: Hindi ako tumuon sa paghahanap ng katotohanan at mga prinsipyo sa tungkulin ko, hindi tinanggap ang pagsusuri ng Diyos o gumawa sa praktikal na paraan, at palaging nagpapanggap para hangaan ng iba. Malinaw na may problema sa disenyo ko, pero sa kabila ng walang malinaw na konsepto kung paano ito i-edit, hindi ako naghanap at nakipagtalakay sa mga kapatid, sa halip ay naging determinado akong ayusin ito nang mag-isa. Hindi ko isinaalang-alang ang gawain ng iglesia, at hangga’t may kaunting pag-asa pa, ayaw kong ilantad ang mga pagkukulang ko, na para bang hindi malaking bagay ang pag-antala sa gawain ng iglesia at ang pinakamahalaga ay ang mapanatili ang reputasyon ko. Ginawa ko ang lahat para itago ang mga banta sa reputasyon at katayuan ko, kahit sobrang nakakapagod at mahirap na gawin ito. Pakiramdam ko, ang pagkawala ng “magandang reputasyon” ko ay magiging katulad ng pagkawala ng buhay ko. Nagbunyag ng isang disposisyon ng anticristo ang mga kilos ko. Nang mapagtanto ko ito, medyo natakot ako. Maaaring hindi ko nagawa ang lahat ng uri ng kasamaan tulad ng isang anticristo, pero palagi akong naghahangad ng reputasyon, katayuan at paghanga ng iba, kumikilos pa nga nang may kataksilan at nanlilinlang sa iba. Kung hindi ko lulutasin ang disposisyong ito, sa huli ay ilalantad at palalayasin ako ng Diyos. Kaya, nagdasal ako sa Diyos at nagsisi, handang isantabi ang aking banidad at katayuan para magsagawa ayon sa Kanyang mga salita.

Pagtagal, kapag may mga problema sa mga disenyo ko na hindi ko kayang asikasuhin nang mag-isa, agad akong nakikipag-ugnayan sa iba at nagtatapat sa pagbabahagi, naghahanap at nakikinig sa kanilang mga mungkahi. Kung minsan, magkasama kaming nagdidisenyo. Isang beses, nagkaroon ako ulit ng problema sa isang disenyo at nabigong makausad kahit na matagal-tagal ko itong pinag-isipan. Kinumusta ng lider ko ang pag-usad ko at ginusto kong magsinungaling, pero agad kong napagtanto na sinusubukan ko na namang panatilihin ang katayuan at reputasyon. Pagkatapos, naisip ko ang salita ng Diyos: “Kung wala kang itatago, kung hindi ka magpapanggap, magkukunwari, magbabalatkayo, kung magpapakatotoo ka sa mga kapatid, hindi itatago ang iyong mga kaloob-loobang ideya at saloobin, sa halip ay hahayaang makita ng iba ang tapat mong saloobin, kung magkagayon ay unti-unting mag-uugat sa iyo ang katotohanan, sisibol at mamumunga ito, magbubunga ito ng mga resulta nang paunti-unti. Kung lalong nagiging tapat ang iyong puso, at lalong nakahilig sa Diyos, at kung alam mong protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at nababagabag ang iyong konsensya kapag nabibigo kang maprotektahan ang mga interes na ito, ito ang katunayan na nagkaroon ng bisa sa iyo ang katotohanan, at ito ang siyang naging buhay mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Labis na nakakapagbigay ng motibasyon ang mga salita ng Diyos. Alam kong hindi ako dapat patuloy na magpanggap; kailangan kong harapin ang mga kakulangan ko nang matapat at mahinahon. Kahit anong isipin ng iba sa akin, kailangan kong sabihin ang totoo, at maghanap ng solusyon kasama ang iba. Nagkataon na nagkaroon ng pagtitipon sa gawain noong araw na iyon, kaya nagtapat ako sa pagbabahagi tungkol sa mga problema at katiwalian ko. Pagkatapos magsalita, gumaan ang pakiramdam ko. Nang talakayin ko ang lahat sa iba, tinulungan nila akong makaisip ng paraan para maayos ang disenyo, at hindi nagtagal, natapos ko ang pag-edit. Napakasaya ko! Naramdaman ko kung gaano kaganda ang pagtatapat at pagiging bukas! Lahat ay dahil sa pagliligtas ng Diyos kaya ko napagtanto ito at nakamit ang pagbabago. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Hindi Na Isang Pasikat

Ni Mo Wen, SpainNaalala ko noong taong 2018, nasa tungkuling ebanghelyo ako sa iglesia, at pagkatapos ay ginawang tagapamahala ng gawaing...

Leave a Reply