Hindi Dahilan ang Mahinang Kakayahan

Setyembre 30, 2019

Ni Zhuiqiu, Tsina

Noon, sa tuwing nahaharap ako sa ilang paghihirap sa pagganap ng aking tungkulin, o kaya ay maling-mali ang ginawa kong trabaho, naiisip ko na ito ay dahil sa napakahina ng kakayahan ko. Bunga nito, madalas akong namuhay sa negatibo at pasibong kalagayan. Madalas kong gamitin ang aking mahinang kakayahan upang maalis sa akin ang mahihirap na tungkulin at maipasa ang mga ito sa ibang tao, at nadama kong walang masama rito, na iniisip ko ang gawain ng iglesia kapag hinihingi ko sa ibang tao na gawin ang isang bagay dahil sa mahinang kakayahan ko at hindi ko ito magawa nang mabuti. Salamat sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos dahil nabago ko ang maling pananaw na ito, natatanto na tumitingin ako sa mga bagay-bagay ayon sa sarili kong mga pagkaintindi at haka-haka. May natutuhan din ako tungkol sa sarili kong tiwaling disposisyon.

Isang araw, sinabihan kami ng lider namin na magsulat ng liham upang alalayan ang isang sister. Abala sa paggawa ng iba pang bagay ang sister na itinambal sa akin, kaya hiniling niya na ako na ang mag-asikaso nito. Mabilis akong gumawa ng mga pagdadahilan: “Masyadong mahina ang kakayahan ko. Hindi ako magaling sa pagsusulat at pag-edit ng teksto. Mas mainam kung ikaw na ang gagawa nito.” Sa gayon ko awtomatikong ipinapasa ang anumang bagay na mahirap sa aking partner. Kalaunan, sinabi niya sa akin, “Mula noong una tayong nagkita, lagi mong sinasabi na mahina ang kakayahan mo. Pero pagkatapos kitang makasama nang ilang araw napansin kong may kakayahan kang mahanap ang ilang problema sa trabaho. Sa palagay ko ay hindi ganoon kahina ang kakayahan mo, pero sa tuwing nahaharap ka sa anumang paghihirap sa pagganap sa tungkulin mo, palagi mong sinasabi na mahina ang kakayahan mo, at minsan ay ibinibigay mo pa nga ang tungkulin mo sa ibang tao. Hindi ko alam kung ano ang motibasyon mo sa palaging pagsasabi na mahina ang kakayahan mo—pakiramdam ko ay hindi ka talaga nagsasabi ng totoo!” Nang marinig kong sinabi niya ito, wala akong nasabi, ngunit ang puso ko’y napuno ng pagkainis: “Sa tuwing sinasabi kong mahina ang kakayahan ko, totoo ang sinasabi ko. Hindi mo alam ang mga tunay na pangyayari, at mali ang pagkaunawa mo sa akin.” Pagkatapos, pinag-isipan kong mabuti kung bakit sinabi iyon ng sister. Hindi ako nagsisinungaling nang sabihin kong mahina ang kakayahan ko—paano niya nasasabing mayroon akong mga motibasyon? Sa puso ko, hindi ko ito maunawaan.

Minsan, sa pagtitipon namin ng mga kasama ko sa trabaho, nagsabi ako tungkol sa pagkalito ko sa iba pang mga kapatid. Inisa-isa ko ang mga dahilan kung bakit inisip ko na mahina ang kakayahan ko: Halimbawa, talagang mabagal akong mag-type, hindi maganda ang estilo ko sa pagsusulat. Kapag ang ginagawa ko ay mga teksto kasama ang partner ko, ang partner ko ang gumagawa ng karamihan ng typing at editing, at pagdating sa gawain sa iglesia, mas mabilis niyang nakikita ang mga problema, samantalang mas mabagal ako, at iba pa. Pagkatapos akong marinig, sinabi ng aming lider na si Brother Liu, “Sister, sa ganitong mga bagay ba natin sinusukat kung ang kakayahan ng isang tao ay mataas o mahina? Nakaayon ba ito sa katotohanan? Nakaayon ba ito sa kalooban ng Diyos? Alam nating lahat na labis na pinapahalagahan ng mga tao sa mundo ang talento at utak. Sinumang mabilis mag-isip, mahusay magsalita, at magaling sa pagharap ng mga bagay-bagay sa mundo sa labas ay ang taong may mataas na kakayahan, samantalang ang mga pangit magsalita, ignorante at hindi nakapag-aral ay itinuturing na mahina ang kakayahan; ganyan ang tingin dito ng mga di-mananampalataya. Tayo na naniniwala sa Diyos ay dapat tingnan ang mga bagay-bagay batay sa mga salita ng Diyos. Hinanap ba natin ang kalooban ng Diyos ukol sa bagay na ito? Ano ang batayan ng pagsukat ng Diyos kung ang kakayahan ng mga tao ay mataas o mahina? At ano nga ba talaga ang mataas at mahinang kakayahan?” Umiiling-iling ako, at nagpatuloy si Brother Liu sa pagbabahagi: “Basahin natin ang isang talata ng mga salita ng Diyos: ‘Paano natin sinusukat ang kakayahan ng mga tao? Ang pinakatumpak na paraan ay sukatin ang kanilang kakayahan batay sa antas ng pagkaunawa nila sa katotohanan. Ang ilang tao ay napakabilis matuto ng ilang natatanging kakayahan, subalit kapag naririnig nila ang katotohanan, nagiging magulo ang kanilang isipan at nakakatulog sila, nalilito sila, wala sa mga naririnig nila ang pumapasok, ni hindi nila nauunawaan ang kanilang naririnig—ganoon ang mahinang kakayahan. Sa ilang tao, sabihin mo sa kanila na mahina ang kanilang kakayahan at tumututol sila. Iniisip nila na ang pagiging mataas ang pinag-aralan at ang pagkakaroon ng maraming nalalaman ay nangangahulugang mabuti ang kakayahan nila. Naipapakita ba ng magandang pinag-aralan ang mataas na kakayahan? Hindi nito naipapakita. Nasusukat ang kakayahan ng mga tao batay sa antas ng pagkaunawa nila sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Ito ang pinakapamantayan, ang pinakatumpak na paraan ng pagsasagawa nito. Walang saysay na subukang sukatin ang kakayahan ng isang tao sa pamamagitan ng iba pang mga kaparaanan. Ang ilang mga tao ay mahuhusay magsalita at matalas mag-isip, at talagang mahusay silang makisama sa iba—subalit kapag binabasa nila ang mga salita ng Diyos at nakikinig sa mga sermon, wala silang nauunawaan. Kapag nagsasalita sila tungkol sa sarili nilang mga karanasan at pagpapatotoo, naibubunyag nila ang kanilang mga sarili na mga bagito lamang, at nararamdaman ng lahat na wala silang pagkaunawang espirituwal. Ang mga ito ay hindi mga taong mabuti ang kakayahan(“Napakahalaga ng Pag-unawa sa Katotohanan upang Magampanan ng Wasto ang Tungkulin ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Mula sa mga salita ng Diyos na ito ay nakikita natin na ang mataas o mahinang kakayahan ng isang tao ay depende sa kakayahan nilang unawain ang mga salita ng Diyos. Hindi ito ang ibig sabihin ng mga di-mananampalataya kapag sinasabi nila na ang isang tao ay may mataas na kakayahan o may talento o matalino. Mauunawaan ng mga taong may mataas na kakayahan ang kalooban ng Diyos kapag natapos nilang basahin ang Kanyang mga salita, makikita nila ang landas tungo sa pagsasabuhay at papasok sa katotohanan, at magagawa ang ayon sa hinihiling ng Diyos. Sa kabilang banda, may mga tao na mukhang napakatalino at mahuhusay sa pag-aasikaso ng mga bagay ng mundo sa labas—ngunit sila’y kaagad na naguguluhan kapag nahaharap sila sa mga katotohanan ng mga salita ng Diyos. Ang gayong mga tao ay hindi masasabing mataas ang kakayahan. Katulad ito ng ilang taong maalam at nakapag-aral na tila ba may talento at mukhang matalino, subalit hindi kayang maunawaan ang mga katotohanan ng mga salita ng Diyos. Ang ilan sa kanila ay mayroon pa ngang kakatwang pananaw sa mga bagay-bagay. Kung kaya ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan, mabilis na pag-iisip, at kahusayan ay hindi kumakatawan sa mataas na kakayahan, at hindi rin ito ang pamantayan kung saan nasusukat ang kakayahan ng isang tao. Ang susi ay kung nauunawaan ng mga tao ang espiritu, kung kaya nilang maunawaan ang katotohanan. Hindi tayo maaaring umasa sa sarili nating mga pagkaintindi at haka-haka upang masukat kung mataas o mahina ang kakayahan ng isang tao!” Matapos marinig ito, bigla kong nakita ang liwanag: Lumitaw na ang mga paniniwala ko ay sarili ko lamang na mga pagkaintindi at haka-haka—hindi tumugma ang mga ito sa katotohanan.

Pagkatapos, natagpuan ng isang sister ang dalawang talata ng mga salita ng Diyos at hiniling na basahin ko ang mga ito. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Hindi nakasalig ang paraan ng pagturing ng Diyos sa mga tao sa kanilang edad, sa uri ng kapaligiran kung saan sila isinilang, o kung gaano sila katalentado. Bagkus, tinatrato Niya ang mga tao batay sa saloobin nila sa katotohanan, at ang saloobing ito ay may kaugnayan sa kanilang mga disposisyon. Kung tama ang saloobin mo sa pagharap sa katotohanan, natatanggap mo ang katotohanan, at nagpapakumbaba ka, kahit mahina ang iyong kakayahan, liliwanagan ka pa rin ng Diyos at tutulutan ka na may matamo. Kung malakas ang iyong kakayahan ngunit lagi kang nagyayabang, palaging iniisip na ikaw ang tama at hindi tinatanggap kailanman ang anumang sabihin ng iba at laging sumasalungat, kung gayon hindi kikilos sa iyo ang Diyos. Sasabihin sa iyo ng Diyos na masama ang iyong disposisyon at hindi ka karapat-dapat tumanggap ng kahit ano, at babawiin pa ng Diyos ang dating mayroon ka. Ito ang ibig sabihin ng inilalantad(“Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Maaaring Magtaglay ang Tao ng Normal na Pagkatao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Kapag ang isang tao ay makakayang maging seryoso, responsable, nakalaan, at masipag, magagawa nang maayos ang gawain. Minsan, wala kang gayong puso, at hindi ka makahanap o makatuklas ng isang pagkakamali na mas malinaw pa sa araw. Kung magtataglay ng ganoong puso ang isang tao, kasama ng paghihikayat at patnubay ng Banal na Espiritu, magagawa nilang tukuyin ang usapin. Ngunit kung ginabayan ka ng Banal na Espiritu at binigyan ka ng gayong kamalayan, tinutulutan kang maramdaman na may bagay na mali, ngunit wala ka naman ng gayong puso, hindi mo pa rin kakayaning tukuyin ang suliranin. Kaya, ano ang ipinakikita nito? Ipinakikita nito na napakahalaga na nakikipagtulungan ang mga tao; napakahalaga ng kanilang mga puso, at napakahalaga kung saan sila nagtutuon ng kanilang mga kaisipan at layunin. Nagsisiyasat ang Diyos at nakakayang makita kung ano ang kinikimkim ng mga tao sa kanilang puso kapag tumutupad sila sa kanilang tungkulin, at kung gaanong lakas ang iniuukol nila.Napakahalaga na iniuukol ng mga tao ang kanilang buong puso at lakas sa kanilang ginagawa. Napakahalagang sangkap din ng pakikipagtulungan. Tanging sa pagsisikap ng mga tao na walang pagsisihan tungkol sa mga tungkuling kanilang naisagawa at mga bagay na kanilang nagawa, at hindi magkaroon ng pagkakautang sa Diyos, makakikilos sila nang buong at lakas(“Paano Lulutasin ang Suliranin ng Pagiging Pabaya at Kawalang ng Sigla Habang Gumaganap sa Iyong Tungkulin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, sinabi ng sister, “Ipinakikita ng mga salita ng Diyos na ang ating saloobin sa pagganap ng ating tungkulin ay napakaimportante—ito’y napakahalaga. Kung tayo ay may wastong kaisipan, kung maibibigay natin ang ating buong puso at lakas sa pagganap ng ating tungkulin, makikita ito ng Diyos, at ituturing tayo ayon sa ating saloobin tungo sa ating tungkulin. Kahit mahina ang ating kakayahan, tayo ay liliwanagan at gagabayan pa rin ng Diyos. Kung tayo ay may mataas na kakayahan, subalit wala tayong wastong kaisipan, at hindi tayo handang magbayad ng halaga at makipagtulungan sa Diyos, o kung arogante tayo at palagay sa sarili, o gumagawa lamang para sa kasikatan at kayamanan, hindi lamang sa hindi natin nagagampanan ang ating tungkulin sa wastong paraan, kundi tatanggihan din tayo ng Diyos. Ito ang pagiging matuwid ng Diyos. Kung tinitingnan natin ang mga kapatid sa ating paligid ayon sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang ilan ay karaniwan lamang ang kakayahan ngunit may tamang motibasyon sa pagganap ng kanilang tungkulin; kapag nahaharap sa mahirap na kalagayan, inaako nila na hanapin ang katotohanan, at magtuon sa pagpasok sa mga prinsipyo, at patuloy silang nagiging mas epektibo sa pagganap ng kanilang tungkulin. Samantalang may mga kapatid na sa tingin natin ay may espesyal na mataas na kakayahan, at may dalisay na pang-unawa sa mga salita ng Diyos, ngunit sila ay mayabang, kuntento na sa sarili, hindi nakikinig sa payo ng ibang tao, at inaangkin ang kaluwalhatian ng Diyos para sa kanilang sarili sa tuwing mayroon silang mumunting tagumpay sa pagganap ng kanilang tungkulin. Nagpapasikat sila sa tuwing may pagkakataon, nakikipagbuno para sa pakinabang at kasikatan. Ginugulo ng ilan ang gawain ng iglesia at natatanggalan ng karapatang gampanan ang kanilang tungkulin; nagiging mga anticristo ang ilan matapos gumawa ng maraming kasamaan at sila ay pinatalsik mula sa iglesia. Ipinakikita sa atin ng mga katotohanang ito na hindi ang mataas o mahinang kakayahan ng isang tao ang nagpapasiya kung sila ay pinupuri ng Diyos; ang mahalaga ay kung hinahangad ba nila ang katotohanan at ginagawa ang kanilang tungkulin nang buong puso at isipan nila.”

Kasunod nito, ang mga kapatid ay humugot mula sa sarili nilang mga karanasan upang pag-usapan ang mga panganib at bunga ng paglalarawan sa kanilang sarili batay sa sarili nilang mga pagkaintindi at haka-haka. Dito ko lang natanto kung gaano kahangal ang hindi pag-unawa noon sa katotohanan; hindi ko hinanap ang katotohanan, at sa halip ay inilarawan ang sarili ko na may mahinang kakayahan sa pamamagitan ng pamumuhay sa mga sarili kong pagkaintindi at haka-haka, hanggang sa punto na kadalasan ay ipinapasa ko ang mahihirap na tungkulin sa ibang tao. Hindi ako nagsikap na bumuti, ni hindi ako umasa sa Diyos o talagang nagbayad ng halaga upang malampasan ang mga hadlang na ito, na naging dahilan upang hindi ko gampanan ang mga tungkuling kaya kong gawin. Hindi lamang sa wala akong kakayahan sa aktuwal na pagsasanay, o paglago sa katotohanan at buhay, kundi direkta nitong naimpluwensyahan ang pagiging epektibo ko sa pagganap ng aking tungkulin. Naisip ko kung gaano kabilis nahahanap noon ng sister na katrabaho ko ang mga problema. Bagama’t may kaugnayan ito sa kanyang likas na kakayahan, ang mas mahalaga ay, dahil sa kanyang matapat at responsableng saloobin sa kanyang tungkulin, nagawa niyang umasa sa Diyos at tahasang harapin ang mga paghihirap na dinaranas niya. Noon lamang siya naliwanagan at tinanglawan ng Banal na Espiritu. Sa kabilang banda, sinikap kong iwasan ang mga problema nang makaharap ko ang mga ito, at ginawang dahilan ang mahinang kakayahan para hindi na ako masangkot pa. Hindi ako umasa sa Diyos at hindi ko sinubukang akuin at lutasin ang problema sa pamamagitan ng paghahanap ng kaugnay na katotohanan, na ang ibig sabihin ay hindi ko nakamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Mula rito, nakita kong patas at matuwid ang Diyos sa lahat. Sa pamamagitan ng pagbabahagian, natanto ko rin na humihiling sa atin ang Diyos batay sa kaya natin. Hindi ito kaso ng Kanyang “pagpapastol sa mga bibe papunta sa dapuan.” Dapat na ako mismo ang gumawa ng tama; sa halip na magtuon ng pansin sa aking kakayahan, dapat akong magtuon sa pagbubuhos ng buong lakas ko sa pagganap sa aking tungkulin. Dapat kong hanapin at pagnilayan ang mga prinsipyo ng katotohanan, matuto mula sa mga kalakasan ng iba, makinig sa payo ng ibang tao, at ilangkap ito sa tunay na ipinamumuhay ko—at sa paglipas ng panahon, tiyak na makikinabang at lalago ako.

Pagkatapos, ang kritisismo sa akin ng sister ay umalingawngaw sa aking tainga: “Hindi ko alam kung ano ang motibasyon mo sa palaging pagsasabi na mahina ang kakayahan mo.” Tama siya—palagi kong sinasabi na mahina ang kakayahan ko. Anong mga motibasyon at tiwaling disposisyon ang lihim na kumokontrol sa akin?

Isang araw, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Dapat suriin mong maigi ang iyong sarili para makita kung ikaw ay taong nasa tama. Ginagawa mo ba ang mga mithiin at panukala mo na Ako ang nasa isip? Ang iyo bang mga salita at pagkilos ay sinasabi at ginagawa sa Aking presensiya? Sinusuri Ko ang lahat ng iyong mga kaisipan at palagay. Hindi ka ba nakokonsensya? Naglalagay ka ng balatkayo para makita ng iba at mahinahon kang umaasta na may pagmamagaling; ginagawa mo ito para ipagsanggalang ang sarili mo. Ginagawa mo ito para ikubli ang iyong kasamaan, at naghahanap ka pa nga ng mga paraan upang itulak ang kasamaang iyan sa iba. Anong kataksilan ang nananahan sa puso mo!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, nagsimula akong magnilay sa sarili: Kapag nahaharap sa isang tungkulin na hindi ko pa nagawa kailanman, ang una kong gagawin ay sabihin sa mga kapatid na mahina ang aking kakayahan, dahil natatakot akong maliitin nila ako kung hindi maayos ang pagganap ko sa tungkulin. Ginawa ko ito para sa aking kasikatan at katayuan. Ang implikasyon ay, hindi ko kasalanan kung hindi ko ito magawa nang maayos; hindi dahil sa hindi ko ibinuhos dito ang buong lakas ko, kundi dahil hindi ko ito kaya. Sa tuwing mahaharap ako sa anumang kahirapan sa pagganap ng aking tungkulin, hindi ako handang magdusa at bayaran ang halaga para maharap ko ito nang diretsahan. Natakot din ako sa responsibilidad. Kaya ginamit ko na lang ang mahina kong kakayahan bilang dahilan upang maipasa ko sa iba ang aking mga tungkulin, para isipin nila na makatwiran ako at alam ko ang ginagawa ko. Halos sa tuwing dumaranas ako ng hirap at kailangang pagdusahan ang bunga o kailangang balikatin ang ilang responsibilidad, umaatras ako. Ang totoo, namumuhay ako ayon sa satanikong pilosopiya sa pakikipagkapwa na “Matitinong tao’y mabuti’t maingat sa sarili, tanging hangad nila’y hindi magkamali.” Tila ba wais—gamit ang sarili kong mapanlinlang na paraan upang umiwas sa responsibilidad—pero ang totoo ay maraming oportunidad ang nawala sa akin upang hanapin at maunawaan ang katotohanan. Sa katunayan, ang kakayahang ibinibigay ng Diyos sa bawat isa sa atin ay akma para sa layunin; gayunman hindi ko ibinuhos ang buong puso at lakas ko batay sa kaya kong makamit, upang makamtan ang gawain ng Banal na Espiritu at gampanan nang mabuti ang aking tungkulin; sa halip, palagi kong ginagamit na dahilan ang mahina kong kakayahan sa hindi pamumuhay ng katotohanan, sa pagsisikap na dayain at linlangin ang Diyos. Hindi ba ito sobrang panlilinlang at sobrang sama? At paano ako magagabayan ng Diyos kapag ganoon?

Sabi ng mga salita ng Diyos, “‘Kahit mahina ang kakayahan ko, tapat ang aking puso.’ Kapag naririnig ng karamihan sa mga tao ang linyang ito, sumasaya ang pakiramdam nila, hindi ba? Kabilang sa mga bagay na ito ang mga kinakailangan ng Diyos sa mga tao. Anong mga kinakailangan? Kung kulang sa kakayahan ang mga tao, hindi pa naman ito ang katapusan ng mundo, sa halip dapat silang magtaglay ng tapat na puso at, bilang gayon, makatatanggap sila ng papuri ng Diyos. Anuman ang iyong sitwasyon, dapat kang maging matapat na tao, nagsasabi nang tapat, kumikilos nang tapat, nagagampanan ang iyong tungkulin nang buong puso at isipan, at maging totoo, at hindi ka dapat magpabaya sa trabaho, madaya o mapanlinlang, tuso, nagtatangkang gulangan ang iba, o nagpapaikut-ikot ng mga sinasabi para manlito ng tao; dapat kang maging isang taong nagmamahal sa katotohanan at patuloy na naghahanap ng katotohanan. … Sinasabi mo, ‘Mahina ang kakayahan ko, pero tapat ang aking puso.’ Kapag may tungkuling dumarating sa iyo, gayupaman, natatakot ka na magdusa o na kung hindi mo ito tinupad nang mahusay, kailangan kong umako ng responsibilidad, kaya gumagawa ka ng mga dahilan para iwasan ito at nagrerekomenda ng iba na gumawa nito. Ito ba ang nakikita sa isang matapat na tao? Malinaw na hindi. Kung gayon, paano dapat kumilos ang matapat na tao? Dapat silang tumanggap at sumunod, at pagkatapos ay lubos na maging tapat sa paggawa ng kanilang mga tungkulin sa abot ng kanilang makakaya, nagsisikap na maabot ang kalooban ng Diyos. Ito ay ipinapahayag sa ilang paraan. Ang isang paraan ay na dapat mong tanggapin ang iyong tungkulin nang may katapatan, huwag mag-isip ng iba pa, at huwag magdalawang-isip tungkol dito. Huwag makipagsabwatan para sa iyong kapakanan. Ito ay pagpapakita ng katapatan. Ang isa pang paraan ay ang paggamit ng iyong buong lakas at puso rito. Sasabihin mo, ‘Ito ang lahat ng magagawa ko; gagamitin kong lahat ito, at ilalaan ko ito nang lubusan sa Diyos.’ Hindi ba ito ang pagpapahayag ng katapatan? Ilaan mo ang lahat ng mayroon ka at lahat ng magagawa mo—ito ay pagpapakita ng katapatan(“Makakaya Lamang ng Mga Tao na Maging Totoong Masaya sa Pamamagitan ng Pagiging Matapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nagbigay sa akin ng landas na ipamumuhay ang mga salita ng Diyos: walang pakialam ang Diyos kung ang kakayahan ng mga tao ay mataas o mahina; ang susi ay kung may puso silang tapat, kung kaya nilang tanggapin ang katotohanan, at isagawa ito. Bagamat mahina ang aking kakayahan, at mas mabagal ako sa pag-unawa ng katotohanan, at kung minsan ay sumusunod sa doktrina, kung tapat ang puso ko, at palagi kong hinahanap ang katotohanan upang lutasin ang aking tiwaling disposisyon sa pagganap ko sa aking tungkulin, kung gagawin ko ang lahat sa abot-kaya ko para maisagawa ang hinihingi ng Diyos, sa gayon ay matatanggap ko ang patnubay at mga pagpapala ng Diyos, at unti-unti kong mauunawaan ang katotohanan. Sa pagpasok ko sa katotohanan, makakabawi ako sa aking mga pagkukulang sa pagkakaroon ko ng mahinang kakayahan, at mas huhusay ako sa pag-unawa at pagtingin sa mga bagay-bagay. Pagkatapos maunawaan ang kalooban ng Diyos, nagsimula akong umasa sa Diyos para maging mas mahusay ako sa pagganap sa aking tungkulin. Hindi ko na ipinasa sa ibang tao ang mga bagay na wala sa akin, na hindi ko nauunawaan, kundi sinikap kong mabuti na hanapin at gawin ko mismo ang mga ito. Salamat sa Diyos! Nang mamuhay ako gaya ng hinihingi ng Diyos, nagawa ko ring makita ang mga problema sa aking tungkulin—at kahit may mga pagkakataon na nanatiling malabo sa akin ang komplikadong mga isyu, sa paghahanap sa mga prinsipyo ng katotohanan kasama ng mga kapatid, unti-unting luminaw ang mga ito, at mas gumaan ang pakiramdam ko at naging mas malaya sa pagganap sa aking tungkulin.

Salamat sa pagdanas sa kapaligirang itinakda para sa akin ng Diyos, nagkaroon ako ng kaunting kaalaman tungkol sa aking katiwalian at mga pagkukulang, at napag-alaman kung paano ko haharapin ang mga isyu na may kinalaman sa aking kakayahan. Kapag ginagampanan ko ang tungkulin ko noon, hindi ako nagtuon ng pansin sa paghahanap sa katotohanan, ni hindi ko sinikap na lutasin ang aking tiwaling disposisyon. Palagi kong nakikita ang mga bagay ayon sa sarili kong mga pagkaintindi at haka-haka, na kadalasang umakay sa akin na magtakda ng mga hangganan sa sarili ko, at sa pagtatangkang makaiwas sa mga bagay sa pagsasabing mahina ang kakayahan ko. Ang pagganap ko sa tungkulin ay puno ng pagwawalang-bahala, inantala ko ang gawain ng iglesia, at nalugi sa sarili kong buhay. Ngayon ay nauunawaan ko na ang kakayahan ng bawat isa ay inordena ng Diyos noon pa man at bahagi ng mga maluwalhating intensiyon ng Diyos. Hindi dapat makapigil sa akin kung mataas ba o mahina ang kakayahan ko. Sa hinaharap, sisikapin kong hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay, kumilos nang may prinsipyo, at maging isang taong tapat upang malugod ang Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply