Labis na Nakakapagpalaya ang Hindi na Pagiging “Eksperto”

Enero 11, 2022

Ni Zhang Wei, Tsina

Dati akong nagtatrabaho sa ospital bilang deputy chief orthopedist. Ibinigay ko roon ang lahat sa loob ng apat na dekada at nakaipon ng maraming karanasang klinikal. Iginalang ako ng mga pasyente at pati mga kasamahan para sa’king pagkadalubhasang medikal, at tinitingala ako at iginagalang saan man ako magpunta. Pakiramdam ko espesyal ako, mas magaling sa iba. Matapos tanggappin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nakita ko na ilan sa mga kapatid na naglingkod bilang mga lider at diyakono sa iglesia ay magfe-fellowship at tutulong na lumutas ng mga problema sa mga pagtitipon, at ang ilan ay nagsusulat ng mga artikulo o nagpo-produce ng mga video. Talagang nainggit ako sa kanila at naramdaman kong dapat silang hangaan para sa mga tungkuling ginawa nila. Minaliit ko ang mga tungkulin gaya ng pagho-host o pangangasiwa ng pangkalahatang gawain, iniisip na ang mga ito ay simple at walang pangalan. Naisip ko, “Hindi ako kailanman gagawa ng ganyang klaseng tungkulin. May katayuan ako sa lipunan at magandang edukasyon. Kung gagawa ako ng isang tungkulin, dapat ’yon ay angkop sa katayuan ko.”

Matapos ang Chinese New Year ng 2020, hinanap ako ng isang lider ng iglesia at sinabing, “May ilang mga kapatid sa tungkulin ng pagsusulat na walang ligtas na lugar na matitirhan. Hindi ka gaanong kilala bilang isang mananampalataya, kaya medyo ligtas ang bahay mo. Puwede mo ba silang i-host?” Naisip ko, “Masaya akong gumawa ng isang tungkulin, pero ang isang deputy chief physician na may mataas na ranggong gaya ko, isang propesyunal, gumaganap bilang isang host, nagpapakaalipin sa tabi ng mainit na kalan, nagmamadali sa paligid ng mesa—hindi ba para na rin akong naging isang yaya?” Pakiramdam ko pinipilit ako. Hindi ba mas marangal ang anumang tungkulin kaysa sa tungkuling pagho-host? Anuman ’yon, naisip kong kailangan kong magkaro’n ng tungkuling may kaunting katayuan, o isang tungkuling nangangailamgan ng kaunting kasanayan. Kung hindi, pakiramdam ko parang ibinababa ako! Hindi ba kasayangan lang ng mga talento ko ang mapunta sa tungkuling pagho-host? Kung alam ng mga kaibigan at pamilya ko na binitawan ko ang maganda kong posisyon bilang isang eksperto para lang manatili sa bahay at magluto para sa ibang tao, hindi ba mamamatay sila sa katatawa? Pakiramdam ko lalo akong naaagrabyado habang lalo ko ’yong iniisip. Ang pag-iisip ko ay isa ’yong madaliang pangangailangan para sa iglesia, kaya bagaman hindi talaga ’yon ang gusto ko, hindi ako puwedeng tumanggi sa isang napakahalagang panahon—kawalan ’yon ng pagkatao. Kalaunan naisip ko na wala pa rin akong tayog at kaunti lang ang nauunawaang katotohanan, kaya sa pakikipag-ugnayan sa maraming mga kapatid sa tungkulin ng pagsusulat maaari akong matuto sa kanila, at baka ilipat ako para gumawa kasama nila. Ipinagpalagay kong magiging pansamantala ang tungkulin ng pagho-host. Saka, sa isang grabeng sitwasyon na pandemya, ang ospital ang pinakamalalang lugar na mapupuntahan, at ayoko nang magtrabaho pa. Kaya nagbitiw ako at handang nagpalagay ng mga tungkulin ng pagho-host.

Palagi akong abala sa trabaho, kaya hindi ako gaanong nagluto kailanman. Nagtuon ako sa pag-aaral kung pa’no magluto para magkaro’n ng masarap na pagkain ang mga kapatid. Pero oras na maluto ko na ang mga ’yon, hindi ko kailanman ginustong ilabas ’yon sa lamesa. Pakiramdam ko gawain na ’yon para sa isang serbidora. Kapag kumakain ako sa ospital, palaging mayroong nagdadala sa akin ng bagong lutong pagkain, at tumatayo at nakikipag-usap sa’kin ang mga kasamahan ko kahit saang ward man ako naroon. Lubos akong iginagalang saan man ako magpunta. Pero ngayon, kailangan kong magsuot ng apron at damit na may mantsa ng mantika araw-araw at ginugugol ko ang oras ko sa pagkuskos ng mga mamantikang kaldero at kawali habang yung mga sister na ’yon ay nagsusuot ng magaganda, malilinis na damit at nauupo sa harap ng computer. Talagang nasaktan ako at pakiramdam ko’y agrabyado ako. Dahil do’n naisip ko ang: “Ang mga may utak, pinamumunuan ang may lakas,” at “Nagsasama-sama ang mga ibong magkakatulad ang balahibo.” Pisikal na gawain ang pagluluto at pagiging isang host, at nasa ibang antas ’yon kaysa sa iba. Lalong sumama ang loob ko habang lalo ko itong iniisip at nabibigatan ako, na para bang may mabigat na bagay na dumadagan sa akin. Ayokong gawin ang tungkulin na ’yon nang matagalan. Naisip ko, “Nagsulat ako ng mga medical paper at napuri sa loob ng larangang ’yon. Imposibleng may kakulangan ang kakayahan ko sa pagsusulat. Kung kaya kong magsulat ng ilang magagandang artikulo sa pagpapatotoo, marahil makikkita ng lider ang talento ko at ilagay ako sa tungkuling ’yon. Pagkatapos marahil ay lalaya na ako sa tungkuling pagho-host na ito?” Nagsimula akong gumising nang mas maaga at matulog nang mas gabi, gumagawa ng mga artikulo tungkol sa mga karanasan ko. Binasa ’yon ng mga sister at sinabing hindi na rin ’yon masama. Natutuwa akong ipinadala ’yon sa lider, pero naghintay ako nang naghintay, at hindi pa rin ako naitalaga sa tungkulin ng pagsusulat. Labis akong nadismaya, at unti-unting nawala ang sigasig ko sa pagsusulat ng mga artikulo. Pagkatapos, sa loob ng ilang maiiksing araw, narinig kong kailangan ng iglesia ng mas maraming tao para sa video production, at naisip ko, “Isang tungkulin na nangangailangan ng ilang kasanayan ang video production. Ngayon may pagkakataon na ako—kung mas gagaling pa ako sa mga computer, magiging isa akong talent, isang taong may kakayahan.” Muli, nagsimula akong gumising nang maaga at matulog nang gabi para matuto ng ilang kasanayan sa video production. Pero dahil mas may edad na, hindi ko na kayang gumawa nang mas mabilis gaya ng mga kabataan. Hindi ako makasabay. Nasira rin ang pag-asang ’yon. Talagang nakaramdam ako ng kawalan ng pag-asa, na parang walang nakalaan na isang “pang-mataas na ranggong” tungkulin, at nakakulong na lang ako sa ganitong uri ng gawain. Pakiramdam ko hindi ako pinapansin. Ilang araw akong hindi nakakain o nakatulog nang maayos, at palagi kong nakakalimutan ang ginagawa ko sa kalagitnaan ng pagluluto. Hindi ako makapagtuon sa kahit anong bagay. Minsan nasusugatan ko ang sarili ko habang naghihiwa ng mga gulay, o napapaso ang kamay ko. Lagi akong nakakahulog ng mga pinggan o kubyertos sa sahig, gumagawa ng malakas na ingay at ginugulat ang sarili ko. Tuwing naririnig ng mga sister ang ingay, tinitigil nila ang anumang ginagawa nila at nagmamadaling tumutulong sa’kin para maglinis. Nahiya ako, habang nakikita kung paano ko sila ginagambala sa paggawa ng tungkulin nila. Sa kalungkutan ko, nanalangin ako sa Diyos: “Diyos ko, nilagay ako ngayon sa tungkulin ng pagho-host. Tila napakababa no’n para sa’kin. Pakiramdam ko ginawan ako ng mali, at ’di ako makapagpasakop. Hindi ko alam kung pa’no aayusin ito. Patnubayan Mo ako.”

Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos matapos ’yon: “Anuman ang tungkulin mo, huwag kang mamili kung ano ang mataas at mababa. Ipagpalagay na sinasabi mo, ‘Bagama’t ang gawaing ito ay isang tagubilin mula sa Diyos at ang gawain ng bahay ng Diyos, kung gagawin ko ito, baka maging mababa ang tingin ng mga tao sa akin. Ang iba ay may gawain na tinutulutan silang mamukod-tangi. Paanong matatawag na isang tungkulin ang gawaing ito na ibinigay sa akin, na hindi ako hinahayaang mamukod-tangi ngunit pinapagugol ako ng sarili ko nang hindi nakikita? Isa itong tungkulin na hindi ko matatanggap; hindi ito ang tungkulin ko. Ang tungkulin ko ay dapat akong mamukod-tangi sa iba at tinutulutan akong magkapangalan—at kahit na hindi ako magkapangalan o mamukod-tangi, dapat pa rin akong makinabang dito at maging pisikal na maginhawa.’ Ito ba ay katanggap-tanggap na saloobin? Ang pagiging maselan ay hindi pagtanggap sa kung ano ang nanggagaling sa Diyos; ito ay pagpili ayon sa iyong mga sariling kagustuhan. Hindi ito pagtanggap ng iyong tungkulin; ito ay pagtanggi sa iyong tungkulin. Sa sandaling subukan mong mamili, wala ka nang kakayahang tunay na tumanggap. Ang ganoong pagkamaselan ay nahahaluan ng mga pansarili mong kagustuhan at pagnanais; kapag isinasaalang-alang mo ang iyong sariling pakinabang, ang iyong reputasyon, at iba pa, ang pag-uugali mo sa iyong tungkulin ay hindi mapagpasakop(“Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Talagang tumagos sa puso ko ang siping ito. Inihayag ng mga salita ng Diyos ang tumpak na katayuan ko. Tinuturing ko ang sarili ko bilang isang kilalang eksperto na may katayuan, kaya dapat akong unahin saan man ako magpunta. Gusto kong gamiting kalamangan ’yon at mangibabaw sa lahat. Nang ilagay ako sa tungkulin ng pagho-host, pakiramdam ko ibinababa ang katayuan ko, para bang isa ’yong kawalan ng hustisya. Pero ang paghatol at mga paghahayag ng mga salita ng Diyos ang nagpakita sa’kin na ang dahilan kung bakit masyado kong hinahamak ang tungkulin ng pagho-host ay dahil tinitingnan ko ang tungkulin ko sa bahay ng Diyos mula sa pananaw ng isang hindi mananampalataya. Tintingnan ko ang mga tungkulin base sa kung mataas ba o mababa, niraranggo ang mga ’yon. Kung makakagawa ako ng pangalan para sa sarili ko, masaya akong gawin ’yon, pero hinahamak ko ang anumang nasa likod ng mga eksena. Ang pananaw na ’yon ang pumipigil sa akin na tuparin ang sarili kong tungkulin, at gusto ko na ngang sumuko. Hindi ko inisip kahit kaunti ang kalooban ng Diyos sa tungkulin ko, kundi malinaw na para lang sa’kin ang lahat ng ’yon para mapaganda ang imahe ko, para mahanap ang pangalan at katayan. Inaangat ako ng Diyos sa pamamagitan ng pagtutulot sa akin na magsagawa ng tungkulin ng isang nilalang, at ’yon ang atas Niya sa akin, pero pumipili ako batay sa personal kong kagustuhan. Lubos ’yong hindi makatwiran. Pakiramdam ko ang laki ng utang ko sa Diyos nang mapagtanto ko ’to, at tahimik akong nagpasya na isapuso ang paggawa nang mabuti sa tungkulin ko.

Matapos ’yon, sadya akong kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at nanalangin dahil sa kalagayan ko, at nagawa kong mag-host nang walang pasubali. Pero kinalampag na naman ako ng sumunod na nangyari. Nahalal bilang isang lider ng iglesia ang isang sister na hino-host ko, at talagang nainggit ako sa kanya. Naisip ko, “Nakikita ko kung gaanong pinahahalagahan ang isang taong nasa tungkulin ng pagsusulat. Talagang nakakagawa sila ng pangalan para sa sarili nila, at maaari pang maging isang lider pag pinagbuti nila. Pero anong klaseng kinabukasan ang mayroon sa isang nasa tungkulin ng pagho-host? Palagi akong may suot na apron, laging may mga talsik ng mantika at amoy usok, at sa tuwing lumalabas ako para mamili ng pagkain, natatakot akong makakita ng kakilala ko at magtanong kung bakit hindi ko ginagamit ang mga kasanayan ko sa medisina. Yumuyuko lang ako at mabilis na naglalakad, hindi lumalayo sa mga dingding. Hindi ako makahinga nang maluwag hangga’t hindi pa ’ko nakakauwi. Dati kong inilalagay ang sarili ko sa mabilis na mapansing lugar saan man ako magpunta, at madalas akong nasa entablado, nagbibigay ng diskurso. Ang lahat ay sumusubok na makipagkamay sa akin. Pero ngayon ayoko nang may makakita sa akin. Nagtatago ako para lang bumili ng kaunting gulay.” Mas lalo akong nabalisa at ’di ko maalis sa isip ko ang pangingibabaw ko sa mundo. Talagang nakakasabik ang matawag na “eksperto,” “direktor,” at “propesor.” Hindi ko mapigil na gunitain ang tungkol sa paghanga ng mga lider, ang papuri ng mga kasamahan, at ang mga tagasunod na pasyente. Pakiramdam ko isa ’yong marangal na paraan para mabuhay. Pakiramdam isa akong phoenix na naging isang manok at iniisip ko kung kailan ako matatapos sa tungkuling ’yon. Hindi ko mapigil na makaramdan ng kaunting inggit, at bagaman nakita ko ang mga sister na nasasarapan sa pagkain nila, hindi ako makakain nang matino. Medyo malaki ang ipinayat ko. Pagkatapos, bigla akong ipinatawag ng direktor ng ospital, sinasabing kontrolado na ang pandemya, at tinanong ako kung gusto ko bang bumalik sa trabaho. Nabalisa na naman ako, iniisip na maganda sanang magtrabaho uli, na mabuhay uli sa buhay na ’yon ng pretihiyo at isuot ang kapa ng isang “eksperto.” Pero alam ko na mahalaga ang tungkulin na pagho-host, at kailangan kong ingatan ang kaligtasan ng mga sister. Kung babalik ako sa trabaho, hindi ko na sila magagawang i-host pa. Mabilis akong nanalangin sa Diyos, “Diyos ko! Hindi ko kailanman nagawang talagang magpasakop sa tungkuling ito na pagho-host. Hindi ko basta mapakawalan ang nakaraan. Patnubayan Mo ako na makilala ang sarili ko at tulungan akong magpasakop.”

Sa’ing paghahanap, nakita ko ’to sa mga salita ng Diyos: “Isipin kung paano ninyo dapat tingnan ang halaga ng isang tao sa lipunan, ang kanyang katayuan sa lipunan, o pinagmulang pamilya. Ano ang pinakaangkop na saloobing dapat taglayin? Sa simula, dapat umasa ang mga tao sa mga salita ng Diyos upang makita kung ano ang tingin Niya sa kanila. Sa ganitong paraan lamang magkakaroon ang isang tao ng pagkaunawa sa katotohanan, at saka lamang maiiwasan ng isang tao na gumawa ng mga bagay na salungat sa katotohanan. Kung gayon, paano tinitingnan ng Diyos ang pinagmulan ng pamilya, katayuan sa lipunan, at taas ng pinag-aralan o kayamanan na nakakamit ng isang tao sa lipunan? Kung hindi mo ginagamit ang mga salita ng Diyos bilang batayan para sa lahat ng bagay, at hindi ka makakatayo sa Kanyang panig upang tumanggap ng anumang bagay mula sa Kanya, tiyak na magkakaroon ng agwat sa pagitan ng iyong mga pananaw sa mga bagay-bagay at sa mga layunin ng Diyos. Kung hindi malaki ang agwat at maliit lang ang lihis, hindi ito magiging problema, ngunit kung lubos na salungat ang mga ito sa mga layunin ng Diyos, hindi nakaayon ang mga ito sa katotohanan. Mula sa pananaw ng Diyos, sa Kanya ang huling salita kung gaano karami ang ibinibigay Niya sa isang tao, at Siya ang nagpapasiya sa iyong lugar sa lipunan, hindi ang mga tao. Kung ginawa Niyang maralita ang isang tao, nangangahulugan ba iyon na ang taong iyon ay walang pag-asang maligtas? Kung mababa ang halaga o katayuan nila sa lipunan, hindi ba sila ililigtas ng Diyos? Kung mababa ang katayuan nila sa lipunan, mababa ba ang pagtingin sa kanila ng Diyos? Hindi naman ganoon. Kung gayon ay ano talaga ang mahalaga? Ang mahalaga ay ang landas na sinusundan ng taong iyon, ang kanilang mga hangarin, at ang kanilang saloobin sa katotohanan at sa Diyos. Kung napakababa ng katayuan ng isang tao sa lipunan at siya ay maralita at kulang sa pinag-aralan, ngunit napakatino at napakapraktikal sa kanyang pananampalataya sa Diyos, nagmamahal sa katotohanan, at mahilig sa positibong mga bagay, mababa ba o mataas ang halaga ng taong iyon sa Diyos? Sila ba ay marangal o aba? Sila ay mahalaga. Kung gayon, mula sa pananaw na ito, ano ang nagpapasiya sa halaga o karangalan ng isang tao? Depende iyon sa kung paano ka nakikita ng Diyos. Kung ang tingin Niya sa iyo ay karapat-dapat ka at mahalaga, magiging isa kang sisidlan na magagamit nang marangal, na gawa sa ginto o pilak. Gayunman, kung ang tingin sa iyo ng Diyos ay hindi ka karapat-dapat at aba, gaano man kataas ang iyong pinag-aralan, katayuan sa lipunan, o etnikong katayuan, hindi pa rin magiging mataas ang iyong katayuan. Kahit maraming taong sumusuporta, pumupuri, at humahanga sa iyo, magiging isa ka pa ring abang tao. Kung gayon, paano nangyari na ang isang taong ‘marangal’ na mataas ang katayuan sa lipunan—na pinupuri at tinitingala ng maraming tao, at nagtatamasa ng marangal na reputasyon—ay itinuturing ng Diyos na aba? Dahil ba sa kinokontra lamang ng Diyos ang sangkatauhan? Hinding-hindi. May sariling mga pamantayan ng pagsusuri ang Diyos, at ang Kanyang mga pamantayan ng pagsusuri ay ang katotohanan(“Sila ay Masasama, Traydor, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Nakakaliwanag para sa’kin ang mga salita ng Diyos. Ang ugat ng paghihirap ko ay ang hindi pagtingin sa mga bagay mula sa pananaw ng mga katotohanan sa mga salita ng Diyos, kundi sa pagsunod pa rin sa satanikong pananaw sa ranggo, sa mataas mababang katayuan para hatulan ang tungkulin ko. Palagi kong ginagamit ang katayuan sa lipunan, pangalan, edukasyon, at mga propesyunal na nagawa bilang mga panukat ko ng tagumpay Kontrolado ng mga uring ito ng pananaw, nakita ko ang sarili ko bilang talagang mataas at marangal, iniisip na isa akong taong may kadaluhasaan na may taglay na katayuan at magandang posisyon, isang taong espesyal at nasa mataas na puwesto. Pinanghawakan ko ang pananaw na ito matapos makamit ang pananampalataya ko, tinitingnan nang mataas ang mga tungkuling gaya ng lider at manggagawa at ’yong mga nangangailangan ng maraming kakayahan, habang hinahamak ang mga tungkuling ’di nangangailangan ng kasanayan gaya ng pagho-host at pangangasiwa sa pangkalahatang gawain. Naisip kong nasa mababang ranggo ang mga ’yon at hindi nababagay sa isang tulad ko. Gusto kong matamasa ang uri ng prestihiyo na tinamasa ko noon. Ito ay dahil sa panananaw ko sa ranggo kaya ako nadadaya, hindi makakain o makatulog at namamayat dahil sa pagkabalisa ko. Napakasakit nito. Pero inilantad at hinatulan ng mga salita ng Diyos, nakita ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi mahalaga sa Kanya kung gaano kataas o kababa ang katayuan ng isang tao, o tungkol sa mga kalamangan o antas nila. Mahalaga sa Kanya kung hinahanap ba nila o hindi ang katotohanan; mahalaga sa kanya kung anong landas ang tinatahak nila. Gaano man kataas ang isang posisyon, anomang antas o reputasyon mayroon ang isang tao, kung wala ang katoothanan, mababa sila sa mga mata ng Diyos. Ang sinomang naghahanap at nagkakamit ng katotohanan ay pahahalagahan at pagpapalain ng Diyos, may katayuan man o wala. Natutunan ko na gaano man karaming tao ang pumuri sa’kin at gaano man kataas ang ranggo ko, kung hindi ko kayang magpasakop sa Diyos at gumawa ng tungkulin ng isang nilalang, ako ay lubos na walang halaga.

Mas pinag-isipan ko ’yon kalaunan. Bakit kahit alam kong mali ang pananaw ko, pero hindi ko pa rin mapigil na maghangad ng isang tungkulin na mas pretihiyoso? Nakakita ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos nang nagninilay ako tungkol dito. “Ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang naiisip ng mga tao ay pawang katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagbabata ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakripisyo ang lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at gagawa sila ng anumang paghatol o pagpapasiya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Walang kaalam-alam nilang dinadala ang mga kadenang ito at lumalakad nang may matinding paghihirap. Para sa kapakanan ng katanyagan at pakinabang na ito, ang sangkatauhan ay lumalayo sa Diyos at pinagtataksilan Siya at mas lalo silang nagiging masama. Sa ganitong paraan, samakatuwid, nasisira ang sali’t salinlahi sa katanyagan at pakinabang ni Satanas(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Ang inihahayag ng mga salita ng Diyos ang nagpakita sa’kin na sinasaktan ako ni Satanas at pinipigil ako gamit ang titulo at pakinabang, Pinapanatili akong ganap na nakakulong. Tinaniman ako ng mga magulang ko, tinuruan sa eskuwelahan, at inimpluwensyahan ng lipunan simula pagkabata. Tumagos hanggang sa mga buto ko ang mga pilosopiya at kamalian ni Satanas. Mga bagay gaya ng “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa,” “Ang alingawngaw ng buhay ng isang tao ang kanyang pamana,” “Ang mga may utak, pinamumunuan ang may lakas,” malalim na nag-ugat ang mga lasong ito sa puso ko noon pa man. Bakit palagi kong ginugunita ang tungkol sa karangalan ng matawag na isang “eksperto,” “kilalang doktor,” at “direktor,” laging nagnanais na gamiting kalamangan ito, iniisip na nangingibabaw ako at mas mahusay kaysa iba? Dahil iniisip kong ang titulo at katayuan ang mga tamang bagay na dapat hanapin sa buhay at naramdaman na sa pagkakaroon no’n, makakamit ko ang paghanga at suporta ng iba. Kaya sa ewkuwelahan man, sa lipunan, o sa loob ng bahay ng Diyos, inuna ko ang ranggo at katayuan, at nagsikap na magkaro’n ng pagkadalubhasa, hinahangad na ako ang mangingibabaw sa anumang grupo ako naroroon. Naramdaman ko na ’yon lang ang uri ng buhay kung saan ko matatanto ang tunay kong halaga. Nang hindi ko makuha ’yon, nagmukhang malungkot ang kinabukasan para sa’kin at labis akong nagdusa. Lubusan akong kinontrol ng mga kadena ng titulo at katayuan, dahilan para lumihis ako at ipagkanulo ang Diyos nang ’di ko inaasahan. Isang bagay pang natutunan ko ay hindi mukhang malaki ang tungkulin ng pagho-host, pero ang mga kalagayang ’yon ang nagtulot sa’kin na makilala ang mga mali kong pananaw sa gawain, nagpasimulang hanapin ang katotohanan habang ginagawa ang tungkulin ko, at palayain mula sa mga gapos ng titulo at pakinabang. Nang maunawaan ko ang mabubuting intensyon ng Diyos, taos-puso ko Siyang pinasalamatan, at talagang nakaramdam ng pagsisisi at pagkakonsiyensya. Lumuhod ako sa harap ng Diyos at nanalangin: “Diyso ko, salamat sa pagsasaayos ng mga kalagayan para ilantad ang tiwali kong disposisyon at iligtas ako mula sa maling pagsusumikap. Nais kong magsisi at tumigil na sa paghahanap ng titulo at katayuan. Gusto kong magpasakop at gawin nang mabuti ang tungkulin kong pagho-host para palugurin Ka.” Tinanggihan ko ang alok ng ospital.

Nakabasa pa ’ko ng ilang mga sipi ng mga salita ng Diyos matapos ’yon. “Anong uri ng tao ang nais ng Diyos? Nais ba Niya ng isang dakilang tao, isang kilalang tao, isang maharlikang tao, o isang taong yumayanig sa mundo? (Hindi.) Kaya, kung gayon, anong uri ng tao ang nais ng Diyos? Nais Niya ng isang taong matatag na nakatapak ang mga paa sa lupa, na naghahangad na maging karapat-dapat na nilalang ng Diyos, na kayang tuparin ang tungkulin ng isang nilalang, at na kayang manatili sa lugar ng isang tao(“Malulutas Lamang ang mga Tiwaling Disposisyon sa Pamamagitan ng Paghahanap sa Katotohanan at Pagtitiwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Sa huli, kung kaya man o hindi ng mga tao na matamo ang kaligtasan ay hindi nakabatay sa kung anong tungkulin ang tinutupad nila, kundi sa kung naunawaan at natamo na ba nila ang katotohanan, at kung kaya nila o hindi na magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos at maging isang tunay na nilikhang nilalang. Matuwid ang Diyos, at ito ang prinsipyo na ginagamit Niya upang sukatin ang buong sangkatauhan. Hindi mababago ang prinsipyong ito, at kailangan mo itong tandaan. Huwag mong isipin na maghanap ng iba pang landas, o hanapin ang ilang bagay na hindi totoo. Ang pamantayang hinihingi ng Diyos sa lahat ng nakatatanggap ng kaligtasan ay hindi nagbabago magpakailanman; nananatiling pareho ang mga iyon maging sino ka man(“Ang Saloobing Dapat Taglayin ng Tao sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nakita ko na ayaw ng Diyos sa mayayabang na tao, kundi gusto Niya ang mga mapagkumbabang tao na kayang gawin ang tungkulin ng isang nilalang. Nagkaro’n ako ng katayuan sa mundo, pero mababaw ang pag-unawa ko sa katotohanan. Parehong nangangailangan ng katotohanan ang mga tungkulin ng pamumuno at pagsusulat, kaya hindi ’yon magagawa ng isang tao dahil lang sa may katayuan at kaalaman siya. Kailangan kong maging makatuwiran at gawin ang makakaya ko. Nagkataong may tahanan ako na nababagay para sa pagho-host, kaya kailangan kong magsilbi bilang isang host at hanapin ang katotohanan. Yon lang ang makatuwirang bagay. Para sa ibang mga tungkulin, ang tanging tunay na kaibahan lang ay ang titulo at gawain. Hindi nagbabago ang pagkakakilanlan at diwa ng isang nilalang. Labis kong inisip ang sarili ko, inakala kong napakatanyag ko. Palagi kong tinuturing ang sarili ko bilang isang eksperto, isang kilalang doktor, na para bang mas mataas ako kaysa sa iba. Inakala ko na ang pagiging isang host ay isang mababang tungkulin at gusto ko ng isang mas mahalagang tungkulin. Palaging mas luntian ang damo sa kabilang bahagi—hindi ko lang magawang magpakumbaba at gawin ang tungkulin ko. Nilabanan ko pa nga sa puso ko ang Diyos, mayabang at walang katwiran. Naisip ko rin si Job. Nagkaro’n siya ng isang napakalaking katayuan sa mga nasa Silangan, pero hindi niya pinahalagahan ang katayuan niya o pinahalagahan ang kabantugan na ibinigay nito sa kanya. May katayuan man o wala, pinuri niya ang Diyos. Matalino si Job. Kaya pinuri ng Diyos si Job bilang isang nilalang na nakaabot sa mga pamantayan Niya. Wala akong laban kay Job, pero gusto kong sundin ang halimbawa niya, na bitawan ang mga bagay na ’yon at subukang abutin ang mga pamantayan ng Diyos. Oras na itigil ko ang paghahangad no’n, nabago rin ang pag-iisip ko. Nakita ko na bawat tungkulin ay importante at mahalaga. Kung walang mga tao na magsisilbing mga host, hindi magkakaro’n ang mga kapatid ng maayos na lugar kung saan ligtas nilang magagawa ang tungkulin nila. Simula no’n, nagsimula akong nagsikap na talikdan ang sarili ko, tunay na nagsikap na magluto ng masasarap na pagkain at ingatan ang kaligtasan ng mga sister para payapa nilang magawa ang tungkulin nila. Kalaunan, hindi ko na naramdaman na parang may anumang uri ng kaibahan sa katayuan namin, at humuhugong ako ng mga himno habang nagluluto, at lalong napapalapit sa Diyos. Matapos ang lahat, babasahin ko ang mga salita ng Diyos, papayapain ang aking puso at isasaalang-alang ang lahat ng gawain na ginawa sa’kin ng Diyos, at ang nakamit ko, tapos ay gagawa ng ilang artikulo sa pagpapatotoo. Talagang napakaganap ng bawat araw. Para iyong isang mapayapang paraan ng pamumuhay, at napaka-nakapagpapalaya.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Desidido Ako sa Landas na Ito

Ni Han Chen, TsinaIlang taon na ang nakararaan, inaresto ako ng mga pulis dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Sinentensyahan ako ng Partido...

Leave a Reply