Mga Aral na Natutuhan Mula sa Pagkakaroon ng Kanser sa Atay

Pebrero 2, 2021

Ni Li Yong, Tsina

Matapos kong maging isang Kristiyano, ilang beses akong naaresto ng CCP, pero hindi ko pinagtaksilan ang Panginoon. Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ilang taon na ang nakakalipas, at, umulan o umaraw, masigasig kong ipinangaral ang ebanghelyo at ginawa ang tungkulin ko. Akala ko, lagi akong magiging tapat sa Diyos, anuman ang kailangan kong tiisin. Nang tiisin ko ang isang sakit na nagbanta sa aking buhay ko ay tiyaka lamang ako nagtamo ng ilang pang-unawa tungkol sa aking motibasyon sa aking pananampalataya na magtamo ng mga pagpapala.

Isang araw, noong Oktubre ng 2014, umuwi ako mula sa isang pagbabahagi nang maramdaman kong nanghina ang mga braso’t binti ko, at nahirapan akong maglakad. Akala ko dahil ito sa malamig na hangin, at kailangan ko lang uminom ng gamot. Hindi ako masyadong nag-alala. Pero kalaunan, ang mga tainga, mga daliri sa kamay at paa ko ay unti-unting nangingitim, at nagsimula akong pumayat nang pumayat. Nagsimula akong mag-isip na baka may seryoso akong sakit, pero naisip ko na, dahil sa mga pagsisikap na ginawa ko sa paggawa ng tungkulin ko sa loob ng ilang taon, poprotektahan ako ng Diyos. Hindi naman siguro ito malala. Tiyak ako na magiging maayos din ito. Pero, sa hindi inaasahan, matapos kong uminom ng gamot, hindi pa rin ako bumuti. Dinala ako sa ospital ng asawa ko at mga anak na babae para sa ilang pagsusuri, at nang dumating ang resulta, sinabi nila na may dalawang malubhang sakit ako—anemia at hepatitis B. Sinabi nila kapag lumala pa ito, hindi na ito magagamot. Noong narinig ko ito, naramdaman kong nanghina ang buong katawan ko. Hindi ko matanggap ang sinabi sa akin. Naisip ko, “Sa ilang taon, marami akong ginawang mga sakripisyo. Labis akong nagdusa para magawa ang tungkulin ko. Hinuli ako at pinagbantaan ng CCP, pero hindi ko pinagtaksilan ang Diyos, at bumalik ako sa aking tungkulin noong pinakawalan ako. Paano ako nagkaroon ng malubhang sakit? Bakit hindi ako prinotektahan ng Diyos? Anong silbi ng lahat ng mga sakripisyo ko, kung hindi ako gagaling? Buong panahon akong naniwala sa Diyos nang hindi tumatanggap ng Kanyang pagpapala, at ngayon maysakit ang katawan ko. Siguro hindi ko na dapat masyadong pagsikapan na gawin ang tungkulin ko, gaano man katindi ang pagdusahan ko, wala ring kabuluhan ito.” Sa panahong iyon, ginagawa ko pa rin ang tungkulin ko. Pero ginagawa ko ito nang walang sigasig. Sa mga pagpupulong, hindi ko tinatanong ang mga kapatid ko tungkol sa kanilang mga isyu. Binabasa ko ang mga salita ng Diyos, pero ayokong magbahagi. Kalaunan, mas lumala pa nang lumala ang kondisyon ko. Hindi ko kayang suportahan ang katawan ko, at buong araw akong nahihilo. Binigyan ako ng lider ko ng ilang panahon para magpahinga at magpagaling sa bahay. Nakita ko ang mga kapatid ko na ginagawa ang kanilang tungkulin nang masaya at masigla. Pero ako? Lubha akong may sakit ngayon, at hindi ko magawa ang tungkulin ko. Naisip ko na maaaring nagdesisyon ang Diyos na huwag akong iligtas. At habang mas inisip ko ang tungkol dito, mas nakakaramdam ako ng pagdadalamhati at sakit. Humarap ako sa Diyos at nagsimulang manalangin: “O, Diyos! Tinamaan ako ng mga ganitong sakit, at nanghihina at pinahihirapan ako. Alam ko na hindi Kita dapat sisihin, pero hindi ko maintindihan kung ano ang Iyong kalooban. Pakiusap, gabayan Mo akong maunawaan ito.”

Pagkatapos manalangin, binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ay may sariling mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni hindi Siya gumagawa ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang pagpipino ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, at ni nangangahulugan ng pagwasak sa kanila sa impiyerno. Sa halip, nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng pagpipino, pagbabago sa kanyang mga intensyon, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang pagpipino ay isang totoong pagsubok sa tao, at isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng pagpipino magagampanan ng kanyang pag-ibig ang likas nitong tungkulin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig). Maingat kong pinag-isipan ang mga salita ng Diyos at naunawaan ko na ang kalooban ng Diyos sa aking pagkakasakit ay hindi upang alisin ako, kundi upang linisin at baguhin tayo. Pinipino ako sa pamamagitan ng sakit ko. Hindi nais ng Diyos na mawala ako, kundi upang ipaunawa sa akin ang maruming balak ko sa likod ng aking pananampalataya, at upang baguhin ang maling pananaw ko sa paghahanap upang tunay kong mahalin at sundin ang Diyos. Sinusubukan ng Diyos na linisin at iligtas ako. Nang matanto ko ito ay nahiya ako sa sarili ko. Ang magkaroon ng sakit ay pagmamahal ng Diyos. Hindi ko hinangad na maunawaan ang kalooban ng Diyos, at sa halip ay hindi ko Siya naunawaan at sinisi ko Siya. Wala ako sa katuwiran! Hindi ko kayang mabuhay sa pagiging negatibo at sakit. Kailangan kong sumunod, hanapin ang katotohanan, at pagnilayan at kilalanin ang sarili ko.

Kalaunan, binasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Itinuturing lamang ng mga tao ang pagtatamo ng biyaya at pagtatamasa ng kapayapaan na mga sagisag ng pananampalataya, at itinuturing na batayan ng kanilang pananalig sa Diyos ang paghahangad ng mga biyaya. Iilang tao lamang ang naghahangad na makilala ang Diyos o baguhin ang kanilang disposisyon. Sa kanilang pananampalataya, hinahangad ng mga tao na hikayatin ang Diyos na bigyan sila ng angkop na hantungan at lahat ng biyayang kailangan nila, na gawing alipin nila ang Diyos, na gawin Siyang magpanatili ng isang mapayapa at magandang relasyon sa kanila nang sa gayon, anumang oras, ay hindi magkaroon ng anumang sigalot sa pagitan nila. Ibig sabihin, sa kanilang pananalig sa Diyos, kailangan Siyang mangako na tugunan ang lahat ng kanilang kahilingan at ipagkaloob Niya sa kanila ang anumang kanilang ipinagdarasal, tulad ng mga salitang nabasa nila sa Biblia, ‘Pakikinggan Ko ang lahat ng inyong mga panalangin.’ Inaasahan nila na hindi hahatulan o pakikitunguhan ng Diyos ang sinuman, sapagkat noon pa man ay Siya na ang maawaing Tagapagligtas na nagpapanatili ng mabuting kaugnayan sa mga tao sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar. Ganito ang paraan kung paano nananalig ang mga tao sa Diyos: Hindi sila nahihiyang humiling sa Diyos, naniniwala na mapanghimagsik man sila o masunurin, ipagkakaloob na lang Niya ang lahat sa kanila nang pikit-mata. Patuloy lamang silang ‘naniningil ng mga utang’ mula sa Diyos, naniniwala na kailangan Niya silang ‘bayaran’ nang walang anumang pagtutol at, bukod pa riyan, magbayad nang doble; iniisip nila, kung may nakuha man ang Diyos sa kanila o wala, maaari lamang nila Siyang manipulahin, hindi Niya maaaring basta-basta isaayos ang mga tao, lalong hindi Niya ihahayag sa mga tao ang Kanyang karunungan at matuwid na disposisyon, na maraming taon nang nakatago, tuwing gusto Niya at nang walang pahintulot nila. Ikinukumpisal lamang nila sa Diyos ang kanilang mga kasalanan, naniniwala na pawawalang-sala na lamang sila ng Diyos, na hindi Siya magsasawang gawin ito, at na magpapatuloy ito magpakailanman. Inuutus-utusan lamang nila ang Diyos, naniniwala na susunod na lamang Siya sa kanila, dahil nakatala sa Biblia na hindi pumarito ang Diyos para paglingkuran ng mga tao, kundi para paglingkuran Niya sila, at na narito Siya upang maging lingkod nila. Hindi ba ganito ang paniniwala ninyo noon pa man? Tuwing wala kayong nakakamit mula sa Diyos, gusto ninyong lumayo; kapag may hindi kayo nauunawaan, masyado kayong naghihinanakit, at binabato pa ninyo Siya ng lahat ng klase ng pang-aabuso. Ayaw ninyo talagang tulutan ang Diyos Mismo na lubos na maipahayag ang Kanyang karunungan at hiwaga; sa halip, gusto lamang ninyong tamasahin ang panandaliang kadalian at ginhawa. Hanggang ngayon, ang ugali ninyo sa inyong pananalig sa Diyos ay binubuo lamang ng dati pang mga pananaw. Kung kakatiting lamang ang ipinakikita sa inyo ng Diyos na kamahalan, nalulungkot kayo. Nakikita na ba ninyo ngayon kung gaano talaga kataas ang inyong tayog? Huwag ninyong ipalagay na kayong lahat ay tapat sa Diyos samantalang ang totoo ay hindi pa nagbabago ang inyong mga dating pananaw. Kapag walang sumasapit sa iyo, naniniwala ka na maayos ang lahat, at nasa rurok ang pagmamahal mo sa Diyos. Kapag may nangyari sa iyo na di-gaanong masakit, bumabagsak ka sa Hades. Ganito ba ang pagiging tapat sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao). Inihayag ng mga salita ng Diyos sa akin ang tunay kong kalagayan. Hindi ako nagsasakripisyo upang makamit ang katotohanan. Sa halip, nagsasakripisyo ako upang makamit ang mga biyaya at pagpapala ng Diyos. Sinusubukan kong dayain ang Diyos at makipagpalitan sa Kanya. Noong maayos ang takbo ng lahat, at tumatanggap ako ng biyaya ng Diyos, buong sigasig kong ginawa ang mga tungkulin ko. Lagi akong masayang makatulong at magbahagi sa mga kapatid ko, gaano man sila kalayo o gaano man kahirap ang gagawin ko o anumang uri ng panahon. Ngunit ngayong may sakit ako at hindi nabiyayaan, naramdaman ko na naagrabyado ako, at nagreklamo ako at sinisi ang Diyos. Lumaban at nakipagtalo ako sa Kanya. Lalo ngayon na ang kondisyon ko ay lumalala araw-araw, nawala ang pananampalataya ko sa Diyos at nagpabaya ako sa tungkulin ko. Hindi ako naniwala sa Diyos para sa paghahanap ng katotohanan at buhay. Lagi kong ginagamit ang Diyos upang masiyahan ang sarili kong pagnanais sa mga pagpapala. Ginawa ko ito para sa kapakanan ng sarili kong mga interes. Ang pananampalataya ko sa Kanya ay hindi taos-puso. Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam! Sa paniniwala sa Diyos na gaya nito, kahit pa magtamasa ako ng mga materyal na pagpapala, kung ang buhay-disposisyon ko ay hindi nagbago, aalisin ako ng Diyos.

Kalaunan, binasa ko ang isa pang sipi sa mga salita ng Diyos: “Ang pagpipino ang pinakamahusay na paraan kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao; ang pagpipino at mapapait na pagsubok lamang ang makapagpapalabas ng tunay na pag-ibig para sa Diyos sa mga puso ng mga tao. Kung walang paghihirap, walang tunay na pag-ibig ang mga tao sa Diyos; kung hindi sila susubukin sa loob, kung hindi sila tunay na isasailalim sa pagpipino, ang kanilang mga puso ay palaging lumulutang-lutang sa labas. Sa pagkapino hanggang sa isang partikular na punto, makikita mo ang iyong sariling mga kahinaan at mga paghihirap, makikita mo kung gaano karami ang kulang sa iyo at na hindi mo kayang mapagtagumpayan ang maraming mga suliranin na iyong kinakaharap, at makikita mo kung gaano katindi ang iyong pagkamasuwayin. Sa panahon lamang ng mga pagsubok nagagawa ng mga tao na tunay na makilala ang kanilang totoong mga kalagayan; ginagawa ng mga pagsubok na mas magagawang perpekto ang mga tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan ang Kanyang kalooban, na ang pagtutulot sa akin na magkasakit ay paraan ng Diyos upang linisin ako mula sa aking katiwalian. Hindi ko pinagtaksilan ang Diyos noong nakulong ako. Hindi ko sinisi ang Diyos para sa anumang paghihirap na kinaharap ko. Inakala kong naging tapat ako sa Diyos, at may matatag na pananampalataya sa Kanya. Kung hindi dumating ang sakit na ito, hindi ko kailanman malalaman ang tungkol sa aking tiwaling disposisyon at ang marumi kong balak na hanapin ang mga pagpapala, mas hindi ako maghahangad sa katotohanan at mababago. Ang pagkakaroon ng sakit na ito ang paraan ng Diyos ng pagliligtas sa akin. Ito ang pag-ibig ng Diyos para sa akin! Nang mapagtanto ito, hindi ko na sinisi at hindi ko na pinagakakamalan ang Diyos. Anuman ang kahinatnan ng kondisyon ko, susundin ko ang pagsasaayos ng Diyos, at tatalikdan ko ang aking balak na makamit ang mga pagpapala. Pagkatapos niyon, ininom ko ang gamot ko at ipinagkatiwala ang sarili ko sa Diyos, na laging hinahanap ang Kanyang patnubay. Araw-araw, sinusubok ko lahat ng makakaya ko upang magawa ang tungkulin ko. Ang hindi ko inasahan ay, gumaling ang sakit ko nang hindi ko namamalayan! Puno ng pasasalamat sa Diyos ang puso ko!

Noong May 2015, ginawa ko ang tungkulin ng pagdidilig. Talagang gusto ko ang tungkuling ito. Gumugol ako ng oras para pag-isipan ang mga salita ng Diyos, at kapag may mga problema ang mga kapatid, pag-iisipan ko ang mga iyon, at hahanap ng mga sipi ng mga salita ng Diyos na makakatulong sa kanila. Kalaunan ay bumuti ang buhay simbahan. Mas masigasig ang aking mga kapatid na gawin ang kanilang mga tungkulin, at nagkaroon sila ng pananampalataya na magpatotoo sa hinaharap nilang mga paghihirap at pang-aapi. Natuwa ako. Akala ko’y pinagpala ako ng Diyos sa pamamagitan ng mas epektibong paggawa ko sa aking tungkulin, na nagpatunay na pinupuri Niya ang aking pagsusumikap.

Pero nang taong iyon, sa ikalima ng Hunyo, naghahanda akong pumunta sa isang pagtitipon nang biglang lubha akong nahilo. Pakiramdam ko’y umiikot ang paligid. Mayamaya’y naging basang basa ng pawis ang mukha’t mga damit ko, at sobrang sakit ng ulo ko. Gaya iyon ng mga sintomas ko dati noong una akong nagkasakit, pero mas malala pa ito kaysa dati. Pakiramdam ko, mamamatay ako. Sabi ko sa sarili ko: “Paanong nagbalik ang sakit na ito? Tapat ko namang ginagawa ang tungkulin ko araw-araw—bakit hindi ako pinoprotektahan ng Diyos? Hindi pa ba ako ganoon katapat sa Diyos?” Napansin ng asawa ko ang kalagayan ko, at dinala niya ako at ng mga anak kong babae sa ospital. Nang lumabas ang mga resulta ng test, iniwasan ako ng doktor at sa halip ay kinausap ang mga anak kong babae. Nang oras na iyon, alam ko na kung hindi iyon kanser, may iba pang mas malala rito. Nagsimulang sumama ang loob ko, pero naisip ko, “Ganoon din ang naramdaman kong sintomas noong una, at nawala iyon sa huli! Ngayon, ito ay nasa mga kamay rin ng Diyos. Ginagawa ko pa rin ang tungkulin ko, kaya hindi dapat maging sobrang sama nito, hindi ba?” Habang iniisip ko ito, naging kalmado ako. Ilang sandali pa, dumating ang dalawa kong anak na babae, umiiyak, at sinabi sa aking asawa: “Sinabi ng doktor na may kanser sa atay si Papa …” Nagulat siya nang marinig ito. Niyakap nilang tatlo ang isa’t-isa, mapait na umiiyak.

Sobrang naguluhan ang isip ko at nakaramdam ako ng sobrang sakit. Paano ako nagkaroon ng kanser sa atay? Halos imposible itong magamot at maari akong mamatay anumang oras. Kapag namatay ako, ano ang gagawin ng asawa at mga anak ko? Ito ba ang kinahinatnan ng lahat ng mga taon ng labis na paggawa at sakripisyo ko? Ipinagdadamot ba sa akin ang mga pagpapala ng kaharian ng langit? Sa oras na iyon, nakadama ako ng sobrang kalungkutan at kawalan ng pag-asa. Umiiyak na sinabi sa akin ng asawa ko: “Kung may sakit kang ganito, ito’y dahil pinahintulutan ito ng Diyos. Matuwid ang Diyos. Hindi natin Siya dapat sisihin, o magkamali sa pagkaunawa sa Kanya. Dapat nating subuking unawain ang Kanyang kalooban.” Ipinaalala sa akin ng mga salita ng asawa ko na, oo, ang Diyos ay matuwid. Kailangan kong hanapin ang Kanyang kalooban, nang hindi nagrereklamo. Sa pagkakita sa sakit na nararamdaman ng asawa ko, hindi ko rin mapigilan ang maiyak. Habang may luha sa aking mga mata, tahimik akong nanalangin sa Diyos: “O, Diyos! Wala Kang ginagawang anuman nang walang kabuluhan. Pakiusap, patnubayan Mo po ako na maunawaan ang Iyong kalooban.” Pagkatapos manalangin, mas naging kalmado ako. Alam ko na walang gamot sa sakit ko, at ayokong bigyan nang maraming pinansyal na problema ang pamilya ko, kaya hiniling kong pauwiin na ako para magpahinga.

Pagkatapos ng dalawang araw, dumating ang mga kapatid ko, at kinumusta ang pakiramdam ko. Pagkakita sa kanila, at sa pag-iisip kung gaano kaseryoso ang kondisyon ko, napahagulhol ako, at sinabing: “Ang makasama ko kayong lahat, na nag-aalala sa akin, ay pag-ibig ng Diyos. Ngunit sa isang sakit na tulad nito, hindi na siguro ako magtatagal. Hindi ko magagawa ang tungkulin ko gaya ng dati, at hindi na ako mabubuhay upang makita ang kaharian ng Diyos na isinasakatuparan.” Isang sister ang umalo sa akin, at matiyagang sinabi sa akin: “Kapatid, ang sakit na ito ay isa sa mga pag-ibig ng Diyos. Dapat mas manalangin ka, hanapin ang katotohanan, unawain ang kalooban ng Diyos, at magpatotoo kahit sa gitna ng iyong sakit!” Kalaunan, binigyan niya ako ng ilang mga sipi ng mga salita ng Diyos. Isa sa mga iyon ay tumatak sa isip ko: “Sa kanilang pananalig sa Diyos, ang hinahanap ng mga tao ay makakuha ng mga pagpapala para sa hinaharap; ito ang kanilang mithiin sa kanilang pananampalataya. Lahat ng tao ay may ganitong hangarin at inaasahan, subalit ang katiwalian sa kanilang kalikasan ay dapat malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok. Sa alinmang mga aspeto na hindi ka nadalisay, ito ang mga aspeto kung saan dapat kang mapino—ito ang pagsasaayos ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng isang kapaligiran para sa iyo, pinipilit kang maging pino roon nang sa gayon ay malaman mo ang iyong sariling katiwalian. Sa huli, umaabot ka sa punto kung saan mas gugustuhin mong mamatay at isuko ang iyong mga pakana at mga ninanasa, at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Samakatuwid, kung ang mga tao ay walang ilang taon ng pagpipino at kung hindi sila nagtitiis ng itinakdang dami ng pagdurusa, hindi nila maaalis sa sarili nila ang pagkaalipin ng katiwalian ng laman sa kanilang mga saloobin at sa kanilang mga puso. Sa alinmang aspeto na ikaw ay sakop pa rin ng pang-aalipin ni Satanas, at sa alinmang aspeto na mayroon ka pa ring sarili mong mga ninanasa at hinihingi, ito ang mga aspeto kung saan dapat kang magdusa. Sa pagdurusa lamang natututunan ang mga aral, ibig sabihin ay nakakamit ang katotohanan, at nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa katunayan, maraming katotohanan ang nauunawaan sa pagdanas ng masasakit na pagsubok. Walang nakakaunawa sa kalooban ng Diyos, walang nakakakilala sa pagkamakapangyarihan at sa karunungan ng Diyos, o walang nagpapahalaga sa matuwid na disposisyon ng Diyos kapag nasa isang maginhawa at magaan na kapaligiran o kapag ang mga kaganapan ay kaaya-aya. Magiging imposible iyan!(“Paano Ang Isa ay Dapat Magbigay-kasiyahan sa Diyos sa Gitna ng Mga Pagsubok” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Pagkatapos kong marinig ito, pinagnilayan ko ang sarili ko. Dati, noong nagkaroon ako ng karamdaman, nagawa kong magpasakop sa pamamagitan ng paghahanap ng katotohanan. Akala ko naging matatag ako, at iniwan ang hangaring magkamit ng mga pagpapala. Pero ngayong bumalik ang sakit ko at mas naging malala pa kaysa dati, nabunyag ako uli. Nakita ko na ang hangarin kong magkamit ng mga pagpapala ay malalim ang pagkakaugat at hindi ako nakapasa sa pagsubok ng Diyos. Kung hindi umulit ang pagbagsak ng aking kalusugan, itong malalim na hangarin na makamit ang mga pagpapala at mga maling kagustuhan ay mahirap makita, o mabago at malinis. Gayundin naman, nakita ko ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos. Sinisiyasat Niya ang puso ng tao, kaya alam Niya ang katiwalian at mga karumihan sa kalooban ko. Ginamit Niya ang sakit ko upang pilitin akong magnilay sa aking sarili, hanapin ang katotohanan, at lutasin ang tiwali kong disposisyon. Ito ay pag-ibig ng Diyos! Kalaunan, pinagnilayan ko ang aking pag-uugali, nagtataka kung bakit, sa harap ng sakit ko, ang reaksyon ko ay hindi maunawaan at sisihin ang Diyos. Hindi ba’t sinisikap ko pa ring makipagpalitan sa Diyos? Hindi ba lagi kong ninanais ang mga pagpapala ng Diyos, pero hindi handang tanggapin ang isinaayos Niya para sa akin? Lagi akong nakikipagkasundo sa Diyos, pero ano ang dahilan noon?

Kalaunan, binasa ko ang ilang mga salita ng Diyos: “Ang lahat ng tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kanilang sariling mga kapakanan; tinatalikuran nila ang mga bagay-bagay, ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Diyos, at tapat sa Diyos, nguni’t ang lahat ng mga bagay na ito ay ginagawa pa rin nila para sa kanilang sariling mga kapakanan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa layunin ng pagkakamit ng mga pagpapala para sa kanilang mga sarili. Sa lipunan, ang lahat ay ginagawa para sa pansariling pakinabang; ang paniniwala sa Diyos ay ginagawa para lamang magkamit ng mga pagpapala. Kaya ang mga tao ay itinatakwil ang lahat at nakatatagal sa matinding pagdurusa ay upang magkamit ng mga pagpapala. Ang lahat ng ito ay katibayan mula sa karanasan ukol sa tiwaling kalikasan ng tao(“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Wala nang mas mahirap pang tugunan kaysa sa mga hinihingi ng mga tao sa Diyos. Kung wala sa mga ginagawa ng Diyos ang umaayon sa iyong iniisip, at kung hindi Siya kumikilos alinsunod sa iyong iniisip, kung gayon ay malamang na lumaban ka—na ipinapakita na, sa kalikasan, lumalaban ang tao sa Diyos. Dapat malaman at malutas ang suliraning ito sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan. Maraming hinihingi sa Diyos ang mga taong walang katotohanan, samantalang wala namang hinihinging anuman ang mga taong tunay na nakauunawa sa katotohanan; nararamdaman lamang nila na hindi sila lubos na nakapagbigay-lugod sa Diyos, na hindi sila lubos na nakasusunod sa Diyos. Sinasalamin ng laging paghingi ng mga tao sa Diyos ang kanilang tiwaling kalikasan. Kung hindi mo ito itinuturing na malubhang suliranin, kung hindi mo ito itinuturing bilang mahalagang bagay, kung gayon ay magkakaroon ng peligro at mga nakatagong panganib sa landas ng iyong paniniwala. Nagagawa mong pagtagumpayan ang mga ordinaryong bagay, subalit kapag nasasangkot ang iyong kapalaran, mga adhikain, at patutunguhan, marahil hindi mo nagagawang magtagumpay. Sa oras na iyon, kung wala pa rin ang katotohanan sa iyo, maaaring muli kang mahulog sa mga dati mong paraan, at kung magkagayon, magiging isa ka sa mga nawasak(“Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao Mula sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Ang pagpapahayag ng mga salita ng Diyos ay tinulungan akong maunawaan na ang mga pagtatangkang ito na makipagpalitan sa Diyos ay nakabatay sa satanikong lason ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba” at “Huwag gumawa nang walang gantimpala.” Anuman ang ginawa ko, lagi ko munang inisiip kung paano ako makikinabang at makakatanggap ng mga pagpapala. Maging sa tungkulin ko, lagi akong may mga sariling motibo at dungis. Habang binabalikan ang landas na nilakaran ko, palagi akong gumagawa ng mga mababaw na sakripisyo para sa gawain ng Diyos, pero ang totoo, sinusubukan kong ipagpalit ang mga maliliit na sakripisyo para sa malalaking mga pagpapala. Para makamit ang mga pagpapala ng Diyos, anumang pagdurusa ay mukhang karapat-dapat. Pero nang hindi napunuan ang mga pagnanais ko, at nagkasakit ako nang paulit-ulit, na parang mamamatay na ako, lahat ng maling pagkaunawa, paninisi, paglaban, at pagtataksil sa Diyos ay nahayag. Ginawa ko ang tungkulin ko upang maabot ang destinasyon ko. Ginagamit ko ang Diyos, dinadaya Siya. Nawalan ako ng konsensya at katinuan. Naging masama ako at kasuklam-suklam! Kung hindi ako paulit-ulit na ibinunyag ng mga pagsasaayos ng Diyos, hindi ko kailanman nakita kung gaano ako naging makasarili at mandaraya. Itinuring ko na angkop ang paghahanap ko ng mga pagpapala, at iniwan ang mga ninanais ng Diyos. Anuman ang ginawa ko, anumang mga sakripisyo ang ginawa ko, hindi ito mahalaga—hindi ito kailanman pupurihin ng Diyos. Kung hindi ko hinanap ang katotohanan, kung ang hangarin ko ay makakuha pa rin ng mga pagpapala para sa sarili ko, kamumuhian ako ng Diyos at parurusahan ako. Nagpapasalamat ako sa mga salita ng Diyos para sa pagliliwanag sa akin, para sa pagpapahintulot sa akin na makilala ang sarili ko sa pamamagitan ng sakit na ito at iwanan ang mga maling kagustuhan ko. Ito ang pagliligtas sa akin ng Diyos! Habang mas inisip ko ito, mas naramdaman ko kung gaano kalaki ang pag-ibig ng Diyos. Nanalangin ako sa Diyos: “O, Diyos! Ang mabuti Mong kalooban ang nasa likod ng pagkakaroon ko ng kanser. Ang buhay at kamatayan ko ay nasa Iyong mga kamay. Susunod ako sa Iyo, at magpapatotoo upang masiyahan Ka.”

Pagkatapos manalangin, binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sumasailalim ka sa mga pagsubok kay Job, at kasabay nito ay sumasailalim ka sa mga pagsubok kay Pedro. Noong sinubok si Job, tumayo siyang saksi, at sa huli, ipinakita sa Kanya si Jehova. Pagkatapos niyang tumayong saksi, saka lamang siya naging karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos. Bakit sinabing: ‘Nagtatago Ako mula sa lupain ng karumihan ngunit ipinakikita Ko ang Aking Sarili sa banal na kaharian’? Ibig sabihin niyan ay kapag ikaw ay banal at tumatayong saksi, saka ka lamang magkakaroon ng dangal na makita ang mukha ng Diyos. Kung hindi ka makatayong saksi para sa Kanya, wala kang dangal para makita ang Kanyang mukha. Kung aatras ka o magrereklamo laban sa Diyos sa harap ng mga pagpipino, sa gayon ay bigo kang tumayong saksi para sa Kanya at pinagtatawanan ka ni Satanas, hindi mo makakamtan ang pagpapakita ng Diyos. Kung katulad ka ni Job, na sa gitna ng mga pagsubok ay isinumpa ang kanyang sariling laman at hindi nagreklamo laban sa Diyos, at nagawang kamuhian ang kanyang sariling laman nang hindi nagrereklamo o nagkakasala sa pamamagitan ng kanyang mga salita, tatayo kang saksi. Kapag sumasailalim ka sa mga pagpipino kahit paano at kaya mo pa ring maging katulad ni Job, na lubos na masunurin sa harap ng Diyos at walang ibang mga kinakailangan sa Kanya o sarili mong mga kuru-kuro, magpapakita sa iyo ang Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang Kanyang kabanalan at pagiging matuwid. Nagpapakita lamang ang Diyos sa mga nagpapatotoo habang sinusubok at pinipino sila. Noong sinubok ng Diyos si Job, ang kayamanan ni Job, ang kanyang mga anak, ang kanyang kalusugan at kasiyahan ay kinuha lahat sa kanya ni Satanas, at ang kanyang katawan ay nabalot ng mga sugat. Pero hindi siya nagreklamo, o sinisi ang Diyos. Nagalit lang siya at isinumpa ang sarili niya. Humaharap sa ganito kalaking pagsubok, nagawa pa rin niyang sumunod sa kapangyarihan ng Diyos at purihin ang Kanyang pangalan sa kanyang posisyon bilang isang nilalang. Sinabi pa niya: “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis” (Job 1:21). Ang mga salitang ito ay tumayo bilang isang magandang, umaalingawngaw na patotoo sa Diyos sa harapan ni Satanas, at sa huli, nagpakita ang Diyos kay Job. Ito ang halaga ng naging buhay ni Job. Ang karamdaman na hinarap ko ay dumating dahil pinapakitaan ako ng Diyos ng espesyal na kabutihan. Kinailangan kong sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos, gaya ng ginawa ni Job. Hindi ako dapat mapigilan ng kanser ko. Sa halip, dapat kong ibigay ang buhay ko sa Diyos at magbigay ng matatag at umaalingawngaw na patotoo sa Diyos sa harapan ni Satanas, inaalo ang puso ng Diyos. Isinantabi ko ang mga alalahanin ko at isinuko ang sarili ko sa kapangyarihan ng Diyos, at hindi nagtagal naging maayos ang kondisyon ko. Naging magana akong kumain, normal na ang kilos ko, at nagawa ko pa ang tungkulin ko sa abot ng makakaya ko. Kalaunan, dinala ako ng mga anak kong babae sa ospital para ipakonsulta. Hindi makapaniwala ang doktor sa nangyari. Sinabi niya na ang mga pasyenteng gaya ko ay bihira, at ang katotohanan na nakatagal ako na hindi ginagamot sa ospital ay talagang isang himala! Alam ko noon na ito ang pagpoprotekta sa akin ng Diyos. Naramdaman ko na ang buhay ko ay nasa mga kamay ng Diyos, at naranasan ang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng mga bagay.

Pagkatapos niyon, bumalik uli ang sakit ko. Dinala ako sa ospital ng asawa ko at mga anak na babae, at nang makita ng chief doctor kung gaano kalala ang sakit ko, tumawag siya ng espesyalista para masuri ako. Nang dumating ang resulta ng lab test, sinabi ng espesyalista na wala silang kagamitan para magamot ang sakit ko, at nagmungkahi na magbayad kami ng 200,000 yuan para makalipat sa provincial hospital, kung saan maari nila itong magamot. Umiiyak na sinabi ng anak kong babae sa aking asawa: “Narinig niyo po ba ang pagkakasabi niya noon? Walang makakagamot kay Pa. Lampas trenta katao ang nagkaroon ng kanser sa ating bayan nitong mga hulling taon, at lahat sila’y namatay …” Nabasa ng luha ang mukha ng asawa ko. Pakiramdam ko nahatulan na ako. Muli, naramdaman kong papalapit na ang kamatayan sa akin, at hindi ko mapigilan ang mapaisip: Paanong nagbalik ang sakit na ito, at malala pa rin? Pero ngayon, sinaway ko ang sarili ko. Nakaramdam ako ng pagsisi para sa pagsuway ko sa Diyos. Inisip ko ang lahat ng panahon na muntikan na akong mamatay, at kung paanong prinotektahan ako ng Diyos at pinanatili akong buhay. Malinaw na nakita ko ang kapangyarihan ng Diyos, kaya paanong hindi ko tunay na naunawaan ang Diyos? Ang Diyos lamang ang may awtoridad sa buhay at kamatayan, hindi ang mga doktor! Kaya humarap ako sa Diyos at nanalangin. Sinabi ko: “Mahal na Diyos, muli, humaharap ako sa sarili kong kamatayan. Alam ko na ang Iyong mabuting kalooban ang nasa likod nito. Ang buhay at kamatayan ay nasa Iyong mga kamay. Susunod ako sa Iyo, at magpapatotoo upang masiyahan Ka.”

Pagkatapos kong manalangin, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sino sa buong sangkatauhan ang hindi inaalagaan sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi nabubuhay sa gitna ng itinalagang tadhana ng Makapangyarihan? Nangyayari ba ang buhay at kamatayan ng tao ayon sa sarili niyang pagpapasiya? Kontrolado ba ng tao ang kanyang sariling kapalaran? Maraming taong gusto nang mamatay, subalit malayo iyon sa kanila; maraming taong nais maging yaong malalakas sa buhay at takot sa kamatayan, subalit lingid sa kanilang kaalaman, ang araw ng kanilang kamatayan ay nalalapit na, isinasadlak sila sa kailaliman ng kamatayan; maraming taong nakatingala sa langit at bumubuntong-hininga nang malalim; maraming taong umiiyak nang malakas, humahagulhol; maraming taong bumabagsak sa gitna ng mga pagsubok; at maraming taong nagiging bilanggo ng tukso. Kahit hindi Ako magpakita nang personal upang hayaan ang tao na malinaw Akong mamasdan, maraming taong takot na makita ang Aking mukha, takot na takot na pababagsakin Ko sila, na papatayin Ko sila. Totoo bang kilala Ako ng tao, o hindi? Walang makakapagsabi nang tiyakan. Hindi ba ganito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 11). May kapangyarihan at awtoridad ang mga salita ng Diyos, at binigyan ako ng kumpiyansa. Ang Diyos ang Lumikha, at ang Diyos ang kumokontrol sa lahat. Bilang isang nilalang, alam ko na dapat akong sumunod sa kapangyarihan ng Lumikha. Kung pinahalagahan ko ang aking buhay at sinisi ang Diyos, lalabanan ko Siya, pagtataksilan Siya, at mahihiya akong harapin Siya, at ang buhay ko ay mawawalan ng kabuluhan. Noong naunawaan ko lahat ito, hindi ko na naramdamang napipigilan ako ng kamatayan o sakit. Sinabi ko sa asawa at mga anak kong babae: “Huwag kayong malungkot. Kahit na hinatulan ako ng kamatayan ng doktor, naniniwala ako na ang buhay at kamatayan ko ay nasa mga kamay ng Diyos. Lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay matuwid. Hangga’t humihinga ako, tatayo ako at magpapatotoo para masiyahan ang Diyos!” Kalaunan, umuwi ako para magpagaling. Araw-araw, humaharap ako sa Diyos at nanalangin, at binabasa ang mga salita ng Diyos. Naging kalmado ako at nagkaroon ng kapayapaan. Binigyan ako ng doktor ng dalawang kahon ng serum na ineksyon, wala pang sampung yuan ang halaga. Ginamit ko ito sa loob ng isang buwan, at nagbalik ang kulay ng mga daliri ko at nagkagana uli akong kumain. Dahan-dahang nagsimulang bumalik ang lakas at sigla ko, hanggang sa bumalik ako sa dati bago ako nagkasakit. Noong bumalik ako sa ospital para sa isang check up, sinabi ng doktor na isang himala na gumaling agad ako. Alam ko na lahat ng ito ay dahil sa Diyos, na walang makakapagligtas sa akin maliban sa Kanya. Gaya ng sinasabi ng Diyos: “Malinaw na hindi ang sangkatauhan ang humahawak ng kapangyarihan ng buhay at kamatayan, hindi isang nilalang sa natural na mundo, kundi ang Lumikha, na ang awtoridad ay natatangi. Ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay hindi bunga ng ilang batas ng mundong natural, ngunit bunga ng kataas-taasang kapangyarihan ng awtoridad ng Lumikha(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Naranasan ko ang kapangyarihan, awtoridad, at ang Kanyang mapaghimalang mga gawa. Nakita ko ang Kanyang pag-ibig at kaligtasan. Mula sa kaibuturan ng puso ko, nagpasalamat ako sa Diyos, at nagpuri sa Kanya. Noong nakita ako ng mga tao sa bayan namin, nagulat silang lahat. Sinabi nila na hindi nila akalain na mabubuhay pa ako, at hindi nila kailanman inasahan na makikita nila akong muli na napakalusog, at talagang swerte ako na makatakas sa kamatayan! Pero alam ko sa puso ko: Wala itong kinalaman sa swerte. Ito ay kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Iniligtas ako ng Diyos! Hindi nagtagal, nagpatuloy ako sa tungkulin ko sa simbahan. Limang taon ang lumipas, at hindi na kailanman bumalik ang sakit ko. Higit ito sa inaasahan ko. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa nangyari.

Sa pamamagitan ng karamdamang ito, sa pamamagitan ng mga pahayag ng mga salita ng Diyos at pagharap sa mga katotohanan, nagkaroon ako ng ilang kaalaman sa aking mga maling pananaw sa pananampalataya at tiwaling disposisyon, at nalaman ko ang kapangyarihan ng Diyos, ang Kanyang matuwid na disposisyon, at ang Kanyang magandang diwa. Iniwan ko ang hangarin kong magkaroon ng mga pagpapala, at natutuhan ko kung paano isakabuhayan ang pinakamakabuluhan at mahalaga kong buhay. Nagpapasalamat ako sa kabutihan ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Kapaki-pakinabang Na Ulat

Ni Ding Li, Estados Unidos Tag-init noon, dalawang taon na ang nakalilipas. Narinig ko na si Sister Zhou, isang lider, ay itinalaga si...