Natagpuan Ko Ang Tunay Na Kaligayahan

Oktubre 22, 2024

Ni Chongsheng, Tsina

Mula sa murang edad, hilig ko na talaga ang panonood ng mga romantikong drama, at palagi akong naiinggit sa mapagmahal na relasyon sa pagitan ng mga bida. Kaya naniwala ako na wala nang mas makakapagpasaya sa akin maliban sa pagkakaroon ng asawang nagmamahal at nag-aalaga sa akin. Noong labing pitong taong gulang ako, nakilala ko ang aking magiging asawa. Tamang-tama ang ang hitsura niya sa gusto ko, medyo inosente siya at sa aming mga pag-uusap, nakita ko na talagang maalaga at maasikaso siya sa akin, kaya nagpagkasal kami nang ganoon-ganoon lang. Pagkatapos magpakasal, patuloy na naging napakabuti at sobrang maasikaso sa akin ng asawa ko. Ginagawa niya ang mga gawaing-bahay at binibili ang kahit anong gusto ko. Minsan kapag malungkot ako, pinapasaya niya ako at tinitiis ang aking masamang ugali. Inisip ko na napakasuwerte ko na may asawang nag-aalaga at nagmamahal sa akin tulad ng ginawa niya, at kaya napagpasyahan kong pahalagahan ang aming kasal.

Noong 2019 sa panahon ng pandemya na ipinalaganap sa akin ng aking ina ang ebanghelyo ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos noon, sinimulan kong gawin ang isang tungkulin sa abot ng aking makakaya. Isang araw habang ang mga kapatid ay nagtitipon sa aming tahanan, biglang bumalik ang aking asawa. Nang makita niya ang lahat ng kapatid na naroon, sobra siyang nagalit at malupit siyang nagbanta, “Kung nangyari ulit ito, tatawag ako ng mga pulis!” Pagkatapos noon, padabog siyang lumabas, at pabalibag na isinara ang pinto. Hindi ko pa nakita ang aking asawa na galit na galit, para siyang naging ganap na ibang tao. Talagang natakot ako nang makita ko kung gaano lumalaban ang aking asawa sa aking pananampalataya at naisip ko, “Ano ang dapat kong gawin? Kapag nahuli niya ulit kami, tatawag ba talaga siya ng pulis? Hihiwalayan niya ba ako ngayong gabi kapag nakauwi na siya? Paano ko ito ipapaliwanag sa kanya nang hindi manganganib ang relasyon namin?” Noong panahong iyon, ikinuwento sa akin ng isang lider ng iglesia ang kanyang personal na karanasan sa pamamagitan ng pagbabahaginan at binasa niya ang sumusunod na sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos ay napagtanto ko na sa panlabas ay parang ang aking asawa ang humahadlang sa akin, pero sa totoo lang, si Satanas ang gumagawa sa pamamagitan ng pananakot ng asawa ko para mag-alala at matakot ako at mapalayo ako at ipagkanulo ang Diyos at abandonahin ang aking pananampalataya at tungkulin para mapanatili ang aming relasyon. Nahuli kami ng asawa ko na nagtitipon nang may pahintulot ng Diyos. Umasa ang Diyos na maninindigan ako sa aking patotoo sa sitwasyong iyon, at dapat akong tumayo sa panig ng Diyos at hindi sumuko kay Satanas. Nang naunawaan ko ang mga layunin ng Diyos, sumigla ang aking pananampalataya. Talagang galit na galit ang asawa ko pag-uwi niya. Maglalagay daw siya ng mga CCTV at kapag nahuli niya ulit ako ay tatawag na siya ng pulis at hihiwalayan ako. Nang marinig ko ang lahat ng iyon, nakaramdam ako ng labis na kalungkutan, at tumulo ang mga luha sa aking mukha. Sa pagkakataon na iyon, naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Gumagawa si Satanas sa pamamagitan ng aking asawa para pahintuin ako sa pananampalataya sa Diyos. Kailangan kong makita ang masamang balak ni Satanas. Kaya buong tatag kong sinabi, “Kung nag-aalala ka na magdudulot ng problema sa iyo ang aking pananampalataya, hindi kita mapipilit na manatili sa piling ko. Kung gusto mo ng diborsiyo, sige, hindi ko kayang talikuran ang aking pananampalataya.” Namula ang mga mata niya sa sobrang galit at pinagsusuntok niya ang kama. Hindi man ako sumuko sa aking asawa noon, pero natatakot pa rin akong makipaghiwalay, at ayokong humadlang ang pananampalataya ko sa relasyon namin.

Mula noon, hindi na ako pinakitunguhan nang maganda ng aking asawa at palagi siyang nagagalit sa akin at pinupuna ang mga pagkakamali ko. “Ano ang ginagawa mo sa bahay buong araw? Paanong ang isang kaedad mo ay naniniwala sa Diyos?” Isang beses, hinawakan niya ako sa leeg at sinabing, “Sasakalin kita at tingnan natin kung darating ang Diyos mo upang iligtas ka!” Noong gabing iyon, habang iniisip ko kung gaano kamaalaga sa akin noon ang asawa ko at kung paanong araw-araw niya akong pinupuna ngayon sa mga pagkakamali ko dahil nananampalataya ako sa Diyos, labis akong nasaktan at napaiyak ako. Kinaumagahan, namumugto pa rin ang aking mga mata sa pag-iyak, pero walang reaksyon ang asawa ko nang makita niya ako. Nang naisip ko na kung hindi ako nanampalataya sa Diyos, hindi ako tatratuhin ng asawa ko sa paraang iyon kaya medyo nag-alinlangan ako, pero naisip ko kung paanong naparito ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain at iligtas ang sangkatauhan at na kailangan kong isagawa nang mabuti ang pananampalataya at tahakin ang tamang landas, kaya alam kong hindi ko kayang talikuran ang aking pananampalataya para sa aking asawa. Pero hindi ko rin ginustong masira ang aming pagsasama. Pagkatapos noon, maingat kong pinanatili ang aming relasyon at nag-isip ng mga paraan para mapalugod ang aking asawa. Dahil alam ko nang nagagalit ang asawa ko sa aking pananampalataya, sinubukan kong itago sa kanya ang aking mga aklat ng mga salita ng Diyos, at nililinis ko ang silid pagkatapos ng mga pagtitipon at hindi ako nag-iiwan ng kahit katiting na bakas ng pulong. Kahit gaano ako kapagod sa pag-aalaga ng aking anak, palagi akong naglalaan ng oras para maglinis ng bahay at magluto ng pagkain. Gagawin ko lang ang aking mga debosyon kapag wala ang aking asawa sa bahay sa takot na makitaan niya ako ng mali. Minsan, kapag nag-o-overtime ang asawa ko, sinasamantala ko ang pagkakataong basahin ang mga salita ng Diyos, pero hindi ako makatuon dahil nag-aalala akong baka umuwi siya nang maaga. Palagi kong pinapakinggan ang pinto, at pagkabukas na pagkabukas nito, dali-dali kong papatayin ang computer at ililigpit ang aking mga libro. Pagkatapos noon, hindi na ako ulit nahuli ng aking asawa na nagsasagawa ng pananampalataya o nagbabasa ng mga salita ng Diyos, at unti-unting bumuti ang pakikitungo niya sa akin. Noong 2021, noong medyo malaki na ang anak ko, sinimulan na itong alagaan ng aking biyenan, at nakapagsimula na akong magdilig sa mga baguhan. Pagkaraan ng ilang panahon, ako ay napili bilang isang diyakono sa pagdidilig. Dahil dinadala ko ang ilang pasanin sa aking tungkulin, napili ako bilang lider ng iglesia noong Marso ng 2023. Bilang isang lider, kailangan kong magsagawa ng mga pagtitipon at nadagdagan ang aking trabaho. Minsan ay kailangan kong tumugon sa mga tanong sa mga liham sa gabi, pero hindi talaga ako nangahas na asikasuhin ang mga ito sa gabi. Naisip ko, “Hindi niya alam na isinasagawa ko pa rin ang pananampalataya at ginagawa ang aking tungkulin. Nagsisimula pa lang bumuti ang relasyon namin, pero kapag nalaman niyang nanampalataya pa rin ako at ginagawa ko ang aking tungkulin, hindi ba siya babalik sa paghahanap ng mali sa akin buong araw tulad ng dati? Kung hindi ako makapagtrabaho sa gabi ay ayos lang, magtatrabaho na lang ako sa araw.” Dahil hindi ako nangahas tumugon sa mga liham sa gabi at nagdaos ng mga pagtitipon araw-araw, nagsimulang dumami ang mga hindi nababasang liham. Patuloy na naantala ang gawain ng paglilinis at ang gawain ng pagpapatalsik ng iglesia at bumagal din ang pag-usad ng aming gawain sa ebanghelyo. Ako mismo ay sobrang nag-aalala sa lahat ng ito, pero naisip ko, “Dahil nakatira sa amin ang aking mga biyenan, kapag nalaman nila ang tungkol sa aking pananampalataya at makipagtulungan sila sa aking asawa upang guluhin ako o hikayatin ang aking asawa na hiwalayan ako, ano ang dapat kong gawin?” Ayaw kong masira ang pagsasama naming iyon, kaya naramdaman kong nalilimitahan ako habang ginagawa ko ang aking tungkulin.

Isang beses sa isang pagtitipon, narinig ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kapag nag-asawa na sila, ang ilang tao ay handang ialay ang lahat ng kanilang magagawa para sa kanilang buhay may-asawa, at naghahanda silang magsikap, makibaka, at magtrabaho nang mabuti para sa kanilang buhay may-asawa. Ang ilan ay desperadong kumikita ng pera at nagdurusa, at siyempre, higit pa nilang ipinagkakatiwala sa kanilang kabiyak ang kanilang kaligayan sa buhay. Naniniwala sila na kung sila ay natutuwa o nagagalak sa buhay ay nakasalalay sa kung ano ang katangian ng kanilang kabiyak, kung ito ba ay isang mabuting tao; kung magkatugma ba ang kanilang personalidad at mga hilig; kung ito ba ay isang taong may kakayahang maghanapbuhay at pamahalaan ang isang pamilya; kung ito ba ay isang taong kayang tiyakin ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa hinaharap, at makakapagbigay sa kanila ng isang masaya, matatag, at magandang pamilya; at kung ito ba ay isang taong kaya silang bigyang-ginhawa kapag sila ay may dinaranas na anumang pasakit, kapighatian, kabiguan o problema. Upang kumpirmahin ang mga bagay na ito, binibigyan nila ng espesyal na atensiyon ang kanilang kabiyak habang namumuhay sila nang magkasama. Maingat nilang inoobserbahan at itinatala ang mga iniisip, pananaw, pananalita at kilos, bawat galaw ng kanilang kabiyak, pati na rin ang anumang kalakasan at kahinaan nito. Detalyado nilang tinatandaan ang lahat ng iniisip, pananaw, salita, at pag-uugali sa buhay na ipinapakita ng kanilang kabiyak, upang mas maunawaan nila nang mabuti ang kanilang kabiyak. Kasabay nito, umaasa rin sila na mas mauunawaan sila nang mabuti ng kanilang kabiyak, binibigyan nila ng puwang ang kanilang kabiyak sa kanilang puso, at binibigyan nila ang kanilang sarili ng puwang sa puso ng kanilang kabiyak, upang mas mahusay nilang mapigilan ang isa’t isa, o upang sila ang unang taong lilitaw sa harap ng kanilang kabiyak sa tuwing may mangyayari, ang unang taong tutulong dito, ang unang taong titindig at susuporta rito, magpapalakas ng loob nito, at magiging matibay na tagasuporta nito. Sa ganitong kalagayan ng pamumuhay, hindi bihirang subukan ng mag-asawa na kilatisin kung anong uri ng tao ang kanilang kabiyak, ganap silang namumuhay sa kanilang damdamin para sa kanilang kabiyak, at ginagamit nila ang kanilang damdamin upang alagaan ang kanilang kabiyak, pagtiisan ito, pangasiwaan ang lahat ng kasalanan, kapintasan, at hinahangad nito, maging sa punto ng pagtugon sa bawat hinihingi nito. Halimbawa, sinasabi ng mister ng isang babae, ‘Sobrang haba ng mga pagtitipon ninyo. Dapat ay manatili ka lang doon nang kalahating oras at pagkatapos ay umuwi ka na.’ Sumasagot naman ang babae, ‘Gagawin ko ang aking makakaya.’ Totoo nga, sa sunod na pagpunta niya sa pagtitipon ay kalahating oras lamang siya roon at pagkatapos ay umuuwi na siya agad, at sinasabi na ngayon ng kanyang mister, ‘Mas mainam ang ganyan. Sa susunod, magpakita ka lang doon at pagkatapos ay umuwi ka na agad.’ Sinasabi niya, ‘Ah, ganoon pala katindi ang pangungulila mo sa akin! Sige, gagawin ko ang aking makakaya.’ Totoo nga, hindi niya binibigo ang kanyang asawa sa sunod niyang pagpunta sa pagtitipon, at umuuwi na siya pagkatapos lamang ng mga sampung minuto. Labis na nasisiyahan at natutuwa ang kanyang asawa, at sinasabi nito, ‘Mas mainam iyan!’ Kung gusto nito na pumunta siya sa silangan, hindi siya mangangahas na magpunta sa kanluran; kung gusto nitong makita na tumatawa siya, hindi siya mangangahas na umiyak. Nakikita nito na nagbabasa siya ng mga salita ng Diyos at nakikinig sa mga himno at napopoot ito rito at nasusuklam, at sinasabi ng mister niya, ‘Ano ba ang silbi ng pagbabasa ng mga salitang iyan at pagkanta ng mga awit na iyan palagi? Hindi ba pwedeng huwag mong basahin ang mga salitang iyan o kantahin ang mga awit na iyan habang nasa bahay ako?’ Sumasagot siya, ‘Sige na, sige na, hindi ko na babasahin ang mga ito.’ Hindi na siya naglalakas-loob na magbasa ng mga salita ng Diyos o makinig sa mga himno. Dahil sa mga iginigiit ng kanyang mister, sa wakas ay nauunawaan niya na hindi nito gusto na siya ay manampalataya sa Diyos o magbasa ng mga salita ng Diyos, kaya sinasamahan na lang niya ito kapag ito ay nasa bahay, magkasama silang nanonood ng telebisyon, kumakain, nag-uusap, at pinakikinggan pa nga niya ang mga hinaing nito. Gagawin niya ang kahit ano para dito, basta’t ikasisiya ito ng kanyang mister. Naniniwala siya na ito ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng isang asawa. Kaya, kailan niya binabasa ang mga salita ng Diyos? Hinihintay niyang makalabas ang kanyang mister, pagkatapos ay kinakandado niya ang pinto at nagmamadali siyang magsimulang magbasa. Kapag naririnig niyang may tao sa pinto, agad niyang itinatago ang libro at labis siyang natatakot kaya hindi na siya nagbabasa pa. At kapag binuksan niya ang pinto ay nakikita niyang hindi pa naman bumabalik ang kanyang asawa—nagkamali siya ng akala, kaya ipinagpapatuloy niya ang pagbabasa. Habang patuloy siyang nagbabasa, hindi siya mapakali, ninenerbiyos siya at natatakot, iniisip na, ‘Paano kung umuwi nga talaga siya? Mas mabuting itigil ko na muna ang pagbabasa sa ngayon. Tatawagan ko siya at tatanungin kung nasaan siya at kailan siya uuwi.’ Kaya, tinatawagan niya ito at sinasabi nito sa kanya, ‘Medyo maraming ginagawa sa trabaho ngayon, kaya baka hindi ako makauwi bago mag-alas-tres o alas-kuwatro.’ Kumalma siya dahil dito, ngunit mapapanatag pa rin ba ang kanyang isip para makapagbasa siya ng mga salita ng Diyos? Hindi; nagulo na ang kanyang isipan. Nagmamadali siyang humarap sa Diyos para manalangin, at ano ang sinasabi niya? Sinasabi ba niya na walang pananalig ang kanyang pananampalataya sa Diyos, na takot siya sa kanyang mister, at hindi niya mapatahimik ang kanyang isipan para makapagbasa siya ng mga salita ng Diyos? Pakiramdam niya ay hindi niya masasabi ang mga bagay na ito, kaya wala siyang masabi sa Diyos. Ngunit pagkatapos ay ipinipikit niya ang kanyang mga mata at ipinagsasalikop ang kanyang mga kamay. Kumakalma siya at hindi na gaanong nababalisa, kaya binabasa na niya ang mga salita ng Diyos, ngunit hindi niya nauunawaan ang mga salita. Iniisip niya, ‘Nasaan na ang binabasa ko kanina? Saan na ako nakarating sa aking pagninilay-nilay? Tuluyan ko nang nalimutan ang iniisip ko.’ Habang mas pinag-iisipan niya ito, mas lalo siyang nayayamot at nababagabag: ‘Hindi na lang ako magbabasa ngayong araw. Hindi naman malaking problema kung makakaligtaan ko ang aking espirituwal na debosyon, ngayon lang naman.’ Ano sa palagay mo? Maganda ba ang takbo ng buhay niya? (Hindi.) Ito ba ay pagkabagabag sa pag-aasawa o kaligayahan sa pag-aasawa? (Pagkabagabag.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 11). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang eksaktong kalagayan ko. Ganap na natural at makatwiran para sa mga tao na isagawa ang pananampalataya at gampanan ang kanilang mga tungkulin. Ngunit nang hadlangan ako ng aking asawa, upang mapanatili ang aming relasyon, patuloy na tamasahin ang kanyang pangangalaga at pag-aasikaso, at hindi masira ang aming pagsasama, ayos lang sa akin na isantabi ang tungkulin ko at gawin ang lahat ng aking makakaya upang makuha ang loob niya. Dahil ayaw ng asawa ko na isagawa ko ang aking pananampalataya, hindi ako nangahas kumain at uminom ng mga salita ng Diyos habang nasa bahay siya, at kapag narinig kong nakauwi na siya, matatakot ako at agad-agad kong itatago ang mga libro ko. Kung hindi dahil sa aking asawa, pag-uwi ko sa gabi, maaari sana akong regular na magsagawa ng mga debosyonal, suriin ang mga pagkakamali sa aking gawain, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos upang malutas ang aking tiwaling disposisyon, at baka mas mabilis na lumago ang aking buhay. Ito ay magiging kapaki-pakinabang din sa aking tungkulin. Pero, para mapanatiling maligaya ang aking buhay may-asawa, isinantabi ko ang aking tungkulin at ang paghahangad ko sa katotohanan at halos wala akong nagawang mga debosyonal sa bahay. Dahil hindi ko mapaglabanan ang ilang masamang makamundong uso, madalas akong nahuhumaling sa panonood ng mga video at pelikula ng mga walang pananampalataya, naging malayo ang relasyon ko sa Diyos at nasira ang buhay pagpasok ko. Higit pa rito, hindi ko nasasagot ang mga liham sa tamang oras sa gabi at napakarami sa aming gawain ang naantala at hindi kami matatapos kung hindi darating ang lider para tingnan at madaliin kami. Nakita ko na sarili ko lang ang inaalala ko. Wala akong pakialam kung makompromiso ang ikabubuti ng iglesia basta’t mapanatili ko ang aking buhay may-asawa, at, bilang resulta, maraming proyekto ang naantala. Talagang wala akong konsensiya at katwiran at napakamakasarili ko at kasuklam-suklam.

Pagkatapos nito, nakita ko ang sumusunod na sipi: “Inorden ng Diyos ang pag-aasawa sa iyo para lamang matuto kang tuparin ang iyong mga responsabilidad, matutong mamuhay nang payapa kasama ang isa pang tao at mamuhay kayo nang magkasama, at maranasan mo kung paano ang buhay na kasama ang iyong kabiyak at kung paano ninyo haharapin nang magkasama ang lahat ng bagay na inyong pinagdadaanan, at dahil dito ay nagiging mas makulay at naiiba ang iyong buhay. Gayunpaman, hindi ka ipinagkakanulo ng Diyos sa pag-aasawa, at siyempre, hindi ka Niya ipinagkakanulo sa iyong kabiyak upang maging alipin nito. Hindi ka alipin ng iyong kabiyak, at hindi rin siya ang amo mo. Magkapantay kayo. May mga responsabilidad ka lang bilang misis o mister sa iyong kabiyak, at kapag tinutupad mo ang mga responsabilidad na ito, itinuturing ka ng Diyos na isang mabuting misis o mister. Walang anumang taglay ang iyong kabiyak na wala sa iyo, at hindi ka mas masahol kaysa sa iyong kabiyak. Kung ikaw ay nananampalataya sa Diyos at naghahangad sa katotohanan, kayang gumampan sa iyong tungkulin, madalas na dumadalo sa mga pagtitipon, nagdarasal-nagbabasa ng mga salita ng Diyos, at humaharap sa Diyos, kung gayon, ito ay ang mga bagay na tinatanggap ng Diyos at ang mga ito ang dapat na gawin ng isang nilikha at ang mga ito ang normal na buhay na dapat ipamuhay ng isang nilikha. Walang kahiya-hiya rito, ni hindi mo dapat maramdaman na may pagkakautang ka sa iyong kabiyak dahil ganito ang uri ng buhay mo—wala kang pagkakautang sa kanila. … Pagdating sa mga ugnayan sa laman, bukod sa iyong mga magulang, ang taong pinakamalapit sa iyo sa mundong ito ay ang iyong asawa. Ngunit dahil nananampalataya ka sa Diyos, itinuturing ka niyang kaaway at inaatake at inuusig ka niya. Tinututulan niya ang pagdalo mo sa mga pagtitipon, kapag nakakarinig siya ng anumang tsismis, umuuwi siya para pagalitan at maltratuhin ka. Kahit na nagdadasal o nagbabasa ka ng mga salita ng Diyos sa bahay at hindi ka naman nakakaapekto sa pagiging normal ng kanyang buhay, papagalitan at tututulan ka pa rin niya, at maaari ka pa nga niyang saktan. Sabihin mo sa Akin, anong uri ng bagay ito? Hindi ba’t isa siyang demonyo? Ito ba ang taong pinakamalapit sa iyo? Karapat-dapat ba ang ganitong tao sa pagtupad mo ng anumang responsabilidad para sa kanya? (Hindi.) Hindi, hindi siya karapat-dapat! At kaya, ang ilang taong nasa ganitong uri ng buhay may-asawa ay sumusunod pa rin sa bawat hihiningi ng kanilang asawa, handang isakripisyo ang lahat, isakripisyo ang oras na dapat ay igugol nila sa pagtupad ng kanilang tungkulin, ang pagkakataon na gampanan ang kanilang tungkulin, at maging ang kanilang pagkakataon na makamit ang kaligtasan. Hindi nila dapat gawin ang mga bagay na ito, at sa pinakamababa, dapat nilang iwaksi ang gayong mga ideya(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 11). Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, natutuhan ko na itinalaga ng Diyos ang buhay may-asawa upang matulungan ang mga tao na matutong mamuhay nang mapayapa nang magkasama, samahan at alagaan ang isa’t isa at matutong gampanan ang mga responsabilidad. Ang punto ay ang magkaroon ng isang tao na sasanggunian kapag nakakaranas ng mga paghihirap, isang taong mag-aasikaso ng mga isyu sa ilalim ng balangkas ng pag-aasawa. Hindi ako ikinulong ng Diyos sa buhay may-asawa, at hindi ako alipin ng asawa ko. Lahat tayo ay mga nilikha, tayo ay pantay-pantay. Pagkatapos manampalataya sa Diyos, ginawa ko pa rin ang lahat ng aking makakaya para pangalagaan ang aking asawa. Kapag nahihirapan siya, nanatili ako sa tabi niya, noong nagkasakit siya, inalagaan ko siya, at ginampanan ko nang buo ang responsabilidad ko sa buhay may-asawa namin, wala akong utang sa kanya. Sa katunayan, siya ang patuloy na pumupuna sa aking mga pagkakamali at nagbanta ng diborsyo, hindi niya pinahahalagahan ang aming kasal at gayon pa man ay buong kamangmangan akong nagsumikap na mapanatili ito at napigilan pa nga niya ako at hindi ako nangahas na magsagawa ng pananalig at maghangad ng katotohanan. Napakamangmang ko! Mas naging malinaw ang pakiramdam ko pagkatapos kong mabasa ang mga salita ng Diyos. Hindi ko siya ginugulo kapag dumadalo ako ng mga pagtitipon sa labas o kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos sa bahay, gayunpaman, hindi lamang sa nabigo ang aking asawa na suportahan ako, pinipilit at hinahadlangan pa niya ako palagi, pinagbabantaan ako ng diborsyo at na tatawag ng pulis. Ipinakita nito na ang aking asawa ay may masamang pagkatao at, sa diwa, ay isang demonyo. Hindi siya karapatdapat sa kabaitan ko sa kanya, at tiyak na hindi ko dapat talikuran ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, paghahangad ng katotohanan, paggawa ng aking tungkulin at maging ang pagkakaroon ng pagkakataong maligtas, para lamang sa kanya. Nang makauwi ako sa bahay, naisip ko, “Hindi na ako dapat mapigilan ng asawa ko.” Kinabukasan mismo, sinimulan kong gawin ang aking tungkulin sa bahay. Nang magsimula akong makipagtulungan, tumigil sa pagpoprotesta ang aking asawa. Oo, nagbibigay siya ng kung anu-anong puna dito at doon, ngunit hindi na ako napipigilan at magagawa ko na nang normal ang aking tungkulin.

Kalaunan, pinagbulayan ko kung bakit ko binibigyang diin ang isang masayang pagsasama, at tiningnan pa ito bilang aking pangunahing hangarin sa buhay. Nakita ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Una, ang ilang opinyon tungkol sa pag-aasawa ay nagiging popular sa lipunan, at pagkatapos, iba’t ibang akda ng literatura ang naglalaman ng mga ideya at opinyon ng mga may-akda tungkol sa pag-aasawa; habang ang mga akdang ito ay ginagawang mga palabas sa telebisyon at mga pelikula, mas malinaw na naipaliliwanag ng mga ito ang iba’t ibang opinyon ng mga tao tungkol sa pag-aasawa, at ang kanilang iba’t ibang paghahangad, mithiin, at hangarin tungkol dito. Mas marami man o mas kaunti, nakikita man o hindi, patuloy na itinatanim ang mga bagay na ito sa inyo. Bago kayo magkaroon ng anumang tumpak na konsepto sa pag-aasawa, ang mga opinyon at mensaheng ito ng lipunan tungkol sa pag-aasawa ay lumilikha ng mga paunang konsepto sa inyo at tinatanggap ninyo ang mga ito; pagkatapos, nagsisimula kayong magpantasya kung ano ang mangyayari sa sarili ninyong buhay may-asawa, at kung ano ang mga katangian ng inyong magiging kabiyak. Tinatanggap mo man ang mga mensaheng ito sa mga palabas sa telebisyon, pelikula, at nobela, o sa pamamagitan ng iyong mga kaibigan at mga tao sa iyong buhay—anuman ang pinanggalingan, ang mga mensaheng ito ay pawang galing sa mga tao, lipunan, at mundo, o sa mas tumpak na pananalita, umuusbong at umuunlad ang mga ito mula sa mga buktot na kalakaran. Siyempre, sa mas tumpak pang pananalita, ang mga ito ay galing kay Satanas. Hindi ba’t totoo ito? (Oo.) … Ang mga opinyong ito ng lipunan tungkol sa pag-aasawa—ang mga bagay na ito na pinapasok ang isipan ng mga tao at ang kaibuturan ng kanilang kaluluwa—ay pangunahing tungkol sa romantikong pag-ibig. Ang mga opinyong ito ay itinatanim sa mga tao, na nagdudulot sa kanila na magkaroon ng iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa. Halimbawa, nagpapantasya sila tungkol sa kung sino ang taong iibigin nila, kung anong klaseng tao ito, at kung ano ang mga pamantayan nila sa kanilang magiging asawa. Partikular na may iba’t ibang mensaheng mula sa lipunan na nagsasabing kinakailangan nilang ibigin ang taong iyon at na kailangan ding ibigin sila ng taong iyon, na ito lamang ang tunay na romantikong pag-ibig, na tanging ang romantikong pag-ibig ang hahantong sa pag-aasawa, na tanging ang pag-aasawa na batay sa romantikong pag-ibig ang mabuti at masaya, at na ang pag-aasawa nang walang romantikong pag-ibig ay imoral(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 10). “Iniaasa ng maraming tao ang kanilang kaligayahan sa buhay sa pag-aasawa, at ang kanilang layon sa paghahangad ng kaligayahan ay ang paghahangad ng kaligayahan at pagiging perpekto ng buhay may-asawa. Naniniwala sila na kung masaya ang kanilang buhay may-asawa at kung masaya sila sa kanilang kabiyak, mamumuhay sila nang masaya. Kaya, itinuturing nila ang kaligayahan ng kanilang buhay may-asawa bilang isang panghabambuhay na misyon na dapat makamit sa pamamagitan ng walang humpay na pagsusumikap. … Kaya, kapag hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa mga taong lubos na naghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa na lisanin ng mga ito ang kanilang tahanan at pumunta sa malayong lugar upang ipalaganap ang ebanghelyo at gampanan ang kanilang tungkulin, madalas ay nadidismaya ang mga ito, pakiramdam ng mga ito ay wala silang magawa, at nababagabag ang mga ito sa katunayan na maaaring malapit nang mawala sa kanila ang kanilang kaligayahan sa pag-aasawa. May ilang tao na tumatalikod o tumatangging gampanan ang kanilang mga tungkulin upang mapanatili nila ang kanilang kaligayahan sa pag-aasawa, at may ilan pa nga na tumatanggi sa mahahalagang pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos. Mayroon ding ilan na madalas na inaalam ang damdamin ng kanilang asawa upang mapanatili ang kanilang kaligayahan sa pag-aasawa. Kapag nakakaramdam ng bahagyang pagkainis ang kanilang asawa sa kanilang pananampalataya o kahit bahagya lang nitong ipinapakita na hindi ito natutuwa o nasisiyahan sa kanilang pananampalataya, sa landas ng pananampalataya sa Diyos na kanilang tinatahak, at sa kanilang pagganap ng tungkulin, agad silang nagbabago ng direksiyon at nakikipagkompromiso. Para mapanatili ang kanilang kaligayahan sa pag-aasawa, madalas silang nakikipagkompromiso sa kanilang asawa, kahit pa mangahulugan ito ng pagsuko sa mga oportunidad na magampanan ang kanilang tungkulin, at pagsuko sa oras na para sa mga pagtitipon, sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at sa pagsasakatuparan ng mga espirituwal na debosyon, para lang maipakita sa kanilang asawa na sinasamahan nila ito, para hindi maramdaman ng kanilang asawa na nag-iisa ito at nalulumbay, at para maipadama nila sa kanilang asawa ang kanilang pagmamahal; mas gugustuhin pa nilang gawin ito kaysa mawala ang pagmamahal ng kanilang asawa o mawalay sa pagmamahal nito. Ito ay dahil nararamdaman nila na, kung isusuko nila ang pag-ibig ng kanilang asawa alang-alang sa kanilang pananampalataya o sa landas ng pananampalataya sa Diyos na kanilang tinatahak, ibig sabihin nito ay tinalikdan na nila ang kanilang kaligayahan sa pag-aasawa at hindi na nila ito mararamdaman, at sila ay magiging isang taong nag-iisa, kaawa-awa, at kahabag-habag. Ano ang ibig sabihin ng pagiging kaawa-awa at kahabag-habag? Ang ibig sabihin nito ay isang taong walang pag-ibig o pagmamahal ng iba. Bagaman nauunawan ng mga taong ito ang ilang doktrina at ang kahalagahan ng pagsasagawa ng Diyos sa Kanyang gawain ng pagliligtas, at siyempre, nauunawaan nila na bilang isang nilikha ay dapat nilang gampanan ang tungkulin ng isang nilikha, dahil ipinagkakatiwla nila sa kanilang asawa ang kanilang sariling kaligayahan at siyempre, iniaasa rin nila ang kanilang sariling kaligayahan sa kanilang kaligayahan sa pag-aasawa, bagaman nauunawaan at alam nila ang kanilang dapat gawin, hindi pa rin nila kayang bitiwan ang kanilang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa. Mali nilang itinuturing ang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa bilang ang misyon na dapat nilang hangarin sa buhay na ito, at mali nilang itinuturing ang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa bilang ang misyon na dapat hangarin at isakatuparan ng isang nilikha. Hindi ba’t ito ay isang pagkakamali? (Oo, ito ay isang pagkakamali.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 11). Isiniwalat ng mga salita ng Diyos kung paano inilabas ni Satanas ang mga maling pananaw ng mga tao tungkol sa pag-aasawa. Naalala ko noong bata pa ako, maririnig mo ang mga romantikong kanta na pinapatugtog sa buong pamayanan. Sa tuwing naririnig ko ang mga kantang iyon, palagi akong umaasa at nangangarap na magkaroon ng masayang pag-aasawa. Mga ideya at pananaw tulad ng “kamatayan lang ang makapaghihiwalay sa atin” at “magkahawak kamay at tatanda nang magkasama” ay unti-unting itinanim sa aking sistema ng paniniwala. Naniwala ako na sasamahan ako ng asawa ko sa buong buhay ko at wala nang mas mahalaga pa sa pagkakaroon ng asawang magmamahal at mag-aalaga sa akin. Pagkatapos manampalataya sa Diyos, nabasa ko ang marami sa mga salita ng Diyos tungkol sa pagganap ng mga tungkulin, at alam kong sa prinsipyo ay mapalad ako na isinilang sa mga huling araw, na ang pagtupad sa aking tungkulin bilang isang nilikha ay siyang dapat na pangunahing hangarin ko sa buhay at ang pinakamakahulugan sa lahat ng bagay. Ngunit ako ay iginapos at itinali ng mga makamundong ideya at pananaw na ito. Inakala ko na dapat akong samahan ng aking asawa sa buong buhay ko at na ang isang buhay may-asawa na walang pag-ibig ay magiging kaawa-awa at malungkot. Kaya nang tumigil ang aking asawa sa pag-aalaga at pagmamahal sa akin dahil sa aking pananalig, hindi ko ito matanggap lang basta. Natakot ako na kung masira ang aming pagsasama, mauuwi ako sa kaawa-awang kalagayan na walang nagmamahal at nag-aalaga sa akin. Kaya ginawa ko ang lahat para mabawi ang pagmamahal ng asawa ko. Nang makitang laban siya sa aking pananalig, sumuko ako sa kanya at handa akong gumugol ng mas maikling oras sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at antalahin ang gawain ng iglesia upang mapanatili ang aking buhay may-asawa. Tunay na makasarili at kasuklam-suklam ako! Naisip ko kung paanong mula noong nagsimula akong manalig sa Diyos, ganap na nagbago ang asawa ko at sinimulan niyang punahin ang aking mga pagkakamali sa lahat ng oras. Nakita ko na ang pakikitungo sa akin ng aking asawa ay hindi tunay na pag-ibig, isa lang itong pagkukunwari na nakabatay lahat sa kakayahan kong bigyan siya ng anak at panatilihing maayos ang bahay. Nang ang maging banta ang aking pananalig sa kanyang mga interes, natanggal ang maskara niya at ibinunyag niya ang kanyang sarili bilang isang demonyo. Ang romantikong pag-ibig at ang isang masayang pagsasama ay mga panloloko lamang na nilikha ni Satanas upang linlangin at bitagin ang mga tao. Kung palagi kong binabalewala ang aking tungkulin dahil sinisikap kong mapanatili ang kaligayahan sa pagsasama namin, hindi ko kailanman makakamit ang katotohanan at sa kalaunan ay ititiwalag ako ng Diyos.

Noong Hunyo ng 2023, napili ako bilang lider ng distrito. Alam kong ito ay pagtataas ng Diyos, pero pagkatapos ng isang buwan ng pagganap ng tungkulin, napansin ko na madalas ay may kahina-hinalang tao na sumusunod sa akin. Sa ganoong uri ng sitwasyon, ang tanging paraan para magawa ko nang ligtas ang aking tungkulin ay ang pag-alis sa bahay. Gayunpaman, alam ko na kapag umalis ako sa bahay, maaaring hiwalayan ako ng aking asawa, at sa gayon ay malulubog ako sa pag-aalala at pag-aalinlangan. Sa pamamagitan ng paghahanap, natagpuan ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Anuman ang iyong papel sa pamilya o sa lipunan—ito man ay bilang asawa, anak, magulang, empleyado, o ano pa man—at mahalaga man o hindi ang iyong papel sa buhay may-asawa, iisa lamang ang iyong pagkakakilanlan sa harap ng Diyos at iyon ay bilang isang nilikha. Wala kang pangalawang pagkakakilanlan sa harap ng Diyos. Kaya, kapag tinatawag ka ng sambahayan ng Diyos, iyon ang oras na dapat mong gampanan ang iyong tungkulin. Ibig sabihin, bilang isang nilikha, hindi mo dapat tuparin lang ang iyong tungkulin kapag natutupad na ang kondisyon ng pagpapanatili ng kaligayahan at integridad sa iyong buhay may-asawa, sa halip, hangga’t ikaw ay isang nilikha, ang misyon na ibinibigay sa iyo at ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos ay dapat na tuparin nang walang kondisyon; anuman ang sitwasyon, obligasyon mo na gawing priyoridad ang misyon na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, habang ang misyon at responsabilidad na ibinigay sa iyo ng pag-aasawa ay hindi priyoridad. Bilang isang nilikha, ang misyon na dapat mong gampanan at na ibinigay sa iyo ng Diyos ang dapat palagi mong unang priyoridad sa ilalim ng anumang kalagayan at anumang sitwasyon. Kaya, gaano mo man ninanais na mapanatili ang kaligayahan ng iyong buhay may-asawa, o ano man ang sitwasyon ng iyong buhay may-asawa, o gaano man kalaki ang halagang ibinabayad ng iyong kabiyak para sa inyong buhay mag-asawa, wala sa mga ito ang dahilan upang tanggihan ang misyong ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 10). “Kung ang iyong paghahangad sa kaligayahan sa pag-aasawa ay nakakaapekto, nakahahadlang, o nakakasira pa nga sa paggampan mo ng tungkulin bilang isang nilikha, kung gayon, dapat mong talikdan hindi lang ang iyong paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa, kundi pati na ang iyong buong buhay may-asawa. Ano ang pinakalayon at kahulugan ng pagbabahaginan tungkol sa mga isyung ito? Ito ay upang ang kaligayahan sa buhay may-asawa ay hindi humadlang sa iyong mga hakbang, gumapos sa iyong mga kamay, bumulag sa iyong mga mata, magpalabo sa iyong paningin, gumulo at umokupa sa iyong isip; ito ay upang hindi ang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa ang pumupuno sa landas ng iyong buhay at pumupuno sa iyong buhay, at upang tama ang iyong pagharap sa mga responsabilidad at obligasyon na dapat mong tuparin sa buhay may-asawa at upang tama ang iyong maging mga pasya tungkol sa mga responsabilidad at obligasyon na dapat mong tuparin. Ang mas mabuting paraan ng pagsasagawa ay ang maglaan ng mas maraming oras at lakas sa iyong tungkulin, gampanan ang tungkulin na dapat mong gampanan, at isakatuparan ang misyon na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos. Huwag mong kalimutan kailanman na ikaw ay isang nilikha, na ang Diyos ang nag-akay sa iyo sa buhay patungo sa sandaling ito, na ang Diyos ang nagbigay sa iyo ng buhay may-asawa, ang nagbigay sa iyo ng pamilya, at na ang Diyos ang nagkaloob sa iyo ng mga responsabilidad na dapat mong tuparin sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa, at na hindi ikaw ang pumili ng buhay may-asawa, hindi ka nag-asawa nang bigla-bigla na lang, o na hindi mo kayang panatilihin ang iyong kaligayahan sa buhay may-asawa sa pamamagitan ng sarili mong mga kakayahan at lakas(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 10). Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na bagaman sa aking sariling bahay ako ay isang asawa at ina, isa rin akong nilikha, nilalang ng Diyos, at kapag naatasan ng isang tungkulin, kailangan kong tanggapin ito nang walang kondisyon at gawin itong aking numero unong prayoridad. Ang pagtupad sa aking tungkulin bilang isang nilikha ay ang aking nag-iisang misyon sa buhay. Binigyan ako ng Diyos ng buhay, hindi Niya lamang nilikha ang langit at lupa at ang lahat ng bagay, nagbibigay sa sangkatauhan ng lahat ng kailangan nila, ipinapahayag din Niya ang lahat ng katotohanan upang iligtas ang sangkatauhan, nagtuturo sa atin kung paano umasal, at kung paano takasan ang mga pinsala ng katiwalian ni Satanas at kung paano isabuhay ang isang tunay na wangis ng tao. Kung tatanggihan ko ang aking tungkulin upang mapanatili ang aking buhay may-asawa, ito ay magiging lubhang kawalan ng konsensiya at katwiran. Kung hindi nito naantala ang aking tungkulin bilang isang nilikha, kaya kong gampanan ang aking mga responsabilidad sa ilalim ng balangkas ng buhay may-asawa, ngunit dahil ang paghahangad ko ng isang masayang pagsasama ay nakaapekto sa aking tungkulin, kinailangan kong isantabi ang aking kasal, maglaan ng mas maraming lakas at oras sa pagganap ng aking tungkulin bilang isang nilikha at huwag mapigilan ng aking kasal. Noon ko malinaw na naintindihan na dapat kong ihinto ang pagsasakripisyo ng pag-unlad sa aking tungkulin upang mapanatili ang aking kasal. Kaya nagpasya akong umalis ng bahay para gawin ang aking tungkulin. Noong sinabi ko sa aking asawa na kailangan kong umalis sa bahay upang magtago sandali, agad-agad ay gusto na niya ng diborsyo. Sinabi niya, “Kaya kitang hintayin kung maaresto ka at makulong nang ilang taon, pero kapag umalis ka sa bahay, tapos na tayo.” Labis akong nadismaya nang marinig iyon. Hindi ako makapaniwala na mas gugustuhin ng aking asawa na ako ay maaresto at makulong kaysa hayaan akong magtago. Nakita ko na may diwang namumuhi sa Diyos ang asawa ko. Pinunasan ko ang aking mga luha at determinadong tumugon, “Ang tao ay nilikha ng Diyos kaya dapat natin Siyang sambahin. Kahit na maaresto ako, patuloy akong mananampalataya pagkatapos kong makalaya. Kung matatanggap mo ito, mananatili tayong magkasama, kung hindi, magkakanya-kanya na lang tayo ng landas.” Kinabukasan, pinirmahan namin ang aming papeles sa diborsyo.

Ngayong wala na ako sa bahay at hindi na ako napipigilan ng aking asawa, mas marami pa akong oras para basahin ang mga salita ng Diyos at gawin ang aking tungkulin. Sa tuwing may mga isyu ako, maaari kong hanapin ang aking mga kapatid upang makipagbahaginan at maghanap kaagad. Kapag nagbubunyag ako ng tiwaling disposisyon sa aking tungkulin at itinuturo ito ng aking mga kapatid, mayroon na akong mas maraming oras ngayon upang tumahimik at magnilay-nilay. Mayroon din akong mas maraming oras para suriin ang gawain at agad na itama ang anumang mga problemang makikita ko. Bilang resulta, nagsimula kaming makakuha ng mas magagandang resulta sa aming gawain. Nakikita ko ngayon na namumuhay ako noon sa mga pananaw at ideyang itinanim sa akin ni Satanas, nawalan ako ng maraming pagkakataon para matamo ang katotohanan at hindi ko nagawa nang maayos ang tungkulin ko. Dahil lamang lahat sa patnubay ng mga salita ng Diyos kaya nakawala ako sa mga gapos at pamimigil ng buhay may-asawa. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply