Paano Ituring ang Kabaitan ng Pagpapalaki ng mga Magulang
Ipinanganak ako sa isang pamilya sa nayon, at nabubuhay ang mga magulang ko sa pagsasaka. Mula sa kaya kong maalala, palaging mahina ang katawan ng mga magulang ko, lalo na ang tatay ko, na may mga problema sa parehong binti at paa niya, kaya nahihirapan siyang maglakad kapag hindi maganda ang kondisyon niya. Gayumpaman, alang-alang sa kabuhayan ng pamilya, madalas na nagtatrabaho ang tatay ko kahit na may sakit siya. Nang panahong iyon, ang mga magulang ko ay madalas kaming kinukulit ng kapatid ko, na nagsasabing, “Kapag malalaki na kayo, dapat maging mabubuting anak kayo! Wala naman kaming masyadong hinihingi, tratuhin lamang ninyo kami na kagaya ng pagtrato namin sa mga lolo at lola ninyo. Kung magagawa ninyo iyon kapag malaki na kayo, magiging masaya kami.” Noong panahong iyon, bata pa ako at wala akong konsepto ng pagiging mabuting anak, pero habang tumatanda ako, dahan-dahang nabubuo sa isip ko ang mga ideya gaya ng pagiging mabuting anak at pagpapalaki sa mga anak para alagaan ka sa pagtanda mo. Dahil nakikita ko ang mga magulang ko na sobrang nagdurusa para sa aming pamilya, inasam ko na kapag lumaki na ako, magagawa kong kumita ng pera para suklian sila at bigyan sila ng magandang buhay. Kalaunan, noong magsimula akong magtrabaho at kumita ng pera, binilhan ko ng mga damit ang mga magulang ko at maging ng kagamitan na panggamot sa mga karamdaman nila.
Noong 2009, tinanggap ng buong pamilya namin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at pagkatapos na pagkatapos, sinimulan kong gampanan ang mga tungkulin sa iglesia. Minsan, noong pumunta sa isang pagtitipon ang mga magulang ko, inaresto sila ng CCP, at noong iniimbestigahan sila, mahigpit na inusisa ng mga pulis ang tatay ko tungkol sa kinaroroonan ko. Para maiwasang maaresto at mausig ng CCP, kinailangan kong umalis ng bahay at pumunta sa ibang lugar para magawa ang mga tungkulin ko. Sa unang ilang taon, hindi ako masyadong nag-alala sa mga magulang ko dahil nanampalataya sila sa Diyos at ginawa nila ang makakaya nila para gampanan ang mga tungkulin nila, kaya panatag ako. Kakaibang taon ang 2017 para sa akin. Sa isang pagpupulong ng katrabaho, nalaman ko sa isang sister na bumalik ang dating sakit ng tatay ko, at naging paralisado siya, naratay sa higaan, at hindi makapagsalita. Napakahirap para sa akin na tanggapin nang marinig ko ang biglaang balitang ito. Naisip ko, “Hindi ba’t ayos lang siya noong umalis ako? Paano ito nangyari? Ngayong paralisado na ang tatay ko, kaya ba ng nanay ko na asikasuhin ang lahat ng bagay nang siya lang?” Ang hiling ko lang ay makabalik ako agad upang makita ang paralisado kong tatay para maalagaan siya. Pero dahil sa banta ng pang-aaresto at pang-uusig ng CCP, hindi pa rin ako makabalik. Ang bigat ng loob ko, kaya lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “O Diyos! Dahil alam kong paralisado ang tatay ko, hinang-hina ako, pakiusap, bigyan Mo ako ng pananalig at lakas upang harapin ang lahat ng ito. Dahil sa banta na maaresto ako ng CCP, hindi ko magawang bumalik, pero handa akong ipagkatiwala sa Iyong mga kamay ang lahat ng bagay sa bahay. Pakiusap, bantayan Mo ang puso ko para makapanindigan ako sa sitwasyong ito.” Pagkatapos manalangin, mas napayapa na ako. Sa gabi kapag nahihiga ako sa kama, napupuno ang isip ko ng mga larawan ng paralisado kong tatay, nakahiga sa kama, hindi makagalaw. Inalala ko ang taon kung kailan umuwi ako ng bahay para sa bakasyon noong taglamig sa junior high school. Isang araw na may makapal na niyebe, naglalakad ako pauwi bitbit ang aking mga bag at kasama ang ilang kaklase. Ilang oras kaming naglalakad sa isang kalsada sa bundok. Ilang milya na lang kami mula sa bahay, pero lamig na lamig ako at gutom na gutom na hindi ko na kinayang maglakad pa at naiwan ako. Naunang makarating sa bahay ko ang aking mga kaklase mula sa nayon at sinabi sa aking mga magulang ang nangyari sa akin, at noong puntahan ako ng tatay ko, binuhat niya ako at dinala ako sa bahay. Hindi ko talaga mapigilang lumuha nang maalala ko ito. Ngayon ay hindi maalagaan ng tatay ko ang sarili niya at nasa bingit ng kamatayan. Kung isang araw ay talagang mamatay ang tatay ako, paano maaasikasong mag-isa ng nanay ko ang libing? Pagtatawanan kami ng mga kamag-anak at kapitbahay namin, at siguradong tatawagin nila akong hindi mabuting anak dahil sa hindi ko pag-uwi para sa paralisado kong tatay. Magiging isang dungis ito na dadalhin ko habambuhay. Dahil nasa isip ko ang mga ito, gusto ko talagang makipagsapalaran na umuwi para alagaan ang tatay ko. Pero natatakot akong maaresto kapag umuwi ako at kung mangyari iyon, bukod sa hindi ko maaalagaan ang tatay ko, magiging pasanin din ako ng nanay ko. Kaya isinuko ko ang ideya. Kalaunan, sumulat ako sa bahay para itanong kung kumusta na ang mga bagay-bagay. Ilang buwan ang lumipas, nakatanggap ako ng liham mula sa nanay ko, na nagsasabing kalahating taon nang pumanaw ang tatay ko. Sobrang sakit at nakababagabag na marinig ang balitang ito, at naisip ko, “Ibinuhos ng tatay ko ang kanyang dugo, pawis, at luha sa pagpapalaki sa akin, pero noong matanda na siya at paralisado, hindi ko ginampanan ang anumang uri ng tungkulin ng isang mabuting anak sa kanyang magulang. Ni hindi ko siya nakita sa huling pagkakataon. May kasabihan na nagpapalaki ka ng mga anak para suportahan ka sa iyong pagtanda, pero hindi ko tinupad ang anumang responsabilidad ko bilang isang anak. Talagang hindi ako isang mabuting anak!” Naisip ko kung paanong naratay ang tatay ko at hindi nagawang alagaan ang sarili niya nang ilang taon, at kung paanong bawat araw ay kinailangan siyang alagaan ng nanay ko, kasabay pa ang gawain sa bukid at ang gawaing-bahay. Masyadong nagdusa ang nanay ko. Ngayon ay nag-iisa na lang ang nanay ko at hindi ko na maaaring pabayaan siyang magdusa. Pero hindi ako makabalik para alagaan siya. Puno ng magkakasalungat na pakiramdam at sakit ang puso ko, at hindi na ako makatutok sa mga tungkulin ko.
Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang pagpapakita ba ng pagiging mabuting anak sa mga magulang ang katotohanan? (Hindi.) Ang pagiging mabuting anak sa mga magulang ay isang tama at positibong bagay, ngunit bakit natin sinasabing hindi ito ang katotohanan? (Dahil ang mga tao ay hindi nagpapakita ng pagiging mabuting anak sa mga magulang nang may mga prinsipyo at hindi nila nakikilatis kung anong uri talaga ng tao ang kanilang mga magulang.) Ang paraan kung paano dapat tratuhin ng isang tao ang kanyang mga magulang ay nauugnay sa katotohanan. Kung naniniwala ang iyong mga magulang sa Diyos at tinatrato ka nang mabuti, dapat ka bang maging mabuting anak sa kanila? (Oo.) Paano ka naging mabuting anak? Iba ang pakikitungo mo sa kanila sa pakikitungo mo sa mga kapatid. Ginagawa mo ang lahat ng sinasabi nila, at kung matatanda na sila, dapat kang manatili sa kanilang tabi upang alagaan sila, na pumipigil sa iyo na lumabas upang tuparin ang iyong tungkulin. Tama bang gawin ito? (Hindi.) Ano ang dapat mong gawin sa gayong mga pagkakataon? Depende ito sa mga pangyayari. Kung kaya mo pa rin silang alagaan habang tinutupad mo ang iyong tungkulin nang malapit sa iyong tahanan, at hindi tinututulan ng iyong mga magulang ang pananalig mo sa Diyos, dapat mong tuparin ang iyong responsabilidad bilang isang anak na lalaki o babae at tulungan ang iyong mga magulang sa ilang gawain. Kung mayroon silang karamdaman, alagaan mo sila; kung may bumabagabag sa kanila, aliwin mo sila; kung ipahihintulot ng iyong kalagayang pinansiyal, ibili mo sila ng mga bitamina na pasok sa budget mo. Subalit, ano ang dapat mong piliing gawin kung ikaw ay abala sa iyong tungkulin, walang magbabantay sa iyong mga magulang, at sila rin naman, ay nananampalatya sa Diyos? Anong katotohanan ang dapat mong isagawa? Yamang ang pagiging mabuting anak sa mga magulang ay hindi ang katotohanan, kundi isa lamang responsabilidad at obligasyon ng tao, ano, kung gayon, ang dapat mong gawin kung ang iyong obligasyon ay sumasalungat sa iyong tungkulin? (Gawing prayoridad ang aking tungkulin; unahin ang tungkulin.) Ang isang obligasyon ay hindi naman tungkulin ng isang tao. Ang pagpili na gampanan ang tungkulin ng isang tao ay pagsasagawa ng katotohanan, samantalang ang pagtupad sa isang obligasyon ay hindi. Kung ganito ang kondisyon mo, maaari mong tuparin ang responsabilidad o obligasyong ito, pero kung hindi ito pinahihintulutan ng kasalukuyang kapaligiran, ano ang dapat mong gawin? Dapat mong sabihin na, ‘Kailangan kong gawin ang aking tungkulin—iyon ang pagsasagawa ng katotohanan. Ang pagiging mabuting anak sa aking mga magulang ay pamumuhay ayon sa aking konsensiya at hindi ito pagsasagawa sa katotohanan.’ Kaya, dapat mong unahin ang iyong tungkulin at itaguyod ito. Kung wala kang tungkulin ngayon, at hindi malayo sa bahay mo ang pinagtatrabahuhan mo, at malapit ang tirahan mo sa iyong mga magulang, maghanap ka ng mga paraan para alagaan sila. Gawin mo ang makakaya mo para tulungan silang mabuhay nang mas maayos at mabawasan ang paghihirap nila. Pero depende rin ito sa kung anong klase ng tao ang mga magulang mo. Ano ang dapat mong gawin kung ang mga magulang mo ay may masamang pagkatao, kung palagi ka nilang hinahadlangan na sumampalataya sa Diyos, at kung lagi ka nilang inilalayo sa pananampalataya sa Diyos at pagganap sa iyong tungkulin? Anong katotohanan ang dapat mong isagawa? (Pagtanggi.) Sa pagkakataong ito, kailangan mo silang tanggihan. Natupad mo na ang iyong obligasyon. Ang iyong mga magulang ay hindi sumasampalataya sa Diyos, kaya wala kang obligasyong magpakita ng pagiging mabuting anak sa kanila. Kung sumasampalataya sila sa Diyos, sa gayon ay pamilya sila, mga magulang mo. Kung hindi sila sumasampalataya, magkaibang mga landas ang tinatahak ninyo: Sumasampalataya sila kay Satanas at sumasamba sa haring diyablo, at tinatahak nila ang landas ni Satanas; sila ay mga taong tumatahak ng mga landas na kaiba sa mga sumasampalataya sa Diyos. Hindi na kayo isang pamilya. Itinuturing nilang mga kalaban at kaaway ang mga mananampalataya ng Diyos, kaya wala ka nang obligasyong alagaan sila at kailangan nang ganap na putulin ang ugnayan sa kanila. Alin ang katotohanan: ang pagiging mabuting anak sa mga magulang o ang pagganap sa tungkulin? Siyempre, ang pagganap sa tungkulin ang katotohanan. Ang pagganap sa tungkulin sa sambahayan ng Diyos ay hindi lamang tungkol sa pagtupad sa obligasyon at paggawa ng kung ano ang dapat gawin. Ito ay tungkol sa pagganap sa tungkulin ng isang nilikha. Ito ang atas ng Diyos; ito ay obligasyon mo, responsabilidad mo. Isa itong tunay na responsabilidad, na tuparin ang iyong responsabilidad at obligasyon sa harap ng Lumikha. Ito ang hinihingi ng Lumikha sa mga tao, at ito ang dakilang usapin ng buhay. Samantalang ang pagpapakita ng pagiging mabuting anak sa mga magulang ay responsabilidad at obligasyon lamang ng isang anak. Talagang hindi ito iniatas ng Diyos, at lalong hindi ito naaayon sa hinihingi ng Diyos. Samakatwid, sa pagitan ng pagpapakita ng pagiging mabuting anak sa mga magulang at pagganap sa tungkulin, walang duda na ang pagganap sa tungkulin ng isang tao, at iyon lang, ang pagsasagawa ng katotohanan. Ang pagganap sa tungkulin bilang isang nilikha ay ang katotohanan, at isa itong obligasyon. Ang pagpapakita ng pagiging mabuting anak sa mga magulang ay tungkol sa pagiging mabuting anak sa mga tao. Hindi ito nangangahulugang ginagampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin, ni nangangahulugang isinasagawa niya ang katotohanan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Katotohanang Realidad?). “Anuman ang gawin, isipin, o planuhin mo, hindi mahalaga ang mga bagay na iyon. Ang mahalaga ay kung kaya mong unawain at tunay na paniwalaan na ang lahat ng nilikha ay nasa mga kamay ng Diyos. Taglay ng ilang magulang ang pagpapala at tadhanang makapagtamasa ng kaligayahan sa tahanan at ng saya ng isang malaki at masaganang pamilya. Kataas-taasang kapangyarihan ito ng Diyos, at isa itong pagpapalang ibinibigay ng Diyos sa kanila. May ilang magulang na walang ganitong kapalaran; hindi ito isinaayos ng Diyos para sa kanila. Hindi sila pinagpalang matamasa ang pagkakaroon ng isang masayang pamilya, o matamasa ang pananatili ng kanilang mga anak sa piling nila. Pamamatnugot ito ng Diyos at hindi ito maipipilit ng mga tao. Anuman ang mangyari, sa huli, pagdating sa pagiging mabuting anak, kahit papaano ay dapat na magkaroon ang mga tao ng mentalidad ng pagpapasakop. Kung pinahihintulutan ng kapaligiran at may paraan ka upang gawin ito, maaari mong pakitaan ng pagiging mabuting anak ang iyong mga magulang. Kung hindi pinahihintulutan ng kapaligiran at wala kang paraan, huwag mong subukang ipilit ito—ano ang tawag dito? (Pagpapasakop.) Pagpapasakop ang tawag dito. Paano ba nagkakaroon ng ganitong pagpapasakop? Ano ba ang batayan ng pagpapasakop? Ito ay nakabatay sa lahat ng bagay na ito na isinasaayos ng Diyos at pinamamahalaan ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Katotohanang Realidad?). Pagkatapos kong mabasa ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na isang responsabilidad at obligasyon lamang ng tao ang pagiging mabuting anak, at na positibong bagay ito, pero hindi ito ang katotohanan. Ang katotohanan ay ang paggampan sa tungkulin ng isang nilikha at ito ang hinihingi ng Diyos sa mga tao. Natutugunan nito ang pagsang-ayon ng Diyos. Kapag sumasabay ang pagiging mabuting anak sa iyong mga tungkulin, dapat kang magsagawa ayon sa mga sitwasyon mo. Kung tinutulutan ng mga kondisyon at hindi nito naaapektuhan ang mga tungkulin mo, kung gayon ay dapat mong alagaan ang mga magulang mo at tuparin ang mga responsabilidad at obligasyon mo bilang anak. Kung hindi tinutulutan ng mga kondisyon at abala ka sa mga tungkulin mo, kung gayon, dapat mong unahin ang tungkulin ng isang nilikha at sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos. Gayundin, pagdating sa mga magulang, ang ilang magulang ay maraming anak at apo at natatamasa ang mga pagpapala ng isang masayang pamilya, pero ang ilang magulang ay walang ganoong sitwasyong isinaayos ng Diyos para sa kanila, at hindi nila natatamasa ang gayong mga pagpapala. Ang lahat ng ito ay itinakda ng Diyos. Dahil nagabayan ako ng mga salita ng Diyos, mas nakahinga ako nang maluwag. Sa pagbabalik-tanaw ko, inalagaan ko ang mga magulang ko sa pinakamakakaya ko habang ginagawa ko ang mga tungkulin ko sa bahay, pero dahil sa banta ng pang-uusig at pag-aresto ng CCP, hindi ako makabalik sa bahay. Idagdag pa, may mga tungkulin akong dapat gawin, kaya kinailangan kong piliing gawin ang tungkulin ng isang nilikha, dahil naaayon ito sa katotohanan. Hindi ko maaaring abandonahin ang mga tungkulin ko para sa mga makasarili kong kadahilanan.
Kalaunan, nakatanggap ako ng liham mula sa nanay ko, at nalaman kong naaresto siya kasama ng tatlong sister sa isang pagtitipon. Sa pagtatanong ng mga pulis, nalinlang siya ng mga pakana ni Satanas at naibunyag ang pangalan ng dalawang sister. Pagkatapos siyang palayain, sising-sisi siya at namuhay sa isang kalagayan na nasisiraan ng loob. Kalaunan, aksidente siyang nahulog sa hagdan at napinsala ang ibabang bahagi ng kanyang gulugod. Sa isip ko ay nasa bahay na ako. Puno ang isipan ko ng mga larawan ng nanay ko na nahuhulog sa hagdan at nahihirapan. Talagang mabigat ang loob ko. Makalipas ang tatlong buwan, nakatanggap ako ng isa pang liham mula sa nanay ko, na nagsasabing gumaling na ang ibabang bahagi ng gulugod niya, at dahil sa pagkakahulog na ito, namulat siya at sa wakas ay nagsimulang hanapin ang katotohanan at pagnilayan ang kanyang sarili. Sinabi niyang nakawala na siya sa kanyang maling kalagayan, at kung wala ang pangyayaring ito, baka patuloy siyang namuhay na may maling pagkaunawa sa Diyos. Hiyang-hiya ako nang mabasa ko ang liham niya. Nakita ko na ang mga pagsasaayos ng Diyos ay palaging naglalaman ng taos-puso Niyang mga layunin, na napakapraktikal ng gawain Niya, at na ginagabayan Niya ang bawat isa sa atin ayon sa ating mga pangangailangan at kakulangan. Noong huling bahagi ng Oktubre 2022, nalaman kong biglang inaresto ng mga pulis ang nanay ko habang nagpapatuloy ng mga kapatid para sa isang pagtitipon. Nakita ng mga pulis ang telepono ng diyakono ng ebanghelyo at ang memory card na naglalaman ng mga salita ng Diyos at nagkusang tumayo ang nanay ko at sinabing sa kanya ito, pinoprotektahan ang diyakono ng ebanghelyo. Napakasaya ko para sa nanay ko. Sa kalagitnaan ng Hulyo ng 2023, nakatanggap ako ng isang liham mula sa aking ate, na nagsasabing may bukol sa apdo ang nanay ako. Inakalang kakailanganin siyang maoperahan, pero bumuti ang lagay niya, kaya hindi na siya inoperahan. Sobra akong naligalig dahil sa balitang ito, at naisip ko, “Kung talagang kailangang operahan ang nanay ko, walang tao sa bahay para alagaan siya. May asawa na ang ate ko at nakatira sa malayo, at mayroon siyang sarili niyang mga tungkulin, kaya hindi siya makauwi para samahan ang nanay ko. Napakatanda na ng nanay ko ngayon. Paano kung may mangyari sa kanya? Sino ang mag-aasikaso ng libing niya? Hindi namin kasamang mag-ate ang nanay ko, at walang mag-aalaga sa kanya. Wala ako noong mamatay ang tatay ko, at kung wala pa rin ako kapag namatay ang nanay ko, talagang magiging tunay akong isang hindi mabuting anak.” Nagdulot ng malaking balakid na hindi ko malampasan ang mga kaisipang ito, at naapektuhan ang kalagayan ko.
Sa isang debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Pag-usapan natin kung paano dapat bigyang-kahulugan ang ‘Hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang.’ Hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang—hindi ba’t katunayan ito? (Oo.) Dahil ito ay katunayan, nararapat lang na ipaliwanag natin ang mga usaping nakapaloob dito. Tingnan natin ang usapin ng pagsilang ng iyong mga magulang sa iyo. Sino ba ang nagpasyang ipanganak ka nila: ikaw o ang iyong mga magulang? Sino ang pumili kanino? Kung titingnan mo ito mula sa perspektiba ng Diyos, ang sagot ay: wala sa inyo. Hindi ikaw o ang mga magulang mo ang nagpasyang ipanganak ka nila. Kung titingnan mo ang ugat ng usaping ito, ito ay inorden ng Diyos. Isasantabi muna natin ang paksang ito sa ngayon, dahil madaling maunawaan ng mga tao ang usaping ito. Mula sa iyong perspektiba, wala sa kontrol mo na ipinanganak ka ng iyong mga magulang, wala kang anumang pagpipilian sa usaping ito. Mula sa perspektiba ng iyong mga magulang, kusang-loob ka nilang ipinanganak, hindi ba? Sa madaling salita, kung isasantabi ang pag-orden ng Diyos, pagdating sa usapin ng pagsilang sa iyo, nasa iyong mga magulang ang lahat ng kapangyarihan. Pinili nilang ipanganak ka, at sila ang may kontrol sa lahat. Hindi mo piniling ipanganak ka nila, wala kang kontrol nang isilang ka nila, at wala kang magagawa sa bagay na iyon. Kaya, sapagkat nasa mga magulang mo ang lahat ng kapangyarihan, at pinili nilang ipanganak ka, mayroon silang obligasyon at responsabilidad na itaguyod ka, palakihin hanggang sa hustong gulang, tustusan ka ng edukasyon, pagkain, mga damit, at pera—ito ang kanilang responsabilidad at obligasyon, at ito ang dapat nilang gawin. Samantala, palagi kang pasibo sa panahong pinalalaki ka nila, wala kang karapatang mamili—kinailangang palakihin ka nila. Dahil bata ka pa noon, wala kang kapasidad na palakihin ang iyong sarili, wala kang magagawa kundi maging pasibo habang pinalalaki ka ng iyong mga magulang. Pinalaki ka sa paraang pinili ng iyong mga magulang, kung binibigyan ka nila ng masasarap na pagkain at inumin, kung gayon ay kumakain ka at umiinom ng masasarap na pagkain at inumin. Kung binibigyan ka ng iyong mga magulang ng kapaligiran sa pamumuhay kung saan nabubuhay ka sa ipa at sa mga ligaw na halaman, kung gayon, nabubuhay ka sa ipa at sa mga ligaw na halaman. Sa alinmang paraan, noong pinalalaki ka nila, ikaw ay pasibo, at ginagampanan ng mga magulang mo ang kanilang responsabilidad. … Sa alinmang paraan, sa pamamagitan ng pagpapalaki sa iyo, tinutupad ng iyong mga magulang ang isang responsabilidad at obligasyon. Ang palakihin ka hanggang sa hustong gulang ay obligasyon at responsabilidad nila, at hindi ito matatawag na kabutihan. Kung hindi ito matatawag na kabutihan, hindi ba’t isa itong bagay na dapat mong matamasa? (Ganoon na nga.) Ito ay isang uri ng karapatan na dapat mong matamasa. Dapat kang palakihin ng iyong mga magulang, dahil bago ka umabot sa hustong gulang, ang papel na ginagampanan mo ay ang pagiging isang anak na pinalalaki. Samakatwid, tinutupad lang ng iyong mga magulang ang responsabilidad nila sa iyo at tinatanggap mo lang ito, ngunit tiyak na hindi nito ibig sabihin na tumatanggap ka ng biyaya o kabutihan mula sa kanila. Para sa anumang buhay na nilalang, ang pagbubuntis at pag-aalaga sa mga supling, pag-aanak, at pagpapalaki sa susunod na henerasyon ay isang uri ng responsabilidad. Halimbawa, ang mga ibon, baka, tupa, at maging ang mga tigre ay kailangang mag-alaga sa kanilang mga supling pagkatapos nilang manganak. Walang buhay na nilalang na hindi nagpapalaki ng kanilang mga supling. Posibleng mayroong ilang eksepsiyon, ngunit hindi ganoon karami. Ito ay isang likas na penomena sa pag-iral ng mga buhay na nilalang, ito ay isang likas na gawi ng mga buhay na nilalang, at hindi ito maiuugnay sa kabutihan. Sumusunod lamang sila sa batas na itinakda ng Lumikha para sa mga hayop at sangkatauhan. Samakatwid, ang pagpapalaki sa iyo ng iyong mga magulang ay hindi isang kabutihan. Batay rito, masasabi na hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang. Tinutupad nila ang kanilang responsabilidad sa iyo. Gaano man kalaki ang pagsisikap at perang ginugugol nila sa iyo, hindi nila dapat hilingin sa iyo na suklian sila, dahil ito ang kanilang responsabilidad bilang mga magulang. Dahil ito ay isang responsabilidad at isang obligasyon, dapat na libre ito, at hindi sila dapat humingi ng kabayaran. Sa pagpapalaki sa iyo, ginagampanan lamang ng iyong mga magulang ang kanilang responsabilidad at obligasyon, at hindi ito dapat binabayaran, at hindi ito dapat isang transaksiyon. Kaya, hindi mo kailangang harapin ang iyong mga magulang o pangasiwaan ang iyong relasyon sa kanila ayon sa ideya ng pagsukli sa kanila. Kung talaga ngang tinatrato mo ang iyong mga magulang, sinusuklian sila, at pinangangasiwaan ang iyong relasyon sa kanila ayon sa ideyang ito, hindi iyon makatao. Kasabay nito, malamang na mapipigilan at magagapos ka ng mga damdamin ng iyong laman, at mahihirapan kang makalabas sa mga obligasyong ito, hanggang sa maaaring maligaw ka pa. Hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang, kaya wala kang obligasyon na isakatuparan ang lahat ng ekspektasyon nila. Wala kang obligasyong magbayad para sa mga ekspektasyon nila” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 17). Napakalinaw na ibinabahagi ng mga salita ng Diyos kung paano pangasiwaan ang relasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak. Bilang mga magulang, ang pagsisilang at pagpapalaki sa mga anak ay pagsunod lamang sa mga kautusan na inilatag ng Lumikha para sa sangkatauhan. Katulad na lang ng kung paano nagpaparami ang anumang organismo, likas ito. Ang mga magulang na nagpapalaki ng kanilang mga anak ay pagtupad nila sa kanilang mga responsabilidad at obligasyon; hindi ito kabaitan, at hindi ito kailangang suklian ng kanilang mga anak. Iniisip ko noon na dahil napakahirap para sa mga magulang ko na isilang at palakihin ako, at dahil dumaan sila sa napakatinding pasakit, bilang kanilang anak, dapat ko silang suklian nang tama para mapunan ko ang kanilang kabaitan sa pagpapalaki sa akin. Noong nalaman kong naparalisa ang tatay ko at hindi ko nagawang manatili sa tabi niya para alagaan siya, hindi ko siya naalagaan sa kanyang pagtanda o nabigyan siya ng wastong pamamaalam, nakadama ako ng pagkakautang sa tatay ko. Pakiramdam ko ay pasan-pasan ko ang isang napakabigat na dalahin kapag naiisip ko ito, na hindi ako makahinga. Pagkatapos pumanaw ng tatay ko, nag-alala ako sa nanay ko, nadaramang dahil hindi ako naging mabuting anak sa tatay ko, hindi ako maaaring magkaroon din ng pagkakautang sa nanay ko, at na kailangan kong tiyakin na natamasa niya ang mga huling taon niya. Dahil alam ko na napinsala ang nanay ko at na hindi ako makauwi para alagaan siya, nadama kong napakasama kong anak at may pagkakautang ako sa nanay ko. Ngayon, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pagpapalaki sa akin ng aking mga magulang ay pagtupad nila sa kanilang mga responsabilidad at obligasyon, at na hindi ito isang kabaitang kailangan kong suklian. Hindi sila ang mga pinagkakautangan ko. Ganap na mali at hindi naaayon sa katotohanan ang tingnan ang pagpapalaki sa akin ng aking mga magulang bilang kabaitang dapat suklian. Nagdulot ng matinding pasakit sa akin ang pananaw na ito. Kung hindi inilantad ng Diyos ang katotohanan tungkol dito, baka naging ganap na wala akong alam dito, at baka nanatili akong nakatali at kontrolado ng maling pananaw na ito. Galing sa Diyos ang buhay ko, at ibinibigay ng Diyos ang lahat ng kailangan ko. Dapat akong maging mapagpasalamat sa Diyos. Naaalala ko noong 2007, noong kapapanampalataya ko pa lang sa Panginoon nang ilang buwan, nasa isang kotse ako na walang preno at nahulog sa bangin. Nagresulta sa mga pagkamatay at pagkasugat ang aksidenteng iyon, pero sa puso ko ay patuloy akong tumatawag sa Diyos, at nalampasan ko iyon na may napunit lamang na laman, talagang napakagaan na pinsala. Ang mas mahimala pa ay iyong hindi man lang ako natakot o nataranta sa aksidente, na nagpakita sa akin ng mahimalang gawa ng Diyos. Kung hindi dahil sa proteksyon ng Diyos, baka namatay na ako sa aksidenteng iyon. Sa mga nagdaang taon, malalim kong naranasan na ang Diyos lamang ang nag-iisa kong kaligtasan. Kung wala ang pananampalataya ko sa Diyos, baka naging katulad ako ng mga makasanlibutang tao, na walang habas na hinahangad ang kayamanan at kasikatan, na walang alam kung kaninong mga kamay nakasalalay ang ating mga tadhana, lalo pa kung paano mamuhay ng isang makabuluhang buhay, o napagtatanto ang pagdurusang dulot ni Satanas. Ngayon, hinihingi ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ang pakikipagtulungan ng mga tao. Hindi ko pa naisip ang tungkol sa pagsusukli sa pagmamahal ng Diyos, at hindi ako nakadama ng pagkakautang sa Diyos dahil sa hindi ko paggawa nang maayos sa aking mga tungkulin. Nakatuon lamang ako sa pagsusukli sa mga magulang ko. Talagang kahiya-hiya, walang utang na loob at wala akong konsensiya!
Binasa ko pa ang mga salita ng Diyos: “Dahil sa pangongondisyon ng tradisyonal na kultura ng mga Tsino, sa tradisyonal na kuru-kuro ng mga Tsino ay naniniwala sila na kailangan silang maging mabuting anak sa kanilang mga magulang. Ang sinumang hindi mabuting anak sa kanyang magulang ay isang suwail na anak. Naitanim na ang mga ideyang ito sa mga tao mula pagkabata, at itinuturo ang mga ito sa halos bawat sambahayan, pati na rin sa bawat paaralan at sa lipunan sa pangkalahatan. Kapag napuno ng mga ganoong bagay ang ulo ng isang tao, iniisip niya, ‘Mas mahalaga ang tungkuling maging mabuting anak sa magulang kaysa anupaman. Kung hindi ko ito tutuparin, hindi ako magiging mabuting tao—magiging isa akong suwail na anak at itatakwil ako ng lipunan. Ako ay magiging isang taong walang konsensiya.’ Tama ba ang pananaw na ito? Nakita na ng mga tao ang napakaraming katotohanang ipinahayag ng Diyos—hiningi ba ng Diyos na magpakita ang tao ng pagiging mabuting anak sa kanyang mga magulang? Isa ba ito sa mga katotohanan na dapat maunawaan ng mga sumasampalataya sa Diyos? Hindi. Nagbahagi lamang ang Diyos sa ilang mga prinsipyo. Anong prinsipyo ang dapat pagbatayan ng pagtrato ng mga tao sa iba ayon sa hinihingi ng mga salita ng Diyos? Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos: Ito ang prinsipyong dapat sundin. Mahal ng Diyos ang mga naghahangad ng katotohanan at nakasusunod sa Kanyang kalooban; ito rin ang mga taong dapat nating mahalin. Ang mga hindi nakasusunod sa kalooban ng Diyos, mga napopoot at naghihimagsik sa Diyos—ito ang mga taong kinasusuklaman ng Diyos, at dapat din natin silang kasuklaman. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. … Ginagamit ni Satanas ang ganitong uri ng tradisyonal na kultura at mga kuru-kuro ng moralidad upang igapos ang mga kaisipan mo, ang isip mo, at ang puso mo, na ginagawa kang hindi matanggap ang mga salita ng Diyos; ikaw ay inari na ng mga bagay na ito ni Satanas, at ginawa kang walang kakayahan na tanggapin ang mga salita ng Diyos. Kapag nais mong isagawa ang mga salita ng Diyos, ginugulo ng mga bagay na ito ang kalooban mo, na nagdudulot na salungatin mo ang katotohanan at ang mga hinihingi ng Diyos, at ginagawa kang walang lakas na iwaksi ang impluwensiya ng tradisyonal na kultura. Pagkatapos mong magsikap nang ilang panahon, nagkokompromiso ka: pinipili mong paniwalaan na ang mga tradisyonal na kuru-kuro ng moralidad ay tama at naaayon sa katotohanan, kaya tinatanggihan o tinatalikuran mo ang mga salita ng Diyos. Hindi mo tinatanggap ang mga salita ng Diyos bilang katotohanan at binabalewala mo ang mailigtas, dahil pakiramdam mo ay nabubuhay ka pa rin sa mundong ito, at makakaligtas ka lang sa pamamagitan ng pagsandig sa mga taong ito. Dahil hindi mo kayang tiisin ang ganting-paratang ng lipunan, mas nanaisin mong piliin na isuko ang katotohanan at ang mga salita ng Diyos, hinahayaan ang sarili mo sa mga tradisyonal na kuru-kuro ng moralidad at sa impluwensiya ni Satanas, pinipiling salungatin ang Diyos at hindi isagawa ang katotohanan. Hindi ba’t ang tao ay kahabag-habag? Hindi ba nila kailangan ang pagliligtas ng Diyos? May mga taong maraming taon nang nananampalataya sa Diyos, ngunit wala pa ring kabatiran sa usapin ng pagiging mabuting anak sa magulang. Talagang hindi nila nauunawaan ang katotohanan. Hindi nila kailanman malalagpasan ang balakid na ito ng mga makamundong relasyon; wala silang tapang, ni tiwala sa sarili, lalo nang wala silang determinasyon, kaya hindi nila kayang mahalin at sundin ang Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Inilalantad ng mga salita ng Diyos ang diwa ng tradisyonal na kultura. Pinagnilayan ko kung paano ako naimpluwensiyahan ng pagdodoktrina ni Satanas mula sa batang edad, na tinatanggap ang mga tradisyonal na ideya gaya ng “Ang pagiging mabuting anak ay isang katangiang dapat taglayin nang higit sa lahat,” at “Palakihin mo ang mga anak mo para alagaan ka sa iyong pagtanda.” Tinrato ko ang pagiging mabuting anak bilang panukat kung may konsensiya ang isang tao, kaya naniwala ako na dahil pinalaki ako ng aking mga magulang, bilang kanilang anak, dapat kong suklian ang kabaitan nila, at pagtanda nila, dapat ko silang parangalan at tustusan sila sa kanilang pagtanda at magpaalam nang wasto sa kanila. Naniwala ako na ang pagtupad sa mga responsabilidad na ito ay nangangahulugang may pagkatao at konsensiya ang isang tao, at kung mabigo ang isang tao na gawin ang mga bagay na ito, hindi sila mabuting anak at hindi nararapat na tawaging tao, at kamumuhian at itatakwil sila ng lipunan. Malalim na nag-ugat sa puso ko ang mga ideyang ito. Pagkatapos kong manampalataya sa Diyos, dahil sa banta ng pang-uusig at pag-aresto ng CCP, hindi ako makabalik ng bahay, at ni hindi ko nakita ang tatay ko sa huling pagkakataon. Talagang nakonsensiya ako, tulad ng isang hindi mabuting anak, na may pagkakautang sa aking mga magulang dahil sa kanilang kabaitan sa pagpapalaki sa akin, at na hinamak ako ng iba at tinaguriang suwail na anak. Kalaunan, nag-alala ako nang malaman ko ang karamdaman ng nanay ko, at natakot ako na kung talagang mamatay ang nanay ko, hindi ko na kailanman matatanggal ang taguri na “suwail na anak.” Parang mga hindi nakikitang gapos ang mga kaisipang ito, na mahigpit akong iginagapos at pumipigil sa akin na lumaya. Alam na alam ko na tamang landas sa buhay ang paggawa sa tungkulin ng isang nilikha sa pananampalataya sa Diyos, pero hindi ko magawa nang payapa ang tungkulin ko. Napagtanto ko na labis akong pinipinsala ng mga nakalilinlang na tradisyonal na ideyang ito. Naisip ko ang tungkol sa Kapanahunan ng Biyaya, kung saan iniwan ng maraming tao ang kanilang mga magulang at kamag-anak para ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon sa buong mundo, na may ilan pa nga na isinakripisyo ang buhay nila. Ganap na naaayon sa layunin ng Panginoon ang kanilang mga pasya at ang mga ito ay mabubuting gawa at makatarungang pagkilos. Sinalubong ko ang pagbabalik ng Panginoon at tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na isang pagkakataong minsan lang sa buhay, at ang paggawa ko sa aking tungkulin bilang isang nilikha sa pagkakataong ito ay isang bagay na tumutugon sa pagsang-ayon ng Diyos, samantalang ang pagiging mabuting anak ay isa lamang obligasyon ng tao. Kung tutulutan ng mga kondisyon, maaari itong gawin, pero kung hindi, dapat unahin ang tungkulin.
Pagkatapos ay nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Kung hindi mo nilisan ang iyong tahanan para gampanan ang iyong tungkulin sa ibang lugar, at nanatili ka sa tabi ng iyong magulang, mapipigilan mo kaya ang pagkakasakit niya? (Hindi.) Makokontrol mo ba kung mabubuhay o mamamatay ang mga magulang mo? Makokontrol mo ba kung sila ay mayaman o mahirap? (Hindi.) Anuman ang sakit na makukuha ng iyong mga magulang, hindi iyon dahil sa pagod na pagod sila sa pagpapalaki sa iyo, o dahil sa nangulila sila sa iyo; lalong hindi sila magkakaroon ng alinman sa mga malubha, seryoso, at posibleng nakamamatay na sakit nang dahil sa iyo. Kapalaran nila iyon, at wala itong kinalaman sa iyo. Gaano ka man kabuting anak sa iyong mga magulang, ang pinakamainam na magagawa mo ay bawasan nang kaunti ang pagdurusa ng kanilang laman at ang kanilang mga pasanin, ngunit tungkol sa pagkakasakit nila, anong sakit ang nakukuha nila, kailan sila mamamatay, at saan sila mamamatay—may kinalaman ba ang mga bagay na ito sa iyo? Wala, walang kinalaman ang mga ito. Kung mabuti kang anak, kung hindi ka isang walang malasakit na ingrata, at ginugugol mo ang buong araw kasama sila, binabantayan sila, hindi ba sila magkakasakit? Hindi ba sila mamamatay? Kung magkakasakit sila, hindi ba’t magkakasakit pa rin naman talaga sila? Kung mamamatay sila, hindi ba’t mamamatay pa rin naman talaga sila? Hindi ba’t tama iyon?” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 17). “Ang ipagkatiwala ang iyong mga magulang sa mga kamay ng Diyos ang pinakamainam na paraan para magpakita ng pagiging mabuting anak sa kanila. Hindi mo gusto na maharap sila sa iba’t ibang klase ng suliranin sa kanilang buhay, at ayaw mo rin na mamuhay sila nang hindi komportable, hindi kumakain nang maayos, o nagdurusa sa masamang kalusugan. Sa kaibuturan ng iyong puso, talagang umaasa ka na poprotektahan sila ng Diyos at pananatilihing ligtas. Kung sila ay mga mananampalataya sa Diyos, umaasa ka na magagampanan nila ang kanilang sariling mga tungkulin at umaasa ka rin na makakapanindigan sila sa kanilang patotoo. Ito ay pagtupad sa mga responsabilidad ng tao; makakamit lamang ng mga tao ang ganito karami sa pamamagitan ng kanilang sariling pagkatao. Dagdag pa rito, ang pinakamahalaga ay na pagkatapos ng mga taon ng pananampalataya sa Diyos at pakikinig sa napakaraming katotohanan, kahit papaano, ang mga tao ay may ganitong kaunting pagkaunawa at pagkaintindi: Ang kapalaran ng tao ay itinatakda ng Langit, ang tao ay namumuhay sa mga kamay ng Diyos, at ang pagkakaroon ng pangangalaga at proteksiyon ng Diyos ay mas mahalaga kaysa sa mga alalahanin, pagiging mabuting anak, o ang samahan ka ng iyong mga anak. Hindi ba’t magaan sa pakiramdam na nasa pangangalaga at proteksiyon ng Diyos ang iyong mga magulang? Hindi mo na kailangang mag-alala para sa kanila. Kung mag-aalala ka, ibig sabihin ay wala kang tiwala sa Diyos; masyadong maliit ang iyong pananalig sa Kanya. Kung tunay kang nag-aalala at nagmamalasakit para sa iyong mga magulang, dapat kang madalas na magdasal sa Diyos, ipagkatiwala sila sa mga kamay ng Diyos, at hayaang patnugutan at isaayos ng Diyos ang lahat ng bagay. Pinamumunuan ng Diyos ang kapalaran ng sangkatauhan at Siya ang namumuno sa kanilang bawat araw at sa lahat ng pinagdaraanan nila, kaya ano pa ba ang ipinag-aalala mo? Ni hindi mo kayang kontrolin ang sarili mong buhay, ikaw mismo ay may napakaraming suliranin; ano ang magagawa mo para makapamuhay nang masaya ang iyong mga magulang araw-araw? Ang tanging magagawa mo ay ipagkatiwala ang lahat ng bagay sa mga kamay ng Diyos. Kung sila ay mga mananampalataya, hilingin mo sa Diyos na gabayan sila sa tamang landas upang maligtas sila sa huli. Kung sila ay hindi mananampalataya, hayaan mo silang tumahak sa anumang landas na gusto nila. Para sa mga magulang na mas mabait at may kaunting pagkatao, maaari kang manalangin sa Diyos na pagpalain sila para makapamuhay sila nang masaya sa kanilang mga nalalabing taon. Tungkol sa kung paano gumagawa ang Diyos, mayroon Siyang Kanyang mga pagsasaayos, at dapat magpasakop ang mga tao sa mga ito. Kaya, sa kabuuan, mayroong kamalayan ang mga tao sa kanilang konsensiya tungkol sa mga responsabilidad na tinutupad nila sa kanilang mga magulang. Anuman ang saloobin sa mga magulang ang hatid ng kamalayang ito, ito man ay pag-aalala o pagpapasyang pumaroon sa kanilang tabi, sa alinmang paraan, hindi dapat makonsensiya o magkaroon ng mabigat na pasanin sa konsensiya ang mga tao dahil sa hindi nila matupad ang kanilang mga responsabilidad sa kanilang mga magulang sapagkat apektado sila ng mga obhetibong sitwasyon. Ang mga isyung ito, at ang iba pang katulad nito, ay hindi dapat maging problema sa mga buhay ng pananampalataya sa Diyos ng mga tao; ang mga ito ay dapat bitiwan. Pagdating sa mga paksang ito na nauugnay sa pagtupad sa mga responsabilidad ng isang tao sa mga magulang, dapat magkaroon ang mga tao nitong mga tumpak na pagkaunawa at hindi na dapat makaramdam ng pagpipigil. Sa isang banda, mula sa kaibuturan ng iyong puso, alam mong hindi ka masamang anak, at hindi mo iniiwasan o tinatakasan ang iyong mga responsabilidad. Sa isa pang banda, nasa mga kamay ng Diyos ang iyong mga magulang, kaya ano pa ba ang dapat ikabahala? Ang anumang pag-aalala na maaaring mayroon ang isang tao ay hindi na kinakailangan. Ang bawat tao ay mamumuhay nang maayos ayon sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos hanggang sa huli, mararating ang katapusan ng kanilang landas, nang walang anumang pagkakaligaw” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 16). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung kailan at kung anong uri ng karamdaman o kasawian ang mangyari sa mga magulang sa kanilang buhay, ay napapamahalaang lahat ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at na walang kinalaman ang mga ito sa kung nasa tabi ba ng mga magulang ang kanilang mga anak para alagaan sila. Kahit na araw-araw pang nasa tabi ng kanilang mga magulang ang mga anak, hindi talaga nito mababago ang anumang bagay, at ang pinakamagagawa lamang nito ay mabawasan nang kaunti ang kanilang pang-araw-araw na pasanin, pero kung talagang kapalaran nila, magkakasakit pa rin sila, at kapag dumating na ang oras nila, kailangan nilang lumisan. Ito ang kapalarang itinalaga ng Lumikha. Kung anong karamdaman ang makukuha ng nanay ko o kung mamamatay ba siya ay nasa loob lahat ng atas ng Diyos. Kahit na bumalik ako at manatili sa tabi niya bawat araw, wala itong mababagong kahit ano. Ang buhay at kamatayan niya ay matagal nang naitakda ng Diyos. Kung anong edad ang aabutin niya, ang mga pagdurusang titiisin niya at ang mga sitwasyong haharapin niya, nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at pagtatakda ng Diyos ang lahat ng ito, at hindi makatutulong ang pag-aalala ko. Nananampalataya rin ang nanay ko sa Diyos, at magsasaayos ng mga angkop na sitwasyon ang Diyos para maranasan niya ayon sa sitwasyon niya. Gaya noong ma-injured ang nanay ko, hindi ko naunawaan ang mga taos-pusong layunin ng Diyos at palagi akong nag-aalala para sa kanya, pero sa huli, ayos lang siya. Napagtanto ko na tunay akong walang pananalig, at na hinuhusgahan ko lang ang mga bagay gamit ang mga kuru-kuro ng tao, at wala akong tunay na pagkaunawa sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ngayon, pagkatapos ng labing-isang taon na malayo ako sa bahay, mag-isa ang nanay ko sa bahay at ginagawa ang tungkulin niya sa pinakamakakaya niya, at maayos siyang namumuhay. Nakikita ko ngayon na tunay na hindi kinakailangan ang mga pangamba at pag-aalala ko. Naunawaan ko rin na hindi ko pinagkakautangan ang mga magulang ko, at na pinalaki nila ako bilang parte ng kanilang mga responsabilidad at obligasyon, at hindi ko maaaring ituring ito bilang kabaitang susuklian. May misyon akong tutuparin sa buhay na ito, iyon ay ang gawin nang maayos ang tungkulin ko bilang isang nilikha. Kapag nag-iisip ako nang ganito, nawawala ang pakiramdam ko ng pagkakakonsensiya, at nadarama kong lalong napalaya ang aking espiritu, at nagagawa kong ilaan ang sarili ko sa aking tungkulin. Salamat sa Diyos para sa paggabay Niya!