Inihayag Ako ng Pagkakalipat ng Tungkulin

Disyembre 9, 2024

Ni Owen, Espanya

Noong 2018, gumagawa ako ng mga video para sa iglesia. Dahil mabilis akong humusay sa aking mga propesyonal na kasanayan, at madalas kong tinutulungan ang mga kapatid na malutas ang ilang mga problema at kahirapan, ang lahat ay may magandang impresyon sa akin, at ipinagkatiwala sa akin ng mga lider ang ilang mahahalagang gawain. Ang pagtanggap ng pagkilala ng mga lider at mataas na paggalang ng mga kapatid ay nagbigay sa akin ng isang malakas na pakiramdam ng tagumpay at nagdagdag sa aking sigasig. Kahit na hindi ako ang lider ng grupo, agad-agad kong tinutukoy at sinusuri ang mga problema sa aming gawain. Palagi kong ginagawa ang makakaya ko upang tapusin ang mga trabahong itinalaga ng mga lider at ng mga lider ng grupo, kaya naramdaman kong may bahagyang pasanin ako sa aking tungkulin at medyo masunurin ako. Lalo na nang makita ko ang mga kapatid sa paligid ko na nagiging negatibo at nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin dahil hindi sila nasisiyahan sa mga trabahong itinalaga ng iglesia, naisip ko na kapag nakatagpo ako ng ganoong sitwasyon, hindi ako magiging tulad nila; mananatili pa rin akong masunurin.

Isang araw noong 2022, sinabi sa akin ng lider ng grupo na kulang ng tao para sa gawaing tekstuwal. Dahil hindi mabigat ang trabaho sa grupo namin, at mayroon akong ilang mga kasanayan sa pagsusulat at kadalasan ay kaya kong ibahagi ang katotohanan upang malutas ang ilang mga problema, pagkatapos ng isang komprehensibong pagsusuri, nagpasya ang mga lider na italaga ako sa gawaing tekstuwal. Nang marinig ko ang balitang ito, hindi talaga ako makapaniwala. Naisip ko, “Aayusin ba nila ang tungkulin ko? Ayos na sa akin ang manatili sa grupong ito. Aprubado ako ng mga kapatid, at nilalapitan pa nga ako ng mga tao mula sa ibang grupo para humingi ng payo. Ipinapakita nito na napakagaling ko! Kung gagawin ko ang gawaing tekstuwal, hindi ko mauunawaan ang mga prinsipyo, at hindi ko alam kung gaano katagal bago ako makahabol sa iba dahil mag-uumpisa ako sa simula, hindi ba’t ibig sabihin nito, ako ang magiging pinakakulelat sa grupo? Hindi ko lang maintindihan, bakit kailangan pa nila akong piliin?” Naisip ko ang ilang kapatid na alam kong may mahusay na kasanayan sa pagsusulat. Hindi nagtagal pagkatapos nilang magsimulang gumampan ng gawaing tekstuwal, itinalaga sila uli sa iba dahil hindi sila akma para sa trabaho. Nadama ko na hindi ako kasing-galing nila, at kung hindi ko magagawa nang maayos ang gawain, magiging kahiya-hiya ito. Kahit paano ko ikumpara ang dalawa, naramdaman kong mas matatag at mas kilala ang aking kasalukuyang tungkulin. Habang nag-iisip ako nang ganito, mas lalo kong naramdaman na ang mga lider ay masyadong nagmamadali sa kanilang konsiderasyon, na hindi pa nila naintindihan ang mga kalakasan ko bago ako nilipat. Nagreklamo ako sa lider ng grupo, “Hindi ba sinuri nang mabuti ng mga lider ang bagay na ito? Mas magaling ako sa paggawa ng mga video. Hindi ko kalakasan ang gawaing tekstuwal; kung gagawin ko ito, hindi ko ito magagawa nang maayos. Hindi ba dapat magsaalang-alang sila muli batay sa aking mga kalakasan?” Akala ko ay maiintindihan ng lider ng grupo ang aking pananaw, at marahil ay makikipag-usap siya sa mga lider tungkol sa muling pagsasaalang-alang sa aking pagtatalaga. Ngunit ibinahagi niya na dapat kong isaalang-alang muna ang mga pangangailangan ng gawain ng iglesia. Napagtanto ko na hindi ako dapat makipagtalo, at dapat sumunod muna.

Nang maglaon, hinanap ko ang mga prinsipyo tungkol sa pagsasaayos ng mga tungkulin. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Isinasaayos ng sambahayan ng Diyos na gampanan ng mga tao ang ilang tungkulin nang hindi batay sa kagustuhan ng mga tao, kundi batay sa mga pangangailangan ng gawain at kung makakapagkamit ba ng mga resulta ang paggampan ng isang tao sa tungkuling iyon. Masasabi ba ninyo na nagsasaayos ang sambahayan ng Diyos ng mga tungkulin batay sa mga indibidwal na kagustuhan? Dapat ba nitong gamitin ang mga tao batay sa kondisyon na matutugunan ang mga personal nilang kagustuhan? (Hindi.) Alin sa mga ito ang naaayon sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos sa paggamit ng mga tao? Alin ang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo? Ito ay ang pagtalaga sa mga tao ayon sa mga pangangailangan ng gawain sa sambahayan ng Diyos at sa mga resulta ng pagganap ng mga tao sa mga tungkulin nila(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko ito: Sa iglesia, ang pagtatalaga ng mga tungkulin ayon sa mga indibidwal na kalakasan ay isang aspekto lamang. Ang pinakamahalagang bagay ay ang gawin ito batay sa mga pangangailangan ng gawain ng iglesia. Ngayon ay may kakulangan ng tao para sa gawaing tekstuwal, at hindi mabigat ang trabaho ng aking grupo. Kahit na wala ako, hindi nito maaantala ang progreso. Dapat kong isaalang-alang muna ang gawain ng iglesia, at isantabi ang aking mga personal na desisyon at hinihingi. Kung pipiliin ko lang ang sarili kong kagustuhan, masyadong makasarili iyon. Matapos matanto ito, hindi na ako nakaramdam ng labis na pagtutol sa aking puso.

Nang maglaon, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung naniniwala sa Diyos ang isang tao ngunit hindi nakikinig sa Kanyang mga salita, hindi tinatanggap ang katotohanan, o hindi nagpapasakop sa Kanyang mga pagsasaayos at pangangasiwa; kung nagpapakita lamang siya ng ilang mabubuting pag-uugali, ngunit hindi magawang maghimagsik laban sa laman, at walang inaalis sa kanyang pagmamataas o kapakinabangan; kung, bagama’t mukha siyang gumagampan sa kanyang tungkulin, nabubuhay pa rin siya sa kanyang mga satanikong disposisyon, at hinding-hindi pa niya binibitawan o binabago ang kanyang mga satanikong pilosopiya at pamamaraan ng pag-iral, kung gayon, paano niya maaaring paniwalaan ang Diyos? … Gaano man karaming taon na silang naniwala, hindi pa sila nakapagtatag ng normal na relasyon sa Diyos; anuman ang kanilang gawin o anuman ang mangyari sa kanila, ang unang bagay na iniisip nila ay: ‘Ano ba ang gusto kong gawin; ano ba ang para sa kapakanan ko, at ano ang hindi; ano ang maaaring mangyari kung gagawin ko ang mga bagay-bagay’—ito ang mga bagay na una nilang isinasaalang-alang. Wala man lang silang pagsasaalang-alang sa kung anong gawain ang magbibigay-kaluwalhatian sa Diyos at magpapatotoo sa Kanya, o makatutugon sa mga layunin ng Diyos, ni hindi sila nananalangin upang mahanap kung ano ang mga hinihingi ng Diyos at kung ano ang sinasabi ng Kanyang mga salita. Kailanman ay hindi nila binibigyang-pansin kung ano ang layunin o hinihingi ng Diyos, at kung paano dapat magsagawa ang mga tao upang mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Bagama’t nananalangin sila sa Diyos kung minsan at nakikipagbahaginan sa Kanya, kinakausap lamang nila ang kanilang sarili, hindi taos-pusong hinahanap ang katotohanan. Kapag nananalangin sila sa Diyos at binabasa ang Kanyang mga salita, hindi nila iniuugnay ang mga ito sa mga bagay na nakakaharap nila sa totoong buhay. Kaya, sa kapaligirang isinaayos ng Diyos, paano nila tinatrato ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, mga pagsasaayos at pangangasiwa? Kapag nahaharap sa mga bagay na hindi nagbibigay-kasiyahan sa kanilang mga sariling pagnanasa, iniiwasan nila ang mga ito at nilalabanan sa kanilang mga puso. Kapag nahaharap sa mga bagay na nagdudulot ng kawalan sa kanilang mga interes, o pumipigil sa pagsasakatuparan ng kanilang mga interes, ginagawa nila ang lahat ng paraan upang makahanap ng daan palabas, nagsusumikap na mapalaki ang kanilang sariling mga pakinabang at lumalaban upang maiwasan ang anumang pagkalugi. Hindi sila naghahangad na matugunan ang mga layunin ng Diyos, bagkus ang kanilang sariling mga pagnanais lamang. Ito ba ay pananampalataya sa Diyos? Ang mga ganitong tao ba ay may relasyon sa Diyos? Wala. Namumuhay sila sa mababa, nakaririmarim, mapagmatigas, at pangit na pamamaraan. Bukod sa wala silang relasyon sa Diyos, walang patid din silang sumasalungat sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Madalas nilang sinasabi, ‘Magkaroon nawa ng katas-taasang kapangyarihan ang Diyos at mamahala sa lahat ng bagay sa aking buhay. Handa akong hayaan ang Diyos na umupo sa trono at maghari at mamahala sa aking puso. Handa akong magpasakop sa mga pagsasaayos at pangangasiwa ng Diyos.’ Gayunpaman, kapag ang mga bagay na kinakaharap nila ay nakakapinsala sa kanilang mga sariling interes, hindi sila makapagpasakop. Sa halip na hangarin ang katotohanan sa kapaligirang isinaayos ng Diyos, hinahangad nilang mag-iba ng direksyon at tumakas mula sa kapaligirang iyon. Ayaw nilang magpasakop sa mga pagsasaayos at pangangasiwa ng Diyos, sa halip ay ginagawa nila ang mga bagay-bagay ayon sa kanilang sariling kagustuhan, huwag lang mapinsala ang kanilang mga interes. Ganap nilang binabalewala ang mga layunin ng Diyos, iniintindi lang ang kanilang sariling mga interes, mga kalagayan, at ang kanilang lagay ng kalooban at damdamin. Ito ba ay pananampalataya sa Diyos? (Hindi.)” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Hindi Maliligtas ang Isang Tao sa Pamamagitan ng Paniniwala sa Relihiyon o Pagsali sa Seremonyang Panrelihiyon). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na kapag ang mga taos-pusong nananampalataya sa Diyos ay nakatagpo ng mga bagay na hindi naaayon sa mga kuru-kuro nila o ang kanilang interes ay nagkaroon ng mga kawalan, aktibo nilang hahanapin ang katotohanan upang malutas ang kanilang katiwalian, maghahanap ng mga sagot sa mga salita ng Diyos, at maghihintay para sa kaliwanagan at patnubay ng Diyos. Ang mga hindi naghahanap ng katotohanan at hindi makatwiran ay magtutuon lamang sa mga tao o mga sitwasyon kapag nakatagpo sila ng mga bagay na hindi naaayon sa kanilang mga kuru-kuro, at maaaring magreklamo pa sila sa Diyos at tumangging magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Habang iniuugnay ito sa aking sarili, sa tuwing naiisip ko na hindi ako pahahalagahan ng iba sa paggawa ng gawaing tekstuwal at mabubunyag ako bilang walang silbi, sinubukan kong pangatwiranan ang aking sarili at magdahilan, itinatago ang aking kakulangan ng mga kasanayan, sadyang binibigyang-diin ang aking mga kahinaan, umaasa na makukuha ko ang simpatya at mauunawaan ako ng lider ng grupo, para manatili ako sa grupong iyon at mapanatili ang aking katayuan. Noong hindi pa nangyari sa akin ang mga bagay at tinatamasa ko pa ang aking katanyagan, sinabi kong nagpapasakop ako sa Diyos at tinatanggap ang mga bagay mula sa Kaniya. Gayunpaman, kapag nahaharap sa mga bagay na hindi naaayon sa aking mga kuru-kuro o nagdulot ng kawalan sa aking mga personal na interes, nakipagtalo ako at lumaban, nakaramdam ako ng pagsuway, at hindi nasisiyahan sa mga pamamatnugot ng Diyos. Bukod pa rito, naghanap ako ng mali sa iba, sinasabing hindi makatwiran ang mga pagsasaayos ng mga lider. Nang pinag-isipan ko ito nang mabuti, ang mga lider ay malinaw na gumagawa ng mga makatwirang pagsasaayos batay sa mga pangangailangan ng gawain, at mayroon akong kaunting kasanayan sa pagsusulat; hindi naman ako sobrang walang kasanayan. Ngunit dahil pakiramdam ko ang pagsasaayos na ito ay magdudulot ng pinsala sa aking reputasyon at katayuan, nagreklamo ako at lumaban. Tunay na hindi ako makatwiran! Kaya, nanalangin ako sa Diyos, handang tanggapin ito mula sa Kanya at magpasakop, at ibigay ang aking makakaya upang gampanan ang gawaing tekstuwal.

Matapos ang pagsasaayos ng aking tungkulin, nakita ko na karamihan sa mga kapatid doon ay may mas mahusay na kasanayan sa pagsusulat kaysa sa akin. Ang ilan ay mga dating lider, at ang ilan ay maraming taon nang gumagampan ng gawaing tekstuwal, mayroon silang mahusay na pagkaunawa sa mga prinsipyo, at tinalakay nila ang mga isyu at ipinahayag ang kanilang mga pananaw nang malinaw at may kaunawaan. Medyo nainggit ako. Hindi ko namalayan, medyo nadismaya ako, iniisip na kakasimula ko pa lamang at sobrang napag-iwanan na nila ako, napaisip ako, “Kailan ko kaya maaabot ang antas nila?” Pero hindi naman ako masyadong pinanghinaan ng loob. Dahil alam kong medyo kulang ako sa mga prinsipyo, propesyon, at iba pang aspekto, gumugol ako ng panahon para maging pamilyar ako sa mga prinsipyo at humingi ng patnubay at natuto sa mga kapatid kapag may hindi ako naiintindihan. Ngunit dahil bago ako sa tungkuling ito, wala akong anumang magandang pananaw kapag tinatalakay ang mga isyu sa mga kapatid. Paminsan-minsan, kapag nagsasabi ako ng ilang mga pananaw, hindi naaangkop ang mga ito, at medyo napahiya ako. Sa ganitong pagkakataon, habang mas nagtatrabaho ako, mas malala ang kinalalabasan ko—hindi ako pinapahalagahan ng mga tao. Nag-aalala ako na baka isipin ng mga kapatid na napakahina ng kakayahan ko, at hindi ako karapat-dapat na linangin. Nang makita kung gaano kahalaga at kahirap ang gawaing ito, lalo akong nag-alala na hindi maganda ang magagawa ko at isasaayos ako. Magiging lubhang nakakahiya iyon. Mula noon, palaging hindi ako makapagtuon kapag ginagawa ko ang aking tungkulin. Nakatitig ako sa screen ng computer, walang laman ang isip ko. Wala akong interes at motibasyon na matutuhan ang propesyon. Mayroong hindi nawawala at hindi maipaliwanag na kalungkutan sa aking puso. Minsan, iniisip ko pa kung kailan maaaring magbago ang isip ng mga lider at pabalikin ako, iniisip na ito ay mas mabuti kaysa sa mabunyag na walang silbi at hindi napapansin dito. Kalaunan, tinukoy ng sister na nagtuturo sa akin sa propesyon ang ilang isyu ng prinsipyo sa aking mga tungkulin. Nang suriin niya ang mga ito, itinuro niya pa ang mga problema at paglihis na ito sa grupo. Nakaramdam ako ng sobrang pagkapahiya. Nang hindi ko namamalayan, sumagi sa isip ko ang mga alaala noong gumagawa ako ng mga video. Noon, tanyag ako. Pumupunta sa akin ang mga taong may mga tanong, at kadalasang ako ang nakakapagturo ng mga pagkakamali ng iba. Ngayon, gayumpaman, ako ay naging isang negatibong halimbawa, at patuloy na itinuturo ang aking mga pagkakamali. Ito ay tunay na dalawang sukdulan! Dahil sa kaibahang ito, lalo akong naging negatibo. Naisip ko pang sabihin sa mga lider na hindi ko kaya ang gawaing ito at gusto kong bumalik sa paggawa ng mga video. Pero natatakot akong sabihin ng iba na hindi ako masunurin, kaya may pag-aalangang ginawa ko ang aking mga tungkulin.

Isang araw, bigla kong naalala ang mga salita ng Diyos na nagsasabi: “Kung hindi mo lulutasin sa oras ang mga problema kapag nangyayari ang mga ito, sa sandaling maipon ang mga problemang ito sa loob mo at lumala, at hindi na sapat ang iyong sigasig o kapasyahan para suportahan ka sa pagganap ng iyong mga tungkulin, masasadlak ka sa pagkanegatibo, maging hanggang sa puntong malamang ay iiwanan mo ang Diyos, at tiyak na hindi ka makapaninindigan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 11). Napagtanto ko na ang hindi paglutas sa negatibong kalagayang ito ay lubhang mapanganib. Bagama’t sa panlabas ay ginagawa ko ang aking tungkulin, wala rito ang aking puso. Madalas kong gunitain iyong mga panahon na pinapahalagahan at pinupuri ako ng iba, at hindi ko ibinigay ang aking pinakamainam na pagsisikap. Napagtanto ko na ang problemang ito ay kailangang lutasin, at hindi ko kayang ipagpatuloy ang pabasta-bastang paggawa at lokohin ang sarili ko nang ganito. Nang maglaon, habang nagninilay-nilay, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Huwag hayaan ang sinuman na isipin na ang kanyang sarili ay perpekto, bantog, marangal, o namumukod sa iba pa; ang lahat ng ito ay dulot ng mapagmataas na disposisyon at kamangmangan ng tao. Ang palaging pag-iisip na katangi-tangi ang sarili—ito ay sanhi ng isang mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagagawang tanggapin ang kanyang mga pagkukulang, at hindi kailanman nagagawang harapin ang kanyang mga pagkakamali at pagkabigo—dulot ito ng isang mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman pagpapahintulot sa iba na maging mas mataas sa kanila, o maging mas mahusay sa kanila—dulot ito ng mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagpapahintulot sa mga kalakasan ng iba na malampasan o mahigitan ang sa kanila—dahil ito sa mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagpapahintulot sa iba na magtaglay ng mas mabubuting kaisipan, mungkahi, at pananaw kaysa sa kanila, at kapag natuklasan nila na mas magaling ang iba kaysa sa kanila, nagiging negatibo, ayaw magsalita, nakararamdam ng pagkabagabag at pananamlay, at nagiging balisa—ang lahat ng ito ay dulot ng isang mapagmataas na disposisyon. Dahil sa mapagmataas na disposisyon, maaaring maging maingat ka sa pagpoprotekta sa iyong reputasyon, hindi mo magawang tanggapin ang pagtatama ng iba, hindi mo magawang harapin ang mga pagkukulang mo, at hindi magawang tanggapin ang iyong mga sariling kabiguan at pagkakamali. Higit pa riyan, kapag may sinumang mas mahusay sa iyo, maaari itong maging sanhi upang umusbong ang pagkamuhi at inggit sa iyong puso, at makararamdam ka na napipigil ka, kung kaya’t hindi mo nais na gawin ang iyong tungkulin at nagiging pabasta-basta ka sa pagtupad nito. Ang isang mapagmataas na disposisyon ay maaaring magbunga ng pag-usbong ng ganitong mga asal at gawi sa iyo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na mahanap ang dahilan ng aking pagiging negatibo. Palagi kong iniisip na magaling ako at pinapahalagahan ko ang aking sarili, gusto kong mapunta sa isang nangungunang posisyon, na may mga taong nakapalibot at pumupuri sa akin saan man ako magpunta. Nang hindi ko nakuha ang pagpapahalaga ng iba o nakuha ang atensyon, naging negatibo ako at gusto kong takasan ang sitwasyon. Ang lahat ng ito ay dahil sa aking masyadong mayabang na kalikasan. Nagsisimula pa lang akong magsanay sa paggawa ng gawaing tekstuwal, at napakaraming bagay na hindi ko nauunawaan o hindi ko alam kung paano gawin. Walang prinsipyong matututuhan sa pamamagitan lamang ng pakikinig o pagbabasa nito nang ilang beses; nangangailangan ito ng panahon ng praktikal na pag-aaral. Sa panahong ito, hindi maiiwasan ang mga pagkakamali at kabiguan. Ang mga taong talagang may katwiran ay makakaharap nang tama sa mga bagay na ito. Ngunit wala akong kamalayan sa sarili. Saanman ako magpunta, gusto kong ipakita na espesyal ako. Malinaw na nagsisimula pa lang ako, ngunit sabik akong makamit ang isang bagay para ipakita ang aking mga kakayahan, para makita ng mga kapatid ko na mataas ang kakayahan ko. Kapag hindi ako makagawa nang maayos, kulang, o hindi ako nakakakuha ng atensyon, nagiging negatibo ako at nawawalan ng gana, nawawalan ng motibasyon na matutuhan ang propesyon. Naisipan ko pang talikuran ang aking tungkulin at umalis. Napagtanto ko na mayabang talaga ako at masyado kong sineseryoso ang sarili ko. Ang paghihirap na dinanas ko ay ginawa ko sa sarili ko.

Naisip ko, “Bakit mataas ang motibasyon ko kapag gumagawa ng mga video dati, pero ngayong gawaing tekstuwal ang ginagawa ko, bakit kahit kailan ay hindi ako makaipon ng anumang sigasig?” Nang maglaon, may nabasa akong isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng kaunting kaunawaan sa aking kalagayan. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Kung mayroong pusong nagmamahal sa katotohanan ang mga tao, magkakaroon sila ng lakas na hangarin ang katotohanan, at makapagsusumikap isagawa ang katotohanan. Matatalikuran nila ang dapat na talikuran, at mabibitiwan ang dapat na bitiwan. Sa partikular, ang mga bagay na may kinalaman sa sarili mong kasikatan, pakinabang, at katayuan ay dapat na bitiwan. Kung hindi mo bibitiwan ang mga ito, nangangahulugan ito na hindi mo minamahal ang katotohanan at wala kang lakas para hangarin ang katotohanan. Kapag may nangyayari sa iyo, dapat mong hanapin ang katotohanan at isagawa ang katotohanan. Kung, sa mga oras na kailangan mong isagawa ang katotohanan, lagi kang may makasariling puso at hindi mo mabitiwan ang iyong pansariling interes, hindi mo maisasagawa ang katotohanan. Kung hindi mo kailanman hinanap o isinagawa ang katotohanan sa alinmang sitwasyon, hindi ka isang tao na nagmamahal sa katotohanan. Kahit gaano karaming taon ka nang nananalig sa Diyos, hindi mo makakamit ang katotohanan. Ang ilang tao ay palaging hinahangad ang kasikatan, pakinabang, at pansariling interes. Anumang gawain ang isinasaayos ng iglesia para sa kanila, lagi silang nag-iisip nang mabuti, ‘Makikinabang ba ako rito? Kung oo, gagawin ko ito; kung hindi, hindi ko ito gagawin.’ Ang ganitong tao ay hindi nagsasagawa ng katotohanan—kaya magagampanan ba niya nang maayos ang kanyang tungkulin? Hinding-hindi. Kahit na hindi ka gumagawa ng masama, hindi ka pa rin isang taong nagsasagawa ng katotohanan. Kung hindi mo hinahangad ang katotohanan, hindi minamahal ang mga positibong bagay, at anumang mangyari sa iyo, inaalala mo lang ang sarili mong reputasyon at katayuan, ang iyong pansariling interes, at kung ano ang nakabubuti para sa iyo, kung gayon ay isa kang tao na pansariling interes lang ang motibasyon, at isang makasarili at walang dangal(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sinasabi ng mga salita ng Diyos na kung ang mga tao ay may pusong nagmamahal sa katotohanan, kapag may nangyari sa kanila na nakakaapekto sa kanilang reputasyon, katayuan, at mga interes, maaari silang makabitaw, at maghimagsik laban sa kanilang laman upang isagawa ang katotohanan. Pinagnilayan ko kung paanong, noong gumagawa ako ng mga video, inisip ko na may pasanin ako at masunurin ako at itinuring ko ang aking sarili bilang isang taong naghahangad ng katotohanan. Nang maharap ako sa realidad ay saka ko lang napagtanto na ang ginawa ko noon ay hindi pagtangka na paluguran ang Diyos, na gumagawa lang ako ng ilang gawain kapag hindi sangkot ang sarili kong mga interes. Ngayon, gusto kong bumalik sa paggawa ng mga video, hindi dahil mahal ko ang tungkuling iyon, kundi dahil hindi ko mabitawan ang suporta at pagpapahalaga ng mga kapatid ko. Bagama’t, sa panlabas, wala akong titulo bilang lider ng grupo, may magandang impresyon sa akin ang mga kapatid ko sa kanilang mga puso. Sa tuwing malulutas ko ang isang problema o makakagawa ako ng mabuti, tinatanggap ko ang kanilang pagpapahalaga at papuri, na labis kong ikinatuwa. Samakatwid, gaano man kalaki ang ibinayad ko o gaano man ako nagdusa, wala akong reklamo. Sa kabaligtaran, ang paggawa ng gawaing tekstuwal ay nagpahiya sa akin. Dito, kinailangan kong matutuhan ang lahat mula sa simula, at walang nagbigay-pansin sa akin. Imposibleng maging guro ako sa iba tulad ng dati. Hindi lamang kailangan kong isantabi ang aking sarili at magtanong sa iba ng mga pangunahing katanungan, labis akong nagkukulang sa propesyon na ito na kinailangan ko ring patuloy na tumanggap ng patnubay. Ayaw kong harapin ang aking mga pagkukulang; gusto ko lang magpakasaya sa mga bulaklak at palakpakan, at tamasahin ang pagpapahalaga at papuri ng iba. Pinantasya ko pa nga na isang araw ay hahayaan ako ng mga lider na magsimulang gumawa ulit ng mga video, para patuloy akong mapaligiran at mapapurihan ng mga tao. Pero kailanman ay hindi dumating ang resultang ito. Sa halip, ang dumating ay ang tuluy-tuloy na pagbubunyag ng aking katiwalian at mga pagkukulang. Sa gayon, naging negatibo at malungkot ako, at nawala ang motibasyon ko sa paggawa ng aking tungkulin. Sa puntong ito, napagtanto ko na dati ay ginawa ko lang ang aking tungkulin para sa kapakanan ng reputasyon at katayuan, at hindi ko talaga itinuring na responsabilidad ang aking tungkulin.

Noong panahong iyon, madalas kong hanapin at pagnilayan ang aking kalagayan. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos, na nagsasabing: “Para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang hinahangad, ano man ang kanilang mga mithiin, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa. Maaari mo silang ilagay sa isang sinaunang gubat sa pusod ng kabundukan, at hindi pa rin nila isasantabi ang paghahangad nila sa reputasyon at katayuan. Maaari mo silang ilagay sa gitna ng anumang grupo ng mga tao, at ang pawang maiisip nila ay reputasyon at katayuan pa rin. Kahit na naniniwala rin sa Diyos ang mga anticristo, itinuturing nila ang paghahangad sa reputasyon at katayuan bilang katumbas ng pananalig sa Diyos at binibigyan ang mga ito ng pantay na pagpapahalaga. Ibig sabihin, habang tinatahak nila ang landas ng pananalig sa Diyos, hinahangad din nila ang kanilang sariling reputasyon at katayuan. Masasabi na sa puso ng mga anticristo, naniniwala sila na ang paghahangad ng katotohanan sa kanilang pananalig sa Diyos ay ang paghahangad ng reputasyon at katayuan; ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay ang paghahangad din sa katotohanan, at ang magkamit ng reputasyon at katayuan ay ang magkamit ng katotohanan at buhay. Kung nararamdaman nila na wala silang reputasyon, pakinabang o katayuan, na walang humahanga sa kanila, o nagpapahalaga sa kanila, o sumusunod sa kanila, sobrang bigong-bigo sila, naniniwala silang wala nang saysay pang maniwala sa Diyos, wala na itong kabuluhan, at sinasabi nila sa kanilang sarili na, ‘Bigo ba ang gayong pananalig sa diyos? Wala na ba itong pag-asa?’ Madalas na tinitimbang nila ang gayong mga bagay sa kanilang puso, pinag-iisipan nila kung paano sila magkakapuwesto sa sambahayan ng Diyos, kung paano sila maaaring magkaroon ng mataas na reputasyon sa iglesia, nang sa gayon ay makinig ang mga tao kapag nagsasalita sila, at suportahan sila kapag kumikilos sila, at sumunod sa kanila saanman sila magpunta; nang sa gayon ay sila ang may huling salita sa iglesia, at ang may kasikatan, pakinabang, at katayuan—talagang pinagtutuunan nila ang gayong mga bagay sa puso nila. Ang mga ito ang hinahangad ng gayong mga tao. Bakit palagi silang nag-iisip ng ganoong mga bagay? Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, matapos marinig ang mga sermon, hindi ba talaga nila nauunawaan ang lahat ng ito, hindi ba talaga nila nagagawang makilala ang lahat ng ito? Talaga bang hindi nabago ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan ang kanilang mga kuru-kuro, ideya, at opinyon? Hindi talaga iyon ang kaso. Ang problema ay nasa kanila, ito ay lubos na dahil hindi nila minamahal ang katotohanan, dahil sa puso nila, tutol sila sa katotohanan, at bilang resulta, lubos nilang hindi tinatanggap ang katotohanan—na natutukoy ng kanilang kalikasang diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Isiniwalat ng mga salita ng Diyos na ang mga anticristo ay partikular na nagmamahal sa reputasyon at katayuan. Nananampalataya sila sa Diyos, tinatalikuran ang mga bagay, at ginugugol ang kanilang sarili lahat para sa reputasyon at katayuan. Kapag nawala na ang kanilang katayuan, para na ring kinuha ang kanilang buhay; nawawalan sila ng interes at motibasyon sa lahat ng bagay. Sa pagninilay sa sarili kong pag-uugali, napagtanto ko na ako ay tulad ng isang anticristo, nagnanasa ng paghanga at pagsamba mula sa iba, at itinuturing pa ang paghahangad ng reputasyon at katayuan bilang isang positibong bagay. Sa loob ng maraming taon, hinahabol ko ito. Sa bahay, madalas sabihin sa akin ng aking ama na “mamukod-tangi ka sa lahat” at “magdala ka ng parangal sa mga ninuno” at ang pagiging matagumpay na tao ang tanging paraan para magkaroon ng magandang kinabukasan. Sa paaralan, itinuro sa akin ng mga guro ang ideya na “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa.” Ang mga bagay na ito ay patuloy na nakintal sa aking isipan, na nagdulot sa akin na mas mahalin pa ang reputasyon at katayuan, at maging handang magtiis ng anumang paghihirap para rito. Sa mga taon ng aking pag-aaral, upang makakuha ng matataas na marka at makuha ang papuri at paghanga ng mga guro at kaklase, umiinom ako ng kape para makapagpuyat sa paggawa ng mga takdang-aralin, at pumapasok pa rin sa mga klase kahit na may sakit. Sa nakalipas na ilang taon sa iglesia, habang gumagawa ng mga video, sa panlabas ay tiniis ko ang paghihirap at binayaran ko ang halaga, natuto ng mga kasanayan at gumawa ng mas maraming trabaho, lahat ay may layon na makuha ang paghanga ng iba. Noong binago ang aking tungkulin at hindi na ako nakakatanggap ng paghanga mula sa iba, at isiniwalat pa ang aking sariling mga pagkukulang at kakulangan dahil sa mga pagkakamali, nasiraan ako ng loob, hindi nauunawaan at naghihinanakit sa pangyayaring inayos ng Diyos, at nawalan ng motibasyon sa paggawa ng aking tungkulin. Nakita ko na nabubuhay ako para sa reputasyon at katayuan, patuloy na iniisip kung paano makukuha ang paghanga ng iba. Ang hinangad ko ay ganap na salungat sa hinihingi ng Diyos. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Wala nang higit pang kinapopootan ang Diyos kundi kapag naghahangad ang mga tao ng katayuan, pero nagmamatigas ka pa ring nakikipagkompitensiya para sa katayuan, walang-sawa mo itong iniingatan at pinoprotektahan, at laging sinusubukang makuha ito para sa iyong sarili. At sa kalikasan, hindi ba’t ang lahat ng ito ay pagkontra sa Diyos?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Bagama’t hindi ko pa nagagawa ang pagkuha ng loob ng mga tao, pagtatatag ng aking sarili, o paglikha ng isang malayang kaharian para sa katayuan tulad ng isang anticristo, at hindi pa nakagawa ng anumang halatang masasamang gawa, mali ang aking mga layunin at pananaw sa paghahangad. Patuloy kong ninais na magkaroon ng lugar sa puso ng mga tao. Ang pagpapatuloy sa landas na ito ay mapanganib at kasuklam-suklam sa Diyos. Nang napagtanto ko ito, lubos akong nagpasalamat sa proteksyon ng Diyos.

Sa pamamagitan ng pagsasaayos na ito sa aking mga tungkulin, naudyukan akong pagnilayan ang maling landas na aking tinatahak at bumalik sa dati. Ito ang pagliligtas ng Diyos para sa akin. Kahit na hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na mamukod-tangi at makakuha ng atensyon, nakapagpasakop ako nang taos-puso. Nakaramdam din ako ng panghihinayang sa pag-aaksaya ng maraming oras sa nakalipas na ilang taon. Kung binigyan ko ng parehong pagsisikap ang paghahangad ng katotohanan at pagkilala sa aking sarili sa halip na ang paghahanap ng katayuan, magiging mas makatwiran ako, at mas masunurin sa Diyos, at hindi mapanghimagsik at tiwali gaya ko ngayon. Upang matugunan ang mga isyung ito, nagbasa ako ng dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung nais mong ialay ang iyong buong pagkamatapat sa lahat ng bagay para matugunan ang mga layunin ng Diyos, hindi mo iyon magagawa sa pamamagitan lamang ng pagganap ng isang tungkulin; kailangan mong tanggapin ang anumang utos na ibinibigay ng Diyos sa iyo. Tumutugon man ito o hindi sa iyong panlasa o sa iyong mga interes, o isang bagay man ito na hindi nakakasiya sa iyo, na hindi mo pa nagawa dati, o isang bagay na mahirap gawin, dapat mo pa rin itong tanggapin at magpasakop ka rito. Hindi mo lamang dapat tanggapin ito, kundi kailangan mo ring aktibong makipagtulungan, at matuto tungkol dito, habang dumaranas ka at pumapasok. Kahit pa ikaw ay nahihirapan, napapagod, napapahiya, o ibinubukod, kailangan mo pa ring ibigay ang iyong buong pagkamatapat. Sa pagsasagawa lamang sa ganitong paraan mo maibibigay ang iyong buong pagkamatapat sa lahat ng bagay at matutugunan ang mga layunin ng Diyos. Dapat mo itong ituring na tungkuling dapat mong gampanan, hindi bilang personal na bagay. Paano mo dapat maunawaan ang mga tungkulin? Bilang isang bagay na ibinibigay ng Lumikha—ng Diyos—sa isang tao para gawin; ganito nalilikha ang mga tungkulin ng mga tao. Ang atas na ibinibigay ng Diyos sa iyo ay tungkulin mo, at ganap na likas at may katwiran na gampanan mo ang iyong tungkulin gaya ng hinihingi ng Diyos. Kung malinaw mong nakikita na ang tungkuling ito ay atas ng Diyos, at na ito ay pagmamahal ng Diyos at pagpapala ng Diyos para sa iyo, magagawa mong tanggapin ang iyong tungkulin nang may mapagmahal-sa-Diyos na puso, at magagawa mong maging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at magagawa mong mapagtagumpayan ang lahat ng paghihirap para mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Hinding-hindi magagawa ng mga tunay na gumugugol ng kanilang sarili para sa Diyos na tanggihan ang atas ng Diyos; hindi nila kailanman magagawang tanggihan ang anumang tungkulin. Kahit ano pang tungkulin ang ipagkatiwala ng Diyos sa iyo, kahit ano pang mga paghihirap ang kaakibat nito, hindi mo ito dapat tanggihan, kundi tanggapin. Ito ang landas ng pagsasagawa, na isagawa ang katotohanan at ibigay ang iyong buong pagkamatapat sa lahat ng bagay, upang mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Ano ang pinagtutuunan dito? Iyon ay ang mga salitang ‘sa lahat ng bagay.’ Ang ‘lahat ng bagay’ ay hindi nangangahulugan ng mga bagay na gusto mo o kung saan ka mahusay, lalong hindi ang mga bagay na pamilyar ka. Kung minsan, ito ay mga bagay kung saan hindi ka mahusay, mga bagay na kailangan mong matutunan, mga bagay na mahirap, o mga bagay kung saan kailangan mong magdusa. Gayunpaman, anuman ito, basta’t ito ay ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, kailangan mo itong tanggapin mula sa Kanya; kailangan mong tanggapin ito at gampanan nang mabuti ang tungkulin, ibigay dito ang iyong buong pagkamatapat at tugunan ang mga layunin ng Diyos. Ito ang landas ng pagsasagawa(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Ang pagmukhaing hangal ang sarili mo ay isang mabuting bagay. Tinutulungan ka nitong makita ang sarili mong mga kakulangan at ang pagmamahal mo sa banidad. Ipinapakita nito kung saan naroon ang iyong mga problema at ipinauunawa nito sa iyo nang malinaw na ikaw ay hindi perpektong tao. Walang perpektong tao at normal lang na pagmukhaing hangal ang sarili mo. Lahat ng tao ay nagdaranas ng mga pagkakataon kung kailan pinagmumukha nilang hangal ang kanilang sarili o napapahiya sila. Lahat ng tao ay nabibigo, nagdaranas ng mga problema, at may mga kahinaan. Ang pagmukhaing hangal ang iyong sarili ay hindi masama. Kapag pinagmumukha mong hangal ang sarili mo pero hindi ka nahihiya, at sa loob-loob mo ay hindi ka nalulugmok sa depresyon, hindi ibig sabihin niyon na makapal ang mukha mo; ang ibig sabihin nito ay wala ka nang pakialam kung ang pagpapamukha mong hangal sa sarili mo ay makakaapekto sa iyong reputasyon at nangangahulugan na wala na sa isip mo ang iyong banidad. Nangangahulugan ito na lumago na ang iyong pagkatao. Napakaganda nito! Hindi ba’t mabuting bagay ito? Mabuting bagay ito. Huwag mong isipin na nakapagsagawa ka nang maayos o na malas ka, at huwag mong hanapin ang mga obhetibong sanhi sa likod nito. Normal ito. Maaari kang magmukhang hangal, maaaring magmukhang hangal ang iba, lahat ay maaaring magmukhang hangal—kalaunan ay matutuklasan mong pare-pareho lang ang lahat ng tao, ang lahat ay ordinaryo lang, lahat ng tao ay mortal, at walang sinuman ang nakahihigit sa iba, at walang sinuman ang mas magaling kaysa sa iba. Lahat ay maaaring magmukhang hangal paminsan-minsan, kaya walang sinuman ang pwedeng manghamak ng iba. Kapag naranasan mo na ang maraming kabiguan, unti-unti nang lalago ang iyong pagkatao; kaya sa tuwing mararanasan mong muli ang mga bagay na ito, hindi ka na mapipigilan pa, at ang mga ito ay hindi magkakaroon ng epekto sa normal na pagganap mo sa iyong tungkulin. Ang iyong pagkatao ay magiging normal, at kapag ang iyong pagkatao ay normal, ang iyong katwiran ay magiging normal din(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 2). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nakahanap ako ng landas upang maisagawa ang sitwasyong ito. Hangaan man ako o hindi ng iba o magkaroon ng mga pagkakataong mamukod-tangi, dapat akong magpasakop sa kapaligirang inayos ng Diyos at tapat na gawin ang aking tungkulin, inilalagay ang aking puso at lakas dito. Responsabilidad ko iyon at siyang dapat kong gawin. Nang maglaon, kahit minsan ay may mga pagkakamali pa rin ang natapos kong gawain, at kapag itinuturo ng iba ang maraming isyu, sumasama ang pakiramdam ko, hindi na ako kumikilos nang negatibo. Habang mas maraming pagkakamali at kabiguan ang nararanasan ko, lalo lang nila akong itinutulak pabalik sa Diyos upang sa tamang panahon ay malaman ko ang aking katiwalian, sinusuri at pinagninilayan ang aking mga paglihis at kakulangan. Pinalalim din nito ang aking memorya sa ilang mga prinsipyo, na nagbigay-pakinabang kapwa sa aking pagganap sa tungkulin at sa aking buhay-pagpasok. Sa ganitong pag-unawa, umunlad ang aking pag-iisip, at wala na akong pakialam kung paano ako tingnan ng iba. Sa mga tuntunin ng propesyon, sinuri ko ang aking mga paglihis at problema, humingi ako ng tulong sa mga kapatid kapag hindi ko naunawaan ang isang bagay, at naghanap at pumasok sa mga nauugnay na prinsipyo. Natuto rin ako sa magagandang gawi ng iba. Tungkol sa aking kalagayan, ginamit ko ang aking bakanteng oras upang magnilay-nilay at mag-isip, kinikilala ang aking sarili batay sa mga salita ng Diyos tungkol sa aking nabunyag na mga katiwalian. Pagkaraan ng ilang panahon ng pagsasagawa nito, nagsimula kong magustuhan ang aking kasalukuyang tungkulin, at bumuti ang mga resulta ng aking tungkulin kumpara sa dati. Sa pagbabalik-tanaw sa prosesong ito, napagtanto ko ang taimtim na layunin ng Diyos. Ang paggawa ng aking tungkulin sa kapaligirang ito ay nagdulot sa akin ng maraming tagumpay. Sa pamamagitan ng mga kabiguan at pagbubunyag na ito, kaya kong makita ng malinaw ang aking kakulangan at tunay na katayuan, natuto akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos, at mas hinanap ko ang mga prinsipyo sa aking mga tungkulin. Bukod dito, ang patuloy na pagpapatatag sa kapaligiran na ito ay nagpa-mature sa aking pagkatao, binawasan nito ang pagiging mapusok at marupok ko, ginawa akong mas mahusay sa pagtrato nang tama sa kakulangan ko, at magsimulang matutuhang hanapin ang mga layunin ng Diyos at mga katotohanang prinsipyo. Ang lahat ng ito ay pagsasanay at pagpeperpekto para sa akin.

Nang naranasan ko ang pagsasaayos na ito sa aking mga tungkulin, naunawaan ko na anumang tungkulin ang ginagawa ng isang tao, hindi mahalaga kung naitataguyod ba ang reputasyon niya o kung hinahangaan ba siya ng iba. Hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay kung nagpapasakop ba siya sa Diyos at kung may mga patotoo sa pagsasagawa niya ng katotohanan. Dati, kapag nakikita ko ang ibang tao na nagiging negatibo at hindi masunurin pagkatapos na ayusin ang kanilang mga tungkulin, mababa ang tingin ko sa kanila at iniisip kong mas mabuti ako. Nang nahaharap sa mga katotohanan ngayon, nakita ko na ang aking kalikasan ay masyadong mayabang, at hindi nagpapasakop sa Diyos gaya ng iba. Sa pamamagitan ng mga sitwasyong isinaayos ng Diyos, nakakuha ako ng kaunting kaalaman tungkol sa aking sarili at sumailalim sa ilang mga pagbabago. Mula sa aking puso, ako ay tunay na nagpapasalamat sa pagliligtas ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Hindi Mabuburang Desisyon

Ni Bai Yang, TsinaNoong ako ay 15 taong gulang, namatay ang tatay ko dahil sa isang biglaang sakit. Hindi nakayanan ng nanay ko ang dagok...

Ang Hirap ng Pagbabalatkayo

Ni Mu Chen, TsinaIsang araw noong 2018, inatasan ako ng lider ko na suportahan ang isang bagong tatag na iglesia. Nang matanggap ko ang...