Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng mga taong ginagamit ng Diyos at ng gawain ng mga pinuno ng relihiyon?

4

2. Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng mga taong ginagamit ng Diyos at ng gawain ng mga pinuno ng relihiyon?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: … Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya'y tapat sa aking buong buhay” (Mga Bilang 12:6-7).

Sa aba ng mga pastor ng Israel na pinakakain ang kanilang sarili! hindi baga dapat pakanin ng mga pastor ang mga tupa? Kayo'y nagsisikain ng gatas, at kayo'y nangananamit sa inyo ng lana, inyong pinapatay ang mga pinataba; nguni't hindi ninyo pinakakain ang mga tupa. Hindi ninyo pinalakas ang payat, o inyo mang pinagaling ang may sakit, o inyo mang tinalian ang may bali, o inyo mang ibinalik ang iniligaw, o inyo mang hinanap ang nawala; kundi inyong pinagpunuang may karahasan at may kahigpitan. At sila'y nangalat dahil sa walang pastor, at sila'y naging pagkain sa lahat ng hayop sa parang, at sila'y nangalat. Ang aking mga tupa ay nagsisilaboy sa lahat ng bundok, at sa lahat na mataas na burol: oo, ang aking mga tupa ay nangalat sa buong ibabaw ng lupa; at walang magsiyasat o humanap sa kanila” (Ezekiel 34:2-6).

Datapuwa't sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka't kayo'y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. Sa aba ninyo, mga eskriba't mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka't sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing bao, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin: kaya't magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa. Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili” (Mateo 23:13-15).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ipinatutupad niyaong kinasasangkapan ng Diyos ay upang makipagtulungan sa gawain ni Cristo o ng Banal na Espiritu. Ang taong ito ay ibinangon ng Diyos sa gitna ng tao, siya ay naroon upang pangunahan ang mga hinirang ng Diyos, at siya ay ibinangon din ng Diyos upang gawin ang gawain ng pakikipagtulungan ng tao. Kasama ang isang gaya nito, na nagagawang gawin ang gawain ng pakikipagtulungan ng tao, mas marami pang kinakailangan ang Diyos tungo sa tao at ang gawain ng Banal na Espiritu sa gitna ng tao ay matatamo sa pamamagitan niya. Ang isa pang paraan sa pagsasabi nito ay kagaya nito: Ang layunin ng Diyos sa pagkasangkapan sa taong ito ay upang lalong maunawaan ng lahat niyaong mga sumusunod sa Diyos ang kalooban ng Diyos, at makamit ang higit pa sa mga kinakailangan ng Diyos. Sapagkat ang mga tao ay walang kakayahan na tuwirang maunawaan ang mga salita ng Diyos o ang kalooban ng Diyos, ibinangon ng Diyos yaong nagpapatupad dati ng gayong gawain. Ang taong ito na kinakasangkapan ng Diyos ay maaaring ding ilarawan bilang isang paraan kung saan ginagabayan ng Diyos ang mga tao, bilang "tagasalin-wika" na nakikipag-usap sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. … Kung ang pag-uusapan ay ang sangkap ng kanyang gawain at ang nasa likod ng pagkasangkapan sa kanya, ang tao na kinakasangkapan ng Diyos ay ibinangon Niya, inihanda siya ng Diyos para sa gawain ng Diyos, at siya ay nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos Mismo. Walang sinumang tao ang tumayo para sa kanyang gawain, ang pakikipagtulungan ng tao ay mahalaga sa maka-Diyos na gawain. … Siya na kinakasangkapan ng Diyos, sa kabilang banda, ay yaong inihanda ng Diyos, at siyang nagtataglay ng isang partikular na kakayahan, at mayroong pagkatao. Siya ay inihanda at ginawang perpekto nang patiuna ng Banal na Espiritu, at ganap na pinangunahan ng Banal na Espiritu, at, lalo na pagdating sa kanyang gawain, siya ay tinagubilinan at inatasan ng Banal na Espiritu-bilang resulta nito walang paglihis sa landas sa pangunguna sa mga hinirang ng Diyos, sapagkat tiyak na pananagutan ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, at ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain sa lahat ng mga pagkakataon.

mula sa “Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bakit sinasabi na lipas na sa panahon ang mga pagsasagawa ng mga nasa relihiyosong simbahan? Ito ay dahil ang kanilang isinasagawa ay hiwalay mula sa mga gawain ngayon. … Ang gawain ng Banal na Espiritu ay laging sumusulong, at ang lahat ng nasa agos ng Banal na Espiritu ay nararapat ding sumusulong palalim at nagbabago baytang-baytang. Hindi sila dapat tumigil sa isang yugto. Ang mga hindi lamang nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu ang mananatili sa kalagitnaan ng Kanyang orihinal na gawain, at hindi tatanggapin ang bagong gawain ng Banal na Espiritu. Tanging ang mga hindi sumusunod ang hindi makakayanang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung ang pagsasagawa ng tao ay hindi sumasabay sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, ang pagsasagawa ng tao ay tiyak na naputol mula sa gawain ngayon, at siguradong hindi kasundo ng gawain ngayon. Ang gayong mga taong lipas na sa panahon ay walang kakayahang tuparin ang kalooban ng Diyos, at lalong hindi maaaring maging sila yaong kahuli-hulihang mga tao na tatayo bilang patotoo sa Diyos. Ang buong gawaing pamamahala, higit pa rito, ay hindi matatapos sa kalagitnaan ng ganoong kalipunan ng mga tao. Sapagka't yaong mga dati ay kumapit sa kautusan ni Jehova, at yaong mga nagdusa dahil sa krus, kung hindi nila matatanggap ang yugto ng gawain sa mga huling araw, kung gayon ang lahat ng kanilang ginawa ay mawawalan ng saysay, at walang kabuluhan. Ang pinakamalinaw na pagpapahayag ng gawain ng Banal na Espiritu ay ang pagyakap sa ngayon, at hindi kumakapit sa nakaraan. Ang mga hindi nakasunod sa gawain ng ngayon, at ang mga humiwalay mula sa pagsasagawa ng ngayon, ay ang mga lumalaban at hindi tumatanggap sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong iyon ay sumasalungat sa kasalukuyang gawain ng Diyos.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawain sa isip ng tao ay napakadaling makamit ng tao. Ang mga pastor at mga pinuno sa relihiyosong mundo, halimbawa, ay umaasa sa kanilang mga kaloob at mga katungkulan upang gawin ang kanilang gawain. Ang mga tao na sumusunod sa kanila sa mahabang panahon ay mahahawa sa kanilang mga kaloob at maiimpluwensiyahan ng ilan sa kung ano sila. Nakatuon sila sa mga kaloob ng mga tao, mga kakayahan, at kaalaman, at nagbibigay sila ng pansin sa mga higit-sa-karaniwang mga bagay at sa maraming mga malalalim na di-makatotohanang turo (mangyari pa, ang ganitong mga malalalim na turo ay hindi matatamo). Hindi sila nagtutuon ng pansin sa mga pagbabago sa disposisyon ng mga tao, sa halip ay nakatuon sila sa pagsasanay sa pangangaral ng mga tao at mga kakayahan sa paggawa, pinabubuti ang kaalaman ng mga tao at saganang relihiyosong mga turo. Hindi sila nakatuon sa kung gaano kalaki sa disposisyon ng mga tao ang nabago o gaano karaming tao ang nakauunawa sa katotohanan. Hindi sila nagmamalasakit sa sangkap ng mga tao, o kahit subuking alamin ang normal at di-normal na mga katayuan ng mga tao. Hindi nila sinasalungat ang mga paniwala ng mga tao o ibinubunyag ang kanilang mga paniwala, lalong hindi inaayos ang kanilang mga kakulangan o mga katiwalian. Karamihan sa mga tao na sumusunod sa kanila ay naglilingkod sa pamamagitan ng likas nilang mga kaloob, at ang kanilang ipinahahayag ay kaalaman at malabong relihiyosong katotohanan, na hindi makatotohanan at lubusang hindi nakapagbibigay ng buhay sa mga tao. Sa totoo lang, ang sangkap ng kanilang gawain ay pag-aalaga sa kakayahan, pag-aalaga sa isang tao na walang kahit ano tungo sa isang matalinong nagtapos sa seminaryo na nang maglaon ay gumawa at nanguna.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Naglilingkod ka sa Diyos sa iyong likas na karakter, at ayon sa iyong mga personal na mga kagustuhan; bukod dito, pilit mong iniisip na iniibig ng Diyos ang lahat ng gustuhin mo, at kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng hindi mo gusto, at ang iyong gawain ay lubusang ginabayan ng iyong kagustuhan. Matatawag ba itong paglilingkod sa Diyos? Sa bandang huli, ni katiting ay walang magbabago sa iyong disposisyon sa buhay. Sa katunayan, mas titigas ang iyong kalooban dahil ikaw ay naglilingkod sa Diyos, at lalo nitong ibabaon ang iyong tiwaling disposisyon. Sa iyong kalooban, ikaw ay bubuo ng mga doktrina ng paglilingkod sa Diyos, walang iba kundi batay sa iyong sariling karakter, at ang karanasang nagmula sa iyong paglilingkod ayon sa iyong sariling disposisyon. Ang mga ito ay mga aral at karanasan ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa buhay. Ang mga taong tulad nito ay kabilang sa mga Pariseo at mga relihiyosong opisyal. Kung hindi sila kailanman magigising at magsisisi, sa bandang huli sila ay magiging huwad na Kristo na lilitaw sa mga huling araw. Sila ay magiging mga manlilinlang. Ang mga huwad na Kristo at mga manlilinlang na napag-uusapan ay manggagaling sa ganitong klaseng mga tao. Kung ang mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa kanilang karakter at kumilos ayon sa kanilang sariling kalooban, kung gayon patuloy silang manganganib na mapalayas. Sa mga ginamit ang kanilang maraming taong karanasan sa paglilingkod sa Diyos upang manlinlang ng mga puso ng mga tao, mangaral at mag-kontrol ng mga tao, itinaas ang kanilang mga sarili-at sinumang hindi kailanman nagsisi, hindi kailanman nangumpisal, hindi kailanman tinalikuran ang mga benepisyo ng posisyon-ang mga taong ito ay babagsak sa harapan ng Diyos. Ang mga taong ito ay kapareho ni Pablo, mapagmataas at ipinangangalandakan ang kanilang mataas na katungkulan. Hindi gagawing perpekto ng Diyos ang mga taong tulad nito. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa mga gawain ng Diyos.

mula sa “Pagtatapos ng Relihiyosong Serbisyo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tingnan ang mga pinuno ng bawat denominasyon at sekta. Lahat sila ay mayayabang at mapagmagaling, at ipinapaliwanag nila ang Biblia na wala sa konteksto at ayon sa kanilang sariling imahinasyon. Silang lahat ay umaasa sa mga regalo at katalinuhan upang gawin ang kanilang trabaho. Kung sila ay walang kakayahang mangaral ng kahit ano, susundan kaya sila ng mga taong iyon? Sila, kahit papaano, ay nagtataglay ng ilang kaalaman, at maaaring magsalita nang kaunting doktrina, o alam kung paano akitin ang mga iba at kung paano gamitin ang ilang mga katusuhan, na kung saan dinala nila ang mga tao sa harapan ng kanilang mga sarili at dinaya sila. Sa pangalan lamang, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos—subalit sa realidad sila ay sumusunod sa kanilang mga pinuno. Kapag nakatagpo nila yaong mga nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila ay magsasabi, “Kailangang konsultahin natin siya tungkol sa ating paniniwala sa Diyos.” Tingnan kung paanong kinakailangan nila ang pahintulot ng isang tao upang maniwala sa Diyos; hindi ba ito isang problema? Ano na ang kinahinatnan ng mga pinunong iyon, samakatuwid? Hindi ba sila naging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at katitisurang mga hadlang sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?

mula sa “Tanging Ang Pagtugis ng Katotohanan Ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Kung ikaw ay naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon, ngunit hindi ka kailanman sumunod sa Kanya o tinanggap ang lahat ng Kanyang mga salita, at sa halip ay hiniling sa Diyos na sumailalim Siya sa iyo at sundin ang iyong mga paniwala, kung gayon ikaw ang pinaka-mapaghimagsik sa lahat, at ikaw ay hindi mananampalataya. Paanong ang isang kagaya nito ay magagawang sumunod sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi sumusunod sa mga paniwala ng tao? Ang pinaka-suwail na tao ay isa na sadyang sinasalungat at tinatanggihan ang Diyos. Siya ay kaaway ng Diyos at isang anti-kristo. Ang gayong tao ay laging nagpapanatili ng poot laban sa bagong gawa ng Diyos, nagpapakita ng walang layuning sumailalim, at kailanman ay hindi naging masayang sumunod o nagpakababa ang sarili. Itinataas niya ang kanyang sarili sa harap ng iba at kailanman ay hindi sumailalim sa iba. Sa harap ng Diyos, itinuturing niya ang kanyang sarili na pinaka-marunong sa pangangaral ng "salita" at pinaka-bihasa sa paggawa sa iba. Kailanman ay hindi siya nagtapon ng kayamanan na nasa kaniyang pag-aari, ngunit itinuring ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya na dapat sambahin, na ipangaral sa iba, at ginagamit upang turuan ang mga hangal na sumasamba sa kanya. Mayroon talagang iilang ganoong mga tao sa iglesia. Maaaring sabihin na sila ay "matigas na mga bayani," sali't salinlahing nakikipamayan sa bahay ng Diyos. Iniisip nila na ang pangangaral sa "salita" (doktrina) ang kanilang pinakamataas na tungkulin. Isang taon pagkatapos ng isa pa at isang henerasyon pagkatapos ng isa pa, isinasagawa nila ang kanilang mga banal at sagradong tungkulin. Walang naglalakas-loob na hawakan sila at walang naglalakas-loob na lantarang sisihin sila. Sila ay naging "hari" sa bahay ng Diyos, na kumikilos ng napakalupit sa mga kapanahunan. Ang mga demonyong ito ay naghahangad maghawak-kamay at magsama-samang wasakin ang Aking gawain; paano Ko mapahihintulutan ang mga buhay na demonyong ito na umiiral sa harap Ko?

mula sa “Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawasiwas nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng mga taong iyon ay demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at sagabal na humahadlang sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may "malulusog na laman", paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay antikristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng kaluluwang lalamunin?

mula sa “Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao