Sinasabi ninyong si Cristo ang katotohanan, ang landas, at ang buhay. Ito ang patotoo ng Banal na Espiritu at hindi ito mapag-aalinlanganan. Ngunit nakatala rin sa Biblia ang mga salita ng ilang dakilang espirituwal na mga eksperto at mga apostol ng Panginoong Jesus. Ang mga pagpapahayag ba nila ay maituturing na salita ng Diyos? Kung ang sinasabi nila ay tunay na maituturing na salita ng Diyos, kung gayon hindi ba sila rin ang katotohanan, ang landas, at ang buhay? Ang masasabi ko lang, walang pagkakaiba sa pagitan ng kanilang mga salita at sa mga salita ng Panginoong Jesus, lahat ay itinuturing na salita ng Diyos. Bakit hindi itinuturing ang mga ito bilang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Agosto 26, 2018

Sagot: Kung talagang nakikilala ng mga mananampalataya na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, talagang napakahalaga nito, at ipinapakita na ang gayong mga mananampalataya ay may tunay na alam sa diwa ni Cristo. Ang gayong tao lamang ang masasabing tunay na nakakakilala sa Diyos. Si Cristo ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang mga kumikilala kay Cristo at makasusunod sa Kanya ang nakakakilala sa Diyos dahil ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay nagmumula lahat sa Diyos, lahat ay mula sa mga pahayag ng Cristong nagkatawang-tao. Maliban kay Cristo, wala nang katotohanan, daan, at buhay, kaunti lamang ang mga taong nakauunawa nito. Ginagamit ng Diyos ang kakayahan ng taong makilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang pamantayan sa pagsubok Niya sa tao. Ang mga nakatutugon lamang sa pamantayang ito sa kanilang paniniwala ang magkakamit ng papuri ng Diyos. Lahat ng tumatanggap at sumusunod sa pagkakatawang-tao ng Diyos ay mga mananagumpay na dinadala sa harapan ng Diyos para gawin munang perpekto. Ang mga hindi tumatanggap at sumusunod kay Cristo ay ipadadala upang danasin ang dusang dulot ng mga kalamidad dahil hindi nila kinikilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos at maituturing na mga mangmang na dalaga. Tulad noong dumating ang Panginoong Jesus, dinala Niya ang lahat ng nagmamahal sa katotohanan at ang mga tumanggap sa Kanyang salita at tunay na sumunod sa Kanya sa tuktok ng bundok, personal na ginagabayan at tinuturuan sila, habang hindi pinapansin ang mga nasa relihiyosong daigdig at ang mga naniniwala lamang sa Diyos para sa sarili nilang kapakinabangan dahil naniwala lamang sila sa malabong Diyos ng mataas na kalangitan at hindi tinanggap ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Bulag sila sa hindi nila pagkilala sa Diyos. Kaya yaon lamang mga tumatanggap at sumusunod sa nagkatawang-taong Cristo ang tatanggap ng papuri ng Diyos at gagawin Niyang perpekto. Bakit si Cristo lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay? Basahin natin ang isang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sinuman, ni hindi rin ito isang bagay na madaling matamo ng sinuman. Ito ay sapagkat maaari lamang magmula sa Diyos ang buhay, na ibig sabihin, tanging ang Diyos Mismo lamang ang may taglay sa diwa ng buhay, at tanging ang Diyos Mismo lamang ang may daan ng buhay. At sa gayon, tanging ang Diyos lamang ang pinagmumulan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Magmula noong nilikha Niya ang mundo, marami nang nagawang gawain ang Diyos na may kinalaman sa sigla ng buhay, marami nang nagawang gawain na nagbibigay-buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang magkamit ng buhay ang tao. Ito ay sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan kung saan muling binuhay ang tao. … tanging ang Diyos lamang ang nagtataglay ng daan ng buhay. Dahil ang Diyos ay ang buhay na hindi nagbabago, Siya kung gayon ang buhay na walang hanggan; dahil tanging ang Diyos lamang ang daan ng buhay, ang Diyos Mismo sa gayon ang daan ng buhay na walang hanggan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos nakikita natin na ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay mula lahat sa Diyos. Tanging Diyos Mismo ang nagtataglay ng landas ng buhay. Sinasabi ng Biblia, “Nang pasimula Siya ang Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos, at ang Salita ay Diyos(Juan 1:1). Ang Verbo ay Diyos. Ang Verbo ay salita ng Diyos. Ang Verbo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Verbo na naging tao ay tumutukoy sa Espiritu ng Diyos na nagkatotoo sa katawang-tao, ibig sabihin ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay dumating lahat sa katawang-tao. Gaya ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Salita ay nagkatawang-tao at ang Espiritu ng katotohanan ay nagkatotoo sa katawang-tao—na lahat ng katotohanan, ng daan, at ng buhay, ay naparito na sa katawang-tao, at ang Espiritu ng Diyos ay talagang dumating na sa lupa at ang Espiritu ay naparito na sa katawang-tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 4). Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kapwa patotoo sa katunayan na Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Nagbigay ito sa tao ng malaking pagbubunyag, ipinakita nito sa kanila na tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ang mga salita at gawa ni Cristo, lahat ng mayroon at kung ano Siya ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ito ang diwa ni Cristo. Kapag ipinapahayag ni Cristo ang salita ng Diyos, ginagawa Niya ito bilang Diyos Mismo na gumagawa sa gawain ng Diyos, winawakasan ang naunang kapanahunan at nagpapasimula ng bagong kapanahunan, ginagawa ang gawain sa buong kapanahunan ng sangkatauhan. Ang salita ng Diyos na ipinapahayag ni Cristo ang kabuuan ng Kanyang salita sa isang yugto ng gawain. Tunay na ito ang pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, ang hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos, at ang mga hinihingi at balakin ng Diyos para sa sangkatauhan. Lahat ng Kanyang salita ay ang katotohanan. Hindi lamang nito binubuo ang buhay ng tao, maaari din itong magbigay ng buhay sa tao. Tulad nang dumating ang Panginoong Jesus, ipinahayag Niya ang lahat ng katotohanan na kinailangan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya, tinutulutan ang tao na ipagtapat ang kanyang mga kasalanan, magsisi at bumalik sa harap ng Diyos, na nagpagindapat sa kanya na manalangin sa Diyos at lumapit sa Diyos upang matamasa ang Kanyang biyaya, at makita ang Kanyang awa at pagmamahal. Ito ang epektong nakamit ng gawain ng pagtubos. Tinulutan ng gawain ng Panginoong Jesus na mapatawad ang mga kasalanan ng tao, tinutubos ang mga tao mula sa kasalanan. Isinagawa ng Panginoong Jesus ang isang yugto ng gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, na pinasisimulan ang Kapanahunan ng Biyaya at winawakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay dumating na, ipinahayag ang lahat ng katotohanan na nagdadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan, at isinagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, tinutulutan ang tao na makita ang matuwid na disposisyon at pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos, dinadalisay at binabago ang disposisyon ng buhay ng tao, upang ang tao ay matakot sa Diyos at talikuran ang masama, at makipagbuno nang lubusan sa impluwensya ni Satanas, upang bumalik sa harap ng Diyos at makuha ng Diyos. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang nagpapasimula sa Kapanahunan ng Kaharian at nagwawakas sa Kapanahunan ng Biyaya. Ipinapakita nito sa atin na lahat ng sinasabi, ginagawa, ipinapahayag at ipinapatunay ni Cristo ay katotohanang lahat. Tanging si Cristo ang makapagtuturo sa tao tungo sa tamang daan, at makapagbibigay sa tao ng buhay at kaligtasan, walang taong nagtataglay o maaaring magpahayag ng gayong mga bagay. Si Cristo ang bukal ng buhay ng tao, Siya ang pagpapakita ng Diyos. Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, ang tanging pagtubos at kaligtasan ng tao. Bukod kay Cristo, walang taong nagtataglay ng katotohanan, ng daan, at ng buhay, madaling makita ang katotohanang ito!

Si Cristo ang pagkakatawang-tao ng Diyos, kaya’t Siya ay may diwang banal, samantalang ang mga propeta at mga apostol, dahil hindi sila ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ay nagtataglay lamang ng diwa ng tao, kaya’t hindi natin maaaring ipantay ang mga propeta at mga apostol sa lebel ni Cristo. Ang Diyos na nagkatawang-tao ang larawan ng katotohanan, at ang bukal na pinagmumulan ng salita ng Diyos, kaya’t kaya Niyang ipahayag nang direkta ang katotohanan upang bigyan ang tao ng buhay, samantalang ang mga propeta at mga apostol ay maipapasa lamang ang salita ng Diyos, o, sa kaliwanagang hatid ng Banal na Espiritu, ay nagsasalita nang naaayon sa katotohanan, ngunit ang kanilang diwa ay sa tao, hindi sila ang Diyos na nagkatawang-tao. Kaya’t tiyak na hindi nila taglay ang katotohanan, at hindi maipahayag ang katotohanan. Sila lamang ang mga ginagamit ng Diyos upang diligan, suplayan at gabayan ang Kanyang pinili, tinutupad nila ang kanilang mga tungkulin bilang tao, tiyak na hindi sila kwalipikado upang direktang mabigkas ang tinig ng Banal na Espiritu. Basahin natin ang ilang mga sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Ang salita ng Diyos ay hindi maaaring ituring na salita ng tao, at lalong hindi maaaring ituring ang salita ng tao na salita ng Diyos. Ang isang taong kinakasangkapan ng Diyos ay hindi ang Diyos na nagkatawang-tao, at ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi ang taong kinakasangkapan ng Diyos. Dito, mayroong malaking pagkakaiba. … Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapasimula ng isang bagong kapanahunan, ginagabayan ang buong sangkatauhan, naghahayag ng mga hiwaga, at ipinapakita sa tao ang direksyong dapat niyang sundan sa bagong kapanahunan. Ang kaliwanagang natamo ng tao ay simpleng tagubilin lamang na isasagawa o para sa kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o maihahayag ang mga hiwaga ng Diyos Mismo. Pagkatapos ng lahat, ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, at ang tao ay may diwa ng tao. Kung ituturing ng tao ang mga salitang sinambit ng Diyos bilang simpleng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at ituturing ang mga salita ng mga apostol at propeta bilang mga salitang personal na sinambit ng Diyos, pagkakamali iyan ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Ang ibig sabihin nito ay na ang pagbabahagi ng tao ay naiiba sa salita ng Diyos. Ipinararating ng ibinabahagi ng tao ang kanilang indibidwal na mga kabatiran at karanasan, ipinapahayag ang kanilang mga kabatiran at karanasan batay sa gawain ng Diyos. Ang kanilang responsibilidad ay alamin, pagkatapos gumawa o magsalita ang Diyos, kung ano ang kailangan nilang isagawa o pasukin, at pagkatapos ay ihatid ito sa mga alagad. … Lahat ng ipinapahayag ng Diyos ay kung ano Siya Mismo, at hindi ito kayang abutin ng tao—ibig sabihin, hindi ito kayang abutin ng pag-iisip ng tao. Ipinapahayag Niya ang Kanyang gawaing pamunuan ang buong sangkatauhan, at wala itong kaugnayan sa mga detalye ng karanasan ng tao, kundi sa halip ay may kinalaman ito sa Kanyang sariling pamamahala. Ang ipinapahayag ng tao ay ang kanyang karanasan, samantalang ang ipinapahayag ng Diyos ay ang Kanyang pagkatao, na Kanyang likas na disposisyon, na hindi kayang abutin ng tao. Ang karanasan ng tao ay ang kanyang kabatiran at kaalamang nakamtan batay sa pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang katauhan. Ang ganitong kabatiran at kaalaman ay tinatawag na pagkatao ng tao, at ang batayan ng pagpapahayag ng mga iyon ay ang likas na disposisyon at kakayahan ng tao—kaya nga tinatawag din ang mga iyon na pagkatao ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao).

Halimbawa na lang ay sina Pablo at Pedro. Wala silang sarili nilang mga karanasan bago nanguna si Jesus sa landas. Naranasan lang nila ang mga salitang sinabi ni Jesus at ang landas na pinangunahan Niya matapos pangunahan ni Jesus ang landas; mula rito ay nagkaroon sila ng maraming karanasan, at sinulat ang mga liham(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan).

Nililinaw ng salita ng Makapangyarihang Diyos ang pagkakaiba ng talumpati at ng diwa ng mga tao na ginagamit ng Diyos at ang kay Cristo Mismo. Si Cristo ang direktang pagpapahayag ng Banal na Espiritu, kaya’t lahat ng ipinapahayag ni Cristo ay salita ng Diyos at katotohanan. Sa mga apostol at mga eksperto sa espirituwal na bagay naman, kahit ito ay sa kanilang mga liham, talumpati o mga panulat, nasasalamin lang dito ang kanilang personal na karanasan at pagkaunawa sa salita ng Diyos. Kahit na karamihan ng sinasabi nila ay ayon sa katotohanan, hindi ito matatawag na salita ng Diyos. Malawak pa rin ang agwat sa pagitan ng gayong mga panulat at ng mga katotohanang ipinapahayag ni Cristo. Naniniwala ang mga tao na ang sinasabi nila ay ayon sa katotohanan dahil natanggap nila ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu at naranasan at naunawaan ang salita ng Diyos. Ngunit kung wala ang pagpapahayag ni Cristo ng katotohanan, ang mga apostol at mga espirituwal na eksperto ay hindi magkakaroon ng karanasan o pang-unawa sa salita ng Diyos, ibig sabihin ang salita at gawain ni Cristo ay nagsisilbing pundasyong kinasasaligan ng kanilang gawain. Nang ipahayag lamang ni Cristo ang katotohanan ay doon ito naranasan at naunawaan ng mga apostol. Kaya’t, sa konteksto ng gawain ng Diyos, tanging si Cristo ang makapagpapahayag ng salita ng Diyos. Ang mga salita ng mga taong ginagamit ng Diyos ay kakikitaan lamang ng kanilang personal na pang-unawa at karanasan, ang mga ito ay patotoo at pagpapalaganap ng salita na ipinahayag ni Cristo. Wala sa kaalamang tinatalakay nila ang makahihigit sa salita ni Cristo, at wala sa sinasabi nila ang makakaabot sa antas ng kalaliman ng sariling salita ni Cristo. Kaya kahit gaano pa tumugma ang kanilang salita sa katotohanan, hindi nito kailanman maaabot ang diwa ng katotohanan ng salita ng Diyos. Iyan ang totoo.

Ang katotohanang ipinapahayag ni Cristo ay hindi nauubos. Ito ang walang-hanggang bukal ng tubig ng buhay para sa tao. Kahit tumatanggap ang mga propeta ng tagubilin sa Diyos at inihahatid ang Kanyang salita, ang salitang inihahatid nila ay kaiba sa salitang ipinapahayag ng Diyos sa Kanyang gawain. Hindi magagawa ng mga propeta ang gawain ng Diyos, maihahatid lamang nila ang salita ng Diyos sa espesyal na mga kalagayan. Nagpapahayag sila ng mga babala sa mga taong pinili ng Diyos sa konteksto ng espesyal na mga kalagayan o kaganapan, nagbabahagi rin sila ng panghihimok, pag-alo, at mga propesiya upang gabayan ang mga tao ng Israel. Ang mga propeta ay ang mga tao lamang na ginamit ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan na tinawag Niya sa iba’t ibang panahon. Naihatid nila ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng tagubilin ng Diyos na Jehova. Tinutulungan lamang nila ang Diyos na kumpletuhin ang ilang maliliit na gawa, lahat ng ginawa nila ay kinapalooban ng pagtupad sa kanilang mga tungkulin bilang tao. Kung wala ang tagubilin ng Diyos, hindi sila makakakilos para ihatid ang salita ng Diyos. Ito ay patunay na wala sa mga propeta ang katotohanan, ang daan ng buhay. Hindi ito maitatatwa. Mm. Kapag ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpapasimula ng kapanahunan, lahat ng gawain ay direktang isinasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, at ipinapahayag Niya ang buong kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan at ang isasagawa Niyang gawain. Ibig sabihin, tanging si Cristo ang direktang makapagpapahayag ng salita ng Diyos, tanging si Cristo ang makatutupad sa gawain ng “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.” Ang baha-bahaging pagpapalabas ng mga propeta ay hindi kumakatawan sa nagpapasimula ng panahon na gawain ng Diyos. Hindi ito mapag-aalinlanganan. Kahit gaano karami ang isinulat na mga liham o libro ng mga apostol at mga espirituwal na eksperto, sa huli, ang naipahayag nila ay katumbas lamang ng kanilang personal na karanasan at pang-unawa, kanilang indibiduwal na patotoo, hindi ito maikukumpara sa pagpapahayag ni Cristo sa salita ng Diyos. Kaya kahit ito ang mga taong ginagamit ng Diyos, ang mga apostol, o espirituwal na mga eksperto, wala sa kanila ang maituturing bilang katotohanan, ang daan, at ang buhay, sila mismo ay hindi mangangahas na sabihing sila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at tiyak na hindi sila mangangahas na sabihing ang mga salitang binigkas nila ay mga salita ng Diyos o ang katotohanan. Maaari nating makita mismo, ito man ay mga apostol o ang mga espirituwal na eksperto, kahit ilang taon na silang nagtatrabaho, na may limitasyon ang maaari nilang gawin. Hindi nila maililigtas o magagawang perpekto ang sangkatauhan. Tanging si Cristo ang makapagliligtas at makagagawang perpekto sa sangkatauhan, iyan ang totoo. Kaya’t tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Wala ni isa sa mga apostol o mga espirituwal na eksperto ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman