Ano ang mga tao ng Diyos at ano ang mga taga-serbisyo

Abril 21, 2018

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang kalagayan ngayon ay hindi tulad noong dati, at ang Aking gawain ay nakapasok na sa isang bagong panimula. Yamang ganoon nga, magkakaroon ng isang bagong pamamaraan: Lahat ng nagbabasa ng Aking salita at tinatanggap ito bilang kanilang sariling buhay ay mga tao sa Aking kaharian, at dahil sila ay nasa Aking kaharian, sila ay bayan ng Aking kaharian. Sapagka’t tinatanggap nila ang gabay ng Aking mga salita, kahit na sila ay tinataguriang bilang Aking bayan, ang titulong ito ay hindi pumapangalawa sa anumang paraan sa pagkatawag bilang Aking “mga anak.” Pagkatapos na gawing bayan ng Diyos, lahat ay dapat na maglingkod na may lubos na malasakit sa Aking kaharian at tuparin ang kanilang mga tungkulin sa Aking kaharian. Sinumang sumusuway sa Aking mga atas administratibo ay dapat tumanggap ng Aking kaparusahan. Ito ang Aking payo sa lahat.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 1

Yamang tinatawag kayo na Aking mga tao, dapat ninyong makayang luwalhatiin ang Aking pangalan; ibig sabihin, magpatotoo sa gitna ng pagsubok. Kung tangkain ng sinuman na utuin Ako at itago ang totoo sa Akin, o sumali sa nakahihiyang mga gawain habang nakatalikod Ako, palalayasin ang gayong mga tao, lahat sila, at aalisin mula sa Aking bahay upang maghintay na harapin Ko sila. Yaong mga naging taksil at masuwayin sa Akin noong araw, at ngayon ay muling nagbabangon upang hatulan Ako nang lantaran—sila man ay palalayasin sa Aking bahay. Yaong Aking mga tao ay kailangang palaging magpakita ng konsiderasyon sa Aking mga pasanin at hangarin ding maunawaan ang Aking mga salita. Ang mga tao lamang na katulad nito ang Aking liliwanagan, at siguradong mabubuhay sila sa ilalim ng Aking patnubay at kaliwanagan, nang hindi kailanman humaharap sa pagkastigo. Yaong mga tao, na bigong magpakita ng konsiderasyon sa Aking mga pasanin, na nagtutuon sa pagpaplano para sa sarili nilang hinaharap—ibig sabihin, yaong mga walang layuning kumilos upang palugurin ang puso Ko, kundi sa halip ay naghahanap ng mga bigay-bigay—ang mga tila-pulubing nilalang na ito ang ayaw Ko talagang kasangkapanin, dahil mula nang ipanganak sila, wala silang anumang alam kung ano ang kahulugan ng magpakita ng konsiderasyon sa Aking mga pasanin. Sila ay mga taong walang normal na katinuan; ang gayong mga tao ay maysakit na “malnutrisyon” sa utak, at kailangang umuwi para sa kaunting “pangangalaga.” Walang silbi sa Akin ang gayong mga tao. Sa Aking mga tao, lahat ay kailangang maobligang ituring na tungkulin nilang makilala Ako na dapat makita hanggang sa huli, tulad ng pagkain, pagbibihis, at pagtulog, isang bagay na hindi kailanman nalilimutan ng isang tao sa isang saglit, upang sa bandang huli, ang pagkilala sa Akin ay maging kasing-pamilyar ng pagkain—isang bagay na ginagawa mo nang walang kahirap-hirap, na praktisado ang kamay. Tungkol naman sa mga salitang Aking sinasambit, bawat isa nito ay kailangang tanggapin nang may sukdulang pananampalataya at lubos na maunawaan; hindi maaaring magkaroon ng mga pagkilos na walang interes at hindi lubus-lubusan. Sinumang hindi pumapansin sa Aking mga salita ay ituturing na tuwirang lumalaban sa Akin; sinumang hindi kumakain ng Aking mga salita, o hindi naghahangad na malaman ang mga iyon, ay ituturing na hindi nakikinig na mabuti sa Akin, at tuwirang palalabasin sa pintuan ng Aking bahay. Ito ay dahil, tulad ng sinabi Ko na noong araw, ang nais Ko ay hindi ang maraming tao, kundi ang kahusayan. Sa isandaang tao, kung iisa lamang ang nakakakilala sa Akin sa pamamagitan ng Aking mga salita, handa Akong itapon ang lahat ng iba pa upang liwanagan at paliwanagin ang iisang ito. Mula rito ay makikita ninyo na hindi palaging totoo na sa mas malaking bilang ng mga tao lamang Ako maaaring makita at maisabuhay. Ang nais Ko ay trigo (kahit maaaring hindi puno ang mga butil) at hindi mga mapanirang damo (kahit puno ang mga butil para hangaan). Tungkol naman sa mga walang pakialam sa paghahangad, kundi sa halip ay pabaya kung kumilos, dapat silang kusang umalis; ayaw Ko na silang makita, kung hindi ay patuloy silang magbibigay ng kahihiyan sa Aking pangalan. Hinggil sa kinakailangan Ko sa Aking mga tao, titigil Ako sa mga panuntunang ito sa ngayon, at maghihintay upang gumawa ng karagdagang mga parusa, depende sa kung paano magbabago ang sitwasyon.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 5

Ang isang tao na talagang kayang pumayapa sa presensya ng Diyos ay nagagawang palayain ang kanilang sarili mula sa lahat ng makamundong ugnayan, at maangkin ng Diyos. Lahat ng walang kakayahang pumayapa sa presensya ng Diyos ay tiyak na buktot at hindi masawata. Lahat ng may kakayahang pumayapa sa harap ng Diyos ay yaong mga banal sa harap ng Diyos, at nasasabik sa Diyos. Yaon lamang mga payapa sa harap ng Diyos ang nagpapahalaga sa buhay, nagpapahalaga sa pakikisama sa espiritu, nauuhaw sa mga salita ng Diyos, at naghahangad na matamo ang katotohanan. Sinumang hindi nagpapahalaga sa pagiging payapa sa harap ng Diyos at hindi isinasagawang pumayapa sa harap ng Diyos ay hambog at mapagpaimbabaw, nakakapit sa mundo at walang buhay; kahit sabihin pa nila na naniniwala sila sa Diyos, sabi lang nila iyon. Yaong mga pinerpekto ng Diyos sa huli at ginagawang ganap ay mga taong kayang pumayapa sa Kanyang presensya. Samakatuwid, yaong mga payapa sa harap ng Diyos ay binibiyayaan ng mga dakilang pagpapala. Ang mga taong bihirang gumugugol ng oras na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa buong maghapon, na abalang-abala sa mga bagay na walang kinalaman sa kanila at kakatiting ang pagpapahalaga sa pagpasok sa buhay—mapagkunwari silang lahat na walang pag-asang lumago sa hinaharap. Yaong mga kayang pumayapa sa harap ng Diyos at tunay na makipagniig sa Diyos ang mga tao ng Diyos.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagpapatahimik sa Puso Mo sa Harap ng Diyos

Isang miyembro ng sambahayan at kaharian ng Diyos—saan nanggaling ang titulong ito? Paano ito natatamo ng mga tao? Nanggaling ito sa pagsasakripisyo at, sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan, nahanap mo na ang katotohanan at nakarating ka na sa isang antas ng pagbabago sa iyong disposisyon; kaya mo na ngayong magpasakop sa Diyos at gumalang sa Kanya, at naging miyembro ka na ng Kanyang sambahayan. Gaya nina Job at Pedro, hindi mo na kailangang dumaan sa pag-uusig at pagtitiwali ni Satanas. Nagagawa mong mamuhay nang malaya sa sambahayan ng Diyos at sa Kanyang kaharian, at hindi mo na kailangang labanan ang iyong tiwaling disposisyon; ikaw, sa paningin ng Diyos, ay isang tunay na pakay ng paglikha at isang tunay na tao. Ang ibig sabihin nito ay na ang mga araw ng paghihirap na dinanas ng isang taong nagawang tiwali ni Satanas ay ganap nang tapos; ngayon ang panahon ng kapayapaan, kagalakan, at kaligayahan, kung kailan maaaring mabuhay ang isang tao sa liwanag ng mukha ng Lumikha at mabuhay sa tabi ng Diyos.

Hinango mula sa “Ginagawa Lamang Nila ang Kanilang Tungkulin upang Maitangi ang Kanilang mga Sarili at Magatungan ang Kanilang Sariling Mga Kapakanan at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Kapakanan ng Bahay ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa ang mga Kapakanang Iyon Kapalit ng Personal na Kaluwalhatian (IX)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Ang tao ay lubusang gagawing ganap sa Kapanahunan ng Kaharian. Pagkatapos ng gawain ng panlulupig, ang tao ay isasailalim sa pagpipino at kapighatian. Yaong mga makakapagtagumpay at makakatayong saksi sa panahon nitong kapighatian ay yaong mga gagawing ganap sa kahuli-hulihan; sila ang mga mananagumpay. Sa panahon nitong kapighatian, kinakailangan sa tao na tanggapin ang pagpipinong ito, at ang pagpipinong ito ang huling pagkakataon sa gawain ng Diyos. Ito ang huling panahon na pipinuhin ang tao bago ang pagtatapos ng lahat ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ng sumusunod sa Diyos ay kailangang tanggapin itong huling pagsubok, kailangan nilang tanggapin itong huling pagpipino. Yaong mga lugmok sa kapighatian ay walang gawain ng Banal na Espiritu at paggabay ng Diyos, ngunit yaong mga tunay na nalupig na at tunay na naghahangad sa Diyos ay makakatayong matatag sa kahuli-hulihan; sila yaong mga may angking pagkatao, at siyang mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Kahit na ano ang ginagawa ng Diyos, ang mga matagumpay na ito ay hindi mawawalan ng mga pangitain at patuloy pa ring magsasagawa ng katotohanan nang hindi nabibigo sa kanilang patotoo. Sila yaong mga makalalampas sa matinding kapighatian sa wakas.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Kung titingnan natin ang pariralang “mga tagapagsilbi” mula sa literal na pananaw, para maintindihan ito ayon sa mga katagang pangwika ng tao, ang ibig sabihin nito ay mga pansamantalang manggagawa na naglalaan ng mga pansamantalang serbisyo sa isang partikular na industriya o trabaho, at na kinakailangan paminsan-minsan. Sa sambahayan ng Diyos, sa Kanyang plano ng pamamahala at sa Kanyang gawain, talagang kailangang-kailangan ang grupo ng mga taong tinatawag na mga tagapagsilbi. Kapag dumarating ang gayong mga tao sa sambahayan ng Diyos, at pumupunta sa lugar kung saan gumagawa ang Diyos, wala silang alam tungkol sa Diyos o sa pananampalataya, ni wala silang anumang alam tungkol sa Kanyang gawain o sa Kanyang plano ng pamamahala. Wala silang nauunawaan; mga karaniwang tao lamang sila. Ano ang tawag sa mga karaniwang tao sa sambahayan ng Diyos? Mga hindi mananampalataya. Kapag nagpupunta sa sambahayan ng Diyos ang mga taong hindi mananampalataya sa mga mata ng Diyos, ano ang magagawa nila? Ano ba talaga ang kailangan ng Diyos sa kanila? Dahil may tiwaling disposisyon ang mga tao, at dahil sa kanilang kalikasang diwa, ang magagawa nila ay ang gawin ang sinasabi sa kanila, isagawa ang anumang mga tagubiling ibinibigay sa kanila ng Diyos, pumunta saanman sila dalhin ng Kanyang gawain, at malaman ang anumang hinahayaan ng Kanyang mga salita na malaman nila. Ang magagawa lamang nila ay ang makaalam; hindi sila makapagtatamo ng pagkaunawa. Sa bawat bahagi ng gawain ng Diyos na hinihingi Niya, nakikipagtulungan lamang ang mga tao nang pasibo; hindi sila nagkukusa. Kung talagang nagkusa ka nang kaunti, naunawaan mo sana ang katotohanan at ang kalooban ng Diyos! Ang pagiging “pasibo” rito ay nangangahulugan na hindi mo alam kung ano ang nais gawin ng Diyos, hindi mo alam ang kahulugan ng ipinagagawa Niya sa iyo o kung saan nakasalalay ang halaga nito, at hindi mo alam kung anong uri ng landas ang dapat mong tahakin. Kapag nagpupunta ka sa sambahayan ng Diyos, para kang makina; anumang paraan ka pinagagana ng Diyos ay ang siyang paraan ng iyong paggana. Para saan ka kailangan ng Diyos? (Bilang isang bagay para sa pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan upang hatulan ang sangkatauhan.) Tama; isa kang bagay para sabihan ng Diyos ng Kanyang mga salita. Ano pa? Ang iyong mga kaloob, hindi ba? Mahalaga ba ang normal na pag-iisip ng tao? Gagamitin ka lamang ng Diyos kung taglay mo ang normal na pag-iisip ng tao. Kung hindi normal ang kalagayan ng iyong isipan, hindi ka karapat-dapat ni maging isang tagapagsilbi. Ano pa? (Ang mga kasanayan at kalakasan ng isang tao.) Sa madaling salita, lahat ng sari-saring kasanayang taglay ng mga tao. Ano pa? (Ang matibay na kapasyahang makipagtulungan sa Diyos.) Isang bagay rin ito na hinihingi Niya; isang klase ng hangarin sa mga tao ang makinig at magpasakop, at masasabi rin na ito ang hangaring mahalin ang mga positibong bagay at ang liwanag. Kung tatawagin natin itong isang matibay na kapasyahan, maaaring masyadong makitid iyan para masakop iyon. Mas malawak ang saklaw ng mga hangarin, at mas hindi gaanong mahalaga kaysa matitibay na kapasyahan pagdating sa naaabot ng mga ito. Ibig sabihin, nagsisimula ka sa isang hangarin, at pagkatapos mo lamang magkaroon ng isang hangarin saka ka unti-unting magkakaroon ng iba’t ibang matitibay na kapasyahan. Ang matitibay na kapasyahan ay mas kongkreto, samantalang mas malawak ang saklaw ng mga hangarin. Pagdating naman sa mga tiwaling tao, mula sa pananaw ng Lumikha, ito ang mga bagay kung saan kailangan ka ng Diyos. Ibig sabihin, kapag pumunta sa Kanyang sambahayan ang isang karaniwang taong walang anumang kaalaman tungkol sa Diyos, sa Kanyang pamamahala, sa Kanyang diwa, sa Kanyang mga pagbigkas, o sa Kanyang disposisyon, parang makina ang taong iyon. Ang magagawa ng taong iyon para sa Diyos at kung paano siya maaaring makipagtulungan sa gawain ng Diyos ay talagang walang kaugnayan sa pamantayang hinihingi ng Diyos (ang katotohanan). Ang mga bagay-bagay ng isang taong maaaring kasangkapanin ng Diyos ay yaong mga bagay na kababanggit lamang: Una, ang isang tao ay nagiging isang bagay para kausapin ng Diyos; pangalawa, ang iba’t ibang kaloob na taglay ng isang tao; pangatlo, ang pagtataglay ng normal na pag-iisip ng tao; pang-apat, ang iba’t ibang kasanayang taglay ng isang tao; at panglima—ang pinakamahalaga—ay ang pagkakaroon ng hangaring makinig at magpasakop sa mga salita ng Diyos. Mahalaga ang mga bagay na ito. Kapag taglay ng isang tao ang mga katangiang ito, nagsisimula siyang magsilbi sa gawain ng Diyos at sa Kanyang plano ng pamamahala. Sa gayon ay pormal na siyang nakapagsimula sa tamang landas, ibig sabihin, opisyal na siyang naging isang tagapagsilbi sa sambahayan ng Diyos.

Bago maunawaan ang mga salita ng Diyos, ang katotohanan, at ang kalooban ng Diyos, at bago magkaroon ng kahit isang hibla ng paggalang sa Diyos, ang tungkuling ginagampanan ng bawat tao ay maaari lamang yaong sa isang tagapagsilbi, at wala nang iba. Ibig sabihin, gayon ka gustuhin mo man o hindi; hindi mo matatakasan ang katawagang ito. Sinasabi ng ilang tao, “Ngunit buong buhay na akong naniniwala sa Diyos; ilang dekada na ang lumipas mula nang magsimula akong maniwala kay Jesus. Talaga bang isa pa rin akong tagapagsilbi lamang?” Anong tingin mo sa tanong na ito? Sino ang tinatanong mo? Kailangan mong itanong ito sa sarili mo: Nauunawaan mo na ba ang kalooban ng Diyos? Nagbibigay ka lamang ba ngayon ng kaunting pagsisikap, o isinasagawa mo ba ang katotohanan? Nakatapak ka na ba sa landas ng paghahanap at pag-unawa sa katotohanan? Nakapasok ka na ba sa katotohanang realidad? Ginagalang mo ba ang Diyos sa puso mo? Kung taglay mo ang mga katangiang ito, kaya mong manindigan kapag nahaharap ka sa mga pagsubok ng Diyos, at nagagawa mong matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, siyempre hindi ka na isang tagapagsilbi. Subalit, kung hindi mo taglay ang mga katangiang ito, walang duda na isa ka pa ring tagapagsilbi. Hindi ito matatakasan, at hindi rin maiiwasan.

Hinango mula sa “Ginagawa Lamang Nila ang Kanilang Tungkulin upang Maitangi ang Kanilang mga Sarili at Magatungan ang Kanilang Sariling Mga Kapakanan at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Kapakanan ng Bahay ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa ang mga Kapakanang Iyon Kapalit ng Personal na Kaluwalhatian (IX)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Kapag pumapasok ang mga tao sa sambahayan ng Diyos at hindi nila nauunawaan ang katotohanan, kundi mayroon lamang silang iba’t ibang hangarin o nagkakaroon lamang ng kaunting matibay na kapasyahang makipagtulungan, ang papel na maaari nilang gampanan sa panahong ito ay yaon lamang sa mga tagapagsilbi. Siyempre, hindi gaanong magandang pakinggan ang pariralang “nagsisilbi.” Sa ibang salita, nangangahulugan ito na ang mga tao ay nagsisilbi at nagpapakahirap para sa gawain ng plano ng pamamahala ng Diyos, ibig sabihin ay nagpapakahirap sila para doon. Hindi nila naiintindihan o nauunawaan ang anumang bagay, kundi mayroon silang ilang kasanayan at kaloob, at natututuhan at naipapasa nila ang sinasabi ng iba at nagagampanan nila ang ilang pangkalahatang gawain, ngunit pagdating sa iba’t ibang aspeto ng partikular na gawain ng pagliligtas at pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan, gayundin ang iba’t ibang aspeto ng gawaing may kaugnayan sa katotohanan, hindi sila makapaglaan ng anumang pagsisikap o magawang makipagtulugnan man lamang; nagsisikap lamang sila nang kaunti at nagsasabi ng ilang bagay habang gumagawa ng ilang pangkalahatang gawain, at gumagawa ng ilang gawaing may bahagyang kinalaman sa pagsisilbi. Kung ganito ang diwa ng tungkulin ng mga tao, o ng mga tungkuling kanilang ginagampanan at ng gawaing kanilang ginagawa sa sambahayan ng Diyos, mahihirapan silang alisin ang titulong “mga tagapagsilbi.” Bakit sila mahihirapang alisin iyon? Wala ba itong kinalaman sa paglalarawan ng Diyos sa kahulugan ng titulong ito? Madali lamang para sa mga tao na magsikap nang kaunti, at gumawa ng mga bagay gamit ang kanilang likas na mga kakayahan, kaloob, at talino. Gayunman, ang pamumuhay ayon sa katotohanan, pagpasok sa katotohanang realidad, pagkilos alinsunod sa kalooban ng Diyos—masyadong nakapapagod ang mga bagay na ito; kailangan ng mga ito ng panahon, mga taong pamumunuan, kaliwanagan mula sa Diyos, at pagdidisiplina ng Diyos. Bukod pa riyan, kailangan ng mga ito ang pagdating ng mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kaya, sa panahong kinakailangan para marating ang mithiing ito, ang kayang gawin at ibigay ng mga tao ay limitado lamang sa sandakot na mga bagay na iyon: Gumanap sa papel ng mga pakay na makakausap ng Diyos; magtaglay ng ilang kaloob at magkaroon ng kaunting silbi sa sambahayan ng Diyos; mag-isip sa paraan ng pag-iisip ng normal na pagkatao, at magawang maintindihan at maisagawa ang anumang trabahong itinatalaga sa iyo; masangkapan ng ilang kasanayan at magawang gamitin ang iyong mga kalakasan sa anumang trabahong ipinagagawa sa iyo sa sambahayan ng Diyos; at, ang pinakamahalaga, magkaroon ng hangaring makinig at magpasakop. Kapag nagsisilbi sa sambahayan ng Diyos, at kapag nagsisikap para sa gawain ng Diyos, kung mayroon ka noong katiting na kagustuhang makinig at magpasakop, hindi mo magagawang tumakbo palayo o magpasimula ng gulo; sa halip, gagawin mo ang lahat ng makakaya mo para pigilan ang iyong sarili at gumawa ng mas kaunting masasamang bagay at mas maraming mabubuting bagay. Ito ang kalagayan at kondisyon ng karamihan sa mga tao, hindi ba?

Hinango mula sa “Ginagawa Lamang Nila ang Kanilang Tungkulin upang Maitangi ang Kanilang mga Sarili at Magatungan ang Kanilang Sariling Mga Kapakanan at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Kapakanan ng Bahay ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa ang mga Kapakanang Iyon Kapalit ng Personal na Kaluwalhatian (IX)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Ang “pagsisilbi” ay isang salitang di-gaanong magandang pakinggan, ni hindi ito naaayon sa mga naisin ng lahat, ngunit dapat nating tingnan kung kanino ito nakatuon. Ang pag-iral ng mga tagasilbi ng Diyos ay may espesyal na kabuluhan. Wala nang iba pang maaaring gumanap sa kanilang papel, sapagkat pinili sila ng Diyos. At ano ang papel ng mga tagasilbing ito? Iyon ay para magsilbi sa mga hinirang ng Diyos. Kadalasan, ang papel nila ay magsilbi sa gawain ng Diyos, makipagtulungan dito, at tumulong sa Diyos sa paggawang ganap ng Kanyang mga hinirang. Nagtratrabaho man sila, nagsasagawa ng isang aspeto ng gawain, o gumaganap sa ilang tungkulin, ano ang kinakailangan ng Diyos sa mga tagasilbing ito? Mapaghanap ba Siyang masyado sa mga kinakailangan Niya sa kanila? (Hindi, hinihiling lamang Niya na maging tapat sila.) Ang mga tagasilbi ay kailangan ding maging tapat. Ano man ang iyong mga pinagmulan o bakit pinili ka ng Diyos, kailangan mong maging tapat sa Diyos, sa anumang mga tagubiling ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos, at sa gawaing responsibilidad mo at sa mga tungkuling ginagampanan mo. Para sa mga tagasilbing may kakayahang maging tapat at magpalugod sa Diyos, ano ang kanilang kahihinatnan? Magagawa nilang manatili. Isang pagpapala ba ang maging isang tagasilbi na nananatili? Ano ang kahulugan ng manatili? Ano ang kabuluhan ng pagpapalang ito? Sa katayuan, parang hindi sila kagaya ng mga hinirang ng Diyos; parang iba sila. Ngunit sa katunayan, hindi ba kagaya ng sa mga hinirang ng Diyos ang tinatamasa nila sa buhay na ito? Kahit paano, magkapareho iyon sa buhay na ito. Hindi ninyo ito ikinakaila, hindi ba? Mga pagbigkas ng Diyos, biyaya ng Diyos, panustos ng Diyos, mga pagpapala ng Diyos—sino ang hindi nagtatamasa ng mga bagay na ito? Lahat ay nagtatamasa ng gayong kasaganaan. Ang identidad ng isang tagasilbi ay isang taong nagsisilbi, ngunit para sa Diyos, isa lamang sila sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha; kaya lamang ang papel nila ay tagasilbi. Dahil kapwa sila mga nilalang ng Diyos, may pagkakaiba ba sa pagitan ng isang tagasilbi at ng isa sa mga hinirang ng Diyos? Sa totoo lang, wala. Kung tutuusin, may pagkakaiba; sa diwa at sa papel na ginagampanan nila, may pagkakaiba—ngunit patas ang pagtrato ng Diyos sa grupo ng mga taong ito. Kaya bakit inilalarawan ang mga taong ito bilang mga tagasilbi? Kailangan ninyong magkaroon ng kaunting pagkaunawa rito! Ang mga tagasilbi ay nagmumula sa mga hindi mananampalataya. Kapag binanggit natin na sila ay nagmumula sa mga hindi mananampalataya, malinaw na iisa ang masamang pinagmulan nila: Mga ateista silang lahat, at ganoon din sila noong araw; hindi sila naniwala sa Diyos, at galit sila sa Kanya, sa katotohanan, at sa lahat ng positibong bagay. Hindi sila naniwala sa Diyos o sa Kanyang pag-iral. Sa gayon, kaya ba nilang unawain ang mga salita ng Diyos? Makatarungang sabihin na kahit paano, hindi. Tulad lamang ng mga hayop na hindi kayang unawain ang mga salita ng tao, hindi nauunawaan ng mga tagasilbi ang sinasabi ng Diyos, ang Kanyang kinakailangan, o bakit Niya hinihingi ang gayong mga bagay. Hindi nila nauunawaan; hindi nila maintindihan ang mga bagay na ito, at nananatili silang nalalabuan. Dahil dito, hindi taglay ng mga taong ito ang buhay na ating napag-usapan. Kung walang buhay, mauunawaan ba ng mga tao ang katotohanan? Nasasangkapan ba sila ng katotohanan? May karanasan at kaalaman ba sila tungkol sa mga salita ng Diyos? (Wala.) Gayon ang mga pinagmulan ng mga tagasilbi.

— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Ang “mga tagapagsilbi” ba ay isang paraan ng pagtawag ng Diyos na nagdidiskrimina sa mga tao? Sadya ba Niyang ginamit ang katawagang ito para hamakin ang mga tao o para ilantad ang mga tao at subukin sila? (Hindi.) Kaya, nais kaya ng Diyos na gamitin ang titulong ito para ipaunawa sa mga tao kung ano sila talaga? May pahiwatig man lamang ba ang Diyos ng layuning ito? Ang totoo, walang gayong layunin ang Diyos. Hindi Niya nilalayon na ilantad ang mga tao o hamakin sila o magsalita nang masakit tungkol sa kanila, ni hindi Niya nilalayon na gamitin ang katagang ito para subukin ang mga tao. Ang tanging kahulugan nito ay ito: Nagsimula at tinukoy ng Diyos ang titulong ito batay sa pag-uugali at diwa ng sangkatauhan, gayundin sa mga papel na ginagampanan ng mga tao sa yugtong ito ng Kanyang gawain, kung ano ang kaya nilang gawin, at kung paano sila maaaring makipagtulungan. Sa pagtingin dito mula sa kahulugang ito, ang bawat miyembro ng sambahayan ng Diyos ay nagsisilbi para sa plano ng pamamahala ng Diyos at dati nang nagampanan ang ganitong klaseng papel. Masasabi ba iyon sa ganitong paraan? (Oo.) Siyempre naman! Ayaw ng Diyos na gamitin ang katawagang ito para atakihin ang pagiging positibo ng sinuman o subukin ang iyong pananampalataya o iyong tunay na paniniwala sa Diyos, lalong hindi para hamakin ka, gawin kang mas mabait, gawin kang mas masunurin, o ipabatid sa iyo ang iyong pagkakakilanlan at katayuan; lalo nang wala Siyang anumang layuning gamitin ang titulong “mga tagapagsilbi” para pagkaitan ang mga tao ng kanilang karapatang tuparin ang kanilang mga tungkulin bilang mga pakay ng paglikha. Ang titulong ito ay ganap na resulta ng mga kalagayan at diwa ng mga tao, at ang uri ng kondisyong kinalalagyan nila sa pamamagitan ng proseso ng gawain ng Diyos habang sumusunod sila sa Diyos. Samakatuwid, ang katawagang ito ay ganap na walang kinalaman sa kung ano ang uri ng pagkakakilanlan, katayuan, posisyon, o hantungan ng mga tao pagkatapos ng gawain ng pamamahala ng Diyos. Ang pinagsimulan ng titulong ito ay lubos na batay sa mga hinihingi ng plano ng pamamahala ng Diyos at ng Kanyang gawain ng pamamahala, at ito ay isang uri ng kondisyong kinalalagyan ng mga tao habang patuloy ang gawaing iyon. Patungkol naman sa kung ang kondisyong ito—kung saan ang isang tao ay isang tagapagsilbing naglilingkod sa sambahayan ng Diyos at ginagamit na parang makina—ay magpapatuloy hanggang wakas o maaari pang mapabuti habang tumatagal, depende iyan sa hinahangad na matamo ng isang tao. Kung hinahangad ng isang tao na matamo ang katotohanan, kaya niyang magkamit ng pagbabago sa kanyang disposisyon, at magagawa niyang gumalang at magpasakop sa Diyos, lubos nang natanggal sa taong iyon ang titulong “tagapagsilbi.” Matapos matanggal ang titulong iyon, ano ang nangyayari sa mga tao? Sila ay nagiging mga tunay na alagad ng Diyos, Kanyang mga tao, mga tao ng kaharian—ibig sabihin, mga tao sa kaharian ng Diyos. Kung, sa prosesong ito, nasisiyahan ka nang magsakripisyo, magdusa, at magsikap, ngunit hindi mo hinahanap ang katotohanan o isinasagawa ito, at kung hindi nagbabago ang iyong disposisyon kahit katiting at hindi ka kumikilos alinsunod sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos sa anumang ginagawa mo, at sa huli ay hindi mo nagagawang magpasakop sa Diyos at gumalang sa Kanya, ang katawagang ito na “tagapagsilbi”—ang “koronang ito ng malaking karangalan”—ay mananatiling nakapatong sa ulo mo, at hindi mo ito maaalis magpakailanman. Kung nasa ganitong uri ka pa rin ng kalagayan kapag natapos na ang gawain ng Diyos, at hindi pa rin nagbabago ang iyong disposisyon, hindi ka magkakaroon ng anumang bahagi sa titulong “mga tao ng kaharian ng Diyos.” Paano maiintindihan ang mga salitang ito? Nauunawaan ba ninyo o hindi? Sa sandaling matapos ang gawain ng Diyos, ibig sabihin, kapag nailigtas na ang lahat ng ililigtas Niya, kapag natapos na ang gawaing ginagawa ng Diyos; kapag hindi na Siya nagsasalita o gumagabay sa mga tao o gumagawa ng anumang iba pang gawain ng pagliligtas sa mga tao, kapag nagawa na ang lahat, at sa sandaling iyon, tinapos na ang gawain ng Diyos, sabihin mo sa Akin, ibig sabihin ba niyan ay matatapos na rin ang landas ng pananampalataya sa Diyos na tinatahak ng lahat? May isang linyang nagsasaad na, “Ang liko, ay magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa” (Pahayag 22:11). Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Ang ibig sabihin nito ay na sa sandaling sabihin ng Diyos na tapos na ang Kanyang gawain, nangangahulugan iyon na hindi na Siya gagawa ng anumang iba pang gawain ng pagliligtas sa mga tao, o ng pagkastigo o paghatol sa mga tao; hindi ka na rin Niya bibigyang-liwanag, gagabayan, o sasabihan ng maiingat na salita ng pagpapayo, o ng mga salitang nagpupungos at nagwawasto sa iyo. Hindi na Niya gagawin ang mga bagay na ito. Ano ang ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin niyan ay naihayag na ang mga kahihinatnan ng lahat ng bagay, at natapos na ang wakas ng sangkatauhan. Hindi ito mababago ng sinumang tao; mawawalan ka na ng mga pagkakataon. Iyan ang ibig sabihin nito.

Hinango mula sa “Ginagawa Lamang Nila ang Kanilang Tungkulin upang Maitangi ang Kanilang mga Sarili at Magatungan ang Kanilang Sariling Mga Kapakanan at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Kapakanan ng Bahay ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa ang mga Kapakanang Iyon Kapalit ng Personal na Kaluwalhatian (IX)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Iresponsable ang ilang tao sa pagganap sa kanilang tungkulin. Kaya nilang makilala ang isang problema, ngunit bagama’t nadarama nila ito sa kanilang puso, hindi nila gustong mapasama ang loob ng iba o seryosohin ito. Pakiramdam nila ay malaki itong abala—nakukuntento sila sa “sapat na iyan,” pagkatapos ay hindi na nila papansinin pa ang bagay na iyon. Nararapat ba ito? Kung gagampanan mo ang iyong tungkulin, dapat na handa kang managot. Bakit mo tatanggihan na seryosohin ang mga bagay? Hindi ba ito isang kapabayaan sa tungkulin? … Ang inyong saloobin patungkol sa inyong tungkulin ay, “Titingnan ko kung may magagawa akong gaano man kaliit, kung ano ang makakaya kong mairaos; nagpapatayong-tayong ka, walang pakialam sa kung gaano katagal na pagkaantala ang idinudulot mo.” Ngunit kung taimtim ninyong itinuring ang mga bagay, mabilis sana ninyong matatapos ang mga ito. May ilang mga bagay na hindi ninyo alam kung paano gawin, kaya’t binibigyan ko kayo ng mga tiyak na tagubilin. Hindi ninyo kailangang mag-isip, kailangan lamang ninyong makinig at ipagpatuloy ito—ngunit kahit iyan ay lampas sa inyo. Nasaan ang inyong katapatan? Hindi ito makita kahit saan! Hanggang salita lamang kayo at walang puso. Kahit nakauunawa ang inyong mga puso mo, wala kayong ginagawa. Isang tao ito na hindi nagmamahal sa katotohanan! Kung nagagawa ninyong makita ito ng inyong mga mata at nararamdaman ito sa inyong puso, ngunit wala pa ring ginagawa, kung gayon ay bakit pa may puso? Hindi pinamamahalaan ng maliit na piraso ng iyong budhi ang mga kilos mo, hindi nito pinangangasiwaan ang iyong mga saloobin—kaya anong silbi nito? Wala itong halaga; palamuti lamang ito. Tunay na kalunos-lunos ang pananampalataya ng tao! At ano ang kalunos-lunos tungkol dito? Kahit nauunawaan niya ang katotohanan, hindi niya ito isinasagawa. Kahit lubusang nauunawaan niya ang suliranin, hindi niya inaako ang pananagutan para rito; alam niyang ito ay kanyang pananagutan, ngunit hindi niya ito isinasapuso. Kung hindi mo aakuin ang mga pananagutang abot-kamay mo, ano ang halaga ng mga yaong kakaunting pananagutang isinasagawa mo? Anong bisa mayroon sila? Gumagawa ka lamang ng isang pagsisikap na walang gaanong katuturan, nagsasabi ng mga bagay para lamang may masabi. Hindi mo ito isinasapuso, lalong hindi pinag-uukulan ng lahat mong sigla. Hindi ito pagganap sa iyong tungkulin sa abot ng isang katanggap-tanggap na pamantayan, walang katapatang naisasangkot; namumuhay ka lamang sa pawis ng iyong pagsusumikap, nakararaos bilang isang tagasunod ng Diyos. May anumang kabuluhan ba sa pananampalatayang tulad nito? Napakahamak ng ganyang pananampalataya—ano ang halaga nito? Kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, may halagang dapat kang bayaran. Dapat mo itong taimtim na ituring. Ano ang ibig sabihin ng taimtim itong ituring? Ang taimtim na pagtuturing ay hindi nangangahulugan ng pagbibigay ng kaunting pagsisikap o pagdaranas ng kaunting pisikal na pagpapahirap. Ang mahalaga ay may Diyos sa iyong puso, at isang pasanin. Sa iyong puso, dapat mong timbangin ang kahalagahan ng iyong tungkulin, at pagkaraan ay pasanin ang bigat at pananagutang ito sa lahat ng ginagawa mo at isapuso ito. Dapat mong gawing karapat-dapat ang iyong sarili sa misyon na ibinigay sa iyo ng Diyos, gayundin sa lahat ng nagawa ng Diyos para sa iyo, at sa Kanyang mga inaasam para sa iyo. Tanging sa paggawa niyon ang magiging taimtim na pagtuturing. Walang silbi ang paggawa ng mga bagay-bagay nang walang kahirap-hirap; maaari mong mapaglalangan ang mga tao, ngunit hindi mo malilinlang ang Diyos. Kung walang tunay na kabayaran at walang katapatan kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, kung gayon ay hindi ito umaabot sa pamantayan. Kung hindi mo taimtim na itinuring ang iyong pananampalataya sa Diyos at pagganap sa iyong tungkulin; kung palagi kang kumikilos nang walang pagsisikap at walang interes sa iyong mga kilos, tulad sa isang hindi naniniwala na gumagawa para sa kanilang amo; kung gumagawa ka lamang ng isang walang-katuturang pagsisikap, umaangkop kahit paano nang walang gaanong pagpaplano o pagsisikap sa bawat araw na dumarating, hindi pinapansin ang mga suliranin kapag nakikita mo ang mga ito, nakikita ang isang ligwak at hindi ito nililinis, at walang patumanggang iwinawaksi ang lahat-lahat na hindi na mapakikinabangan—hindi ba ito kaguluhan? Paanong magiging kasapi ng sambahayan ng Diyos ang isang tao na katulad nito? Mga tagalabas ang gayong mga tao; hindi sila nabibilang sa tahanan ng Diyos. Sa puso mo, malinaw sa iyo ang tungkol sa kung ikaw by nagiging tunay, nagiging taimtim, kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at ang Diyos man ay nagtatala. Kaya, taimtim ba ninyong itinuring ang pagganap ng inyong tungkulin? Isinapuso na ba ninyo ito? Itinuring mo na ba ito bilang iyong pananagutan, iyong pasanin? Inari mo na ba ito? Nagsalita ka ba noong natuklasan mo ang isang suliranin habang ginagampanan ang iyong tungkulin? Kung hindi ka pa kailanman nagsalita pagkaraang matuklasan o naisip man lang ang isang suliranin, kung ayaw mong magbaling ng pansin sa ganitong mga bagay, at iniisip na higit na mabuting maging malayo sa kaguluhan—kung iyan ang prinsipyong dinadala mo patungkol sa mga ito, kung gayon ay hindi mo ginagampanan ang iyong tungkulin; namumuhay ka sa pawis ng iyong pagsisikap, ginagawa mo ang pagsisilbi. Hindi nabibilang sa tahanan ng Diyos ang mga tagapagsilbi. Sila ay mga kawani; pagkaraang tapusin ang kanilang gawain, kinukuha nila ang kanilang salapi at lumilisan, tungo sa kani-kaniyang daan at nagiging banyaga sa isa’t isa. Iyan ang kanilang ugnayan sa tahanan ng Diyos. Naiiba ang mga kasapi ng tahanan ng Diyos: Pinaghihirapan nila ang lahat-lahat sa tahanan ng Diyos, inaako nila ang pananagutan, nakikita ng kanilang mga mata ang mga kailangang gawin sa tahanan ng Diyos at pinananatili ang mga gawaing ito sa kanilang isip, natatandaan nila ang lahat-lahat na kanilang naiisip at nakikita, may pasanin sila, may pakiramdam sila ng pananagutan—ito ang mga kasapi ng tahanan ng Diyos. Naabot na ba ninyo ang puntong ito? (Hindi.) Kung gayon ay malayo pa ang inyong lalakbayin, kaya dapat ninyong ipagpatuloy ang pagtugis! Kung hindi mo ipinalalagay ang iyong sarili na isang kasapi ng tahanan ng Diyos at tinatanggal ang iyong sarili, kung gayon ay paano ka titingnan ng Diyos? Hindi ka itinuturing ng Diyos na isang tagalabas; ikaw ang naglalagay sa iyong sarili sa kabila ng Kanyang pinto. Kaya, sa tahasang pananalita, ano uri ka talagang tao? Wala ka sa Kanyang tahanan. May anumang kinalaman ba ito sa kung anong sinasabi o tinutukoy ng Diyos? Ikaw ang naglalagay sa iyong layunin at katayuan sa labas ng tahanan ng Diyos—sino pa ang maaaring sisihin?

Hinango mula sa “Ang Kinakailangan sa Pagganap ng Tungkulin Nang Mabuti, Kahit Papaano, ay Konsensiya” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Sa ngayon, karamihan sa mga tao (ibig sabihin, lahat maliban sa mga panganay na anak) ay nasa kalagayang ito. Napakalinaw Ko nang itinuro ang mga bagay na ito ngunit walang kibo ang mga taong ito at pinahahalagahan pa rin nila ang mga makalaman nilang kasiyahan. Kumakain sila at natutulog pagkatapos; natutulog sila at kumakain pagkatapos. Hindi nila pinagninilayan ang Aking mga salita. Mapasigla man sila, ito ay panandalian lamang; pagkatapos, gaya pa rin sila ng dati, ganap na hindi nabago, na para bang ni hindi sila nakinig sa Akin. Ang mga ito ang karaniwang walang-silbing mga tao na walang mga pasanin; sila ang pinakahalatang manghuhuthot. Kalaunan, tatalikdan Ko sila isa-isa; huwag mag-alala! Isa-isa Ko silang pababalikin sa walang-hanggang kalaliman. Hindi kailanman gumawa ang Banal na Espiritu sa ganitong uri ng tao, at lahat ng ginagawa nila ay mula sa mga kaloob na natanggap nila. Kapag sinasabi Kong mga kaloob, ang ibig Kong sabihin ay na ang mga ito ay mga taong walang buhay, na Aking mga tagapagsilbi; hindi Ko gusto ang sinuman sa kanila at aalisin Ko sila (nguni’t sa ngayon, medyo may gamit pa rin sila). Kayong mga tagapagsilbi, makinig kayo! Huwag mong isipin na ang paggamit Ko sa iyo ay nangangahulugan na pinapaboran Kita; hindi ito ganoon kasimple. Kung gusto mong paboran Kita, dapat kang maging isang taong sinasang-ayunan Ko at dapat kang maging isa na personal Kong pineperpekto. Ito ang uri ng tao na Aking minamahal. Kahit na sabihin pa ng mga taong nagkamali Ako, hindi Ako kailanman uurong. Alam ba ninyo ito? Yaong mga naglilingkod ay mga baka at mga kabayo lamang; paano sila magiging Aking mga panganay na anak? Hindi ba iyan magiging kalokohan? Hindi ba iyan magiging paglabag sa mga batas ng kalikasan? Sinumang nagtataglay ng Aking buhay at ng Aking katangian, sila ang Aking mga panganay na anak. Ito ay isang makatwirang bagay; walang makapagpapasubali rito. Dapat maging ganoon; kung hindi, walang sinumang makagaganap ng papel na ito, at walang sinumang makahahalili rito. Hindi ito isang bagay na ginagawa mula sa emosyon, dahil Ako ang matuwid na Diyos Mismo; Ako ang banal na Diyos Mismo. Ako ang maringal at di-naaagrabyadong Diyos Mismo!

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 102

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.