Kapag nakikipag-ugnayan ako sa mga kaibigan at pamilya at nakakatagpo ng isang sitwasyon na nakakairita sa akin, may posibilidad na magalit ako nang sobra at malantad ang pagkamainitin ng ulo. Medyo nalulungkot ako tungkol dito. Gusto kong itanong, “Paano dapat makipag-ugnayan ang isang tao sa iba at isabuhay ang isang normal na pagkatao?”

Enero 27, 2022

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Hindi alintana kung magalit man ang isang tao sa harapan ng iba o sa kanilang likuran, ang lahat ay may iba’t ibang intensyon at dahilan sa kanilang galit. Marahil ay pinagaganda nila ang kanilang reputasyon, o maaaring ipinagtatanggol nila ang kanilang pansariling mga kagustuhan, pinananatili ang kanilang imahe o pinangangalagaan ang kanilang dangal. May ilang nagpipigil ng kanilang galit, samantalang ang iba naman ay mas walang hinahon at hinahayaang sumiklab ang kanilang matinding galit sa tuwing nais nila nang walang kahit katiting na pagpipigil. Sa madaling salita, ang galit ng tao ay nagmumula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ano man ang layunin nito, nagmumula ito sa laman at sa kalikasan; wala itong kinalaman sa katarungan o kawalang-katarungan sapagkat walang anuman sa kalikasan at diwa ng tao ang tumutugma sa katotohanan. Samakatuwid, ang lagay ng kalooban ng tiwaling sangkatauhan at ang poot ng Diyos ay hindi dapat banggitin sa parehong sukatan. Walang pagtatanging ang asal ng isang tao na ginawang tiwali ni Satanas ay nagsisimula sa pagnanais na pangalagaan ang katiwalian, at ito nga ay batay sa katiwalian; ito ang dahilan kung bakit ang galit ng tao ay hindi maaaring banggitin kasabay ng poot ng Diyos, kahit gaano man katama ang galit ng tao sa teorya.

— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Sa sandaling magkaroon ng katayuan ang isang tao, madalas ay mahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya’t masisiyahan siyang samantalahin ang mga pagkakataon upang ipahayag ang kanyang pagkayamot at ilabas ang kanyang mga nadarama; madalas siyang magpupuyos sa matinding galit nang walang malinaw na dahilan, nang sa gayon ay maihayag ang kanyang kakayahan at maipaalam sa ibang tao na ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan ay iba roon sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga tiwaling tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang mga pansariling kapakanan. Upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at dignidad, madalas na nailalabas ng tiwaling sangkatauhan ang kanilang mga nararamdaman at naibubunyag ang kanilang mapagmataas na kalikasan. Ang tao ay magpupuyos sa galit at ilalabas ang kanyang mga nadarama upang maipagtanggol at mapagtibay ang pag-iral ng kasalanan, at ang mga pagkilos na ito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ng tao ang kanyang pagkayamot; puno ang mga ito ng karumihan, ng mga pakana at mga intriga, ng katiwalian at kasamaan ng tao; at higit sa lahat, puno ang mga ito ng mga matayog na mithiin at pagnanasa ng tao. Kapag nakipagsagupaan ang katarungan sa kasamaan, hindi sisiklab ang galit ng tao upang ipagtanggol ang pag-iral ng katarungan o upang pagtibayin ito; bagkus, kapag ang mga puwersa ng katarungan ay nanganganib, inuusig at inaatake, ang ginagawa ng tao ay ang di-pagpansin, pag-iwas o paglayo. Subalit, kapag humaharap naman sa mga puwersa ng kasamaan, ang ginagawa ng tao ay ang pagpapaunlak, at labis na pagyuko. Samakatuwid, ang pagbubulalas ng tao ay isang pagtakas para sa mga puwersa ng kasamaan, isang pagpapahayag ng talamak at hindi mapigilang masamang ugali ng taong makalaman.

— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Kung maniniwala at iibigin ng mga tao ang Diyos, dapat silang magbayad ng halaga. Sa halip na subukang kumilos sa isang paraan sa panlabas, dapat silang maghanap ng tunay na kabatiran sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Kung masigasig ka sa pag-awit at pagsayaw, ngunit hindi kayang isagawa ang katotohanan, masasabi bang iniibig mo ang Diyos? Ang pag-ibig sa Diyos ay nangangailangan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay, at na malalim kang magsiyasat kapag may anumang nangyayari sa iyo, sinusubukang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at sinusubukang makita kung ano ang kalooban ng Diyos sa bagay na ito, kung ano ang nais Niyang makamit mo, at kung paano mo dapat isaisip ang Kanyang kalooban. Halimbawa: May nangyari na kinakailangan kang magtiis ng hirap, kung kailan dapat mong maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos at kung paano mo dapat isaisip ang Kanyang kalooban. Hindi mo dapat bigyang-kasiyahan ang iyong sarili: Isantabi mo muna ang iyong sarili. Wala nang mas kasuklam-suklam pa kaysa sa laman. Kailangan mong sikapin na mabigyan-kasiyahan ang Diyos, at dapat mong tuparin ang iyong tungkulin. Dahil sa gayong mga kaisipan, dadalhan ka ng Diyos ng natatanging kaliwanagan sa bagay na ito, at makakahanap din ng kaginhawahan ang puso mo. Maliit man o malaki, kapag may nangyayari sa iyo, dapat mo munang isantabi ang iyong sarili at ituring ang laman bilang ang pinakamababa sa lahat ng bagay. Habang mas binibigyang-kasiyahan mo ang laman, mas kumikilos ito nang walang permiso; kung bibigyang-kasiyahan mo ito ngayon, higit pa ang hihingin nito sa susunod. Habang nagpapatuloy ito, lalo pang napapamahal sa mga tao ang laman. Ang laman ay laging mayroong maluluhong pagnanasa, palagi nitong hinihingi sa iyo na bigyan ito ng kasiyahan at palugurin ito sa kalooban mo, maging ito man ay sa mga bagay na iyong kinakain, iyong sinusuot, o sa pag-init ng ulo mo, o pagpapabuyo sa mga sarili mong kahinaan at katamaran…. Habang lalo mong binibigyang-kasiyahan ang laman, mas tumitindi ang mga pagnanasa nito, at mas nagiging mapagpasasa ang laman, hanggang umabot sa puntong ang laman ng mga tao ay nagkikimkim na ng mas malalalim pang mga kuru-kuro, at sumusuway sa Diyos, at dinadakila ang sarili nito, at nagiging mapagduda sa gawain ng Diyos. Habang lalo mong binibigyang-kasiyahan ang laman, mas tumitindi ang mga kahinaan ng laman; palagi mong mararamdaman na walang sinumang nakikisimpatiya sa iyong mga kahinaan, lagi kang maniniwalang sumusobra na ang Diyos, at sasabihin mong: “Paano ba naging sobrang malupit ang Diyos? Bakit hindi Niya lubayan ang mga tao?” Kapag binibigyang-kasiyahan ng mga tao ang laman at labis itong minamahal, sinisira nila ang kanilang sarili. Kung tunay mong iniibig ang Diyos at hindi mo binibigyang-kasiyahan ang laman, makikita mo na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay napakawasto at napakabuti, at na ang Kanyang sumpa sa iyong paghihimagsik at hatol sa iyong di-pagkamatuwid ay naaangkop. Magkakaroon ng mga panahon na ikaw ay itinutuwid at dinidisiplina ng Diyos, at bumubuo ng kapaligiran para magtimpi ka, pipilit sa iyo na lumapit sa harap Niya—at lagi mong mararamdamang ang ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga. Kaya mararamdaman mong parang hindi masyadong masakit, at na ang Diyos ay talagang kaibig-ibig. Kung magpapabuyo ka sa mga kahinaan ng laman at sasabihing sumusobra na ang Diyos, lagi kang makararamdam na nasasaktan ka, at palagi kang malulumbay, at magiging malabo sa iyo ang lahat ng gawain ng Diyos, at magmumukhang hindi man lang nakikiramay ang Diyos sa mga kahinaan ng tao at hindi batid ang mga paghihirap ng tao. At sa gayon, palagi kang makakaramdam ng kalungkutan at pag-iisa, na para bang nagdusa ka ng malaking kawalan ng katarungan, at sa oras na ito ay magsisimula kang magreklamo. Habang lalo kang nagpapabuyo sa mga kahinaan ng laman sa ganitong paraan, lalo mong mararamdaman na sumusobra na ang Diyos, hanggang sa lumala ito at iyo nang itanggi ang gawain ng Diyos, at magsimulang sumalungat sa Diyos, at maging puno ng pagsuway. … Kung makakapagkamit ka ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano ang iyong magiging katapusan sa huli, ay nakasalalay sa kung paano mo isinasagawa ang iyong paghihimagsik laban sa laman. Iniligtas ka ng Diyos, at ikaw ay pinili at itinalaga, ngunit kung ngayon ay ayaw mo Siyang bigyang-kasiyahan, ayaw mong isagawa ang katotohanan, ayaw mong maghimagsik laban sa iyong sariling laman nang may pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, sa bandang huli ay ipapahamak mo ang iyong sarili, at sa gayon ay magtitiis ng matinding sakit. Kung lagi kang nagpapabuyo sa laman, dahan-dahan kang lulunukin ni Satanas, at iiwan kang walang buhay, o haplos ng Espiritu, hanggang dumating ang araw na ganap nang madilim ang kalooban mo. Kapag nabubuhay ka sa kadiliman, nabihag ka na ni Satanas, hindi mo na taglay ang Diyos sa puso mo, at sa panahong iyon ay pabubulaanan mo ang pag-iral ng Diyos at iiwanan Siya. Kaya, kung nais ng mga taong ibigin ang Diyos, dapat silang magbayad ng sakit at magtiis ng paghihirap. Hindi na kailangan ang panlabas na pagkataimtim at paghihirap, higit na pagbabasa at dagdag na pagiging abala; sa halip, dapat nilang isantabi ang mga bagay na nasa kanilang kalooban: ang maluluhong kaisipan, mga personal na interes, at ang sarili nilang mga konsiderasyon, mga kuru-kuro at mga layunin. Iyon ang kalooban ng Diyos.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman